You are on page 1of 19

QUIRINO STATE UNIVERSITY

DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement

MODYUL PARA SA SARILING PAGKATUTO

SA

FIL. 12 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

MIDTERM

GINAWA NI:

NITO B. GALANTA
Guro Ng Aralin

Isinakatuparan ni:

______________________________________________

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
MODYUL IV
BATAYANG KAALAMAN SA MGA TEORYA SA PANANALIKSIK NA AKMA O BUHAT
SA LIPUNANG FILIPINO

KAKAYAHAN
1. Matutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at
kapaki-pakinabang na sanggunian sa pananaliksik;
2. Malikhain at mapanuring mailapat sa pananaliksik ang piling
makabuluhang konsepto at teoryang local at dayuhan na akma
sa konteksto ng komunidad at bansa.
3. Nakagagawa ng interpretasyon ng mga impormasyon,
estadistika, datos at iba pa mula sa mga babasahing nakasulat
sa Filipino sa iba’t ibang larang;
4. Nakapaglalantad ng mapanghikayat na presentasyon sa mga
impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto;
5. Naipapaliwanag ang mga kaisipan ng Marxismo at kritikal na
Diskurso sa Globalisasyon;
6. Nailalahad ang mga sariling kaisipan ukol sa paksang
nabanggit;
7. Naipapaliwanag ang mga kaisipan ng teoryang dependensiya
8. Nakapagpapahayag ng sariling kaisipan ukol sa elemento at
katangian ng pantayong pananaw;
9. Natutukoy ang panunuring pampanitikan bilang tekstwal na
uri ng pananaliksik

PAGTALAKAY

Lahat ng gawaing kinasangkutan ng mga tao ay maaring maipaliwanag


sa pamamagitan ng mga teorya. Binanggit ni Aquino (2009) na ang teorya ay
kabuoang kaisipan ng mga pangyayari, tuntunin at simulain na sinuri ayon sa
kaugnayan nito sa isang paksa at ang tunguhin ay maipaliwanag ang isang
tiyak na phenomenon. Sa usapin ng pagsasakatutubo o pagsasa-Filipino ng
teorya, ipinakilala ni Enriquez ayon sa pagkakabanggit ni Tatel (2015) ang
dalawang tunguhin ng pag-intindi o pag-unawa rito. Ang una ay
nangangahulugang paggamit ng sariling kultura bilang bukal ng kaalaman at
mga konseptong katutubo na wastong naglalarawan ng pananaw ng mga
Filipino. Ang ikalawa ay tumutukoy sa pag-angkin ng mga konseptong banyaga
sa pamamagitan ng pagsasalin at kultural na asimilasyon at pag-uugnay ng
mga ito.

Mga Diskurso ng Nasyonalismo

Ang pananaw ni Francisco Sionil Jose ay masasabing malungkot ang sinasapit


ng isang bansang hindi nagpapahalaga sa kaniyang kasaysayan. Sa kasalukuyanng
takbo ng mga pangyayari sa bansang Filipinas, masasabi bang nakalilimot na sa
kanilang pinagmulan ang mga Filipino? Sa larang ng Politika, napakalaking usapin
ito. Lalo na kung nababahiran ng mga ideolohiya, partido o personal na preperensiya
ang mga paniniwala at pagkakakilanlan ng ilang Filipino. Nariyan ang patuloy na
pagtatanong, “Bakit patuloy pang dumarami ang iba’t ibang sagisag ng bansa? Dahil

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
bas a ang mga Filipino ay kailangan pang paaalalahanan tungkol sa kaniyang
pagkatao?

Ang pagiging makabayan, makatao, maka-Diyos at makakalikasan ay


nagbubuod sa identidad ng isang Filipino na kailangan niyang
patunayan.gayunpaman, ito ang siyang nagbibigay ng kaganapan ng pagiging isang
Filipino na may karangalan.

Ipinaglaban ito ng mga mamamayan, pinagbuwisan ng buhay upang matamo


lamang ang bilang ng isang pagkakakilanlan.

 Para kay Matteo (2018), may subhektibong dimensyon ang nasyonalismo para
sa lipunan kapag sasapit ang hamon ng pakikipaglaban ay nagawa nilang
maging isa at kapit-kamay na pakikipaglaban makamit lamang ang kalayaang
inaasam.

 Para kay Cochico (2013), ang pagiging makabayan ay ang paghahanap at


pagtatagpo ng punto ng pagkakatulad sa kabila ng dibersidad.

Teorya ng Nasyonalismo

 Katutubong Ugat (Primordal, Primordial)


-bunga ito ng paghuhubog ng kanilang kasaysayan. Bungang sabay na
pagdanas ng kaligayahan at kalungkutan, tagumpay at kabiguan. Ramdam ang
“lukso ng dugo” at “bugso ng damdamin” at likas o kusa ang nag-uugnay sa sinumang
magkadugo o magkalahi.
Sa aklat ni Isaacs binanggit na nakikilala ang isang pangkat ng tao batay sa
sumusunod;

a. Pisikal na katangian
b. Pangalan

c. Wikang nakagisnan

d. Pananampalataya
e. Kasaysayan at pinagmulan

f. Nasyonalidad at etnikong grupong kinabibilangan

g. Heograpiya ng lupang sinilangan


h. Kultura

 Sosyobayolohista (Socio-biologist)
-itinuturing na mas maunlad ito na nagbibigay-diin sa salik na bayolohikal sa
paghubog ng karakter.

