You are on page 1of 14

QUIRINO STATE UNIVERSITY

DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
MODYUL III
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA
PILIPINO

KAKAYAHAN:
1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t
ibang antas at larangan.

2. Makapagdokumento ng mga gawaing pangkomunikasyon ng mga

Pilipino na nagpapaunlad sa wikang Filipino

3. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong

pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.

PAGTALAKAY:

TSISMISAN O PAGSAGAP NG ALIMUOM

Ang salitang tsismis ay may negatibong implikasyon sa taong

gumagawa nito at maging sa taong paksa ng tsismis. Ang
tsismis ay tumatalakay sa isang akto ng pagsisinungaling, pag-imbento ng
kwento, pagmamalabis, bagamat kung minsan ay may halong katotohanan.

Tsismis laban sa Katotohanan

Ayon sa maraming pagtataya, itinuturing na isa sa may
pinakamahabang oras na inilalaan sa paggamit ng internet sa buong mundo.
Facebook ang nangungunang social media platform na pinangatlohan ng
Youtube at panglima ang twitter. Google at Yahoo ang nasa ikalawa at ikatlong
ranggo.

Legal na Aksyon at mga Patakaran na kaugnay ng Tsismis

Kinikilala ng ating Kodigo Sibil ang karapatan ng bawat isa na
maproteksyunan ang kanyang dignidad, personalidad, pribadong pamumuhay
at kapayapaan ng isip.
Artikulo 26 na ang mga sumusunod na makakatulad na akto, bagamat
hindi maituturing na krimen ay maaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon
(cause of action) para sa mga danyos, pagtutol at iba pang kaluwagan;

1. panunubok sa pribadong buhay ng iba;

2. panghihimasok o pangiistorbo sa pribadong buhay o ugnayang
pamilya ng iba;
3. pag-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iniiwasan
ng kanyang mga kaibigan;
4. pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang
pangrelihiyon, mababang antas ng pamumuhay, lugar ng
kapanganakan, pisikal na depekto at iba pang personal na kondisyon.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement

Sa Kodigo Pinal ng Pilipinas, ang tsismis ay maari ring maiyuturing na

krimen lalong higit kung malampasan ng isang indibidwal ang limitasyon ng
kanyang kalayaan na makapagpapahayag at mauwi ito sa paninirang puri na
maaring makapagpahamak sa paksa ng kanyang mga pahayag, pasalita man o
pasulat.

Ayon sa Artikulo 353, ang libelo ay isang pampubliko at malisyosong mga

paratang sa isang krimen o isang bisyo o depekta, na maaring makatotohanan
o kaya ay haka-haka, o anumang kilos, pagkukulang, kondisyon, katayuan o
kalagayan na nagging dahilan ng kasiraang puri, pangalan o pagpapasala sa
isang likas o huridikal na tao, upang masira ang alaala ng isang namayapa na.
Itinuturing na libelo ang isang akto kung ang mga paninira sa pinaraan sa
pasulat o broadcast na midyum, samantalang oral defamation naman kung
ang gagamitin na midyum ay pasalita.
Ang barangay bilang sangay ng Lokal na pamahalaan ay may karapatan din
na magsabatas ng mga ordinansa na makatutulong sa kanila upang tugunan
ang mga usaping pangkapayapaan na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng kanilang
nasasakupan.

Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura hinggil sa Tsismis

Liam (2016) sa kanyang artikulo na ang tsismis ay isang anyo ng

talumpati kung saan ang kaalaman sa kasanayang superbisyon ay umiinog sa
kontekstong pang-akademiko.
Ayon kina Akyon, Yozgat at Ayas (2015) ang tsismis o tsismisan ay kilala
bilang mga di opisyal na pagpapalitan ng mensahe ng mga manggagawa. ito ay
nabubuo kahit na saan na wala naming pormal na Sistema ng komunikasyon.
Tinatawag itong pangangailangang panlipunan.

