You are on page 1of 16

Filipino – Ikatlong Baitang

Unang Markahan – Modyul 2: Mga Ritmikong Ehersisyo Gamit ang Marakas


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o ​trademark​, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Writer: Joanne B. Maniling
Editor/ Validator: Dennis C. Didulo

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang PE 3 ​ng Modyul para sa araling
Mga Ritmikong Ehersisyo Gamit ang Marakas ​!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang ​5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa ​PE 3 Modyul ukol sa M


​ ga Ritmikong Ehersisyo
Gamit ang Marakas
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at ​icon​ na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.​
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
Pagkatapos sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

A. nakikibahagi sa iba’t-ibang kilos kasangkot ang musika at


kapaligiran
B. nailalarawan ang lokomotor at di-lokomotor na galaw na
ginagamit sa pagsasagawa ng aktibidad;
C. nakikisalisa masaya at kasiya-siyang mga pisikal na
aktibidad.

Panuto​: Isulat sa patlang kung ​tama​ kung sang-ayon ka sa

pahayag at ​mali ​kung hindi bago ang numero.

__________1. Ang mga kilos di-lokomotor ay hindi


nakakapagpalinang ng anumang
kakayahan.
__________2. Ang paggamit ng patpat bilang ritmikong
ehersisyo ay nakakawalang gana.
__________3. Ang rhythmic routine ay gawain na
makatutulong upang maipahayag ang
damdamin.
__________4. Malilinang ang kasanayang locomotor sa \
pamamagitan ng pagsali sa mga simpleng
laro o relay.
__________5. Ang pagpapahinga ng katawan ay
kailangan upang manumbalik ang lakas ng
tao.
Batay sa napag-aralan ninyo ng nakaraang leksyon,
anong ang tawag sa gawain na makatutulong upang
maipahayag ng isang tao ang kanyang damdamin​?

Ang rhythmic routine ay pinagsamang kasanayan sa


kilos-lokomotor at di-lokomotor na nakakatulong sa magandang
kilos, panimbang, at ang koordinasyon ng katawan ay
madedebelop.

Narito ang ilang larawan na nagpapakita ng mga kilos o


galaw na maaring gawing mag-isa, may kapareha o sa grupo.

Accessed on June 30,2020 From 19​th​ Commonwealth DAY9:Rythmic Gymnstics


https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJQ0RPP9elHQAxBIGIYpQ;_ylu

Accessed on June 30,2020 From Gymnastic Nail Their Pairs Routine At 2018 World
Champs​https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJQ0RPP9elHQAxBIGIYpQ
Accessed June 29, 2020 ​https://www.google.com/search?q=marakas+larawan+grayscale&rlz=1C1CHBD_enPM

● Tingnan ang larawan sa itaas. Ano kaya ang kanyang

hawak​?

● Ano ang maari mong gawin sa marakas​?

● Mayroon ka bang naririnig na tunog kapag inalog natin ang

bagay na iyan​?

Ang ​Marakas ​ay inaalog ng isang hawakan, at


kadalasang nilalaro bilang bahagi ng isang pares.

Ito ang mga halimbawa ng paggamit sa marakas:


Playing Maracas with John Santos. Accessed June 29, 2020. ​https://www.youtube.com/watch?v=fUgj-aL6EXg

Ang pagsasagawa ng ritmikong ehersisyo gamit ang

marakas ay isang kasanayang pangmanipula na

nagdedebelop ng koordinasyon, kaaya-ayang kilos at

tiwala sa sarili. Ito rin ay sumusukat kung paano gumagalaw

ang katawan sa ritmo ng musika.

Pagsasanay 1

Panuto: “​Gumawa ng sariling marakas​”

Materyales:

● 2 Plastic bottle (250ML)


● 1 balot ng Monggong Butil
● 1 yarda Metallic Foil
● 1 Tape
1. Ihanda ang mga materyales.
2. Ilagay ang monggong butil isa sa apat (1/4) sa loob ng
plastic bottle.
3. Isara ang plastic bottle ng takip nito.
4. Balutan ng metallic foil ang plastic bottle gamit ang tape.
DIY How to Make Plastic Bottle Shaker Instruments for Kids​. Accessed on June 29, 2020
https://www.google.com/search?q=pLASTIC+BOTTLE+MARACAS&rlz=1C1CHBD_enPH883PH886

● Ano ang ginawa mong kilos sa paggawa ng marakas​?


