You are on page 1of 18

12

Filipino sa Piling Larang


(Academic)
Unang Markahan – Modyul 6:
MGA URI NG TALUMPATI
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Mga Uri ng Talumpati
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Roshelle G. Abella
Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido
Tagasuri: Arlene L. Decipolo, Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T.
Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
12
Filipino sa Piling Larang
(Academic)

Unang Markahan–Modyul 6:
MGA URI NG TALUMPATI
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Mga Uri ng Talumpati!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Mga Uri ng Talumpati!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

MGA URI NG TALUMPATI

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling


akademikong sulatin. (CS_FA11PU-0d-f-92)
2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
(CS_FA11PUOd-f-93)

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta? Nahihirapan ka bang bumuo ng


isang akademikong sulatin kagaya ng talumpati? Ito na ang sagot sa
iyong problema!

Ang modyul na ito ang magsisilbing gabay mo sa kung ano


at paano ang paggawa ng isang talumpati. Ito ay makatutulong sa iyo
upang matutuhan ang mga paraan o hakbang sa paggawa ng isang
maayos na talumpati. Bilang isang mag-aaral at mananalumpati sa
hinaharap, mahalagang malaman ang tamang pagsulat ng isang
mahusay na talumpati sapagkat ito ang magsisilbing gabay mo upang
malaman kung paano mahikayat ang tagapakinig na pakinggan ang
iyong ginawang talumpati.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakapagbibigay ng kahulugan, proseso o tamang hakbang sa paggawa ng


talumpati;
2. Nakasusulat ng talumpati na sinusunod ang tamang hakbang nito; at
3. Naisasaalang-alang ang etika sa pagbubuo ng mahusay na talumpati.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang tamang sagot. Piliin
lamang sa loob ng kahon ang tamang sagot.

Extemporaneous Paghahanda
Impromptu Kasukdulan
Impormatibo Pagbaba
Mang-aliw Pag-unlad
Nanghihikayat Okasyonal
Nangugulat Espesyal

___________ 1. Talumpating naglalahad ng kaalaman tungkol sa isang paksa.


___________ 2. Talumpating isinusulat at binibigkas para sa isang okasyon.

2
___________ 3. Talumpating nanghihikayat sa mga tagapakinig na gawin ang
isang bagay.
___________ 4. Talumpating pinaghandaan ng ilang oras o araw.
___________ 5. Talumpating walang paghahanda.
___________ 6. Talumpating nagpapatawa sa mga tagapakinig.
___________ 7. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
pagpukaw sa atensyon ng tagapakinig.
___________ 8. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
pinakamahalagang mensahe ng talumpati.
___________ 9. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
paglikha ng tensyon sa talumpati.
___________10. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
pagtatapos ng talumpati.

Magaling! Nais mo bang dagdagan pa


ang kaalaman na iyong natamo tungkol sa
talumpati? Ang modyul na ito ay sadyang
ginawa upang ipaintindi sa iyo ang nasabing
paksa. Kung handa ka na, ipagpatuloy mo
ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga
inihandang gawain.

TUKLASIN

3
GAWAIN 1

Makikita sa ibaba ang isang Converging Map na may salitang “Talumpati” sa gitna.
Isulat sa loob ng bilog ang mga mga salita/ parirala na maaari mong maiugnay sa
salitang “talumpati” upang makabuo ng isang maikling kahulugan. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

______

______ _____

TALUMPATI

SURIIN

PAGSUSURI

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Base sa gawain, anong kahulugan ang iyong nabuo para sa salitang


talumpati?
2. Paano kaya nakatutulong sa iyo ang gawaing iyon, dito sa aralin na iyong
pag-aaralan?

4
PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Mga Uri ng Talumpati

Talumpati ayon sa Layunin


❖ Impormatibo - ito ay naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang partikular
na paksa. Hal. Talumpati tungkol sa Mental Health.
❖ Nanghihikayat - nanghihikayat sa tagapakinig na magsagawa ng isang kilos o
kaya hikayatin na panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita. Hal.
Talumpati tungkol sa masamang dulot ng aborsyon.
❖ Mang-aliw - talumpating nang-aaliw o nagpapatawa sa tagapakinig. Hal.
Pagpapatawa ng mga komedyante sa comedy bar.
❖ Okasyonal - talumpating isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na
okasyon katulad ng kasal, kaarawan at parangal.

Talumpating ayon sa Kahandaan


❖ Impromptu - halos walang paghahanda sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati.
Hal. Biglaang pagtawag sa may kaarawan upang magbigay ng maikling
talumpati.
❖ Extemporaneous - pinaghahandaan ito sa pamamagitan ng pagsulat ng
speech plan upang maging epektibo ang pagbigkas.

Proseso sa Pagsulat ng Talumpati


⚫ Paghahanda - Mahalaganag mapukaw ang atensyon ng tagapakinig sa unang
pangungusap pa lamang. Kaya sa pagsulat ng introdukyon, kailangan silang
ihanda at isama sa paglalakbay.
⚫ Pag-unlad - sa bahaging ito kailangang lumikha ng tensyon, magkuwento o
magbigay ng halimbawa at mga tayutay ang tagapagsalita upang hindi sila
bitawan ng tagapakinig.
⚫ Kasukdulan - ito ang tuktok na bahagi ng talumpati. Inilalahad dito ang
pinakamahalagang mensahe ng talumpati.