-naniniwala na ang nasyonalismo ay napapatunayan sa pamamagitan ng pag-


ibig sa bayan, pagtatag ng pambansang identidad at dignidad pati na ang bayolenteng
pagbubuwis-buhay.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
Mekanismo sa Pagturing ng Kaugalian ng Tao
 KIN SELECTION

-likas na katangian ng tao na pumili ng lahi na maaring maging daluyan ng


kanyang lahi upang mapangalagaan at mapanatili ang kanyang lahi. Tinatawag itong
altruismo sa teknikal na pagpapakahulugan.

 RECIPROCITY

-nauunawaan bilang kahulugan ng “diwa ng pagbibigayan”. Ang diin ay ang


benepisyong ibinibigay sa anumang pabor na natatanggap ng dalawang sangkot na
indibidwal o lahi. Sa pananaw na ito, ang kahalagahan ng kakayahan ng taong
tumutulong sa mga tumutulong sa kanila o kaya ay ang tumutulong iba.

 COERCION

-sabi ni Khan (2018) na may hindi pantay na kapangyarihan sa isang etnikong


pangkat. Bilang paraan upang piliting sumunod o umiwas sa isang kilos ang
nasasakupan. Isa itong mahalagang kasangkapan sa pagtatag ng ugnayang
pambansa at maging lokal na politika ng bansa.
-binanggit niya ang hango sa “Leviathan” ni Hobbes na “mala-Diyos” ang isang
bansang gumagamit ng coercion upang ikintal sa mamamayan nito ang sindak at
pagiging masunurin nang sa gayon at matamo ang kapayapaan at kaligtasan.

Teoryang Instrumentalista

 Ang isang bansa ay maaring magbago o magpalit ng identidad depende sa


sirkumstansya. Dahil sa napakaraming interes o benepisyo lalo na sa larangan
ng ekonomiya at siguridad na maaring matasama, hindi nag-atubili ang isang
pangkat na umanib sa iba;

Para kay Llobrera, si Fredrik Barth ang nangunguna sa larang na ito.


Dalawang Dulog na instrumentalista;

 Corporate Group Theory

-tumutukoy ito sa isang pananaw na may kinalaman sa disiplina ng


korporasyon.

Para kay Ho (2012), ang corporate group bilang isang ekonomikong


pangkat ay mas matipid na opsyon sa kalakal at produksyon kaysa direktang
transaksyon sa pamilihan.

Sa pagbanggit ni Barth, ang mga pangkat na sumasang-ayon sa


pananaw na ito ay may kakayahang patuloy na lumaganap;may parehong
pagpapahalaga at kultura; may sariling paraan ng interaksyon at
komunikasyon;at ang pagsapi ay boluntaryo o tinutukoy ng iba.

 Interactionist Theory
-Erving Goffman na nagbibigay-diin sa ugali ng pagpapanggap upang
makalikha lamang ng impresyon o imahen para sa iba.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
-pinapangalagaan ang hangganan ng samahan hindi dahil sa mahalaga
ang bawat isa kundi dahil sa benepisyong ekolohikal, ekonomiko, politikal at
historikal;ang pagtamo ng kakilanlan sa pamamagitan ng iba o pagtakda ng
sariling kakilanlan;ang pagkilala ng katangiang kultural ng grupo ay arbitraryo;
hindi malaya ang pagkilos dahil nakadepende sa mga pinuno.

Masasabing ang identidad, pag-uugali at pagkilos ng pangkat ay may


hangganan, nakadepende kung kikilalanin ng namumuno at nagbibigay-diin sa
benepisyo nito sa anumang aspekto ng lipunan.

Salok-Dunong!
Panuto: Magsaliksik ng mga nagawang pananaliksik na nakasulat sa Filipino at
ito’y pagnilayang maigi para masipat ang mga nakapaloob na mga impormasyon
na kinakailangan mapagtuunan ng pansin. Maging gabay ang talahanayan sa
masmabilisan na maanalisa ang nasabing pananaliksik maaring itoy ay artikulo,
tesis o disertasyon.

Pamagat ng Layunin Baryabol Metodo Rekomendasyon Sanggunian


Artikulo,
Tesis o
Disertasyon
1
2
3
4
5

Marxismo at Kritikal na Diskurso sa Globalisasyon


Hindi pantay ang distribusyon ng yaman sa mundo. Habang patuloy ang
paglago ng yaman at kapangyarihan ng mga maalam, hirap namang ito’y makamtan
ng iba. Ang masaklap pa ay kung bakit nagkaroon ng papel ang yaman bilang
basehan ng estado ng pamumuhay na siyang naging sanhi ng pagkakahati-hati ng
lipunan na naging ugat na rin ng hindi pagkakapantay-pantay. Ito’y naging palaisipan
sa mga dalubhasa na kailangang hanapan ng solusyon.
Komunismo ang naiisip nilang lunas sa sakit na ito. Ngunit ito nga ba ang
lunas ng suliranin?

