You are on page 1of 3

Paano natututuhan ang wika?

PRESCRIPTIVE GRAMMAR

Ang prescriptive grammar ay tumutukoy sa mga takdang panuntunan o pamantayan sa


kung papano gagamitin ang wika nang tama at nararapat. Mula na lamang sa mga salitang
prescriptive grammar, nakaangkla na ang gramatika at istruktura ng wika kung saan nagsisilbi
itong gabay upang higit na maiayon ang pangungusap sa angkop na paggamit ng wika. Sa
prescriptive grammar maiihahanay ang tamang pagbabaybay ng salita, pagbabantas, mga
tuntunin sa pagbuo ng isang pangungusap at marami pang iba.

Halimbawa:

Ang prescriptive grammar ay karaniwang nangyayari sa loob ng isang silid aralan kung
saan itinuturo ng isang guro sa Filipino ang tamang pamamahala sa paggamit ng wika alinsunod
sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Ang guro sa Filipino ay maaaring maging prescriptive
grammarian, halimbawa na lamang kung magbibigay siya ng isang aktibidades katulad ng
pagsulat ng sanaysay. Sa pamamagitan nito, maitatama ng isang guro ang hanay ng mga
pangungusap ng mga mag-aaral batay sa tuntunin ng paggamit ng wika. Sa senaryong ito,
matututuhan ng isang mag-aaral ang paggamit ng wika at maaari niya itong madala sa pang-
araw-araw na pamumuhay, pasulat man ito o pasalita.

DESCRIPTIVE LINGUISTICS

Ang descriptive linguistics ay tumutukoy sa pag-aanalisa ng isang pangungusap na


naglalayong masuri ang bawat komponent ng pangungusap. Ang mga taong nagsusuri ng isang
pangungusap ay gumagawa ng teknik upang maisa-isa ang nakapaloob sa isang pangungusap,
sinisimulan nila ito sa paghahati ng dalawang bahagi sa pangungusap at hahatiin pang muli
upang masiguradong angkop ang bumubuo sa isang pangungusap. Samakatuwid, ito ay
paghihimay-himay sa bawat komponent ng isang pangungusap.

Halimbawa:

Ang ganitong uri ng pagkatuto sa wika ay karaniwang nangyayari sa loob ng isang silid-
aralan kung saan ang isang guro partikular na ang mga guro sa wika ay itinuturo ang bawat
komponent ng isang pangungusap. Halimbawa na lamang ay sa talakayan kung saan ihahanay ng
isang guro ang isang pangungusap at tutukuyin kung ano ang simuno, pang-uri, pantukoy,
panghalip at marami pang iba. Gaayundin ang mga ponema, morpema at semantiks na
nakapaloob sa isang pangungusap.
TEORYANG BEHAVIORIST

Sinasabing sa teoryang behaviorist, ang bagong silang na bata ay may kakayahan na sa


pagkatuto kung saan likas na sa mga ito ang matututuhan ang isang bagay batay sa kung ano ang
nakikita at nagyayari sa kapaligiran. Ang kakayahan ng isang bata ay maaaring hubugin at
linangin ng mga taong nakapalibot sa kaniyang kapaligiran kung kaya’t ipinababatid ng
pangunahing behaviorist na si Skinner na kinakailangang alagaan ang intelekwal na kapasidad ng
isang bata na naaayon sa pagpapatibay ng angkop na gawi at kilos. Samakatuwid, ang teoryang
ito ay pumapatungkol sa pagkatuto ng isang bata batay sa kapaligirang kaniyang ginagalawan.

Halimbawa:

Ang pagkatutong ng wika batay sa teoryang ito ay karaniwang nangyayari sa loob ng


isang tahanan. Kung ano ang nakikita o itinuturo sa bata ay siya nitong natututuhan. Halimbawa,
kung simula pa lang ng taon ng isang bata ay tinuruan na itong bumigkas ng mga salita na
nakapaloob sa a-ba-ka-da, matutuhan niya ito at paglaon ay makikita na sa isang bata ang
kakayahang nitong bumasa at bumigkas ng isang salita. Halimbawa din nito, kung ang isang bata
ay hinahayaan ng isang magulang na manood sa youtube o kaya naman ay sa tv ng mga ingles na
palabas, matututuhan ito ng bata at maaaring hindi namamalayan ng isang magulang na
nakakapag-ingles na ang isang bata batay sa naririnig at napapanood nito. Samakatuwid, malaki
ang ginagampanan ng gawi at kilos ng isang kapaligiran sa pagkatuto ng isang bata hindi lamang
sa wika kundi sa lahat ng aspeto ng buhay.

