You are on page 1of 9

PARAAN NG PAG-AGAPAY NG MGA MAG-AARAL

SA UNANG TAON SA UST KOLEHIYO NG NARSING

RIOS LIEZEL*, RAYMUNDO JUSTINE, BALTAZAR MELLE, BAGOT LIEN,

ANDAYA NICOLE, DE GUZMAN ALEXIS, BISCOCHO ASHLEY

MULA SA I-8 NG UNIBERSIDAD NG STO.TOMAS-KOLEHIYO NG NARSING

IKA-2 SEMESTER. T.A. 2009-2010

SA PATNUBAY NI GNG. ZENDEL TARUC .M. ED.

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL


Ang layunin ng pag-aaral na ito ay mailahad ang mga iba’t-ibang uri ng stress na kinahaharap ng
mga estudyante sa unang taon sa Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas at matukoy ang
kanilang mga paraan sa pag-agapay.
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay maitaas ang lebel ng awareness ng mga mambabasa lalo na
ang mga estudayanteng nasa kolehiyong Narsing upang sila’y makabuo ng solusyon para sa stress o
pagkahapo na kanilang nararanasan. Ang pag-aaral ding ito ay makatutulong upang mamulat sila sa
mahahalagang paraan ng pag-agapay upang hindi sila makaramdam ng sobrang pagkahapo na maaring
makaapekto sa kanilang kalusugan.
I. PANIMULA
Ang pagpasok sa kolehiyo ay isa sa mga hakbang na pinaka-aabangan ng maraming estudyante
sa hayskul. Bagama’t ang iba ay nakararanas ng masaya o matagumpay na buhay sa kolehiyo. Nariyan na
ang problema sa pamilya, pera, at relasyon na maaring makaabala sa pag-aaral. Karaniwang problema
naman sa eskwelahan ay ang grado,”report”, kanilang “class standing” sa klase, atbp. Dahil dito,
masasabing ang mga estudyante sa kolehiyo ang nakararanas ng mataas na lebel ng pagkahapo o stress.
May iba’t ibang dahilan sa pagkaranas ng “stress” o pagkahapo. Maaaring hindi komportable ang isang
indibidwal para sa isang sitwasyon ngunit maaaring masaya naman ito para sa iba. Nararapat na tayo ay
maging mapanuri at magkusang tuklasin ang mga bagay na nakakaapekto sa ating pagkahapo at maaring
mga paraan ng pag-agapay dito upang maging matagumpay ang pakikitungo sa mga problemang
kakaharapin sa kolehiyo.
Sa pag-aaral na ito na pinamagatang "Paraan ng Pag-agapay ng mga Estudyante sa Unibersidad
ng Sto. Tomas - Kolehiyo ng Narsing," tatalakayin ng mga mananaliksik ang mga karaniwang sanhi ng
pagkahapo at ang magiging epekto nito sa isang indibidwal. Ibabahagi din ng pag-aaral na ito ang at ang
mga paraang ginagamit ng mga estudyante sa kolehiyo ng Narsing para sa mabisang pag-agapay nila sa
pagkahapo.

II. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA


Stress sa Kolehiyo
Ayon sa pananaliksik nina Schulenberg, Maggs, &
Hurrelmann (1997), para sa mas nakararaming kabataang mga lalaki
at babae, ang pagkokolehiyo ay ang magandang panahon para sa
hamon at oportunidad ng pag-unlad. Ayon naman kay Balk (1995), Hurrelmann at Losel (1990), para sa
karamihan, ang pagkokolehiyo ay ang unang pagkakataon ng paglayo sa tirahan, mga magulang, at sa mga
nakasanayang lugar. Tulad ng ibang malalaking pagbabago sa buhay, ang pagkokolehiyo ay maaaring
pagkakataon ng personal na pagbabago na maaari ring pagmulan ng stress o pagkahapo. Alinsunod sa
pag-aaral ni Jaff-Gill et. al. (2007) maraming sanhi ang stress at ito ay magka-iba sa iba’t-ibang indibidwal.
Ang iyong itinuturing na nakahahapo ay depende rin sa maraming mga dahilan kabilang na ang iyong
personalidad, abilidad sa paglutas ng problema at ang mga taong nariyan para sumoporta. Ang isang bagay
na nakahahapo sa’yo ay maaaring nakatutuwa pala para sa iba. Napatunayan rin nina Haan, Millsap, at
Hartka (1986) na ang pagbabago mula sa pagiging adolescent sa pagiging young adult ay nakawawalang-
tatag ng ibang ugali tulad ng pagiging pagkamaasa (dependent) at pagiging mailap sa mga nakakasama.
Kahanay nito, kaugnay ng pagkokolehiyo ang karagdagang pagkabalisa at depresyon ayon kina
Kuribayashi,Whitney, at McClushkey-Fawcett (1997). Batay kay Margolis (1989), ang mga nasa unang taon
ng kolehiyo na nakararanas ng hirap sa pagbabago ay nagkukulang ng epektibong pagkayang kapasidad at
nilulutas sa paghiwalay sa kaibigan, paninisi sa iba, pag-inom ng alak at pagdodroga, at nagiging aktibo sa
sex. Halimbawa, ang pag-inom ng alak sa pagkokolehiyo ay normal lamang na gawaing pagkaya. Ang labis
na pag-inom ng alak ay makakasama sa kalusugan ayon kina Maggs, 1997; Schulenberg et al.; (1997).
Pinatunayan rin ni Jaff-Gill et. al. (2007) pagkahapo ay hindi lamang nagdudulot ng pisikal na karamdaman,
ito rin ay may masamang epekto sa mental na kalusugan. Habang nagtatagal, ito ay nagdudulot ng mental
na problema, tulad ng: pagkabalisa, kalungkutan problema sa pagkain, at pag-aabuso ng substansiya. Ang
pagkahapo ay nakakaapekto sa utak, particular na dito ay ang memorya, ngunit ang epekto nito at nag-iiba
depende kung ito ay acute o chronic.

Stress sa mga Amerikano


Ayon sa pananaliksik ni Chang (2006), ang pagkahapo rin ay maaring magdulot o magpalala sa ilang
sintomas o karamdaman. Ang pagkahapo sa paaralan ay mas malala ngayon kung ikukumpara noon. Sa
sobrang tindi ng pagkahapo ng kabataan, minsan ito ay umaabot sa pagpapakamatay. Ayon kay Atkins, A.,
(1992) ng Capable Kids Counseling Centers, isang American teenager ay nagtatangkang magpakamatay
bawat 78 segundo.
Isang patunay sa pahayag na ito ay ang balita ng US News and World Report na 30% ng mga
eskwelahan sa Amerika ang nagkaroon ng apat na kaso ng pagpapakamatay.

Stress sa mga Asyano


Ang mga Asyanong naninirahan sa ibang bansa ay may kanya-kanya ring dahilan ng pagka-stress. Una
sa listahan ay ang “racism”. Nagkakaroon ng mataas na stress rates sa mga kolehiyo kung saan ang mga
Asyano ay mag-aaral sapagkat hindi maiiwasan ang diskriminasyon. Ayon kay Mooko, ang mga kolehiyong
Asyano ay nahihirapang pumasok sa mga Unibersidad sapagkat may mga kota silang dapat maabot na
nakalaan lamang sa kanila.
Isa rin sa mga dahilan nila na pagkakaroon ng stress ay ang bansag sa kanila bilang “model
minority”. Ang mga kolehiyong Asyano ay napapahiya kapag hindi nila nagampanan ang pagiging modelo
nila sa ibang mag-aaral. Mataas ang pagtingin sa kanila kung kaya’t madali silang ma-stress dahil dito. Hindi
din maiiwasan ang pagkagalit ng ibang estudyante sa mga Asyano sapagkat napapaloob nanaman dito ang
diskriminasyon.
Ang pagkakaroon ng mataas na lebel ng stress, nagpag-alaman na sila ang may pinakamataas na
“suicidal tendencies” o ang pagpapakamatay. Nagpatunay sa pahayag na ito ang National Institute of
Mental Health (NIMH) na ang pagpapakamatay ang pangatlo sa dahilan ng pagkamatay sa Asya. Particular
na dito ang mga kabataang edad 15-24.