Sinuri nina Nwogbaga, Nwanko at Onwa (2015) sa kanilang papel kung

paanong ang tunggalian at krisis ay maiiwasan sa pamamagitan ng pormal na
komunikasyon. Ang kanilang pag-aaral ay ibinatay sa mga usaping
karaniwang kinakaharap ng mga eskwelahan bunga ng impormal na proseso
ng komunikasyon.
Batay sa kinalabasang ng kanilang pag-aaral, kanilang iminumungkahi na
ang impormal na komunikasyon ay hindi naman talaga dapat na isa-isang tabi
lamang; ang kailangan lamang ay magkaroon ng tamang pamantayan kung
paanong ang estratehiyang ito ay magagamit nang wasto sa pamamahala ng
paaralan. Sa kabilang dako higit na makakabuti ang pormal na
komunikasyon.
Ayon kay Ting-Toomey (1979) ang tsismis ay isang proseso ng
komunikasyon kung saan ang impormasyon hinggil sa mga aktibidad ng isang
tao ay inilalantad at pinapaiikot sa ekslusibong paraan sa dalawa o higit pang
tao. Ayon pa sa kanyang pagtalakay, ang social exchange theory ay naglalabas
ng tatlong papel ng tsismis: 1. magbigay ng kaalaman, 2. pagpapataas ng
moral, 3. libangan

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement

Pinaniniwalaan ni Klinghoffer (1994) na ang tsismis ay hindi naman

lantarang mali. Sinabi niya na ang ordinaryong tsismis ay hindi masama.
Sinabi niya na kailangan na tingnan o suriin din ang mga kapana-panabik na
paghahabol (claims).

Iminungkahi nina Guerin at Miyazaki (2006) na ang pangunahing layunin

ng tsismis ay hindi ang pagbibigay ng impormasyon sa mga nakikinig kundi
ang magbigay ng aliw o kuhanin lamang ang atensyon ng mga tagapakinig
upang mapaganda ang ugnayang panlipunan.

UMPUKAN
Tumutukoy sa maliit na pangkat o grupo ng tao na nag-uusap tungkol sa
mga usaping may interes ang bawat kasama sa pangkat o grupo. Maaring ang
pinag-uusapan ay may kabuluhan sa kanilang personal na buhay, sa buhay
ng ibang tao, o kaganapan sa lipunan sa loob man o labas ng bansa.

Impormal ang talakayan sa umpukan sapagkat bawat kasama sa pangkat

ay malayang makapagpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa paksa na pag-
uusapan. Walang tiyak na direksyon at wala ring totoong pinuno sa loob ng
mga pagtalakay.

TALAKAYAN
Tumutukoy ito sa proseso ng pag-uusap o pagpapalitan ng ideya para sa
isang nararapat o mahalagang desisyon. Higit itong pormal kung ihahalintulad
sa komunikasyong nagaganap sa umpulan sapagkat mayroong nakatalagang
tagapangasiwa sa daloy ng komunikasyon sa talakayan na hindi makikita sa
proseso ng komunikasyon sa umpukan.

Tatlong Dimensyon

• Nilalaman
• Proseso
• Kasangkot

Sa kabilang dako, ang tagumpay sa talakayan katulad ng anumang sining

ay mahirap bigyan ng tiyak na pagpapakahulugan, bagamat may mga
mangilan-ngilang katangiang ng mabuting pagtalakay ang isinaad sa
www.speaking.pitt.edu/instructor/classdiscussions.html katulad ng mga
sumusunod;
1. Aksesibilidad. Pagiging komportable ng mga mag-aaral sa kanilang
partisipasyon sa talakayan sa punto na walang pangamba na
nangingibabaw sa kanilang mga pagpapahayag.
2. Hindi palaban. May mga pagkakataon na nagiging mainit ang talakayan
subalit hindi dapat dumating sa punto na nawawalan ng magalang na
tono paraan ng pagpapahayag ng bawat kasali sa talakayan; mainit ang
pagtalakay subalit nananatili ang paggalang.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
3. Baryasyon ng ideya. Mahalaga ang ang baryasyon o ang pagkakaiba-iba
ng pananaw ng mga pahayag upang matamo ang higit na malalim na
pagtalakay.
4. Kaisahan at pokus. Mahalaga ang papel ng dalubguro o ng
tagapamagitan upang hindi mawala sa punto ng usapin sa kabilang ng
mga baryasyon ng ideya ipinapahayag sa malayang pagtalakay.

