You are on page 1of 16

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBACK

Pangalan at Larawan ng mga


Guro

Lesson Plan Heading


Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang 8

Ikalawang Markahan

8.3
Kasanayang Pampagkatuto Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin
bilang lider at tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng
sarili tungo sa mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at
makabuluhang buhay sa lipunan

Dulog o Values Clarification Approach

Approach

Panlahat na Layunin Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan


na:
(Objectives)
C- Pangkabatiran: Natutukoy ang mga gampanin bilang
Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa isang mapanagutang lider,
kanyang gampanin bilang lider at
tagasunod ay nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili tungo sa A- Pandamdamin: Nakababalikat ng mga pananagutan sa
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa gampanin ng isang lider; at
kapwa at makabuluhang buhay sa
lipunan
B- Saykomotor: Nakagaganap sa mga gampanin ng isang
mapanagutang lider na nakatutulong sa pagpapaunlad ng
Assigned: Mary Bethany
Ocampo & Kristine Patoc sarili.

Pagganap sa mga Gampanin ng Isang Mapanagutang Lider


PAKSA

(TOPIC)
Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa
kanyang gampanin bilang lider at
tagasunod ay nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili tungo sa
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa
kapwa at makabuluhang buhay sa
lipunan

Inaasahang Pagpapahalaga
Mapanagutang Pamumuno/ Politikal
(Value to be developed)

Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa


kanyang gampanin bilang lider at
tagasunod ay nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili tungo sa
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa
kapwa at makabuluhang buhay sa
lipunan

SANGGUNIAN 1. CNN Philippines (2016, December 6). LOOK: VP Leni


Robredo lists down accomplishments as HUDCC Chair.
(APA 7th Edition format) https://cnnphilippines.com/news/2016/12/06/Vice-
President-Leni-Robredo-HUDCC-Chair-
(References) accomplishments.html
2. Department of Education (DepEd) CALABARZON.
Insert DLC here Nahihinuha na (2020). PIVOT 4A Learner’s Material Ikalawang
ang pagganap ng tao sa kanyang
gampanin bilang lider at tagasunod ay Markahan Unang Edisyon, 2020. 30-33.
nakatutulong sa pagpapaunlad ng https://commons.deped.gov.ph/documents/609724d7-
sarili tungo sa mapanagutang
pakikipag-ugnayan sa kapwa at
6015-4329-b486-1f9f19206537
makabuluhang buhay sa lipunan 3. Gita-Carlos, R.A. (2021, July 28). Palace appreciates
Robredo initiatives to fight Covid-19.
https://www.pna.gov.ph/articles/1148520
4. Lagman, E.C. (2021, October 21). Covid-19 response
initiatives of presidential candidates.
https://www.manilatimes.net/2021/10/21/opinion/colum
ns/covid-19-response-initiatives-of-presidential-
candidates/1819172
5. Luna, J., Macalalad, N., & Yu, L.S. (2020, February
16). Silent sidewalks: The unheard voices of Manila’s
street vendors.
https://thelasallian.com/2020/02/16/silent-sidewalks-
the-unheard-voices-of-manilas-street-vendors/
6. Madarang, C.R.S. (2019, July 25). Mayor Isko
Moreno’s reasons for a major Manila makeover.
https://interaksyon.philstar.com/politics-
issues/2019/07/25/152236/isko-moreno-manila-
makeover/
7. Tabios, H. (2020, August 23). Tourism Promotions
Board lauds Mayor Isko’s beautification of Manila.
https://mb.com.ph/2020/08/23/tourism-promotions-
board-lauds-mayor-iskos-beautification-of-manila/
8. The BetterUp. (2021, March 29). What is a leader, and
how do you become one?
https://www.betterup.com/blog/what-is-a-leader-and-
how-do-you-become-one
9. The Lead Realty. (2020, April 23). How Mayor Vico
Sotto’s Leadership Affects Pasig City’s Economy.
https://theleadrealty.com/news/pasigs-leadership/
10. Torres-Tupas, T. (2020, April 1). Vico Sotto summoned
by NBI for alleged violation of ‘Bayanihan’ law.
https://newsinfo.inquirer.net/1252396/nbi-summons-
pasig-city-mayor-vico-sotto-for-alleged-violation-of-
bayanihan-law
11. Williamson, L. (2021, February 25). Vico Sotto:
Philippine Mayor Wins Award From US State
Department. https://generationt.asia/leaders/vico-sotto-
philippine-mayor-wins-award-from-us-state-department

