You are on page 1of 121

Introduksiyon sa Saliksik

Patnugutan

VIRGILIO S. ALMARIO
Punong Editor

KRISCELL LARGO LABOR


LOURDES Z. HINAMPAS
EINZOELY M. AGCAOILI
Lupon ng mga Editor

Pambansang Komisyon
Komisyon sa Wikang Filipino
para sa Kultura at mga Sining

Aklat ng Bayan
Metro Manila
2016
Introduksiyon sa Saliksik
Karapatang-sipi © 2016 ng mga artikulo nina Virgilio S. Almario, Joseph T. Salazar,
Ani Rosa S. Almario, Kriscell Largo Labor, Einzoely M. Agcaoili, at Lourdes Z. Hinampas.

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin
o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.

Ang disenyo ng aklat at pabalat ay likha ni Mervin Concepcion Vergara.


Ang Pambansang Aklatan ng Filipinas CIP Data
Rekomendadong lahok:
Introduksiyon sa saliksik/ patnugutan, Virgilio S. Almario;
Kriscell Largo Labor, Lourdes Z. Hinampas, Einzoely M.
Agcaoili, lupon ng mga editor -- Maynila: Pambansang
Komisyon para sa Kultura at mga Sining; Komisyon sa
Wikang Filipino, [2016], c2016.
pages ; cm

ISBN 978-971-0197-88-0

1. Research - Methodology. 2. Information theory in


research. I. Almario, Virgilio S. II. Labor, Kriscell Largo.
III. Hinampas, Lourdes Z. IV. Agcaoili, Einzoely M.

001.401 Q180.A1 2016 P620160243

Inilathala ng

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO


2F Watson Building, 1610 JP Laurel St., San Miguel, Maynila 1005
Tel. 02-733-7260 • 02-736-2525
Email: komisyonsawikangfilipino@gmail.com • Website: www.kwf.gov.ph

sa tulong ng grant mula sa

PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING


633 General Luna Street, Intramuros, Maynila 1002
Tel. 527-2192 to 97 • Fax: 527-2191 to 94
Email: info@ncca.gov.ph • Website: www.ncca.gov.ph

The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) is the overall coordination and
policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting
culture and the arts. The NCCA promotes cultural and artistic development: conserves and
promotes the nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest dissemination of artistic
and cultural products among the greatest number across the country; preserves and integrates
traditional culture and its various expressions as dynamic part of the national cultural mainstream;
and ensures that standards of excellence are pursued in programs and activities. The NCCA
administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA).
NILALAMAN

1 Túngo sa Kultura ng Saliksik


Virgilio S. Almario

9 Mga Batayang Kasanayán sa Pananaliksik


Joseph T. Salazar

18 Para sa Guro ng Pananaliksik sa K-3


Ani Rosa S. Almario

23 Saliksik at Sulatíng Teknikál


Virgilio S. Almario

45 Saliksik sa Aklatan
Lourdes Z. Hinampas

58 Saliksik sa Labas
Einzoely M. Agcaoili

75 Interbiyu
Kriscell Largo Labor

87 Pagsulat ng Term Peyper


Einzoely M. Agcaoili, Lourdes Z. Hinampas, Kriscell Largo Labor

111 Talaan ng mga Sanggunian


TÚNGO SA KULTURA NG SALIKSIK1
Virgilio S. Almario

MAG-UMPISA TÁYO SA salitâng research. Napakahalagang salitâ. Sa OxFord Concise


Dictionary (2006), sinasabing isa itong “investigation into and study of materials and sources in
order to establish facts and reach new conclusions.” Mahalaga sa naturang depinisyon ang panlaping
re- na ngangahulugang “muli,” bagaman kung mula daw sa Lumang French, nagpapahayag ito
ng “matinding puwersa.” Ang ibig sabihin, ang isinasagawang imbestigasyon at pag-aaral ng
mga materyales ay isang paraan ng “muling paghahanap,” ngunit kung ilalahok ang gamit ng
mga French, isa itong “matinding muling paghahanap.” Ng ano? Ng “mga katunayan” (facts).
Dagdag pa, ayon sa Oxford, ng “bagong mga kongklusyon” (new conclusions).

Sa depinisyon pa lámang na ito ay napakabigat na at napakahalaga ng layunin sa


saliksik. Muling nagsisiyasat dahil kailangang maitatag ang isang katunayan, o kayâ at higit na
mabigat, magdulot ng bagong kongklusyon.

Ang ganitong pakahulugan mula sa Ingles ang


kanais-nais sa research. Wala ito sa naging pakahulugan
natin sa Español na investigacion. Sa atin, ang gámit
Isang katutubo
ng naturang salitâ mulang Español ay “imbestigasyon” at sinaunang
o pagsisiyasat. At malimit na ginagámit lámang natin
sa trabaho ng pulis. At dahil naman sa mahinàng klase salitâ ang saliksík.
ng trabahong pulis sa ating bayan ay hindi táyo umaasa
ng anumang tindi o sigasig sa kasong hinawakan at
inimbestigahan ng pulisya.

Kayâ may malakas akong kutob na hindi natin naisaloob ang kahulugan ng research
sa Ingles. Masamâ ang karanasan natin sa Español na investigacion. At ito rin marahil ang nása
isip ng mga alagad ng wika nitóng panahon ng Americano kayâ ibinukod nilá ang research sa
investigacion. Itinapat nilá sa investigacion ang “siyasat” o “pagsisiyasat.” Ginámit naman niláng
katumbas ng research ang “saliksik” o “pananaliksik.”

Isang katutubo at sinaunang salitâ


May tindi at sigasig ang saliksík. Sa Vocabulario nina Noceda at
Sanlucar, nakalimbag na kahulugan nitó ang
ang paghahanap buscar por todos los rincones (“hanapin sa lahat ng
sulok”). Na palagay ko’y nagpapahiwatig kaagad
dahil kailangang ng binanggit nating ibig sabihin ng research sa
gawin ito sa “lahat ng Ingles. May tindi at sigasig ang paghahanap
dahil kailangang gawin ito sa “lahat ng sulok.”
sulok.” Hindi maaaring sa isa o dalawang sulok lang.
Kailangang sa kahit saan at sa kaliit-liitang
bahagi ng pook na ginagamit sa paghahanap.
1
Panayam na binigkas sa 2015 Research Center on Culture, Education, and Social Issues Research Day ng Unibersidad ng Sto.
Tomas noong 18 Pebrero 2016.

Introduksiyon sa Saliksik | 1
Taglay din nitó ang pahiwatig ng paulit-ulit na paghahanap upang makatiyak na walang
puwang na nakaligtaan.

Titigan pa natin ang salitâng ito. Nagmula kayâ ito sa “sa+liksik” o mula sa “salik+sik”?
Nabigo ako sa paghahanap sa diksiyonaryo. Wala akong makítang matandang salitâng-ugat
na “liksik” at wala ring “salik.” Siyempre, magtataká
kayó. Wala talaga kayóng maalalang salitâng “liksik”;
ngunit may naririnig kayóng “sálik” na ginagamit
Kung tutuusin,
sa wikang teknikal. Tama, may “sálik” sa ating ang pangwakas
modernong wika, ngunit wala ito noong araw. Ang
ibig sabihin, isa itong likhang salitâ at itinapat sa na tungkulin
factor ng Ingles, ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino
(2010). Wala ito saanmang diksiyonaryo noong ng saliksik ay
panahon ng Español at hanggang sa panahon ng
Americano. O marahil, inimbento ng isang Tagalista karunungan.
noong panahon ng Americano. [Mahilig lumikha
ng mga salitâ ang mga Tagalista noon upang may
maitumbas sa mga kaisipan at konseptong teknikál.] Ngunit lumaganap lámang ang “salik”
kamakailan. Sa aking paghahanap, unang lumitaw ang salitâng ito sa Tesauro (1972) ni J.V.
Panganiban ngunit may kahulugang syllable o “pantig” sa gramatika.

“Salik” ng Saliksik
Saan kayâ nagmula ang “sálik” at sino ang unang gumamit nitó?

Bahala na ang sinumang interesado pang magsiyasat. Para sa akin, isang magandang
oportunidad ang ibinibigay ng paglitaw ng salitâng “sálik.” Isang patunay ito sa posibilidad
mismo ng pag-iral ng salitâng ito, pati na ang ibinigay na kahulugan dito katapat ng syllable at
ng factor. May pagkakaugnay naman ang dalawang naturang gámit. Ngunit ang mas maganda,
puwede naman nating titigan ang natitiráng pantig ng “saliksik”—ang “sik”—at gunitain ang
kabuluhan nitó bílang “salik ng saliksik.”

Mahihiwatigan natin ito sa pamamagitan ng paghahanay ng ilang salitâ na may pantig


na “sik.” Halimbawa: “hasík,” “wisík,” “siksík,” at “bagsík.” Nais ko ring gamítin ang mga ito
upang ikonekta sa ating pagtalakay sa kahulugan at kabuluhan ng saliksik; upang tukuyin
ang ninanais nating mga tungkulin mismo ng “saliksik” sa ating búhay. Kung tutuusin, ang
pangwakas na tungkulin ng saliksik ay karunungan. Ang isinasaad na “katunayan” at “bagong
kongklusyon” sa depinisyon ng research ay kapuwa nauukol sa pagtatamo ng karunungan—
ng karunungang nakabatay sa mataimtim na pagsusuri ng mga ebidensiya, sa isang bandá;
at ng karunungang makapagsusúlong sa estado ng kaalaman at makapagbibigay ng higit na
matatag na direksiyon sa pananaw at pamumuhay ng tao. Kung nais pa nating maging tiyak,
sa pamamagitan ng saliksik ay nais nating matamo ang karunungan na kailangan natin sa
ating mga mithiing pambansa, halimbawa, karunungan para sa pambansang pagkakaisa at
karunungan para sa pambansang kaunlaran.

Unahin natin ang kabuluhan ng “hasík” at “wisík.”

2 | Introduksiyon sa Saliksik

Kapuwa nagpapahiwatig ito ng
Tulad sa pag-aalaga ng pangangalaga, lalo na sa agrikultura.
Ang “hasík” ay nauukol sa pagsasabog o
halaman, ang angkop pagtatanim ng binhi na nais patubuing
halaman. Sa palay, isinasabog ang mga
na hasik at wisik sa binhi sa isang inihandang pook sa bukid.
Sa ibáng halaman, ang paghahasik ay
saliksik ay kailangang ginagawa sa pamamagitan ng pagsisilid o
paghuhulog ng mga butil ng binhi sa mga
umpisahan sa bahay, maliit na hukay. Ang “wisík” ay paraan ng
at kung hindi, sa unang pagdidilig sa halaman, lalo’t mga bago pa
lámang tumutubòng punla. Mahinà ang
baitang ng pormal na pinapapatak na tubig, halos ang layunin
ay mabasâ lámang ang punla o ang lupa
pag-aaral. sa paligid, dahil kung malakas ang dilig
ay bakâ maputol o mapinsala ang punla
at kung bahain ang lupa ay maluoy ang
halaman.

Tinutukoy ng paghahasik at pagwiwisik ang kailangang preparasyon para sa saliksik.


Isang kasangkapan ng tao ang saliksik hábang nabubúhay. Ngunit kaugnay ng edukasyon ng
isang tao, kailangan itong maituro sa pinakamaagang panahong maaari. Gayundin, tulad ng
alinmang pinag-aaralan, ang saliksik ay nangangailangan ng unti-unti at wastong pangangalaga.

Kailangang idiin ang halaga ng hasik at wisik dahil sa malaganap at karaniwang


malîng akala hinggil sa saliksik. Una na rito, ang limitadong pagtingin sa saliksik bílang isang
leksiyon sa paggamit ng aklatan o ng laboratoryo. Ikalawa, at mahahalata ito sa kasalukuyang
kurikulum ng pambansang edukasyon, ang pormal na introduksiyon sa saliksik sa panahong
nása antas sekundarya na ang estudyante, at ang lalong nakahihinayang, ang paglalaan
lámang ng asignatura sa saliksik sa antas tersiyarya. Magkaugnay ang una at ang ikalawang
kapuwa malîng haka. Iniisip ng ating mga tradisyonal na edukador na ang saliksik ay laging
organisadong sistema ng pag-aaral kayâ pinaglalaanan ng espasyong kurikular sa panahong
“handa na” o may kakayahan nang maghalungkat sa artsibo o sumilip sa mikroskopyo ang
mag-aaral.

Tulad sa pag-aalaga ng halaman, ang angkop na hasik at wisik sa saliksik ay kailangang


umpisahan sa bahay, at kung hindi, sa unang baitang ng pormal na pag-aaral. Sabi nga ng
mga sikolohista, sanggol pa lámang ay nagsasagawa na ang tao ng gawaing mapagsaliksik. Sa
pamamagitan halimbawa ng mga kamay ay dinadanas ng sanggol ang paghawak, pagdakma,
paghaplos, at pagpapawala sa isang bagay, hanggang dumatíng ang panahong mahigpit niya
itong mahawakan at mapaglaruan. Sa pamamagitan ng bibig ay “nilalasahan” ng sanggol ang
ibá’t ibáng bagay hanggang dumatíng ang panahong matiyak niya kung alin ang gusto niyang
pagkain at kung alin ang hindi dapat kagatin man lámang.

Introduksiyon sa Saliksik | 3
Ang paghawak-hawak ng sanggol ay pagsubok sa sariling kakayahan, kahalintulad
ng tinatawag na trial and error sa Ingles o ng mas sopistikadong “eksperimento” sa akademya.
Gayundin ang paglasa-lasa niya ng anumang mahagilap. Sa pamamagitan ng “aral” sa
paghawak-hawak at paglasa-lasa ay natututuhan niyang hindi dapat hipuin ang ningas o mas
masarap ang isang pagkain kaysa ibáng nakain niya.

Sa sandalîng matutong magsalitâ, isang mabisàng kasangkapan sa saliksik ang


pagtatanong. Bakit tumatahol ang áso? Ano ang ibig sabihin ng ngiti? Paano gumamit ng
kutsara? Alin ang mas mabigat sa dalawang bola? Bakit bawal maglaro ng apoy? Bawat sagot
ay nagdadagdag sa kaalaman sa paligid, nagiging bahagi ng ugali, ng paraan ng pagkilos at
pakikipagkapuwa-tao, at ng babaunin ng batà pagpasok ng paaralan. Ang mga tanong ay
nagbubunga ng mga dagdag na tanong at ang paghahanap ng sagot sa mga tanong, kung
tutuusin, ang nagpapaningas sa damdamin ng tao upang magsaliksik nang magsaliksik
hanggang sa dulo ng búhay.

Papel ng Paaralan
Sa paaralan inaasahang payayamanin ang karanasan at hilig ng batà sa saliksik. Idinudulot
dapat ng paaralan ang isang pormal at organisadong programa na “siksík” sa saliksik

Ang “siksík” ang lundo ng saliksik. Inilalarawan mismo ng salitâ ang uri at katangian ng
isang mahusay na saliksik: siksik sa kailangang impormasyon, siksik sa makabuluhang pananaw
at opinyon, at siksik sa maingat at sistematikong pagsusuri. Bai-baitang na nililinang mula sa
batayang edukasyon ang mga kailangang kasanayán at hálagáhan upang maging mahusay na
mananaliksik. Nakatimo dapat ang mga ito sa bawat leksiyong nagpapataas/nagpapatalas sa
mga kompetensing pangkomunikasyon at sa mga siyentipikong paraan ng pag-iisip.

Sa paaralan, pangunahing layunin ng kurikulum na magdulot ng isang organisado’t


komprehensibong patnubay upang maisaloob ng mag-aaral ang isang matatawag na “kultura
ng saliksik.” Makabuluhan ding maipakilála ang kabuuang programang pampananaliksik sa
panimulang baitang upang magamit kahit paano ng mag-aaral kahit umalis siyá ng paaralan
bago magtapos ng elementarya. Ang ibig sabihin, ang pagtuturo ng mga batayang simulain at
pamamaraan sa saliksik ay hindi dapat antalahin at ipaghintay ng sekundarya. Sa halip, dapat
na itong maipasok sa mga leksiyon—sa mga anyong simple at praktikal—pagkatapos maihasik
sa unang baitang. Sa gayon, ang silbi ng dagdag na mga baitang sa pag-aaral ay túngo sa higit
na komplikadong gawain at proyektong nangangailangan ng higit na mahabàng panahon ng
pagtitipon ng datos at pagsisiyasat.

Ang kultura ng saliksik ay hindi rin nalilinang sa pamamagitan lámang ng pagdudulot


sa mga batàng mag-aaral ng lahat ng modernong kagamitan sa pag-aaral. Hindi ulit may
TV o computer sa silid-aralan ay moderno na ang paaralan. Mas mahalaga ang tumpak na
pagpapakilála ng mga naturang teknolohiya sa mga musmos. Mungkahi nga ni Toni Gonzalez
noong 18 Enero 2016 sa isang sanaysay sa Philippine Daily Inquirer:

4 | Introduksiyon sa Saliksik
Palagay ko’y mas importanteng maláman muna ng mga batà kung paanong
mabúhay sa isang pisikal na mundo, kayâ dapat siláng makinig sa aktuwal na
boses ng tao sa halip na boses na rekorded, na nása kalikásan silá sa halip na
nanonood nitó mula sa projektor, at na matuklasan nilá kung ano ang bilóg
sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa sining. Naniniwala ako na ang buong
kamusmusan ay tungkol sa karanasan at pakikipagsapalaran, pagsisiyasat
kung paano nangyayariang bagay-bagay sa pamamagitan ng pagsubok
hawakan ang mga ito.

Para sa tulad ni Toni, kailangan ang aktuwal na paghawak, personal na engkuwentro,


pakikialam, at ibá pang paraan ng pagsasaliksik upang higit na maakit ang musmos na kalooban
na alamin ang kaniyang paligid, magsuri, magbutingting, maghanap ng sagot, lumutas nang
nag-iisa sa problema, palayain ang pandamá, at…imahinasyon. Nais niyang mapasidhi ang
haraya at maakit maging malikhain ang batà pagpasok na pagpasok sa silid-aralan. At hindi
magaganap ito kung maghápong nakaupô sa kaniyang takdang silya ang mag-aaral, o nanonood
lámang sa iskrin, o nakikinig lámang sa titser. Kailangang ibigay ng silid-aralan at ng guro ang
lahat ng pagkakataón para siyá kumilos, makipag-unahan sa pagsagot o sa paghahanap ng
isang lihim, at magsaliksik.

Halimbawa pa, ang paggámit ng Sa paaralan,


aklatan ay maaaring maipakilála na sa unang
baitang. Maaaring gawin ito sa pamamagitan pangunahing
ng isang pagbisita sa aklatan ng paaralan.
O pagbása ng isang aklat pambatà hinggil layunin ng kurikulum
sa halaga ng aklatan. O anumang paraang
aakit sa interes ng batà na dumalaw mag-isa na magdulot ng
sa aklatan. Ang unang pagdalaw sa aklatan
ay maaaring magtapos sa pag-alam sa ibá’t
isang organisado’t
ibáng dibisyon ng aklatan o kung paanong komprehensibong
nakaayos ang mga libro upang madalîng
hanapin ng gagámit. Ang susunod na dalaw patnubay upang
sa aklatan ay maaaring magkaroon na ng
pagtuturo sa aktuwal na panghihiram ng maisaloob ng mag-
libro, ng wastong paggámit ng kard sa
panghihiram, at mga tuntunin sa pag- aaral ang isang
iingat ng libro. Siyempre, magwawakas
ang lahat túngo sa kasanayáng magsaliksik
matatawag na
sa aklatan, lalo na sa malaking aklatan,
at sa sistematikong pagtitipon ng mga
“kultura ng saliksik.”
sangguniang aklat para sa isang proyekto.

Ginámit kong halimbawa ang paggámit ng aklatan, sapagkat simbolo ito ng isang
kumpol ng tunay na problema sa pagtuturo ng saliksik. Una, paano ka bibisita ng aklatan kung
walang aklatan ang paaralan? Ikalawa, paano ka magtuturo ng pagmamahal sa aklat at aklatan,
kung guro kang hindi nagbabasá ng aklat bukod sa teksbuk? Ikatlo, paano ka magtuturo ng
paggawa ng talasanggunian kung guro kang hindi alam ang komposisyon ng kard katalog,
o hindi alam ang pagkakaibá ng komposisyon ng talasanggunian at ng talababâ? Ang totoo,

Introduksiyon sa Saliksik | 5
simbolo ang mga tanong na ito ng higit
na malalim na problema kung bakit
Nagtatanong siyá dahil
hindi nalilinang ang kultura ng saliksik sa
pamamagitan ng paaralan.
may kailangan siyáng
lutasin sa sarili. Sa
Paano ba ang masinop at
sistematikong pagtitipon ng datos at ganoon ding paraan,
impormasyon? May isang matandang
language researcher sa isang ahensiya ng nagsasaliksik siyá
gobyerno na pinag-xerox ng mga akda
ng isang manunulat. Nakaipon siyá ng dahil may tanong na
kung ilang folder. Nang ipasuri, wala pang
kalahati ang maaaring gamítin. Marami
kailangang lutasin ng
ang duplikasyon. Nai-xerox niya ang
isang akda na nagkataóng nalathala sa
kaniyang proyektong
ibá’t ibáng libro at magasin kayâ ulit-ulit saliksik.
niyang ipinakopya. May mga xerox siyá ng
akda ng ibáng manunulat na nagkataóng
bumanggit sa pangalan ng kaniyang
takdang manunulat. Hindi ko alam kung saan siyá nag-aral ng saliksik o kung marunong man
lámang siyáng bumása.

Paano kayâ makapapasá ang ating matandang language researcher kapag pinagsuri siyá
kung alin sa mga sangguniang natipon ang mahalaga? O lalo na kung ipatitimbang sa kaniya
ang bigat ng mga nagtutunggaling opinyon hinggil sa isang paksa? O kung papipiliin siyá sa
nararapat na oryentasyon sa isang nilulutas na problema?

Sa ilalim ng pamantayang “siksik,” hindi mahalaga kung gusto o hindi ng isang tao
na magsaliksik. Ang pasiyang ito ay kailangang naitanim na ng edukasyon ng tao mulang
pagkabatà. Na kailangan niya ang kahit munting kaalaman o kasanayán sa pagsasaliksik upang
mabúhay, at lalo na, upang umasenso sa búhay. Sa “siksik” ang higit na problema ay kung gaano
kahusay magagawa ng isang tao ang isang saliksik. Ang buong pagsasanay sa paaralan ay may
layuning maging matagumpay ang mag-aaral sa paghahanap ng impormasyon, sa pagsusuri ng
mga ebidensiya, sa pagtuklas ng pinakamainam na paraan upang malutas ang isang problema
o makamit ang isang hangarin.

Halimbawa, higit nang mataas na pamantayan hinggil sa pagtatanong ang inaasahan


pagkatapos ng pormal na pag-aaral. Kahit hindi pa tapos ng kolehiyo, ang isang nakaabot na
sa halimbawa’y mataas na paaralan ay inaasahang higit na magkakaroon ng patuloy na hilig
magtanong (bukod siyempre sa lakas ng loob na magtanong), at dahil sa edukasyon ay higit
na inaasahang may kakayahang maglimi hinggil sa higit na makabuluhang isyu o problema.
Hindi na siyá basta nagtatanong sa klase dahil may hindi gaanong narinig sa paliwanag ng
titser. Nagtatanong na siyá dahil may binubuo siyáng idea hinggil sa paksa ng paliwanag ng
titser at hindi nasagot nang sapat ng titser ang nais niya. O may nabása siyáng artikulo sa
peryodiko na sumasalungat sa ipinaliwanag ng titser at nais niyang marinig ang opinyon ng
titser hinggil sa kaniyang nabása. Nagtatanong siyá dahil may kailangan siyáng lutasin sa sarili.

6 | Introduksiyon sa Saliksik
Sa ganoon ding paraan, nagsasaliksik siyá dahil may tanong na kailangang lutasin ng kaniyang
proyektong saliksik.

Túngo sa Pagbabago
Hábang tumataas ang edukasyon ng isang edukado, inaasahang tumataas din ang uri at antas ng
usaping ninanais niyang saliksikin at lutasin. Hindi rin siyá basta sumusunod sa uso o popular na
kaisipan. Higit na masusi ang kaniyang pagtimbang sa mga nagtutunggaling panig; higit siyáng
naaakit sa mabibigat na argumentasyon. At inaasahan siyáng bumuo o bumigkas ng naiibá, at
lalo na’y orihinal. Nagsasaliksik siyá alinsunod sa isang tinatawag na kislap-diwa—na maaaring
isang mailap na haka o hinuhang kailangan niyang ihanap ng katibayan—o nagsasaliksik siyá
upang tuklasin at buuin ang isang kislap-diwa. Alinman ang mangyari, kislap-diwa ang tugatog ng
pananaliksik; ang inaasahang pakinabang—personal man o panlipunan—mula sa isang masigasig
at matimtimang proyektong pananaliksik. Kislap-diwa ang biglang pagkatanto sa totoong kalikasán
ng bagay na pinag-aaralan o suliraning sinisiyasat. Ito ang ina ng lahat ng dakila kung hindi man
napakamakabuluhang paglikha at imbensiyon sa kasaysayan ng sibilisasyon.

Nagsasaliksik ang tao dahil may ninanais siyáng pagbabago. Pagbabago para sa kapuwa
tao at sa kaniyang daigdig.

Magandang ipasok sa yugtong ito ang pamantayang “bagsík” sa saliksik. Sa lumang


diksiyonaryo, ang “bagsík” ay nangangahulugan ng “potencia, tirania” (“kapangyarihan, kalupitan”).
Ngunit hindi iyon ang mahalaga para sa atin.
Ang mas mahalaga ay dito nagmula ang
salitâng “himagsík” (him+bagsik) na noon Nagsasaliksik ang tao
pa’y nangangahulugan ng “mostrar poder
y valor” (“magpakíta ng lakas at tapang”).
dahil may ninanais
Taglay ng kahulugang ito ng “himagsík” ang
nais nating tugatog ng gawaing magsaliksik.
siyáng pagbabago.
Sa maikling salitâ, nais nating ang saliksik Pagbabago para sa
ay totoong nagpapasiklab sa haraya upang
maging malikhain at upang makapagsúlong kapuwa tao at sa
sa karunungan ng tao. Para sa ating partikular
na pangangailangan, nais nating ang saliksik kaniyang daigdig.
ay makapag-ambag sa karunungang Filipino.
Ang tunay at mataas na uring saliksik ay isang
“himagsík” laban sa luma’t kairalan, isang
“himagsík” sa nakamihasnan at kumbensiyonal na pag-iisip, at nagtuturo ng bago’t progresibong
kaalaman at direksiyong kailangan ng tao at ng lipunan sa isang takdang panahon.

Mula o batay sa ganitong adhika, totoong napakahalagang malinang mabuti ang


kultura ng saliksik sa bawat mag-aaral at gurong Filipino. Nag-aatas ito, sa gayon, ng pagsuri
at pagrebisa sa kasalukuyang mga kurikulum ng paaralan upang mapalusog ang mga gawain at
pagsasanay sa pagsasaliksik. Walang kurikulum na panghabang-panahon. Kailangang isinunod
ito sa pangangailangan ng panahon at ng lipunan. Lalo namang hindi nararapat pairalin ang
isang palatuntunang akademiko na kulang na kulang o walang kaukulang adhikang linangin

Introduksiyon sa Saliksik | 7
ang kasanayán at hilig sa pananaliksik kapuwa ng mga guro at ng mga estudyante.

Nag-aatas din ang kultura ng saliksik ng mga espesyal na insentibo at inisyatiba


sa bawat paaralan upang mapasigla ang pagsasaliksik at mabigyan ng kaukulang gawad o
tangkilik ang mga mananaliksik. Nag-aatas ito ng pagbibigay ng higit na paggálang at pagkilála
sa mananaliksik saanmang opisinang pribado at ahensiya ng gobyerno. Hindi magaganap ang
target na kaunlarang pang-ekonomiya at pang-industriya ng isang bansa—ng Filipinas—
hanggang hindi malaganap ang kultura ng saliksik sa buong sambayanan.

8 | Introduksiyon sa Saliksik
MGA BATAYANG KASANAYÁN
SA PANANALIKSIK
Joseph T. Salazar

NAIS KONG TALAKAYIN ang mga batayang kasanayán sa pananaliksik nang may diin
sa mga prinsipyo at mga paraan ng pananaliksik na nagmumula sa humanidades at mga
agham panlipunan. Nais kong bigyang-diin ang dalawang larang na ito bílang sagot laban sa
nangingibabaw na palagay ngayon na para lámang sa agham at teknolohiya ang pananaliksik.
Na hindi nakatutulong ang pananaliksik sa
ibáng disiplina, lalo na ang humanidades
sa pagpapatalas ng mga kasanayáng
Nananatilíng mahalaga
akademiko sa kabuuan. ang wika, komunikasyon,
Pundasyon pa rin ang at kakayahang
humanidades ng higit na masaklaw na
pagkakatuto. Nananatilíng mahalaga pampanitikan sa
ang wika, komunikasyon, at kakayahang
pampanitikan sa paglinang ng mga paglinang ng mga
kaisipan at sa pagbibigay dito ng
kongkretong anyo na kailangang kaisipan at sa pagbibigay
maipahayag gámit ang umiiral na wika at
paraan ng pag-unawa na partikular sa isang
dito ng kongkretong
lipunan. Sa pamamagitan ng pagsanay sa
imahinasyon sa mga pahiwatig, sagisag at
anyo.
di-lantad na mga kahulugang makukuha
sa pagbabasá, at pagtalakay ng mga
akdang pampanitikan, halimbawa, lalong nalilinang ang abilidad ng ating mga mag-aaral na
makapansin, makapagsuri, at maghanap ng katuturan sa mga realidad na di-lantad subalit labis
na nakakaapekto sa atin.

Ano ang Pananaliksik?


Pananaliksik ang pangkalahatang tawag sa mga kaparaanang tumutukoy sa proseso ng pagsagot
ng mga makabuluhang tanong na maaaring humantong sa pagkakatuklas ng bagong kaalaman
sa lahat ng bagay, mula sa ating materyal na realidad hanggang sa mga pilosopikong tanong
tungkol sa ating pag-iral. May apat itong bahagi:

(1) ang pagbuo ng makabuluhang tanong;


(2) ang paghanap ng mga pamamaraan upang masagot ang tanong;
(3) ang pagsusuri ng nalikom na datos batay sa idinisenyong pamamaraan; at,
(4) ang pagharap ng kasagutan sa orihinal na tanong sa madla.

Introduksiyon sa Saliksik | 9
Maraming kahulugan Mula elementarya hanggang kolehiyo,
dapat ipadanas sa mag-aaral ang ibá’t ibáng
at aplikasyon ang gámit at baryasyon ng pananaliksik sa ibá’t
ibáng paraan at pamamaraan. Pananaliksik
pananaliksik at ang ginagawa ng mag-aaral sa unang baitang
na naatasang ilista ang mga pangalan ng
hindi ito limitado sa kaniyang mga magulang, tiyo, tiya, lolo,
lola, at ibá pang mga ninuno para maiugat
mga antiseptikong ang sarili sa isang pamilya. Hindi ito dapat
laboratoryo na magwakas sa pagbuo ng tinatawag na family
tree. Ang pagtatanong tungkol sa kuwento
gumagawa ng lunas sa ng búhay nilá ay maaaring iugnay o ibukod
sa mga ulat hinggil sa komunidad o bayan,
ibá’t ibáng sakít. at higit na maganda kung maikokonekta sa
dominanteng pangyayari sa pambansang
kasaysayan. Pananaliksik din ang pagbabalik-
aral sa mga naitalâng impormasyon sa
kuwaderno upang tiyakin ang sagot sa isang tanong o pagtakhan kung paano natin nababatid
ang nalaláman natin (at gayundin, ang hindi natin alam).
Sa kolehiyo, higit na espesipiko ang karanasan ng pananaliksik: nagsanga-sanga na ito
sa ibá’t ibáng kaalaman at kaparaanan. Halimbawa, sa mga nag-aaral ng negosyo, maituturing
na pananaliksik ang pagkilatis sa probabilidad ng pagbili ng madla sa isang produkto
upang iwasan ang ibá’t ibáng pag-aaksaya. Higit nang malawak ang mga larang na sakop ng
pananaliksik at ginagámit ito sa lahat ng uri ng disiplina—mula sa pag-aaral ng kasaysayan
hanggang sa pagsusuri ng imahinasyong nagbibigkis
sa maraming tao sa isang bayan. Para sa mga gurong
nagtuturo ng wika, komunikasyon, panitikan, sining,
Kayâ naman
kultura at pilosopiya, mahalagang itatak sa isipan ng
ating mga mag-aaral na pundamental ang pananaliksik
sa mga unang
sa anumang gawain—akademiko man o hindi. baitang pa
Maraming kahulugan at aplikasyon ang lámang ng pag-
pananaliksik at hindi ito limitado sa mga antiseptikong
laboratoryo na gumagawa ng lunas sa ibá’t ibáng sakít. aaral, kailangan
Ang pananaliksik ay mahalaga sa paglinang ng kritikal
na pag-iisip sa anumang uri ng gawain na hindi hiwalay ang paglinang ng
o tiwalag sa karaniwang karanasan. Maging ang
tindera sa palengke ay may likás na pangangailangan
kakayahang
para sa pananaliksik. Kailangan niyang inaalam ang
halaga ng mga bilihin, ang halagang maipapatong
pangwika bílang
dito upang kumita, ang maingat na paghahambing pundasyon ng
sa kaniyang mga kakompetensiya, ang pag-obserba
kung ano ang mabenta, at ang lahat ng ito ay upang pananaliksik
hindi aksayahin ang panahon at puhunan sa paglikom
ng mga panindang maaaring langawin lámang sa sa anumang
kaniyang mga estante.
asignatura.
10 | Introduksiyon sa Saliksik
Ang pagiging Samakatwid, ang kaalamang nabubuo sa
pananaliksik ay hindi lámang kapaki-pakinabang sa
kontekstuwal paglalathala, pagbuo ng patakaran, at ibá pang pormal
na daluyan ng kaalamang panlahat. Makikíta din ito
at kultural ng sa pagpapasiya ng mga indibidwal hinggil sa wastong
direksiyon ng kaniláng búhay sa pamamagitan ng
komunikasyon sistematikong pagsusuri sa kaniláng sari-sariling kalagayan.
Para sa mga guro ng sining at humanidades—lalo na sa
ay magiging asignaturang Filipino—laging nagbibigay ng pagkakataòn
labis na kapaki- ang pananaliksik túngo sa pagsasakatutubo at lokalisasyon
ng kaalaman. Para sa tungkuling ito, kailangang suriin
pakinabang ang sinasabing kolonyal na katangian ng edukasyon.
Halimbawa, upang mapatunayan na ang karamihan sa
sa antas ng kaalamang pinalalaganap sa paaralan ay pawang hiram
sa Kanluran at sa gayo’y lumilinang din ng paghanga sa
dalubhasaan. superyoridad ng banyagang kultura sa isang bandá at ng
maliit na pagtingin sa sarili (at sa anumang Filipino) sa
kabilâng bandá.

