You are on page 1of 47

Mga Teorya sa

Pagtatamo/Pagkatuto ng
Pangalawang Wika
Inihanda at iniulat ni: Jane Bryl H. Montialbucio
Ang pagtatamo at
pagkatuto ng wika,
misteryoso at may mahika
nga ba?
Ikaapat na siglo BC, mahigpit na ang pagtatalo ng
mga pilosopong Griyego hinggil sa kalikasan ng
wika na sinasalita ng mga tao.

Dalawang Klasipikasyon ng mga Salita ayon sa


mga naunang Griyego:

Una – iyong tumitiyak sa kilos na isinasagawa sa


isang pangungusap;
Ikalawa – ang tao o bagay na nagsasagawa ng
kilos

Dionysius Thrax – isang Griyego, ay nakatukoy ng


walong iba’t ibang klasipikasyon ng mga salita.

The Art of Grammar – aklat ni Thrax na sumikat at


ginawang modelo sa pag-aaral ng mga balarilang
Latin t Griyego.
Edad Media- ang wikang Latin ang bumabandilang
modelo para sa pag-aaral na pambalarila.

Ayon kina Kittzhaber et al., 1970 – sa pagsisimula ng


pagsulat ng balarila noong panahong iyon, buong-
buong kinopya ng mga mambabalarila ang
balarilang Latin mula sa terminolohiya hanggang
klasipikasyon ng mga salita.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika

1.Teoryang Behaviorism

2. Teoryang Innatism

3. Teoryang Cognitive at

4. Teoryang Makatao
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
1.Teoryang Behaviorism: Pakinggan at Ulitin

-ipinahayag ng teoryang ito na ang mga bata ay ipinanganak na


may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay
maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang
kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay
mapayayaman at mapauunlad sa tulong ng mga angkop na
pagpapatibay rito.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Binigyang-diin ni Skinnner (1968), isang pangunahing
behaviourist, na kailangang “alagaan” ang pag-unlad na
intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-
sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos at gawi.

Ayon sa mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay


bunga ng panggagaya, paulit-ulit na pagsasanay hanggang
sa mamaster ang tamang anyo nito, at positibong pidbak.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
May paniniwala si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang
anumang gawain kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang
direksyon.
Ang mga gurong umaayon sa paniniwalang ito ni Skinner ay
palaging kariringgan ng mga papuring: “Magaling”. “Tama ang
sagot”. “Kahanga-hanga ka”. “Sige, ipagpatuloy mo”.
Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga
guro ng set ng mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa
sa pagtuturo.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Ang Audio-Lingual Method (ALM) na naging popular noong
mga taong 1950 at 19600 ay ibinatay sa teoryang behaviorism.
Ang mga pangunahing katangian ng ALM ay:
 Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;
 Binibigyan-diin ang pag-uulit at mga drill;
 Paggamit lamang ng target na wika;
 Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
 Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at
 Ang pagtuturo at pagkututo ay nakatuon sa guro
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
2. Teoryang Innatism: Nasa Isipan Lahat Iyan
-ang teoryang innatism sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat
ng bata ay ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika.
Ipinaliwanag ni Chomsky (1965- 1975) na ang kakayahan sa wika ay
kasama na pagkaanak at likas itong naalilinang habang ang mga bata
ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran.
Ayon pa rin ky Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed
para sa pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang
kung paano nalilinang ang iba pang tungkuling biyolohikal ng tao.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Inilahad pa rin ni Chomsky na ang isipan ng mga bata ay hindi
blangkong papel na kailangan lamang punan sa pamamagitan ng
panggagaya ng wika na kanilang naririnig sa paligid. Sa halip,
inihayag niya na ang mga bata ay may espesyal na abilidad na
tuklasin sa kanilang sarili ang nakapaloob na mga tuntunin sa
isang sistema ng wika, ito ay tinawag niyang Language Acquisition
Device (LAD) .
Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang
likhang-isip na “black box” na matatagpuan sa isang sulok ng
ating utak.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang
mga kapanalig ang terminong LAD; sa halip

Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa


aparatong pang-isipan na taglay ng lahat ng mga bata
pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White, 1989).
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
3. Teoryang Cognitive

-ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko


kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging
nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o
makabuluhan ang bagong tanggap na impormasyon,
alamin ang pumapailalim na tuntunin, at mailapat ang mga
ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika

- Ayon sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay isang


palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito
kagyat at tuwirang iwinawasto.
- Tinatanaw ng mga cognitivist ang pagkakamali
bilang isang integral na bahagi ng pagkatuto.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Unang Yugto: Sensori-motor Stage

Ikalawang Yugto: Pre-Operational Stage

Ikatlong Yugto: Concrete-Operational Stage

Ikaapat na Yugto: Formal Operational Stage


Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Unang Yugto: Sensori-motor Stage


- ang unang yugtong ito ay mula sa pagkapanganak
hanggang sa pagiging sanggol. Ito ang yugto na kung saan
ang bata ay refleksiv sa grasping, sucking at reaching na
mas nagiging organisado sa paggalaw at gawain.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Unang Yugto: Sensori-motor Stage


- ang terminong sensori-motor ay nakapokus sa mga
prominenteng pandama at paggalaw ng mga kalamnan ng
sanggol kung saan natututo siya tungkol sa kanyang sarili at
sa mundong kanyang ginagalawan.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget
Unang Yugto: Sensori-motor Stage
-ang guro ay dapat na makapagbigay ng mayamang
kapaligiran na may angkop na bagay na mapaglalaruan ng
mga bata.
Object permanence – ito ay isang kakayahan ng bata na
malaman na ang isang bagay ay permanente kahit hindi na
niya ito nakikita at matatamo niya ito sa yugto ng sensori-
motor.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Ikalawang Yugto: Pre-Operational Stage


-sakop ng yugtong ito ang batang nag-eedad dalawa
hanggang pitong taong gulang, ito ay nasa lebel ng di-
pormal na pag-aaral. Ang katalinuhan sa yugtong ito ay
“intuitive in nature”. Dito, ang bata ay makagagawa ng
mental na representasyon.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Ikalawang Yugto: Pre-Operational Stage


Symbolic Function – isang kakayahan ng bata na
makapagpresenta ng bagay at pangyayari. Simbolo na
makapagpresenta ng kung ano mang bagay. Katulad ng
isang guhit, sinulat na salita o mga sinasalitang salita na
maiintindihan sa pagrerepresenta ng mga totoong bagay.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Ikalawang Yugto: Pre-Operational Stage


Egocentrism – inaakala dito ng bata na magkapareho sila
ng pananaw ng mga taong nakapalibot sa kanya.
Centration – tumutukoy sa batang ang pokus ay nasa
iisang bagay o pangyayari lamang.
Reversibility – tinutukoy dito na ang bata ay walang
kakayahan na makapag-isip ng baliktaran.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Ikalawang Yugto: Pre-Operational Stage

Animism – binibigyan ng buhay ng mga bata ang isang


bagay.
Transductive reasoning – tumutukoy sa paraan ng bata
sa pagdadahilan, ito man ay nasa inductive o deductive.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Ikatlong Yugto: Concrete-Operational Stage


- may kakayahan ang bata na mag-isip ng mga lohiko pero
nasa kongretong bagay. Sakop nito ang edad sa pagitan ng
8-11 taong gulang o ang panahon na nasa elementarya.
Decentering – tumutukoy sa kakayahan ng bata na
makatanggap ng ibat ibang pananaw sa bagay at
pangyayari.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Ikatlong Yugto: Concrete-Operational Stage


Reversibility – ang bata ay makakasunod na sa mga
operasyon kung saan magagawa sa baliktarang pag-iisip.
Conservation – kakayahan ng bata na malaman ang
naturang bagay katulad ng numero, mass, bolyum o lawak
ay hindi nagbabago kahit may nagbago sa pisikal na anyo
nito.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Ikatlong Yugto: Concrete-Operational Stage

