You are on page 1of 50

DIVISION OF NAVOTAS CITY

4
MAPEH
(Edukasyon sa Pagpapalakas ng
Katawan)
Ikatlong Markahan

S.Y. 2021-2022
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
MAPEH (Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan) – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ronnie D. Loto, Marina C. Balili
Editor: Jervie B. Herero
Tagasuri: Jervie B. Herero
Tagaguhit: Eric De Guia – BLR Production Division, Silver C. Calicdan
Tagalapat: Ronnie D. Loto, Marina C. Balili
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief
Ernifer O. Cosmiano, EPS in MAPEH
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
Nilalaman

Subukin................................................................................ 1

Modyul 1............................................................................... 4

Modyul 2............................................................................... 15

Modyul 3............................................................................... 27

Tayahin ................................................................................ 41

Susi sa Pagwawasto .............................................................. 43

Sanggunian ......................................................................... 45
A. Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing pisikal na makatutulong makapagpaunlad ng


physical fitness.

a. Machinery c. mood o damdamin


b. rhythmic interpretation d. Flexibility

2. Ang sayaw na ito ay matatagpuan sa Negros Occidental sa kabisayaan. Ano ang


tawag dito?

a. Liki c. Sayaw sa Bangko


b. Maglalatik d. Itik Itik

3. Ang likhang sayaw ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng dalawang


kombinasyon nang anong galaw?

a. lokomotor at di lokomotor c. mood o damdamin


b. rhythmic interpretation d. Flexibility o timing

4. Ang pagsasagawa ng iba’t-ibang galaw na may kasamang tao, bagay, musika at


paligid ay kombinasyon ng:

a. Mabilis at mabagal na kilos c. Malakas at mahinang kilos


b. Malungkot at masayang kilos d. Kilos Lokomotor at Di-Lokomotor

5. Ito ay tumutukoy sa kakayahang pagkilos na umaalis sa mismo kinalulugaran.

a. lokomotor c. mood o damdamin


b. rhythmic interpretation d. Flexibility o timimg

1
B. Panuto: Tingnan at suriin ang larawan sa bawat bilang. Isulat ang letrang A kung
ito ay tumutkoy sa Lokomotor at B kung Di-Lokomotor.

1. Pakikipaglaro ng habulan

Source: http://mrstoutsblog.blogspot.com/2014/01/omg-ive-been
tagged.html

2. Paglalakad patungo at pabalik


sa paaralan,simbahan o parke.

Source: https://tal.medicineh.com/a-to-z-
guides

3.Panonood ng telebisyon

Source: https://www.dreamstime.com/stock-illustration-
illustration-boy-walks-up-stairs-striving-success-vector-goes-way-to-
image69217794

2
4. Pagbuhat ng barbel
o mabigat na bagay

Source:https://pngtree.com/freepng/lifting-barbell-boy-fitness-
workout_4457154.html

5. Pagtayo nang matagal


habang nasa sasakyan.

Source: https://www.freepik.com/premium-vector/people-bus-transport-with-
mask-contactless_8066845.htm

3
MODYUL 1

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat sa pagpapalawak ng inyong kaalaman.


Ang materyal na ito sa pag-aaral ay magbibigay sa iyo ng mga pagsasanay na
makatutulong sa inyong maisagawa ang iba’t ibang kasanayan na kabilang sa
sayaw.

Matapos ang modyul na ito, narito ang mga inaasahang layunin na dapat mong
matutunan o makamit: Pagkatapos ng aralin,

1. Inaasahang mailalarawan at maipapaliwanag ang mga gawaing magpapatuloy sa


pagpapaunlad ng Physical Fitness. (Assesses physical fitness) Sa bahaging ito,
malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

- Naipapaliwanag ang batayang kaalaman ng sayaw. PE4PF-IIIb-h-18

- Naipapakita ang iba’t-ibang kasanayan sa pagsasagawa ng mga hakbang sa


pagsasayaw. PE4GS-IIIc-h-4

Aralin
Rhythmic Interpretation
1

Sa araling ito, susubukang magsagawa ng rhythmic interpretation upang


makagalaw ayon sa uri ng tugtog at tema. Hangad ng araling ito na mapaunlad pa
ang inyong physical fitness sa pamamagitan ng ganitong gawain na siguradong
kagigiliwan ninyo.

Ang rhythmic interpretation ay gawaing nagbibigay laya sa isang tao o


grupo na makapagpahayag ng saloobin o makapagtalastasan sa pamamagitan ng
galaw ng buong katawan. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng characterization
at dramatization kadalasan ang nililinang dito ay ang kahutukan.

4
Ano ang rhythmic interpretation sa musika na may kinalaman sa pagsayaw?

Ang pagtatalaga ng isang ritmo ng interpretasyon sa isang piraso ng metrical na


musika ay tumatawag para sa pagbuo ng isang kalakip na metro at ang pag-parse
ng mga tala ng halaga ayon sa meter na ito.

Mga halimbawa ng rhythmic interpretation sa musika:

Iamb (x /)

Ang sukat ng iambic ay ang pinakakaraniwang pattern ng ritmo.Tulad sa pagsayaw


ang bawat imdak o galaw ay kinakailangan ng pattern o pagkakasunod sunod ng
bawat galaw o kilos nito.

Trochee (/ x)

Ang ritmo ng trochee ay nagsisimula sa isang diin na pantig na sinusundan ng isang


hindi na-stress na pantig, at inuulit ang pattern sa buong linya.Sa makatawid ito ay
maihahalintulad natin sa bawat paggalaw kapag tayo ay sumasayaw na sa saliw ng
musika.

Spondee (/ /)

Ang spondee ay isang metrical paa sa mga tula, na binubuo ng dalawang stressed
syllables sa isang hilera.Ngunit mag-back up para sa isang segundo. Ang isang
patula na paa ay isang yunit lamang ng panukalang batay sa stressed at hindi na-
stress na syllables, kadalasan ay binubuo ng dalawa o tatlong syllables. Mayroong
ilang mga pagsasaayos na posible para sa mga stresses sa loob ng mga syllable na
ito, at ang lahat ng mga kaayusan ay may iba't ibang mga pangalan ( iamb , trochee,
anapest, dactyl, atbp.)