MARXISMO
 PILOSOPIYA –ito ay nauukol sa dialectical at materialism. Dayalektikong
proseso na naiuugnay sa kontekstong material.

-ito ay nauukol sa theory of class struggle at sa pagpapaliwanag


ng kasaysayan na puno ng kontradiksyon.

 EKONOMIYA- ay naiuugnay ito sa paggawa, surplus-value at sa kabuoang


halaga ng yaman (concentration of wealth) at ng ugnayan nito sa mga
manggagawa.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
 SOSYOLOHIYA- ito ay tungkol sa lumamaganap at sumusulong na kahirapan
(progressive pauperization) at ng malawakang pangangailangan ng salapi
(financial crisis).

 POLITIKA- ay nauukol ito sa di maiwasang kilusang rebolusyon (inevitability of


the revolution), at ng uri ng lipunang walang pagkapantay-pantay (classless
society).

Nagmula sa malikhain at rebolusyonaryong kaisipan ni Karl Marx. Ito ay


nag-ugat mula sa kritikal na pilosopiya ni Hegel na lumaya sa mga alituntuning
medieval. Ito ang realismo na nagsisimula sa kritikal na pagsusuri sa mga
tunay at konkretong karanasan ng tao. Ito rin ay mula sa mapanghamong
kaisipan ng Aristotle. Malawakang pananaw na may kinalaman hindi lamang
sa pilosopiya. Ito ay kabuuan ng mga kaisipan na tiyak na nauugnay sa mga
suliraning panlipunan at sa mga problemang pumapaligid sa mundo.
Higit pa sa isang doktrinang pilosopikal. Ito ay rebolusyunaryong pagkilos na
naghahangad na bigyan ng bagong anyo ang mundo sa ilalim ng theory-praxis
paradigm na ukol sa umuusbong na idea ng pagbabago dahil sa sobrang
pagpapahirap ng mga tao sa kanilang kapwa tao, kasama na ang iba’t ibang aspekto
ng di pagkilala sa sarili (alienation) na nararanasan ng tao.

 Hangad nito ang pandaigdigang kilusan na tao-tauhang mga manggagawa


(proletariats) para pabagsakin ang mga kapitalista (bourgeoisie).
 Pero magkaiba ang paniniwala ng Pilosopiyang mula sa Silangan at Kanluran
hinggil sa kasaysayan.

*ang naunay naniniwala na ito ay parang isang gulong na umiikot


(cyclical)

*ikalawa’y naniniwala na ito’y taluhaba (liniear).

*sa kasalukuyan ito ang namamayani at nananalaytay sa konsepto na


may katangiang diyalektiko (thesis-antithesis-synthesis).

Kumalat na sa buong mundo ang rebolusyunaryong doktrina ng


Marxismo. Ang pinakahuling naimpluwensyahan ay si Jurgen Habermas na
idinagdag and alituntunin ng organisayon sa pag-aanalisa ng pag-unlad sa
lipunan. Ang Marxismo, tinanggap man o hindi, bumuo o sumira ng mga
bansa, iisang bagay lang ang tiyak-nagdulot ito ng pandaigdigang
transpormasyon. Sa ngayon, napakaraming katunggali ng sistemang ito, ang
pinakakontemporaneo ay ang “globalisasyon”, na kinagat at kinagat pa rin ng
iba’t ibang bansa sa mundo.

Teoryang Dependensiya

Maraming beses nang naipasailalim sa kuko ng mga kolonyalismo an


gating bansa. Ang una at ang pinakamatagal sa lahat ay nangyari sa panahon
ng mga Espanyol. Higit sa tatlong taong daan silang nanatili sa ating bansa. Sa
haba ng panahon ay nagkaroon ng paglilipat-kultura o enculturation. Ang
enculturation ay ang unti-unting pagkaimpluwensiya sa katangian, pag-uugali
at pamamaraan ng pamumuhay ng isang grupo ng mga tao. Hindi maikakaila
na marami sa mga kaugaliang Filipino ay mula sa impluwensiya ng Espanyol.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
Nagkaroon man ng impluwensiya ang mga Espanyol sa ating kultura, hindi
naman lubos na naimpluwensiyahan an gating “dila” o ang paggamit natin ng
Pambansang Wika.

Ang Teoryang Dependensiya y isang paniniwala na nagpapaliwanag ukol sa


pinagkukunang yaman, na ito ay dumadaloy mula sa “silid” ng mga nasa
mahihirap na kalagayan tungo sa “sentro ng mayayamang estado, kung saan
ang kapalit ng pag-unlad ay ang pagjirap ng isa. Ang mahihirap na bansa ay
lalong naghihirap at ang mayayaman naming bansa ay lalong yumayaman.

David Michael M. San Juan (2013)-ang pananaw ng mga naniniwala rito,


pinagsasamantalahan ng mga bansang industriyalisado ang mga bansang
mahihirap sa pamamagitan ng neokolonyalismo o di tuwirang pagkontrolsa
isang malayang bansa ng isang makapangyarihang bansa sa ekonomiya.