Mga katangiang naglalarawan sa Hindi magandang talakayan

 Limitado o bilang lamang ang mga mag-aaral na nakikibahagi sa
talakayan;
 Kung inuulit lamang ng mag-aaral ang sinasabi ng dalubguro dahilan
kung bakit hindi natamo ang baryasyon ng ideya ng mga kasali sa
talakayan.
 Kung ang maraming ideya na ibinibigay ng mga mag-aaral ay hindi
napag-iisa ng tagapamagitan dahilan kung bakit lumalayo ang punto ng
talakay sa totoong pokus ng talakayan.

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Pinaniniwalaan ng mga edukador ng Araling Panlipunan ang mahalagang
papel na ginagampanan ng talakayan bilang metodo ng pagtuturo na
makakatulong sa mga mag-aaral upang magkaroon ng mataas na antas ng
pag-iisip (higher-order thinking) at pang-unawa. Ito ay ikinakabit ang salitang
talakayan sa recitation.
Sa Artikulo ni Wilen (2004) na bagamat parehong epektibo ang talakayan at
ang recitation sa kanilang espisipikong gamit.
Ang talakayan ay higit na angkop at epektibong metodo upang ang isang
mag-aaral ay maging rasyunal at magkaroon ng kakayahang gumawa ng isang
mahalaganng desisyon para kabutihan ng higit na nakararami.

Karaniwang pagkakamali sa konsepto ng talakayan;

1. ang talakayan ay kinabibilangan ng dalubguro na nagbibigay ng

katanungan sa mga mag-aaral.
2. Sapat ang oras na ibinibigay ng mga dalubguro sa kanyang mag-aaral
upang magmuni-muni, bumuo ng tugon at ipahayag ito.
3. Walang kakayahan ang dalubguro na isama sa talakayan ang mga mag-
aaral kung hindi nila nais na magbigay ng kooperasyon.
4. Ang mga dalubguro ay walang kinikilingan sa tuwing hinihikayat nila
ang mga mag-aaral na magbigay ng bahagi sa talakayan.
5. Hindi kaya ng dalubguro na maging obhektibo sa pagbibigay ng puntos
sa kanyang mga mag-aaral kung talakayan ang gagamitin na metodo ng
pagtuturo sa klase.

Ang talakayan ay wikang pampagtuturo na kinabibilangan ng mataas na

antas ng pagtatanong, at mga paglalahad ng dalubguro at mga mag-aaral at
may tugon na manggagaling sa kanilang dalawa upang magamit ang kaalaman
at mapukaw ang kritikal na pag-iisip upang ganap na mapag-ibayo ang pang-

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
unawa sa isyu, suliranin at iba pang nilalaman. Hindi tulad ng recitation, ang
talakayan ay nangangailangan ng higit na mahabang panahon lalo na kung
ang usapin ay nangangailangan ng pokus o pagtugon ng pansin.
Ang talakayan ay nangangailangan ng higit na mataas na mga kognitibong
katanungan buhat sa dalubguro at nangangailangan ito ng sapat na oras ng
paglilimi upang ang mag-aaral ay makabuo ng ideya na maari niyang ibahagi
sa buong klase o mga kamag-aral.
Pinaniniwalaan nina De Costa, Bergquist at Hollebeck (2015) ang
paninniwala ni Ragan (2009) na maraming unibersidad ang nagdisenyo ng
kursong pang-online na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga instroktor na
maging tagapangasiwa kaysa ang maging aktibong bahagi ng silid sa online.
Pinaniwalaan ng tatlo na kailangan din ng isang aktibong kaligiran na
nakatuon sa pagkatuto ng mga mag-aaral upang maiwasan na mawalan ng
halaga ang mga dalubguro at bigyan sila ng inspirasyon na magkaroon ng
mahalagang bahagi sa mag-aaral bilang “gabay, tagapangasiwa, at dalubguro”.