Ilan sa mga halimbawa ng interpretasyon ay ang sumusunod:


1. Kalikasan – panahon, hayop, halaman
2. Likhang-isip na bagay – higante o duwende, engkantada, awiting pambata
3. Mga gawain/hanapbuhay ng tao – guro, drayber, ballet dancer, paglalaba,
pagmamaneho
4. Mga sasakyan – eroplano, tren, bus, barko, bisikleta
5. Machinery – orasan, elevator, crane, forklift
6. Moods/damdamin – masaya, malungkot, galit

5
Ano nga ba ang ibig sabihin ng rhythmic? at interpretation?
Sa musika, ito ay elemento na tumutukoy sa haba o ikli ng tunog. Ito ay maaaring
maramdaman, may tunog man o wala. Ang mga tunog ay maaaring regular o di-
regular. Sa musika, ang rhythmic ay iba’t ibang uri ng note at rest na may
kaukulang halaga (value/duration) o bilang ng kumpas. Ang note ay nagpapahiwatig
ng tunog habang ang rest ay nagpapahiwatig ng katahimikan. May mga simbolong
ginagamit upang ipahayag ito. Samatalang ang interpretation ay
nangangahulugang pagsasagawa o paggalaw upang maintindihan ang nais nitong
ipakahulugan o sabihin.

Ang rhythmic interpretation ay isa lamang sa mga gawaing pisikal na


makatutulong makapagpaunlad ng physical fitness.
Sinasabi na rin na ang rhythmic interpretation ay gawaing nagbibigay laya sa isang
tao o grupo na makapagpahayag ng saloobin o makapagtalastasan sa pamamagitan
ng galaw ng buong katawan. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng
characterization at dramatization kadalasan ang nililinang dito ay ang kahutukan.
Ang kahutukan o flexibility naman ay kakayahang makaabot ng isang bagay nang
Malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan. Kinakailangan
ang kahutukan ng katawan upang maisagawa ang mga pang-araw-araw na Gawain
tulad ng pagbangon sa pagkakahiga,pagbuhat ng bagay,pagwawalis ng sahig at iba
pa.

Mahalagang ring malaman at mapaunlad ang flexibility o kahutukan ng kalamnan


upang nakatutulong na mapadali ang pagsasagawa at mapaganda ang isang gawain.
Ang paglinang sa mga gawaing makatutulong sa flexibility ng katawan ay inaasahan
upang matamo ang inaasahang antas ng physical fitness na siyang pangunahing
kailangan sa pagsasayaw tulad ng rhythmic interpretation.

6
Sa pagsasagawa nito, dapat naaayon ang galaw sa tema at sa tugtog na
inilalapat dito. Hinihikayat ang tamang paggalaw ng buong katawan. Maaaring ito
ay mabilis, mabagal, magaan, o mabigat ang galaw na may direksiyon at may
sangkap ng antas ng fitness.
Ang tamang paggalaw ng katawan ay paraan upang matukoy ng mga manonood ang
ipinahihiwatig na mensahe sa pamamagitan ng rhythmic interpretation. Sa ganitong
Gawain, nalilinang din ang inyong pagkamalikhain bukod pa sa mga sangkap ng
fitness na sabay-sabay na nalilinang sa iba’t ibang paggalaw.

Kahutukan o Flexibility

Ang kahutukan o flexibility naman ay kakayahang makaabot ng isang bagay nang


malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan. Kinakailangan
ang kahutukan ng katawan upang maisagawa ang mga pang-araw-araw na Gawain
tulad ng pagbangon sa pagkakahiga,pagbuhat ng bagay,pagwawalis ng sahig at iba
pa.

Mahalagang ring malaman at mapaunlad ang flexibility o kahutukan ng kalamnan


upang nakatutulong na mapadali ang pagsasagawa at mapaganda ang isang gawain.

Ang paglinang sa mga gawaing makatutulong sa flexibility ng katawan ay inaasahan


upang matamo ang inaasahang antas ng physical fitness na siyang pangunahing
kailangan sa pagsasayaw tulad ng rhythmic interpretation.

Ano-anong mga gawain ang nakalilinang ng flexibility o kahutukan?


Upang subukin ang ating kakayahan sa kahutukan, gawin ang mga sumusunod na
gawain sa tulong ng iyong guro. Gawin ito nang naaayon sa pamamaraan at may
sapat na pag-iingat.
Two-Hand Ankle Grip
1. Bahagyang ibaluktot ang katawan sa harap. Sa pamamagitan ng pagdikit ng
dalawang sakong (heel) ng paa, abutin ng mga kamay sa pagitan ng mga binti ang
bukong-bukong (ankle).
2. Pag-abutin ang mga kamay sa harap ng mga bukong- bukong.
3. Panatilihing nakahawak ang mga kamay sa harap ng mga bukong-bukong sa ayos
ng sakong ng paa Manatili sa posisyon sa loob ng limang segundo (5).

7
Mga simpleng gawaing pisikal sa bahay na nakakatulong sa pagpapa- unlad ng
flexibility
1.Pagdampot o pag-abot ng bagay
2.Paglilinis nang may hawak na mop
3. Pagsasampay ng damit Pagsusuot ng medyas at sapatos Pagsuot at paghubad
ng damit, Paglalaro (bending body, limbo rock, at iba pa)
4. Pag-eehersisyo, Pag-unat ng beywang, Pag-unat ng braso,Pagpaling ng ulo sa
kanan at kaliwa,Pagbaluktot ng katawan sa harap, tagiliran, at likuran
Ang pagpapaunlad ng flexibility o kahutukan ng kalamnan ay nakatutulong upang
mapadali ang pagsasagawa at mapaganda ang isang gawain. Ang paglinang sa mga
gawaing makatutulong sa flexibility ng katawan ay inaasahan upang matamo ang
inaasahang antas ng physical fitness.

Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat ang TAMA kung ito ay nagsasaad
ng wastong pahayag at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______ 1. Sa simpleng paglakad, pagsayaw, pagsasagawa ng mga galaw gamit ang


imahinasyon ay nalilinang ang kahutukan at koordinasyon.
_______2. Ang paggamit ng imahinasyon at interpretasyon ay hindi makatutulong
upang makabuo ng isang rhythmic interpretation dance.
_______3. Sa pagsasagawa ng rhythmic interpretation, kinakailangang gumalaw ayon
sa uri ng tugtog at tema.
_______4. Ang rhythmic interpretation ay maaring gawin sa pamamagitan ng
characterization at dramatization.
_______5. May sukat at bilang ng mga hakbang sa pagsasagawa ng mga galaw ng
katawan sa rhythmic interpretation.