● Google Drive [Video]


MGA KAGAMITAN Mga Lider.mp4
● Jamboard
(Materials) https://jamboard.google.com/d/1_cfT_wQ3WpA5NdDE
Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa
AMhr43YZP4JVF-lelEDbptw7WwY/edit?usp=sharing
kanyang gampanin bilang lider at ● AhaSlides
tagasunod ay nakatutulong sa https://ahaslides.com/ESP8BVE
pagpapaunlad ng sarili tungo sa
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa
● Prezi
kapwa at makabuluhang buhay sa https://prezi.com/view/l05qP6fZDy9hQz9Lxtal/
lipunan ● Google Slide
https://docs.google.com/presentation/d/1_Iv3ebdq2EJH
hrEG9kiDDYVjIToxVXFhf7u4pEhwvdQ/edit?
usp=sharing
● Unsplash
https://unsplash.com/
● Shutterstock
https://www.shutterstock.com/
● Freepik
https://www.freepik.com/
● Quizziz
https://quizizz.com/admin/quiz/61a79104faa212001d1ff
112
● Google Docs
https://docs.google.com/document/d/16SDXIwtJZnQkE
cqAnnCivFZCZb-zsE6L/edit?
usp=sharing&ouid=109423425188603133523&rtpof=tr
ue&sd=true
● Google Drive [Image]
https://drive.google.com/file/d/1wHtUOAtGNUJbUtsE
RMX2bcXMBQrkcMuJ/view?usp=sharing
● Laptop
● External Camera
● Ring Light

Pamamaraan/ Strategies: Game


PANLINANG NA GAWAIN Canva/Powerp
Panuto: Ang mga mag-aaral ay magbubukas oint
(Motivation) ng camera habang nakaangat ang dalawang
kamao. Magtataas sila ng isang daliri sa
Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa https://www.ca
kanyang gampanin bilang lider at bawat pahayag na kanilang naranasan.
tagasunod ay nakatutulong sa nva.com/desig
pagpapaunlad ng sarili tungo sa 1. Nasubukan ko nang manguna sa isang n/DAExZUMA
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa fh8/k0-
kapwa at makabuluhang buhay sa gawain o proyekto.
lipunan 2. Naitalaga ako bilang isang class N3xhyslsMzst1
officer. l0YtGA/view?
Assigned: Mary Bethany 3. Nahalal ako bilang kasapi ng pang utm_content=D
Ocampo mag-aaral na konseho (student AExZUMAfh8
council) ng paaralan. &utm_campaig
4. Naglaan ako ng panahon sa n=designshare
pagsasanay ng aking mga kakayahan. &utm_medium
5. Nakinig ako sa suhestiyon ng ibang =link&utm_so
kasapi ng grupo. urce=sharebutt
6. Nakapanayam ko ang mga kasapi ng on
grupo na may iba’t ibang katangian.
7. Nagpasya ako batay sa interes ng
nakararami.
8. Nasubukan ko nang manghikayat at
magsalita sa harap ng maraming tao.
9. Inalam at inunawa ko ang saloobin ng
mga kasapi sa grupo.
10. Nakapag-ayos ako ng suliranin sa loob
ng isang pangkat, grupo o
organisasyon.

Mga Tanong:
1. Batay sa iyong mga sagot, maituturing
mo ba ang sarili mo bilang isang
mapanagutang lider? Bakit?
2. Paano nakatulong ang mga karanasang
ito sa pagpapabuti ng iyong
kakayahang mamuno?
3. Sa iyong pagtingin, may kaakibat
bang mga responsibilidad ang
pamumuno? Sa paanong paraan?