Seriation – tumutukoy sa kakayahan ng bata na ihanay


ang mga bagay sa isang serye batay sa isang dimension
katulad ng bigat, bolyum at size.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Ikaapat na Yugto: Formal Operational Stage


- sa pinal na yugto sakop nito ang edad sa pagitan ng 12
at 15 taong gulang, ang pag-iisip ay mas nagging lohiko.
-May kakayahan ng magresulba ng problema at
kakayahan ng maghypothesize.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Ikaapat na Yugto: Formal Operational Stage


Katangiang ng yugtong ito ay ang sumusunod:

1. Hypothetical Reasoning – may kakayahan sa pagbuo ng


ibat ibang hypothesis tungkol sa isang problema at
makakuha at makapagtitimbang ng mga datos upang
makagawa ng pinal na desisyon o paghatol.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Ikaapat na Yugto: Formal Operational Stage


Katangiang ng yugtong ito ay ang sumusunod:

2. Analogical Reasoning – may kakayahan na makapersiv ng


relasyon na maiuugnay upang gamitin ang relasyong ito sa
pagpapalalim ng mga posibleng sagot sa iba pang
magkapareho na sitwasyon o problema.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika
Yugto ng Kognitibong Pagbabago ni Piaget

Ikaapat na Yugto: Formal Operational Stage


Katangiang ng yugtong ito ay ang sumusunod:

3. Deductive Reasoning – may kakayahang mag-isip ng


lohiko na gagamitin sa kabuuang tuntunin patungo sa
partikular na sitwasyon.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika

4. Teoryang Makatao

- nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik na


pandamdamin at emosyunal. Ito’y nananalig na ang
pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari lamang kung
angkop ang kapaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral
at may positibong saloobin sila sa mga bagong kaalaman at
impormasyon.
Mga Teorya sa Pagtatamo/Pagkatuto ng Pangalawang Wika

4. Teoryang Makatao

- pangunahing binibigyang-pansin ng teoryang makatao


ang mga mag-aaral sa anumang proseso ng pagkatuto.
Palaging isinasaalang-alang ang saloobin ng mga mag-aaral
sa pagpili ng nilalaman, kagamitang panturo at mga gawain
sa pagkatuto.
Mga Napapanahong Teorya
sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang
Wika
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
1. Ang Balarilang transpormasyonal (Transformational
Grammar)
- ang mga mambabalarilang transpormasyunal gaya ni
Chomsky ay nananalig na ang isang wika ay may taglay na
set ng mga tuntunin na walang malay na nalalaman at
nagagamit ng isang tao sa kanyang pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan.
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
1. Ang Balarilang transpormasyonal (Transformational
Grammar)
-ayon sa pananaw na ito, hindi kailangan ng tao ang
dating karanasan para sa isang partikular na pangungusap
upang mailahad o maunawaan ito.
- tunguhin ng TG na maipaliwanag at mailarawan ang
likas na mga tuntuning ito ng wika.
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
2. Monitor Model ni Krashen

- may iminungkahing teorya si Krashen (1981-1982)


hinggil sa pagtatamo ng pangalawang wika na naging
batayan ng isang balangkas para sa pag-unawa ng mga
proseso kung paano natutuhan ang pangalawang wika.
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
2. Monitor Model ni Krashen
Limang haypoteses ng Teorya