Sa pag-aaral nina Lee at Martin (2017), kanilang sinabi na mahalaga ang

komunikasyon gamit ang media sa kasalukuyang panahon bagamat hamon na
maituturing ang hikayatin ang mga mag-aaral na maging aktibo sa mga
talakayan gamit ang online. Natuklasan rin nila sa kanilang pag-aaral 66 na
edukador sa matematika at agham na pragmatiko o praktikal ang kanilang
pananaw sa talakayang online. 85.88% ang nakikiisa sa talakayan dahil sa
mga panlabas (extrinsic) na salik tulad ng pag-ani ng katanggap-tanggap na
marka para sa partisipasyon. Sa porma ng talakayan, 81% ang mas nais na
ang maliit na pangkat para sa talakayan. Tungkol sa pasilitasyon ng
pagtalakay, higit na malaking bahagdan 67.06 ang pabor sa pagkakaroon ng
instructor kaysa sa paggamit ng online.

PAGBABAHAY-BAHAY

Kinasasangkutan ito ng indibidwal o higit pang maraming indibidwal na

tumutungo sa dalawa o higit pang maraming bahay upang isakatuparan ang
alinman sa kanilang mga layunin katulad ng pangangamusta sa mga kaibigan
o kamag-anak na matagal nang hindi nakita, pagbibigay galang o pugay sa
mga nakakatanda, paghingi ng pabor para sa isang proyekto o solicitacion.
Tradisyong nagpamalas ng mabuting pagpapakilala at pagtanggap ng
mga panauhin na pinatutunayan sa mahalagang okasyon sa buhay nating
mga Pilipino, katulad ng Pasko o araw ng kaluluwa.
Ang Pasko ay nagpapakita ng pagpapahaga g mga Kristiyano sa
pagsilang kay Hesukristo. Bawat bansa ay nagbubunyi sa mahalagang
kaganapang ito, subalit masasabi na ang Plipinas ay katangi-tangi dahil sa
tanda ng pagbubuklod-buklod ng pamilya at mabuting pagtanggap ng
panauhin sa kanilang gawain kaugnay nito. Karaniwang nagbabahay-bahay
ang bawat pamilya upang magmano at magbigay ng pagpapahalaga sa mga
nakakatanda at mga kamag-anak sa kahit na anumang paraan.
Isa pang mahalagang halimbawa nito ay ang pangangaluluwa na
ginagawa sa bisperas ng Araw ng mga Patay. Isinasagawa ito sa pamamagitan

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
ng pagbabahay-bahay na sinasabayan ng pag-awit sa mga tradisyunal na
awiting-bayan kapalit ng kaunting donasyon at dasal para sa namayapa.

PULONG BAYAN
Karaniwang itong isinasagawa bilang isang anyo ng konsultasyon sa mga
mamamayan o particular na pangkat upang tugunan o paghandaan ang isang
napakahalagang usapin. Pinangungunahan ng lider ang pagtalakay sa isang
usapin na may kaakibat na pagkapormal ang mga pagtalakay na nakapokus
lamang sa paksa na inihanda sa espisipikong Gawain na ito.

Sa Saligang Batas ng 1987 na ang kapangyarihan lehislatibo ay iginawad sa

Mataas (Senado) at Mababang Kapulungan (House of representatives) ng
Pilipinas 24 senador at 250 Kongresista, maliban kung may ibang itinatadhana
ang batas, dalawampung bahagi nito ay mga kinatawan ng Party-list.