PANGUNAHING GAWAIN Dulog o Approach: Values Clarification Filmora/Googl


Approach e Drive
(Activity)
Panuto: Ang mga mag-aaral ay manonood ng Mga Lider.mp4
Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa isang bidyo na naglalaman ng ilang mga
kanyang gampanin bilang lider at Jamboard
tagasunod ay nakatutulong sa pinuno at halimbawa ng kanilang mga
pagpapaunlad ng sarili tungo sa nagawa.
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa https://jamboar
kapwa at makabuluhang buhay sa d.google.com/d
lipunan
/1_cfT_wQ3W
pA5NdDEAM
Assigned: Mary Bethany
hr43YZP4JVF-
Ocampo
lelEDbptw7W
wY/edit?
usp=sharing

Ang guro ay magbibigay ng link sa Jamboard


kung saan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. maglagay ng mga katangian ng isang


lider batay sa napanood at;
b. bilugan ang emoji na tumutukoy sa
kanilang nararamdaman tungkol sa
mga pinunong ipinakita sa bidyo.
1. Ano ang pagkakatulad ng mga
MGA KATANUNGAN ipinakitang lider? (C) AhaSlides
2. Ano ang pagkakaiba ng mga ito? (C)
(Analysis) https://ahaslide
3. Ano ang iyong naramdaman ukol sa s.com/ESP8BV
C- Natutukoy ang mga gampanin epekto ng kanilang pamumuno sa mga E
bilang isang mapanagutang lider,
A- Nakababalikat ng mga mamamayan? (A)
pananagutan sa gampanin ng isang 4. Sa iyong palagay, paano nakakaapekto
lider; at
B- Nakagaganap sa mga gampanin ng ang pamumuno sa ibang tao? (A)
isang mapanagutang lider na 5. Bilang isang mag-aaral, paano mo
nakatutulong sa pagpapaunlad ng
sarili. maipapakita ang mga mabubuting
katangian ng isang lider sa loob ng
Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa
kanyang gampanin bilang lider at klase? (B)
tagasunod ay nakatutulong sa 6. Anong mga hakbang ang naiisip mong
pagpapaunlad ng sarili tungo sa
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa
gawin upang maisakatuparan ang mga
kapwa at makabuluhang buhay sa gampanin ng isang mapanagutang
lipunan lider? (B)

Assigned: Mary Bethany


Ocampo

PAGTATALAKAY Balangkas ( Outline ) Prezi

(Abstraction) I. Ang Katangian ng Isang Epektibong https://prezi.co


Lider m/view/l05qP6
II. Mga Katangiang Nagpapaunlad ng fZDy9hQz9Lxt
Kakayahang Maging Lider
III. Mga Kilos na Naaayon sa Gampanin
ng Isang Lider al/
Nahihinuha na ang pagganap
ng tao sa kanyang gampanin Nilalaman (Content)
bilang lider at tagasunod ay
nakatutulong sa pagpapaunlad Ang lider ay isang taong mayroong adhikain
ng sarili tungo sa at malinaw na pangitain sa pagkamit nito,
mapanagutang pakikipag- nagbibigay inspirasyon at motibasyon sa mga
ugnayan sa kapwa at tagasunod, at sinisigurado na ang samahan ay
makabuluhang buhay sa may sapat na suporta at kasangkapan upang
lipunan makamit ang mga layunin. Ang epektibong
lider ay mayroong pangitain na tugma sa mga
Assigned: Kristine Patoc pangunahing pagpapahalaga ng samahan at
mga kasapi. Siya ay nagbibigay espasyo sa
pagpapayabong ng kakayahan ng bawat
miyembro. (The BetterUp, 2021)

Ano-anong katangian ang dapat mong


taglayin upang mabisa mong magampanan
ang tungkuling nakaatang sa iyong balikat
bilang isang lider?

Ang mga lider ay kinakailangang:

1. May layunin
2. May motibasyon
3. May adhikain
4. May kahabagan
5. Maging malikhain
6. Bukas sa paglago

Nagsisilbing gabay at nangunguna ang lider


sa pagpaplano, pamamahala at
pagsasakatuparan ng mga proyekto, programa
at gawain ng grupo batay sa kanilang layunin.

