You are on page 1of 2

Pilipino ka ba? Paano?

Sa labing-walong taon na ako’y nabubuhay ni-isang beses, ay hindi dumapo sa utak ko ang
tanong na “sino at paano ba maging Pilipino”. Sapagkat sa aking pagkakaalam ay hindi na
dapat ito tinatanong. Pero dahil sa mga bidyo at artikulo na binigay sa amin ng aking guro, ay
nakapag isip isip ako. Kung kukunin natin sa konteksto ng batas, mayroong apat na batayan
upang maituring na Pilipino ang isang indibidwal. Una, ang mga mamamayan ng Pilipinas
noong unang naisa-tupad ang Saligang Batas ng 1987. Pangalawa naman, ay ang mga
mayroong magulang na mamamayang Pilipino. Pangatlo, ay ang mga isinilang noong 1987 at
pinili maging Pilipino nang sila’y sumapit ng 27 taong gulang. Pang huli, ay ang mga dayuhang
dumaan sa proseso ng naturalization. Noong 2018 naman ay nagkaroon ng isyu ang isang
patok na artista ukol sa kanyang pagiging Pilipina. Ayon sa kanya sapat na ang “Jus Sanguinis”
at ang pagmamahal sa sinigang upang ituring siyang Pilipino. Nagbunga tulo’y ito ng debate sa
mga tao ng Twitter, tungkol sa pagkakakilanlan at kung sino ba talaga ang tunay na Pilipino.
Maraming opinion ang mga tao sa pamantayan ng pagiging Pilipino, kaya naman wala tayong
pirming batayan bukod sa batas. Pasok ako sa pangalawang batayan ng Saligang Batas ukol
sa pagkamamamayan. Ngunit sa aking pansariling opinyon ay mayroon akong sariling batayan
ng pagiging tunay na Pilipino. At nais kong gamitin ang aking mga karanasan upang bigyan
liwanag ito.

Noong aking kabataan, ay labis kong hinintay na sumapit ang hapon. Dahil, sa mga oras na ito
ay makakalabas ako ng bahay upang makapag laro.Hindi ko masasabing lahat, ngunit
karamihan ng mga Pilipino ay naranasan na makapag laro sa labas o kalye tuwing hapon.
Malinaw ko pang naaalala ang mga panahon kung saan sapilitan akong papatulugin ng aking
lolo pagkatapos ng pananghalian. Upang payagan niya ako makalabas pagdating ng hapon.
Tinatawag itong “siesta” na galing sa salitang Latin, na ang literal na pagsasalin ay “afternoon
nap”. Habang nakahilata kami sa higaan, ang aking lolo ay mahimbing na natutulog. Maya’t
maya ko naman binubuksan ang aking mga mata, dahil hindi ako mapakali sa kakaisip ng
pwedeng laruin pagdating ng hapon. Pag patak ng alas kwatro ay dali dali akong lalabas sa
aming gate, upang katukin ang bahay ng mga kalaro. Agawan Base, Patintero, Piko ang mga
karaniwang naming linalaro. Pero ang pinaka madalas naming laro ay ang langit at lupa.
Mayroong isang taya, at ang layunin ng taya ay ang mahawakan ka sa patag na sahig o
semento.Upang maipasa sayo ang pagiging taya at patuloy ang laro. Ito ang masasabi kong
unang batayan,ay ang pagkakaroon ng pagka batang Pinoy. Pangalawang batayan, kung
pamilyar kayo kay Esnyrr Ranollo, isang sikat na content creator sa Tiktok at Twitter. Nakilala
siya dahil sa kanyang mga content, na nagbabalik tanaw sa karanasan ng isang Pilipinong
estudyante. Isa sa kanyang mga bidyo na pumatok sa social media, ay ang bidyo na tungkol sa
pagsasanay ng sabayang pagbigkas. Sa apat na taon ng highschool dito sa Pinas, di
maiiwasan ang mga kompetisyong katulad ng sabayang pagbigkas. Inilulunsad ito tuwing
buwan ng wika, upang bigyang pugay ang wikang Filipino. Kanya-kanyang pakulo ang bawat
seksyon, kung paano nila bibigyang interpretasyon ang piyesa na ipinamahagi. At hindi
mawawala ang mga kadalasang chants, katulad ng “zum gale gale” o kung ano anong paraan
ng pagsigaw. Ayon kay Abad (1996) ang sabayang pagbigkas ay kawili-wiling pag bibigay at
paghahalaga sa panitikan, kung iisipin mo ang sabayang pagbigkas ay natatangi lamang sa
Pilipinas. Isa itong karanasan na karamihan sa atin ay napagdaanan noong tayo’y estudyante
pa-lamang. Ang panghuli naman ay ang pasko, sa Pilipinas tumatagal ng halos apat na buwan
ang pasko. Mahaba ito kung ikukumpara mo sa ibang mga bansa na nag didiwang ng pasko.
Ang pasko ay isa sa mga pinaka-inaabangan na panahon ng taon. Kadahilanan na din, na
maraming Pilipino ang malayo sa kanilang mga pamilya. At tuwing pasko ay magsisi uwian
upang makapag diwang kasama ang kanilang mga pamilya. Sino ba naman makalilimot sa
kaugalian ng mga Pilipino na Noche Buena. Nanggaling ang kaugalian na ito sa Espanya,
ngunit naging staple ito sa kulturang Pinoy. Mga putaheng Pilipino ang karanasan na
inihahanda, tulad ng lechon,lumpia, buko pandan at iba pa. Kasabay ng mga putaheng inihain
ay ang mainit na presenya ng ating mga pamilya. Sapagkat malaki ang pagpapahalaga nating
mga pinoy sa “pamilya”. Kahit na sabihin natin galing sa mga dayuhan ang kaugaliang “pasko”,
ay nailalangkap parin natin ang mga Pilipinong kaugalian at moral.

Samakatuwid ay marami pang mga ibang karanasan at kaugalian, na natatangi lamang sa ating
mga Pilipino. Pero para sa akin ang bumubuo sa pagka-pilipino ng isang Pilipino ay ang mga
tinatawag na “shared experiences”. Dahil kahit sino ka pa man o saang lugar ka nakatira, kapag
kulturang Pilipino ang iyong kinalakihan. Iyon ang magiging patunay ng ating pagka ka-pare
pareho at pagkakakilanlan.Kaya di ako naniniwala na mayroong pirming pamantayan or guide
book sa pagiging Pilipino. Ang tunay na Pilipino ay isang indibidwal na buong tinatanggap at
sumasang ayon na siya ay Pilipino, eto yung nanggagaling sa ating mga sarili at hindi sa kung
sino mang tao. Kaya naman sana ay mag patuloy at pagyamanin pa ang sarili nating kultura at
identidad upang magamit ito ng mga susunod na henerasyon. Sa kanilang lakbay tungo sa
pagtuklas at pagsagot sa tanong na “sino at paano maging isang tunay na Pilipino”.

Citation.

Reyes, Pauline. “Twitter Reacts to Liza's Defense of Her 'Bagani' Role and Filipino
HeritagePA.” InqPOP!, 5 Mar. 2018, https://pop.inquirer.net/47580/liza-soberano-bagani-
filipino-i-love-sinigang.

“Ang Konstitusyon Ng Republika Ng Pilipinas, 1987: GOVPH.” Official Gazette of the


Republic of the Philippines, https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-
konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/.

“Sabayang Pagbigkas.” KapitBisig.com,


https://www.kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literature-sabayang-
pagbigkas_348.html.

You might also like