Ang Pantawang Pananaw sa Pananaliksik

Sa maka-Filipinong hangarin maisulong ang Filipino bilang wika ng


pananaliksik at akademikong komunikasyon, naging agresibo ang mga
Filipinong iskolar sa pagsasakatutubo ng mga teoryang banyaga. Nag-udyok sa
kanila para manguna sa pag-aangkop ng mga teorya at metodolohiyang
banyaga sa katutubo o Filipinong realidad na ukol sa kasaysayan, lipunan at
kultura. Tinawag ng mga Filipinong iskolar na “indihenisasyon o
pagsasakatutubo’ o kaya’y “pagsasa-Filipino” o Filipinisasyon’ (Enriquez,
1976;Almario, 1992; Salazar, 2013). Kaakibat nito ang kanilang paniniwala na
sa wikang Filipino bilang makapangyarihang instrument sa paglalahad ng mga
pag-aaral at pagsasaysay ng realidad at kamalayan ng mga Filipino.

Pantawang Pananaw

Ipinakilala ito ni Nuncio (2002) sa kanyang saysay na pinamagatang Saysay at


Salaysay ng pantawang Pananaw mula sa Pusong Hanggang Impersonasyon.

PANTAWA– mula sa panlaping pang- na naging pan- + salitang ugat na tawa.

--reaksyon pandamdam(kinsasangkutan ng damdamin) na nakaangkla


hindi lamang sa damdamin o emosyon ngunit maging sa kamalayan ng Filipino.

PANANAW – ay higit pa sa kaisipan sapagkat nangangahulugan itong pagbasa


o interpretasyon ito ng tao sa nangyayari sa kaniya at ng kanyang
kapaligiran(kinasasangkutan ito ng isip).

Sa pagsisiwalat ni Nuncio (2002), ang PP ay nangangahulugang tawa


bilang kritika sa mga isyu at tauhan sa lipunan. Ang kritika aniya ay
interpretasyon o pagbasa sa karanasan, teksto, kultura na inuunawa sa
perspekstiba ng kamalayan.

Ang teoryang ito ay nakaugat sa karanasan ng tawa bilang pagtuligsa sa


kapangyarihan at kaayusan sa lipunan na mababalakas pa sa oral na tradisyon
bago pa man dumating ang mga kastila hanggang sa paglaganap ng mass
media.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
Elemento ng Pantawang Pananaw

1. MIDYUM

Daluyan kung saan nagiging laganap o natatangi. Saklaw nito ang


oral na tradisyon, panitikan, dula, tanghalan at mass media.

2. KONTEKSTO

Binubuo ito ng mga isyung panlipunan na tumatalakay sa kalagayang


panlipunan, pampolitika at pang-ekonomiya ng bansa

3. Nilalaman o Anyo

Saklaw nito ang element ng kwentong bayan, saynete, drama, dulang


panradyo, impersonasyon bilang mga palabras sa telebisyon.

4. Aktor

Ukol sa nagsisiganap katulad ng pusong (mula sa pangalan ng


pangunahing tauhan ng kwentong bayan ng mga Filipino na Juan Pusong)
actor, imperson

5. Manonood
Nagsisilbing kapwa manunuri sapagkat nakapagbibigay ng kritikang batay
sa kanilang karanasang panlipunan.

Katangian ng Pantawang Pananaw

1. Isang pagbasang kritikal – ang pagbasa ay hindi lamang upang maaliw kundi
tumagos sa kamalayan at kaisipang Filipino.

2. Subjective na pagbasag sa imahen at katawa – nilalayon ng pagbasa na


wasakin ang imahen ng kapangyarihan bilang kahinaan o ang kapangyarihan
bilang imahen ng kawalang kapangyarihan.

--ito ay upang tuligsain o tanungin ang mga kapangyarihan at ang kalagayang


panlipunan o politika ng bansa tuon (object o ayon) ng tawa at pagtuligsa.
3. May Kasaysayan – ang pantawang pananaw na pagtatanong o pagtuligsa sa
imahen o katawan ng kolonyalismo o komersyalismo ay nakapagpapabago ng
kahulugan ng karanasan.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
4. Intersubjective – kailangan sa PP ang kapwa mambabasa na siyang
magiging kapwa manunuri.

-- kailangang tuloy-tuloy na may mga mambabasa o manonood na makapagbibigay ng


panunuring nakabatay sa konteksto ng lipunan.

5. Intertekstwal at Repleksibo – ang mga teksto mula sa alinmang diskurso ay


kailangang bukas sa interpretasyon upang matutuhan ang mga mensahe ng mga ito.
--dagdag pang paliwanag ni Nuncio (2002), ang intertekstwalidad sa pagdulog ng PP
ay masasabing paglulugar at paglilinang sa ugnayan ng may kapangyarihan sa
karanasan, kaalaman, diwa at katauhan ng mga gumaganap upang maisakonteksto
ang isinagawang pag-aaral.