Kailangang bigyang-diin ang kultural na gamit ng pananaliksik lalo na sa panahong


ito na marubdob ang kampanyang itanghal ang benepisyo ng globalisasyon. Sa pinakapayak
na anyo, ibinibigay ng pananaliksik ang pagkakataóng masuri kung paanong nalilipat sa
mayayamang bansa ang negosyo sa maliliit na bansa. Sa ganoon, naisasangkot ang mananaliksik
sa politika ng paghahanap ng paraan upang maibalik sa maliliit na bansa ang kapangyarihang
ekonomiko at upang higit niláng pakinabangan ang kaniláng likás na yaman.

Ang Pananaliksik Bílang Kakayahang Pangkomunikasyon


Ang pananaliksik ay hindi puro siyentipikong impormasyon na masusukat sa pamamagitan
lámang ng numero. Kailangan ding tukuyin ang kontribusyon ng ibáng mga larangan sa
pagpapalago nitó. Pundamental sa pananaliksik ang kakayahang pangkomunikasyon, lalo
na ang maingat na paggamit ang wika para tukuyin ang pisikalidad at katuturan ng bagay-
bagay. Halimbawa, ang masakit na tiyan ay maaaring tumukoy sa ibá’t ibáng kondisyong
natitiyak lámang sa pamamagitan ng higit na partikular na bokabularyo. Paghilab ba ito ng
tiyan? O pangangasim ng sikmura, kabag, pagsinok? Ang kaalaman sa mga naturang salitâ ay
makakatulong sa pagtukoy ng higit na espesipikong problemang may kinalaman sa pagsakít
ng tiyan.

Kayâ naman sa mga unang baitang pa lámang ng pag-aaral, kailangan ang paglinang ng
kakayahang pangwika bílang pundasyon ng pananaliksik sa anumang asignatura. Halimbawa,
kasabay ng pagkakatuto ng alpabeto ang paglinang sa kakayahang magbasá at gumámit ng mga
kasangkapang katulad ng diksiyonaryo at ensiklopedya upang sumangguni ng impormasyon.
Nagpapatuloy ito sa mas matataas na antas ng pag-aaral sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral
ng denotasyon at konotasyon, o ng tiyak na kahulugan at mga kaisipang naikakabit sa isang
salitâ sa labas ng literal nitóng gamit. Ang pag-unawa sa denotasyon ng mga salitâ ay lumilikha

Introduksiyon sa Saliksik | 11
ng kapasidad para sa mga teknikal na kaalamang nangangailangan ng katiyakan—tiyak na
kahulugan, tiyak na súkat o bílang, tiyak na hakbang at paraan. Samantala, ipahihintulot
ng kasanayán sa konotasyon ang paghasa sa kakayahang lumikha ng mga ugnayan, mula sa
simpleng tensiyon at tunggalian hanggang sa mga sanhi at bunga at mga implikasyon ng isang
bagay, gawain, kaisipan, o pangyayari sa ibáng lugar at sa ibáng panahon.

Kailangang idagdag na hindi literal ang lahat ng komunikasyon. Kontekstuwal at


kultural din ito. Halimbawa, ibá-ibá ang edad, tahanan, pinanggalingang pamilya at komunidad,
at kamusmusan ng mga batá sa isang klase. Kayâ bawat isa sa kanilá ay posibleng magbigay ng
kani-kaniyang pagpapakahulugan sa ibá’t ibáng salitâ, sagisag, obheto, karanasan, at realidad.
Sa ibá’t ibáng kultura, halimbawa, mapapansin ang pagkakaibá ng pagpapakahulugan sa pag-
ubos ng pagkaing inihahain sa mga bisita. Sa mga Briton, tanda ang pag-ubos ng pagkain ng
pagpapahalaga sa abála at págod na pinagdaanan ng naghanda. Kung gayon, nakatataba ng
puso ang pag-ubos ng pagkain. Kabaligtaran naman ito para sa mga Chino. Para sa kanilá, ang
pag-ubos ng pagkain ay pahiwatig hinggil sa kakulangan ng preparasyon sa panig ng naghanda
at kayâ maaari itong mangahulugan ng pagkuwestiyon sa kabutihang-loob ng maybahay.

Anuman ang pundasyon ng wika, kailangan itong isakonteksto lagi ayon sa


nagbabago-bagong kondisyon ng lugar, panahon, at kaugalian. Nagsisimula ito sa mga tíla
payak na konsepto ngunit maaaring lumitaw na mahigpit na konektado sa usapin ng relihiyon,
tradisyon, kasarian, nasyonalismo, uring panlipunan, identidad, at ibá pang tagatukoy ng mga
kondisyong lilikha at lilikha ng kaibahan.

Ang pagiging kontekstuwal at kultural ng komunikasyon ay magiging labis na kapaki-


pakinabang sa antas ng dalubhasaan. Sa puntong ito nagiging kritikal ang mga kakayahang
pangkomunikasyon sa pagsalà ng ibá’t ibáng uri ng datos, impormasyon, palagay, at kuro-
kuro na kailangang unawain, suriin, at timbangin nang sabay-sabay, bago isilid o ayusin
sa loob ng umiiral na mga kategorya ng kaalaman. Ang paglulugar ng bagong karanasan o
ng di-inaasahang aplikasyon ng mga kaisipan sa isang disiplina o propesyon ang nagiging
pangunahing trabaho ng mag-aaral. Kayâ’t kailangan ng paglinang ng sapat na kakayahan para
maunawaan ang wika ng kaniyang propesyon at ang imahinasyon para rebisahin ito ayon sa
mga namamayaning pamantayan, pangangailangan, at mga kondisyong nakaaapekto sa lahat.

Ang Pananaliksik Bílang Saligan ng Ibá’t Ibáng


Pagkakatuto o Literasi
Ang mabisàng paggámit sa wika ay dapat madagdagan ng pagkakatuto o literasi sa ibáng
disiplina upang makapagsagawa ng ibá’t ibáng uri ng pananaliksik. Ang táo halimbawang
nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa epekto ng midya ay kulang sa kredibilidad kung wala
siyáng kakayahang suriin ito alinsunod sa ibá pang mga sangkap ng naratibo nitó. Bakit? Dahil
ang mahusay na pananaliksik pangmidya ay kinapapalooban ng magkakaugnay na kakayahang
tingnan ang anyo nitó (direksiyon, sinematograpiya, editing, atbp), materyalidad (ang mga
puwersa ng produksiyon, ang nagmamay-ari ng produksiyon), ideolohiya (ang mga idea at
prinsipyong kinakasangkapan sa paglinang ng politikal na posisyong inaangkop ng teksto),
literasing simboliko (ang kakayahang sumuri ng mga sagisag), literasing biswal (ang kakayahang

12 | Introduksiyon sa Saliksik
sumuri ng ma imahen bílang konstruksiyong kultural), at ibá pang mga puwersang historiko at
kontekstuwal na nakakaapekto sa pagkakabuo ng tekstong pangmidya.

Kung tutuusin, maraming literasi ang


maaaring malinang kung sistematiko lámang Ang mabisàng
ang magiging pundasyon ng pag-aaral ng
wika at panitikan. Para sa guro ng Filipino,
paggamit sa wika ay
nangangahulugan na kailangan nang lumagpas
sa mga tradisyonal na dulog. Sa halip na
dapat madagdagan
iniwasan ay dapat siyáng humandang talakayin ng pagkakatuto
ang higit na progresibong mga konseptong
pampanitikan na maaaring magsanga sa ibá’t o literasi sa ibáng
ibáng pag-aaral bukod sa pagpapamemorya ng
mga terminolohiyang panlingguwistika sa mga disiplina upang
mag-aaral na walang pangangailangan dito.
Mahalaga sa isang guro na bumása ng higit makapagsagawa
pang uri at ehemplo ng mahusay na panitikan.
Kayâ mahalaga na gumamit siyá ng mga
ng ibá’t ibáng uri ng
bagong teksbuk at sanggunian. Hindi lámang
layon ng literasi ang matutong magbasá at
pananaliksik.
magsulat. Marami itong anyo na nagsisilbing
pananda ng interdisiplinaryong kapangyarihan
ng bago at higit na pinalusog na programang pangkomunikasyon at pampanitikan. Ilan sa mga
literasing ito ay ang sumusunod:

a. Kapaki-pakinabang (functional). Ang abilidad na gamítin ang mga


batayang kakayahang pangkomunikasyon (pabigkas/pasalitâ, pagbása,
pasulat, pakikinig). Ito ang tradisyonal na konsepto ng literasi sa Filipinas sa
kasalukuyan;

b. Simboliko. Ang abilidad na maunawaan ang pagpapahayag na gumagámit


ng mga sagisag, tayutay, at ibá pang uri ng komunikasyong simboliko para
bumuo ng kahulugan. Sa puntong ito, mahalagang bigyang-diin na ang isang
mahusay na programang pampanitikan ay hindi maihihiwalay sa pagtuturo
ng wika. Sa wika nagsisimula ang paghubog ng simbolikong imahinasyon na
nagbibigay-daan sa pagpapalalim at pagpapayaman ng diwa;

c. Pang-impormasyon. Ang abilidad na humanap, kumalap, sumuri at


tumimbang sa bisà at halaga ng anumang impormasyon. Pundamental pa
rin ito sa pananaliksik sa anumang larangan. Hindi lahat ng impormasyong
nakalimbag at ipinagpapalagay na totoo ay mayroong kabuluhan at kawastuan;

d. Biswal. Ang abilidad na bumuo ng katuturan at kahulugan gámit ang ibá’t


ibáng simbolismo sa labas ng mga sistemang pangwika, partikular na sa mga
kasangkapang biswal mula sa telebisyon hanggang sa pagpaplano ng siyudad.
Maaari ding gamíting kasangkapan ang Filipino sa pagturo ng mga usaping

Introduksiyon sa Saliksik | 13
may kinalaman sa biswalidad (visuality) na susuri sa mga tekstong biswal
bílang bukal ng mga kaisipang kolektibo;

e. Pansining. Ang kakayahang bigyan ng pagpapahalaga ang sining hindi lámang


bílang dekorasyong kahali-halina. Makabuluhang magdulot din ng pagsusuri
sa sining bílang representasyon ng mga kuro-kuro at kaisipan. Maiuugnay
ang produksiyong pansining sa kritikal na komentaryo sa mga suliranin at
usaping nakapaligid sa kontekstong pinag-uugatan ng isang likhang sining;

f. Pangmidya. Ang abilidad na masuri ang ibá’t ibáng anyong pang-midya


at makita ang potensiyal at panganib ng paglikom ng impormasyon mula
dito. Bílang pinakalaganap na anyo ng diseminasyon ng impormasyon ng
nakaraang siglo, tahasang binago ng midya ang paraan ng paglikom ng
impormasyon at pagbuo ng pampublikong opinyon. Sa panahong ito ng
mabilisang pagpapalit ng anyo ng midya bunga na rin ng mga sunod-sunod
na inobasyong teknolohiko, kailangang mahimay ang ibá’t ibáng anyo ng
impormasyon at masuri ang mga implikasyong pinalalaganap nitó hinggil sa
identidad, hálagáhan, katotohanan, at kamalayan ng tao;

g. Panteknolohiyang Elektroniko o Dihital. Ang abilidad na gumamit ng


computer at mga aplikasyon nitó para makalikom ng impormasyon o magámit
para sa mga kapaki-pakinabang na gawain. Katulad ng nabanggit hinggil sa
literasing pangmidya tungkol sa bilis ng pagbabagong teknolohiko, kailangan
na ring suriin ang teknolohiya bílang sarili niyang tekstong lumilikha ng ibá’t
ibáng posibilidad ng identidad, kamalayang kolektibo, at kahulugan;

h. Pinansiyal. Ang kakayahang humawak ng salapi at unawain ang implikasyon


ng paggámit nitó sa ibá’t ibáng paraan, maliit man o malaki ang halagang
kailangang ingatan. Binibigyang-diin ng naturang pagkakatuto ang
pagpapayaman ng kritikal na kaisipan túngo sa kapitalismo at mga proseso
nitóng namamayani sa ating lipunan sa kasalukuyan;

i. Pangkalikásan. Ang pagkakatuto ng paglinang ng isang pamumuhay na


nagsusuri sa mga limitasyon ng mga likás na yaman. Kabílang na rin dito ang
pagsiyasat sa implikasyon sa kalikásan ng mga nakasanayang pamumuhay
mula sa paglubha ng temperatura hanggang sa pag-ubos ng mga pinagkukunan
ng mga likás na materyales para sustentuhan ang malawakang produksiyon;

j. Pangkultura. Ang abilidad na unawain ang kaibhan ng mga kultura at


kilalánin ang mga historiko at panlipunang kondisyong nagtatangi sa sariling
kultura. Bagama’t laging naririnig/nababása ng ating mga mag-aaral ang
salitâng kultura, kakaunti lámang sa kanilá ang nakapagbibigay ng akmang
depinisyon ng konseptong ito pagtuntong ng kolehiyo. Ang pag-unawa ng
kultura ay nagsisimula hindi sa iisang posisyon o kaisipan lámang, bagkus
mahalagang maipabatid na nagsisimula ang pag-unawa dito sa negosasyon ng
ibá’t ibáng kaibhan sa loob ng isang lipunan.

14 | Introduksiyon sa Saliksik
Marami pang uri ng literasi na hindi na binabanggit sa listahang ito. Kailangan
lámang isaisip na lahat ng mga ito ay bahagi ng estrukturang umuugat sa mga prosesong
komunikatibo na matututuhan kapuwa sa pamamagitan ng pagpapatalas ng sentido kumon
at ng organisadong akademikong pagsasanay. Sa ganitong paraan maaaring bigyan ng higit na
pagpapahalaga ang interdisiplinariedad na ginagamit sa disenyo ng mga bagong programang
akademiko. Ang mga prosesong pangkomunikasyon na matututuhan sa mga klaseng katulad
ng Filipino ay mainam na pundasyon sa pagpapatalas ng kasanayán sa pagkakaroon ng kritikal
na pag-iisip para sa sining, midya, teknolohiya, at ibá pang bagay na nagtatalaga ng kolektibong
kaayusan sa ating panahon.

Ang Pananaliksik Bílang Pagsasanay sa Imahinasyong Sosyolohiko


Gayundin, mahalagang pundasyon ng pananaliksik ang pagpapatalas ng imahinasyong
sosyolohiko (sociological imagination). Isang mahalagang katangian ito para sa pag-uugnay ng
sarili sa mga nagaganap sa lipunan. Kapag nadevelop itó, nababatid ng mag-aaral na ang mga
suliraning nakaaapekto sa kaniya ay may kaugnayan sa mga pangyayari sa kaniyang paligid.
Ayon kay C. Wright Mills:

The sociological imagination enables its possessor to understand the larger


historical scene in terms of its meaning for the inner life and the external career
of a variety of individuals. It enables him to take into account how individuals,
in the welter of their daily experience, often become falsely conscious of
their social positions. Within that welter, the framework of modern society is
sought, and within that framework the psychologies of a variety of men and
women are formulated. By such means the personal uneasiness of individuals
is focused upon explicit troubles and the indifference of publics is transformed
into involvement with public issues.

Ang pormulasyon ng imahinasyong sosyolohiko ay hindi limitado sa mga sosyologo o


mga propesyonal na may karanasan sa mga agham panlipunan. Isa itong kasanayáng kailangang
malinang sa kahit na sinong mananaliksik. Binibigyang-diin ng naturang katangian ang
halaga ng ugnayan ng personal na karanasan at ng paglulugar nitó sa magkakaibáng posisyong
politikal na umiiral sa lipunan. Kailangan ding isaisip
na hindi kailangang aktibong ituro ang ganitong
konsepto sa mga mag-aaral. Kusa itong makikita sa
pagkakaroon ng mag-aaral ng malinaw na imahen
Mahalagang
ng kaniyang lugar sa pamilya, komunidad, bayan, at
ibá pang yunit ng ugnayang panlipunan. Ang higit
pundasyon ng
na kailangang tungkulin ng guro at ng paaralan ay pananaliksik ang
pag-isipan kung paano ito maaaring idisenyo sa lahat
ng asignatura kabílang na ang Filipino. Maraming pagpapatalas ng
mag-aaral na tumutuntong ng kolehiyo na hindi
man lang nararanasang makipag-usap sa mga tao imahinasyong
sa kaniláng lugar gamit ang Filipino o ang wika ng
kaniláng probinsiya. Alam nilá ang mga tatak ng mga
sosyolohiko.
Introduksiyon sa Saliksik | 15
mamahaling damit, ang pangalan ng mga táong naging celebrity sa Youtube, pati ang mga
usong pelikula, ngunit wala siláng anumang alam hinggil sa mismong kaligirang kaniláng
ginagalawan.

Kayâ kailangang himukin ang mga mag-aaral na magsaliksik tungkol sa mga paksa
at usaping malapit sa kaniláng sariling karanasan, at iwasan ang mga paksaing bukod sa
gasgas na’y hindi man lang sinasalamin ang mga personal niláng mga kuro-kuro. Lalo na ang
mga kuro-kuro na maaaring iangat sa antas na politikal. Para mas nagmumula sa kaniláng
karanasan ang sinasabi o isinusulat nilá. Hindi minememorya lámang o inuulit ang sinabi ng
guro. Kapag kulang sa pagdevelop ng imahinasyong sosyolohiko, madalas na ang edukasyon
ay bulág na pagsang-ayon sa namamayaning ideolohiya na nirerepresenta ng relihiyon at hindi
sa kritikal na pag-iisip at pagpapalalim ng pag-unawa.

Kasabay ng paghikayat sa mga mag-aaral sa mga paksang malapit sa kanilá,


kailangan ang paglinang ng posibilidad na buksan ang pananaliksik túngo sa pagbubuo ng
diskurso sa halip na impormasyon lámang. Diskurso ang paraan ng pagtalaga ng kaalaman,
sang-ayon sa mga namamayaning kalakaran sa lipunan at anyo ng pagkakakilanlan at
mga ugnayang ikinokondisyon ng naturang kaalaman. Ang partisipasyon ng ibá’t ibáng
mananaliksik sa pagbuo ng diskurso ay kritikal sa pagbalanse ng kapangyarihan sa anumang
lipunan. Bakit? Sapagkat una, binubuksan nitó ang pagkakataón na suriin ang ibá’t ibáng
posisyon sang-ayon sa kaniláng danas at nalalaman. Ikalawa, patuloy na nasusuri kung
ang mga tradisyon at nakamihasnan ay totoong hindi na nababago o kailangang baguhin.

Ang Pananaliksik Bílang Pundasyon ng Pag-unawa sa Kultura


Mula sa napag-usapan, makikitang sari-saring representasyon ang ginagawa ng mga mag-aaral
sa pamamagitan ng kaniláng pananaliksik. Ulitin natin ang ilan sa mga representasyong ito.
Una sa lahat, ang paglulugar ng sariling mga interes sa higit na masalimuot na ugnayang
panlipunan. Kaugnay nitó, ang paglinaw ng mga usapin at suliraning nakaaapekto sa kaniya.
Ikatlo, ang pagpilì ng kaalamang angkop sa pagkilos niya sa sariling daigdig, komunidad, o
gawain. Ang guro naman ay hinihiling na maging huwaran o modelo ng intelektuwalisadong
paggamit ng wikang Filipino. Hindi magagampanan ng guro ang naturang tungkulin kung
wala siyáng sapat na kaalaman sa mga usaping lokal.

Sa pagsasagawa ng ganitong adhikain, kailangang gamitin ang mga kakayahang


pangkomunikasyon bílang mga kasangkapang magtatanghal sa kakayahan at katangian ng mga
lokal na kultura. Hábang idinidisenyo ang direksiyon ng pananaliksik ng mga mag-aaral, iniisip
din ng guro ang paglikha ng isang edukasyong higit na nakatuon sa mga pangangailangan ng
lugar at panahon sa halip na mga estandardisadong batayan ng pagkakatuto lámang.

Ibinabalik ang pananaliksik sa kaniyang konteksto upang mapag-isipan kung paano


ito maiuugnay sa kaalaman. Hábang batà pa, kailangan nang ipakilála sa mga estudyante na
ang pag-aaral ay hindi lámang maisasagawa sa pamamagitan ng pagmemorya ng datos sa mga
libro. Ang totoo, kailangan ang paglabas sa silid-aralan upang tunay na magsaliksik sa paligid o
daigdig ng mag-aaral. Ito ang lohika ng field trip na nagbabalatkayong isang uri ng pamamasyal

16 | Introduksiyon sa Saliksik
para sa ating mga mag-aaral. Ang pamamasyal ay isang metapora para sa pag-obserba sa paligid.
Hábang tumatanda ang mga mag-aaral, dapat na transpormahin ang mga field trip na ito sa
ibá’t ibáng uri ng laboratoryong hahámon sa kaniláng pag-unawa kung paano pag-uugnayin
ang prinsipyong natutuhan sa silid-aralan at ang praktika ng pamumuhay sa kaniláng sarili at
tunay na daigdig. Kayâ’t sa ganitong edukasyon, nagsisimula na ang partisipasyon ng bawat
mag-aaral sa ibá’t ibáng proyekto at gawain ng kaniyang lipunan hábang nag-aaral pa lámang.
Walang kompartimentasyon ng responsabilidad, disiplina, at mga gawain.

Bílang pagdidiin, nais kong ulitin ang panimula kong punto. Pundamental ang
humanidades at agham panlipunan sa paglinang ng higit na maalam at bihasang pananalisiksik
sa anumang larangan. Ang dalawang naturang larang ay nagbibigay ng timbang na halaga
sa pagmumuni, pagsusuri, at pagbibigay
ng angkop na representasyon sa ibá’t ibáng
kultura, karanasan, at representasyon. Upang maging higit
Upang maging higit na epektibo ang
asignaturang Filipino, kailangan itong na epektibo ang
umigpaw mula sa tradisyonal na mga
kaparaanang naging dahilan kung bakit asignaturang Filipino,
hindi ito minamahalaga ng maraming
lider at kahit na ng mga mag-aaral. Hindi
kailangan itong
na ito nakalampas sa mga prinsipyong
pambalarila at lingguwistiko. Hindi
umigpaw mula sa
nailalahok ang asignatura túngo sa tradisyonal na mga
simbolikong konstruksiyon ng realidad
at politikal na kompetisyong nagtatakda kaparaanang naging
ng pamumuhay sa kasalukuyan. Isang
malaking hámon, sa gayon, sa mga guro at dahilan kung bakit hindi
alagad ng wikang Filipino na maglatag ng
isang magandang programa na hihimok sa
ito minamahalaga ng
mga mag-aaral na pag-isipang mabuti ang
mga suliraning nakaugat sa kolektibong
maraming lider at kahit
karanasang pantao, kumikilála sa mga na ng mga mag-aaral.
pagkakaibáng pangkultura at identidad, at
masugid na sinisiyasat ang labis na epekto
ng karanasang kolonyal sa pamamalakad
ng lipunan sa kasalukuyan. Sa halip na gawing sentral na kasangkapan ang mga pagsusulit
na humahantong sa estandardisasyon ng kaalaman, higit na progresibo para sa humanidades,
lalo na sa Filipino, ang pagmumulat sa mga mag-aaral hinggil sa makabuluhang gamit ng
pananaliksik para maging higit na kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa at ng mundo.

Introduksiyon sa Saliksik | 17
PARA SA GURO NG PANANALIKSIK SA K-3
Ani Rosa S. Almario

KAPAG NABANGGIT ANG salitâng pananaliksik,


Sa totoo, ang marahil ang pumapasok na imahen sa ating isipan
ay paghahanap ng impormasyon gamit ang Internet,
pananaliksik ay pagbabasá ng mga artikulo at libro tungkol sa paksang
isang bagay na sinasaliksik, o kayâ’y pakikipanayam sa mga eksperto.
Ang pananaliksik ay karaniwang itinuturing bílang
ginagawa natin akademikong gawain—ginagawa lámang ito sa hay-iskul
o sa kolehiyo bílang bahagi ng pag-aaral na akademiko. Sa
araw-araw, totoo, ang pananaliksik ay isang bagay na ginagawa natin
araw-araw, para sa ibá’t ibáng dahilan. Nagsasaliksik táyo
para sa ibá’t kapag pumipilì táyo ng kakainang restoran. Nagsasaliksik
táyo kapag naghahanap táyo ng paaralang papasukan ng
ibáng dahilan. anak natin. Nagsasaliksik táyo tungkol sa librong susunod
nating babasahin.

Dahil ginagawa natin ito palagi, mahalagang turuan


ang mga batà na magsaliksik nang tama at sa lalong madalîng panahon. Hindi dapat hintaying
malaki na ang batà bago siyá turuan ng mga prinsipyo ng tamang pananaliksik. Simula Kinder,
maaari nang magturo ng mga kasanayáng may kaugnayan sa tamang pananaliksik.

Pagtatanong. Ang una at pinakamahalagang kasanayáng dapat matutuhan ng mga


batà para makapagsaliksik ay ang magtanong. Tandaan, ang mga hindi masagot na tanong
ang siyáng simula ng bawat pananaliksik. Dahil hindi lahat ng tanong ay maaaring masagot
ng mga estudyante gámit ang kani-kaniláng eskema, matutukoy ng mga batà—sa tulong ng
guro—ang pangangailangan para sa pananaliksik.

Ang unang dapat maiseguro sa isang klasrum ay ang Ang unang


kalayaang magtanong. Likás sa mga batà ang pagtatanong. Iyon
ang palatandaan ng kaniláng interes na magkamit ng bagong dapat
kaalaman. Iyon ang senyas ng kaniláng sigla sa pag-aaral. Subalit
ano ang ginagawa ng guro kapag may batàng halos palagiang
maiseguro
nagtatanong? Sinasaway. Kung minsan pa, pinagagalítan ang
batàng mapagtanong. O tinatawag na “Makulit!” Sa ganoong
sa isang
pagbabawal, nagiging limitado ang kalayaan ng batà sa loob ng klasrum
klasrum. Napipigil lalo na ang kagustuhan niyang matuto ng mga
bagong kaalaman. Kapag hindi nahihikayat ng matatanda ang ay ang
mga batà na magtanong, at ang mismong kaligiran sa klasrum
ay lubhang nagkikintal sa kaniláng isip ng pananahimik, nasisikil kalayaang
ang likás niláng ugaling mag-usisa.
magtanong.

18 | Introduksiyon sa Saliksik
Sabi nga ni Don Juan sa koridong Ibong Adarna:

Ugali na ng batà
Magtanong sa matatanda.

Ang pag-uusisa ang susi sa paghahanap ng karunungan. Ang pagtatanong ang binhi
ng hilig sa pananaliksik. Dapat itong palusugin at linangin sa paaralan.

Maaaring magkaroon ang isang araw sa klasrum ng bahagi na tinatawag na “Tanungin


si Titser.” Sa oras na ito, maaaring magtanong ang mga estudyante tungkol sa kahit anong
bagay na gusto niláng usisain o matutuhan. Ang pagkakaroon ng ganitong gawain ay mainam
na paraan ng paghikayat sa mga estudyante na magtanong.

Pagsisiyasat. Ang makabuluhang pagtatanong at pag-uusisa ay lumulusog túngo sa


pagsisiyasat. Maaaring dahil naganyak ang batà na humanap ng ibáng sagot. O ng dagdag na
impormasyon hinggil sa kaniyang itinanong. Ang paghahanap ng ibáng sagot ay isang malusog
na ugali. Hindi dahil hindi ganap na nagtitiwala ang batà sa guro o nakatatanda. Sa halip, dapat
maitanim sa isip ng batà na maaaring may ibá-ibáng palagay o paraan ng pagtingin sa kaniyang
itinatanong. Sa gayon, dapat siyáng ganyakin na magsaliksik pa—ang ibig sabihin, magtanong
pa sa ibáng tao o humanap ng ibáng dagdag na datos—upang higit na maunawaan niya ang
itinatanong.

Mahalaga ang pagpapanatili ng diwa ng pagsisiyasat (spirit of inquiry) sa mga klase.


Mayroong ibá’t ibáng paraan ng pagpapanatilì ng diwa ng pagsisiyasat. Isang paraan ay ang
pagpapakíta ng mga bagay na maaaring hindi pamilyar sa mga estudyante—tulad ng mga
bagay na antigo na hindi pa nilá nakikíta o kayâ’y mga
kagamitang hindi nilá karaniwang nahihipo o nagagamit
Ang pag-uusisa sa bahay. Ang mga bagay na ito ay dapat maaaring
tingnan, hawakan, paglaruan, at usisain. Higit sa lahat,
ang susi sa ang mga bagay na ito ay maaaring maging lunsaran ng
paghahanap ng isang diskusyon dahil maaaring magtanong ang mga
estudyante tungkol sa gámit at saysay ng bagay na iyon.
karunungan. Ang Isa pang paraan ng pagpapanatilì ng diwa ng
pagtatanong pagsisiyasat ay ang pagpapaskil ng isang tanong sa
klasrum bawat linggo. Ang tanong ay dapat humihingi
ang binhi ng hilig ng maraming posibleng sagot at nakahihiyakat ng pag-
iisip. Dahil hindi pa sanay magsulát ang mga batàng
sa pananaliksik. Kinder, maaaring isulat ng guro ang sagot nilá sa tanong
Dapat itong na ipinaskil (kailangang nakapaskil din ang mga sagot
nilá para makíta at mabása ng kaniláng mga kaklase).
palusugin at Para sa mga batàng nása baitang 1–3, maaaring silá na
mismo ang magsulát ng mga sagot nilá.
linangin sa Maliliit na Pananaliksik. Sa K–3, maaaring
paaralan. magpagawa ng maliliit na pananaliksik tungkol sa mga

Introduksiyon sa Saliksik | 19
bagay na interesante para sa mga estudyante. Halimbawa, interesante para sa mga batà ang mga
hayop, kayâ puwedeng maglunsad ng maliit na pananaliksik tungkol sa mga áso. Maaaring
gumamit ng graphic organizer para malaman kung ano-anong mga bagay tungkol sa áso ang
alam na nilá. Pagkatapos nitó, maaaring kumalap ng mga tanong tungkol sa áso mula sa mga
mag-aaral. Ang mga tanong ang siyáng magiging batayan ng maliit na pananaliksik.

Narito ang ibá’t ibáng paraan upang masagot ang mga tanong sa pananaliksik (research
questions) ng mga batà:

1. Mag-imbita ng mga táong maaaring kapanayamin ng mga batà tungkol sa


ginagawa niláng proyekto.
2. Magdalá ng mga libro na maaaring pagkuhanan ng impormasyon para
masagot ang mga tanong nilá.
3. Dalhin silá sa mga lugar na maaaring niláng pagkuhanan ng mga sagot sa
kaniláng proyekto.

Mga Batis ng Impormasyon. Sa paggiya sa mga estudyante túngo sa mahusay na


pananaliksik, kailangang ipaalám sa kanilá na hindi lámang ang kaniláng guro o magulang ang
natatanging mapagkukuhanan ng impormasyon. Maraming batis ang maaari niláng maging
sanggunian. Isa sa pangunahing batis ng impormasyon ay ang mga libro. Kapag nagpapagawa
ng maliliit na pananaliksik sa inyong mga estudyante, mahalagang maipakilála sa kanilá ang
laman ng aklatan sa paaralan. Maaaring kausapin ang librarian na maglagay ng isang sulok
sa aklatan, isang sulok na nagtatanghal ng mga librong may kaugnayan sa paksa ng maliit na
pananaliksik ng klase. Halimbawa, maaaring tungkol sa mga áso ang maliit na pananaliksik
kayâ ang sulok na ihahanda ng librarian ay punô ng mga sangguniang libro tungkol sa áso.

Bukod sa libro, maaari din siláng sumangguni sa mga eksperto. Halimbawa,


maaaring mag-imbita ng isang táong nag-aalaga ng áso o kayâ ay isang beterinaryo. Para sa
mga estudyanteng nása baitang 1 & 2, maaari na siláng ipakilála sa pamamaraan ng survey at
panayam. Maaari na siláng tulungan sa paggawa ng kaniláng listahan ng tanong (questionnaire)
para sa survey at pagsasaayos ng mga sagot na makukuha nilá. Maaari din siláng turuan ng
tamang pagsasagawa ng panayam para makuha ang impormasyong kailangan nilá. Isang
aktuwal na survey ang paglilista sa bílang at uri ng áso na inaalagaan sa barangay. Isang panayam
naman sa beterinaryo ang maaaring tungkol sa mabuting paraan ng pag-aalaga ng áso at kung
paano maiiwas ang alagang áso sa karaniwang mga sakít.

Batis din ng impormasyon ang mga lakbay-aral na may kaugnayan sa paksa ng maliit
na pananaliksik. Maaari siláng magtalâ ng kaniláng mga obserbasyon, kumuha ng mga retrato,
at magtanong sa mga táong makatatagpo nilá.

Kapag may kaugnayan sa agham ang maliliit na pananaliksik, maaari ding magsagawa
ng eksperimento sa klasrum na sasagot sa mga tanong sa pananaliksik.
Pagtatalâ. Isang batayang kakayahan ng pananaliksik ay ang pagtatalâ ng impormasyon.
Kahit ang batàng Kinder ay maaaring turuang gumawa ng talâ ng kaniláng nalalaman sa
pamamagitan ng paggamit ng graphic organizer. Maaaring gumamit ng mga simpleng graphic
organizer na mangangailangan lámang ng pagguhit.