8
Gawain 2
A. Panuto: Punan ng mga salita ang patlang upang mabuo ang konsepto ng aralin.
Piliin ang sagot sa kahon.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Machinery mood o damdamin Flexibility

rhythmic interpretation kalikasan

6. Ang _______________________________ay gawaing nagbibigay laya sa isang tao o


grupo na makapagpahayag ng saloobin o makapagtalastasan sa pamamagitan ng
galaw ng buong katawan. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng characterization
at dramatization.

7.Ang ________________________________ ay ang kakayahang makaabot ng isang


bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan.

8-10. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga tema sa interpretasyon ay ang mga
sumusunod; ___________________,________________________,____________

B. Panuto: Tingnan ang talaan sa ibaba at sabihin sa pamamagitan ng paglagay ng


tsek sa kolum kung alin ang mga makapagpapaunlad ng iyong flexibility o
kahutukan. Kopyahin ang talaan sa iyong kuwaderno at sagutan ito.

Mga Gawaing Pisikal Makapagpapaunlad ng flexibility

Mga Gawain
Pagdampot o Pag abot ng mga bagay
Paglilinis ng may hawak na mop
Pagsasampay ng damit
Pagsususot ng medyasat sapatos
Pagsususot at Paghuhubad ng Damit
Paglalaro ng bending
Pag eehersisyo

Ilan sa talaan ng mga gawain at ehersisyo ang inyong nalagyan ng tsek? May alam
ka pa bang gawain na makatutulong sa iyo upang mapaunlad mo ang iyong
flexibility?

9
Gawain 2
Suriin ang bawat larawan, tukuyin kung ang mga sumusunod ay halimbawa ng
interpretasyon. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Kalikasan Likhang-isip na bagay Mga sasakyan


Machinery Mga gawain/hanapbuhay ng tao Moods/damdamin

____________________1.

____________________2.

10
_____________________3.

Source:https://www.google.com/search?q=higante&sour
ce=lnms&tbm=Bqz8V0VLWd7nbM

______________________4.

_____________________5.

_____________________6.

11
____________________7.

___________________8.

____________________9.

Source:https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A
%2F%2Fwww.seekpng.com%2Fima%2FBAV

____________________10.

12
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba:
1. Ano ang ibig sabihin ng rhythmic interpretation?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, ano ang naitutulong sa iyo ng rhythmic interpretation sa
pagsasayaw?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Ano ang mga halimbawa ng rhythmic interpretation? Paano ito nakatutulong sa
pagsasayaw?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng malambot na pangangatawan o
flexibility o kahutukan? Ipaliwanag
________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

5. Bakit kailangan natin magsagawa ng mga warm up exercise bago tayo


magsimula ng pagsayaw?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

13
Panuto: Gawin ang mga sumusunod na halimbawa / tema sa pamamagitan ng galaw
ng inyong buong katawan ayon sa lawak ng inyong imahinasyon at interpretasyon.
Lapatan ng napiling tugtog.
(Maaaring i-video o kunan ng larawan habang isinasagawa ang pagsasayaw at ipasa
ang recorded video o mga larawan sa messenger account ng inyong guro sa MAPEH
o Facebook Group)

1. Eroplanong paalis sa paliparan

2. Nagsasayaw na puno ng kawayan.

3. Kilos ng aso, kangaroo at paru-paro

4. Iba’t ibang damdamin tulad ng masaya, malungkot, galit, at takot.

5. Paglakad ng higante

Rubrics: (Iskor Kard)

Naaayon at Naayon ngunit Hindi naaayon at


napakahusay hindi gaanong nangangailangan
Criteria mahusay pa ng
5 karagdagang
3 ensayo
2
Tema
Tugtog
Mga galaw na nilikha
Mensahe
Kabuuang Iskor:

14
MODYUL 2

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat sa pagpapalawak ng inyong


kaalaman. Ito ay makatutulong upang makilala nang lubos ang iyong sarili. Ang
saklaw ng modyul na ito ay makatutulong sa iba’t ibang paraan ng pagsayaw.

Sa araling ito, subukang lumikha ng isang sayaw na gagamit ng iba’t ibang hakbang
ayon sa napiling tugtog. Mabilis o mabagal man ang awitin o tugtog na napili ninyo,
tiyak kaya ninyo itong likhaan ng mga galaw.

Ang inyong paglahok sa mga gawain sa araling ito ay makatutulong sa paglinang ng


koordinasyon.

Matapos ang modyul na ito, narito ang mga inaasahang layunin na dapat mong
matutunan o makamit: Pagkatapos ng aralin,

1. Inaasahang mailalarawan at maipapaliwanag ang mga gawaing magpapatuloy sa


pagpapaunlad ng Physical Fitness. (Assesses physical fitness) Sa bahaging ito,
malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

- Naisasagawa ang iba’t-ibang kasanayan sa pagsasagawa ng mga hakbang sa


pagsasayaw. PE4GS-IIIc-h-4

15
Aralin
Likhang Sayaw
2

Sa araling ito, subukang lumikha ng isang sayaw na gagamit ng iba’t


ibang hakbang ayon sa napiling tugtog. Mabilis o mabagal man ang awitin o tugtog
na napili ninyo, tiyak kaya ninyo itong likhaan ng mga galaw.

Ang sayaw ay isang sining na binubuo ng piling magkakasunod na galaw ng tao ng


mayroong pakay. Ang galaw na ito ay masining at may tinutukoy, at ito ay kinikilala
bilang sayaw ng mga mananayaw at mga tagamasid sa loob ng isang partikular na
kultura.Ang sayaw ay maaring maikategorya at mailarawan batay sa kaniyang
koryograpiya, Koleksyon at pagkakasunod-sunod ng mga galaw o batay sa panahon
at kasaysayan nito o lugar na pinagmulan. Isang mahalagang pagkakaiba ay
mailalarawan sa pagitan ng konteksto ng theatrical at participatory na sayaw.

Sa pagsasagawa nito, dapat naaayon ang galaw sa tema at sa tugtog na inilalapat


dito. Hinihikayat ang tamang paggalaw ng buong katawan. Maaaring ito ay mabilis,
mabagal, magaan, o mabigat ang galaw na may direksiyon at may sangkap ng antas
ng fitness.