Proseso sa Pagbuo ng Batas

Tungkulin ng Kongreso sa pagbuo ng batas ay ang pagtiyak na
mapahahalagahan ang Saligang Batas ng Pilipinas sa bawat Isasagawang
pagtalakay.
Dalawang pangunahing dokumento ang nararapat na ilabas ng kongreso sa
proseso ng pagbuo ng batas;
1. Panukalang batas (bills)
2. Resolusyon (resolutions)

Bago maging batas ang batas kinakailangan muna nitong dumaan sa

prosesong pagpapanukala o bill. Mahalaga sa pagbuo nito ang pagsang-ayon
ng mga ss.;
1. Mababang Kapulungan (House of Representative)
2. Mataas na Kapulungan (Senado)
3. at ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Ang diskresyon ang Pangulo ng Pilipinas na di sang-ayunan ang mga
panukala na ang parehong Mataas at Mababang Kapulungan ay tinatawag na
kapangyarihang veto (veto power). Kung walang gagawing pagkilos ang
pangulo sa mga panukalang batas na nangangailangan ng kanyang lagda, ang
mga nasabing panukalang batas ay awtomatikong magiging batas.
Sa kabilang dako, ang kapangyarihan na ito ng Pangulo ay maaring
kontrahin ng mga Kapulungan sa pamamagitan ng 2/3 na boto buhat sa
kanilang mga kasapi o miyembro.

Tiyak na Proseso sa Pagbuo ng Batas ng Pilipinas

1. Ang Paghahanda ng panukalang Batas (Bill)
batay sa hiling ng miyembro, kailangang gumawa o bumalangkas
ng panukalang batas (bill) ang mga kasapi ng kapulungan o ang Bill
Drafting Division ng Reference and Research Bureau.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
2. Pagsasagawa ng Unang Pagbasa ng panukalang Batas
a. Isusumite ang panukalang batas sa Bills and Index Service na
kailangang magbigay ng mga numero at gumawa ng mga kopya.
b. bibigyan sila ng tatlong araw pagkatapos ng unang pagsumite
ng panukalang batas upang ito ay isama sa Order of Business for First
Reading.
c. Babasahin ng Secretary General sa unang pagbasa ang Titulo at
inilaang numero bilang ng panukalang batas. Ang Speaker of the House
of Representative o ang Pinunong Mababang Kapulungan ang siyang
magtatalaga ng panukalang batas sa naaangkop na komite.
3. Pagkilos ng Komite
a, Susuriin ng Komite ang panukala upang malaman kung
magsasagawa ng pampublikong pagdinig.
b. Batay sa mga kakalabasan ng pagdinig at talakayan ng komite,
maaring isagawa ang mga sumusunod;
1. modipikasyon sa panukala
2. pagsasama-sama ng mga panukalang magkakapareho ang
paksa.
3. magbigay ng panghaliling panukalang batas o substitute bill.
Matapos ang prosesong ito ay maghahanda na ng kaukulang ulat ang
komite.
4. ipapadala sa Plenary Affairs Bureau ang maaprubahang bersyon
ng Komite.
4. Ikalawang Pagbasa
a. irerehistro at lalagyan ng bilang ng Bills at Index service ang
Ulat ng Komite at pagkatapos isasama sa order of Business at
pagtatalaga sa Committee on Rules.
b. gagawa ng iskedyul ang Committee on Rules para sa ikalawang
pagbasa.
c. Babasahin ng Secretary General ang iskedyul ng mga
kaganapan sa ikalawang pagbasa katulad ng pagkakahati ng
kapulungan at pagtawag sa bawat miyembro para sa kanilang boto.
5. Ikatlong Pagbasa
-kung maaprubahan ang panukalang batas batay sa pangsang-
ayon ng karamihan ng mga kasaping dumalo, ipapadala ito sa Archives o
koleksyon ng mga dokumento.
6. Paghahatid ng Bill sa Senado
-gagawin ng Senado ang tungkulin nito na busisiin ang
inaprubahang panukalang batas ng Kongreso. Magbibigay ng pagsang-
ayon ang Senado kung aaprubahan ditto ang bersyon ng Mababang
Kapulungan.
7. Pagkilos ng Senado
-dadaan din sa katulad na lehislatibong proseso ang panukalang
batas (bill) sa Senado