20 | Introduksiyon sa Saliksik
Maaari ding magbigay lámang ng
mga simpleng pangungusap na pupunuan
Ang guro ang dapat
ng salitâ o numero (hal. Ang mga aso ay
_______). O hikayatin siláng gumuhit at
maging pangunahing
magsulát (kahit inimbentong pagbabaybay modelo. Mahalagang
muna) ng kaniláng mga nakakapanayam na
tao, naoobserbahan sa paligid, at sagot nilá nakikíta ng mga batà
sa mga simpleng tanong ng guro araw-araw.
Hábang lumalaki ang mga estudyante ay na ang guro mismo,
dapat nagiging mas sistematiko at organisado
rin ang mga talâ nilá. Mula sa mga simpleng bílang tagapagsaliksik,
listahan ng mga salitâ, nagiging listahan ito
ng mga parirala at pangungusap. Maaari
ay maingat at
ding hikayatin ang mga batâng maglakip ng
mga retrato sa kaniláng mga talâ.
mapanuri sa pagkalap
ng impormasyon, may
Paggámit ng Internet. Isang
malaking bahagi ng pananaliksik sa panahon sistemang sinusunod sa
ngayon ay ang paggámit ng Internet. Dahil
sa kaniláng muràng edad, nangangailangan pananaliksik, at alam
ang mga estudyante ng gabay ng guro o ng
kaniláng mga magulang sa paghahanap ng
ang mga mahusay na
impormasyon sa Internet. batis at sangguniang
Ang mga estudyanteng nása baitang maaaring gamitin.
1 & 2 ay maaari nang turuang gumamit
ng search engine na angkop sa kaniláng
edad pati na rin ang konsepto ng keyword
sa paghahanap ng impormasyon sa Internet. Maaari din siláng turuang magtipa ng URL
ng mga website na napuntahan at nasuri na ng guro ang nilalaman, at may impormasyong
makatutugon sa kaniláng mga tanong sa pananaliksik. Importante ring magkaroon ng leksiyon
tungkol sa kredibilidad ng mga website at ibá pang batis ng impormasyon, para matulungan
silá sa pagtatáya sa katapatan ng kaniláng nasaliksik.

Debrief. Kapag marami-rami nang impormasyon ang nakalap ng mga mag-


aaral, maaaring magsimula ng isang debrief o diskusyon sa klase upang maibahagi nilá ang
nakalap niláng impormasyon. Ang guro siyempre ang tutulong sa kanilá sa pag-organisa ng
impormasyong nakuha nilá sa pamamagitan ng graphic organizer. Sa tulong din ng guro
ay masasagot ng klase ang mga tanong sa pananaliksik. Sa mga diskusyong ito matatalakay
ang mga isyu tungkol sa katapatan at kaugnayan ng impormasyong nakalap nilá, pati na
ang pangangailangang magsaliksik pang muli. Sa kalaunan, hábang dumadalas ang kaniláng
pananaliksik at patuloy na nahahasa ang kakayahan nilá para dito, maaaring silá na ang mag-
ayos ng mga impormasyon sa graphic organizer.

Ang guro ang magsisilbing tagapagpadaloy sa debrief tungkol sa pananaliksik na ginawa


ng mga batà. Hindi dapat maging tagakalap lámang ang guro ng impormasyon mula sa mga

Introduksiyon sa Saliksik | 21
estudyante; bagkus, dapat ay ipinakikíta rin ng guro ang koneksiyon ng mga impormasyon at
ng mga ideang ibinabahagi nilá. Ang layunin ng mga debrief na ito ay palalimin ang pag-iisip
ng mga batà tungkol sa kanilang pananaliksik; at matulungan siláng tukuyin ang anumang
pabago-bago o magkakasalungat na impormasyong naengkuwentro nilá. Maaari ding humingi
ng ebidensiya mula sa mga batà tungkol sa mga pagpapatunay (assertion) nilá ng kaniláng
nasaliksik, o kayâ ay humingi ng ibá’t ibáng sagot sa iisang tanong. Dapat ay bukás at handa
din ang guro sa karagdagang mga tanong. 

Mga Koneksiyon. Malaki ang papel na gagampanan ng guro sa paggabay sa mga


estudyanteng lumikha ng koneksiyon sa kaniláng sinasaliksik at sa kaniláng sariling búhay
at mga karanasan. Ang paglikha ng koneksiyon ay ginagawa sa lahat ng bahagi ng maliit na
pananaliksik—sa diskusyong nangunguna sa maliit na pananaliksik, sa paghahanap ng mga batis
ng impormasyong may kaugnayan sa maliit na pananaliksik, at sa debrief. Sa pamamagitan ng
malinaw na pagtukoy ng mga koneksiyon sa maliit na pananaliksik at sa kaniláng mga karanasan
(Kinder) at pagtukoy ng mga tanong na makatutulong sa mga batà upang mapagtanto ang
mga koneksiyong ito (baitang 1–3), nagbibigay-daan ang guro sa pagtuklas at pagpapatunay
ng mga batà túngo sa pagiging totoo ng kaniláng maliit na pananaliksik.

Mahalaga sa maayos na pananaliksik ang pagpapakíta at pagmomodelo ng mga


tamang praktika dito. Ang guro ang dapat maging pangunahing modelo. Mahalagang nakikíta
ng mga batà na ang guro mismo, bílang tagapagsaliksik, ay maingat at mapanuri sa pagkalap
ng impormasyon, may sistemang sinusunod sa pananaliksik, at alam ang mga mahusay na batis
at sangguniang maaaring gamitin.

22 | Introduksiyon sa Saliksik
SALIKSIK AT SULATÍNG TEKNIKÁL
Virgilio S. Almario

SA PANGKALAHATAN, maaaring uriin ang sulatín sa malikhain at sa teknikál. Malikhain


ang tawag sa tula, kuwento, o dula na sa kabuuan ay produkto ng haraya. Samantala, teknikál
ang pagsulat na sa kabuuan ay batay sa mga katunayan.

Upang mas luminaw, ang teknikál ay mula sa salitâng tecnical at hiram sa Español.
[Kahawig nitó ang anyo at kahulugan ng Ingles na technical at maaari ding hiramin bagaman
sa bigkas na téknikál.] Bílang pang-uri, nangangahulugan ito ng sumusunod, sa Español man
o sa Ingles: (1) hinggil o nauugnay sa isang teknik o teknika, (2) mayroon o nagpapakíta ng
tanging kasanayán o kaalamang praktikal, lalo na sa mekanikal at siyentipikong larang, (3)
ginagamit sa isang espesipikong larang o propesyon, gaya sa tinatawag na téknikál jargon,
(4) nangangailangan ng mga sulóng na kasanayán o espesyalisadong kasangkapan, gaya sa
pagsusuring teknikál sa pabrika.

Aplikable sa paggamit ng “teknikál” sa Filipino ang apat na naturang depinisyon.


Ngunit higit na nauukol sa una at lalo na sa ikalawang pakahulugan ang paggamit sa “sulatíng
teknikál.” Karaniwang nagbibigay ng kaalaman o nagtuturo ng kasanayán ang sulatíng
teknikál. Sinasaklaw nitó ang lahat ng praktikal at siyentipikong pagsulat, mula sa mga tekstong
pangkemistri hanggang pagrereseta ng gamot at aklat sa pagluluto. Napakahalaga samakatwid
sa sulatíng teknikál ang saliksik. Pangunahing kailangan nitó ang mga datos at impormasyon,
sa anumang anyo, na magiging saligan ng ipaliliwanag nitóng konsepto o pamamaraan.

Narito ang isang halimbawa—ang resipe sa pagluluto ng sinigang:

SINIGANG NA ISDA SA MANGGA

Mga Gámit:
Kaserola

Mga Sangkap:
1 pirasong talakitok, katamtamang laki
1 pirasong máya-máya, katamtamang laki
2 litrong tubig
4 pirasong kamatis, hiniwa sa apat na bahagi bawat isa
2 pirasong sibuyas, hiniwa sa apat na bahagi bawat isa
1 kutsaritang asin
2-3 pirasong manggang hilaw, ginadgad
3 pirasong síling habâ
1 pirasong labanos, hiniwang pabilog
5 pirasong okra, hinati sa dalawa bawat isa
1 bungkos na sitaw, pinutol sa dalawang pulgada bawat isa
1 bungkos na kangkong, pinutól-putól

Introduksiyon sa Saliksik | 23
Paraan ng Pagluluto:
1. Linisan at hugasan ang mga isda. Hatiin sa mga pirasong pahilís.
2. Sa kaserola, ilagay ang tubig, kamatis, sibuyas, at asin. Pakuluan.
Pagkulo, ilagay ang isda. Hinaan sa katamtamang lakas ang apoy.
3. Pakuluan hanggang maluto ang isda. Pagkaluto ng isda, hanguin ito
para hindi madurog.
4. Ilagay ang sitaw, okra, labanos, at síli. Ilagay din ang ginadgad na
mangga. Pakuluan hanggang bahagyang lumambot ang gulay.
Timplahan ng patis. Kapag malapit nang maluto ang gulay, ilagay ang
kangkong. Lutuin hanggang lumambot ang mga gulay. Ibalik ang
isda.

Maraming uri ng sinigang. Ang sinipi ngayong halimbawa ay “sinigang na isda sa


mangga.” Mapapansin na may format ang pagsulat ng resipe. Una ang listahan ng mga gámit
sa pagluluto at ang mga sangkap ng iluluto. Sakâ isusunod ang mga hakbang sa pagluluto.
Puntong teknikál ito sa pagsulat ng resipe. Mapapansin din na may numero ang mga hakbang
sa pagluluto. Katangian ito ng mga sulatíng nauukol sa isang proseso. Kung babalikan ang
listahan ng mga sangkap, nakalista ang mga ito alinsunod sa importansiya at gayundin
alinsunod sa magiging paggámit ng mga ito sa aktuwal na pagluluto.

Sumulat din ng isang tula si Rio Alma tungkol sa pagluluto ng sinigang. Basáhin ang
“Sinigang” ni Rio Alma:

Ang gayuma
ng sinigang
ay nása dalubhasang pag-anyaya
sa biyaya ng kalikásan:
Sariwang bangus,
bagong-pitas na sitaw,
kamatis
na bagong-paligo sa hamog
amoy-lupàng
sibuyas at labanos,
mga musmos na talbos,
at malusog na sampalok.
Pagkatapos, ang gayuma
ng sinigang
ay nása matiyagang pagsupil
sa maselang katangian
ng mga panauhin:
Maingat na hiwain
ang bangus
bago tumakas sa hasang
ang lansa’t alat
ng bughaw na alaala;
ibabaw ang sampalok
sa iniining milagrosa
at bayaang
dahan-dahang palambutin
ng matimping

24 | Introduksiyon sa Saliksik
subó’t singaw;
iharap sa kutsilyo
ang sibuyas at labanos
upang matanghal
ang kimkim
at dalisay na tapang;
ngunit himasin
sa palanggana ng tubig
ang mayuyuming
kangkong at sitaw
at ingatang
di-sumambulat
ang masiglang binhi’t katas
kapag biniyak
ang dibdib ng kamatis.

Preparasyon pa lámang ito sa pagluluto ngunit ang habà na ng tula. Madaldal ba ang
tula? Posibleng ganoon ang maging datíng sa isang nag-aaral magluto. Subalit hindi nagtuturong
magluto ang tula ni Rio Alma. Nais niyang isaalang-alang ang sinigang bílang isang sinauna at
katutubong pagkain sa Filipinas, isang pamana ng lahi. Kayâ nais niyang isaloob ng mambabasá
ang pagluluto nitó bílang isang masalimuot at solemneng ritwal. De-numero ang kilos ng
tagapagluto, may simbolo ultimong ang kaniyang paglilinis sa mga sangkap, at lalo na dahil
sa kaniyang pagturing sa mga ito bílang kinatawan ng Inang Kalikasan. [Ikompara ito sa tahas
at walang pangiming utos sa resipe na: “Linisan at hiwain…”] Magpapatuloy ang ganitong
himig ng tula hanggang sa paghahanda ng kasangkapan. Kailangan luad ang palayok at kalan.
[Hindi makapapasâ ang banyagang kaserola sa resipe.] At hanggang sa mga kailangang hudyat
at angkop na panahon sa paglalagak ng mga sangkap sa palayok. Sa dulo ng ritwal, atas ng tula:

Sa tamang tiyempo
awatin ang kalan
at sumandok.
Sa wakas, ang gayuma ng sinigang
ay nása ganap na sabwatan
ng kasariwaan ng kalikásan
na matitikman
paghigop
sa umuusok at nagkaisang halimuyak
ng sangmangkok na sabaw.

Purihin natin
ang tagapamagitan!
Purihin natin
ang sinigang!

Lahat ng pang-uri sa tula ay kapansin-pansing wala sa resipe. Ang pagtawag pa sa


tagapagluto bílang “tagapamagitan”—isang tungkulin ng babaylan at pari sa isang banal na
misa—ay isang paraan ng pag-aangat sa buong proseso túngo sa daigdig ng pagsamba sa
sinigang.

Introduksiyon sa Saliksik | 25
Sa kabilâng dako, ang anyo at paraan ng presentasyon ng resipe ay malinaw na
nagtataglay ng mga katangian ng isang mahusay na sulatíng teknikál. Wala itong ligoy, at
matitiyak na makapagluluto ng sinigang ang kahit sinong baguhan at nais mag-eksperimento
sa kusina. Tandaan lámang na ang resipe ay hindi garantiya ng malinamnam na sinigang,
gaya halimbawa ng inadhika sa tula ni Rio Alma, dahil ang gayong gawain ay para na sa mga
dalubhasang kusinera at tiyakang kailangan ng dagdag na sangkap, dagdag pang kasanayán, at
dagdag na paliwanag.

Maraming anyo ang sulatíng teknikál na karaniwang mababása araw-araw. Sa mga


peryodiko’t magasin, malimit na matutunghayan itong balita, editoryal, kolum, o lathalain.
Posibleng mabása ito bílang isang malaking karatula o poster sa gilid ng lansangan hinggil
sa isang bagay na kailangang mabatid ng madla. Posibleng ihatid ito ng koreo bílang mga
polyeto hinggil sa isang bagong kasangkapan, isang bagong kapasiyahan ng Sangguniang
Lungsod, isang paalala ng BIR, o kung paano bumoto, paano wastong itatápon ang basura,
paano samantalahin ang handog na deskuwento ng isang mall o airline, paano mag-enrol sa
isang seminar, o isang patalastas hinggil sa reunyon ng isang klase, hinggil sa isang kalalabas
na aklat, at marami pa. Bukod sa limbag na babasahín, ginagamit sa ganitong layunin ang
brodkast, elektroniko, at ibá pang modernong midya. Sa maikling salitâ, nagpapaligsahan ang
mga polyeto at mga poster sa pag-akit ng pansin ng madla kayâ napakahalagang gumamit ang
mga ito ng pinakamabisàng paraan ng pagpapaliwanag.

Sa paaralan, hinuhubog ang ang mga estudyante sa sulatíng teknikál mula sa mga
lingguhang komposisyon, buwanang buk report, ulat ng fildwork, isinulat na interbiyu, at
hanggang term peyper.

Sa gawaing propesyonal, maghihigpit ang mga kahingian sa disenyo, kulay, at


teknolohiya. Ngunit mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo, pangunahing sangkap ng
sulatíng teknikál ang pagpilì ng angkop na salitâ at epektibong komposisyon. Ang naturang
kahingiang pangwika ay hindi nalalayô sa mga kahingiang pangwika sa malikhaing pagsulat.
Kailangang simple ngunit makulay ang mga salitâ, kailangang akma sa panlasa, antas ng
edukasyon, pinagmulang komunidad, at pangangailangan ng target na mambabasá, kailangang
nag-iiwan ng isang malakas na kakintalan, kailangang walang ligoy ang pangungusap, kailangang
mabilis at tahas ang daloy ng mga talata, kailangang eksakto ang mga pang-uri at aksiyon ng
pandiwa, kailangang sa umpisang pangungusap pa lámang ay ganap nang mahúli ang interes
ng madla, kailangang gamitan ng manaka-nakang masayahing himig ang paglalahad upang
madagdagan ang kasiyahan ng mambabasá, kailangang patuloy at higit pang masustenihan ang
interes ng madla hanggang dulo ng paglalahad, atbp atbp.

Kapani-paniwalang Paglalahad
Subalit higit kaysa malikhaing pagsulat, kailangang maging kapani-paniwala ang sulatíng
teknikál. Kung tutuusin, ang lahat ng nabanggit na epektibong paggamit ng wika at
komposisyon ay kailangang tumulong túngo sa pagiging kapani-paniwala ng sulatíng teknikál.
Paano? Pangunahing susi sa tungkuling ito ang mahusay at komprehensibong saliksik hinggil
sa paksa ng sulatin.

26 | Introduksiyon sa Saliksik
Kapani-paniwala ang sulatín dahil nakasalig sa mga katunayan—sa mga datos at
impormasyong nakalap ng sumulat at maaaring hanapin ng mambabasá kung nais patunayan
para sa kaniyang sariling kasiyahan.

Ang pagpapahayag batay sa katunayan ay isang kompetensing dapat linangin mulang


unang araw ng isang batà sa paaralan. Kayâ isang drill sa pagbuo ng pangungusap ay isang
paglalarawan ng batà hinggil sa kaniyang sarili—ang sarili bílang unang batayan ng madalîng
patunayang katunayan. Kapag naihanda na, maaari itong mag-umpisa sa ganitong serye ng
pahayag ng pagpapakilála sa sarili:

Ako ay si (pangalan).
Ako ay anak ni (pangalan ng ama) at ni (pangalan ng ina).
Ako ay (bílang ng edad) taón.
Ako ay nakatira sa (pangalan ng barangay).

Maaaring hindi ganito ang serye. Maaaring maging pagpapakilála sa mga


bahagi ng mukha ng batà at introduksiyon sa pagbílang:

Ako ay si (pangalan).
Ako ay may isang bibig.
Ako ay may isang ilong.
Ako ay may isang babà at isang noo.
Ako ay may dalawang matá.
Ako ay may dalawang kilay.
Ako ay may dalawang pisngi.
Ako ay may dalawang tainga.

Tulad ng nasabi na sa unahan, ang paglalarawang teknikál sa kaniyang sariling


pangalan at ibáng impormasyong personal, gayundin ang pagtuturo sa mga bahagi at kailanan
ng mukha ay mga katunayang madalîng patunayan. Ngunit panimulang ehersisyo lámang ito
túngo sa ugaling pagpapahayag ng tunay na impormasyon. Ito mismo ang batayang kasanayán
sa halimbawa’y pagsulat ng balita. Sa alinmang
kurso sa peryodismo, laging idinidiin na ang
batayang kredibilidad ng isang diyaryo ay nása pag- Hinahangad din ng
uulat ng totoong pangyayari. Tinuturuan ang mga
estudyante ng peryodismo na maging masinop sa
sulatíng teknikál
pagkuha ng datos na sumasagot sa mga tanong na:
Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit?, at Paano? upang
ang maayos at
makatiyak na kompleto ang iuulat na balita. Hindi organisadong
maaaring umimbento ng datos. Tatak ng kawalang-
ingat ang kulang na impormasyon. Ganap namang pagdudulot
nawawalan ng kredibilidad ang isang peryodiko
kapag napatunayang lumikha lámang ng isang ng mga
istorya upang maging mabenta kinabukasan.
Halimbawa, nilalaman ng isang balita nitóng 16 impormasyon.
Abril 2016 ang sumusunod na impormasyon:

Introduksiyon sa Saliksik | 27
Tumaas nang $2.11 bilyon ang padaláng salapi ng mga
nandarayuhang Filipino nitóng katapusan ng Pebrero.
Tumataas ang padaláng salapi tuwing Pebrero sa nakaraang
siyam na taón.
Pero ngayon lámang ito lumagpas sa markang $2 bilyon.
Mula ito sa pahayag ni BSP deputy governor Diwa C. Guinigundo.
Mahigit sa dalawangkatlo ang padalá ng mga Filipinong nagtatrabaho
sa Canada, Hong Kong, Japan, Qatar, Saudi Arabia, Singapore,
United Arab Emirates, United Kingdom, at United States.

Ang unang problema ng reporter na nakatipon ng naturang mga impormasyon ay
isaayos ito sa paraang higit na tatawag ng pansin. Sa isang diyaryo, ganito ang ginawang
pamagat sa balita: “Sumirit sa $2.11 bilyon ang padaláng pera ng OFW.” Sa isang tabloyd,
ang sabi: “OFW panlaban sa El Niño.” Higit na makatunayan ang una. Medyo malikhain
ang ikalawa, may bahid ng sensasyonalismo, bagaman mas kaakit-akit ng mambabasá. Sa
loob ng balita, binanggit din ng tabloyd na “Tuwang-tuwang ipinagmalaki ni BSP deputy
governor Diwa C. Gunigundo ang malaking sirit ng OFW remittances nitóng Pebrero.”
Wala naman sa hanay ng mga datos ang “tuwang-tuwa” at “ipinagmalaki.” Ngunit hindi
nakasisira sa balita at posible namang may gayong kilatis ang boses ni D.C. Guinigundo
nang ipahayag ang magandang balita.

Ipinagawa itong ehersisyo sa mga estudyante, pinaghanap ng ibáng mas kaakit-akit na


anggulo, at isa ang nagbandilang: “Pinoy sa Canada nangunguna sa padaláng pera.” Kung ang
ibig sabihin, kasáma ang mga Filipino sa Canada sa mga nangungunang tagapadalá ng pera, ito
ay tama. Ngunit kung ang ibig sabihin ay nangunguna ang mga Filipino sa Canada sa lahat ng
OFW sa mundo, ito ay malîng pagbása sa mga nakahanay na impormasyon. Kasáma lámang
ang Canada sa listahan ng siyam na bansang pinagmumulan ng pinakamalaking padaláng
salapi. Nása unahan ng listahan ang Canada dahil alpabetiko ang pagkakahanay ng mga bansa.

Maayos at Lohikong Komposisyon


Bukod sa mahigpit na batay sa katunayan, hinahangad din ng sulatíng teknikál ang maayos at
organisadong pagdudulot ng mga impormasyon. Kapag binalikan ang mga halimbawang
pagpapakilála sa sarili ng isang batà, mahihiwatigan ang sistema ng paghahanay ng mga
pangungusap. Magulo ang una, kung halimbawa’y ganito ang lumabas na order ng mga
pahayag:

Ako ay si (pangalan).
Ako ay anak ni (pangalan ng ama).
Ako ay nakatira sa (pangalan ng barangay).
Ako ay (bílang ng edad) taón.
Ako ay anak ni (pangalan ng ina).

Lalo namang mahahalata ang kawalan ng pagsasaayos kung ang ikalawa ay lumitaw na
ganito:

Ako ay si (pangalan).
Ako ay may isang bibig.

28 | Introduksiyon sa Saliksik
Ako ay may dalawang matá.
Ako ay may isang ilong.
Ako ay may dalawang tainga.
Ako ay may isang babà at isang noo.
Ako ay may dalawang kilay.
Ako ay may dalawang pisngi.

Mahahalata ding may lohikong pagkakaayos ang mga pangungusap hinggil sa balitang
pagtaas ng padaláng salapi mula ibáng bansa. Nauuna ang mga importanteng detalye ng balita
patúngo sa hindi gaanong importante. Ito ang tinatawag na kaayusang baligtad na piramide.

pinakamahalaga at dapat malaman: sino, ano,


kailan, paano, at bakit

mga makatutulong na suhay

ibá pang detalye

Kung bagá sa balangkas, nása itaas ang mabigat at malaki, nása ibabâ ang mahinà,
magaan, at maliit. Nagmula ito sa sikolohiya ng karaniwang mambabasá ng peryodiko,
na dahil nagmamadalî ay walang panahong basáhin ang isang mahabàng balita o artikulo.
Sa gayon, kailangang ibigay na sa kaniya ang pinakamahalaga at dapat niyang malaman sa
unang talata. Bagaman importante din ang mga kasunod na impormasyon sa mga susunod
na talata, maaari itong hindi na basáhin nang hindi naliligaw ang mambabasá ng pag-
unawa sa kabuuan ng balita. Paano kung magbago ang posisyon ng ilang pangungusap sa
balita hinggil sa padaláng salapi?

Tumaas nang $2.11 bilyon ang padaláng salapi ng mga

nandarayuhang Filipino nitóng katapusan ng Pebrero.
Mula ito sa pahayag ni BSP deputy governor Diwa C. Guinigundo.
Tumataas ang padaláng salapi tuwing Pebrero sa nakaraang
siyam na taón.
Mahigit sa dalawangkatlo ang padalá ng mga Filipinong nagtatrabaho
sa Canada, Hong Kong, Japan, Qatar, Saudi Arabia, Singapore,
United Arab Emirates, United Kingdom, at United States.
Pero ngayon lámang ito lumagpas sa markang $2 bilyon.

Introduksiyon sa Saliksik | 29
Nása bagong ulat pa rin ang lahat ng pangungusap at impormasyon sa orihinal
na pagkakaayos. Ngunit madaramá agad ang paghinà ng bisà ng bagong ulat dahil nasirà
ang sistematikong pagkakahanay ng impormasyon na taglay ng orihinal. Una, nagkaputól-
putól ang pahayag ni D.C. Guinigundo. Ikalawa, pinakamahinà sanang impormasyon ang
tungkol sa pinagmumulan ng dalawangkatlo ng mga padaláng salapi. Ikatlo, napakahalaga ng
pangyayaring ngayon lámang lumagpas sa markang $2 milyon ang kinikíta ng Filipinas mula
sa padaláng pera ng OFW.

Gayunman, ang kaayusang baligtad na piramide ay isang sistema ng pagbalangkas


ng idea na halos aplikable lámang sa pagsulat ng balita. Maliban marahil sa isang espesyal na
pangangailangan, hindi ito sinusunod kahit sa ibáng anyo ng pagsulat sa peryodiko, gaya sa
anyo ng editoryal at kolum. Lalo namang hindi ito iniisip na modelo ng mga sumusulat ng
mahabàng lathalain o artikulo.

Ang totoo, ang karaniwang sistema ng pagbalangkas sa sulatíng teknikál ay hindi


naiibá sa sistema ng pagbalangkas sa sulatíng malikhain. Nangangailangan din ito ng isang
mabisà at kaakit-akit na panimula, isang masinop, organisado, at malinaw na daloy ng kaisipan
sa pinakakatawan, at isang matindi at angkop na wakas. [Malaking tulong din ang masayahing
himig sa pagsulat upang maiwasan ang maging kabagot-bagot—ang pangunahing sakít ng mga
iskolar.] Mahirap ding ikahon ang nararapat na habà ng bawat bahagi. Malimit na naaayon
ang lahat sa timpla at estilo ng sumusulat, sa
kahingian ng paksa, sa dapat talakayin at sa
totoong saklaw ng kaalaman ng sumusulat, Nangangailangan
sa hinihingi ng panahon, atbp. Bukod pa
siyempre, ang kahingian ng publikasyon: May ito ng isang mabisà
takdang habà halimbawa ang mga diyaryo
hinggil sa editoryal at takdang espasyo para sa at kaakit-akit na
bawat kolum.
panimula, isang
May ilang bagay na dapat masinop, organisado,
bigyang-diin para sa sulatíng teknikál.
Halimbawa, sa pamamaraan ng pagsulat. at malinaw na
Higit na makabuluhan sa sulatíng teknikál
ang kadalubhasaan sa pamamaraang daloy ng kaisipan
mapaglahad. Muli, hindi nangangahulugang
hindi makabuluhan sa sulatíng teknikál ang sa pinakakatawan,
pamamaraang pasalaysay o mapaglarawan.
Mahalagang kasanayán ang mga ito kahit sa
at isang matindi at
pagsulat ng paglalahad. Subalit sa kabuuan
ay mabisàng ekposisyon ang pangunahing
angkop na wakas.
kasangkapan ng pagsusulat na teknikál.

30 | Introduksiyon sa Saliksik
Mabisàng Paglalahad
Ano ba ang mga sangkap ng mabisàng paglalahad?

Una, isang paksang kaakit-akit at makabuluhan. Ikalawa, isang kawili-wili at


impormatibong talakay. Ikatlo, isang wakas na nagdudulot ng malinaw na paninindigan,
lagom ng mga salungatang panig, bagong pagtingin o kapasiyahan hinggil sa isang lumang
suliranin, o pag-uulit ng isang nakaligtaang makabuluhang aspekto ng tunggalian. Mga
sangkap din ang mga nabanggit ng ibáng uri ng pagsulat. Bagaman, ngayon, bílang dagdag na
paglilinaw, maaaring sabihin na ang kaakit-akit at kawili-wili sa mabisà ay higit na nauukol sa
malikhaing kakayahan ng sumusulat—sa pagpilì ng angkop na salitâ at tayutay, sa armonya ng
mga pangungusap, at pagbalanse ng mga mahabà at maikling talata, at katulad. Ngunit ang
paghahanap ng mga datos at estadistika, ang paghahanay ng mga argumento, ang pagtimbang
sa mahalaga at hindi gaanong mahalagang isyu at sipi, ang pangangasiwa sa daloy ng kasaysayan,
ang pagtitig sa limitasyon ng mga naipong talâ, at katulad ay nauukol sa aspektong teknikál—
sa lawak, lalim, at tiwala ng sumusulat sa kaniyang nalikom na saliksik.

Sa pagsulat at sa pagbása ng sulatíng teknikál, malimit na problema ang wastong


pagtimbang sa datos at impormasyon. Gaano ba karaming datos ang kailangang gamítin? Ang
karaniwan namang sagot ay depende sa pangangailangan. Wala naman sa dami o bílang ng
datos at batayang sanggunian ang ikinahuhusay ng sulatíng teknikál. Sa halip, may nagsasabing
ang tinitimbang ay: Gaano kapani-paniwala ang gagamíting datos at impormasyon? Ang
ibig sabihin, kahit isang libro lámang ang sanggunian ay ituturing itong kapani-paniwala
kung sinulat ang libro ng pinakadakilang eksperto hinggil sa paksa ng sulatin. Samantala,
kahit sampung pahina ang listahan ng ginámit na sanggunian, kung pawang sekundaryong
materyales at sinulat ng mga di-awtoridad ay hindi agad paniniwalaan ang sulatín.

Sa balita, halimbawa, hinggil sa padaláng salapi, napakahalaga ng pagbanggit


kay D.C. Guinigundo bílang mulaan ng impormasyon. Bakit? Dahil mataas ang kaniyang
posisyon upang paniwalaan. Dahil deputy governor ng bangko sentral, higit siyáng maalam
sa paksa kaysa sampu mang mariwasang negosyante sa Filipinas. Kung nagmula naman ang
balita sa isang opisyal ng DOLE o DTI, mabilis na mapagsosospetsahang taktika ito upang
“pabanguhin” ang gobyerno, lalo na’t panahon ng eleksiyon.

Ang kapani-paniwala, sa gayon, ay posisyon ng kapangyarihan. Dahil dito, naiiralan


ng politika ang pagiging kapani-paniwala ng táo, institusyon, o aklat na pinagmulan ng isang
siniping pahayag.

Masinop na Saliksik
Sa kabilâng dako, umaani ng kapani-paniwala ang simpleng pagtatanghal ng matiyaga
at masinop na saliksik. Hinahangaan ang pagdudulot ng sapat na kaugnay na literatura.
Ipinahihiwatig kahit ng isang siksik na bibliyograpiya ang ibinuhos na sipag at panahon ng
sumulat upang maitaguyod ang kaniyang paksa. Naipasasagisag kahit ng mga wastong panipi
ang ingat at sinop ng pagsasaliksik na naganap.

Introduksiyon sa Saliksik | 31
Kaugnay ng hulíng nabanggit na katangian, umaani ng kapani-paniwala ang konsistent
at obhetibong himig ng pagsulat. Hindi sumisingit ang damdamin ng manunulat, at malinis sa
anumang personal na hinuha at sapantaha ang paglalahad. Kayâ higit na makiling ang sulatíng
teknikál sa paggamit ng ikatlong panauhan bílang tagapagsalitâ. Natural na inilalayô ng tinig
sa ikatlong panauhan ang manunulat sa tuksong makialam; at pinababayaang ang mga datos
at impormasyon ang kumumbinsi sa mambabasá hingil sa katotohanan ng isang partikular na
pangkat ng mga idea.

Magandang halimbawa ng ganitong himig sa pagpapahayag ang kolum na Social


Climate ni Mahar Mangahas. Bago ang lahat, ang kolum sa peryodiko ay inaasahang tigib
sa personal na opinyon ng kolumnista. Ngunit isang pasimuno sa siyentipikong paggawa ng
survey si M. Mangahas at malimit na paksa niya sa kaniyang kolum ang mga resulta ng gayong
survey. Isa dito ang kolum niyang may pamagat na “Perpeksiyonista sa pagiging Filipino”
noong 9 Abril 2016. Ano ba ang isang “totoong Filipino” sa tingin ng mga Filipino? Katulad
ba ang “totoong Filipino” ng isang “totoong Americano” sa tingin ng mga Americano? At ang
iniulat niyang sagot sa naturang mga tanong ay hango sa resulta ng isang pandaigdigang survey
noong 2013 ng International Social Survey Program (ISSP) at nagsangkot sa 32 bansa kasáma
ang Filipinas, United States, at España. Ngayon, bakit niya sinabing “perpeksiyonista” ang mga
Filipino kapag pinag-usapan ang pagiging tunay na Filipino? Nagbigay daw kasi ang ISSP ng
walong batayan sa Pambansang Identidad at lumitaw sa survey na halos laging pinakamataas
ang marka ng mga Filipino sa bawat batayan. Narito pa ang kaniyang report:

PERPEKSIYONISTA SA PAGIGING FILIPINO


ni Mahar Mangahas

ANO ANG isang “totoong Filipino” sang-ayon sa mga Filipino? Katulad ba ito ng, o naiibá
sa, ano ang isang “totoong Americano” sang-ayon sa mga Americano? Ano ang palagay
ng ibáng mga sambayanan hinggil sa sinuman upang maging “totoong” miyembro ng
kaniláng komunidad?

May isang tanong pang-survey sa 2013 modyul ng International Social Survey


Program hinggil sa Pambansang Identidad at ganito ang nakasaad: “May mga táong
nagsasabi na ang mga sumusunod ang mga importanteng bagay para maging totoong
[NASYONALIDAD]. May ibá namang nagsasabing hindi importante ang mga ito. Gaano
kaimportante sa palagay mo ang bawat isa sa mga sumusunod?”

Ang mga “bagay” na tinutukoy ng tanong pang-survey ay walong posibleng


batayan para sa pagiging isang “totoong” miyembro ng isang nasyonalidad. Sa bawat
batayan, ang posibleng mga sagot sa tanong ay: “Napakaimportante, May Sapat
na Importansiya, Hindi Napakaimportante, at Walang Importansiya Man Lámang.”
Magtutuon ako dito sa persentaheng nagsasabing ang isang partikular na batayan ay
Napakaimportante.

Nakalagom sa ibabâ ang ulat ng survey hinggil sa pananaw ng mga Filipino.


Ikinompara ang mga ito sa pananaw ng mga Americano at Español, upang maipakita
ang anumang natitirá mula sa ating kolonyal na nakalipas, at sa karaniwang pananaw
ng mga sambayanan sa 32 bansang ginamit sa survey.

32 | Introduksiyon sa Saliksik
Mula sa mga survey ng ibá’t ibáng bansa, makikita natin ang katunayang
medyo espesyal táyong mga Filipino. Pagdatíng sa mga ideal hinggil sa pagiging
Filipino, perpeksiyonista táyo.