Ang tamang paggalaw ng katawan ay paraan upang matukoy ng mga manonood ang
ipinahihiwatig na mensahe sa pamamagitan ng rhythmic interpretation. Sa ganitong
Gawain, nalilinang din ang inyong pagkamalikhain bukod pa sa mga sangkap ng
fitness na sabay-sabay na nalilinang sa iba’t ibang paggalaw. Ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Kinakailangang naiintindihan ng manonood ang mensahe ayon sa tamang


paggalaw ng katawan.

2. Naisasagawa ang mga malikhaing galaw ayon sa tugtog.

3. Maaaring gawin sa pamamagitan ng dramatization at characterization.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang sayaw mga bata?

Alam niyo ba na ang sayaw ay isang sining na binubuo ng piling magkakasunod na


galaw ng tao ng mayroong pakay. Ang galaw na ito ay masining at may tinutukoy, at
ito ay kinikilala bilang sayaw ng mga mananayaw at mga tagamasid sa loob ng isang
partikular na kultura.Ang sayaw ay maaring maikategorya at mailarawan batay sa
kaniyang koryograpiya, Koleksyon at pagkakasunod-sunod ng mga galaw o batay sa

16
panahon at kasaysayan nito o lugar na pinagmulan. Isang mahalagang pagkakaiba
ay mailalarawan sa pagitan ng konteksto ng theatrical at participatory na sayaw.

Bagama't ang dalawang kategoryang ito ay hindi palaging magkahiwalay; ang mga
ito ay may espesyal na gamit, maski sosyal,seremonyal,
pampaligsahan,sekswal,pang-militar at banal/maliturgiya. Ang ibang disiplina sa
paggalaw ng tao ay paminsang sinabi na pagsayaw tulad ng kalidad, kabilang ang
martial arts,gymnastics, figure skating, synchronized swimming at marami pang
ibang uri ng pampalakasan.

Narito ang mga opinyon ng mga eksperto tungkol sa kahulugan ng sayaw.

Kahulugan ng sayaw

Ayon kay Corie Hartong, isang dance expert mula sa Netherlands, ang sayaw ay
isang galaw na binibigyan ng hugis at ritmo ng mga biyas ng katawan sa
kalawakan.

Si Curt Sachs noong 1933, isang mananalaysay ng sayaw at musika mula sa


Alemanya ay nagsabi na ang sayaw ay isang ritmikong kilusan. Ang dalawang
pangunahing elemento ng sayaw ay binubuo ng galaw at ritmo (ritmo).

Ayon kay Arestoteles, ang sayaw ay isang koleksyon ng mga magagandang galaw
ng sayaw na naglalayong ipakita ang visualization concept o paglalarawan ng lahat
ng karakter ng tao sa kanilang pag-uugali.

Ang pagsasayaw sa saliw ng tugtugin ay masayang gawain. Bukod sa nakalilibang,


ito ay nakatutulong din sa pagpapaunlad ng physical fitness.

Narito ang mga pangunahing elementong nakapaloob sa sayaw


Katawan
Ang elemento ng palakasan o wiraga ay dapat itanghal sa sining ng sayaw dahil ito
ay nagpapakita ng mga galaw ng katawan sa posisyong nakatayo o nakaupo.
Ritmo
Ang ritmo o wirama ay dapat pag-aari sa sining ng sayaw, ang sayaw ay maindayog
ayon sa mga pilit ng musika na saliw ng mga galaw ng sayaw kapwa sa ritmo at
tempo.
Lasa
Ang rasa o wirasa ay ang kakayahan ng sayaw na maghatid ng mga damdamin sa
ilang mga galaw at nilagyan din ng ekspresyon ng mananayaw.

17
• Mga Uri ng Kilusang Sayaw
Ang mga paggalaw ng sayaw batay sa pagproseso ng mga elemento ng kagandahan
ay nahahati sa dalawang uri, lalo na:
Stilative motion
Ang Stylative motion ay isang kilusan na dumaan sa proseso ng pagpoproseso na
nagbubunga ng magagandang anyong sayaw.
Mapanlinlang na galaw
Ang distortive motion ay ang pagproseso ng paggalaw sa pamamagitan ng overhaul
ng orihinal at isa sa mga proseso ng stylization.
Buweno, mula sa mga resulta ng pagproseso ng mga elemento ng kilusang ito,
nagsilang ito ng dalawang uri ng mga paggalaw ng sayaw, kabilang ang:
Purong galaw
Ang dalisay na galaw ay isang kilusan na walang espesyal na kahulugan o tiyak na
layunin sa mga galaw ng sayaw. Ang dalisay na galaw ay binibigyang-diin lamang
ang elemento ng kagandahan lamang, hindi naglalaman ng kahulugan ng sayaw.
Halimbawa, tulad ng pag-alog ng balakang o paglipat ng ulo sa kanan o sa kaliwa.
Makabuluhang Kilusan
Ang makabuluhang galaw ay isang kilusan na may espesyal na layunin, na may
tiyak na kahulugan at layunin. Ang mga makabuluhang galaw ay karaniwang
makikita sa mga uri ng klasikal na sayaw.

Source: https://img.nucleotrace.com/wp

Iba't ibang Dance Movements

Mga galaw ng klasikal na sayaw


Ang mga klasikal na galaw ng sayaw ay mga galaw ng sayaw na gumagamit ng
dalisay, nagpapahayag at gumagaya na mga galaw na pino at pino.

18
Mga galaw ng katutubong sayaw
Ang populist dance movement ay isang uri ng sayaw na kilusan na gumagamit ng
maraming imitative at expressive na mga galaw.
Mga bagong likhang sayaw na galaw
Ang mga bagong creation dance moves ay mga uri ng dance moves na binubuo ng
kumbinasyon ng ilang uri ng tradisyonal na sayaw na kilusan at mga bagong
elemento. Ang mga galaw ng sayaw ay malikhaing lumikha ng mga likha upang
ang mga ito ay karaniwang tinatanggap.

Source: https://img.nucleotrace.com/wp

Ang anyo ng sayaw ay gumagalaw batay sa bilang ng mga mananayaw


Ang anyo ng mga galaw ng sayaw ay makikita sa dami ng mga mananayaw,
Isang galaw
Ang paggalaw na ito ay ginagawa lamang ng isang mananayaw, maaari itong lalaki
o babae.
Pair move
Ang magkapares na paggalaw ay isinasagawa ng dalawang mananayaw, sa
pamamagitan ng pagpapares ng lalaki at babae na mananayaw
Paglipat ng grupo
Ang mga grupo ng paggalaw ay binubuo ng tatlo o higit pang mananayaw.

