You are on page 1of 3

SPEC 107-F- Quiz, Yunit 8

I. Pagpipilian. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit piniling muling isama sa kurikulum ng Filipino para sa antas sekondari ang apat na kilalang obra
maestra (Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere, at El Filibusterismo)?
A. Upang mabigyang daan ang panitikang sumasalamin sa ating pagka-Pilipino.
B. Upang maitangi ang mga naturang akda na higit sa lahat ng iba pang akda.
C. Upang maging daan ito sa pagpapahalaga sa ganda ng ating sariling panitikan.
D. Upang makilala at masuri ang mga tauhan at maunawaan ang nilalaman ng mga ito.

2. Sa anong antas sa sekondari inintegreyt ang mga akdang rehiyunal at Asyano na nakasalin sa
Filipino na nagiging saligan ng mapanuring pamumuna gamit ang ilang pamantayan, istandard
at teorya?
A. Unang Taon C. Ikatlong Taon
B. Ikalawang Taon D. Ikaapat na Taon
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa anyong tuluyan?
A. Alamat B.pabula C.epiko D.parabola

4. Alin sa mga sumusunod ang nasa anyong patula? A,talambuhay


B.kathambuhay C.salawikain D.dula

At buhat noon, tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa gitna ng Luzon. Gayon
din ang bayan ng Lukban at Tayabas na nagmula sa pangalang Bayabas at Lukban, na mga magulang
ni Limbas.

5. Ang talata sa itaas ay wakas ng isang


A. Alamat B.pabula C.kuwentong-bayan D.mitolohiya

Ang palad ng tao’y di matutulusan habang ang dalawang paa niya’y di pa nagpapantay.

6. Ang paalalang ito ay halimbawa ng


A. bugtong B.salawikain C.kawikaan D.awit
7. Nakatutulong sa pagiging matimpi ng maikling kuwento dahil inilalarawan
lamang dito ang mahahalagang pangyayari ang paggamit ng .
A. kilos B.pahiwatig C.mensahe D.kasukdulan

At iyong isipin nang nagdaang araw, Isang


kahoy akong malago’t malabay, Ngayon ang
sanga ko’y krus na libingan,
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay

(Halaw sa “Isang Punong-kahoy” ni Jose Corazon de Jesus)

8. Ano ang nais ipabatid ng saknong sa itaas?


A. Habang nagtatagal ay lumalago ang mga dahon ng punong-kahoy
B. Nagagamit ang punong-kahoy sa oras ng kamatayan.
C. Ang punong-kahoy ay katulad ng taong tumatanda,
napakikinabangan kung may silbi pa.
D. Pinagsisihan ng punong-kahoy ang
kanyang pagtanda
9. Paano mapayayaman ang talasalitaan ng mga mag-
aaral?
A. Dagdagan ang kanilang mga bagong salita sa pamamagitan ng
pakikipag-usap, pagbabasa at pagsusulat.
B. Sanayin ang mga mag-aaral sa scanning.
C. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kabuuan ng diwa o kaisipan ng seleksyon.
D.Ituro sa mga mag-aaral ang kabuuan ng diwa o kaisipan ng seleksyon
10. Ang pagpuna sa wastong pagkasunod-sunod ng pangyayari ay nasa dimensyong
A. pag-unawang literal
B.pagkaunawang ganap sa
kaisipan ng may-akda

C.paglikha ng sariling kaisipan


D.pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at mga karanasan.
II. Mamili ng isang maikling nabasa batay sa karanasan at sagutin ang tanong sa ibaba:
A. Ano-anong teoryang pampanitikan ang maaaring ilalapat sa kuwentong iyong
nabasa? Pangatwiranan ang iyong sagot. Sundin ang format sa ibaba. (25 pts)

Pamagat ng Kuwento:

Tauhan:

Tagpuan:

Banghay/Buod ng Kuwento:

Teoryang Pampanitikan:

You might also like