You are on page 1of 14

Physical Education – Ikaapat na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Rhythmic Interpretation


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH 4 ng Modyul 2 para sa
araling Rhythmic Interpretation!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa MAPEH 4 Modyul 2 ukol sa Rhythmic


Interpretation!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. nakalilikha ng mga kombinasyon ng kilos na ginagamitan
ng dalawa o higit pang kilos;
B. naisasagawa nang wasto ang mga nilikhang kilos nang may
tiwala sa sarili; at
C. naipakikita ang kasiyahan sa pakikilahok at wastong
pag-iingat sa likhang galaw.
Panuto: Isulat sa patlang kung ang sumusunod ay
interpretasyon
ng kalikasan, likhang-isip na bagay, hanapbuhay ng
tao, sasakyan/machinery o moods/damdamin.
_________ 1. Eroplanong paalis sa paliparan.
_________ 2. Nagsasayaw na puno ng kawayan.
_________ 3. Kilos ng aso, kangaroo at paru-paro.
_________ 4. Kamay ng orasan
_________ 5. Iba’t ibang damdamin tulad ng masaya,
malungkot, galit, at takot.

PANUTO: Lagyan ng tsek (√) ang larawang nagpapakita ng


gawaing pisikal at ekis (X) kung hindi.
______ 1. ______ 4.
______ 2. ______ 5.

______ 3.

Ang rhythmic interpretation ay gawaing nagbibigay laya


sa isang tao o grupo na makapagpahayag ng saloobin o
makapagtalastasan sa pamamagitan ng galaw ng buong
katawan.
Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng characterization
at dramatization.
Ilan sa mga halimbawa ng interpretasyon ay ang
sumusunod:
1. Kalikasan – panahon, hayop, halaman
2. Likhang-isip na bagay – higante o duwende, engkantada,
awiting pambata
3. Mga gawain/hanapbuhay ng tao – guro, drayber, ballet
dancer,
paglalaba, pagmamaneho
4. Mga sasakyan – eroplano, tren, bus, barko, bisikleta
5. Machinery – orasan, elevator, crane, forklift
6. Moods/damdamin – masaya, malungkot, galit
Ang tamang paggalaw ng katawan ay paraan upang
matukoy ng mga manonood ang ipinahihiwatig na mensahe. Sa
ganitong gawaing nalilinang din ang inyong pagkamalikhain
bukod pa sa mga sangkap ng fitness na sabay-sabay na
nalilinang sa iba’t -ibang paggalaw.

PAGSASANAY 1
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang gawaing nagbibigay-laya sa isang tao o grupo ng
saloobin o makapagtalastasan sa pamamagitan ng
galaw ng katawan ay tinatawag na _______.
A. kalikasan C. rhythmic
interpretation
B. machinery D. moods
2. Kung ang interpretasyon na ginagaya ay higante,
diwata, duwende o engkantada ito ay halimbawa ng
______.
A. mga sasakyan C. likhang isip na bagay
B. moods/damdamin D. kalikasan
3. Ang tamang pagsayaw ay naisasagawa ang galaw
ayon sa tugtog _______ .
A. oo B. hindi C. puwede D. siguro
4. Ang eroplanong paalis sa paliparan ay
interpretasyong
__________.
A. mga sasakyan
B. moods/damdamin
C. mga Gawain/hanapbuhay
D. wala sa nabanggit
5. Ang paggaya sa kilos ng mga hayop at halaman ay
isang rhythmic interpretation na ______.
A. kalikasan C. mga gawain
B. likhang isip na bagay D. mga sasakyan

PAGSASANAY 2
Panuto: Subukan mong gawin ang sumusunod na larawan.
Kapag
lalapatan ng tugtog ang inyong ginawa, ito ba ay
mabilis,
katamtaman, o mabagal.
_______ 1. ________ 4.
________ 2. ________ 5.

________ 3.

PAGSASANAY 3
Panuto: Tukuyin ang nakatala sa bawat bilang. Isulat ang K
kung
kalikasan, L – likhang-isip, GH – mga gawain /
hanapbuhay, S – mga sasakyan, M - machinery
at D kung damdamin ang tinutukoy ng mga
interpretasyon.
________ 1. Paggaya ni Juan sa kilos ng matsing.
________ 2. Pagpapakita ng kilos ng isang drayber.
________ 3. Pag ngiti at paghalakhak ng isang artista sa
teatro.
________ 4. Paggaya sa mga sasakyang panghimpapawid.
________ 5. Paggaya sa mga engkantad at duwende.

● Ano ang rhythmic interpretation?


● Magbigay ng mga halimbawa ng rhythmic
interpretation.
Bakit mahalagang matutuhan ang rhythmic interpretation?
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang hanay kung ikaw ay sang-ayon


at
ekis (X) kung hindi.
Sang Di
ayon sang-ay
on
1. Nararapat na naiintindihan ng mga
manonood ang mensahe sa tamang
paggalaw ng katawan.
2. Gawin ang galaw kahit hindi naaayon
sa
tugtog ang galaw.
3. Magtutulungan ang lahat para mabuo
ang
nilikhang galaw.
4. Gumalaw sa ibat-ibang direksyon kahit
mabangga o masagi ang kasayaw.
5. Dapat na sabay-sabay ang paggalaw.
Sanggunian
Forniz et.al., Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4,
2015,https://drive.google.com/file/d/1j5G8lDw7NvcJ2yuVx0Qia
9UVBsPaac/view
https://images.app.goo.gl/TdafQAwBduACZe9Y7
https://images.app.goo.gl/W89MDV38tAwim9T46
https://images.app.goo.gl/Bcgzv7F2KmaNgjzz8
https://images.app.goo.gl/MzXWaGKi93mJC4BH7
https://images.app.goo.gl/byjPgVBpkmvChsFT7
https://images.app.goo.gl/kuzkuW84HR8E1CfKA
https://images.app.goo.gl/vBgZ8CXCAcUsgnqm8
https://images.app.goo.gl/HgcaP2ozEH7wwgA56
https://images.app.goo.gl/k3RVdaT8rvaCLcQu8

You might also like