Stress sa Kolehiyo ng Narsing


Mula sa pag-aaral ni Rodriguez, ang pag-aaral ng narsing ay isang
exciting at punong-puno ng pagsubok na paglalakbay dahil ito ang isa sa
pinakamahirap na kurso ngayon at karamihan sa mga estudyante ngayon ay ito
ang kinukuha. Dahil dito, ito ang dahilan sa pagkaubos ng oras at enerhiya ng
mga mag-aaral. Ang narsing ay isang propesyon na siyang nagbabawas ng
karamdaman ng isang indibidwal at sila rin ang responsible sa pagpapanitli ng
kalusugan.
Gayunpaman, ang isang nurse ay kumakaharap ng mga komplekadong
sitwasyon at problema na maaring hindi masolusyunan o maagapan sa
pamamagitan ng mga teorya, mga kaalamang pampropesyon at kakayanan ng
isang nars. Isang pag-aaral ang tumalakay sa mga problema na kinahaharap ng mga estudyanteng Narsing.
Ang mga problema din na ito ay napatunayang dahilan ng pagkakaroon ng stress ng mga estudyante.
Ang stress ay maaring magmula mula sa mga kaibigan, propesor, pamilya o kamag-anak, pati narin
sa relasyon at kompetisyon. Araw-araw, hindi lang utak ang kailangan ng mga estudyante upang magawa
ang mga gawain at maging masaya kapag ito’y nagawa ng mabilis, ngunit, kailangan din isa alang-alang
ang emosyon sa pakikitungo sa mga tao hindi lang ang pagharap sa mga makakapal na libro. Ang mga
estudyanteng Narsing ay nakararanas ng matinding stress na maaaring maging sanhi ng problema sa
kalusugan at sa pag-iisip ng tao, tulad ng depresyon at takot.
Dahilan din ng pagkakaroon ng stress sa mga estudyanteng Narsing ay ang
kanilang “relative learning experience” at ang iba pang kurso kung saan sila ay
naka-enrol. Ang learning experience ay serye ng mga planadong aktibidades
sa komunidad na maghahanda sa mga estudyante para sa mga propesyunal
na gawain. Isa pa sa dahilan ay ang oras na inilalaan sa mga silid-aralan ng
kolehiyo ng Narsing at sa laboratoryo. Ang patuloy na mga aktibidades na
nagiging dahilan ng stress ay ang hindi inaasahang pagbabago sa ugali na
nakakabawas sa kanilang performance. Makararamdam sila ng pagbagsak ng
kalusugan, pisikal at emosyonal na stress. Ang pisikal at sikolohikal na
sintomas ng stress na makikita sa bawat estudyante ng Narsing ay ang mabigat ng pagdurusa tulad ng
pagka-irita, hindi makapokus, hindi makatulog, depresyon, madalas na nangangamba, nanunuyo ang bibig
at walang ganang kumain.
Kapag ang stress na ito ay hindi na makuhang solusyunan at lumampas na sa kapasidad ng pag-
agapay ng isang mag-aaral, maaari itong magdulot ng masamang epekto sa paraan ng pag-iisip ng
estudyante, tulad ng pagtatangkang pagpapakamatay, pagpapatalsik ng estudyante sa paaralan maaaring
hindi na maipagpatuloy ng estudyante ang kursong kinukuha, hindi pagpasok sa klase, misconduct
behaviors. Ang mga ganitong problema ay nangangailangan ng ibayong suporta at pag-papayo.