TEORYANG INNATISM

Sa teoryang ito nakapaloob na lahat ng bata ay isinilang na may likas na talino sa


pagkatuto ng wika. Ayon nga kay Chomsky, ang bata ay biologically programmed sa pagkatuto
ng wika at nalilinang sa paglaon ng panahon.

Halimbawa:

Ang isang bata mula pagkasilang ay may kakayahan ng makalikha ng isang tunog at ito
ang kanilang pamamaraan upang makipag-usap sa magulang o kaya’y sa ibang tao. Mula sa
tunog na nalilikha ng isang bata ay natatatamo na niya ang paggamit ng wika at unti-unti mas
nagiging malinaw ang salita ng isang bata hindi dahil may suportang nanggagaling sa kapaligiran
kundi likas na sa mga ito ang matutuhan ang wika.
TEORYANG COGNITIVE

Nakasaad sa teoryang ito na ang pagkatuto ng wika kung saan dumadaan ito sa proseso
ng dinamiko. Ang mga taong nag-aaral ng wika ay kinakailangang sumailalim sa malalim na
pag-iisip at gawing may saysay o kabuluhan ang pagtanggap ng wika. Ibig sabihin lamang na sa
teoryang ito, kinakailangang tukuyin ng isang tao ang tuntunin ng wika at magamit ito upang
makabuo ng isang orihinal na pangungusap. Binibigyang-diin na sa pagkatuto ng wika,
kinakailangan ng isang taong unawain ang isang wika batay sa pagtuturo at kapaligiran upang
higit na mapabilis ang pagkatuto ng wika.

HALIMBAWA:

Maihahalimbawa sa teoryang ito ay ang nagyayari sa loob ng isang silid-aralan kung saan
ginagabayan ng isang guro ang pagkatuto ng isang mag-aaral. Halimbawa na lamang kung
magbibigay ng isang aktibidades na kinapapalooban ng mga pangungusap, maaaring ipa-analisa
ito ng guro upang matukoy ng mag-aaral ang mga tuntunin sa paggamit ng wika. Maaari rin
namang ilahad ng mga guro ang mga tuntunin upang higit na mas maunawaan ng mga mag-aaral
ang pagkatuto ng wika. Samakatuwid, kinakailangan ng isang mag-aaral ng magtuturo gayundin
ang kanilang kaalamang pagganap upang higit na maunawaan ang wika base sa teoryang
cognitive.

TEORYANG MAKATAO

Sa teoryang ito, binibigyang diin ang kahalagahan ng pandamdamin at emosyonal. Ibig


sabihin lamang, kung ano ang nararamdan ng isang tao sa kaniyang kapaligiran ay nakakaapekto
upang higit nilang matutuhan ang paggamit ng wika. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang
pagkatuto ng wika ay nakaangkla sa sitwasyong nangyayari sa kapaligiran.

Halimbawa:

Sa teoryang ito, maaaring ihalimbawa ang pagtuturo sa isang silid-aralan. Kung


nararamdaman ng isang mag-aaral ang positibo, masaya at kawiling-wiling kapaligiran, may
kakayahan silang tanggapin ang kaalaman na may positibo ring pananaw na maaari nilang
malinang sa paglipas ng panahon. Ngunit kung ang isang guro ay may nakakatakot na awra o
negatibong damdamin sa pagtuturo, hahantong ito sa pagtuon ng mag-aaral sa guro at hindi sa
kaalamang ibinabagahi. Sa sitwasyong ito, mahihinuha na malaki ang gampanin ng damdaming
ating ipinapakita sa pagkatuto ng isang bata hindi lamang sa wika ngunit gayundin sa lahat ng
kaalamang maaaring nilang matututuhan sa paaralan.

You might also like