Batayan 1. Ang maipanganak sa Filipinas ay itinuturing na


napakaimportante ng 83 porsiyento ng mga Filipino. Dito’y
nása tuktok táyo ng 32 nasyonalidad, napakataas kaysa mga Indian
(68 porsiyento, ikalawang puwesto). Narito pa, ang ipanganak sa
sariling bansa ay napakaimportante lámang sa 43 porsiyento ng mga
Americano (ika-13) at sa 38 porsiyento lámang ng mga Español (ika-
15). Ang karaniwan sa 32 bansa ay minoryang 39 porsiyento lámang.

Batayan 2. Ang makapagsalitâ sa Filipino ay napakaimportante


sa 81 porsiyento, at pang-unang puwestong muli. Maikokompara
ito sa 73 porsiyento lámang sa United States (ikawalo) para sa
kakayahang magsalitâ ng Ingles, at 56 porsiyento sa España (ika-21)
para sa kakayahang magsalitâ ng Español. Ang karaniwan sa buong
ISSP ay 59 porsiyento, isang bahagyang angat na mayorya.

Batayan 3. Ang mádamá ang pagka-Filipino ay napakaimportante


sa 79 porsiyento, para sa ikalawang puwesto. Ang nása unang
puwesto ay Georgia (84 porsiyento). Ito ay 59 porsiyento sa United
States (ika-11) at 46 porsiyento sa España (ika-27). Ang karaniwan ay
54 porsiyento.

Batayan 4. Ang magkaroon ng pagkamamamayang Filipino o


“Filipino citizenship”: 79 porsiyento, unang puwesto. Ito ay 72
porsiyento sa United States (ikalawa), ngunit 44 porsiyento lámang sa
España (ika-22). Ang karaniwan ay 52 porsiyento.

Batayan 5. Ang magkaroon ng lahing Filipino: 77 porsiyento,


unang puwesto. Ang batayang ito ng jus sanguinis ay
napakaimportante lámang sa 34 porsiyento sa España (ika12) at 25
porsiyento lámang sa United States (ika-18). Ang karaniwan ay 32
porsiyento lámang.

Batayan 6. Ang maging Katoliko: 75 porsiyento, unang puwesto.


(Siyempre, lubhang mas mababà ang proporsiyon sa hanay ng mga di-
Katoliko.) Ito ay 33 porsiyento sa United States (ikasiyam; ipinalalagay
kong ang tinutukoy ay pagiging “Kristiyano”) at 14 porsiyento sa
España (ika-16, sa pagiging Katoliko). Ang karaniwan ay 22 porsiyento.

Batayan 7. Ang pagtirá sa Filipinas nang halos buong búhay ng


isang tao: 74 porsiyento, unang puwesto. Ang batayang ito, na
maituturing na kamag-anak ng jus soli, ay 42 porsiyento sa United
States (ika-11) at 40 porsiyento sa España (ika-15). Ang karaniwan ay 39
porsiyento.Batayan 8. Ang igálang ang mga institusyong politikal
at mga batas ng Filipinas: 65 porsiyento, ikalimáng puwesto. Ito
ay 65 porsiyento sa United States (ikaanim) at 35 porsiyento sa España
(ika-26). Ang karaniwan ay 52 porsiyento.

Introduksiyon sa Saliksik | 33
Sa gayon, táyong mga Filipino ang pinakamaraming hinihingi sa hanay ng 32
sambayanan hinggil sa anim sa walong batayan, at ikalawa sa hanay hinggil sa ikapitóng
batayan. Ang pinakamababà nating ranggo ay ikalima sa buong 32.

Sa liwanag ng ating perpeksiyonismo sa mga batayan ng totoong pambansang


identidad, hindi kataká-taká na masugid táyong naninindigan hinggil sa totoong
kahulugan ng isang taal-na-isinilang na Filipino.

Pansinin na ang ating mga kahingian ay laging higit na mataas—karaniwang


napakataas—kaysa mga Americano at mga Español. Samakatwid, hindi natin nakuha sa
kanilá ang ating mga hálagáhan hinggil sa pambansang identidad. May palagay akong
karamihan sa ating mga saligang hálagáhan, gaya ng ating relihiyosidad, ay posibleng
bago dumatíng ang mga Español.

(Halaw ni Virgilio S. Almario. Mula sa kolum na “Perfectionism in being Filipino,” Social


Climate sa isyung 9 Abril 2016, pahina A11 ng Philippine Daily Inquirer.)

May panimulang personal na haka si M. Mangahas sa kaniyang pamagat:


“Perpeksiyonista” ang mga Filipino pagdatíng sa sino ba ang itinuturing na totoong Filipino.
Ngunit kapag binása ang kabuuan ng kaniyang kolum, hinayaan niyang ang estadistika mula
sa survey ng ISSP ang magpatunay sa kaniyang haka. Inihabol pa niya sa dulo ng kolum
na higit pang matindi ang paghahanap ng batayan ng mga Filipino hinggil sa “pambansang
identidad” kaysa mga naging panginoong Español at hinahangaang mga Americano. Ngunit
muli, hinango lámang niya ang naturang sapantaha mula sa resulta ng ISSP survey. Mapapansin
din na maingat na maingat siyá sa paggawa ng pansariling interpretasyon sa datos.

Hindi naman nangangahulugang bawal sa sulatíng teknikál ang tinig sa unang


panauhan at ang natural na kaugnay nitóng pagbibigay ng personal na pagbása sa mga
katunayan. Hindi bawal. Subalit mahirap namang ganap na maglahò ang awtor sa kaniyang
sinulat. Magpaparang tinurukan ng anestisya ang sulatín. Ang totoo, may mga paaralang
tumatanggap ng term peyper na gumagamit ng unang panauhan. Totoo rin na ang bawat
pagbása o paggamit ng mga datos at katunayan ay isang interpretasyon. Ang pagpilì ng
gagamiting impormasyon ay naiimpluwensiyahan ng opinyon at aktitud ng manunulat sa
kaniyang materyales. Nangangasiwa ang personal na panlasa at kuro-kuro ng manunulat
ultimong sa paghirang ng gagamíting salitâ at pagsasaayos ng mga talata.

Gayunman, may mga paraang magagámit ang manunulat upang maging obhetibo at
kapani-paniwala kahit may tinig sa unang panauhan ang sinulat. Isang halimbawa ang kolum
na Looking Back ni Ambeth R. Ocampo. Isang historyan si A.R. Ocampo at popular dahil sa
personal, nakatutuwa, at magaan niyang pagtalakay sa mga pangyayari sa kasaysayan. May
nagsabi ngang ginawa niyang “popular entertainment” ang kasaysayan, at maaari itong basáhin
sa positibo o negatibong paraan. Magandang halimbawa ng taktika niya ng paglalahad ang
kolum na may pamagat na “Amoy at ang Pambansang Identidad.”

34 | Introduksiyon sa Saliksik
AMOY AT ANG PAMBANSANG IDENTIDAD
ni Ambeth R. Ocampo

TUWING MAKAKIKÍTA ako ng mga ásong nang-aamoy ng bomba sa mga airport o sa entrada
ng magagarang otel, naaalala ko ang aking ina at ang kaniyang napakatalas na pang-amoy.
Káya nitóng matunton ang isang ipis na naligáw sa kaniyang pagkalinis-linis na silid-higaan.
Kapag naamoy niya ang isang ipis, hindi siyá makatúlog hanggang hindi niya ito naililigpit sa
bisà ng isang dalubhasang hampas ng tsinelas. Sa almusal, ipagmamalaki niya ang kaniyang
matagumpay na pangangáso, kayâ naipapahayag ng aking ama na upang mapaligaya
ang asawa niya ay madalas na nagdadalá siyá ng ipis sa loob ng kahon ng posporo at
pinakakawalan sa kaniláng silid-higaan.

Ang matalas na pang-amoy ng ina ko ay ganap na nagagamit sa kusina. Doon,


natatantiya niya ang lasa ng pagkaing kumukulo sa mga kaldero sa pamamagitan lámang
ng pagsamyo; samantalang kailangan pa ng iba ang pansandok para tumikim. May palagay
ako noong binobola lámang niya kami hanggang marinig ko ang tungkol kay Gregoria de
Jesus Nakpil, biyuda ni Andres Bonifacio, na isang hinahangaang kusinera. May nagsabi sa
akin na puwedeng sabihin ni Oriang kung ang nakasálang sa kalan ay mainam o hindi sa
pamamagitan lámang ng amoy. Sa isang paglanghap, malalaman na niya kung ano ang
kulang para mas sumarap ang iniluluto. Ibig ko tuloy maghaka kung saan pa ginamit ang
kaniyang matalas na pang-amoy sa panahon ng Himagsikang Filipino.

Subalit mukha namang hindi namumukod ang ina ko at si Oriang sa ika-19 siglong
Filipinas, kung maniniwala táyo sa French na si Jean Mallat, na napuna noong 1846 na:

“May pambihira’t napakapinong pang-amoy ang mga Indio. May mga


katulong na nakikilála ang mga kamiseta ng kanilang panginoon, kapag
ibinalik mula sa labahan, sa hanay ng 10 o 12 ibáng may-ari sa pamamagitan
lámang ng amoy. Sinasabi rin na kung makatabí ng isang lalaki ang isang
babaeng sinisinta niya, nahuhulaan ng babae ang damdamin ng lalaki
sa pamamagitan ng kaniyang pawis, at gayundin naman ng lalaki. Bílang
senyas ng pagsinta, humihingi silá ng kamisetang isinuot ng kasintahan, at
kapag lumipas na ang amoy nitó, humihingi silá ng bagong kapalit. Para sa
kanilá, may epekto itong katulad ng kaputol na buhok sa Europa.”

Si Ferdinand Blumentritt, kaibigan ni jose Rizal, ay hindi kailanman nakatuntong sa


Filipinas ngunit maraming sinulat hinggil sa bansa at mga táo dito. Sa isa sa kaniyang saliksik,
sinabi niyang “nagpapalitan ng damit” ang mga Filipino “upang maramdaman niláng nása
malapit ang minamahal sa pamamagitan ng pag-amoy sa damit. Sa sandalîng ang amoy ng
kasuotan ay naglahò na, maaaring magpalitan ng ibáng mga piraso ng damit. Sang-ayon kay
[Sinibaldo de Mas] na pinagkunan ko ng naturang impormasyon, nalalaman [ng kababaihang
Filipina] kung ang lalaking katabí nilá ay nag-iinit nang seksuwal o hindi sa pamamagitan ng
kaniláng pang-amoy.”

Pagkabása kay Mallat ay naalala ko ang mga matanda kong tiyahin sa bumabatì
sa amin sa naiibáng paraan ng paghalik. Hindi ito ang ordinaryong tuka sa pisngi. Katulad
ito ng modernong beso-beso (salin mula Español na halik-halik), at hinahagkan ang isang

Introduksiyon sa Saliksik | 35
tao sa magkabilâng pisngi. Isinasagawa ito ng ilan na hindi naman talaga humahalik at sa
halip ay pinagsasagi lámang ang mga pisngi, at minsang sinasabayan ng “mwah” ang bawat
“halik.” Ginagawa ng mga matanda kong tiyahin ang ikalawang uri ng beso-beso ngunit
pasinghot sa iyo nang malakas, na para bang nararamdaman mong sinisinghot ang kaluluwa
mo—o marahil sinisiyasat ang pag-iinit mong seksuwal? Ipinaaalala rin sa akin ni Mallat ang
mga mangingibig ngayon na nagpapalitan ng gamít na unan, tuwalya, o anumang bahagi
ng kasuotan kapag isa ang naglakbay. May nagsabi sa akin na may mga websites pa na
sumasagot sa ganitong fetish sa pamamagitan ng pagsusuplay ng gamít na medyas at pang-
ilalim na kasuotan sa múrang halaga.

Bílang isang historyan, nakabása na ako ng maraming ulat sa paglalakbay hinggil sa


Filipinas at sa mga Filipino, mula sa pinakauna at pinakadetalyado ni Antonio Pigafetta, ang
kroniko ni Magellan, na nag-iwan sa atin ng kaniyang mga talâ hinggil sa bansa noong 1521,
hanggang sa maraming ibá sa mga unang dekada ng ika-20 siglo na tinatawag na “panahong
Americano” ng mga historyador. Sinasabi ng mga dayuhan na may natatanging amoy ang
mga Filipino ngunit hindi mailarawan ito, samantalang mas mapaglarawan ang mga Filipino
at nagsisikap pang lumikha ng isang tipolohiya batay sa amoy: Kasinlansá ang mga Indian ng
maanghang na curry, nangangamoy sa karneng báka ang mga Americano, may halimuyak
ng patis ang mga Thai, at iba pa. Ngunit usisain ang mga Filipino para ilarawan ang tipikong
amoy ng Filipino at isasagot niláng wala táyong amoy dahil naliligo táyo araw-araw.

Ang modernong mundo ay tigib na sa mga pabango, mga cologne, at mga


deodorant na bumago sa tanawing olpatoryo. May hinuha akong sa mga banyaga, amoy
adobo, o sinigang, o bagoong táyong mga Filipino. Si Josephine Craig, kapatid ng historyang
si Austin Craig, ay nagpunta sa Filipinas bílang isang titser sa bungad ng ika-20 siglo. Sa
isang liham niya sa pamilya, nagdulot siyá sa atin ng maaaring nag-iisang ulat na alam kong
nagdodokumento sa amoy ng mga Filipino: “Maaaring narinig mo na ang isang lasang
kayumanggi sa bibig—may isang tiyak na amoy kayumanggi ang Maynila, kayâ sobrang tuwa
ko na titirá kami sa isang bahagi ng lungsod na lubhang nahahanginan ng mga simoy dagat.”

Posibleng rasista si Craig, ngunit ano nga ba itong amoy kayumanggi? Sa kaniyang
biyahe mulang Maynila papuntang Calapan na inilarawan niyang “bako-bako at maamoy,”
idinagdag niya ang kopra at niyog sa kaniyang katalogo ng mga amoy ng Filipinas at ibáng
mga “bahò na dapat iwasan.” Ang paglalarawan niya sa pangkalahatang atmospera ng isang
Misa de Aginaldo sa Calapan ay “nakahihilo.” Isa sa kaniyang mga reklamo ay hinggil sa mga
labanderang Filipino na waring nagsauli ng kaniyang mga damit nang punít-punít at “may
di-mailarawang amoy.”

Maraming materyales na historiko at etnograpikong maaaring umabála sa mga


antropologo sa paglilinaw hindi lámang sa mga konsepto ng mahalimuyak at mabahò para
sa isang Filipino, kundi maging sa higit na mahalagang konsepto kung paanong ang ating
pang-amoy (ang ikinasisiyá natin o ipinagtatakip ng ilong) ay naglalarawan kung sino táyo.
Maaari ngang lumitaw na ang amoy ay isang paraan upang mahúli ang napakailap na bagay
na tinatawag nating pambansang identidad.

(Salin ni Virgilio S. Almario. Mula sa kolum na “Smell and the Filipino Identity,” Looking Back sa
isyung 8 Abril 2016, pahina A17 ng Philippine Daily Inquirer.)

36 | Introduksiyon sa Saliksik
Tulad ng marami niyang piyesa, nagsimula siyá sa isang karaniwan at tunay na eksena—
ang paggamit ng mga áso upang amuyin ang bomba’t kontrabando sa airport at malalaking
otel. Mula dito, naalaala niya ang ina na may napakatalas na pang-amoy laban sa ipis, gayundin
sa paglanghap ng lasa ng pagkaing iniluluto sa
kusina. Hindi naman palá pambihira ang pang-
amoy ng kaniyang ina dahil nabása niyang may Ang kapani-paniwala,
katulad na talas ng pang-amoy si Gregoria de
Jesus, biyuda ni Andres Bonifacio. Transisyon sa gayon, ay posisyon
iyon túngo sa impormasyong pangkasaysayan
hinggil sa matalas na pang-amoy ng mga Indio ng kapangyarihan.
sang-ayon sa mga banyagang sina Jean Mallat
at Ferdinand Blumentritt. Napakalinis ng
pagsasanib ng biyograpiko at ng historiko, at
isang natatanging bighani ito ng paglalahad ni A.R. Ocampo laban sa nakababagot na libro sa
kasaysayan ng mga iskolar. Isusunod pa niya ang isang anekdota sa pag-amoy ng kaniyang mga
tiyahin at ang kaugnay na talâ ni Josephine Craig, kapatid ni Austin Craig, sa tinawag nitóng
“amoy kayumanggi.”

May natatanging amoy ba ang mga Filipino? Anong amoy iyon? Amoy adobo, amoy
sinigang? [O amoy araw?] Walang tiyak na sagot si A.R. Ocampo. Ngunit pagkakataón ang
kaniyang usisa upang iwagayway ang pangwakas niyang sapantaha na “Maaari ngang lumitaw
na ang amoy ay isang paraan upang mahúli ang napakailap na bagay na tinatawag nating
pambansang identidad.”

Maaaring sabihin na dahil sa adhikang maging kawili-wili ay nasusuway ni A.R.


Ocampo ang mahigpit na tuntunin ng pagsusulat na historiko laban sa pagpapasok ng personal
na opinyon at hinuha. Ngunit hindi naman niya ipinagpipilitan ang sariling pananaw. At ang
higit na mahalaga, hindi mapapasubalian ang katunayan ng kaniyang sinisipi at binabanggit
na impormasyong pangkasaysayan. Sa kabilâ ng mahahalatang personal na aktitud sa paksa,
nananatíling kapani-paniwala ang kaniyang ulat pangkasaysayan, bukod sa malimit na
pagdudulot niya ng bagong ebidensiya hinggil sa isang gasgas nang paksa. Laging nakatambal
ang kaniyang masugid na saliksik sa paghanap ng mga katibayang pangkasaysayan tungkol sa
anumang nais niyang ilahad na opinyon o hinuha.

Paghambingin pa ang kolum nina M. Mangahas at A.R. Ocampo upang higit na


mapahalagahan ang magkaibá ngunit kapuwa maituturing na teknikál na pamamaraan ng
pagsulat ng dalawang kolumnista.

Mga Anyo ng Eksposisyon


Sa bahaging ito ay dapat linawin na may ibá’t ibáng layunin ang mapaglahad na pagsulat. Sa
mga aklat sa eksposisyon, nakalista ang sumusunod na uri ng paglalahad: (1) paglilinaw sa
kahulugan ng isang salitâ, katawagan, o konsepto, (2) pag-uuri sa isang malaking paksa o idea,
(3) paghahambing ng dalawa o mahigit pang bagay, mga pook, mga tao, o pangyayari, (4) sanhi
at bunga, (5) suliranin at solusyon, at (6) mga hakbang o paraan ng paggawa ng isang bagay.

Introduksiyon sa Saliksik | 37
mapaglarawang paglalahad pahambing na paglalahad

sanhi at bunga suliranin at solusyon

proseso

Talahanayan 1. Mga uri ng Paglalahad

Tinatawag ding mapaglarawang paglalahad ang paglilinaw sa kahulugan at pag-uuri sa


isang malaking paksa o idea. Nakasalig ito sa masaklaw at malalim na kaalaman at pagkaunawa sa
isang partikular na paksa. Sa paglalarawan, inililista ang mga katangian, sangkap, at mga halimbawa ng
paksa. Bílang mahusay na detalye, makabuluhan kung ano ang itsura, lasa, amoy, at ibá pang paraan
ng pagdamá sa paksa upang higit itong maging kongkreto at malapit sa karanasan ng bumabása. Ang
klasipikasyon o pag-uuri ay isa ring paraan ng paglalarawan sa isang malaking bagay. Sa pamamagitan
ng paglilista sa posibleng mga bahagi nitó ay nailalahad ang kabuuang kahulugan ng paksa.

Ang pahambing na paglalahad ay ginagamit sa pagkilála ng dalawa o mahigit pang


bagay. Maaaring magtuon ng pansin ang paghahambing sa kaniláng pagkakatulad. Gayunman,
malimit ding epektibo ang pagkokompara sa dalawang bagay sa pamamagitan ng kaniláng
pagkakaibá sa isa’t isa o sa pamamagitan ng paglilinaw sa kaniláng nagsasalungatang katangian.
Napakahalaga ang sistematikong pagtalakay sa pagkakatulad man o sa pagkakaibá ng dalawang
pinaghahambing.

Sa sanhi at bunga, nakatuon ang paglalahad sa relasyon ng dalawa o mahigit pang


pangyayari o karanasan. Karaniwang tinatalakay sa sanhi ang mga dahilan at katwiran kung
bakit naganap ang isang bagay. Samantala, nása bunga ang pagtalakay sa resulta ng isang tiyak
na pangyayari o sitwasyon. Maaaring magkaroon ng ibá’t ibáng bunga (dalawa, tatlo, o higit
pang resulta) ang isang sanhi. Sa kabilâng dako, maaaring ibunga ang isang pangyayari ng
dalawa, tatlo, o mahigit pang sanhi.

Ang paglalahad ng suliranin at solusyon ay isang mahirap na gawain. Kailangan


dito ang intensibong saliksik upang ganap na maitanghal ang salimuot ng isang problema o
isyu. Mahigpit itong kaugnay ng sanhi at bunga. Bawat isang malaking suliranin ay bunga ng
ibá-ibáng sanhi. Halimbawa, ang polusyon ay may sari-saring aspekto at kayâ may sari-saring
partikular na mukha ng suliranin. Dahil dito, dapat asahan na sari-sari din at malawakan ang
imumungkahing solusyon upang higit na maging kapani-paniwala ang saliksik.

Ang paglalahad ng isang proseso ay malimit tawaging how-to sa Ingles. Paano ba


ito gagawin? Paano ba maghurno ng pandesal? Paano ba magsayaw ng pandanggo? Paano ba
gumamit ng mikroskopyo? Paano ba magbayad ng income tax? Ang makabagong búhay ay
napakakomplikado kayâ kailangan ang mga gabay upang makatupad ang isang tao sa kaniyang
mga tungkulin bílang mamamayan at upang makamit ang isang adhika sa búhay. Kronolohiko
karaniwan ang ganitong paglalahad—may unang hakbang, may ikalawa, may susunod, at may
pangwakas.

38 | Introduksiyon sa Saliksik
Mga Posisyong Handa sa Pagbagsak

(1) (2) O (3) (4) (5)


Mariing Mga Ikrus mga bisig. TIGULANG NA BUNTIS
itapak kamay Ipatong sa MAY SANGGOL Umupông tuwid.
mga paa sa batok. upuan sa harap. Kandungin Humawak sa gilid
sa sahig, Yumuko. Ulo sa pagitan sanggol ng upuan. Babà
medyo Nása ng mga bisig. (nakahiga). sa dibdib.
pápasók tuhod Alalayan Higpitan
at mga siko. dibdib, leeg, at nang mababà
hiwaláy. ulo ng sanggol. sinturong
Yumuko sa pangkaligtasan.
ibabaw ng
sanggol.

May ibá’t ibáng katangian at pangangailangan ang ibá’t ibáng anyo ng paglalahad.
Kailangang napakatipid at payak ang pagsasalitâ sa gabay hinggil sa isang proseso, lalo na’t
limitado ang espasyo ukol dito. Kailangang may lohika ang paglalatag ng mga sanhi upang
higit na malinaw ang kaugnayan ng mga ito sa bungang pangyayari. Kailangang nauuna
ang pinakamahalaga sa anumang pag-uuri. Samantala, mainam kung may mararamdamang
drama sa paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa isang bagay o konsepto, gaya halimbawa
ng historikong oryentasyon, paghahanap ng pinagmulan o batayang etimolohiko, maikling
talakay sa nilikhang kontrobersiya (kung mayroon), at ibá pang pang-akit kaysa tahasang
pagbibigay ng kahulugang tulad sa diksiyonaryo. [Bagaman ang pagbibigay ng kahulugan sa
diksiyonaryo ay isa ring mabigat na sulatíng teknikál.] Sa kabilâ naman ng ibá’t ibáng paraan
ng mabisàng panimula, malimit imungkahi ang kaagad na pagtukoy sa pangunahing diwa o
tesis ng sulatíng teknikál. Hudyat ang ganitong panimula para sa mga mambabasá hinggil sa
dapat asahang daloy ng talakay. Patnubay naman ito sa manunulat upang hindi maligaw at
upang mapangasiwaan niyang mahigpit ang mga detalye alinsunod sa pangunahing diwa.

Kamulatang Siyentipiko
Sa pangkalahatan, mahihiwatigan sa mga inilahad na katangian ng sulatíng teknikál ang
ninanais na paglinang sa kamulatang siyentipiko ng guro’t mag-aaral. Anumang sulatíng
teknikál ay nangangailangan ng sistematiko’t lohikong pag-iisip bukod pa sa matinding
pagpapahalaga sa paggamit ng kongkreto’t tiyak na mga katibayan bago bumigkas ng anumang
kuro at gayundin ng masigasig pagsasaliksik sa lahat ng posibilidad upang mapatunayan ang
isang haka o hinuha.

Introduksiyon sa Saliksik | 39
Napakalaki ng kabuluhan ng ganitong kamulatan para sa direksiyon ng pagpapaunlad
at pagpapalaganap sa wikang Filipino. Ang paglinang sa kamulatang siyentipiko ay
nangangahulugan din ng pagpapayabong sa isang wikang siyentipiko. Hindi sapagkat, gaya
ng umiiral na prehuwisyo sa hanay ng mga edukado’t edukador sa kasalukuyan, ay hindi
angkop sa paksain at talakayan sa agham at matematika. Isa itong napakasamâng kaisipang
pangwika at siyáng pangunahing hadlang túngo sa puspusang pagsusúlong ng Filipino bílang
wika ng pambansang edukasyon. Ang higit na masamâ, naaakit din sa ganitong masamâng
kaisipang pangwika ang mismong mga alagad ng wikang Filipino, lalo na ang mga guro.
Isinasadlak nilá mismo ang wika at ang kaniláng mga sa sarili sa pagtuturo ng wika bílang
anyo at kayarian at walang nilalaman. Ni hindi nakikíta sa mga aklat sa elementarya ang
lawak at lalim ng daigdig ng batà. Nagmememorisa lámang ang batà ng mga salitâ hinggil
sa kaniyang tahanan at komunidad—gaya ng ama, ina, bahay, pusa, bukid, punongkahoy—
ngunit nakalutang bílang mga titik, pantig, at pangngalan sa aklat o sa pisara dahil hindi
naiuugnay sa saligang uri ng pamumuhay, moralidad, at mga batayang kaalaman sa biyolohiya
at ekonomiya. Hindi naman interesado ang karaniwang guro ng wika na sidlan ng dagdag
na kabuluhan at nilalaman ang mga salitâ na ipinambubuo niya ng pangungusap, dili kayâ’y
bigyan ng bagong pandiwa ang halimbawang pangungusap, at higit pa, magpasok ng mga
pangngalang gaganyak sa imahinasyon ng mag-aaral.

Hindi dapat maglundo ang pagtuturo ng wika sa kasanayáng panggramatika.


Hindi rin dapat mabilanggo sa pagsasaulo ng mahihirap na salitâ at paglulubid ng maririkit
na pangungusap—gaya ng mga bolerong ahente ng pyramiding, matatabil na abogado ng
kriminal, at mabibilis mangusap na brodkaster.

Saliksik o ang hilig sa pananaliksik ang sandigan ng kamulatang siyentipiko.


Hinuhubog mismo ng gawaing pampananaliksik ang wika upang maging siyentipiko, lalo
na’y maging dalubhasa sa paggamit ng mga anyo ng eksposisyon sa pabigkas man o pasulat
na pagpapahayag. Sa pinakamababàng antas, nangangahulugan ito ng pagpapalawak ng
talasalitaan. Na ang ibig sabihin ay walang-humpay na pagkababad sa ibá’t ibáng paraan ng
paggamit sa wika—mula sa pakikinig sa ibáng tao hanggang pagbabasá ng mabuting uri ng
panitikan—na ang kahulugan ay pagpapalawak ng karanasan at pagsasaliksik ng sari-saring
katunayan.

PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN

Pagbabasá ng sari-saring Paghahanap ng dagdag na


panitikan babasahín sa aklatan at internet

Pakikinig at pakikipag-usap Paggamit ng mapagtitiwalaang


sa mga tao na may ibá-ibáng diksiyonaryo at ibáng sanggunian
gawain at propesyon

Pagdalo sa mga lektura at Panonood ng dula


simposyum

Pagdalaw sa mga museo at Paglalakbay


eksibisyon

Talahanayan 2. Pagpapalawak ng Talasalitaan.

40 | Introduksiyon sa Saliksik
Kailangang malinang ang ganitong kamulatang magsaliksik sa mga kabataan. Ngunit
kailangang gawin ito mismo ng guro upang magkaroon din siyá ng kakayahang umunlad at
maging siyentipiko ang wikang panturo. Upang hindi hanggang hay-iskul siyáng nagtuturo
ng fokus ng pandiwa. Upang magbago ang paksa ng kaniyang ipinasusulat na komposisyon.
Upang higit na maging masigla ang kaniyang klase araw-araw at matandaan siyáng modelong
guro ng kaniyang naturuan.

Kultura ng Saliksik
Malaking hámon sa isang dinedevelop na wikang pambansang tulad ng Filipino ang
estandardisasyon at modernisasyon. Matagal nabinbin ang gawaing kaugnay ng mga ito dahil
sa kawalan ng pagpaplanong wika ng naging pambansang ahensiyang pangwika ng Filipinas
at ang hindi koordinadong paggamit ng aplikadong lingguwistika. Noong 2013 dibdibang
hinarap ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang problema sa estandardisasyon sa
pamamagitan ng pagbuo sa isang Ortograpiyang Pambansa at ng masigasig na pagpapalaganap
nitó. Sinundan ito kaagad ng mga programa para sa intelektuwalisasyon o modernisasyon
ng Filipino. Sa likod ng misyong “Filipino: Wika ng Karunungan,” naglunsad ang KWF ng
mga seminar at palihan upang lumikha ng mga bagong sangguniang aklat sa paggamit ng
Filipino sa ibá’t ibáng disiplina, propesyonalisasyon ng pagsasalin, pagpapahusay sa paraan ng
pagtuturo, at pagsusúlong sa antas at lawas ng produksiyong nakabatay sa saliksik.

Napakabigat na tungkulin ang mga modernisasyon. Una, hindi ito maaaring matupad
kahit doblehin ng KWF ang sigasig. Kailangan ang paglahok at pakikiisa ng lahat ng ahensiya
ng pamahalaang may kinalaman sa paggamit ng Filipino, ng mga kapisanan at organisasyong
pangwika, at higit sa lahat ng mga guro. Kailangan ang maraming kampeon ng wika at mga
kampeon siláng kailangang nagkakaisa sa diwa at pagkilos. Kailangang isaloob ng bawat alagad
ng wika, lalo na ng mga guro, ang mga hakbang at gampanin upang maitaas ang antas ng
paggamit sa wikang Filipino. Pangunahin dito ang taimtim na pagpapahalaga sa kultura ng
saliksik at paggawa ng mga aprobadong inisyatiba upang maisúlong ito sa mga silid-aralan. Tulad
ng nabanggit na, nangangahulugan ito ng bagong
oryentasyon sa pagtuturo ng Filipino, mula sa
kasalukuyang lubhang nakatutok sa gramatika (at Ang paglinang
lingguwistika) túngo sa isang paraan ng paghasa sa
pagsasalitâ, pagsulat, at pagbása sa pamamagitan sa kamulatang
ng panitikan at babasahíng nagpapayaman sa
karanasan at kaalaman ng mag-aaral. Ang ibig siyentipiko ay
sabihin, higit na pinalawak at pinalalim ang
paksa ng talakayan sa silid-aralan. Ang klase ay
nangangahulugan
nagmimistulang tanghalan ng aktuwal na daigdig din ng
ng batà. Nagiging litereyt ang batà hinggil sa ibá’t
ibáng larang ng kaalaman sa pamamagitan ng pagpapayabong
wikang Filipino. Kayâ ang wika ay natututuhan
bílang isang kailangang kasangkapan—isang sa isang wikang
mabisàng kasangkapan sa pag-alam ng kaligiran,
kasaysayan, at pangangailangan ng tao sa loob ng siyentipiko.
kaniyang panahon.

Introduksiyon sa Saliksik | 41
Kailangan ang isang malinaw na kahulugan
Kayâ ang wika
ng wika. Noon pa, pinupuna ang paraan ng
pagpapahayag gamit ang Tagalog/Pilipino dahil
ay natututuhan
lubhang “pampanitikan.” At ang ibig tukuyin ng bílang isang
“pampanitikan” ay lubhang maligoy (“mabulaklak,”
“mahahabàng pangungusap,” “mahirap unawain,” kailangang
“paulit-ulit ng sinasabi,” “kumpol-kumpol ang
pang-uri,” “parang tumutula,” at katulad). Inilaban kasangkapan—
sa naturang puna ang isang “modernong” wika, na
nangahulugan para sa maraming manunulat at guro isang mabisàng
ng “pinagaan at ngangayuning wika”—diin sa wikang
kolokyal, maikling pangungusap, Taglish o walang
kasangkapan
humpay na paghahalò ng Ingles, kani-kaniyang
ispeling, at katulad. Para sa ilang propesor, parang
sa pag-alam
kuwestiyon lámang ito ng pagpilì sa “department” o ng kaligiran,
“departamento” at pag-eetsa-puwera sa “kagawaran.”
Para sa ibáng dalubwika, pagtanggap ito sa anumang kasaysayan, at
ginagamit na, gaya ng “natutunan” kaysa gramatikong
“natutuhan.” Hindi problema kung isulat na “dyos,” pangangailangan
“jos,” “dios,” o “diyos” ang Español na dios.
ng tao sa loob
Ngunit higit pa sa naturang mga anyo
at paninindigang “moderno” ang kailangan
ng kaniyang
túngo sa modernisasyon, lalo na kaugnay ng panahon.
intelektuwalisasyon. Mula sa isang pambansang
adyendang produkto ng masinop na pagpaplano,
kailangang tingnan ang palalaganaping “wikang
opisyal” at “wika ng edukasyon” bílang kodigong napatunayang pinakaepisyente at lohiko
upang higit na bumilis ang pagpapalaganap at pagtuturo at higit na tumiim ang pagtanggap ng
sambayanan. Dapat idagdag pa ngayon, kailangan ang naturang episyente at lohikong kodigo
para sa sulatíng teknikál—para sa anumang anyo ng siyentipiko’t intelektuwalisadong pahayag.

Magandang ulitin ang ilang katangian ng wikang teknikál.

Una, isa itong wikang wasto. Ang ibig sabihin, batay sa masinop na saliksik at masusing
pag-aaral. Hindi ito hula. Umiiwas ito sa pahayag na “siguro” o “marahil.” Dahil dito, higit
itong organisado, matipid sa salitâ at pangungusap, at maingat sa pagbigkas ng pasiya, haka,
o kahit pinangunahang personal na kuro lámang. Umiiwas ito sa mapanlahat na pahayag,
gayundin sa hindi kailangang pagmamalaki.