19
Ang likhang sayaw ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng kombinasyon ng
lokomotor at di-lokomotor na galaw. Higit itong kinagigiliwan kapag ito ay sabay-
sabay na ginagawa sa saliw ng tugtugin. Ang palagiang pagsayaw ay may dulot na
maganda sa kalusugan dahil napauunlad nito ang physical fitness ng isang tao
kabilang na rito ang koordinasyon ng katawan.

Ang lokomotor ay ang pagkilos na umaalis sa mismo kinalulugaran. Samantala ang


di lokomotor ay ang pagkilos naman na hindi umaalis sa pwesto o kinalulugaran.
Ang isang halimbawa ng kilos lokomotor ay ang pagkandarit. Ang isa naman
halimbawa ng kilos di lokomotor ay ang pagbabasa. Mahalaga ang magkaroon ng
kabatiran tungkol sa mga kilos na ito.

Ang mga sumusunod ay ang mga kilos lokomotor:

Pag-takbo

Pags-ayaw

Pag-langoy

Pag-lalakad

Pag-lukso

20
Ang mga sumusunod ay ang mga kilos hindi lokomotor:

Pag-kaway

Pag-upo

Pag-babasa

Pag-hahabi

Pag-tawa

Pag-susulat

Pag-luhod

Pag-guhit

Ang paggawa ng kombinasyon ng galaw lokomotor tulad ng paglalakad, pagtakbo,


pagtalon, paglundag, leap, hop (pagkandirit), skip, gallop, slide/glide at ang paglapat
ng di-lokomotor na galaw tulad ng pagbaluktot, pag-unat, pagtulak, paghila, turn at
twist, rock, at sway ay makatutulong sa pagbuo ng likhang-sayaw.

Mga kombinasyon ng galaw lokomotor at di lokomotor ay mapapanood sa youtube.


Narito ang link na maaari ninyong panoorin.

(https://www.youtube.com/watch?v=Xg-1CawCTDA).

Maaaring mapanood rin ang iba pang mga galaw lokomotor at di lokomotor sa
Youtube sa link na https://www.youtube.com/watch?v=s5J5NwO1o9I)

21
Gawain 1

Panuto: Iguhit ang ( ) kung ang pahayag ay tama at ( ) naman kung mali. Isulat
ang sagot sa inyong sagutang papel.
___ 1. Ang kahutukan ay kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa
pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan.
___ 2. Kapag walang sapat na kahutukan, nagiging madali ang pagsasagawa ng
mga pang-araw-araw na gawain.
___ 3. Ang rhythmic interpretation ay gawaing nagbibigay laya sa isang tao o grupo
na makapagpahayag ng saloobin o makapagtalastasan sa pamamagitan ng galaw
ng buong katawan.
___ 4. Sa pagsasagawa ng rhythmic interpretation, hindi dapat naaayon ang galaw
sa tema at sa tugtog na inilalapat dito.
___ 5. Kinakailangang maintindihan ng manonood ang mensahe ng sayaw batay sa
tamang paggalaw ng katawan.
Gawain 2
A. Panuto: Isagawa ang mga galaw na nakatala sa ibaba, ang mga galaw lokomotor
at di-lokomotor. Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung naisagawa at ekis (X) naman
kung hindi naisagawa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

___1. Pagtalon (Pasulong)

___2. Pag unat ng kamay pataas (Pakaliwa/Pakanan)

___3. Pagsway (pakaliwa at pakanan)

___4. Paglalakad (pasulong at paatras)

___5. Pag hop (pasulong)

B. Panuto: Iguhit ♥ ang kung ang kilos o galaw ay lokomotor at ♪ kung ang galaw ay
di-lokomotor.

____________1. Pagkaway
____________2. Pagslide o glide
____________3. Pag skip
____________4. Pagkandirit (Hop)
____________5. Pag sway

22
Gawain 3
A. Punan ang mga kahon ng mga salitang may kaugnayan sa salitang nasa puso.

Mga Uri ng
Kilusang Sayaw

B. Punan ang mga ulap ng mga salitang may kaugnayan sa salitang nasa araw.

Pangunahing
Elemento ng
Sayaw

23
Gawain 1:
Suriin mabuti ang mga hakbang sa pagsasagawa ng sayaw.Sundin ang mga
nakasaad na panuto. (Maaaring i-video o kunan ng larawan habang isinasagawa ang
pagsasayaw at ipasa ang recorded video o mga larawan sa messenger account ng
inyong guro sa MAPEH o Facebook Group)

Panuto: Ihanda ang inyong sarili sa pagsasagawa ng mga hakbang para sa Una,
Ikalawa, at Ikatlong Gawain. Sundin nang wasto ang mga hakbang sa pagsayaw.

Unang Gawain:
Figure I
a. Lumakad ng apat na beses papunta sa harap...............................4 cts
b. Lumakad nang patalikod pabalik sa lugar..................................4 cts
c. Humakbang sa kanan at ilapit ang kaliwang paa sa kanang paa...2 cts
d. Humakbang sa kaliwa at ilapit ang kanang paa sa kaliwang paa...2 cts
Ulitin ang (c) at (d)………………………………………………………………...4 cts

Figure II
a. Lumundag paharap ng dalawang beses…………………… ……..............4 cts
b.Itiklop nang bahagya ang tuhod at i-sway ang hips sa kanan at kaliwa ng dalawang
ulit.........................................................................................4 cts
c.Tumalikod at bumalik sa lugar gamit ang walong slides............. ........8 cts

Tandaan ang mga galaw na ginawa at magsanay sa loob ng limang minuto.


Ikalawang Gawain:

Ulitin ang hakbang sa Figure I at II at lapatan ng galaw di-lokomotor sa pamamagitan


ng kamay at ibang bahagi ng katawan.

24
Ikatlong Gawain:

Gawin ang Figure I at II sa saliw ng tugtugin.

Rubrics: (Iskor Kard)

Naaayon at Naayon ngunit Hindi naaayon at


napakahusay hindi gaanong nangangailangan
Criteria mahusay pa ng
10-8 karagdagang
7-5 ensayo
4-1
1.Nagawa ko nang tama
ang mga hakbang sa
Figure I at II.
2.Naisagawa ko ang
mga galaw na tugma sa
tiyempo at ayon.
3. Naisagawa ko nang
maayos ang likhang-
sayaw na aking
sinanay.
Kabuuang Iskor:

25
Gawain 2

Panuto: Basahin ang talata sa ibaba at punan ito ng wastong salita na nasa loob
ng ulap. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Kahulugan ng sayaw

Narito ang mga opinyon ng mga eksperto tungkol sa kahulugan ng sayaw.