Coping Mechanism sa Kolehiyo


Natural lang para sa mga estudyanteng kolehiyo ang nararanasang pagkahapo. Kung kaya’t
karamihan sa mga mag-aaral sa kolehiyo ay gumagawa ng paraan para sa
mabisang pag kontrol o pag-agapay nila sa stress o ang tinatawag na “coping
mechanism”.
Ang pananaw sa stress at pag agapay dito o “coping mechanism” ay may
pagkakaiba sa bawat kultura. Gayun pa man, walang standard o tiyak na coping
mechanism ang itinuturing na epektibo sa lahat sapagkat ito ay nagkakaiba sa
bawat kultura. Sang-ayon sa 2006 mtvU College Mental Study, na ang dalawang
pangunahing paraan upang makabawas sa paghahapo ay ang pakikinig sa mga
tugtugin (79%) at ang pagtulog (73%). Nakasaad din dito na ang mga lalaking
estudyante ay naglalaro ng iba’t ibang isports at iba’t ibang mga video games. Ang
iba naman ay nagsasabing gumawa ng mga “organizers.” Sinasabi rin dito na ang alak ay isa pang paraan
sa pagharap sa iba’t ibang pagkahapo o stress. Batay naman kay Susan Williams, Ang pinakakaraniwan na
istratehiya ng pag-agapay ay ang “help seeking” na kung saan ang indibidwal ay humihingi ng alalay o pag-
agapay mula sa iba. Ang suporta mula sa mga kaibigan ay importante rin upang makabawas sa pagkahapo
na nararanasan ng mga mag-aaral.
Ayon sa pag-aaral ni Wong (1991,1993), ang isang indibidwal ay gumagamit ng “existential coping”
na kung saan siya ay nagiging “optimistic” ang isang indibidwal sa panahon ng negatibong pangyayari. At
ang isa naman sa pinaka-epektibong paraan ayon kay Lazarus at Folkman (1984) ay ang “active coping,”
na kung saan ang indibidwal ay gumagawa ng agapang solusyon sa kanyang pagkahapo.
Sa pag-aaral nina Lee at Mixon etal. (1995), ang mga Asyano ay may mas mababang positibong
pananaw sa “counseling services” kaysa sa mga Amerikano. Isa sa mga dahilan ng konklusyon na ito ay
ang “collective cultures” ng ilang indibidwal dahil sinasabing ayaw humingi ng tulong ng mga Chinese at
Japanese galling sa iba. Gayunpaman, ilan sa mga nakararanas ng pagkahapo ay gumagamit ng mahigit sa
isang paraan na “help seeking strategy.” Halimbawa, ang isang indibidwal ay maaaring humingi ng tulong
mula sa kaibigan kasabay ng pananalangin sa Panginoon upang humingi ng patnubay.
Ayon naman sa survey na isinagawa sa University of Michigan, isa sa bawat limang
amerikanong estudyante sa kolehiyo ang gumagamit ng “prescription drugs” tulad
ng pain killers at sleeping pills sa pag aakalang ang mga gamot na ito ay mas ligtas
kaysa “street drugs” tulad ng marijuana, shabu at iba pa. Gayunpaman,
napagalaman ng Archives of Pediatrics and Adolescent Medicine na mas
nakakaadik pa ang mga “prescription drugs” na ito kumpara sa cocaine at heroine
kung saan kapag naparami ang paginom nito ay maaring magdulot ng masama sa
ating katawan. Ayon sa pag-aaral ng Annual Review of Public Health 2005, bukod
sa pag gamit ng mga prescription drugs ng mga estudyanteng kolehiyo sa America, ang mga estudyanteng
ito ay malapit rin sa pag abuso ng alak. Ang mga estusyanteng ito ay sumasailalim sa ganitong mga bisyo
sa pag-aakalang mabibigyan sila nito ng pag-asa o “relief” sa panandaliang panahon.

III. PAGLALAPAT NG SARILING PAG-AARAL


A. Metodolohiya
Ang mga mananaliksik ay kumalap ng mga datos sa pamamaraan ng sarbey. Nagbigay ng isang set
ng talatanungan ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral sa unang taon ng Kolehiyo ng Narsing sa
Unibersidad ng Santo Tomas noong Marso 5, 2010. Sa 60 na talatanungan lahat ay naibalik.
Ang talatanungan ay nakapokus sa pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa pagkahapo o stress at
ang kanilang paraan ng pag-agapay. Una, nagtanong ito kung ang mga mag-aaral ay nakararanas ng
pagkahapo. Pangalawa ay nagtanong naman ukol sa mga palagay ng mga mag-aaral tungkol sa
pagkahapo (tulad ng akademiks, personal na buhay at iba pa). May mga tanong din na tumatalakay sa
posibleng dahilan ng pagkakaroon ng stress, aspeto ng pang-araw-araw na gawain na nakakaapekto sa
pagkahapo. Huli, nagtanong ito kung paano niya ito pinakikitunguhan at kung gaano kadalas ginagawa ng
mag-aaral ang mga gawaing ito, at kung sa kanilang palagay ay epektibo ba ang mga nasabing gawain sa
pagbawas ng kanilang pagkahapo pati narin kung paano nakatutulong sa pagbawas ng pagkahapo ang
kanilang napiling gawain.
B. 1. Presentasyon ng Datos
Kategorya at Tema Frequency Kategorya at Tema Frequency