 Ang Pantawang pananaw ay hindi bagong-bago sa mga manunuri. Ito ay


malikhaing pagtanggap ng konsepto ng satirical na kritisismo.
 Bagamat higit na nailapit at naiangkop sa natural na katangian ng
damdamin(likas na palatawa o masayahin) at sa kamayan at kaisipan ng mga
Filipino (sa kanilang panlipunang karanasan).
 Sa isinagawang pagsipat ni Rodriguez-Tatel (2015), sinangayunan niyang
nilikha ang PP bilang isang gabay konseptuwal sa pagtatanghal ng karanasan
at katuturan ng tawa bilang kritisismo—isang pagtuligsa sa kapangyarihan at
kaayusan ng lipuanan.
PANTAYONG PANANAW

Kahulugan at Palabuoan ng Salitang Pantayong Pananaw


Magkasamang pagtingin o persepsyon ng dalawang tao o pangkat ukol sa mga
bagay-bagay. Ang “pantayo” mula sa salitang ugat na tayo, salin sa ingles na
katumbas ay weo us at panglaping –pang. Ito ay isang panghalip panao na nasa
unang panauhan. Nangangahulugan ito ng pagiging kolektibo o pangkat
pangmaramihan. Kapwa ang tagapagsalita at ang tagapakinig ang sangkot sa
pakikipagtalastasan. Isang paningin o persepsyon naman ng isang bagay, tao,
lugar o kaisipan ang pananaw.

KINABIBILANGAN NG LARANG NG PANTAYONG PANANAW

Sa araling panlipunan nabibilang na larang ito. Kasama ito ng


kasaysayan kung saan inilalarawan sa nasabing larang ang isang malawak na
pag-aaral sa iba’t ibang disiplinang kinasasangkutan ng nakaraan at
kasalukuyang pakikipag-ugnayan at kaugalian ng mga tao.
PAGKAKAUGNAY NG PANTAYONG PANANAW SA KASAYSAYAN

Ayon kay De Leon (2015) isa sa pinakamatandang sangay ng pag-aaral


sa larang ng agham panlipunan.
Si Herodutus kinikilalang ama ng kasaysayan, isa siya sa nagbigay ng
paliwanag sa ugnayan ng PP at kasaysayan. Kilalasiya sa pagsulat sa mga
nakaraang pangyayari, gumamit siya ng pananaliksik at mga ebidensiya na
susuporta sa kanyang kwento sa pagsulat nito.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
Ugnayan ng PP at kasaysayan:ang kasaysayan ay isang sistematikong
pag-aaral ng mga nakaraang pangyayari upang maunawaan ang kasalukuyan
at mapaghandaan ang hinaharap.

Ayon kay Salazar na batay sa pahayag ni chua (2018), bagamat


magkatumbas, hindi magkasingkahulugan ang salitang kasaysayan at history.

Ang history ay written record, ang salitang ugat naman ng kasaysayan


ay saysay, na dalawa ang kahulugan nito; isang salaysay o kwento at
kahulugan, katuturan, kabuluhan at kahalagahan. Samakatwid, ang
kasaysayan ay mga salaysay na may saysay, sa pagsasalin sa filipino ng
salitang history agad na maibibigay ang salitang kasaysayan hindi and
historya. Dahilan na ang pagkakaroon natin ng kabatiran na ang kasaysayan
ay larang na nagging imbakan nating mga filipinosa mga nakaraang pangyayari
na ating binibigyan ng halaga at pagpapahalagang tumatatak sa ating
kalinangan noon, magpahanggang ngayon at naghahangad ng
magpakailanman.

Proponent ng pantayong pananaw

Si Dr. Zeus Salazar ang tinaguriang ama ng pantayong pananaw. Isa rin siyang
mananaysay at antropologo. Maraming mga mananaysay sa filipinas ang
tumuring sa kanya bilang ama ng mga historyador ng bayan dahil siya ay isang
guro at sa kanyang maimpluwensiyang ideya.

Ayon kay Chua (2018) pinakamalaking ambag niya sa larang ng agham


panlipunan ang paggiit ng kahulugan ng kasaysayan na nagmula sa “saysay”
nito sa bayan at ang paggiit sa perspektibong filipino sa kasaysayan na
naiintindihan ng mas maraming filipino.

Diwa ng teoryang pantayong pananaw


Binanggit nina Navarro, et.Al (2000) ay nasa panloob na pagkakaugnay-
ugnay at pag-uugnay ng mga katangian, halahagahan, kaalaman,
karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang
pangkalinangan.

Inilahad din nina Navarro, et.Al. (2002) na ayon kay salazar, lumitaw
mula sa kanyang analisis sa mga pundamental na punto-de-bistang
pangkasaysayan. Ang pinakabuod nito noon pang unang bahagi ng 1970 ay
ang importanteng batayan ng kanyang kurso sa histograpiya kung saan pinag-
aralan ang mga metodolohiya, pilosopiya at pamamaraan ng pagsusulat ng
kasaysayan.