Ayon kay_________________, isang dance expert mula sa_______________, ang sayaw


ay isang galaw na binibigyan ng hugis at ritmo ng mga biyas ng katawan sa
kalawakan. Si Curt Sachs noong__________, isang mananalaysay ng sayaw at
musika mula sa ______________ay nagsabi na ang sayaw ay isang ritmikong
kilusan. Ang dalawang pangunahing elemento ng sayaw ay binubuo
ng_________________.

Ayon kay________________, ang sayaw ay isang koleksyon ng mga magagandang


galaw ng sayaw na naglalayong ipakita ang _________________o paglalarawan ng
lahat ng karakter ng tao sa kanilang pag-uugali.

Ang_____________ay maaring maikategorya at mailarawan batay sa kaniyang


koryograpiya, Koleksyon at pagkakasunod-sunod ng mga galaw o batay sa panahon
at kasaysayan nito o lugar na pinagmulan. Isang mahalagang pagkakaiba ay
mailalarawan sa pagitan ng konteksto ng theatrical at participatory na sayaw.

Ang pagsasayaw sa saliw ng________________ay masayang gawain. Bukod sa


nakalilibang, ito ay nakatutulong din sa pagpapaunlad ng_________________________.

Arestoteles Netherlands Alemanya


physical fitness Corie Hartong 1933
pagsasayaw visualization concept
sayaw galaw at ritmo

26
MODYUL 3

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat sa pagpapalawak ng inyong kaalaman.


Ang materyal na ito sa pag-aaral ay magbibigay sa iyo ng mga pagsasanay na
makatutulong sa inyong maisagawa ang iba’t ibang kasanayan na kabilang sa
sayaw.

Matapos ang modyul na ito, narito ang mga inaasahang layunin na dapat mong
matutunan o makamit: Pagkatapos ng aralin,

1. Inaasahang mailalarawan at maipapaliwanag ang mga gawaing magpapatuloy sa


pagpapaunlad ng Physical Fitness. (Assesses physical fitness) Sa bahaging ito,
malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

- Naipapaliwanag ang batayang kaalaman ng sayaw. PE4PF-IIIb-h-18

- Nakikilala ang kahalagahan ng mga gawaing pisikal sa pakikilahok.

PE4PF-IIIb-h-19

- Naipapakita ang iba’t-ibang kasanayan sa pagsasagawa ng mga hakbang sa


pagsasayaw. PE4GS-IIIc-h-4

27
Aralin PANGUNAHING KAALAMAN SA
3 SAYAW NA LIKI

Madalas ba kayong manood ng mga kompetisyon sa sayaw? Napapansin


ba ninyo ang iba’t ibang kilos at galaw na ginagawa nila?

Sa araling ito, subukang lumikha ng isang sayaw na gagamit ng iba’t ibang hakbang
ayon sa napiling tugtog. Mabilis o mabagal man ang awitin o tugtog na napili ninyo,
tiyak kaya ninyo itong likhaan ng mga galaw.

Ang inyong paglahok sa mga gawain sa araling ito ay makatutulong sa paglinang ng


koordinasyon. Ang paggawa ng kombinasyon ng galaw lokomotor tulad ng
paglalakad, pagtakbo, pagtalon, paglundag, leap, hop (pagkandirit), skip, gallop,
slide/glide at ang paglapat ng di-lokomotor na galaw tulad ng pagbaluktot, pag-unat,
pagtulak, paghila, turn at twist, rock, at sway ay makatutulong sa pagbuo ng
likhang-sayaw tulad ng paksa natin sa araw na ito ang sayaw na liki.

Sa pamamagitan ng regular o madalas na pakikilahok sa sayaw, at iba pang pang-


araw-araw na gawain, mas mapauunlad ang mga sangkap ng physical fitness.
Makikita ang pag-unlad ng mga sangkap ng physical fitness sa pamamagitan ng mga
araling gumagamit ng iba’t ibang uri ng sayaw, at iba pang pang-araw-araw na
gawain. Kaakibat nito ang tuloy-tuloy na pakikilahok sa iba’t ibang gawain maging
sa labas ng paaralan.

Ang kaalaman sa mga hakbang-sayaw ng Liki at ang tamang pagsasagawa nito ayon
sa tugtog ay mahalaga upang mapahalagahan ang kultura ng mga tao sa rehiyon na
pinanggalingan nito.

28
Ang pagsasayaw sa saliw ng tugtugin ay masayang gawain. Bukod sa nakalilibang,
ito ay nakatutulong din sa pagpapaunlad ng physical fitness.

Source:https://youtube.com/watch?v=HrS7F9ZnCEY&feature=share

Ang sayaw ay tinatawag na Liki (Lee-Kee). Ang Liki ay sayaw na mapang- akit at may
indayog ang mga galaw sa palakumpasang

Ang Liki ay isang sayaw sa kabisayaan na matatagpuan sa Negros Occidental. Ang


sayaw na ito ay nangangahulugang panunuyo o pagpapakita ng paggiliw at
panliligaw. Ang sayaw na ito ay isinasagawa nang may panliligaw o malambing na
paggalaw. Sinasamahan din ito ng sayaw na may pagtitinginan at pagsulyap sa isa’t-
isa. Isinasagawa rin ito nang may angkop na kasuotan (Visayan Costume). Ang
sayaw na ito ay dinala ni Libertad V. Fajardo of Manila 1962.

Upang higit na mapahalagahan ang sayaw na Liki, alamin muna ang mga batayang
galaw nito tulad ng mga hakbang –sayaw at galaw ng kamay at katawan.

29
Pag-aralan ang sumusunod na hakbang sa pagsayaw ng mga paa at kamay.

Close Step

Step, close

1, 2 3

Touch Step

Point Close

1,2 3

30
Brush Step

Step, brush

1,2 3

Waltz Step

Step, close, step

1. 2. 3

31
3- Step Turn

Step, step, step ,while turning


1 2. 3. 5

Arms in Lateral Position


Photos credit to: Mr. Ronnie D. Loto-Grade 4 teacher-Navotas Elementary School- hakbang sa pagsayaw ng mga paa at
kamay.