Makatutulong ang mga katangiang nakasaad


sa ibaba sa pagpapaunlad ng kakayahang
maging lider:

1. Aktibo
2. May pangitain o nakikita ang
hinaharap
3. Mapanuri
4. May kakayahang ayusin ang mga
suliranin
5. May kakayahang manghikayat
6. May kakayahang makinig at umunawa
sa mga suhestiyon at saloobin ng mga
nasasakupan
7. May malakas at matibay na kalooban
8. May kakayahang magpasya
9. May kakayahan sa pakikipagusap
10. May malinis na hangaring maglingkod

May kaakibat na malaking responsibilidad


ang pagiging isang lider. Sa kabuuan, ang
isang lider ay dapat nagtataglay ng
kakayahang maglaan ng atensyon, panahon at
kakayahan. Dapat siya ay:

● Naglalaan ng panahon sa pagsasanay


na makapagpapaunlad ng kaalaman at
kasanayan.
● Nagpapaunlad ng sarili sa iba’t ibang
aspeto
● Huwaran sa kaniyang pamumuhay
● Kinikilala ang karapatan at kakayahan
ng iba
● May layuning paunlarin ang bawat
kasapi
● Nakapagpapasya patungo sa
kabutihang panlahat
● Nalalaman ang patutunguhan ng
organisasyon
● Naisasakatuparan ang paraan sa pag-
abot ng pangitain ng samahan.

Bilang isang indibidwal na may katungkulan


at pananagutan sa kapwa, mahalaga na
taglayin mo ang mga katangian ng isang
butihing lider. Sa pamamagitan ng mga ito,
mapauunlad mo ang iyong sarili na siyang
makapagpapayabong ng ugnayan mo sa ibang
tao at makapagbibigay ng kabuluhan sa iyong
buhay sa lipunan.

PAGLALAPAT Pamamaraan/Strategy: Photo Caption Google Slides,


Shutterstock,
(Application) Panuto: Sa iisang Google Slide file, nakatakda Unsplash,
ang bawat mag-aaral sa slide na nakabatay sa Freepik
Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa kanilang class number. Sila ay ay inaasahang
kanyang gampanin bilang lider at
tagasunod ay nakatutulong sa nakagagawa ng isang Photo Caption na https://docs.go
pagpapaunlad ng sarili tungo sa
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa naglalaman ng isang larawan at tatlo ogle.com/prese
kapwa at makabuluhang buhay sa hanggang limang (3-5) pangungusap na ntation/d/1_Iv3
lipunan paliwanag. Ang mga larawan ay kailangang ebdq2EJHhrE
manggaling mula sa shutterstock.com, G9kiDDYVjIT
B- Nakagaganap sa mga
unsplash.com at freepik.com. Bibigyan ang oxVXFhf7u4p
gampanin ng isang
mga mag-aaral ng limang (5) minuto upang EhwvdQ/edit?
mapanagutang lider na
makompleto ang gawain. usp=sharing
nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili. Gabay na katanungan:
Assigned: Kristine Patoc 1. Anong mga gawain ang sa tingin
mong makatutulong sa pagganap mo
bilang isang epektibong lider?
a. Sa pagpapaunlad ng sarili
b. Mapanagutang pakikipag-
ugnayan sa kapwa
c. Makabuluhang buhay sa
lipunan

Halimbawa:

Rubrik:

Rubrik sa Paggawa ng Photo Caption

PAGSUSULIT Mga Uri ng Pagsusulit: Multiple choice, Quizziz


Binary choice and Essay Type.
(Evaluation/ Assessment) [Note: the quiz
I. MULTIPLE CHOICE will only be
Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa opened unless
kanyang gampanin bilang lider at
tagasunod ay nakatutulong sa
Panuto: Ang mga mag-aaral ay magbabasa at the instructor
pagpapaunlad ng sarili tungo sa magsusuri ng mga pahayag sa ibaba. Matapos will start it
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa nito ay bibilugan nila ang letra ng kanilang
kapwa at makabuluhang buhay sa
lipunan kasagutan. real-time]
Assigned: Mary Bethany 1. Ano ang kailangang itugma ng lider sa Joinmyquiz.co
Ocampo & Kristine Patoc samahan pagdating sa pangitain? m

a. Pagpapahalaga Code : 781984

b. Motibasyon

c. Adhikain

d. Layunin

2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang


iyong maaaring gawin upang maipakita ang
katangian ng isang mabuting lider?