5
⚫ Pagbaba - ito ang pagtatapos na bahagi ng talumpati. Paano ba ito tapusin?
Maaring ibuod ang mahalagang puntong tinalakay o mag-iwan ng tanong o
parirala. Anumang paraan ng pagtatapos, kailangang mahuli ang kongklusyon
ang diwa ng talumpati.
Mula kay: Dela Cruz, Mark Anthony S. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

Gabay sa Pagsulat ng Talumpati

Tuon
✓ Bakit ako magsusulat ng talumpati?
✓ Ano ang paksa?
✓ Ano ang mensaheng nais kong ipahayag?
✓ Ano ang gusto kong mangyari sa aking tagapakinig?
✓ Ano ang kahalagahan ng paksang tatalakayin ko?

Tagapakinig
✓ Sino ang aking tagapakinig?
✓ Bakit sila makikinig sa talumpati?
✓ Anong mahahalagang bagay ang nais kong baunin ng tagapakinig?

Pagsulat
✓ paano ko pupukawin ang atensyon ng tagapakinig?
✓ Anong lenggwahe ang gagamitin ko?
✓ Ao ang tono ng aking talumpati?
✓ Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati?
✓ Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?
Mula kay: Dela Cruz, Mark Anthony S. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

Mga Gawain

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong na makikita sa ibaba. Sagutin ito ng
maayos.

1. Bakit mahalaga ang pokus sa pagsulat ng talumpati?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Bakit kailangang tukuyin ang kahalagahan ng tatalakaying paksa?


_________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________________________________________________

6
3. Ano ang papel ng tagapakinig? Bakit kailangan silang isaalang-alang sa
pagsulat ng talumpati?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________

ISAISIP

Ang talumpati ay ang


pagpapahayag ng kaisipan o opinion
tungkol sa isang paksa, sa pamamagitan
ng pagsasalita ssa entablado. Ito ay
ginagawa sa harapan ng pangkat ng mga
tagapakinig. Ang talumpati ay maaring
basahin isaulo o ibalangkas.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Gawin Mo!
Bilang isang masigasig na estudyante at lider, ikaw ay naimbitahan ng
inyong barangay kapitan na magbigay ng isang talumpati para sa iyong kapwa
kabataan kontra sa paggamit ng mga ipinagbabawal na droga. Ikaw ay gagawa ng
isang talumpating handa na may temang nanghihikayat sa kabataan na huwag
gumamit ng mga illegal na droga. Makikita sa ibaba ang krayterya ng iyong
bubuuing talumpati. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

7
Krayterya 25pts. 15pts. 7pts.
Nilalaman at klarong-klaro ang Hindi gaanong Hindi klaro ang
Pamamaraan kaisipang nais klaro ang kaisipang nais
ipabatid. kaisipang nais ipabatid.
ipabatid.
Wastong gamit at Walang mali sa May ilang mali sa Halos lahat ng
pagbaybay ng pagkagamit ng pagkagamit ng salita ay mali sa
mga salita mga salita at sa mga salita at sa paggamit at
pagbaybay nito. pagbaybay nito. pagbaybay.
Istilo/Pananalita Direkta at Hindi gaanong Hindi klaro ang
naiintindihan naiintindihan ang pananalita at
nang maayos ang pananalita isitilong ginamit
istilo at /istilong ginamit sa binuong
pananalitang sa binuong abstrak. Hindi
ginamit sa abstrak. Hindi nanghihikayat
binuong gaanong ang binuong
talumpati. Ito rin nanghihikayat talumpati.
ay nanghihikayat ang binuong
sa mga talumpati.
tagapakinig.
Orihinalidad Sariling gawa ang Sariling gawa ang Kinopya lamang
talumpati at talumpati ngunit mula sa
purong orihinal. may iilang bahagi internet/ibang tao
na kinopya mula ang buong laman
sa ibang tao. ng talumpati.

Kabuuan 100 puntos

KARAGDAGANG
GAWAIN

8
PAGPAPAYAMAN

Panuto: Sa iyong sariling pagkakaintindi, isa-isahin ang mga hakbang o proseso


sa pagbuo ng isang mahusay na talumpati. Magbigay ng limang hakbang
lamang. Isulat mo ito sa iyong kuwaderno.

1. Unang Hakbang

2. Pangalawang hakbang

3. Pangatlong hakbang

4. Pang-apat na hakbang

5. Panlimang hakbang

REFLEKSIYON

PANUTO: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

Ang natutuhan ko sa modyul na ito ay…


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________.

TAYAHIN

9
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang tamang sagot. Piliin
lamang sa loob ng kahon ang tamang sagot.

Extemporaneous Paghahanda Nanghihikayat


Impromptu Kasukdulan Nangugulat
Impormatibo Pagbaba Okasyonal
Mang-aliw Pag-unlad Espesyal

___________1. Talumpating naglalahad ng kaalaman tungkol sa isang paksa.


___________ 2. Talumpating isinusulat at binibigkas para sa isang okasyon.
___________ 3. Talumpating nanghihikayat sa mga tagapakinig na gawin ang
isang bagay.
___________ 4. Talumpating pinaghandaan ng ilang oras o araw.
___________ 5. Talumpating walang paghahanda.
___________ 6. Talumpating nagpapatawa sa mga tagapakinig.
___________ 7. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
pagpukaw sa atensyon ng tagapakinig.
___________ 8. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
pinakamahalagang mensahe ng talumpati.
___________ 9. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
paglikha ng tensyon sa talumpati.
___________10. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
pagtatapos ng talumpati.

10
MGA SANGGUNIAN

Dela Cruz, Mark Anthony S. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Diwa
Learning Systems Inc., 2016.
Alviola, Jess., Sanayang Aklat sa Piling Larangan. DepEd. Negros Oriental.

11
Roshelle G. Abella Siya ay nagtapos sa kursong BSED sa
Unibersidad ng Foundation, Lungsod ng Dumaguete taong 2015.
Natapos din niya ang MAEd sa Filipino mula sa Foundation
University taong 2020. Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo ng Senior
High School sa Mataas na Paaralan ng Negros Oriental.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like