1. Acquisition Learning Hypothesis


2. Natural Order Hypothesis
3. Monitor Hypothesis
4. Input Hypothesis
5. Affective Filter Hypothesis
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
2. Monitor Model ni Krashen
Limang haypoteses ng Teorya
1. Acquisition Learning Hypothesis
-na nagpapakita ng kaibahan ng pagtatamo sa pagkatuto
2. Natural Order Hypothesis
-nagpapahayag na ang mga tuntuning pangwika ay
natatamo sa isang mahuhulaang pagkakasunud-sunod
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
2. Monitor Model ni Krashen
Limang haypoteses ng Teorya
3. Monitor Hypothesis
- na nagpapalagay na may isang paraan ng pag-iisip para sa
pagtatamo ng katatasan
4. Input Hypothesis
-nagpapahayag din na ang mga wika ay natatamo sa isang
paraan lamang – sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga mensahe
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
2. Monitor Model ni Krashen
Limang haypoteses ng Teorya
5. Affective Filter Hypothesis
- na nagpapaliwanag hinggil sa mga sagabal na pang-
isipan at pandamdamin para sa ganap na pagtatamo ng
wika.
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
3. Information Processing
- pinag-aaralan ng mga Cognitive Psychologist sa information-
processing model ng pagkatuto ng tao at ang kanilang kakayahan
sa pagtatamo ng pangalawang wika upang makabuo ng kaalaman
para sa pagsasalita at pag-unawa.
- Norman Segalowitz at kanyang mga kasama nagmungkahi na
ang mga mag-aaral ay kailangang munang magbigay atensyon sa
anumang aspeto ng wika na kanilang uunawain o lilikhain.
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
3. Information Processing
-Pagbibigay Atensyon sa konsepto ang kailangan upang
magamit ang kognitibong sanggunian tungo sa pagproseso ng
impormasyon.
- may limitasyon ang mga mag-aaral sa pagkuha ng
impormasyon kaya kung ano lamang ‘yung kanilang nakalap ay
iyon din lamang ang kanilang gagamitin kaya di nila namamalayan
na gumagamit sila ng mga maling morpema na nakaaapekto sa
kahulugan ng salita.
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
3. Information Processing
-pero sinasabi sa teoryang ito na sa tulong ng karanasan
at mga pagsasanay sa mag-aaral ay magkakaroon sila ng
kakayahan na matutunan kaagad ang pangalawang wika.
-At kung bibigyan sila ng kalayaan sa pagtamo ng iba
pang aspeto ng wika ang pagkatuto ng pangalawang wika
ay nagiging awtomatik na.
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
4. Connectionism
-ang mga Connectionists ay nag-ambag ng malaking
importansya sa role ng kapaligiran kysa kung ano mang ispesipik
na innate na kaalaman sa mag-aaral. Na kung saan ang innate ay
simpleng kakayahan lamang sa pagkatuto at hindi ito isang
linguistic principle.
-ipinaliwanag ni Nick Ellis (2002) na ang impasis ay nasa
frequency kung saan nakakasalubong ng mga mag-aaral ang
specific linguistic features.
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
4. Connectionism
-pagkatapos mapakinggan ang wika sa natatanging sitwasyon
ng paulit-ulit, madedevelop ng mag-aaral ang tinatawag na
“connentions” na kanilang maiuugnay sa dati nilang kaalaman.
5. The Competition Model
-ang teoryang ay may pagkakahawig sa paniniwala ng mga
Connectionist. Ito ay ibinatay sa haypoteses na ang pagtatamo ng
wika ay lumalabas kahit wala ang pangangailangan ng mag-aaral
na magbigay pokus o anu mang pangangailangan ng innate brain.
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
5. The Competition Model
- inilarawan nina Elizabeth Bates at Brian MacWinney (1981)
ang competition model sa pagpapaliwanag ng pagtatamo ng wika
na dapat malaman lang ang wika kundi may kaukulang pag-unawa
at paggamit nito.
-sa pamamagitan ng pag-expose ng mag-aaral sa libo-libong
halimbawa ng wika na may kaukulang kahulugan ay makatutulong
sa mag-aaral na matuto gamit ang “cues” o pahiwatig na
magbibigay signal sa ispesipik na paggamitan ng wika.
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo/
Pagkatuto ng Pangalawang Wika
5. Cummin’s Second Language Framework
- Gumawa si Cummin ng distingsyon sa pagitan ng Social
Language at Academic Language
1. Social Language- tumutukoy sa pang-araw-araw na
conversational language na sinusuportahan ng pagamit ng
larawan, reyalya, demostrasyon at marami pang iba.
2. Academic Language- wikang pampaaralan na may tungkulin
na gawing abstrak at mabawasan ang konteksto.

You might also like