You are on page 1of 2

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod

Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila


PAARALANG ELEMENTARYANG AURORA A. QUEZON
Paaralang Distrito XV
Tel. No. 621 5477

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IV

Petsa: Octobre 7, 2019


TANGUILE MOLAVE

I. Mga Layunin:
 Nagagamit ang uri ng pandiwa ayon sa panahunan sa
pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari. (F4WG-IId-g-5)

II. Nilalaman:
A. Paksang Aralin:
 Paggamit ng uri ng pandiwa ayon sa panahunan sa
pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari.
B. Sanggunian: Gabay Kurikulum sa Filipino, LAMP
C. Mga Kagamitan: PowerPoint, Batayang Aklat sa Filipino
D. Pagpapahalaga: “Ang rehiyo’t lalawigan kung magtutulungan,
itatakda ng pag-unlad ang ganap na
kabansaan.”
III. Pamamaraan:
A. Balik Aral
 Magpabigay sa mga bata ng mga salitang naglalarawan.

B. Pagbabaybay
 Ipabaybay ang mga salitang inihanda ng guro.

C. Pagganyak
 Magpakita ng mga larawan na nagsasaad ng kilos o galaw.
 Itanong:
Ano ang ginagawa ng mga nasa larawan?

D. Pagtatalakay
 Basahin ang isang tula na pinamagatang “Sama-sama…
Tulong-Tulong… Kapit-Bisig.
 Sagutin ang mga katanungan pagkatapos magbasa.
 Talakayin

Pandiwa- bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o


galaw.

Tatlong Aspekto ng Pandiwa


1. Naganap (Perpektibo)- kung ang pandiwa ay nag-
sasaad ng kilos na nasimulan na o tapos na.
Halimbawa:
a. Nagpalitan ng mga ideya ang bawat rehiyon
para maging masagana ang ani ng palay.
2. Nagaganap (Imperpektibo)- kung ang pandiwa ay
nagsasaad ng kilos na kasalukuyang ginagawa o
nagaganap.
Halimbawa:
a.Dinadala sa NCR ang mga kalakal ng mga
karatig-rehiyon.
3. Magaganap (Kontemplatibo)- kung ang pandiwa ay
nagsasaad ng kilos na gagawin o gaganapin pa lang.
Halimbawa:
a. Tutulong ang bawat munisipalidad para sa
ikauunlad ng buong lalawigan.
IV. Pagpapayamang Gawain

E. Paglalapat
 Pangkatin sa apat ang klase
 Ibigay sa bawat pangkat ang mga gagamitin sa paglalaro.
(1/4 illustration board, chalk at pambura)
 Tutukuyin ng bawat pangkat kung ano ang aspekto ng
pandiwa ang babanggitin ng guro.

F. Paglalahat
 Itanong:
Ano ang pandiwa?
Ano-ano ang tatlong aspekto ng pandiwa?

G. Pagtataya
 Ibigay ang aspekto ng pandiwa ng mga sumusunod.
1. sulat
2. tula
3. laro
4. awit
5. talon

V. Kasunduan
 Magsulat ng limang pangungusap na ginamitan ng
pandiwa.

Antas ng Pagkatuto:

Tanguile: _______ Molave: _______

Puna:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Pagninilay:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Inihanda ni:

MARLOU JAKE C. SALAMIDA


Guro sa Filipino

Iwinasto nina:

JOHNELLIE A. ARANZADO MARLOU JAKE C. SALAMIDA MA. CRISANTA A. GOCHANGCO


Chairman, Grade IV Filipino Coordinator Master Teacher In-Charge

Pinagtibay ni:

ANNABELLE D. TINGSON
Principal

You might also like