A.Nakaranas ng pagkahapo D5. relasyon sa kaibigan 8 (13.33%)


D6. mahinang pangangatawan 6 (10%)
A1. OO 60 (100%) D7. hindi nakakain sa tamang oras 8 (13.33%)
D8. hindi nakakakilos ng maayos 12 (20%)
E.Mga paraan upang mabawasan ang
A2.HINDI -
pagkahapo
E1.kumain 26 (43.33%)
B. kahulugan ng pagkahapo E2.matulog 34 (56.67%)
E3.bisyo 2 (3.33%)
B1. pag-aaral na walang pahinga 46 (76.67%) E4.paggamit ng kompyuter 20 (33.33%)
E5.pagiging positibo 29 (48.33%)
B2. nakasasama sa kalusugan 26 (43.33%) E6.hobbies 20 (33.33%)
E7.isports 10 (16.67%)
E8. makipag-usap sa mga kaibigan 30 (50%)
B3. walang pokus o maraming iniisip 40 (66.67%) -
E9. tangkang pagpapakamatay
E10. maglakwatsa kasama mga barkada 16 (26.67%)
B4. pagkapagod at kakulangan ngpahinga 56 (93.33%) F. Gaano kaladas ito ginagawa
F1.madalas na madalas 15 (25%)
at tulog F2.madalas 32 (53.33%)
F3.minsan 13 (21.67%)
B5. mababang marka sa eskwelahan 37(61.67%) F4.bihira -
G. Gaano ka-epektibo
B6. sobrang daming ginagawa, kulang sa 55 (91.67%) G1.oo 22 (36.67%)
oras G2.medyo 34 (56.67%)
B7. sagabal sa mga gustong gawin G3.hindi 4 (6.67%)
C. Dahilan ng pagkahapo
C1.pera
26 (43.33%)
C2.pamilya
C3.oras
C4.solusyon sa problema
C5.diskriminasyon
C6.grado 9 (15%)
C7.kota sa kolehiyo
C8.kaibigan 9 (15%)
D. Saan nakakaapekto ang Pagkahapo.
D1. relasyon sa pamilya
17 (28.33%)
D2. hirap sa akademiks
D3. walang sapat na tulog
D4. nawawalan ng pokus 17 (28.33%)

31 (51.67%)

41 (68.33%)

7 (11.67%)

8 (13.33%)

37 (61.67%)

42 (70%)

28 (46.67%)
2. Analisis/ Pagsusuri

Ayon sa nalikom na datos, napag-alaman na lahat ng estudyante sa kolehiyo ng Narsing ay nakararanas


ng pagkahapo. Ayon sa kanilang pananaw sa stress, ito ay pagkapagod at kakulangan ng pahinga at tulog na
nakakuha ng mataas na porsyentong (93.33%), pumangalawa ang sobrang daming ginagawa o kulang sa oras na
may (91.67%), pangatlo ang pagtatrabaho o pag-aaral ng walang pahinga na may (74.67%), ika-apat ang kawalan
ng pokus o maraming iniisip na may (66.67%), pang-lima ang mababang marka sa kolehiyo (61.67%). at pareho
namang nakakuha ng (43.33%) ang depinisyong sagabal sa gustong gawin at nakasasama sa kalusugan.

Ang nangunguna sa dahilan ng estudyante sa kanilang pagkahapo ay ang kota sa kolehiyo na may
(68.33%), sumunod ang marka o grado (51.67%). pareho namang nakakuha ng ikatlong rank ang oras at gawain
sa problema na may (28.33%), ang ika-apat ay nagbigay ng (15%) sa pera at pamilya. Ikalima, ang kaibigan na
may (11.67%), at ang panghuli ay diskriminasyon na walang porsyetong nakuha.

Ang sumunod na kategorya ay kung saan nakakaapekto ang pagkahapo ng estudyante sa kanilang buhay.
Nangunguna ng kawalan ng sapat na tulog na nagbigay ng (70%), sumunod ang hirap sa akademiks na may
(61.67%), ikatlo ang kawalan ng pokus na may (46.67%), ika-apat ang hindi nakakakilos ng maayos na may
(20%). At pare-parehong nagbigay ng 13.33% bilang pang-limang dulot ang relasyon sa pamilya, relasyon sa
kaibigan, at hindi makakain sa tamang oras. Panghuli ang mahinang pangangatawan na may (10%).