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
8. Komite ng Pagpupulong
a. Binubuo ito ng mga kasapi buhat sa dalawang kapulungan ng
Kongreso na layunin ay ayusin at pag-usapang mabuti ang mga di-
pagkakaunawaan sa mga probisyon ng panukalang batas.
b. maaring maglagay ng bagong probisyon ang mga tagapulong
kung nararapat.
c. Maghahanda ng ulat ang Komite na kailangan ng lagda ng lahat
ng dumalo sa pagpupulong kasama na ang Tagapangulo o Chairman.
d. Ang ulat ng Komite ay kailangang maaprubahan ng dalawang
kapulungan. Walang anumang pagbabago ang papayagan.

9. Paghahatid ng Panukalang Batas sa Pangulo

-ang kopya ng bill, na pinirmahan ng Senate President at ng House
Speaker at sinertipikahan ng Kalihim ng Senado at ng Secretary General
ng Mababang Kapulungan ay ipapadala sa Pangulo.

KOMUNIKASYONG DI BERBAL NG MGA PILIPINO

May mga paham na naniniwala ang komunikasyong di berbal ay

kinasasangkutan ng mga detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat
subalit nauunawaan ng lahat.
Kung ang mga Amerikano ay gumagamit ng paghalik sa kamay bilang
pangungumusta o tanda ng paggalang, ang mga Hapon ay pagyuko, ang mga
Pilipino naman ay ang kadalasang pagmamano bilang simbolo ng kanilang
pagpapahala sa mga nakakatanda. Ito ay hindi man natin angkopan ng
anumang paliwanag ay sapat na upang maipahayag natin kung anuman an
gating saloobin.
Sa mga pagkakataon na nahihiya ang mga Pilipino sa pakikihalubilo sa
mga taong bago pa lamang kakilala o bagamat kakilala ay hindi gaanong
kapalagayan ng loob, kadalasang ang pagtango at pagngiti ang ibinibigay sa
isa’t isa tanda ng kagalakan kaugnay ng pagtatagpo ng kani-kanilang landas.
Maiuugnay din ang komunikasyon di berbal sa kultura ng bayanihan at
pagtutulungan ng mga Pilipino nang walang anuman na hinihiling na kapalit.
Madalas na nagtutulungan an gating mga ninuno sa paglilipat ng bahay mula
sa isang lugar tungo sa iba. Noong panahon ng kasagsagan ng pananalasa ni
bagyong Yolanda ay muli na naming nabuhay ang kultura ng bayanihan. Ang
bawat isa ay nagtutulungan upang isalba ang kagamitan at maging ang buhay
ng iba sa panahon ng sakuna at panganib. Sa kabilang dako, ang aktong ito ng
mga Pilipino ay maari rin naman magkaroon ng iba’t ibang interpretasyon
batay sa mga balakid na nakapaligid sa nagaganap na komunikasyon.
Sinabi ni Albert Mehrabian (1971) sa kanyang pag-aaral na ang
siyampu’t tatlong bahagdan (93%) ng gawaing pakikipagtalastasan ng tao ay
kinasasangkutan ng di berbal na komunikasyon.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement

1. Kinesika (Kinesics)
Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw ng
iba’t ibang bahagi n gating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit
sa pamamagitan n gating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang
mensaheng gusto nating iparating sa iba.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
2. Proksemika (Proxemics)
Pag-aaral ng komunikatibong espasyo, isang katawagang binuo ni
Edward T. Hall (1963), isang antropologo. Maaring ang mga kalahok sa
komunikasyon ay nasa pampublikong lugar tulad ng isang
nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga estudyante o maari ring isang
karaniwang pag-uusap sa pagitan ng dalawang magkaibigan.
3. Pandama o Paghawak (Haptics)
ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay
nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong
malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkapalagayang
loob.
Halimbawa
Pagyakap
Paghaplos
4. Paralanguage – Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa
pagsasalita
Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga
salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot,
bunting-hininga, ungo at paghinto. Ang anumang sinasabi natin o
mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang angkop sa pagbigkas ng
mga salita o pangungusap.
5. Katahimikan/Hindi Pag-imik
Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon
sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang
sasabihin. Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang
mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita.
May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan
ang kalooban ng iba.
Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang
damdamin ng isang tao sa ibang tao.
6. Oras (Chronemics)
Isa ring esensyal na paksa sa pagtalakay ng komunikasyong di berbal.
Tumutukoy ito sa interdependente at integratibong antas ng karanasan
sa paggamit ng oras. Si Thomas J. Bruneau ang unang gumamit ng
salitang ito noong huling bahagi ng 1970 upang matukoy ang papel na
ginagampanan ng oras sa pakikipag-ugnayan ng tao.
Ang maagang pagdating sa pagpupulong bago dumating ang itinakdang
oras ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa oras ng iba o maging sa paksa
ng pag-uusapan; ang kahandaan na maghintay kahit sa loob ng
mahabang oras ay maaring nosyon ng kahalagahan ng taong hinihintay
sa taong naghihintay.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga oras na isinasaalang-alang sa

komunikasyon;
 Teknikal o siyentipiko. Tumutukoyito sa eksaktong oras na
napagkasunduan.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
 Pormal na oras. Ito ang oras na ginagamit upang ipakita ang kahulugan
ng oras bilang kultura. Hal. Sa kultura ng ating oras, hinahati ito sa
segundo, minuto, oras, araw, lingo, buwan at taon.
 Impormal na oras. Tumutukoy ito sa oras na walang katiyakan.
 Sikolohikal na oras. Ang bawat depinisyon ng tao sa oras ay nakabatay
sa kanyang estado sa lipunan at mga personal na karanasan.

PAGSASANAY:
A. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon, at ilahad ang
inyong pananaw.
Sinabi ni Annabel na ang Tsismis ay isang gawaing walang
kabuluhan at kailanman ay hindi dapat na pagtuunan ng pansin
ng bawat Pilipino. Si Rina naman ay may kakaibang pananaw hinggil ditto. Para sa
kanya, ito ay isa lamang libangan at kailanman ay hindi dapat na seryosohin.
Idinagdag pa niya na hindi naman ito makakasakit ng ibang tao. Kaninong pananaw
ang higit mong pinapanigan? Ipaliwanag?

______________________________________________________________________________

B. IMAHE BINYANG LINAW!

Panuto: Makikita sa ibaba ang mga klase o halimbawa ng larawan na
klase ng gawaing pangkomunikasyon ng mga pilipino na ginagawa o
nasasaksihan natin. Ipaliwanag?

1.
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement

2.
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________

C. Mangalap at Paglilipon
Panuto: Maginterview sa inyong mga
Punong Barangay, Kagawad o ang Sangguniang Kabataan at kung
mayroong Tagapanday ng batas sa inyong barangay kung sadyang
nasusunod nila ang proseso ng pagpasa ng panukalang batas at
resolusyon na ginagawa ng mataas at mababang kapulongan.
Kung hindi ano iyong mga kaparaanan nila?
__________________________________________________________________

PAGTATAYA:
PAG-IISA-ISA

Panuto: Isa-isahin ang hinihingi ng bawat bilang.

1-3. Ibigay ang tatlong papel ng tsismis sa social
exchange theory ni Ting-Toomey.

4-7. Ibigay iyong apat na kinikilala ng ating Kodigo Sibil na karapatan

na maproteksyunan ng isang indibidwal.

8-10. Kanino dumadaan ang panukalang batas para maging ganap

na batas.

SANGGUNIAN:
Marahan, Mario H.,( 2018 ). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Filipino, Mindshapers Co., Inc.

Gallego, Julinda (2017) Tsismis:Paboritong Libangan ng mga Pilipino

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
Nwogbaga, David M. E.;Nwankwo, Oliver U.;Onwa, Oris O. (2015)
Avoiding School Management Conflicts and Crisis through Formal
Communication. Journal of Education and Practice, v6 n4 p33-36 2015. 5
pp

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

You might also like