a. Tumanggap ng PHP500.00 kada buwan


mula sa pondo ng SSG bilang kabayaran sa
iyong serbisyo bilang pangulo ng
organisasyon.

b. Mamuno sa Samahan ng Tagasuporta ni


Kongresman (STK) dahil ang kanyang mga
maibabahaging kaalaman ay maaaring
makatulong sa iyo.

c. Tumakbo sa isang posisyon sa Sangguniang


Kabataan (SK) upang madagdagan ang
kaalaman at karanasan sa pamumuno ng isang
organisasyon.

d. Magtatag ng isang organisasyon na


maglalayong ibahagi ang iyong kaalaman ng
walang kabayaran at sa paarang madaling
mauunawaan ng iyong mga kabarangay.

3. Si Lian ay ang pangulo ng Ika-9 na baitang,


pangkat Cherubim. Dumating ang
pagkakataon na pinatawag sa Guidance Office
ang kanilang pangkat dahil sa pag-eensayo sa
labas ng paaralan. Upang hindi mapagalitan,
inako ni Lian ang pagkakamali at sinabi na
siya ang nagpatawag ng practice bagama’t ito
ay desisyon ng buong klase. Maituturing bang
mabuting lider si Lian?

a. Oo, dahil isinaalang-alang niya ang


kabutihang panlahat.

b. Oo, dahil ginagawa niya ang kaniyang


tungkulin at mga gampanin ng buong puso.

c. Hindi, dahil ang isang mabuting lider ay


may kakayang magpasya ayon sa kabutihan.

d. Hindi, dahil hindi siya naging isang


mabuting ehemplo para sa kaniyang mga
naging kasapi.

4. Ayon kay John Maxwell, ang pamumuno


ay itinuturing na sining ng impluwensya.
Saang aspeto nararapat na higit na
impluwensyahan ng lider ang kaniyang mga
tagasunod?

a. Sa kaniyang mga pagpapahalaga.

b. Sa kaniyang mga prinsipyo sa buhay.

c. Sa kaniyang kakayahan sa pamumuno.

d. Sa kaniyang mga politikal na paniniwala

5. Mahalaga sa isang mabuting lider ang


pagkakaroon ng malinis na hangarin sa
paglilingkod. Alin sa mga sumusunod na
sitwasyon ang nagpapakita nito?

a. Nais ni Ferdie na tumakbo sa pagiging


Mayor sa kanilang bayan upang ipagpatuloy
ang legasiya ng kaniyang ama.

b. Kumandidato bilang SK Chairman si Sarah


dahil nais niyang maiahon ang kaniyang
pamilya sa kahirapan.

c. Gusto ni Ronald na pamunuan ang Boy


Scout Chapter ng kanilang paaralan dahil
gusto niyang makitang tinitingala siya ng mga
nakababatang kasapi.
d. Hindi tinanggap ni Barangay Capt. Gerona
ang ibinibigay na isang milyong piso na suhol
sa kabila ng matinding pangangailangan ng
kaniyang Barangay dito

II. BINARY CHOICE

Panuto: Ang mga mag-aaral ay babasahin at


uunawain ang bawat pangungusap. Kanilang
ilagay ang TAMA sa patlang kung ang
isinasaad ay tama at MALI kung ang
isinasaad ay mali.

____6. Maipapakita ko ang pagiging isang


mabuting lider sa pamamagitan ng pagpunta
sa itinakdang oras ng meeting.

____7. Masasabi kong ako ay isang


epektibong lider kung ako ay laging
nangungunang magdesisyon sa mga problema
sa loob ng samahan.

____8. Ang aking mga katangian bilang isang


lider ay makakaapekto sa aking pamumuno
dahil nagbibigay direksyon ito sa tunguhin ng
samahan.

____9. Bilang isang mabuting lider, marapat


kong taglayin ang kakayahang pamahalaan
ang ating sarili at magkaroon ng kasanayang
makibagay sa anumang personalidad at
sitwasyon.

_____10. Maipapakita ko ang pagbibigay


suporta at kasangkapan sa aking mga kasapi
sa pamamagitan ng pamamahagi ng pera mula
sa aking mga magulang.