Para sa paraan ng pagkontrol ng mga estudyante sa kanilang pagkahapo, nangunguna ang pagtulog na
may (56.67%), ikalawa ang pakikipagusap sa kaibigan na may (50%), ikatlo ang pagiging positibo na may
(48.33%), pang-apat ang kumain na may (43.33%). Parehong nakakuha sa panglimang rank ang paggamit ng
kompyuter at pinagkakaabalahan o hobbies na may parehong 33.33%. Ika-anim ang maglakwatsa kasama ang
barkada na may (26.67%). Pam-pito ang isports na may (16.67%). Ika-walo ang bisyo na may (3.33%) at panghuli
ang tangkang pagpapakamatay na walang porsyentong nakuha.

Napagalaman na halos (50%) ang madalas na gumagamit ng mga paraang pag-agapay. Samantalang
(25%) naman ang nagsasabing madalas na madalas nila itong ginagawa. At (21.67%) ang nagsasabing minsan
lang nila ito ginagawa.

Para sa panghuling kategorya, (55%) ang nagsasabing medyo epektibo ang mga paraang pag-agapay na
ito. (36.67%) naman ang nagsasabing OO epektibo ito at (6.67%) ang nagsasabing hindi ito epektibo.

C. Konklusyon

Ayon sa nalikom na datos mula sa sarbey, halos kalahati ng mga respondente ang nagsabi na ang pananaw nila
sa pagkahapo o stress ay pagkapagod at kakulangan ng pahinga at tulog. Lubhang nakararanas ng pagkapo o
stress ang mga estudyante sa unang taon sa Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas at ang dahilan
nito ay ang kota ng kolehiyo. Dahil dito, lubhang naapektuhan ang oras ng kanilang pagtulog. Hindi rin
maipagkakaila na nahihirapan din sila sa akademiks at dahil dito, sila’y nawawalan ng pokus.

At ang kanilang paraan ng pag-agapay upang mabawasan ang kanilang pagkahapo o stress, ito’y idinadaan na
lamang nila sa, pagtulog, kumain, makipag-usap sa kanilang mga kaibigan at maging positibo. Bagama’t, hindi
masyadong epektibo para sa kanila ang mga istratehiyang ito, masasabing ito’y nakabawas padin sa pagkahapo
na kanilang nararanasan.

Bilang mga mananaliksik, masasabi namin na mahirap para sa mga estudyanteng na nasa unang taon ng
kolehiyo ang mag-adjust mula sa kanilang pagiging hayskul hanggang kolehiyo, dahil hindi maipagkakaila na sila’y
nakararamdam ng matinding pagkahapo pagtungtong nila sa kolehiyo. Partikular na dito ang mga estudyante sa
kolehiyo ng Narsing na masasabi namin na isa sa pinakamahirap na kurso. At dahil dito, sa mga paraan ng pag-
agapay na aming inilahad, masasabing ito’y maaaring makatulong sa kanila. Hindi man nito tuluyang maalis ang
pagkahapo ng isang indibidwal, masasabi naman na maari nitong mabawasan at makontrol ang sobrang
pagkahapo. Kapag ito’y hindi kaagad naagapan o nakontrol, ito’y magdudulot pa ng malaking problema.
D. Rekomendasyon

Para sa mga estudyanteng nasa unang taon sa kolehiyo ng Narsing, ang


coping mechanism na maaaring makatulong upang maiwasan ang sobrang
pagkahapo o stress ay ang paggawa ng time table upang maging organisado
ang iskedyul. Isa pang maaaring paraan upang matanggal ang stress ay ang
pagkain. Mayroon tayong mga tinatawag na “comfort foods” at karamihan sa
mga tao ay kinukunsidera ito bilang “coping mechanism” sa stress. Ilan sa
halimbawa nito ay ang tsokolate, dahil mayroon itong anti-oxidants flavonoids
na hindi lamang nakakapag paganda sa kundisyon ng puso kundi, nakakapag
tanggal din ng tensyon o stress. Isa rin sa makakatulong upang mabawasan
ang stress ay ang pagsali sa mga
“recreational activities” tulad ng
paglalaro ng iba’t ibang isports, pagsasayaw, atbp. Siguraduhin rin na
mayroon kang panahon para magkaroon ng “social time” at oras para
makapag-isa at mag-relax. Isa rin sa makakatulong upang makabawas ng
pagod ay ang mga indibidwal na aktibidades gaya ng panonood ng
telebisyon, pakikinig sa mga paboritong tugtugin, pamamasyal,
pagbabasa, makipag-usap sa kaibigan. Higit sa lahat, tayo’y wag
makakalimot manalig sa Diyos at manatiling matatag upang magawa
natin ang dapat.