● Nasiyahan kaba sa paggawa nito​?​ Bakit​?

Pagsasanay 2

Panuto: ​Ipakita ang iba’t-ibang kilos gamit ang marakas.

​Ang pangkat 1

▪ Unang gawain – Bilang 1-4, ulitin ng 4x para ang


kabuuan ay 16 na bilang. Magkaharap ang kapareha;
▪ Patunugin ang marakas ng mataas sa kanang balikat;
▪ Patunugin ang marakas ng mas mataas sa kaliwang
balikat;
▪ Patunugin ang marakas ng kapantay ng kanang
tuhod;
▪ Patunugin ang marakas ng kapantay ang kaliwang
tuhod.

​Ang pangkat 2
▪ Unang Gawain – Magbilang 1-8. Ulitin at pagsabayin
para ang kabuuan na bilang ay 16 na bilang;
▪ Ang magkapareha ay itataas ang kanang kamay at
pagtatamain ang marakas;
▪ Ang magkapareha ay itataas ang kaliwang kamay at
pagtatamain ang marakas;
▪ Patunugin ang marakas ng nakaunat ang mga kamay
sa taas.
▪ Patunugin ang marakas ng nakaunat ang mga kamay
sa baba.

Nagawa mo ba ang gawain ng tama​?


Nasiyahan ka ba​?

Pagsasanay 3

Panuto: ​Bumuo ng awit patungkol sa lokomotor na kilos at di-


lokomotor na kilos.

•Gamitin ang marakas pansaliw sa awit na nilikha.

•Anong galaw ang ginawa mo sa pagpatunog ng


marakas​?
•Napaindak ka ba kasabay sa pagtunog ng marakas​?

•Nasiyahan ka ba sa paggawa mo ng awit ​?

Sa pagsayaw​? ​Bakit​?

Mexican Dancing with maracas Accessed on June 29, 2020 from


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.clipartmax.com%2Fmiddle%
● Ano ba ang ibig sabihin ng ritmikong ehersisyo​?
● Nasiyahan ka ba sa paggawa mo ng marakas​?

● Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang pagsasagawa


ng ritmikong ehersisyo gamit ang marakas.

Panuto​: Lagyan ng ​tsek​ (/) kung ​tama​ ang sinasabi sa pahayag at

ekis​ (x) kung ​hindi.

__________1. Ang kombinasyon ng mga pangunahing


kilos ay nakatutulong upang malinang ang
pisikal na kilos ng kasanayan sa
pamamagitan ng pagsasanay ng katawan.
__________2. Hindi gumagamit ng anumang ritmikong
ehersisyo ang taong nais maging malakas.
__________3. Ang lokomotor ay mga kilos na di umaalis sa
lugar.
__________4. Ang pagsasagawa ng ritmikong ehersisyo
gamit ang marakas ay isang kasanayang
pangmanipula na nililinang ang
koordinasyon, kaaya-ayang kilo at tiwala sa
sarili.
__________5. Ang pagkakaisa ay nakakaambag sa
tagumpay ng pangkat.
Sanggunian
Asido, Voltair. Et al. Kagamitan ng Mag-aaral sa MAPEH 3. 21E
Boni

Serrano Ave.,Quezon City. Book Media Press, Inc. 2017

▪ Accessed on June 30,2020 From Gymnastic Nail Their Pairs Routine At


2018 World
Champs​https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJQ
0RPP9elHQAxBIGIYpQ
▪ Accessed on June 30,2020 From 19​th​ Commonwealth DAY9:Rythmic
Gymnstics
https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJQ0RPP9el
HQAxBIGIYpQ;_ylu
▪ Mañacop E.T (2015). MAPEH III 4​TH PT. Retrieved on June 29,
2020 from scribd.com/document/337477508/Mapeh-III-4​th​-Pt

▪ Mexican Dancing with maracas Accessed on June 29, 2020


fromhttps://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2F
www.clipartmax.com%2Fmiddle%

▪ Accessed June 29, 2020


https://www.google.com/search?q=marakas+larawan+gray
scale&rlz=1C1CHBD_enPM

▪ Playing Maracas with John Santos. Accessed June 29, 2020.


https://www.youtube.com/watch?v=fUgj-aL6EXg

▪ DIY How to Make Plastic Bottle Shaker Instruments for Kids​.


Accessed on June 29, 2020
https://www.google.com/search?q=pLASTIC+BOTTLE+MARA
CAS&rlz=1C1CHBD_enPH883PH886

You might also like