You are on page 1of 1

Clarence Carlo L.

Araja Pagsasaling Wika


IE2-1

Paunang Pagtataya

Pagdating sa pagsasalin ng isang pahayag mula Ingles patungong Filipino, may


mga ilang bagay na dapat nating isaalang-alang upang masiguro natin na angkop an
gating pagsasalin. Bago tayo magsalin, mahalaga na basahin muna natin ang akda o kahit
anumang teksto na ating isasalin dahil hindi natin maisasalin ang isang teksto kung hindi
natin ito intindi. Isa sa mga dapat nating isaalang-alang at tandaan ay ang wika ay
nakaugat sa kultura ng mga taong gumagamit nito kaya dapat tayong maging maingat sa
pagsasalin upang maiwasan natin pagbibigay ng maling kahulugan sa kultura ng ibang tao.
Dapat din nating isaalang-alang ang uri ng Filipino na ating gagamitin sa pagsasalin dahil
kailangan nating gumamit ng Filipino na maiintindihan ng kasalukuyang henerasyon subalit
kailangan pa rin nating maging pormal. Pagdating sa mga sitwasyon kung saan may isang
Ingles na salita na wala tayong maitumbas sa wikang Filipino, mainam na humanap tayo
ng alternatibong paraan kung paano natin ito isasalin tulad ng pag-alam ng sinonimo ng
salita, pagbaybay ng salitang isasalin ayon sa palabaybayan o kaya nama’y alamin ang
salitang katumbas nito sa kastila nang sa gayon ay mapadali itong hiramin.

You might also like