Both arms
hakbangon one side
sa pagsayaw (either
ng mga paa atsidewards
kamay. R
or sideward L) about chest high, hands
with palms down.

32
Arms in forward Bend Position
Photo credit to: Allyzza Dela Cruz former pupil of Navotas Elementary School

hakbang sa pagsayaw ng mga paa at kamay.

With forearm turn R and L; from arms in lateral position; with hands slightly closed,
bring R forearms up and out forward in an arc, to finish with R elbow near body and
hand with palm up, simultaneously bring L hand near chest, partly closed hand with
palm down in an arc as R hand is brought to chest (cts.4,5,6)

Ang sumusunod na hakbang sa pagsayaw ng mga paa at kamay.

Hakbang Galaw Galaw o kilos Duration


Close Step Step, close 8 cts
Step Pattern 1,2 3
Counting
Touch step Point, close 8 cts
Step Pattern 1,2 3
Counting
Brush step Step, brush 8 cts
Step Pattern 1,2 3
Counting
Waltz step Step, close, step 8 cts
Step Pattern 1. 2. 3
Counting
3- Step Turn Step, step, step ,while turning 8 cts
Step Pattern 1 2. 3. 5
Counting
Arms in Lateral Both arms on one side (either sidewards R
Position or sideward L) about chest high, hands with
palms down.
Arms in forward With forearm turn R and L; from arms in
Bend Position lateral position; with hands slightly closed,
bring R forearms up and out forward in an
arc, to finish with R elbow near body and
hand with palm up, simultaneously bring L
hand near chest, partly closed hand with
palm down in an arc as R hand is brought
to chest (cts.4,5,6)

33
Gawain 1

Panuto: Punan ng wastong salita ang mga patlang. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang ______________________(1.) ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng kombinasyon


ng _______________(2.) at ________________(3.) na galaw. Higit itong kinagigiliwan
kapag ito ay sabay-sabay na ginagawa sa saliw ng______________(4.). Ang palagiang
pagsayaw ay may dulot na maganda sa kalusugan dahil napauunlad nito ang
_________________(5.) ng isang tao kabilang na rito ang koordinasyon ng katawan.

Physical fitness tugtugin likhang sayaw


Lokomotor di-lokomotor

Gawain 2:

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat ang TAMA kung ito ay nagsasaad
ng wastong pahayag tungkol sa sayaw na Liki at MALI naman kung hindi. Isulat
ang sagot sa sagutang papel

1. Ang Liki ay sayaw na mapang- akit at may indayog ang mga galaw sa
palakumpasang ¾ at ¼ .
2. Ang sayaw na liki ay dinala ni Libertad V. Fajardo sa Manila noong 1962.
3. Ang sayaw na ito ay isinasagawa nang may panliligaw o malambing na
paggalaw.
4. Ang Liki ay isang sayaw sa Katagalugan na matatagpuan sa Maynila.
5. Ang brush step, step pattern counting ay may bilang na paggalaw na 1,2 step
at 3 brush.

34
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba:
1. Anong gawain sa pagsayaw ang iyong isinagawa na pinakagusto mo?
Bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, ano ang naitutulong s aiyo ng pagsasayaw?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Paano napaunlad ng pagsasayaw ang iyong pisikal na
pangangatawan? Kung hindi at walang nagbago sa iyong pisikal
ano ang iyong gagawin upang umunlad ang pangangatawan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Ilang oras o minuto ang pinakamatagal na isinigawa mo ang pagsasayaw? Sapat
ba ang oras na ito upang mapaunlad ang iyong kasanayan sa pagsasayaw.
Ipaliwanag
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Bakit kailangan natin magsagawa ng mga gawaing pisikal araw araw tulad ng
pagsasayaw o simpleng zumba exercise?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

35
Gawain 1:
Suriin mabuti ang mga hakbang sa pagsasagawa ng Sayaw na Liki.
Sundin ang mga nakasaad na hakbang sa paggalaw o kilos nito.
(Maaaring i-video habang isinasagawa ang pagsasayaw nito at ipasa ang
recorded video o mga larawan sa messenger account ng inyong guro sa
MAPEH o Facebook Group)

Hakbang sa Pagsayaw ng Sayaw na Liki


Hakbang Galaw Galaw o kilos Duration
Close Step Step, close 8 cts
Step Pattern 1,2 3
Counting
Touch step Point, close 8 cts
Step Pattern 1,2 3
Counting
Brush step Step, brush 8 cts
Step Pattern 1,2 3
Counting
Waltz step Step, close, step 8 cts
Step Pattern 1. 2. 3
Counting
3- Step Turn Step, step, step ,while turning 8 cts
Step Pattern 1 2. 3. 5
Counting
Arms in Lateral Both arms on one side (either
Position sidewards R or sideward L) about chest
high, hands with palms down.
Arms in forward Bend With forearm turn R nd L; from arms
Position in lateral position; with hands slightly
closed, bring R forearms up and out
forward in an arc, to finish with R
elbow near body and hand with palm
up, simultaneously bring L hand near
chest, partly closed hand with palm
down in an arc as R hand is brought to
chest (cts.4,5,6)

36
Rubrics: (Iskor Kard)
Naaayon at Naayon ngunit Hindi naaayon at
napakahusay hindi gaanong nangangailangan
Criteria mahusay pa ng
10-8 karagdagang
7-5 ensayo
4-0
1.Nagawa ko nang
tama ang mga
hakbang sa paggawa
2.Naisagawa ko ang
mga galaw na tugma
sa tiyempo at ayon
3. Naisagawa ko nang
maayos ang hakbang
sa pagkilos na may
tugtog
Kabuuang Iskor:

37
Gawain 2:

Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Isulat sa patlang kung ang
larawan ay kabilang sa galaw na: close step, touch step, brush step, waltz
step at 3 step turn.

________________________1.

________________________2.

38
_____________________3.

____________________4.

___________________5.

39
Gawain 3
A. Gawain – Ginulong Letra
Iayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang salita sa tulong ng paglalarawan.