Kakikitaan din ito sa kanyang pagpuna ng mga inihaing ensayklopidya


na hindi pangtayo kung hindi ay ang pangkami na nangungusap sa tagalabas
at hindi sa mga filipino katulad ng wika ay banyaga at hindi naiintindihan at
pagkakaroon ng tendensiyang matingnan ang ating bansa bilang obhektibo at
paksain mula sa labas at hindi mula sa loob.
Ayon kay Chua (2018) nahuhumaling ang ilan sa mga kademiko na sa
tuwing matututo sila ng mga dayuhang konsepto, nakakalimutan na nilang
tignan ang lipunan sa sariling perspektibo at mga konsepto nito.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
Pantayong Pananaw sa larang ng wikang Filipino
Ayon kay Chua (2018) ang pantayong pananaw ay mula sa salitang tayo.
Ito ay mga kwento at kasaysayan ng filipino na isinalaysay ng mga filipino, para
sa mga filipino. Bagamat pareho ang diwa pero kaiba sa ginawa ng nationalist
historians na katulad nina Jose Rizal, Teodoro Agoncillo at Renato Constantino
spagkat sumulat sila sa dayuhang wika. Para sa PP dapat ang pagkukwento ay
nasa wikang naiintindihan ng halos lahat ng filipino
Kahalagahan ng pp sa realidad ng lipunang Filipino

Ayon kay Garcia (2017)

1. Nagagamit sa pagpapaliwanag sa mga hindi lubos pang nakikilalang sector o


pangkat ng lipunan.

2. Nagagamit sa pag-aaral ng mga kababaihan tiyak na sa matahimik na ambag


at epekto ng mga kababaihan sa sosyal, political, ekonomiko at historical na
pag-unlad ng ating bansa.

3. Nagbibigay ng boses sa mga hindi makapahayag.

4. Nakakatulong para maiwasto ang mga maling pagkakaintindi sa mga kultura


ng nakaraan sa isang sibilisasyon at sabay na ginagamit.
5. Nakakatulong para sa ikakaunlad ng pinagsama-samang kultura sa ikabubuti
at katiwasayan ng pamayanan.

SALOK-DUNONG!

Panuto: Pumili ng dalawang tanong mula sa sumusunod. Sagutin sa loob ng 2-3


pangungusap ang napiling mga tanong. (10 puntos)

a. Bakit nahuhumaling ang mga banyagang kultura ang ilan sa mga


mamamayang Filipino?
b. Ano ang iyong reaksyon kung sasabihan kang hindi ka nagmamahal sa ating
baying Filipinas dahil higit mong ginagamit anf wikang Ingles?
c. Bakit nahihirapan ang mga guro sa Filipino upang ipaunawa sa mga
estudyante na gamitin at pahalagahan ang wikang Filipino?
d. Bakit “baduy” ang panlasa ng karamihan sa mga kabataang Filipino sa mga
awiting Filipino?

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
PAGBAKLAS/PAGBAGTAS

Sa aklat ni Tolentino (2009), tinutukoy ang mga konseptong


pagbaklas at pagbagtas (kasama ang pag-aklas) bilang mga
politikal na kritisismong pampanitikan.
--tatlong hakbang sa pagsasagawa ng pagsusuri
-Ang pag-aklas bilang impetus sa panunuring historical at
panlipunang na susing kawing ang panitikan at ang pagbaklas at
ang pagbagtas.
-ang pangalawa at ang pangatlo ay ang pokus ng pagdalumat
ay ang uri ng panitikan kung saan ay gagamitin ang mga konsepto
nito sa panunuring pampanitikan partikular sa politikal na
punuri.

Ang kritisismong pampanitikan – ay


mauri bilang isang tekstwal na
pananaliksik.

tumutukoy ito sa pag-aaral at


pagsusuri ng teksto o diskurso ayon
sa interpretasyon ng mambabasa o
batay sa teoryang gagamitin ng
mambabasa.
Gillespie
(2010)
Ang politikal na panunuring pampanitikan ay
naglalayong maglahad ng karaingan ng lipunan.

Nagtatakda rin itong mapagbuti ang sosyal at political na


kalagayan ng lipunan.

Tagapagtayugod ng teoryang ito ang mga akdang pampanitikan


bilang kultural na sandata para sa katarungang panlipunan.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement

Natural na katangian nitong mapanghimagsik o rebulosyunryo

sa pagkakabanggit ni Gillespie (2010), sa sanaysay na In Defense of Poetry ng


isang British na si Perry Shelley, nabigyan ng kapangyarihan ng imahinasyon ng tao.
 Binanggit niya rito na hindi mapagsasamantalahan ng tao ang kanyang kapwa
kung gagamitin niya ang kanyang imahinasyon na maging sila.

 Kapag nagawa ng mambabasa ng akda o teksto na mailagay ang kanyang sarili


sa kalunos-lunos na kalagayan ng mga naapi, ang akda ay natural na
rebolusyunaryo o mapanghimagsik.

Sa akdang pamapanitikan malayang


naisasatinig ng mga rebolusyonaryong
manunulat ang tunay na kalagayan at mga
hinaing ng mga maliliit at mga nasa laylayan na
mga tao sa lipunan. Kadalasan, ang mga taong
ito ay hindi naririnig at napagsasamantalahan.

-sa political na manunulat at manunuri, ang isang akdang


nalikha para lamang makapagbigay-aliw ay walang saysay.
Naniniwala silang ang isang akda ay nararapat maglayong
maging mapagpalaya at makakapagpabago ng anyo ng
lipunan.

Ang mga konsepto ng pagbaklas at Pagbagtas

 Bilang lapit (approach) na magagamit sa panunuring political sa akdang


pampanitikan.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
 Panunuring Pampanitikan – ay isang paraan ng pananaliksik na hindi
masasabing nagmula sa atin bagamat maaring magamit sa pag-aaral ng
mga akdang pampanitikan.