Ikalawa, isa itong wikang tiyak. Hindi ito madaldal. Maingat at angkop ang
ginagamit nitóng pang-uri sa paglalarawan. Iniaalinsunod nitó ang bawat pinilìng salitâ sa
isang napagkasunduang takdang kahulugan. Ang ibig sabihin, seryong pinag-aaralan ang wika
upang makatulong sa pagsusúlong nitó sa ibá-ibáng larang at disiplina ng edukasyon.

42 | Introduksiyon sa Saliksik
Kaugnay ng hulíng nabanggit na trabaho, totoong kailangan ang mabilisan at
sistematikong pagtatakda ng salitâ katumbas ng mga teknikál at siyentipikong terminolohiya
sa mga disiplinang pangkolehiyo. May kaukulang proseso nang pinalalaganap ang KWF
sa pagsasalin ng mga banyagang katawagan at konsepto sa pamamagitan ng paglikha o
panghihiram. Gayunman, dapat ipagunita na maraming pagkakataóng kailangan lámang ang
wastong pagtatakda ng teknikál na kahulugan sa mga malaganap na’t katutubong salitâ sa
Filipino at ibáng wikang katutubong wika ng Filipinas.

Halimbawa, magkakasingkahulugan at kayâ pinagpapalit-palit ang gamit ng “katulad,”


“kapara,” “kawangis,” “kawangki,” “kahambing,” “kagaya,” atbp. Ngunit kapag ginamit sa
panunuring pampanitikan, alin ang katapat ng comparison, metaphor, simile, analogy? Ibá-
ibá ang pagtutumbas ng mga kritiko at guro; hindi naman interesadong magtakda ang mga
ibinebentang bokabularyong bilingguwal. May panukalang ipantapat sa comparison ang
paghahambing, ang pagtutulad sa metaphor, ang pagwawangki sa simile, ang pagwawangis
sa analogy. Pati ang pagtutumbas sa equivalence o correspondence at tumbasan sa equation,
gayundin ang panggagaya sa imitation at panggagagad sa parody. Kailangan ang ganitong
pagtatakda ng kahulugan sa marami pang ibáng kumpol ng konseptong teknikál.

nais, ibig, gusto = like

nasà = want

libog = lust

lunggati = desire

adhika = goal, ambition

layon/layunin = aim, objective

hangad/hangarin = motive

mithi = ideal

Talahanayan 3. Halimbawang Panukalang Talatakdaan

Introduksiyon sa Saliksik | 43
Mangyari pa, kailangan ang isang mapagtitiwalaan at komprehensibong diksiyonaryo
sa gawaing estandardisasyon at modernisasyon. Samantala, mahalagang magsimula ng mga
forum upang matalakay ang mga batayang problema at estratehiya sa pagsasa-Filipino ng mga
disiplinang pang-edukasyon, ng pagtitipon ng mga kaukulang redyistri sa bawat propesyon—
kapuwa mga eksperimental na pagtutumbas at mga lumaganap nang gamit ng taumbayan,
at ng pagsusulat at paglalathala ng mga artikulo hinggil sa mga saliksik at ng mga librong
introduksiyon sa bawat disiplina. Subalit tandaan: Ang isang pangarap na Aklatan ng
Karunungan sa Filipino ay nagsisimula sa mga maikli ngunit sinaliksik na sulatíng teknikál sa
unang baitang ng pag-aaral.

44 | Introduksiyon sa Saliksik
SALIKSIK SA AKLATAN
Lourdes Z. Hinampas

KUNG MANANALIKSIK, ang aklatan ang isa sa


mga lugar na dapat bisitahin para sa mga sanggunian
na maaaring makuha rito. Una at pinakamadalîng Laging tandaan
puntahan ng mga mag-aaral ang aklatan ng
kaniláng paaralan para sa panimulang paghahanap na gawîng kawili-
ng mga sanggunian. Kung sakaling kulang ang
sanggunian na makukuha dito, maaaring pumunta wili ang pagpunta
sa mga publikong aklatan. May publikong aklatan
ang mga lalawigan, lungsod, bayan, at barangay.
sa aklatan. Ito
Kadalasan, walang bayad ang pananaliksik rito.
Magagámit lámang ang mga aklat sa loob ng
ang magsisilbing
aklatan at hindi maaaring hiramin para maiuwi santuwaryo sa
sa bahay. Maaari ka lámang makapagpakopya ng
ilang pahina at ilang sipi. kabuuan ng
Isa rin sa maaaring puntahan, lalo na kung pag-aaaral o
ito ay malapit sa lugar, ay ang Pambansang Aklatan
ng Filipinas. Maraming sangguniang makukuha pananaliksik.
rito dahil sa lawak ng koleksiyong narito. Tingnan
din ang posibilidad na magsaliksik sa aklatan ng
mga unibersidad. Alamin lámang ang araw kung
kailan maaaring makapagsaliksik ang hindi nilá mag-aaral. Alamin din ang mga protokol
bago magsaliksik. Kung natatangì ang paksa, halimbawa, tungkol sa kalikásan, agrikultura, o
wika, puntahan ang aklatan ng ahensiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa nabanggit na
paksa. Laging tandaan na gawîng kawili-wili ang pagpunta sa aklatan. Ito ang magsisilbing
santuwaryo sa kabuuan ng pag-aaaral o pananaliksik.

Mga Uri ng Aklatan


May ibá’t ibáng uri ng aklatan na umusbong sang-ayon sa pangangailangan ng panahon at
espasyo. Itinuturing na tradisyonal ang mga aklatan na matatagpuan sa mga unibersidad o
ang pagmamay-ari ng estado gaya ng Pambansang Aklatan ng Filipinas. May aklatan naman
na may espesyalisasyon sa ilang paksa. At may aklatan ding di-tradisyonal gaya ng mobile
library at pop-up library na madalîng ilipat sa ibá’t ibáng pook. Sa katunayan, maraming non-
governmental organizations (NGOs) na ginámit ang estratehiya ng aklatang portabol para
maratíng ang mga liblib na bayan sa Filipinas at maihatid sa mga kabataan sa probinsiya ang
benepisyo ng pagbabasá ng mga aklat bílang alternatibong pamamaraan ng pagkatuto. Narito
pa ang paliwanag:

1. Akademikong Aklatan – ito ang aklatan ng mga unibersidad at kolehiyo. Ang mga
aklat na matatagpuan dito ay nakatutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral

Introduksiyon sa Saliksik | 45
at propesor sa mga partikular na kurso na mayroon sa unibersidad. Sa malalaking
unibersidad, kadalasan may pangunahing aklatan (main library) na kakikitahan ng mga
sanggunian na pangunahing kailangan ng mga mag-aaral mula sa ibá’t ibáng kolehiyo.
Samantala, ang bawat kolehiyo ay may kani-kaniya ring aklatan na espesipikong
naglilingkod sa mga mag-aaral na kumukuha ng kurso sa naturang kolehiyo.

UP Diliman Main Library

Ang University Library ng UP Diliman


ay sumasaklaw sa isang Main Library at
higit sa 40 kolehiyo / yunit na aklatan.
Minimithi nitó ang isang global na
palítan ng impormasyon sa buong
UP Library System. Inaatasan itong
maging sentro ng kahusayan para sa
sangguniang impormasyon sa mga
agham panlipunan, humanidades,
at batayang agham. Nagpupunyagi
ito túngo sa ganap na automation,
isang koleksiyong world-class, at staff
na mga propesyonal sa modernong
impormasyon.

Opisyal na itinatag ng Board


of Regents ang University Library
noong 1922, labing-apat na taón
pagkaraang itatag ang Unibersidad ng
Pilipinas noong 1908. Ang University
Library, na nagsisilbi ding Department
of Library Science, ay itinalagang
kapantay ng ibá pang departamento
ng mga instruksiyon para sa lahat
Larawan mula sa www.pinoyexchange.com
ng serbisyo ng mga kolehiyo sa
unibersidad.

Sa taóng 1908 hanggang 1922, ginámit ng mga estudyante ng Unibersidad ang mga
maliliit na aklatan sa ibá’t ibáng yunit at kolehiyo sa unibersidad at aklatang panggobyerno sa Maynila
para sa kaniláng saliksik at pangangailangang pang-impormasyon.

Dinevelop ang UP Diliman Library Collection upang makatulong sa pagtuturo, saliksik,


at gawaing ekstensiyon sa mga disiplinang itinalaga sa Diliman. Nangunguna sa talaan ng mga
koleksiyon sa UP Diliman ang Koleksiyong Filipiniana, na limbag, di-limbag, at anyong dihital.

Sanggunian: http://www.mainlib.upd.edu.ph/?q=university-library

2. Aklatan ng Paaralan – ito ang aklatan ng paaralan na para sa mga kinder, elementarya,
at sekundarya. Ang mga aklat na matatagpuan dito ay nakatutugon sa pangangailangan
ng kurikulum ng batayang edukasyon.

3. Publikong Aklatan – ito ang aklatan na matatagpuan sa mga lalawigan, bayan, at


barangay at pinamamahalaan ng lokal na pamahalaan. Ang aklatang tulad nitó ay
naglalamán ng mga pangkalahatang sanggunian para sa pangangailangan ng mga

46 | Introduksiyon sa Saliksik
mamamayan, mula batà hanggang matanda, sa isang pamayanan. Noong 1994,
nilikha ang Batas Republika Blg. 7743 na nag-aatas na magtayô ng aklatan sa mga
distrito, lungsod, bayan, at barangay sa buong bansa. Ang Pambansang Aklatan
ng Filipinas ang mangunguna, sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Interyor at
Lokal na Pamahalaan (DILG), sa pagbubuo ng aklatan sa mga nabanggit na lugar.
Ang isang publikong aklatan ay dapat mayroong mga sangguniang aklat, katulad
ng ensiklopedya, diksiyonaryo, mapa, globo, aklat hinggil sa kultura, panitikan, at
kasaysayan ng bansa, agham at teknolohiya, at mga aklat at sangguniang tutugon sa
pangangailangan ng pamayanan. Sa ganitong aklatan, mahalaga ang mga babasahín
tungkol sa ating bansa at hindi ang mga aklat na nagmula sa ibáng bansa na nagkakalat
ng kolonyal na pag-iisip. Ang mga publikong aklatan din ang dapat na nabibibigay ng
promosyon sa kahalagahan ng pagbabasá lalo na sa mga batà.

Larawan mula sa www.ptvnews.ph

Pambansang Aklatan ng Filipinas

Noong 9 Marso 1900, ang American Circulating Library ay naitatag sa Maynila bílang paggunita
sa mga Americanong namatay sa Filipinas. Inorganisa ang aklatan ni Gng. Charles R. Greenleaf
at ang unang librarian nitó ay si Nellie Young Egbert. Ang Americanong Gobernador Militar sa
Filipinas, sa bisà ng awtoridad na ibinigay sa kaniya ng United States Philippine Commission sa
pamamagitan ng Public Act Blg. 96 ng 5 Marso 1901, ay tinanggap ang Circulating Library bílang
donasyon ng American Circulating Library Association sa pamahalaan.

Sa pamamagitan ng Public Law Act Blg. 1935 ay nagkaroon ng “konsolidasyon ng lahat


ng aklatan na nabibílang sa alinmang sangay ng pamahalaan ng Filipinas para sa paglikha ng
Aklatan ng Filipinas,” at para sa pagpapanatíli nitó, at sa ibá pang katulad. Upang maipatupad ang
batas, nilikha ang isang Kalupunan ng Aklatan na binubuo ng Kalihim sa Instruksiyong Publiko,
Kalihim sa Interyor, Kalihim sa Pananalapi at Katarungan, at ibá pang miyembro na hihirangin
bawat taón ng Gobernador Heneral.

Introduksiyon sa Saliksik | 47
Noong 1916, ang Aklatan ng Filipinas, Sangay ng Sinupan, Patente, Karapatang-sipi,
at Tatak ng Kawanihang Ehekutibo, at ang Aklatan sa Batas ng Filipinas ay pinag-isa, at tinawag
na Aklatan at Museo ng Filipinas. Pagkaraan ng labindalawang taón, inihiwalay ng Lehislatura
ng Filipinas ang museo sa aklatan. Itinatag ng Public Law Blg. 3477 ng 1928 ang Pambansang
Museo sa ilalim ng Kagawaran ng Agrikultura at Likás na Yaman at ang pangalan ng Aklatan at
Museo ng Filipinas ay naging Pambansang Aklatan.

Nang walang anumang katwiran, binago ng Pangulo ang pangalan ng Pambansang


Aklatan túngo sa Kawanihan sa Aklatang Pampubliko sang-ayon sa Executive Order Blg. 94,
serye 1947. Sinundan ang atas na ito ng pinakamahalagang batas sa bansa sa kasalukuyan
kaugnay ng aklatang pampubliko: Batas Republika Blg. 411, na kilalá din bílang Batas sa
Aklatang Pangmunisipyo, na inakda ng dáting Senadora Geronima T. Pecson. Ibinalik ng Batas
Republika Blg. 3873 ng 1964 sa Pambansang Aklatan ang pangalan ng Kawanihan sa Aklatang
Pampubliko. Sa kasalukuyan, ang aklatan ay kilalá bílang Pambansang Aklatan ng Filipinas (NLP)
alinsunod sa Batas Republika Blg. 10087 na pinagtibay noong 13 Mayo 2010. Matatagpuan ang
NLP sa Kalye T.M. Kalaw, Maynila.

Sanggunian: http://web.nlp.gov.ph/nlp/?q=node/655

4. Natatanging Aklatan – ito ang aklatan na may tiyak na pinaglilingkurang mambabasá dahil
ang mga aklat na matatagpuan rito ay para sa tanging layunin at tiyak na paksa. Ang ilan sa
halimbawa nitó ay ang aklatan sa mga ahensiya ng pamahalaan, kung naghahanap ng mga
sanggunian sa agrikultura, nariyan ang aklatan ng Kagawaran ng Agrikultura na may mga
pananaliksik at publikasyon hinggil sa pagsasáka at ibá pang gawaing may kaugnayan sa
agrikultura. Bukod sa aklatan ng mga ahensiya ng pamahalaan, may mga natatanging aklatan
din na pag-aari ng pribadong kompanya katulad ng Lopez Museum and Library.

Larawan mula sa www.lopez-museum.com

Lopez Memorial Museum

Ang Lopez Memorial Museum ay pinakamatandang pribadong pagmamay-ari at pinangangasiwaang


museo at aklatan na nag-eespesyalisa sa materyales na Filipino. Ang koleksiyon nitó ay sumasaklaw
sa mga aklat at mga mapa ng siglo labing-anim, mga obra ng mga unang bumantog sa mundo na
Filipinong pintor, sina Juan N. Luna (1857-1899) at Felix P. Resurreccion Hidalgo (1855-1913), at ilan pang
di-matatawarang koleksiyon kaugnay ng Pambansang Bayani ng Filipinas José Rizal (1861-1896). May
500 obra sa lumalaki nitóng koleksiyong pangmuseo at mahigit 20,000 akda sa lumalagong katalog ng
aklatan, iniingatan ng museo ang mga ari-arian na sumasaklaw sa 600 taón ng iskolarsip at kasiningan.

Pagkaraang pasinayaan noong 1960, itinatag ng museo ang Eugenio Lopez Foundation
upang matiyak ang kapalaran nitó, mainstitusyonalisa ang isang sistema ng pamamahalang kuratoryal
at ang grupong nagmamalasákit, mapalakas ang pasilidad pangkonserbasyon nitó, at madagdagan
ang mga mahuhusay na serbisyo sa mga kliyente. Nililinang ng Lopez Memorial Museum ang isang

48 | Introduksiyon sa Saliksik
pamanang may natatanging kalidad, walang-wakas na kabuluhan, patuloy na pagbúhay sa dunong
at talino, dinamikong pag-abot sa dumaraming user, at malayuning aksesibilidad sa yaman at
dinamismo ng mga kultura ng Filipinas.

5. Aklatang Mobile – sa ibáng bansa, tinatawag itong Bookmobile, Bibliobus, Bucherbus. Ito
ay isang sasakyan na naglalaman ng mga sanggunian at materyales na pang-aklatan o anumang
serbisyong pang-aklatan na hindi nananatíli sa iisang lugar.Sa kasalukuyan, ipinapanukala sa
Senado at Kongreso ang pagpapatibay ng isang batas para sa mga aklatang mobile. Nagbibigay
naman ng serbisyo ng aklatang mobile ang Museong Pambata.

Larawan mula sa www.museopambata.org

Ang Aklatang Mobile ay nagsimula noong 1995, pagkaraang buksan ang Museo Pambata.
Upang tuparin ang tungkulin ng museo na itaguyod ang literasi, ang mga miyembro ng staff
at ilang boluntaryo ay regular na bumibisita sa mga hindi gaanong napaglilingkurang pook sa
Maynila, sakay ng isang Tamaraw FX na may daláng 50 aklat at isang simpleng karatula na “Museo
Pambata Mobile Library.” Pagkaraan ng anim na taón, noong 2001, sa pamamagitan ng isang
grant mula sa Ford Foundation Philippines, pinasinayaan ang isang “pangarap na mobile library
van.” Isang six-wheeler Isuzu NPR trak na pinahiyasan (ng Tagapagtatag ng Ilustrador ng Kabataan
na si Mel Silvestre at kaniyang mga estudyante) ng mga makukulay na imahen ng mga kabataang
tutok sa pagbabasá, at katuparan ng isang matayog na pangarap para sa isang library on wheels na
makapagdadalá ng mahigit 300 aklat pambatà at ibá pang learning aids. Mas maraming narating
na kabataan ang van, nagsagawa ng maraming sesyon para sa pagkukuwento at hiraman-ng-
aklat sa Maynila, at umabot sa mga probinsiyang gaya ng Batangas.

Estratehiya sa Pananaliksik sa Aklatan


Alamin ang mga pasilidad at sangguniang makikíta sa aklatan. Narito ang ilan sa mga uri ng
sanggunian:

1. Pangkalahatang Sanggunian (General Reference) – dito makikíta ang mga sangguniang


katulad ng diksiyonaryo, ensiklopedya, atlas, direktoryo, almanake, taunang aklat, at ibá pang
katulad na sanggunian, CD/DVD-ROMS, electronic jornal, at e-books. Ang mga sanggunian
dito ay sa loob lámang ng aklatan maaaring gamítin.
2. Aklat Filipiniana (Filipiniana Books) – dito makikíta ang mga aklat na inilimbag sa Filipinas;

Introduksiyon sa Saliksik | 49
aklat tungkol sa Filipinas, Filipino o dayuhan man ang may-akda, anuman ang wikang ginamit
at imprint ng pabliser; at mga aklat na inilathala ng mga Filipino tungkol sa ibá’t ibáng paksa.
3. Natatanging Koleksiyon (Special Collections) – dito makikíta ang mga natatanging aklat at
koleksiyon, at mga aklat na bihira na ang kopya.
4. Serials – dito makikíta ang mga jornal, magasin, at diyaryo
5. Tesis at Disertasyon– dito makikíta ang mga tesis at disertasyon mula sa di-gradwado at
gradwado.
6. Microforms – dito makikíta ang kopyang microfilm ng mga natatanging aklat at lumang
dokumento.
7. Audio-Visual Materials/Multimedia – dito makikíta ang mga sound at video recordings at
ibá pang sangguniang hindi nakalimbag.
8. Sinupan (Archives) – dito makikíta ang mga lumang dokumento.

Halaw mula sa UP Diliman Library Brochure

Kapag natukoy na kung ano ang kailangan, ang susunod ay ang pagtatáya sa mga
sanggunian. Gaano kahusay at mapagkakatiwalaan ang mga sangguniang ito? Tingnan ang
baliktad na piramide sa ibabâ, makatutulong ito sa pagtatáya sa sangguniang makukuha.

Narito rin ang ilang payo sa pamimilì ng mga sanggunian:


Pangkalahatang Karunungan Hindi Gaanong Mapagtítiwalaan

Pangkalahatang Ensiklopedya

Pangkalahatang magasin at diyaryo

Espesyalisadong magasin

Komersiyal na Aklat

Dokumento ng pamahalaan

Iskolarling aklat

Akademikong

Jornal

Espesyalisadong Karunungan Higit na Mapagtítiwalaan

Larawan 1: Piramide ng mga Sanggunian sa Aklatan


Halaw mula sa Coyle, William. Research Paper (10th Ed.) Massachusetts: Allyn and Bacon, 1997, p. 66-68

50 | Introduksiyon sa Saliksik
1. Piliin ang mga artikulo na makikita sa iskolarling jornal kompara sa artikulong
nása magasin. Ang mga artikulo sa jornal ay isinulat ng eksperto at espesipiko ang
mga paksa rito. Masinop ang pagdodokumento ng mga akademikong artikulo, kayâ
maaari ring tingnan ang bibliyograpiya nitó bílang karagdagang sanggunian. Ang
mga iskolarling artikulo na inilalathala sa mga akademiko at de-repering jornal,
na kadalasang inililimbag ng mga unibersidad, ay higit na mapagtítiwalaan dahil
dumadaan ito sa pagsusuri ng ibá pang eksperto sa lárang.

2. Tingnan ang mga awtor na madalas binabanggit na sanggunian sa paksa. Tingnan


ang mga bibliyograpiya ng mga aklat hinggil sa napilìng paksa, suriin kung sino ang
awtor na madalas binabanggit dito. Silá ang maituturing na eksperto sa lárang kayâ
nakabubuting hanapin ang kaniláng mga akda.

3. Piliin ang primaryang sanggunian kaysa sekundarya. Kilalanin kung ang


sanggunian ay primarya o sekundarya. Ang primaryang sanggunian ay mga
dokumentong nalikha sa isang panahon ng pag-aaral ng mismong awtor hábang ang
sekundaryang sanggunian ay mga akawnt o interpretasyon naman sa isang pangyayari
mula sa isang táong hindi tuwirang dumanas nitó. Halimbawa ng mga primaryang
sanggunian ang talambuhay, talaarawan, sulat, interbiyu, at awtobiyograpiya. Ang
mga sekundaryang sanggunian naman na naglalaman ng pagtalakay sa gawa ng ibá ay
makikíta sa ensiklopedya, magasin, at teksbuk. Iminumungkahing balikan, suriin, at
gamítin ang mga primaryang sanggunian para sa saliksik.

Pamamaraan sa Pananaliksik
Sa pagpunta sa aklatan, mahalaga ring alamin kung paano isinasaayos at inuuri ang mga
aklat. Makatutulong ito sa mabilis na paghahanap sa mga aklat. May dalawang sistema sa
klasipikasyon ng mga aklat, ang Sistemang Dewey Decimal at Library of Congress.

Sistemang Dewey Decimal. Ang Sistemang Dewey Decimal ay binuo ni Melvil


Dewey noong 1873 at unang nalathala noong 1876. Ito ay isang sistema sa klasipikasyon
ng mga pangkalahatang karunungan. Gumagámit ito ng numerong arabigo sa sampung
pangunahing karunungan, at hinahati pa sa tiyak na klasipikasyon ng aklat sa pamamagitan
ng decimal points. Kadalasan itong ginagamit sa mga publikong aklatan.

Narito ang sampung pangunahing klasipikasyon ng karunungan:

000 Agham Pangkompiyuter, Impormasyon, at Pangkalahatang Gawain


100 Pilosopiya at Sikolohiya
200 Relihiyon
300 Agham Panlipunan
400 Wika
500 Agham
600 Teknolohiya
700 Sining at Libangan
800 Panitikan
900 Kasaysayan at Heograpiya

Introduksiyon sa Saliksik | 51
Tingnan ang halimbawa sa ibabâ:

Fil – nangangahulugang aklat Filipiniana


899.2101 – nása klasipikasyon ng panitikan, at nakahanay sa panulaan
Al62r – awtor
1987 – taón ng pagkakalimbag

Library of Congress. Ang Library of Congress ay gumagamit ng titik at numero.


Madalas itong ginagamit sa mga aklatan ng paaralan dahil 21 ang bílang ng pangunahing
kategorya nitó.

A Pangkalahatang Gawain
B Pilosopiya, Sikolohiya, Relihiyon
C-F Kasaysayan
G Heograpiya, Antropolohiya, Libangan
H Agham Panlipunan
J Agham Pampolitika
K Batas
L Edukasyon
M Musika
N Mga Sining Klasikal
P Wika at Panitikan
Q Agham
R Medisina
S Agrikultura, Arkitektura ng Tanawin
T Teknolohiya
U Agham Militar
V Agham Pandagat
Z Bibliyograpiya, Agham Pang-aklatan, Paglalathala

52 | Introduksiyon sa Saliksik
Nagkakaroon ng karagdagang titik para sa sub-classification. Halimbawa, sa kategorya
ng Agham Panlipunan – H, narito ang sub-classification:

H Agham Panlipunan (pangkalahatan)


HA Estadistika
HB Teoryang Pang-ekonomiya, Demograpiya
HC Kasaysayan at Kalagayang Pang-ekonomiya

Ang sub-class ay hinahati sa pamamagitan ng numero mula 1 hanggang 9999, na


maaari ding lagyan ng desimal.Tingnan ang halimbawa sa ibabâ:

PL – nása kategorya ng panitikan, sub-classification na kasaysayan at kritisismo


6141 – sub-class
A43 – inisyal ng awtor

Takdang Numero (Call Number). Ang takdang numero ay ang letra at numerong nakikíta sa
gulugod (spine) ng aklat. Bukod sa ito ang nagtatakda ng klasipikasyon ng libro, nakatutulong
ito sa mabilis na paghahanap ng libro sa estante.

nása gulugod ng aklat nása online catalog

Introduksiyon sa Saliksik | 53
Paano magbasá ng takdang numero ng Library of Congress?

Takdang Numero: QH 51 B38 1997


Pamagat ng Aklat: Mga Tala sa Panayam sa Klaseng Agham Pangkalikasan II
Awtor: Juliana C. Baylon
Taón ng Publikasyon: 1997

QH
51 } Unang dalawang linya – nagpapakita ng paksa ng aklat

B38
} Ikatlong linya – inisyals ng awtor

}
1997
Ikaapat na linya – taón ng publikasyon

Paano ang pagkakaayos ng mga aklat sa estante? Upang madalîng makíta ang aklat sa
estante, sundin ang sumusunod na paraan ng paghahanap:

1. Basahin ang takdang numero na palinya.


2. Basahin ang unang linya sa paalpabetong paraan.
Hal. A, B, BF, C.... L, LA, LB... Q, QA, QB, QH
3. Basahin ang ikalawang linya bílang buong numero (whole number)
Hal. 1, 2, 3... 10... 51, 100, 1000, 2341
4. Ang ikatlong linya ay kombinasyon ng titik at numero. Basahin ang titik na paalpabeto.
Hal. B38... C41
5. Basahin ang ikaapat na linya sa kronolohikong paraan
Hal. 1992, 1993, 1997, 1999, 2000

Tingnan ang halimbawa:

2327 bago 2328 .34 bago .55 .554 bago .63

LA bago LB .B bago .C .55 bago .554 1987 bago 1991

Kard Katalog
Sa kasalukuyan, marahil ang kard katalog ay hindi na gaanong kilála ng mga mag-aaral bunga ng
teknolohiya ngunit mahalaga pa ring pag-aralan ito. Sa mga maliit na aklatan, makikíta pa rin
ang kabinet na may maliit na drower na naglalaman ng kard na kakikitahan ng impormasyon
hinggil sa aklat, katulad ng takdang numero, paksa, awtor, pamagat ng aklat, publikasyon,
taón ng paglilimbag, deskripsiyon ng aklat, at International Series Book Number (ISBN).

May tatlong uri ng kard katalog na inuri sa awtor, paksa, at pamagat ng aklat. Ibig
sabihin nitó, may tatlong opsiyon ang mag-aaral sa paghahanap ng aklat gámit ang kard
katalog. Kung alam na ang tiyak na pamagat ng libro ay dumederetso na sa kard ng pamagat.

54 | Introduksiyon sa Saliksik
Malaking tulong naman ang kard ng paksa para sa pangangalap ng ibá’t ibáng sanggunian ukol
sa isang paksa. Hábang ang kard ng awtor naman ang magtuturo kung ano-anong mga aklat
ang maaari pang mabasá na isinulat ng isang partikular na awtor. Narito ang mga halimbawa:

1. Kard ng Awtor (Author Card) – sa unang linya makikita agad ang awtor.

Awtor

Takdang numero gámit ang Sistemang Dewey Decimal

2. Kard ng Pamagat (Title Card) – sa unang linya makikíta ang paksa

Pamagat ng aklat

3. Kard ng Paksa (Subject Card) – sa unang linya makikíta ang paksa

Paksa

Introduksiyon sa Saliksik | 55
Online Public Access Catalog
Sa pagsúlong ng teknolohiya, ang kard katalog ay napalitan na ng Online Public Access Catalog
(OPAC). Sa OPAC, mapabibilis ang paghahanap ng aklat dahil titipahin lámang ang susing
salitâ o keyword ay lalabas na agad ang mga aklat na may kaugnayan dito. Halimbawa, ang
paksa ay hinggil sa wika, maaaring tipahin ang “wikang Filipino” o “Filipino language” at isang
pindot lámang ay makikíta na ang mga sanggunian na may kaugnayan dito. Kung akda naman
ng isang awtor ang nais hanapin, tipahin lámang ang pangalan niya, at makikíta na ang mga
librong kaniyang isinulat, inedit, o anumang aklat na mayroon siyáng lahok.

Tingnan ang halimbawa ng OPAC ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman:

Makikíta rin sa OPAC ang mga impormasyon na nása kard katalog at ibá pang
karagdagang impormasyon tungkol sa aklat, halimbawa, saang aklatan o bahagi ng aklatan
makikíta ang aklat, ito ba ay maaaring hiramin o sa aklatan lámang maaaring gamítin, at kung
ito ay hiniram ng ibá, kailan ito isasauli upang mahiram ulit.

56 | Introduksiyon sa Saliksik
Narito naman ang halimbawa ng OPAC ng Pambansang Aklatan:

Laging tandaan na ang aklatan pa rin ang pinamabisà at pinakamahalagang imbakan


ng mga sanggunian na magagamit sa pananaliksik. Hindi mapapalitan ng teknolohiya o
isang klik sa computer ang kaalamang matatagpuan sa aklatan. Gawin ding kawili-wili ang
pananaliksik at iwaksi ang kaisipang nakababagot at makaluma ang pananaliksik sa aklatan.
Ang pagbisita sa aklatan ay makabuluhang gawain na dapat maranasan ng bawat mag-aaral at
mananaliksik.

Introduksiyon sa Saliksik | 57
SALIKSIK SA LABAS
Einzoely M. Agcaoili

ANG FILDWORK (fieldwork) ay pananaliksik sa labas ng tahanan, klase, laboratoryo, aklatan,


at ibá pa. Inugat nina Wax (1971) at Douglas (1976) ang pinagmulan nitó sa on-the-spot na
pag-uulat ng mga saksi ng Digmaang Peloponnesian noong ikalimang siglo BC. Bukod dito,
nakapansin din silá ng unti-unting pag-unlad sa descriptive reporting ng mga taga-Roma at
mangangalakal at kinatawan ng mga Islamic empire. Ang mga taga-Europa raw na unang
nakapagbigay ng datos kaugnay ng etnograpiya ay mga misyonero ng Simbahang Katolika,
manlalakbay, at negosyante. Gayunman, mahalagang tingnan ang pagbabagong nangyari
noong mga unang taón ng ikadalawampung siglo nang ang pagsasaliksik sa labas ay sinimulang
gamítin sa mga pag-aaral sa akademya (Burgess, 1982, p. 3).

Larawan mula sa Wikispaces

Maaari din itong maging bahagi ng ating ginagawa sa araw-araw. Halimbawa sa mga
paghahanda kapag magdiriwang ng kaarawan. Kung planong idaos ito sa ibáng lugar, ginagawa
natin ang ocular inspection o pagbisita sa venue upang tiyaking maganda ang lugar at tama
lang ang lawak para sa dami ng iimbitahan. Táyo rin ay nagsasagawa ng pagsasaliksik sa labas
kapag bumibili ng damit, sapatos, kagamitan sa bahay, at kung ano-ano pa. Pumupunta táyo
sa department stores, sa mga bargain, o sa malalaking pamilihan tulad ng Divisoria. Dito ay
iniisip natin ang badyet at pumipilì táyo ng múra ngunit de-kalidad na mga gámit. Sa ganitong
paraan, gusto nating matiyak sa ating sarili kung tama nga ba ang ating inaasahan o tutugma sa
ating makikíta ang mga bagay na iniisip natin. Nais nating magkaroon ng firsthand experience.
Gusto nating makíta ang bawat detalye at pag-aralan ito.

Gayunman, hindi madalîng gawin ang fildwork. Humihingi ito ng tiyaga at lawak ng
pang-unawa mula sa mananaliksik. Sa metodolohiyang ito, mararanasan natin na makihalubilo
sa partikular na gawain ng isang grupong tuon ng pag-aaral. Kung hindi man, gagamítan

58 | Introduksiyon sa Saliksik
ito ng matalas na pagmamasid at pagsusuri ng ibá’t
ibáng gawî at kaugalian ng mga táong pag-aaralan sa
Bagaman kung
kaniláng kinalalagyan. Inaalam din nitó ang estado táyo’y magsasagawa
ng lipunan sa natural o likás nitóng kalagayan.
Kuwalitatíbo ang pamamaraan sa pagsasaliksik sa ng fildwork at may
labas, ibig sabihin, sinusuri nitó ang pangyayaring
hindi nasusukat ng numero—ang hindi tukoy na
nakahanda nang
komunikasyon ng mga tao sa lipunan. kuro at ibá pang

Kung magfifildwork, dapat isaisip na ito’y palagay na nais
isang uri ng pagsasanay na nakatuon sa paglalarawan patunayan bago
ng isang penomeno. Kung bagá, asahang mangyari ang
lahat ng di-inaasahang pangyayari nang sa gayon ay pumunta sa napilìng
madalîng umangkop sa anumang pagbabago. Lalong
umiigting ang kalidad ng datos at ang pakahulugan
lugar, maaari pa
ng mga ito sapagkat ang fildwork ay isang paraan ng ring makatuklas ng
pangangalap ng impormasyon na ginagamitan ng
malalim na analisis sa mga sitwasyon na aktuwal na ibáng bagay na higit
nasasaksihan ng mananaliksik.
na makatutulong sa
Bagaman kung táyo’y magsasagawa ng ating saliksik.
fildwork at may nakahanda nang kuro at ibá pang
palagay na nais patunayan bago pumunta sa napilìng
lugar, maaari pa ring makatuklas ng ibáng bagay na
higit na makatutulong sa ating saliksik o di kayâ’y
maging dahilan ng pagkakaroon ng bagong pag-aaral. Tiyak na may makikítang pagkakaibá sa
ginagawa mismo ng mga tao at sa sinasabi niláng ginagawa nilá. Sa pamamagitan nitó, unti-
unting makikilála ang karakter ng isang tao o pangkat at ang kaniláng ginagalawang espasyo
na isang mahalagang salik sa pagtukoy ng mga dapat isaalang-alang sa pag-aaral. Hábang may
bagong natutuklasan, nadaragdagan ang puwede pang maging bahagi ng saliksik.