Ginulong Titik Nabuong Salita Galaw o kilos


POTTEPUCH Point, close
1,2 3
SPLETWATTZ Step, close, step
1. 2. 3
SLOPECEST Step, close
1,2 3
PETHSRUBS Step, brush
1,2 3
UPTERN3ST Step, step, step ,while turning
1 2. 3. 5

B. Punan ang mga arrow ng mga salitang may kaugnayan sa nasa bilog.
Pagkatapos sagutan ang mga tanong sa ibaba.

SAYAW
NA LIKI

1. Bakit mahalagang malaman natin ang mga hakbang o step sa bawat uri ng
sayaw?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Paano mo maipapakita na mahalaga ang sayaw sa bawat lugar o kultura?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

40
Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing pisikal na makatutulong makapagpaunlad ng


physical fitness.

a. Machinery c. mood o damdamin


b. rhythmic interpretation d. Flexibility

2. Ang sayaw na ito ay matatagpuan sa Negros Occidental sa kabisayaan. Ano ang


tawag dito?

a. Liki c. Sayaw sa Bangko


b. Maglalatik d. Itik Itik

3. Ang likhang sayaw ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng dalawang


kombinasyon nang anong galaw?

a. lokomotor at di lokomotor c. mood o damdamin


b. rhythmic interpretation d. Flexibility o timing

4. Ang pagsasagawa ng iba’t-ibang galaw na may kasamang tao, bagay, musika at


paligid ay kombinasyon ng:

a. Mabilis at mabagal na kilos c. Malakas at mahinang kilos


b. Malungkot at masayang kilos d. Kilos Lokomotor at Di-Lokomotor

5. Ito ay tumutukoy sa kakayahang pagkilos na umaalis sa mismo kinalulugaran.


a. lokomotor c. mood o damdamin
b. rhythmic interpretation d. Flexibility o timimg

41
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat ang TAMA kung ito ay nagsasaad
ng wastong pahayag at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

______6. Sa simpleng paglakad, pagsayaw, pagsasagawa ng mga galaw gamit ang


imahinasyon ay nalilinang ang kahutukan at koordinasyon.
_______7. Ang paggamit ng imahinasyon at interpretasyon ay hindi makatutulong
upang makabuo ng isang rhythmic interpretation dance.
_______8. Ang Liki ay isang sayaw sa kabisayaan na matatagpuan sa Negros
Occidental. Ang sayaw na ito ay nangangahulugang panunuyo o pagpapakita ng
paggiliw at panliligaw
_______9. Ang lokomotor ay ang pagkilos na hindi umaalis sa mismo
kinalulugaran. Samantala ang di lokomotor ay ang pagkilos naman na umaalis sa
pwesto o kinalulugaran.
_______10. Ang kahutukan o flexibility naman ay kakayahang makaabot ng isang
bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan.

42
43
Isagawa Pagyamanin
1. DLM Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
2. LM 1. 😊 1. √ 1. ♪
3. LM
2. ☹ 2. √ 2. ♥
4. LM
5. DLM 3. 😊 3. √ 3. ♥
4. ☹ 4. √ 4. ♥
5. 😊 5. √ 5. ♪
Modyul 2
Pagyamanin
Gawain 1: Gawain 2:
1. Tama 6. rhythmic interpretation 1. Mga gawain/hanapbuhay ng tao
2. Mali 7. Flexibility 2. Kalikasan 3. Likhang-isip na bagay
3. Tama 8. Machinery 4. Mga sasakyan 5. Machinery
4. Tama 9. Mood o damdamin 6. Kalikasan 7. Machinery
5. Mali 10. Kalikasan 8. Mood 9. Likhang-isip na bagay
10. Mga sasakyan
Gawain 2 B:
1-10. check
Subukin
1. B 6. A
2. A 7. A
3. A 8. B
4. D 9. A
5. A 10. B
Modyul 1
44
1. B 6. Tama
2. A 7. Mali
3. A 8. Tama
4. D 9. Mali
5. A 10. Tama
Tayahin
Isagawa
Gawain 1 Gawain 3
1. Waltz Step 6. Touch Step
2. Close Step 7. Waltz Step
3. 3 Step Turn 8. Close Step
4. Touch Step 9. Brush Step
5. Brush Step 10. 3 Step Turn
Pagyamanin
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
1. Likhang sayaw 1. Mali 1. Touch Step
2. Lokomotor 2. Tama 2. Waltz Step
3. di – lokomotor 3. Tama 3. Close Step
4. tugtugin 4. Mali 4. Brush Step
5. Physical fitness 5. Tama 5. 3 Step Turn
Modyul 3
Sanggunian:
Modyul 1
MAPEH 4 Kagamitan ng Mag-aaral 2015
Gatchalian, Helen G. et al., Masigla at Malusog na Katawan at Kaisipan-
Manwal ng Guro pp. 2-16 (DepEd-BLR), Vibal Group Inc, 1253 Gregorio
Araneta Avenue, Quezon City, Philippines
Online Resources
https://tal.medicineh.com/a-to-z-guides

http://mrstoutsblog.blogspot.com/2014/01/omg-ive-been tagged.html

https://www.dreamstime.com/stock-illustration-illustration-boy-walks-up-
stairs-striving-success-vector-goes-way-to-image69217794

https://pngtree.com/freepng/lifting-barbell-boy-fitness-
workout_4457154.html

https://www.freepik.com/premium-vector/people-bus-transport-with-
mask-contactless_8066845.htm

https://angibongadarna.wordpress.com/mga-tauhan/mga-halimaw/higante/

https://www.seekpng.com/ima/u2q8e6o0t4a9t4r5/

Modyul 2
Montanez, Cynthia, et al., Music, Arts Physical Education and Health 4 (pp
192-196), Kagamitan ng Mag-aaral, Kagaw
Edukasyong Pangkatawan At Pangkalusugan – Kagamitan Ng
Mag-Aaral P. 12-23, Kagawaran Ng Edukasyon, Unang
Edisyon 2015
Online Resources
https://youtube.com/watch?v=HrS7F9ZnCEY&feature=share

https://tl.nucleo-trace.com/263-dance-movement-definition-elements-types-types-
and-forms-of-movement

https://en.wikipedia.org/wiki/Interpretive_dance

45
Modyul 3
Department of Education RO3 2016, Kagamitan ng Mag-aaral MAPEH 4
(PE)Yunit III – Aralin 1:Pagpapatuloy ng Pagpapaunald Ng Physical Activities
pp. 128-133

Garcia-Quinto, Ligaya B. et al., The 21st Century MAPEH in Action:


Rex Book Store, Inc., (www.rexbookstorepublishing.com.ph)
May 2016
Online Resource

https://www.scribd.com/document/448454980/liki-docx

http://www.folkdance.com/LDNotations/Liki1968LD.pdf

https://www.youtube.com/watch?v=HrS7F9ZnCEY

46
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like