IV. BIBLIOGRAPIYA

Bukatko (2008). Child and Adolescent Development. USA: Houghton Mifflin


Company.

Zaleski, E. H., Levey-Thors, C., Schiaffino, K.M. (1998). Coping Mechanism, Stress,
Social Support, and Health Problems in College Students. Applied
Developmental Science, Volume 2. Retrieved from January 10, 2010, from
http://www.questia.com/googleScholar.qst?docld=80930760

Gadzella, B. M., Carvalho, C. (n.d.). Stress Difference Among Female


University Students. Retrieved December 13, 2009, from
http://www.mcneese.edu/ajpn/vol4/ajp03_08.pdf

Haith, M. M. (2009). Social ang Emotional Development. Elsevier, USA.

College Mental Health Study: Stress, Depression, Stigma & Students. Retrieved December 13, 2009, from http://holfofus.com/-
medial-lps/mtvVcollegementalhealthstudy2006,pdf

Armstrong, D. J. (2000). Fast Facts: Freshmen feel stress. Retrieved December 13,
2009, from http://www.fldoe.org/CC/OSAS/FASTFACTS/ff36.pdf
Slaboch, K. (2000). Stress and the Colllege Student: A Debate. Retrieved December 31, 2009, from
http://www.jour.urn.edu/outppost/voices/voi.slabochstress.html

Williams, S. (2001). College Students and Stress. Retrieved December 13, 2009, from
http://www.indiana.edu/~ocnhp/101201/text/stress.html

Wilgoren, J. (2000). More than ever, first year students feeling the Stress of College. Retrieved December 13, 2009, from
http://www.nytimes.com/2000/01/24/us/more-than-ever-first-year-students-feeling-the-stress-of-college.html

Scott, E. (2009). The Causes of stress in College. Retrieved December 13, 2009, from
http://www.stress.about.com/od/studentstress/a/college/stress_college.htm

Stress and College Students. Retrieved December 13, 2009, from


http://www.counsel.ufl.edu/selfhelpinformation/stress/stress_and_college_students.aspx

Stress Management College Students Guide. Retrieved December 13, 2009, from http://www.christian-couseling-
online.com/stress_management_college_students.html

Top 5 Student Stressors and Stress Relievers. Retrieved December 13, 2009 from http://www. collegeandfinance.com/topfive-
things-that-stress-college-students-out/

CAPS. (2003).Stress of Students. Retrieved December 13, 2009, from http://www.uark.edu/~caps/stress.html

Scott, E. (2008). Social Causes of School Anxiety. Retrieved December 13, 2009, from
http://stress.about.com/od/studentstress/a/school_anxiety.htm

Scott, E. (2009). How to Reduce Stress and Excell in School. Retrieved December 13, 2009, from
http://stress.about.com/od/studentstress/ht/schoolstress.htm

Scott, E. (2009). Stress in College:Commong Causes of Stress in College. Retrieved December 13, 2009, from
http://stress.about.com/od/studentstress/a/stress-college.htm

Eacelyn`s blog. (2009). Stress Management. Retrieved December13, 2009, from http: //eacelyn.blog.fs.com/

Baldwin Wallace College. (2005). Coping with Stress in College. Retrieved December 13, 2009, from http:
//www.bw.edu/resources/counseling/topic/stress

Beware. (2009). Stress Could Cause Serious Long-term Effects. Retrieved January 5, 2009, from
http://www.stressfocus.com/stress_focus_article/stress_effects_on_body.htm
Bryne, J. (1996). Personalitty Research Book: A personality Scale of Manifest Anxiety. Englewood Cliffs, NJ: Prentice Hall.

Liebert, R. M. (n.d). Personality Strategies and Issues: The Cognitive Behavioural Approach. Belmont, C.A.: Brooks/Cole
Publishing.

You might also like