Ang sumusunod ay ilan sa kahalagahan ng pagsasaliksik sa labas:

• Higit itong nakatutulong sa pag-unawa ng konteksto ng pag-aaral na ang


pokus ay obserbahan ang pang-araw-araw na nagaganap sa lipunan at alamin
kung paano ito pamahalaan ng mga tao;
• Sa pagsasaliksik sa labas, nagiging posible ang siyentipikong eksplorasyon ng
mga suliranin sa ibá’t ibáng lugar o sa partikular na paksa ng saliksik na halos
wala pang naitalâng datos;
• Madalî nitóng natutukoy ang pinagmulan, saklaw, at bigat ng problema; at
• Mabilis na natitimbang ang palagay hinggil sa sanhi at kalalabasan ng
problema at paraan ng paglutas nitó.

Introduksiyon sa Saliksik | 59
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsasagawa ng Pagsasaliksik sa Labas
Tungkulin ng mananaliksik. Depende sa paksa at tuon, maaari kang pumilì alinman sa
dalawáng pamamaraang pangfildwork: (1) tinatawag na hayag o lantad (overt) ang lápit na
gagamitin kung ikaw ay humingi ng pahintulot na magmasid o isagawa ang saliksik; at (2)
tagô (covert) kung ikaw ay mananaliksik nang hindi sasabihan ang iyong mga sabjek.

Kaugnay nitó, mayroong apat na uri ng tungkulin ang maaaring gampanan ng


sinumang magsasagawa ng pagsasaliksik sa labas:

(a) Ganap na tagamasid


• Hindi ipaaalám ang layunin
ng proyekto sa sinumang
magiging bahagi ng pag-aaral; Larawang mula sa booklet na isinulat ni Colin Neville
• Hindi gagalawin sa kahit anong paraan ang
likás o natural na kalagayan ng lugar; at
• Hindi makikilahok sa mga gawain o aktibidad na tuon ng saliksik.

Isang magandang halimbawa nitó ay pag-aaral hinggil sa gawî o kilos ng mámimíli


sa pamilihan.

(b) Ganap na kalahok


• Ilan lang ang may alám ng tunay na identidad ng mananaliksik bílang hindi
isa sa kanilá at ng nilalayon bílang tagasaliksik; at
• Maaaring sumapi sa isang pangkat o makibahagi sa kaniláng gawain hábang
nananatíling di-lantad ang pakay.

Isang magandang halimbawa nitó ay pag-aaral hinggil sa aktuwal na estilo ng lideratura.

(c) Tagamasid bílang kalahok


• Nakikilahok sa gawain, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataón. Kung
gagampanan man ito, may kababawan, hindi konsistent, at walâng emosyonal
na koneksiyon sapagkat ang tungkulin ng mananaliksik aymagkaroon ng
ebalwasyon hinggil sa nasuring kilos at pag-uugali ng mga tao.

Isang magandang halimbawa ay pag-aaral hinggil sa mga gawaing may kinalaman


sa team building at mga katulad nitó.

(d) Kalahok bílang tagamasid


• Ang identidad at layon ay alám ng lahat ng miyembro; at
• Ang pakikibahagi sa kaniláng gawain ay hindi malilimitahan. Hábang
nagmamasid at nagsisiyasat, maaaring makipag-usap sa mga kasali hinggil sa
kaniláng palagay at naranasan sa partikular na aktibidad.

Halimbawa ay aktibong pakikilahok at pagsuporta sa pangangampanya ng


kandidato sa isang partikular na partido.

60 | Introduksiyon sa Saliksik
Mga gabay at instrumento sa pangangalap ng datos
• Ugaliing magtalâ hábang nagmamasid. Isáma lahat ng
pangyayaring nakatitiyak kang tunay na naganap. Isáma rin
ang sa iyong palagay lámang ay nangyari;
Tulad ng nasabi, ang patuluyang pagtatalâ ay kinakailangan.
Bagaman mapagkakatiwalaan mo ang iyong gunita,
mabuting isulat ito. Mas may mapanghahawakan ka sa mga
datos na ipinasok mo sa papel kompara sa alaala lámang
sapagkat aktuwal at napapanahon mo itong naranasan at
sabay na isinulat;
• Magkaroon ng magkakahiwalay na kuwaderno para sa mga
impormasyong ayon sa aktuwal at maingat na pagsusuri (tinatawag na “obhetibo”) at
para sa mga impormasyong may impluwensiya ng iyong sariling damdamin at palagay
(tinatawag na “subhetibo”). Pagkatapos ay paghambingin ang mga ito at sinupin; at
• Magkaroon ng sariling rekorder at kamera. Kung mapahihintulutang gamítin, higit
itong makatutulong sa matinding pangangailangan sa aktuwal (nakíta at narinig) na
pagdodokumento.

Sa kaniyang pag-aaral, ipinaliwanag ni Neville


(2007) na maaaring ikategorya ang pagtitipon ng datos ng
fildwork sa tatlong pangunahing pamamaraan:

Pangunahing Obserbasyon—
pagtatalâ/pagrerekord ng aktuwal
na mga nangyari at narinig;

Sekundaryong Obserbasyon—subhetíbong paliwanag at


pahayag ng mananaliksik sa pangyayari; at

Datos ayon sa Karanasan (experiential)—pagsusulat ng puna o


obserbasyon ayon sa damdamin at paniniwala o pagpapahalaga sa
partikular na bagay at kung paano ito nababago sa paglipas ng panahon.

Layunin at mga paghahanda. Laging isipin na lahat ng preparasyon ay para sa layuning


mapagtagumpayan ang saliksik. Ninanais na aktuwal na makíta ang proseso at ang magiging
resulta ng pag-aaral. Mas magiging maálam ka sa kaligiran ng iyong pag-aaral kung mayroong
naging maayos at malinaw na paghahanda na higit na makatutulong hábang isinasagawa ang
pagsasaliksik sa labas at sa pagsisinop ng datos. Ilan sa dapat isaalang-alang ang sumusunod:

• Makapangyarihan ang aklatan. Samantalahin ito at bumisita saanmang aklatang


malápit sa iyo at magbasá-basá hinggil sa iyong paksa;
• Maghanap at kumausap ng táong maaaring makapagbigay ng impormasyon tungkol
sa saliksik. Mas maganda kung kakilála o kaibigan. Maaari ding may direktang kontak
sa kinauukulan o miyembro mismo ng grupo o anumang organisasyong tuon ng pag-
aaral;

Introduksiyon sa Saliksik | 61
• Sumangguni sa Internet. Bagaman marami nang website ang maaaring i-edit ng
sinuman, ugaliing pumunta sa webpage na naglalaman ng mga iskolarling artikulo.
Ibig sabihin, mayroong angkop na sitasyon ang mga lathalain at hindi ito basta
mapapasukan ng sinuman upang mag-edit ng lahok;
• Makatutulong ang magpraktis muna bago tuluyang gawin ang fildwork. Puwede kang
makipag-ugnay sa isang institusyon at boluntaryong tumulong sa kaniláng gawain
hábang silá’y inoobserbahan at sa iyong isip ay binibigyan ng ebalwasyon;
• Kapag may napilì nang lugar, kung káya ay sikaping bisitahin muna ito upang
makabuo ng panimulang inter-aksiyon sa ilang residente. Pagkakataón din ito upang
masuri ang kaniláng katutubong tahanan;
• Hindi kinakailangan, ngunit malaking bagay kung ikaw ay nakapagsasalitâ at
nakaiintindi ng katutubong wika na sinasalitâ sa lugar na pupuntahan. Sa pamamagitan
nitó, magiging mas maayos ang daloy ng usapan;
• Huwag kalilimutang italâ ang mga nakuhang impormasyon. Napakahalagang bagay
nitó bago ang fildwork, hábang nása fildwork, at pagkatapos ng fildwork;
• Nararapat na alam ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral. Alamin at piliin ang idea at
konseptong mananatilì at aalisin sa kabuuang balangkas ng iyong saliksik. Sa ganitong
paraan, pinipilì mong maging maingat at masinop sa pangangalap ng datos;
• Maghanda ng detalyadong plano. Sa panukalang proyekto, gawing malinaw ang
bawat bahagi kasáma na rito ang layn aytem badyet. Nakalista dapat lahat dito ang
lohistika na kakailanganin. Bahagi nitó ang bílang ng mananaliksik, impormant,
transportasyon, lugar na pupuntahan, gastusin sa pagkain at sa pakikipag-ugnayan o
komunikasyon; at
• Sa hulí ay kinakailangang maipaliwanag nang maayos ang ugnayan ng ibá’t ibáng
paraang isasagawa at ang pangkalahatang resulta ng iyong pag-aaral. Ilahad mo rin ang
lahat ng naging daan upang iyon ay maisakatuparan. Sa lahat ng ito, lagi mong isipin
na ang iyong layunin ay walang tigil na pagpapaunlad ng iyong saliksik at pagkakaroon
ng mas mahusay pa sa pinakamahusay na resulta, kung meron mang ganito.

Ilang paalala sa pagpaplano hinggil sa badyet. Ang nása ibabâ ay halimbawa ng isang layn
aytem badyet na matatagpuan sa panukalang proyekto. Isiping dapat na naaayon sa tuon at
saklaw ng saliksik ang magiging laman ng badyet at mainam na magpasiyahan ang sumusunod:

• Bílang ng táong kakailanganin sa pananaliksik at halaga ng kaniláng magagastos sa


bawat araw;
• Bílang ng araw na gugugulin;
• Bílang ng kakailanganing impormant at halaga ng nakahandang token para sa kanilá;
• Halaga ng magagastos sa transportasyon mula sa panggagalingan túngo sa napilìng
lugar. Isasáma rito ang mga maaari pang magastos sa pamasahe hábang isinasagawa
ang pagsasaliksik sa labas;
• Gastusin sa pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan o coordinator na tutulong sa
pagsasagawa ng saliksik. Maaaring sa paraang pakikipag-usap sa telepono, pagpapadalá
ng sulat, pagpapalitan ng e-mail, o pakikipagkíta;
• Gagamíting mga suplay at halaga ng mga ito. Ipagpalagay na gagámit ka ng bolpen,
lapis, papel, notbuk, rekorder, kamera, kalendaryo, diksiyonaryo, at ibá pa;
• Maglaan ng badyet para sa spot checking. Ito’y para sa grupong magmomonitor at titiyak

62 | Introduksiyon sa Saliksik
kung nasusunod nga ba ang mga nakalagay sa plano. Sorpresa siláng bibisita sa site.
• Isáma rin ang halaga para sa contingency. Tumutukoy ito sa mga di-inaasahan o biglaang
pangyayari. Mayroon talagang mga kasong pangkagipitan na kailangang handâ tulad
ng aabutin palá ng halos isang araw ang biyahe papunta sa tirahan ng impormant
at hindi mo ito maisasantabi sapagkat siyá ang pinakamatandang magsasakâ na
posibleng makapagbigay ng sapat na impormasyon. Mayroon ding pagkakataón na
hindi lang token ang ibibigay sa impormant kundi pati pamasahe at pagkain sa buong
araw. Hindi rin inaasahan minsan na kailangan paláng pumunta sa mas malayo at
maraming lugar para kumausap ng ibáng tao na walâ naman talaga sa orihinal na
plano. Ito’y ilan lámang sa maaaring mangyari ngunit mas marami pang biglaang
pangyayari na kailangan ay lagi táyong handa.

Halimbawang Layn Aytem Badyet

Mga gabay sa pagpilì ng mananaliksik. Sa pangkalahatan, walâng nasusulat na estriktong


tuntunin hinggil sa bílang at kung sino ang maaaring magtúngo sa fild. Ang desisyong ito ay
manggagáling sa namamahala ng pag-aaral at ibá pang mahahalagang salik. Kaugnay nitó,
puwedeng pagbatayan ang sumusunod:

• Una, huwag isantabi ang bigat at saklaw ng paksa. Kung ito’y patungkol sa pag-
aaral ng ibá’t ibáng pangkating etniko sa Filipinas at naroon ang pangangailangan sa
maraming impormant, praktikal na higit sa isang mananaliksik ang magsagawa nitó;

Introduksiyon sa Saliksik | 63
• Anumang proyekto ay laging may usapin sa pondo. Kapag sinabing “saliksik sa labas,”
awtomatikong maiisip ang gastusin sa pamasahe, akomodasyon, pagkain, token
sa impormant, at ibá pa. Nararapat na malinaw ang pagkakalatag ng plano upang
matukoy kung ilan ang dapat papuntahin sa fild;
• Matatagpuan sa plano (blueprint) ang talatakdaan (time frame) ng proyekto. Kung ang
guguguling panahon sa pagsasagawa ng saliksik ay mahabâ-habâ at ayon sa pagtáya ay
kakayahin naman ito ng isang tao, hindi na kailangang magpadalá ng marami. Kung
maikling panahon lámang ang inilaan at malawak ang sakop ng pagkukunang datos,
mainam na higit sa isa ang magsaliksik;
• Isa ring mahalagang salik ang distansiya ng pupuntahang lugar. Kung ito’y malayò
ayon sa naging pagtatáya at mananatilì rito ang mananaliksik ng halos pitóng araw,
mabuting siyá ay bigyan ng kasáma. Tandaan na maraming layon ang isang pag-aaral
at isa rito ang panatilihin ang kaligtasan ng mga mananaliksik;
• Hindi kailangang propesyonal o nagsanay nang husto sa pagsasagawa ng fildwork
ang ipadadala. Maaaring pagbatayan ng namamahala ang kapasidad nitó sa lahat ng
aspekto (i.e. lawak ng kaalaman sa paksa, kakayahang umangkop sa mga pagbabago,
kasanayán sa pakikipag-usap sa tao, episyente at maaasahan, walâng komplikasyon sa
kalusugan, atbp);
• Kung ang tuon ng pag-aaral ay gender sensitive, piliing mabuti ang ipadadalá sa fild.
Halimbawa, ang paksa ay hinggil sa bílang ng kalalakihang edad 18-25 na ipinasok sa
mga sentrong panrehabilitasyon sa isang pamayanan at kuwento sa likod ng naturang
pangyayari. Sa nabanggit, mas angkop na ibigay ito sa lalaki. Anuman ang pokus ng
saliksik, lagi itong may kaakibat na isyu hinggil sa gender kayâ maging maingat sa
pagpapasiya;
• Maging praktikal. Upang maiwasan ang magpabalik-balik sa fild, maaaring isagawa
nang sabay ang dalawáng pag-aaral o higit pa kung ito ang pinakaangkop na gawin.
Sa ganitong paraan, mas bibilis ang proseso ng pananaliksik nang walâng nasasayang
na pagod at panahon.

Mga gabay sa pagpilì ng lugar na pupuntahan. Maraming dapat isaalang-alang sa pagpilì ng
lugar. Hindi lámang sa impormant at makakalap na datos nakasalalay ang kabuuang itsura ng
pag-aaral kundi sa napilìng puntahan na pinakaangkop para sa tuon ng saliksik. Sa pagpilì ng
lugar na pupuntahan, maaaring maging pamantayan ang sumusunod:

• Isáma sa pagpipiliang lugar ang sa palagay ay magpapaunlak at interesado sa tuon ng


saliksik;
• Magsagawa ng saliksik sa lugar na pinakaangkop sa paksa. Bahagi nitó ang sapat na
pagkilála sa nakahandang pondo at sa panahong inilaan para sa proyekto;
• Bukod sa naaayon sa paksa ang pagbabatayan, bigyan rin ng konsiderasyon ang
kagustuhang siyasating mabuti ang isang lugar nang sa gayon ay makakuha ng idea
hinggil sa mga puwede pang maging pag-aaral (Jorgensen, 1989, p.41);
• Tanungin ang sarili kung ang mararanasang paglalakbay ay maginhawa o mahirap.
Kung ito’y mapagkukunan ng mas kapaki-pakinabang na impormasyon at
makapagbibigay ng mas maginhawang panahon sa pagbiyahe, maaari mo itong ilagay
sa iyong pagpipilian (Ibid.);
• Posibilidad na magkaroon ng mabilis na ákses sa lugar at dami ng inaasahang
impormant o táong makatutulong sa pagkuha ng datos (Ibid.);
• Kung ang napilì mong tungkulin bílang mananaliksik ay magmasid lang ng mga

64 | Introduksiyon sa Saliksik
pangyayari sa paligid, bigyan ng konsiderasyon ang sumusunod na lugar: paaralan/
unibersidad; hukuman; publiko na may pagtitipong nagaganap at mga katulad nitó;
• Kung ang tuon ng pag-aaral ay hinggil sa pribadong pamumuhay ng mga tao, maaaring
pumunta sa ospital, bahay-dasalan, at mga katulad nitó; at
• Kung wala namang partikular na target puntahan at maaari pang baguhin ang paksa,
bisitahin ang lugar na may mga táong kabílang sa sumusunod: (a) nakatatanggap ng
mababàng suweldo; (b) walang kapangyarihang magsalitâ at ilabas ang saloobin; (c)
nakararanas ng hindi pantay na pagtingin sa estadong sekswal (gender inequality);
(d) biktima ng pang-aapi, (e) hindi kinikilála ang karapatan; (f) sangkot sa
kaguluhan, at mga katulad nitó (Reyes-Garcia at Sunderlin, 2011).

Magandang puntahan ang mga ganitong lugar at pag-aralan ang ibá’t ibáng pangyayari
sapagkat bukod sa maraming impormasyong makukuha, makabubuo pa ng maganda
at kapaki-pakinabang na paksa. Sa ganitong paraan, unti-unting mapagyayaman ang
pananaliksik sa loob at labas ng akademya.

Ilang Gabay sa Paggawa ng Survey


Ang survey ay mahalagang uri ng fildwork. Ito ay isang paraan ng direktang pangangalap ng
datos hinggil sa isang paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa respondent o organisasyon na
tuon ng pag-aaral. Dito ay gumagamit táyo ng listahan ng mga tanong. Ang sumusunod ay
layunin sa paggawa o pagdisenyo nitó:

• Makakuha ng pidbak o puna sa partikular na grupo ng tao upang alamin ang kaniláng
mga kagustuhan at pangangailangan;
• Makapaglarawan ng populasyon (hal. Grupo ng tao na gumagamit ng serbisyo ng
partikular na kompanya); at
• Paghambingin ang dalawa o higit pang uri ng populasyong pokus ng saliksik (hal.
Paghahambing ng populasyon na gumagamit ng serbisyo ng partikular na kompanya
at grupo na hindi gumagamit nitó).

Bago gumawa ng survey, nararapat na isaalang-alang ang sumusunod na tanong:

• Ano ang target na populasyon na gustong makunan ng pidbak?


• Ano ang paraang gagamítin sa pagsasagawa ng survey?
• Nais bang direktang makipag-ugnay sa mga tao at irekord ang kaniláng puna sa halip
na magbigay ng listahan ng mga tanong?

Narito naman ang mga katangiang dapat na taglayin ng bubuuing listahan ng mga
tanong para sa survey:

• Nararapat na ang makukuhang impormasyon ay interesante at mahalaga para sa


layunin ng paksa;
• Ang mga tanong ay dapat reliable o mapagtitiwalaan. Ibig sabihin, kahit paulit-ulit na
tanungin o sukatin ang isang bagay ay hindi ito nalalayô sa naunang sagot o resulta o
di kayâ’y makukuha pa rin ang katulad na sagot;

Introduksiyon sa Saliksik | 65
• Maaaring ang tanong ay magpokus sa pangyayari na naging bahagi na nitó ang
respondent;
• Maaaring ang bubuuing tanong ay makakakuha ng mas malalim na impormasyon
hinggil sa kaniláng obserbasyon, damdamin, at ebalwasyon sa isang bagay;
• Iwasan ang mga komplikadong salitâ, jargon, at pangungusap na mahirap intindihin;
• Kung pipiliin ang saradong tanong, magbigay ng mga pagpipilian (halimbawa: Multiple
choice, True or False, Checklist). Mas madalî itong maiintindihan ng respondent at
mabilis itong masusuri. Kung pahayag naman ang ilalagay sa survey, mas mainam
kung magbibigay ng range (hal. Bibilugan nilá ang 5 kung silá ay lubos na nasiyahan
sa partikular na gawain, 4 naman kung nasiyahan lang, 3 kung katamtaman, 2 kung
di-nasiyahan, at 1 kung lubos na di-nasiyahan);
• Kung pipiliin ang nakabukás na tanong, binibigyan ng pagkakataón na sumagot ang
respondent sa sarili niláng palagay. Maaaring makakuha rito ng mahabàng puna na
minsan ay di-inaasahan ngunit natitiyak na naipahayag nang mabuti ng respondent
ang kaniyang pananaw.

Tingnan ang halimbawang listahan ng mga tanong (1) sa ibabâ. Mapapansin na sa


unang bahagi ay isang uri ito ng nakabukás na tanong. Pansinin din na malinaw na naibigay
ang layunin ng proyekto at hindi paligoy-ligoy ang idea at estruktura ng mga tanong.

66 | Introduksiyon sa Saliksik
Tingnan ang halimbawang listahan ng mga tanong (2) sa ibabâ. Mapapansin na
saradong tanong naman ang makikíta sa 8.3 at 8.4. Bagaman hindi nakasaad ang saklaw ng
porsiyentong nais malaman kung ito ba ay mula 1-10 o 1-100, nása apat (i.e. nakasusulat,
nakapagsasalitâ, nakababása, nakauunawa) na kasanayan lámang ang magiging batayan ng
tugon ng respondent. Maaari ngunit hindi na nilá maiisip na ilagay ang porsiyento ng kaniláng
kasanayán sa pagsasalin mula katutubong wika túngong Filipino sapagkat wala naman ito sa
mga nakalista.

Ilang Gabay sa Pakikipag-ugnayan sa Impormant


Mahalaga sa fildwork ang ugnayan ng mananaliksik, mga sabjek sa fild setting, at mas malawak
na konteksto ng inter-aksiyon ng mga tao. Dito umiikot ang pangkalahatang kahalagahan ng
pagsasaliksik sa labas. Malaki rin ang impluwensiya ng kasarian, lahi, at edad ng tagamasid sa
pag-aaral. Ang sumusunod ay estratehiya kung paano madalîng makalalápit sa impormant at
paano magkaroon ng maayos na ugnayan sa kanilá:

• Matútong makibagay sa kaniláng kultura at tradisyon. Kung kinakailangang magdamit


ng naaayon sa kaniláng nakaugalian, gawin ito;
• Mag-obserba kung kakailanganing tawagin silá sa kaniláng pangalan o apelyido;
• Magsaalang-alang ng kaniláng wikang ginagamit at punto ng pananalita. Kung
nahihirapan siláng makaunawa, gawing simple at dahan-dahan ang pagsasalitâ;
• Magpaálam na nais siláng kunan ng video at irekord ang anumang uri ng usapang
mabubuo;
• Sikaping matanggap ng impormant ang personalidad ng mananaliksik sa kaniyang
natural na kaligiran. Ituon ang pakikipag-usap sa layunin ng proyekto at ilahad ang
kahalagahan nitó sa pananaliksik at sa kaniláng komunidad sa hinaharap;
• Bílang pagbibigay ng gálang, sikaping makabuo ng koneksiyon sa kanilá. Ito’y isang
paraan upang maging magaan ang loob nilá sa mananaliksik at mabawasan ang pag-
aalinlangang magbahagi ng impormasyon;
• Magbuo ng identidad bílang mananaliksik na kasáma ang mga impormant at mga
nakapaligid;
• Sikaping makabuo ng tiwala sa isa’t isa. Maging totoo lámang at ipakítang walâng
pagkukunwari sa mga sasabihin at gagawin;
• Makibahagi at makilahok sa kaniláng aktibidad. Kung kinakailangan at hindi
makasasamâ sa layunin. Susi ang kooperasyon;
• Magsaalang-alang kung mayroon mang kasunduang nais buuin. Ito’y paraan ng

Introduksiyon sa Saliksik | 67
pagpapalitan ng kondisyon at tulong túngo sa transparency; at
• Maging tapat sa mga bias at limitasyon ng pag-aaral at ipaliwanag kung bakit ito ang
itinakda.

Paggamit ng Datos na Nakukuha sa Pagsasaliksik sa Labas


Tingnan ang isang halimbawa ng pagsasaliksik sa labas sa ibabâng bahagi. Transkripsiyon ito
ng isang interbiyu para sa proyektong Kapayapaan: Sa Ilang Wika sa Filipinas ng KWF.

Jonas Palada, pakikipanayam nina Lourdes Hinampas at Jaymar Luza, Pambansang Komisyon
para sa Kultura at mga Sining, Lungsod Maynila, 3 Hunyo 2014.

LOURDES: Magandang araw po! Ako si Lourdes Hinampas, kasáma si Jaymar Luza, mga mananaliksik
ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Noong Pebrero 2014, isinagawa ang kauna-unahang Wika
ng Kapayapaan: Pambansang Summit at Palihan sa Malaybalay, Bukidnon. Mula rito, nakalikom ng
mga salitâng nagtataglay ng konsepto ng kapayapaan mula sa ibá’t ibáng wika ng Filipinas. Narito
po ako para mag-interbiyu upang ma-validate at makakuha ng karagdagang datos sa mga salitâng
aming nalikom. Ang datos na makakalap sa interbiyung ito ay gagamitin sa pagbuo ng aklat hinggil sa
kapayaapan. Bílang informant, ilalagay namin ang inyong pangalan sa naturang ensiklopidya.

JONAS: Oo. Kung ang goal ninyo ay mag-validate, sana lahat ng nakalap ninyong mga salitâ dapat
mayroon akong kopya para maski naman ako’y pasalitâ at magpaliwanag. So dapat all my comments
ino-note ko na lang.

LOURDES: Sir, iyon pong sa Waray isang salitâ lang po ang inilista doon. Iyon pong “kalináwan” kayâ
nga po magpapadagdag din po kami ng ibá pang mga salitâ na may kinalaman po sa konsepto ng
kapayapaan. Sir, ang interbiyu po namin ay aming irerekord. Okey lang po ba iyon?

JONAS: Okey lang.

LOURDES: At sakâ po Sir, ang awtput ng proyektong ito ay ilalathala. Ilalagay po namin ang inyong
pangalan bílang impormant. Sir, ano po ang inyong buong pangalan?

JONAS: Dr. Jonas V. Palada.

LOURDES: Sir, ano po ang posisyon ninyo sa inyong unibersidad?

JONAS: Sa academe position ko associate professor at hinirang bílang dean ng students and alumni
affairs at the same time direktor ng Sentro ng Wika at Kultura ng aming unibersidad.

LOURDES: Sir, saang unibersidad po ito?

JONAS: Eastern Samar State University.

LOURDES: Sir ano po ang katutubong wikang inyong sinasalitâ?

JONAS: We have that Waray.

LOURDES: Ano pa po ang ibáng wikang sinasalitâ ninyo?

JONAS: Lahat naman ng wika ng Leyte at Samar ang tawag naman doon is Waray. Sa Samar part.
Although mayroon doon sa southern part ng Leyte, mayroon siláng Kanâ. Kanâ iyong Bisayang
Sebwano. So hindi lahat ng Leyte-Samarnon they speak the Waray language. Kasáma na rin doon iyong
mga, a, Sebwano Bisaya sa southern part ng Leyte.

68 | Introduksiyon sa Saliksik
LOURDES: Opo. So pero kayó po marunong po kayó ng Kanâ?

JONAS: Hindi, hindi.

LOURDES: Talagang iyong Leyte-Samarnon at sakâ po English sakâ Filipino.

JONAS: Kayâ nga may hiráp sa pag-unawa sa konsepto ng wika ng Leyte-Samarnon kasi may dalawang
konsepto iyon e. Lineyte-Samar/Lineyte na Waray at sakâ Samarnon na Waray.

LOURDES: A.

JONAS: Ibá, even the Waray itself mayroon pang ibá-ibáng mga pagkilála ng tawag ng bawat salitâ kayâ
maraming confusions doon. Ang Samar kasi may tatlong bahagi iyon, e. The northern, the eastern, sakâ
western. Out of that three ibá-ibá ang kaniláng pagkilála ng bawat salitâ. So may kaguluhan actually.
Depende kung saan. Halimbawa iyong ibinigay mo sa akin na konsepto ng salitâng “kamingáwan.” Ibá
iyong aming pananaw dito sa aming bandáng silangan ng Samar kayâ hindi iyon masasabing iyon ang
buong Waray, depende kung sino ang nakausap mo at sino ang kakausapin mo.

LOURDES: So, Sir, doon na po kami papasok, iyong mga tanong na po namin ay may kinalaman po sa
kapayapaan. Katulad po ng nabanggit kanina. Iyong isa lang naman po kasi iyong isinulat nilá pero sa
ano po, sa Lineyte-Samarnon. Ano po talaga ang katumbas ng salitâng payapa?

JONAS: A, doon sa bandá ng Lineyte ng Tacloban ng Waray ng Lineyte. Tama iyon silá. Iyong sinasabi
niláng “kamíngaw.” Ano iyon?

LOURDES: Ito po, Sir. Ang sinulat po ay “kalináwan.”

JONAS: “Kalináwan.” Okey “kalináwan.” Ang amin naman doon sa Samar iyan ang “kamingáwan.”
“Kamingáwan,” peaceful.

LOURDES: A.

JONAS: Doon sa kanilá linaw kasi pag sinabi nating “línaw,” it’s clear.

LOURDES: Opo.

JONAS: Amin naman hindi. “Kamingáwan.”“Pagpamíngaw,” peaceful.

LOURDES: A, Sir, ano po iyong salitâng-ugat nitóng “kamingáwan.”

JONAS: “Míngaw.”

LOURDES: “Míngaw” po. Sir tama po ba iyong ispeling. M-I-N-G-A-W?

JONAS: Oo.

LOURDES: So “míngaw,” so “kamingáwan.” Ano pa po iyong ibáng mga panlapi na idinaragdag dito?

JONAS: “Kamingáwan,” so it’s ka-. “Pagpamíngaw,” pag-.

LOURDES: Ano po iyong ibig sabihin noong “pagpamíngaw”?

JONAS: “Pagpamíngaw,” ibig sabihin doon para walang gulo.

Introduksiyon sa Saliksik | 69
LOURDES: A, walang gulo. So iyon pong “míngaw”? Ay payapa? Tapos iyon pong “kamingáwan” ay
kapayapaan. Opo. Sir bukod po dito? Wala na pong ibá?

JONAS: Iyon lámang. “Pagpamíngaw.”“Míngaw,” ayon.

LOURDES: A, okay po, Sir. Sa ano pong konteksto ninyo ginagamit ang salitâng ito sa pamayanan?

JONAS: Halimbawa sa bahay. Kapag walang pag-aaway-away we use the word “pagpamíngaw” para for
the sake na walang gulo, hinto na táyo sa usapan para “mamíngaw” na táyo. “Magmamíngaw” na táyo.
“Magmamingaw,” stop. Para wala nang argue. Let us stop this one para “mamíngaw” na.

LOURDES: A, opo. So una po sa bahay. E, Sir sa pamayanan po?

JONAS: Sa pamayanan? Ganoon din. Halimbawa sa isang tanggapan, sa isang agency, kasi they will…normal
iyong mga usap-usapan. Iyong mga sinasabi natin na iyong ano-ano…iyong parti-partido, ganiyan-ganiyan.
Maiiwasan iyon. Stop this argue. Stop this issue para “magmamíngaw.” Para “pagpamíngaw.” Ganoon iyon e,
para tumahimik na. Let’s stop this ibig sabihin sa Ingles para ma-stop na iyon.

LOURDES: A, “magpamíngaw” na táyo. Sir, bukod po sa salitâng “míngaw.” Ano pa po ang ibáng salitâ
na may kaugnayan din po sa konsepto ng kapayapaan? Hindi po iyong totally katulad ng salitâng
kapayapaan pero may kinalaman po roon sa konsepto rin ng kapayapaan.

JONAS: Other than that naiiugnay lámang noon sa mga ganoong usapin, “magpamíngaw.” Iyon lang
pagpatahimik. Wala na. Limitado iyong konsepto ng salitâng “pagpamíngaw” doon sa mga bagay na to
stop, to listen iyong mga ganoon.

LOURDES: Sir, ibá pa mismong mga salitâ, halimbawa?

JONAS: Maliban sa “pamíngaw”?

LOURDES: Opo.

JONAS: Parang sa Waray?

LOURDES: Opo sa Waray po Sir.

JONAS: Okay. “Paghunóng,” pag-stop.

LOURDES: A, “hunóng” ay pag-stop. Parang pagtigil na po.

JONAS: Para tumahimik na. Ayon. “Hunóng,” “paghunóng.” So mayroon táyong affix doon, panlapi na
pag-. “Paghunóng,”“hunóng,”“humunóng.”

LOURDES: Okey po, Sir bukod pa doon? Wala na pong ibá? Halimbawa Sir, siyempre kasáma sa konsepto
ng payapa ay pagmamahal. May ibá pa ba kayóng termino?

JONAS: Pagmamahal, pagpatahimik, katahimikan.

LOURDES: Sir ano po iyong ibig sabihin sa inyo ng katahimikan?

JONAS: Tahimik is “míngaw,” e. Yung “pagmamíngaw” may katahimikan, peaceful kayâ nakokonek din
iyong word na iyon.

LOURDES: A, so ano ang katahimikan? Bukod pa doon wala na po ba?

70 | Introduksiyon sa Saliksik
JONAS: Wala na.

LOURDES: Sir, ang pangyayari po sa Yolanda, kayo po ba ay sobrang apektado?

JONAS: Naramdaman namin. Hindi naman kaagad. Nagkaroon kami kaagad ng reaksiyon tungkol doon
pero ang pangamba nandoon, alam mo kung bakit nangyari iyon because kami mismo na kaming
biktima hindi namin maramdaman iyong naramdaman ng ibá. Although it happens na before ng
Yolanda nagpunta ako ng Maynila. Nakakapangilabot because nakíta namin sa telebisyon iyong mga
ganoong pangyayari pero iyong worry nandoon iyon.

LOURDES: Opo. Kasi Sir siyempre ibá po iyong nakikíta namin sa TV, medyo nagkaroon ng gulo. Di ba
parang naging chaotic po dahil maraming pong mga looting. Sa palagay ninyo po paano iyon isinaayos
para maging payapa po ulit ang inyong lugar?