 Tungkulin ng iskolar na linangin ang “indihenisasyon” ng teoryang ito.


Sa pagtalakay ni Tolentino (2005), kanyang binuod ang konsepto ng pagbaklas
bilang pagbuwag sa naunang pormalistiko at makasentrong sining na panunuring
pampanitikan.
Ang pagbagtas ay bilang mapagpalayang pagdalumat sa panitikang pangunahing
nagsasaalang-alang ng makauring panunuri.

SALOK-DUNONG!

Panuto: Pumili ng isang political na akdang panitikan. BAKLASIN ang


nakagawiang paraan ng pagsusuri na nakatuon sa anyo atestruktura ng wikang
ginamit ng may-akda. Sa halip ay IPAKITA ANG MALINAW MONG POSISYON sa
pamamagitan ng pagbagtas hindi lamang sa mga diskurso ng may-akda na
naglalarawan sa pagpapahalaga at kalagayan ng tao sa panahon ng pagkakalikha ng
akda kundi sa bawat panahong ang mga pagpapahalagang pangkatauhan at
kalagayan ng tao sa akda ay patuloy na umiiral.

Madalas na kahulugan ay “inihiwalay”


Hal.

Ibukod ang de-kolor sa Puti

Karaniwang iniuugnay sa “pader,” at


karaniwang naghahayag ng pagiging
sarado at katayugan, katulad ng ideya
na “mataas ang bakod ng kanyang
bahay”.

May kahulugang “pamigkis”nangangahulugang pagkakasama tulad ng “ito


ang wikang magbubuklod ng bansa”.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
BUKOD
 Hindi pangkaraniwan, kung tutuosin mula sa maliit hanggang sa papalaki o
papaunlad.

 Sa pananalita ni Tolentino(2010) may “distinksyon”.


 Sinabi ni Bogost (2018), naibubukod-bukod ang mga kalakal. Brand ang
nagpapakilala nito.

 Ayon naman kay Olivier (2013), sa pambungad pa lamang ng mga tao


nadidiktahan na ang ugali nito na nag-uugat lamang sa salapi.

 Samakatuwid, komersyalismoang habol nito, kapitalismo ang puhunan.

 Teoryang industriyang kultural –sumasang-ayon sa lohika ng consumer


capitalism na ayon sa depinisyon ni Schrader (2017), ang pagkonsumo ay ang
pagmaniobra ng mga mamimili na bumibili at patuloy na bumili.

BAKOD

 Kumakalat sa kalakhan ng mga higit na urbanisadong lugar, na sa tingin ng


iba, animo’y tumatakip sa tunay na larawan ng nasa likod nito.
 Kulturang popular ang sumipat sa tanglaw ng pilosopikal at sosyolohikal ng
pananaw ng kultural na hegemoniya ni Gramsci.

 Sa pananawna ito ni sa depenisyon ni Cole (2018),maituturing na may


paghahari ng makapangyarihang uri, hindi sa marahas na paraan kundi sa
“mapayapang” paraan.

 Sa pananaw na progresibong ebolusyon batay sa depinisyon ng Social


Darwinism sa The editors of Encyclopedia Britanica (2018), ang isang
mahinang pangkat at lahi ng tao ay maaring nababawasan ng kapangyarihan
at ang malalakas ay lalong nangingibabaw sa mahihina.

 Sang ayon naman sa pananaw ng sosyobayolohista ang Social Darwinism na


“lighay ng pinakamaaangkop”. Kaya hindi sagabal ditto ang kakayahan ng
isang indibidwal na makalahok dahil bawat isa ay may kakayahang mabuhay
at manatiling buhay.

SALOK-DUNONG!

A. Panuto: Magsaliksik at gumawa ng sariling pagsipat alinman sa mga paksang


pagpipilian ukol sa kulturang popular;

a. Latest Fashion
b. Reality shows
c. Korean Culture
d. Popular na Awitin
e. Isports
f. Korea Nobela o Pinoy Serye
B. Panuto: Bumuo ng talakay ng napiling paksa ayon sa format:
a. Bubuoin ito na may: Panimula, Katawan at Kongklusyon

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
b. Tumukoy ng mga ideya ng mga dalubhasa upang maging balido ang mga
pananaw. Ilapat ang source o citation kung kinakailangan.
c. Encoded sa short bondpaper, 12 font size, Bookman Old Style ang font style.

PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG AKTIBIDAD

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY DI- PUNTOS


10 7 GAANONGMAHUSAY
3
NILALAMAN Napakaangkop Angkop ang Hindi gaanong
ang paksa, paksa, sapat at angkop ang paksa,
napakasapat at balido ang mga kulang ang
napakabalido impormasyon impormasyon at
ang mga hindi balido ang mga
impormasyon impormasyon
ORGANISASYON Napakabisa at Mabisa at maayos Hindi gaanong
napakaayos ang ang angkop ang mga
pagkakasunod- pagkakasunod- ideya.
sunod ng mga sunod ng mga Nangangailangan pa
ideya. May ideya. Mahusay ng pagsasaayos ang
napakahusay na ang balangkas ng ideya.
pagbabalangkas pagbabalangkas
ng ideya. ng ideya.
EBIDENSIYA NG Higit sa tatlong Tatlong Hindi umabot sa
PANANALIKSIK material ang sanggunian tatlong sanggunian
sinangguni. May lamang ang at walang baryasyon
baryasyon ang ginamit. May ang sanggunian.
mga sanggunian. baryasyon ang
sanggunian.
TEKNIKALIDAD Sinunod ang Sinunod ang Hindi sumunod sa
format. Naipasa format ngunit format. Naipasa 4
sa petsa na may bahaging di- araw o mahigit
napagkasunduan nasunod. Naipasa pagkatapos ng
1-3 araw napagkasunduang
pagkatapos ng petsa.
petsang
napagkasunduan.
KABUOAN

PAGSASANAY

Panuto: TAMA o MALI. Basahing may pang-unawa ang pahayag sa bawat aytem.
Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto. MALI naman ang isulat kung ang
pahayag ay hindi wasto.

__________1. Higit na magagamit ng mga mamamayang Filipino ang wikang banyaga


upang maintindihan ang pansariling mga kaganapan, sitwasyon o pangyayari.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
__________2. Kung tayong lahat ay gumagamit ng mga kaisipan at ugali na alam
nating lahat ang kahulugan gayundin sa mga kaugnayan ng mga kahulugang ito sa
bawat isa, masasabing may pantayong pananaw ang lipunan at kalinangan n gating
bansa.
__________3. Walang kaugnayan ang kulturang Filipino sa teoryang ‘pantayong
pananaw.”

__________4. Parehong hindi madaling maunawaan ng mga Filipino ang kaniyang


lahing pinagmulan sa kaniya rin baying sinilangan ayon sa teorya ng ‘pantayong
panama.’

__________5. Wala pang naganap sa kanilang pakikisalamuha sa loob ng kanilang


etnikong pangkat ang mga ninuno natin bago dumating ang mga Kastila.

PAGTATAYA

Panuto: MAY PAMIMILIAN: Basahing may pang-unawa ang pahayag sa bawat aytem.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa nakalaang patlang bago ang sinasagutang bilang.

__________1. Nasasang-ayon dito ang Social Darwinism.

a. Industriyal Kultural
b. Kulturang Popular
c. Kultural na Hegemoniya
d. Progresibong Ebolusyon
__________2. Ang Industriyang kultural ay nagbibigay-linaw sa pananaw na

a. Kultural na Hegemoniya
b. Social Darwinisim
c. High Culture
d. Consumer Capitalism

__________3. Maituturing na pananaw na ito na may paghahari ng makapangyarihang


uri.

a. Progresibong Ebolusyon
b. Industriyang Kultural
c. Kulturang Popular
d. Kultural na Hegemoniya

__________4. Alinsa sumusunod ang maituturing na pangunahing layunin ng


pagbagtas na hakbang ng panunuri ng akda?

a. Makakuha ng suporta mula sa kapwa manunuri


b. Makaimpluwensiya ng mga mamayang maging mapanghimagsik
c. Makapag-udyok sa mga mamamayang maging mapanuri
d. Makabuo ang manunuri ng isang mapagpalayang pagdalumat mula sa akda

__________5. Alin sa sumusunod ang HINDI umaayon sa ideya ng pagbaklas?

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement
a. Himay-himayin ang anyo at mga elementong bumubuo sa akda
b. Isa-isang palitawin sa pagsusuri ang mga usaping panlipunan at pampolitika
na umiiral at patuloy na umiiral
c. Makabuo ng sariling dalumat sa mga political na diskurso ng may-akda
d. Makagawa ng makaagham na pagsasalaysay sa mga akda o tekstong politikal

_________6. Ang pagbaklas ay nangangahulugang ______________ sa nakagawian at


establisadong lente ng panunuri ng akda.
a. Pagtuligsa
b. Pagbuo
c. Pag-ayon
d. Pagbuwag

__________7. Ditto naging popular ang Teoryang Dependensiya noong nakaraang


dekada.
a. Latin Amerika
b. Africa
c. Filipinas
d. Mexico

_________8. Ang bansang Filipinas ay itinuturing na nasa uri ng mga bansang;

a. Fourth World
b. Thirsd World
c. Second World
d. First World

________9. Alin ang tinutukoy ni Rizal na laksa-laksang kanser ng lipunang Filipino


noong panahon ng Kastila?

a. Kayamanan
b. Magandang asal
c. Sakit na nakamamatay
d. Mga katiwalian

_________10. Ito ang unti-unting pagkaimpluwensiya sa katangian, pag-uugali at


pamamaraan ng pamumuhay ng isang grupo ng mga tao.

a. Postenculturation
b. Culture shock
c. Mitigation
d. Enculturation

SANGGUNIAN

Loñez, Leudane L.,Gauuan, Rodelio C., et.al, Filipino sa Iba’t ibang Disiplina (2019) St.
Andrew Publishing House.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino
Unit Website
Email Address
Phone Number
COLLEGE OF INFORMATION TECHNOLOGY & COMPUTING SCIENCES
….hastening advancement

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

You might also like