You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

PALAWAN STATE UNIVERSITY


Tiniguiban Heights, Puerto Princesa City

SOFRONIO ESPAÑOLA CAMPUS


Sofronio Española, Palawan

MODULE 5: LEARNER-CENTERED LESSON PLAN

Sample of MELC-based Lesson Plan

Grade Level 1
Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter Una

I. Objectives
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa
Content Standard sarili at sariling kakayahan, pangangalaga sa sariling
kalusugan, at pagiging mabuting kasapi ng pamilya.
Naisasabuhay nang may wastong pag-uugali ang iba’t ibang
Performance Standard paraan ng pangangalaga sa sarili at kalusugan upang
mapaunlad ang anumang kakayahan.

Learning 1. Nasasabi na nakatutulong sa paglinang ng sariling


Competencies/Objectives kakayahan ang wastong pangangalaga sa sarili.
2. Naipapakita ang iba’t ibang paraan ng pangangalaga sa
sarili.

II. Content Kalusuga’y Pagyamanin, Kakayaha’y Uunlad Din!


Batayang Pagpapahalaga : Pagiging Responsable sa
Pangangalaga sa Sarili
III. Learning Resources

Edukasyong Pagpapakatao 1 Learner’s


References Module
Edukasyong Pagpapakatao 1 Teacher’s
Guide
 Story book : Si Lino Matalino
Other Learning Resources  Pictures
 Project Guide

IV. Procedures
I. Pagganyak/ Mootivation(10 minuto)
Before the Lesson
Babasahin ng guro sa klase ang kuwentong “Si Lino Matalino”
ni Teresita L. Dellosa.

Itatanong ng guro sa klase ang mga sumusunod:


1. Sino si Lino?
2. Ano ang kaniyang katangian ?
3. Bakit gustong-gusto siya ng kaniyang mga guro?
4. Sa inyong palagay bakit kaya matalino si Lino?

II. Paglalahad ng mga layunin at paksa/ Presentation of the


objectives and Lesson (1 minuto)

“Sa mga nakaraang aralin, napag-aralan natin ang


kahalagahan ng kalusugan at wastong pangangalaga ng ating
sarili. Ngayon, magkakaroon kayo ng gawain na nagpapakita
ng naidudulot ng wastong pangangalaga sa sarili.

I. Talakayan/Discussion (5 minuto)
During the Lesson
Magpapakita ang guro ng mga larawan. Tutukuyin ng mga
mag-aaral kung alin sa mga ito ang nagpapkita ng wastong
Gawain tungkol sa pangangalaga ng sarili. Ipapaliwanag din
nila kung bakit ito ang kanilang sagot.

II. Pangkatang Gawain/Group Activity (10 minuto)

Hahatiin ng guro sa apat na pangkat ang klase.


Bibigyan sila ng iba’t ibang gawain at ipapaliwanag ng grupo
kung ano ang kanilang nararamdaman habang sila’y
nagpapangkatang gawain .

Pangkat 1: AKROSTIK ( MATALINO)


Pangkat 2: Sabayan Mo! Pagbigkas Ko!
Pangkat 3: Kulayan Mo, Mga Gawaing Wasto! Pangangalaga
sa sarili
Pangkat 4: Happy Ka! Or Sad Ka!

Bibigyan ang bawat grupo ng limang minuto para mag-usap at


tig-isang minuto para iulat ang kanilang aksyon.
I. Pagbubuod/Generalization ( 2 minuto)
After the Lesson
Itatanong ng guro ang sumusunod:
1. Bakit dapat pangalagaan nang wasto ang sarili?
2. Bilang mag-aaral, ano ang kabutihan ang naidudulot ng
wastong pangangalaga ssa sarili?

Pagpapaliwanag ng Proyekto (12 minuto)

Bilang aplikasyon ng aralin, gagawa ang mga mag – aaral ng


isang Portfolio kung saan maipapamalas nila ang kalinisan ng
sarili kaugnay sa kanilang kakayahan. Ang magiging output ay
isang Portfolio na naglalaman ng deskripsyon ng kanilang
gawain, mga larawang nagpapatunay sa pagsasagawa nito, at
ang kanilang repleksyon sa kanilang repleksyon sa kanilang
pagiging malinis sa sarili at pag – unlad ng kanilang
kakayahan. Ito ang susunding timetable sa pagsasagawa ng
proyekto:

Unang Linggo:Pagkonsulta sa guro at pagpapaapruba ng


naisip na proyekto.

Ikalawang Linggo:Pagsasagawa ng proyekto

Ikatlong Linggo: Paggawa ng Portfolio

Ikaapat na Linggo:Pagpapasa ng Portfolio at pagbabahagi sa


mga imbitadong panauhin

You might also like