JONAS: So nangyari nga iyon because of the a, pumasok na iyong usapin tungkol sa pagtulong ng
gobyerno, ng pamahalaan. So doon naging matahimik although hindi na-stop doon dahil pumasok rin
ang usapin ng politika. Although ibig kong sabihin doon, hindi ko minasamâ iyong anumang konsepto
at pag-a-argue doon sa mismong leadership ni Mayor Romualdez na kung saan kung tutuusin dapat
bigyan siya ng credit doon dahil totoo at naniniwala ako doon sa mga usapin na tungkol sa kaniya
ay talagang tahimik at maganda ang kaniyang pagsasaayos tungkol sa pagtulong mismo ng mga
Taclobanon. Although doon sa mga isyu dahil nahaluan ng politika ay may mga negative connotation
doon because you know even the wearing of t-shirts, pangit iyon. Sa totoo lang, pero kung ako ang
tatanungin ninyo dahil malapit ang bayan namin sa Tacloban, wala. Lahat kumilos para maisaayos lahat.
Lalo na sa mga nawalan ng pamilya.

LOURDES: So halimbawa po ba Sir, mayroon po ba kayó doon parang mga banner para po magkaisa
ang mga tao? Ano po ang mga salitâ para makuha po ulit ang tiwala ng mga tao?

JONAS: Kami wala kaming nagawa pero may nakíta kami. Iyong very common doon, palasak iyong mga
salitâng tulong, humihingi ng pag-asa.

LOURDES: Sir, ano po ang pag-asa sa inyo?

JONAS: Ang pag-asa sa Waray ay “pagláom,” “pagláom,” pag-asa. Ibig sabihin pag may “pagláom” may
pag-asa pa kami na bumangon, umasenso, umangat. “Pagláom” iyon sa Waray. Iyong “búlig” ay help,
“tambúlig” Taclobanon, “búlig” is tulong.

LOURDES: Sir, ang mga Samarnon at Leytenon, masasabi ninyo po ba sa pangkalahatan na kayó po ay
mga mapayapang tao?

JONAS: Oo naman, although it has a negative connotation dahil sa mga words na ginagamit iyong
Waray. Kung alam mo lang ang history doon sa salitâng Waray. Mayroon nang kuwento doon.

LOURDES: Sir, maaari ninyo po bang ibahagi sa amin ang kasaysayan na iyon?

JONAS: Waray?

LOURDES: Oo. Kasi po sa pinalaganap ng midya. Ang mga Waray ay matatapang. Pero ganoon po ba
talaga?

JONAS: Actually punta táyo doon. Gusto kong linawin iyong isyu tungkol sa salitâng Waray. Ang salitâng
Waray. There’s no such word as Waray. Walang salitâng matatawag na Waray. Ito’y mula sa isang kuwento
ng mga dalubhasa sa mga deputado sa wika doon sa Tacloban na kung saan nagsimula ang usapin nitó
mismo ng mga taga-Leyte at Samar lámang ang kumuha at umimbento ng salitâng Waray. Nag-umpisa

Introduksiyon sa Saliksik | 71
ito, nang ang taga-Leyte at Samar ay nagpunta ng Maynila, pagkatapos bumuo silá ng isang gawaing di
maganda na binansagan nilá na Waray-Waray.

LOURDES: Ano po ibig sabihin ng Waray-Waray?

JONAS: Ito’y isang kabuuan ng isang grupo na mismong taga-Leyte at Samar lámang. Na gumawa ng
kabalbalan at siyang sumira ng pangalan ng salitâng Waray. Because ayon doon sa pagkaalam ko bílang
literature at language teacher. Sa aking pananaliksik ito’y isang tulang binanggit ni Iluminado Lucente,
sinabi niya doon ang tunay na wika namin ay Lineyte-Samarnon kung meron pa táyong paraan para
baguhin dapat ito’y baguhin at dapat tawagin na Lineyte-Samarnon.

LOURDES: So, ibig sabihin Sir, iyong Waray-Waray ay parang lumikha ng gang mula Tacloban at Samar?

JONAS: Mismo na taga-Leyte at Samar lámang ang napunta dito sa Maynila na siláng gumawa. Pero ang
alam mo? Nakasanayan na rin ng ibá at natutuwa na rin ako we have already the name Waray sabi nga
sa isang ano, e. What is in a name, andiyan na iyan. Although we corrected it from our lecture, discussion
doon sa aming estudyante na ang tunay na wika ng mga taga-Leyte at Samar ay Lineyte Samarnon. At
ito’y ituro na hindi pag Waray-Warayon.

LOURDES: So halimbawa Sir pag ginamit namin itong entri na ito sa aklat pangkapayapaan. Ang gusto
ninyo pong gamitin namin ay Lineyte-Samarnon. At hindi na po Waray?

JONAS: Oo, although just the same, you just use the word Waray. Lineyte-Samarnon is original in region
eight na dáting ganiyan ay Waray, pero actually academically ganoon talaga ang pagkilála natin although
sa pag-aaral namin we call it Lineyte-Samarnon. Maganda iyon para ituro natin.

JAYMAR: Pero, Sir sa inyo po, Sir sa lugar po sa Samar ito po talaga ang ginagamit ninyo hindi po Waray?

JONAS: Hindi, Waray pa rin.

LOURDES: Hindi ninyo po ba tinatawag na Waray ang inyong sarili?

JONAS: Waray pa rin, ewan ko, sabi ko ako mismo. You know, literature teacher just the same using my
book in my Waray, in my Lineyte-Samarnon book. Kasi iyon na, sa isip ko iyon ang madalîng matutuhan.
Madaling maintindihan ng maraming pang mga batà o mga kabataan na magsisipag-aral ng tunay na
dahilan, pagkilála sa aming wika kayâ dapat talaga baguhin na Lineyte Samarnon.

LOURDES: Iyon lang po, Sir. Salamat po.

Sa pakikipanayam nina Bb. Lourdes Hinampas at G. Jaymar Luza kay Dr. Jonas
Palada, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura sa Eastern Samar State University, nabanggit
na ang isla ng Samar ay nahahati sa tatlong probinsiya—kanlurang Samar, ang kinikilalang
pinakamalaki sa tatlo, hilagang Samar, at silangang Samar. Napag-alaman din nilá na sa bawat
probinsiya ay ibá-ibá ang pagkilála at pananaw ng mga tao sa mga salitâ. Inihayag ni Dr. Palada
na sa silangang Samar ang itinutumbas sa salitâng kapayapaan ay “kamingáwan”samantalang
sa gawîng Lineyte ng Tacloban, ito ay “kalináwan.” Ang dalawáng salitâng ito ay nag-ugat sa
“míngaw”at “línaw”na ang ibig sabihin ay payapa.

Idinagdag pa ng impormant na ang “míngaw”ay ginagamit sa pang-araw-araw na


pakikipagtalastasan sa loob o labas man ng tahanan, sa isang partikular na komunidad, at mga
ahensiya ng pamahalaan. Madalas itong ginagamit kung nais iparating ng isang tao na itigil

72 | Introduksiyon sa Saliksik
na ang usapan kung hindi na maganda ang takbo nitó at nang sa gayon ay makaiwas sa gulo.
Halimbawa sa mga lokal na pamahalaan, maaaring maging sanhi ng hindi pagkakaunawaan
ang mga isyung pampolitika kayâ maaaring sabihin na “itigil na ang usapang ito para
magmamíngaw.”

Sa pagpapatuloy ng pakikipanayam kay Dr. Palada, tinanong ni Bb. Hinampas


ang kaniyang naging reaksiyon sa pagsalanta ng bagyong Yolanda na labis na nakaapekto sa
maraming pamilya sa Samar. Sinabi niyang halos mawalan silá ng pagláom o pag-asa ngunit
nagpatuloy pa rin ang “búlig” o pagtutulungan ng bawat isa.

Bago matapos ang interbiyu kay Dr. Palada, nilinaw niyang walang salitâng matatawag
na Waray at sakâ pahapyaw na inilahad ang kasaysayan nitó. Ayon daw sa kuwento ng mga
dalubhasa sa wika sa Tacloban, nang magpuntang Maynila ang mga taga-Leyte at taga-Samar,
binansagan niláng “Waray-waray” ang mga gawain niláng hindi maganda. Bagaman marami
ang hindi nakakaalam sa tunay na ugat nitó, aniya’y dito nagsimula ang malawakang paggamit
ng salitâng Waray bílang pantukoy sa mga taga-Samar at taga-Leyte at sa wikang sinasalitâ nilá.

Depende sa paksa at tuon ng saliksik, ang sumusunod ay datos na nakukuha sa anumang


isinasagawang pagsasaliksik sa labas. Ang ilan ay batay na rin sa isinagawang pakikipanayam
kay Dr. Jonas Palada:

• Personal na impormasyon ng mga impormant (pangalan, hanapbuhay, edad, numero,


katutubong wikang sinasalitâ, katutubong pamayanang kultural na kinabibilangan, at
katungkulan sa pamayanan);
• Ugnayan ng mga tao sa bawat isa at sa kaniláng paligid;
• Ibá’t ibáng kultura, paniniwala, kaugalian, at gawî ng mga tao;
• Kasaysayan at mahahalagang impormasyon hinggil sa lugar;
• Tugon at reaksiyon ng mga táong sangkot sa fildwork hinggil sa anumang gawain o
aktibidad na isasagawa; at
• Mga impormasyong di-inaasahang makalap na maaaring magsilbing tulong at gabay
sa malawakang pagsasagawa ng saliksik.

Ang pagsasaliksik sa labas ay nakatuon sa danas at direktang obserbasyon na kinikilálang


pangunahing pamamaraan sa pangangalap ng datos bukod pa sa interbiyu, survey, at ibá pang
metodong maaaring gamitin. Ang mga datos na ito ay maituturing na may mataas na validity
kompara sa nakukuha sa ibá’t ibáng klaseng ekperimentong kalakip ang estadistika. Ito’y dahil
sa pagkakaroon ng deskriptibo at detalyadong ilustrasyon ng mga pangyayari na naranasan
mismo ng mananaliksik.

Malayà ang metodong ito at hindi kontrolado ng anumang variable. Ibig sabihin,
inoobserbahan at pinag-aaralan kung ano ang makikíta sa pinuntahang lugar at itinatalâ ang
mga ito. Hindi na kailangang maghintay ng ibá pang partikular na pangyayari bago italâ
ang natunghayan. Lahat ng maaaring isáma sa panimulang listahan ng nakalap na datos ay
maaaring makapagbigay ng mahalagang tungkulin sa patuloy na pagsasagawa ng saliksik.

Introduksiyon sa Saliksik | 73
Kung papansinin, kasáma ang pagsasaliksik sa labas sa pang-araw-araw na gawain
ng sinuman. Mula sa pinakapayak hanggang sa masalimuot na gawain, hindi mawawala
ang pamamaraang ito. Maaari itong isagawa na may hawak na kongkretong plano at maaari
ding isagawa nang biglaan. Lumalabas ng tahanan upang alamin kung ano nga ba talaga ang
malakas na ingay na iyong naririnig; lumalabas ng klasrum upang itsek kung paparating na
ang guro; at lumalabas ng opisina upang mag-inspek sa lugar na pagdarausan ng team building
o di kayâ’y magmonitor ng mga gawaing pang-opisina na pinangunahan ng partikular na
sangay. Ang lahat ng ito’y bahagi ng pagsasaliksik sa labas na nangangailangan ng masigasig na
pagmamasid, matalas na pandinig, at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa.

74 | Introduksiyon sa Saliksik
INTERBIYU
Kriscell Largo Labor

ALAM NATIN ANG interbiyu sa palasak na kahulugan nitó bílang isang pag-uusap sa paraang
tanungan at sagutan. Sa tuwing pinanonood ang paboritong artista na tinatanong kung ano
ang bago sa kaniya, o ang kinaiinisang politiko na nahihirapang ipaliwanag ang kaniyang
pagkontra sa RH Bill, o kapag tinatanong ng teller ng bangko o opisyal ng eskuwelahan
tungkol sa family background para sa loan na inaaplayan, o kapag tinanong ng nanay kung
saan kumain, nagiging bahagi ang isang taong interbiyu araw-araw.

Ibig sabihin, nagaganap ang interbiyu sa ibá’t ibáng konteksto. Karaniwan na dito ang
interbiyu para sa trabaho na isang pormal na pag-uusap ng employer at employee hinggil sa mga
kasaysayan at kasanayán ng employee at sa mga inaasahang tungkulin at benepisyo sa trabaho.
Malaganap naman ang gámit ng interbiyu sa sikolohiya, partikular sa sikiyatriya—nagsisikap
ang sikiyatra na makipag-usap sa mga pasyenteng dumaranas ng sakít gaya ng depresyon
upang mabigyan ng diyagnosis at lunas. Sa peryodismo at mass media na nagtatampok ng mga
reporter na nag-uulat hinggil sa isang usapin na pagkaraan ay sumasangguni sa isang eksperto
o kayâ nangungumusta halimbawa sa mga residenteng apektado ng kalamidad.

Sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ipinakahulugan ang interbiyu bílang pormal
na púlong ng dalawa o higit pang tao na kumukonsulta o sumusuri sa ibáng tao. Pormal
na púlong ito dahil may hinihinging paghahanda sa parte ng interviewer. Kumukonsulta o
sumusuri ito sa ibáng tao dahil may mga tanong táyo ukol sa isang paksa o usapin at may mga
ekspertong makapagpapaliwanag nitó o kayâ naman ay may mga tao nang nakaranas ng isang
pangyayari o sitwasyong interesado táyong unawain. Sa dalawang katangiang ito, nag-aanyo
ang interbiyu bílang isang pamamaraan sa saliksik—isa na itong proseso upang masagot ang
isang tanong.

Ang pag-usbong ng interbiyu ay bahagi ng pagsigla ng oryentasyong kuwalitatibo,


lalo sa larang ng sikolohiya at ng sosyolohiya noong 1980s at 1990s. Ang kuwalitatibong
saliksik (qualitative research) ay tumutukoy sa pagtuklas at pagpapaliwanag ng katangian ng
nais saliksikin. Layunin nitó na alamin ang mga bakit at paano sa pag-iral, pagpapakahulugan,
at pagpapasiya ng mga tao o grupo ng tao o ng mga institusyon sa isang lipunan o bansa.

Itatanghal ng kuwalitatibong saliksik na hindi na uubra ang purong eksperimento,


gaya ng ginagawa sa kuwantitatibong saliksik (quantitative research), dahil ang mga usapin
tulad ng identidad, kasarian, uri, etnisidad, at ibá pang katulad na salik ay hindi nasusukat
ng gradwadong silindro o timbangan, ni hindi magkakatulad na inuunawa at binibigyang-
kahulugan ng ibá’t ibáng tao sa ibá’t ibáng yugto ng panahon.

Umunlad ang interbiyu sa sarili nitóng paraan bílang isang metodo ng kuwalitatibong
saliksik at nananatíling pinakagamitín at mayamang balon ng saliksik. Sa katunayan, may
tinatawag nang interview studies at interview study design na naglalayong paunlarin pa ang
praktika at kritisismo ng interbiyu.

Introduksiyon sa Saliksik | 75
Mga Uri ng Interbiyu
Sa ngayon, may limáng uri ng interbiyu: (1) estrukturado (structured); (2) semi-estrukturado
(semi-structured); (3) di-estrukturado (unstructured); (4) impormal (informal); at (5) focus
groups. May kani-kaniyang gamit ang mga uring ito depende sa layuning pampananaliksik
at sa nais na buuing relasyong interviewer-interviewee. Narito ang pangkalahatang kalikasán,
gámit, pamamaraan, at benepisyo ng bawat uri:

Estrukturado

INTERBIYU UKOL SA PAGSASALING PAMPANITIKAN

1. Ano ang uri ng Filipino ang dapat gamitin sa pagsasalin ng mga banyagang akdang pampanitikan?
a. Magaan, madalîng maintindihan, at napapanahong wika
b. Mahalagang panatilihin ang uri ng wikang ginamit sa akda, lalo kung klasiko ito
c. Taglish at kolokyal na wika

2. Ano ang dapat na priyoridad na banyagang akdang isasalin sa Filipino?


a. Americano
b. Europeo
c. Asiano

3. Ano ang inaasahan mong problema sa pagbabasá ng mga salin sa Filipino?


a. Mahirap basahin at intindihin, lalo ang mga “malalalim” na salitâ
b. Hindi makukuha ang orihinal na bisàng pampanitikan ng orihinal na akda
c. May mga banyagang salitâng hindi maisasalin sa Filipino

Ang estrukturadong interbiyu ay binubuo ng mga tanong bago pa isagawa ang interbiyu,
at karaniwang limitado ang set ng mga tugon. Ibig sabihin ay may inilalatag nang tiyak na
opsiyon para sa mga respondent. Itatanong nitó sa bawat respondent ang parehong serye
ng mga tanong. Inaasahang hindi gaanong mag-iibá-ibá ang tugon at kaunti lang ang mga
nakabukás na tanong. Konsistent at estandardisado naman ang pagkakasunod-sunod ng
mga tanong. Hábang neutral ang papel ng interviewer, kaswal at magaang makitúngo, hindi
nagpapataw ng kaniyang opinyon.

Ginagámit ito kapag gamay na gamay at nadevelop nang mabuti ang paksa, káyang
makalikha ng interviewer ng mga saradong tanong na sasapat at malinaw na tutugon sa
pagkaunawa ng paksa.

Karaniwang isinasagawa ito nang batay-sa-papel (paper-based) ang gabay, sa


pamamagitan ng liham o harapang interbiyu, interbiyu sa telepono, batay-sa-web (web-based)
sa pamamagitan ng email, at self-report.

Ginagámit ito dahil episyente para sa mga interviewer na nahasa sa pagsunod ng


panuto sa gabay sa interbiyu o palatanungan. Gayundin, hindi kinakailangang magdevelop
ng rapport na interviewer-interviewee, at makapagpoprodyus ng mga konsistent na datos na
maaaring ikompara sa ibá pang mga respondent.

76 | Introduksiyon sa Saliksik
Semi-estrukturado

INTERBIYU SA TAGAPANGULO NG KWF

1. Nasasaad po sa RA7104 na mandato ng KWF ang pagsasalin sa Filipino ng mga akdang banyaga,
ano po ang diwa ng ganitong atas? Nangangahulugan po ba ito ng pagkilála ng gobyerno sa
pagsasalin bílang isang sining o bílang isang utilidad?
2. Mayroon po kayóng malawakang pagsasalin ng mga akdang banyaga sa inyong Aklat ng Bayan,
ano po ang maihahandog ng inyong produkto sa mga karaniwang Filipino?
3. Personal po ninyong itinuturing na napakahalaga ng pagsasalin, bílang kayó ay isa mismong
tagasalin, paano po ninyo hinubog ang inyong bisyon upang maging kongkretong proyekto? Ano
po ang pinakadiwa ng inyong isinusúlong para sa pagsasalin? Ano-ano ang inyong mga proyekto
para sa pagsasalin?
4. Sa inyong ilang panayam ay naiugnay ninyo ang tungkulin ng pagsasalin sa pambansang kaunlaran,
sa lawak ng inyong mga naipatupad nang proyektong salin, sa tingin po ba ninyo ay may unti-unti
na din itong epekto sa ating kaunlaran? Ano po ang inyong indikasyon para dito?
5. Sa inyo din pong ilang panayam ay nabanggit ninyong susi ang pagsasalin sa intelektuwalisasyon
ng wikang Filipino, ano-ano po ang mga engkuwentro sa pagsasalin na may pinakamatinding
epekto sa wikang Filipino? May mga salitâng banyaga po ba na masasabi ninyong matagumpay na
natumbasan sa Filipino?
6. Bukod sa panitikan, sinimulan na din ninyong isalin ang mga klasikong pilosopiya, ano-anong mga
salitâng banyaga sa pilosopiya ang may katumbas na sa Filipino? Paano po ninyo ito ipopopularisa?

Sa semi-estrukturadong interbiyu, isasagawa ng interviewer at mga interviewee ang isang


pormal na interbiyu na may gabay o talaan ng mga tanong at paksa na kailangang matalakay
sa interbiyu, karaniwang may pagkakasunod-sunod. Sinusundan ng interviewer ang gabay, at
káya ding sundan ang mga paglihis sa gabay kung kinakailangan para sa higit na pag-unawa
ng paksa.

Ginagámit ito kapag may higit sa isang beses na maiinterbiyu ang mga interviewee, o
kapag magpapadalá ng maraming interviewer sa field upang kumolekta ng datos. O kapag nais
ng malinaw na set ng panuto para sa interviewer at nais ng maaasahan at mapagkokomparang
kuwalitatibong datos. Madalas ay may nauna na itong obserbasyon, impormal at di-
estrukturadong interbiyu, na magpapaunawa ng paksa sa mananaliksik túngo sa paglikha ng
makabuluhang mga semi-estrukturadong tanong. Isinasagawa din ito kapag káyang sundan
ang mga nakabukás na tanong na labas sa gabay pero makabuluhan sa pag-unawa ng paksa.

Karaniwang isinasagawa nang batay-sa-papel ang gabay at nakarekord ang audio


para sa transkripsiyon at pagsusuri lalo sa mga nakabukás na tanong. Iminumungkahing may
katuwang na tagatalâ ang interviewer upang makapagpokus ang interviewer sa pagdevelop ng
diyalogo at rapport.

Ginagámit ito dahil may naihandang gabay na mga tanong at nais bigyan ng kalayaang
makapagpahayag ang mga impormant hinggil sa paksa. Makakukuha dito ng maaasahan at
mapagkokomparang kuwalitatibong datos.

Introduksiyon sa Saliksik | 77
Di-estrukturado

INTERBIYU SA FULL-TIME NA KOMISYONER PARA SA PROGRAMA AT PROYEKTO NG KWF

Mga Punto ng Talakayan:

1. Palagiang Proyekto: Buwan ng Wika


2. Bagong Proyekto: Buwan ng Panitikan
3. Proyektong Publikasyon: Aklat ng Bayan
4. Proyektong Seminar: Ortograpiyang Pambansa, Manwal sa Masinop na Pagsulat, at
Korespondensiya Opisyal

Sa di-estrukturadong interbiyu, magsasagawa ng pormal na interbiyu ang interviewer at mga


interviewee nang may takdang oras. Ang gabay ng interbiyu ay batay sa malinaw na plano
ng pokus at layunin ng interviewer, maaaring nása anyo ito ng isang punto ng talakayan.
Walang estrukturadong gabay sa interbiyu, sa halip binubuo ng interviewer ang rapport sa mga
interviewee at hinahayaan siláng magpahayag sa kani-kaniláng sariling paraan. Nakabukás ang
mga talakayan at may kaunting kontrol sa tugon ng mga interviewee.

Ginagámit ito kapag nadevelop na ng mananaliksik ang sapat na pagkaunawa sa paksa


at may malinaw nang adyenda ng isasagawang talakayan, hábang nananatíling bukás sa rebisyon
ng pagkaunawang ito batay sa tugon ng mga interviewee, at kapag handang makipagdiyalogo
ang interviewee sa mga interviewee upang maunawaan pa ang paksa.

Dahil ang interbiyu ay maaaring madevelop sa di-inaasahang direksiyon, mahalagang


nakarekord ang talakayan, at pagkaraan ay magawan ng transkripsiyon para sa pagsusuri.
Iminumungkahing may katuwang na tagatalâ ang interviewer upang makapagpokus ang
interviewer sa pagdevelop ng diyalogo at rapport.

Isinasagawa ito upang higit na mauunawaan ang isang paksa o karanasan,


makapagpopokus sa danas ng interviewee hinggil sa paksa, at may pagkakataóng masuri
ang paunang pagkaunawa ng interviewerhinggil sa paksa túngo sa bagong pagdalumat dito.
Mahalagang hakbang din ito túngo sa pagdevelop ng estrukturadong gabay na tanong hinggil
sa paksa.

Impormal

IMPORMAL NA INTERBIYU SA GAMIT NG WIKA SA PAMAHALAAN

Obserbasyon sa gamit ng wika (pasalitâ at pasulat) sa Pamahalaang Panlungsod ng Makati.

Sa impormal na interbiyu ay kaswal ang pakikipag-usap at obserbasyon sa mga respondent at


hindi gumagámit ng estrukturadong gabay. Inaalala ng mananaliksik ang kaniyang pakikipag-
usap sa mga impormant, at ginagámit ang mga isinulat na talâ sa pagbuo ng kaniyang karanasan
sa fild.

78 | Introduksiyon sa Saliksik
Ginagámit ito bílang bahagi ng obserbasyon ng isang kaayusan o pangyayaring
panlipunan at sa panimulang yugto ng pagdevelop ng larang na nais saliksikin, lalo’t kulang pa
ang mga pag-aaral ukol dito. Nagsasagawa ng fildwork ang interviewer para makapag-obserba
at makapag-interbiyu nang impormal túngo sa pagdevelop ng pagkaunawa sa paksa. Posibleng
makapaghawan ito ng bagong tunguhin o paksa na hindi pa napagtutuunan ng mga naunang
saliksik.

Kailangan sa impormal na interbiyu ang notbuk o mga papel para sa pagtatalâ ng


mga obserbasyon at usapan (ang mga talâ ay idedevelop sa isang mas kompletong salaysay
ng impormal na interbiyu). Mahalaga namang balikan at buuin ang mga talâ pagkaraan ng
impormal na interbiyu hábang sariwa pa sa gunita ang mga detalye ng obserbasyon at usapan.

Hindi nitó kailangan ang pagpapaiskedyul sa mga respondent dahil kaswal na pag-
uusap at obserbasyon ito. Hindi ito lilikha ng presyur sa respondent at magbibigay ng kalayaan
sa kaniláng magsalitâ. Makatutulong sa pagbubuo ng rapport, tiwala, at pagkaunawa sa paksa
ng mga respondent at maaaring maging pundasyon ito para sa pagdevelop at pagsasagawa ng
mga estrukturadong interbiyu.

Focus Group

FOCUS GROUP SA MGA TAGASALIN

Grupo A: Mga Tagasalin sa Filipino


Grupo B: Mga Tagasalin sa mga Katutubong Wika ng Filipinas

Mga Punto ng Talakayan:

1. Ano ang kahalagahan ng pagsasalin sa wikang inyong kinakatawan?


2. Saan dapat unang isalin ang akdang banyaga: sa Filipino bago sa mga katutubong wika
o sa katutubong wika bago sa Filipino?
3. Susi ba ang pagsasalin sa pambansang pagkakaisa?
4. Dapat bang isalin sa Filipino ang mga akda sa katutubong wika at isalin sa katutubong
wika ang mga akda sa Filipino?

Ang focus group ay isang paraan ng pagkalap ng mga datos, semi-estrukturadong interbiyu para
sa grupo, may tagapamagitan, may estandardisadong mga tanong, at may tiyak na bílang ng
focus groups o sampling na mahalaga sa paksa, may tiyak na bílang ng kalahok bawat grupo
(karaniwang 6-10).

Ginagámit ito sa pagtuklas ng mga bagong larang ng saliksik, o ng mga paksang


mahirap obserbahan at di-agad naaakses gaya ng aktitud at pagpapasiya. O kapag nais
makakuha ng konsentradong set ng obserbasyon sa maikling panahon, kapag nais matiyak ang
perspektiba at danas ng mga grupong marginalized , at kapag nais kumalap ng mga paunang
datos, bumuo ng gabay sa survey at interbiyu, at linawin ang mga findings mula sa ibáng
metodo.

Dahil posibleng nagkakasabay-sabay ang pagsasalitâ sa focus groups, makatutulong ang


audio at videorecording para sa pagsusuri ng usapan pagkaraan. Kailangan ang transkripsiyon

Introduksiyon sa Saliksik | 79
ng audiorecord. Mahalagang may 2-3 mananaliksik (bukod pa sa tagapamagitan) na dadalo sa
mga grupo upang magtalâ ng mga mapag-uusapan at may pagtatalâ ng mga datos na di-berbal
hábang nagtatalakayan.

Isinasagawa ang focus group upang makapagprodyus ng malaking datos sa maikling


panahon, makalikha ng mga akses sa paksang hindi agad naoobserbahan, makalikha ng akses
para sa paghahambing ng mga danas ng mga kalahok ng focus group, at matiyak na ang mga
datos ay tutugon sa paksa ng mananaliksik.

Ilan Pang Paalaala



Ilan pang talâ ang mahalagang itawag ng pansin kaugnay ng paghahanda bago, hábang, at
pagkaraan ng interbiyu. Karaniwang isinasagawa ang interbiyu nang magkaharap ang interviewer
at interviewee. Sa ganitong sitwasyon, Bago ang interbiyu, kakailanganing maghanda ng
plano sa pagsasagawa ng interbiyu at mga gastusin ng gawain. Sa paghahanda ng plano
para sa interbiyu, mahalagang matiyak ang mga layunin at maihanda ang listahan ng mga
tanong. Pagkaraan ay tukuyin ang mga magiging resource person. Dapat isaalang-alang ang
kaniláng expertise kung makatutugon ito sa layunin at inihandang palatanungan. Gayundin,
isaalang-alang ang kaniláng availability at accessibility at maging handa sa mga posibleng
pagbabago ng iskedyul at venue ng interbiyu, sang-ayon sa iskedyul ng interviewee. Ihanay at
ibadyet ang mga gastusin para sa gawain, tukuyin ano-ano ang mga posibleng bayarín gaya ng
transportasyon, materyales, pagkain, at katulad.

Maghanda ng pormal na liham para sa mga interviewee. Para sa komprehensibong


pagtalakay kung paano inihahanda ang isang mahusay na korespondesiya opisyal, maaaring
sangguniin ang Patnubay sa Korespondensiya Opisyal (2014) ng Komisyon sa Wikang Filipino
(libre itong mada-download sa www.kwf.gov.ph). Mahalagang sa liham para sa interviewee,
malinaw ang layunin ng interbiyu, gayundin, huwag kalilimutang ilagay ang kompletong
contact details (cellphone / telepono, at/o email adress na maaaring makontak). Madalas na
nalilimot ng mga batàng mananaliksik na ilagay ang kaniláng contact details kayâ interesado
man ang hinilingan niláng makapanayam ay hindi na silá mababalikan nitó dahil sa kawalan
ng impormasyon sa kontak. Kailangan ding taglayin ng liham ang paghingi ng mga permiso
kung magsasagawa ng tape recording at/o video recording, ipabatid kung sino-sino ang mag-
iinterbiyu, at ano ang layunin ng isasagawang interbiyu.

Kakailanganin din ang tape recorder para magrekord ng buong interbiyu. Kung
walang tape recorder ay maaaring gamitin ang built-in recorder ng cellphone. Magagamit ang
rekord na ito upang iribyu at mabalikan ang interbiyu kapag isasagawa na ang paghalaw at
pagsulat ng mga datos mula dito. Mahalaga din ang pagtatalâ ng mahahalagang punto sa
interbiyu kayâ dapat na may dalang notbuk at bolpen.

Hábang nasa interbiyu naman ay isagawa ang kaukulang pagpapakilala ng sarili


at ng mga kasáma bago simulan ang interbiyu. Bigyan ng briefing ang interviewee ukol sa
layunin ng gawain at ang inaasahang daloy ng interbiyu. Ipabatid na irerekord ang buong
panayam. Sa proseso ng interbiyu, italâ ang mga susing punto ng interviewee at pagkaraan

80 | Introduksiyon sa Saliksik
ay mag-follow up ng mga tanong na maglilinaw at magpapalawig ng mga naturang punto.
Sa pagtatapos ng interbiyu, magpasalamat at ipaalám kung kailan inaasahang mabubuo ang
awtput ng interbiyu at kung kailan inaasahang mabibigyan ng kopya ang interviewee.

Pagkaraan ng interbiyu ay iribyu agad ang audio record at mga talâ na nagawa mo.
Sikaping mahalaw at magawan ng salaysay ang interbiyu sa lalong pinakamadalîng panahon
upang maiwasan ang anumang malîng interpretasyon sa mga impormasyon ng interviewee.
Kapag natapos mo na ang iyong saliksik, huwag mong kalilimutang bigyan ng kopya ng pinal
na awtput ng interbiyu ang mga kinapanayam o resource person na may kalakip na isang
liham pasasalamat.

Posible namang maganap ang isang interbiyu nang hindi magkaharap ang interviewer
at interviewee, lalo kung malayò silása isa’t isa. Sa mga ganitong pagkakataón, sasapat na ang isang
pormal na liham para sa nais mainterbiyu. Tataglayin
ng pormal na liham ang lahat ng mahalagang detalye
tungkol sa interviewer, inilalahad ang layunin ng Ang pag-unawa
interbiyu, at inilalakip ang listahan ng mga tanong
na nais ipasagot sa interviewee.
sa kilos at gawi
Mahalagang maunawaan at maisaloob din
ng isang tao ay
ang aspektong pangwika ng interbiyu. Wika ang mangangahulugan
ginagamit upang iproseso at bigyang-kahulugan
ang danas. Ang pag-unawa sa kilos at gawi ng ng pag-unawa din
isang tao ay mangangahulugan ng pag-unawa din
sa wikang gámit niya. Bílang mananaliksik na sa wikang gámit
gagamit sa pamamaraan ng interbiyu, kailangang
mahusay at malinaw gumámit ng wika; iwasan
niya.
ang mga nakalilitong jargon kung hindi naman
kinakailangan. Gamítin ang wikang komportable
sa dalawang panig. Ang wikang Filipino, na wikang
pambansa ng Filipinas, ay may estado hindi lámang bílang lingua franca ng bansa kundi bílang
opisyal na wika din nitó. Ibig sabihin, makasasapat ang wikang ito sa mga akademikong
gawaing gaya ng interbiyu. Sapagkat itinuturing itong wika ng kaluluwa ng mga Filipino,
makakukuha ng mayamang datos mula sa respondent dahil maipoproseso nilá ang kaniláng
mga danas sa wikang alam na alam na nilá.