III. RESTRICTED RESPONSE ESSAY

Panuto: Ang mga mag-aaral ay sasagutin ang


pahayag at katanungan sa ibaba sa
pamamagitan ng maiksing sanaysay na hindi
bababa sa anim na pangungusap.

1. Magtala ng tatlong katangian ng isang


epektibong lider at magbigay ng mga
espisipikong halimbawa kung paano mo ito
maipapamalas.

2. Anong mga paraan ang maaari mong gawin


upang mapaunlad ang iyong sarili kasabay ng
pagpapatibay ng iyong kakayahang mamuno?

Susi sa Pagwawasto:

I. Multiple Choice

1. A.

2. C.

3. C.

4. A.

5. D.

II. Binary Choice

6. TAMA

7. MALI

8. MALI

9. TAMA

10. MALI

III. Restricted Response Essay

1. May layunin

Sa mga pangkatang gawain, dapat malinaw


kong naisasaisip ang nais kalabasan ng awtput
ng grupo. Matapos nito ay maaari kaming
magtakda ng mga hakbang upang makamit
ito.
May motibasyon

Bilang isang lider, ako ay dapat magsilbing


huwaran sa aking mga kasapi at kamag-aral.
Maipapakita ko ang aking motibasyon sa
pamamagitan ng pagiging masigla at aktibo sa
klase.

May kahabagan

Dapat ako may malawak na pang-unawa sa


iba’t ibang kalagayan ng aking mga kasapi.
Maipapakita ko ito sa pamamagitan ng
pangangamusta at pag-alam ng kanilang mga
saloobin.

2. Dapat ako ay naglalaan ng panahon sa


pagsasanay na makapagpapaunlad ng aking
mga kaalaman at kasanayan tulad ng pagdalo
sa mga palihan at pagsali sa mga patimpalak.
Dapat rin na ang aking mga sinasabi ay
sumasalamin sa aking mga ginagawa. Sa
paraang ito, maipapakita ko na ako ay isang
huwaran para sa ibang tao, lalo na sa aking
mga kasapi. Dapat ko ring kilalanin ang aking
kahinaan at maging bukas sa opinyon ng iba
upang mapabuti ko ang aking mga kakayahan.
Kasabay ng aking paglago ang pagbibigay ko
ng panahon sa pagpapaunlad ng kakayahan ng
aking mga kasapi. Dapat ding nakikinig ako
sa suhestiyon ng ibang tao nang sa gayon ay
makapagpasya ako ng naaayon sa kabutihang
panlahat.

TAKDANG-ARALIN Pamamaraan/Strategy: Interview & Value Zoom/Google


Rating Scale Meet,
(Assignment) Messenger,
I. Panuto: Ang mga mag-aaral ay Canva, Google
magsasagawa ng isang maikling panayam sa Docs Google
Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa isang indibidwal na kanilang itinuturing na Drive
kanyang gampanin bilang lider at
tagasunod ay nakatutulong sa isang huwarang pinuno nang hindi bababa sa
pagpapaunlad ng sarili tungo sa tatlo at lalagpas sa anim na minuto sa Google Assignment
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa Meet, Messenger o Zoom Meeting. Matapos Worksheet.doc
kapwa at makabuluhang buhay sa
lipunan
Assigned: Kristine Patoc nito ay kanilang sasagutan ang worksheet. x

II. Panuto: Sa ikalawang bahagi ng


worksheet, inaasahan ang mga mag-aaral na
sukatin ang kanilang kapasidad bilang isang
epektibong lider gamit ang Value Rating
Scale. Ang worksheet ay ipapasa sa isang
Google Drive Folder na itinakda ng guro.

Pagtatapos na Gawain Pamamaraan/Strategy: Acrostic PicsArt/Poster


Labs
(Closing Activity) Panuto: Ang guro ay magpapakita ng isang
Acrostic poster na nagbubuod sa mga closing
Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa gampanin ng isang epektibo at mapanagutang activity.png
kanyang gampanin bilang lider at
tagasunod ay nakatutulong sa lider.
pagpapaunlad ng sarili tungo sa
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa
kapwa at makabuluhang buhay sa
lipunan

Assigned: Mary Bethany


Ocampo

You might also like