Ang “Bakit” sa Interbiyu


Bakit nag-iinterbiyu? Sentral sa tanong na ito ang salaysay. Dahil ang mga táong nakasasalamuha
natin ay may kani-kaniyang salaysay upang bigyang-kahulugan ang mga pangyayaring
personal at panlipunan. Tatawagin ito ng ilang iskolar bílang penomenolohiya o ang pag-
aaral sa kamalayan at materyal na danas ng indibidwal. Sa madalîng sabi, hinahango nating
datos sa interbiyu ang danas at ang pagpapakahulugan ng mga tao sa danas na ito. Mahalaga
ding isaalang-alang sa saliksik hindi lámang ang pagpapakahulugan ng interviewee sa kaniyang
danas, kundi maging ang konteksto na kaniyang pinangagalingan na siyang pumapatnubay sa

Introduksiyon sa Saliksik | 81
pagpapakahulugan niya:

Ang diwa ng pagsasalaysay ay pagpapakahulugan. Kapag nagsalaysay ang isang tao, pinipilì
niya sa kaniyang stream of consciousness ang mga detalye ng kaniyang danas…Ang proseso
na ito sa pagpilì ng mga detalye ng danas, ang pagninilay sa mga ito, pagsusunod-sunod
nitó, at pag-unawa dito ay ginagawang danas sa pagbibigay-kahuluganang pagsasalaysay.
(Seidman, 2006)

Itinuturing na batayang paraan ng pagsisiyasat ang interbiyu. Paraan din ng


nakatalâng kasaysayan ang paggámit ng mga ginunitang danas upang bumuo ng isang naratibo
at makalikha ng pag-unawa sa mga pangyayaring panlipunan. Mayaman sa ganitong datos
ang kasaysayang Filipino. Sa La revolución filipina, matalim ang mga personal na salaysay
ni Apolinario Mabini hinggil sa Rebolusyong 1896, at may katulad ding anghang ang mga
naratibo ng mga biktima ng Martial Law. Hábang sa kasalukuyang panahon ay masigasig
ang midyang Filipino sa pagdodokumento ng mga interbiyu mula sa mga dáting pangulo,
politiko, at mahalaga’t kontrobersiyal na mga personalidad sa lipunang Filipino hanggang
sa mga karaniwang mamamayan na higit na apektado ng usapin ng kahirapan at kawalang-
katarungan. Mahalagang matutuhan hindi lámang ng mga mananaliksik kundi maging
ng mga guro at mag-aaral kung paanong mabisàng magagamit ang mga dokumentaryo ng
midya sa pagtuturo at pagkatuto sa alternatibong midya na ito. At mahalagang susi dito ang
pagkaunawa sa kalikasan at pamamaraan ng interbiyu.

Ilang Usaping Dapat Isaaalang-alang


Layon ng talakayan sa itaas na bigyan ng mga panimulang paghahanda ang mananaliksik,
kapuwa sa kaniyang pisikal at mental na estado. Ang seksiyong ito naman ay sadyang binuo
para pumatnubay sa higit na malalalim na konsiderasyon at pagtitimbang na kailangang gawin
bílang mananaliksik na gagámit ng pamaaraan ng interbiyu: Ano ang responsabilidad ng
mananaliksik sa gawaing ito?

Paano malaláman kung nagsasabi ng totoo ang isang interviewee? Totoo din ba ito sa
ibá pa? Kung isasagawang muli ang interbiyu ng ibáng tao, pareho pa din ba ang makukuhang
tugon mula sa interviewee? Ilan lámang ito sa usapin ng validity, realibility, at generalizability
na kakaharapin bílang mananaliksik. Hindi pa ito ganap na napagkakasunduan ng mga
iskolar, bagaman isinusulong ng ilan ang paggámit ng konsepto ng credibility, transferability,
dependability, at confirmability para sa pagtatáya ng kainaman ng isang interbiyu. Magiging
sandata pa din upang tumugonsa usaping ito ang pag-unawa sa konteksto ng tugon ng mga
respondent.

May pinakamahusay bang teknik ng interbiyu? May mga nagsusúlong ng paghahalò ng


mga uri ng interbiyu at makukuha mula dito ang pinakamahusay na teknik. Ang kahandaan at
kasinupan pa din ang magiging sandigan pagdatíng sa ganitong usapin. Gayundin, matutong
makinig nang mabuti sa mga respondent, at mag-follow up ng mga tanong pagkaraan ng
pagsasalitâ nilá sa halip na putulin ang pagsasalaysay nilá. Mahalaga ding may kaalaman sa
batayang pag-uuri na binanggit sa unahan upang maiangkop ang uri ng interbiyu sa layuning
pampananaliksik.

82 | Introduksiyon sa Saliksik
Mapagsamantala ba sa mga respondent ang interbiyu at hindi naman talaga napabubuti
ang kaniláng sitwasyon? Tumutugon lámang ba ito sa personal na pangangailangan at pagsulong
ng mananaliksik? Ang ganitong usapin ang nagbunsod sa mga ahensiyang gaya ng National
Commisson for the Indigenous People (NCIP) na maging mahigpit sa pagpapapasok ng mga
mananaliksik sa komunidad ng mga katutubo upang protektahan ang kulturang katutubo sa
mga mapagsamantalang mananaliksik at negosyante. Ang hulíng tanong na ito ay hindi para
panghinaan ng loob ang mga baguhang mananaliksik. Higit itong paalaala sa pagtitimbang
kung ano ang tunay na layunin ng saliksik at para kanino’t saan ito.

Paggámit ng Interbiyu Bílang Datos sa Saliksik

Matutunghayan ang isang halimbawang interbiyu sa ibabâng bahagi. Orihinal itong interbiyu
sa wikang Ingles na pinamagatang “Culture Collective” sa Philippine Panorama noong 18
Oktubre 2015 at tampok sina Tagapangulong Virgilio S. Almario ng KWF, Tagapangulong
Felipe De Leon Jr ng NCCA, Pangulong Raul Sunico ng CCP, at Executive Director Rosvi
Gaetos ng CITEM. Isinalin sa Filipino ang bahagi ng panayam sa Tagapangulo ng KWF upang
magámit na lunsaran ng talakayan sa ibabâ. Pagkaraan ay magkakaroon naman ng talakayan
kung paano magagámit ang interbiyu na ito bílang datos sa saliksik.

VIRGILIO S. ALMARIO
Tagapangulo – Komisyon sa Wikang Filipino

Laging tinuturing ang Filipinas bílang amalgama ng ibá’t ibáng kultura na walang tunay
na sariling identidad. Ano ang masasabi ninyo sa ganitong estereotipo?

Una, tama kang tawagin itong estereotipo. At alam natin kapag lumikha táyo ng estereotipo—
bunga ito ng bahagya, kundi man ganap, na ignoransiya.

Ang identidad na Filipino ay ang kabuuan ng lahat ng impluwensiya nitó, na natatangi


ang elementong “katutubo”—ang paraan ng pag-iisip, ang pakikitúngo sa tao at sa mundo, at sa
marami pang ibáng katangi-tanging elementong Filipino—humigit-kumulang buo, mananatili,
at tiyak na mamamayani. At ang lahat ng ito ay nakapaloob o nakaimbak o namamahinga sa wika.

Walang isang purong kultura (o purong wika, sa gayon). Kung nais nating pag-usapan
ang kultura bílang amalgama, ang kulturang Americano ang mainam na halimbawa. Tuwiran
itong supling ng British, at isang hinalong-kalamay ng lahat ng mga kultura ng kawan ng mga
inmigrante nitó. At ipinagpaparangalan at itinatanghal nitó ang sarili bílang tagapagmana (sa
diwa at sa praktika) ng pinakadakilang imperyo (o imperyalista, kung nais mo) ng sibilisasyong
Kanluranin, ang mga Romano (na mismong nagmula din sa klasikong Greek).

Ano ang nagpapatangi at nagpapaibá sa sining at kulturang Filipino? Ano ang


maihahandog nitó sa mundo?

Tiyak na magpapahayag, magrerepresenta, o huhubugin ng artistang Filipino sa


kaniyang obra ang karanasang Filipino—sa panitikan maging sa ibá pang sining. Gaya sa lahat ng
sining mula sa ibá’t ibáng batis o panig ng mundo, maihahandog ng Filipinong sining sa mundo
ang karanasang Filipino, saanman ito maganap sa mundo, anumang baryasyon, at sa alinmang
impluwensiya.

Introduksiyon sa Saliksik | 83
Tatlong obrang pangkultura at pansining na pinakakumakatawan sa Filipinas at sa diwang
Filipino.

Ang produksiyong pansining ay napakalawak na larang, sinlawak ng mga aktibidad ng


tao na kinakatawan ng sining. Napakaarbitraryong proseso ang mamilì ng alinmang obra sa mga
larang na ito. Maaari ko lang matukoy ang personal kong gusto o ang pinakamakabuluhan sa akin,
at sa palagay kong magiging makabuluhan din sa nakararaming Filipino, pati sa mga banyagang
tumitingin o dumadanas ng ating obra. Sa panitikan, makatutukoy ako ng tatlo: ang mohong
metriko romanseng Florante at Laura ni Balagtas, at dalawáng nobela ni Rizal, Noli me tangere at
El filibusterismo. Sa eskultura, nariyan ang Monumento ni Bonifacio ni Guillermo Tolentino.

Dinaranas ba natin, sa kasalukuyan, ang isang renasimyentong pangkultura at pansining?

Kung sa produksiyong pansining, wala namang kapabayaan o kawalan ng pagpupursigi at


inisyatiba ang artist na Filipino. Ang ating manunulat ay patuloy na nakikibahagi sa tinatawag
ni Dylan Thomas na “craft and sullen art.” Nariyan ang Florante at Laura, halimbawa, na naging
mohon sa pambansang naratibo, umimpluwensiya sa kaisipan ng mga tao na pagkaraan ay
naging pasimuno ng pagbabago sa kaniláng panulat, gaya nina Jose Rizal at Andres Bonifacio.

Ang renasimyentong pansining, gayunman, na nais kong matunghayan ay sa anyo


ng maraming Filipinong nagpupunta sa museo at galeriyang pansining, nanonood ng dulang
Filipino, na maaaring sumaklaw sa adaptasiyon ng mga akdang banyaga, at hindi na dapat pang
nakagugulat, maraming Filipino na nagbabasá ng akdang pampanitikan ng kapuwa Filipino. Dapat
táyo, mga tagasubaybay, ang patuloy na humimok para sa kalidad at kabuluhan sa produksiyong
pansining at magdulot ng kaukulang pagtangkilik, kundi man pagkilála, na ang kultura at mga
sining ang ubod at saligan sa alinmang pantao, panlipunan, at maging pang-ekonomiyang pag-
unlad. Ang gayong pagkilála at aktitud sa kultura at mga sining ang mahalagang indikasyon, sa
tingin ko, ng isang tunay na renasimyento.

Matagumpay na naeksport ng ating mga Asianong kapitbahay gaya ng Korea at Japan


ang kultura nilá sa mga karatig-bansa. Maaari bang mamunga ang isang P(hilippine) pop,
sa tradisyon ng Kpop at Jpop?

Hindi ko alam kung ang bersiyon natin ng K-pop o J-pop—P-pop sa bansag mo—ay mangyayari.
Pero alam ko na ang Korean at Japanese pop invasion ay naganap dahil pinasimuno ito ng
kaniláng gobyerno. May maláy na pagsisikap na magprodyus ng mahusay na materyales (kahit
pa “komersiyal” sa ilang punto de-bista) o may hikayat at insentibo sa pagprodyus, at ang “pag-
eksport” ay isinagawa na parang totoong kalakal. Kung nais natin ng ganoon—pag-eksport ng
pop culture—kailangan nating gawin iyon. Sa kabilâng bandá, hindi ko tiyak kung ang pop
culture ang dapat nating ieksport. May sarili táyong Filipinong produksiyon sa sining at kultura
na dapat idevelop at itaguyod. Iyon ang “bunga” na nais kong makíta.

Gaano kahalaga ang pagdevelop ng sining at kultura sa pagsibol at pagsúlong ng


isang bansa?

Ang kultura (at ang mga sining), sa katunayan, ay batayan ng lahat ng gawaing panlipunan at
pang-ekonomiya. Ito ang di-kinikilálang saligan ng pambansang búhay at pagsúlong.

Sa kabilâng bandá, literal na mapaaandar ng kultura at mga sining ang pambansang


pagdevelop at pagsúlong. Sa isang bandá, isang industriya ang mismong kultura. Kung iisipin
ang patakaran at paggugol ng gobyerno, ang kultura at mga sining ay hindi dapat ituring na
gastusin kundi isang puhunan. Ang mga lipunang sulóng sa Europa (na ang kultura ay bahagi
at gámit para sa pambansang pagsibol) ay kumikíta at tumutubò dahil sa kultura. Ang isang
masiglang industriyang pampelikula, halimbawa, ay maaaaring pagkuhanan ng kíta at buwis.

84 | Introduksiyon sa Saliksik
Ang isang grupo ng mambabasá ay magbabago ng industriya ng paglalathala ng aklat (online
o virtual o maging sa pisikal) bílang malusog na sektor pang-ekonomiya na handang magbayad
ng buwis, at hindi lámang lumilibang sa mga mamamayan kundi nagtuturo din sa kanilá. Ang
isang maunlad na lipunan, sa katunayan, ay ginagámit nang mahusay ang kaalamang makukuha
o malilikha para sa mga mamamayan nitó na siláng magiging negosyante, arkitekto, inhenyero,
pabrikante, mamimíli, na magpapaandar ng ekonomiya. Ang isang ignoranteng lipunan ay
nagdurusa sa kailangang kahirapan.

Ano ang magagawa ng bawat Filipino upang mataguyod ang sining at kulturang Filipino?

Simple, sa totoo lang. Magkaroon ng hilig sa lahat ng uri ng sining, aklat, dula, pelikula, o
pagtatanghal na pinrodyus at nilikha ng mga Filipino. Magbasá ng mga aklat na sindami ng
inilalathala ng mga Filipinong pabliser, lalo ang nása wikang Filipino. Magpunta sa lahat ng galeriya
na nag-eeksibit ng sining na likha ng mga Filipino. Bumili ng sining kung káya mo. Panoorin ang
lahat ng dula at pelikula. Sa madalîng sabi, maging literate, tangkilikin ang Filipinong sining. At
ikuwento mo ito sa iyong mga kaibigan. Pag-usapan kung paano at bakit mo nagustuhan ito,
o ano ang kabuluhan nitó sa iyo at sa ating lahat. Ang kultura at mga sining ay kaugalìan mo,
kailanganin mong bahagi ng pagiging Filipino.

Ginámit ng halimbawang interbiyu ang semi-


estrukturadong format. May nakahanda nang talaan
Ang susi sa ng mga tanong na pumapaksa sa kulturang Filipino
matagumpay na hábang binibigyan ng kalayaan ang mga respondent
na tumugon sa mga ito. Pinilì ng interviewer ang
interbiyu ay ang format na ito dahil may apat siyang respondent na
paglalatag ng mga tinanong ng pareho ding mga gabay, at ang kaniláng
mga tugon ay maaaring magsilbing mapaghahambing
makabuluhang na datos ukol sa kulturang Filipino. Binigyan ng layà
sa pagtugon ang mga respondent dahil mapalalawig
tanong hinggil nilá ang pagtalakay sa usapin bílang mga eksperto sa
sa paksa mula sa naturang paksa. Sa pamamagitan ng mga gabay na
tanong ay nalatag ng interviewer kung anong aspekto
batayan hanggang ng kulturang Filipino ang nais niyang matalakay, mula
sa estereotipo hanggang sa pagtataguyod ng kulturang
sa espesipikong Filipino.
aspekto nitó.
Makakukuha ng mayamang datos sa halimbawang
interbiyu kung gagamítin itong sanggunian sa
isang saliksik. Maaaring hanguin sa interbiyu ang
pangkalahatang katangian ng kulturang Filipino, tatlong mahalagang obrang Filipino, ugnayan
ng kultura at pambansang kaunlaran, ambag ng isang karaniwang mamamayan sa pagtataguyod
ng kulturang Filipino, at marami pang ibá. Sa katunayan, mahahango sa interbiyu ang mga
batayang idea (katangian ng kulturang Filipino) maging ang mga espesipikong usapin (ambag
ng karaniwang mamamayan sa kultura).

Iminumungkahi sa nagsisimulang mananaliksik na gamítin ang semi-estrukturadong


format, lalo kung ang target mainterbiyu ay mga eksperto sa paksang napilì. Ang susi sa
matagumpay na interbiyu ay ang paglalatag ng mga makabuluhang tanong hinggil sa paksa

Introduksiyon sa Saliksik | 85
mula sa batayan hanggang sa espesipikong aspekto nitó. Ibig ding sabihin, bukod sa pagtatanong
ng ano ay higit na mahalagang itanong ng interviewer ang mga bakit at paano sa isang pasiya,
patakaran, idea, at ibá pa.

Sa pagkuha ng datos sa mga interbiyu, isaalang-alang ang tuntunin sa sitasyon nitó.


Para sa mga nalathalang interbiyu, unang inilalagay ang pangalan ng ininterbiyu. Susundan ito
ng pangalan ng interviewer at susuhayan ng mga detalye ukol sa lugar at petsa ng interbiyu.
Inilalagay ito sa talaan ng mga sanggunian. Ang mga di-nalathalang interbiyu (gaya ng usapan
sa telepono, text message, e-mail, at ibá pang katulad) ay sinisipi at kinikilála sa teksto o sa mga
talâ sa halip na sa talaan ng mga sanggunian.

Di-nalathalang interbiyu

Virgilio S. Almario (Tagapangulo ng KWF), sa pakikipagtalakayan kay Lourdes Z.


Hinampas, 9 Marso 2016.

Purificacion G. Delima, Full-time na Komisyoner, interbiyu ni Jeslie Del Ayre, 2 Abril


2016, interbiyu 5A, transkrip.

Nalathalang interbiyu

Virgilio S. Almario, interbiyu ni Amyline Quin Chieng, Culture Collective, Gusali


Watson, 18 Oktubre 2015.

De Lima, Purificacion G. Pagpaplanong Wika. Ni Jeslie Del Ayre. Gusali Watson, 9


Marso 2016.

86 | Introduksiyon sa Saliksik
PAGSULAT NG TERM PEYPER
Einzoely Agcaoili, Lourdes Hinampas, Kriscell Largo Labor

BUKOD SA EKSAMENG pinal ay malaking kahingian ang term peyper sa pagtatapos ng


isang semestre sa kolehiyo. Ginagámit kapuwa ang eksameng pinal at term peyper sa pagtatáya
sa natutuhan ng mag-aaral sa napilìng paksa at sa disiplina o kursong kinuha sa pangkalahatan.

Isang katotohanan na hindi pantay-pantay ang antas ng kaalaman ng mga


estudyanteng tumutuntong sa kolehiyo kung kayâ mangangailangan silá ng gabay ng guro
para sa pagbuo ng mahusay na term peyper. Gayundin, hindi malilimitahan ang paggawa
ng term peyper sa kolehiyo lámang. Sa katunayan, ang mga pangkalahatang kasanayáng
dapat taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ng term peyper ay magagámit din sa ibá pang
pananaliksik, halimbawa sa paggawa ng panukalang proyekto at terminal report ng mga
gawain sa paaralan o kahit sa gawaing gaya ng simpleng reaksiyong papel ukol sa pinanood
na pelikula o dokyumentari. Ibig sabihin, maaaring unti-unti nang ipakilála mulang
elementarya ang mga kailangang kasanayán at mga bahagi ng term peyper. Mahalagang
alam ng mga guro sa ibá’t ibáng antas kung ano ang kalikasán at mga tuntunin sa pagsulat ng
term peyper at mga katulad na papel na mangangailangan ng kasanayáng pampananaliksik
upang unti-unti niláng malinang, direkta man o di-direkta, ang kasanayán ng mag-aaral at
tumimo ang aspektong siyentipiko ng term peyper.

Kaibá sa buk report o reaksiyong papel, ang term peyper ay isang pormal na papel
sa saliksik na isinusulat ng mag-aaral sa loob ng isang akademikong semestre at isinusumite
sa pagtatapos ng semestre bílang parsiyal na pagtupad sa mga kahingian ng kursong kinuha.
Karaniwang nilalayon nitó ang paglalarawan sa isang pangyayari, paglalahad ng isang konsepto,
o pagpapatunay o pagpapabulaan sa isang argumento. Ginagámit ito ng guro bílang pansukat
ng naiprosesong kaalaman ng mag-aaral ukol sa kurso. Ang term peyper ay may takdang bílang
ng pahina (madalas na minimum ang 10 pahina), bílang ng sanggunian (madalas na minimum
ang 10 sanggunian), at uri ng paksang tatalakayin
Maaaring unti- depende sa kahingian ng guro at kurso.

unti nang Maraming gawain ang maaaring gamítin


ng guro upang ipakilála sa mga batà ang disiplina
ipakilála mulang sa pagsulat ng term peyper. Halimbawa, para sa
mga guro sa elementarya, maaari nang ipakilála
elementarya ang ang kasanayán sa pagbuong term peyper sa
pamamagitan ng pagbubuo ng isang talaan ng mga
mga kailangang sanggunian ng isang paksang tinalakay sa klase,
gaya ng paksa hinggil sa mga gulay. Maaari, sa
kasanayán at mga gayon, na maging takdang-aralin ng mga mag-aaral
bahagi ng term ang paghahanap ng mga aklat ukol sa gulay, mga
kuwentong pambatà na pumapaksa sa ibá’t ibáng
peyper. gulay, o mga tsart na nagpapakíta ng mga uri ng
gulay. Gawing talakayan sa klase ang pagtukoy sa

Introduksiyon sa Saliksik | 87
kaangkupan at kaugnayan ng mga kinalap na aklat at ibá pang materyales para sa paksang gulay.
Pagdatíng sa hay-iskul ay dapat nang asahan sa mag-aaral ang higit na mataas na kasanayán
sa panimulang pagproseso ng mga nabásang
sanggunian. Puwedeng gawin na sa pagtalakay sa
isang paksa ay ipabása ng guro ang limá hanggang Ang susi sa isang
pitóng sangguniang materyales at pag-usapan sa
klase ang mahahalagang diwa na makukuha mula sa matagumpay na
mga ito na may kaugnayan sa paksang tinatalakay;
at pagkaraan ay atasan ang mga mag-aaral na term peyper ay ang
magdagdag pa ng mga sanggunian at sumulat ng
tatlo hanggang limáng pahinang papel tungkol sa
pagpaplano sa
mga diwa ng mga nabanggit na sanggunian nang
may kaukulang pagsusuri at pagtimbang ng mga
pagbuo nitó.
ito kaugnay ng paksa. Sa ganitong uri ng gawain ay
nararanasan ng mag-aaral ang pagbuo ng kaugnay
na mga literatura. Sa mga ganitong uri ng unti-unting paghahanda sa mag-aaral, magiging
madalî na para sa kanilá ang disiplinang kailangan upang makasulat ng term peyper pagdatíng
sa kolehiyo.

Ang term peyper, bílang isang produkto ng saliksik, ay nangangailangan ng paghahanda


sa panig ng mananaliksik. Ang susi sa isang matagumpay na term peyper ay ang pagpaplano
sa pagbuo nitó. Ibig sabihin, may proseso at pagsisinop na dadaanan ang isang mananaliksik
para sa pagbuo nitó. Dinadaanan ng mananaliksik ang sumusunod na yugto sa paghahanda ng
term peyper: (1) pagpilì ng paksa; (2) pagsasaayos ng mga materyales; (3) pagsulat at pagrebisa;
(4) pagbuo ng mga sanggunian; at (5) pagsulat ng pinal na term peyper.

Makatutulong ang paglalatag ng mga yugto sa pagsulat ng isang term peyper o anumang
saliksik at sundin ito bílang mga hakbang o proseso na dapat pagdaanan bago makaabante sa
susunod na yugto. Gayunman, sa totoong búhay ay nag-ooverlap ang mga yugto. Maaaring
hábang nása proseso na ng pagsulat at pagrebisa ay dapat balikan muli ang paksang napilì
o sa pagbuo ng sanggunian ay dapat balikan ang panukalang banghay dahil may idadagdag
na punto sa papel o kayâ naman hábang tinatáya ang mga talâ ay matutuklasang dapat pang
linawin ang paksang nais saliksikin. Para sa mga nagsisimulang mananaliksik, ipinapayong
simulan ang ugali sa pag-oorganisa at pagpaplano ng papel.

Pagpilì ng Paksa
Nagsisimula ang isang saliksik sa pagpilì ng paksa. Ang mga dakilang ambag at imbensiyon
sa kasaysayan ng tao ay nag-umpisa sa mga paksang pinilìng unawain ng mga siyentista at
pilosopo ng mundo: sina Plato at Aristotle sa kaniláng interes sa gawain ng estado, si Nicolaus
Copernicus sa kaniyang interes sa lawas pangkalawakan partikular ang pag-iral at paggalaw
ng araw at ng mundo. Nag-umpisa din sa kani-kaniláng pinilìng paksa ang mga Pambansang
Alagad ng Sining ng Filipinas at Pambansang Alagad ng Agham ng Filipinas: si Dr. Fe
del Mundo sa kaniyang interes sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga batà at
mahihirap, si Dr. Carmen Velasquez sa kaniyang interes sa mga parasito sa mga lamandagat,
si Dr. Ramon Santos sa kaniyang interes sa mga katutubong instrumentong pangmusika ng

88 | Introduksiyon sa Saliksik
Filipinas, si Lazaro Francisco sa kaniyang interes sa sitwasyong agraryo ng Gitnang Luzon.

Ang pagpilì ng paksa ay pagtatanong ng sumusunod: (1) ano ang nais kong saliksikin?;
(2) bakit ko ito nais saliksikin?; at (3) paano ko ito sasaliksikin? Ang una ay maaaring may
kinalaman sa interes ng isang nagsisimulang mananaliksik, o tanong ito na nais niyang
personal na masagot, o kayâ naman ay isang suliraning nakaugat sa kaniyang komunidad na
gusto niyang matugunan. Ang ikalawa ay maiuugnay din sa layuning pampananaliksik ng
isang estudyante—maaari itong isang paghahangad na makapag-ambag ng paglilinaw sa isang
debate, pagtugon sa isang umiiral na problemang malapit sa kaniya at sa kaniyang pamayanan,
o kahit ang simpleng pagnanais na maunawaan ang kaugnayan ng isang pangyayari sa isa pa.
Pagpaplano naman para sa gagamíting metodo sa pagsasaliksik ang ikatlong tanong sa itaas.

Sa pagpilì kung ano ang paksang nais saliksikin, mahalaga para sa mag-aaral ang
hustong panimulang kaalaman o interes sa paksa. Karaniwang ang term peyper ay isang parsiyal
na kahingian sa isang klase sa isang semestre kung kayâ ang pinakamadalîng mapagpipilian ng
mag-aaral para dito ay mula sa mga paksang natalakay sa klase. Maaari, sa gayon, na piliin
niya ang sa tingin ay pinakainteresanteng paksa na tinalakay sa klase—paksa na sa palagay
niya ay kailangan ng pagsasapanahon, o kahit nga ang paksang malapít sa kaniyang personal
na danas. Inaasahang may masteri sa mga susi at batayang konsepto at idea ang mag-aaral sa
mapipilìng paksa. Ibig sabihin, alam niya kung ano ang mga primaryang sanggunian para sa
paksa at saan ito maaakses. Nangangahulugan din ito ng pagkaunawa niya sa mga ugnayan ng
konsepto at ng aplikasyon nitó sa kaniyang kaligiran. Maraming dahilan kung bakit pinipilì
ang isang paksang nais saliksikin, gayunman, dapat isaisip na ang pipiliing paksa ay tiyak at
malinaw. Ibig sabihin, mahalagang magpokus ang mag-aaral kung anong aspekto ng paksa ang
nais na talakayin. Karaniwang malalawak pa ang saklaw ng interes sa isang paksa at dahil sa
limitado lámang ang panahon at badyet na maaaring iukol sa isang saliksik, may posibilidad
na hindi matapos ang papel dahil sa sobrang daming dapat isaalang-alang at saliksikin upang
linawin ang napakalaking paksa. Sa gayon, kailangan ang pagpopokus ng isang paksa upang
mabigyan ng linaw, direksiyon, at limitasyon ang saliksik. Halimbawa, ang interes na paksa
ay may kinalaman sa bilingguwalismo; maaari itong ipokus sa pagsasaliksik ng antas ng
bilingguwalismo ng mga mag-aaral na Filipino sa K–3.

Iminumungkahi din ang paggabay ng guro sa mga mag-aaral na tugunan ang isang
matrix o dayagram na makatutulong sa pagpopokus ng paksa. Halimbawa:

Nais kong saliksikin ang... Dahil nais kong matuklasan Upang maunawaan ng mga
kung bakit... mambabasá na...

Bilingguwalismo ng mga mag- Bakit nahihirapan sa Filipino ang Hindi pantay ang pagtuturo ng
aaral na Filipino sa K–3 mga mag-aaral sa K–3 kasanayán sa wikang Ingles at
sa wikang Filipino

Estandardisasyon ng wikang Bakit nagkakaibá-ibá sa pag-ispel Mahalaga ang


Filipino sa Filipino estandardisasyon para sa pag-
unlad ng wikang Filipino

Talahanayan 1. Halimbawang Matrix sa Pagpopokus ng Paksa

Introduksiyon sa Saliksik | 89
Pagkaraang pumilì ng paksa, kailangang tukuyin ng mananaliksik kung ano-anong mga
tiyak na tanong ang nais masagot. Ang mga tanong na ito ang magiging gabay ng mag-aaral sa
paglalahad ng kaniyang mga layuning pampananaliksik. Karaniwang sapat na ang paglalahad
ng dalawa hanggang tatlong layunin ng saliksik. Sa pagtukoy ng layunin, mahalagang taglay
din nitó ang tiyak, malinaw, at obhetibong paraan ng paglalahad.

Ipakikita kung paanong ang pagdevelop ng isang bernakular, o mas kilalá bílang diyalekto,
túngo sa pagiging wika ay mahigpit na kaugnay ng pagdevelop ng pagsulat at pag-usbong
ng nasyonalismo. Ipakikita na ang prosesong ito ay nagsasangkot ng seleksiyon, kodipikasyon,
pagtanggap, at elaborasyon ng isang pamantayang panlingguwistika.

Box 1. Halimbawang Layunin ng Term Peyper

Ang halimbawang layunin sa itaas ay nagtataglay ng mga pokus ng pag-aaral: diyalekto,


wika, pagsulat, nasyonalismo, seleksiyon, kodipikasyon, pagtanggap, at elaborasyon. Pansinin
pa na mga susing konsepto ang mga pokus, at ipaliliwanag ang mga ito sa mismongnilalaman
ng saliksik. Gayundin, nilinaw sa layunin ang nais saliksiking ugnayan ng mga pokus ng pag-
aaral: ugnayan ng diyalekto at wika, ugnayan ng wika at pagdevelop ng pagsulat, ugnayan ng
wika at pag-usbong ng nasyonalismo; at ang mga ugnayang ito ay mauunawaan sa proseso ng
seleksiyon, kodipikasyon, pagtanggap, at elaborasyon. Mainamsa paglalahad ng layunin na
maipakíta ang ugnayan ng mga susing konsepto at pokus ng pag-aaral. Sa gayon, binibigyan
nitó ng direksiyon ang mambabasá at gayundin ang mananaliksik kung paano mailalatag ang
banghay ng term peyper.

Pagkaraang matukoy ang malinaw na paksa, tesis, at layunin ng saliksik, susunod


na mahalagang gawain ang pagkalap ng mga sanggunian at pagtatalâ. Sa pagkalap ng mga
sanggunian, ang pinakamadalîng puntahan ay ang aklatan. Kasáma sa aklat na ito ang isang
bukod na artikulo para sa paggámit ng aklatan upang maipaliwanag mabuti ang pananaliksik
dito. Bukod sa aklatan, may itinuturing ding pananaliksik sa labas ng aklatan, at karaniwang
isinasagawa ito sa pamamagitan ng interbiyu at fildwork. Naglaan din ang aklat na ito ng
detalyadong paliwanag sa kalikasán at proseso ng pagsasagawa ng interbiyu at fildwork sa mga
naunang kabanata.

Ginagawa naman ang pagtatalâ sa ibá’t ibáng pakikipag-ugnayan sa lipunan. Nagtatalâ


ng mga kailangang bilhing groseri, nagtatalâ ng habilin ng magulang, nagtatalâ ng direksiyon
sa nais puntahang lugar, nagtatalâ ng leksiyon sa klase. Nagsisilbing gabay ang talâ sa mga nais
makuhang impormasyon o sa nais maisagawang aksiyon. Gayundin ang gampanin ng pagtatalâ
sa saliksik. Ituturo nitó kung ano-anong mga impormasyon ang makatutulong sa saliksik at
kung ano-anong mga aksiyon ang kailangang gawin (Mag-iinterbiyu ba?Maghahanap pa ba
ng mga aklat na sanggunian?At ibá pa). Kani-kaniya ang pamamaraan ng pagtatalâ depende
sa paraan ng pag-aaral at pagkatuto ng indibidwal. Pinipilì ng ilan ang pagtatalâ ng maraming
impormasyon hábang ang ibá ay nagtatalâ lámang ng mga susing konsepto.

Maging anuman ang pamamaraan ng pagtatalâ, ipinapayo na magkaroon ng dalawang


uri ng kard o listahan ang isang mananaliksik: (1) kard ng sanggunian at (2) kard ng mga
talâ. Ang kard ng sanggunian ay magtataglay ng kompletong detalye ng sanggunian (awtor/
editor, pangalan ng artikulo, pangalan ng aklat, taón ng pagkakalathala, pahina, at ibá pa) at

90 | Introduksiyon sa Saliksik
magagámit din sa pagbuo ng talaan ng mga sanggunian. Ang kard ng mga talâ naman ay
magtataglay ng susing konsepto, sipi, at pahina kung saan ito hinango. Narito ang halimbawa:

Sanggunian:

Almario, Virgilio S. Panitikang Pambatà sa Filipinas, Mga Gunita, Tala, Puna’t Pansin sa Kasaysayan.
Pasig City: Anvil, 2010, 184.

Box 2. Halimbawang kard ng sanggunian.

Paksa: Picture book at kuwentong pambatà

Sa paliwanag ni Almario, hangad niláng magsilbing tulay ang Aklat Adarna sa pagitan ng komiks
at ng karaniwang libro. Idinudulot ng picture book ang sinasabing pang-akit ng komiks sa hindi
gaanong literadong mambabasá. Kaunti ang teksto at hitik sa ilustrasyon, samantala, nagtataglay
rin ito ng katangian ng pangkalahatang anyo ng aklat. Sa pamamagitan ng picture book ay
nasasanay ding humawak at magbasá ng aklat ang isang batà. Kapag nasanay na itong bumasá,
maghahanap ng higit na teksto ang batà, na nangangahulugan ng higit na mahabàng salaysay at
higit na masalimuot na konsepto.

Sanggunian: Almario, Virgilio S. Panitikang Pambatà sa Filipinas, Mga Gunita, Tala, Puna’t Pansin sa
Kasaysayan. Pasig City: Anvil, 2010, 184.

Box 3. Halimbawang kard ng mga talâ.

Isulat sa itaas na bahagi ang paksa. Pagkatapos ng paksa, isulat ang mahalagang
impormasyon—maaaring gumamit ng tuwirangsipi, di-tuwirang sipi, pagbubuod, o
interpretasyon sa mga ito. Sa ibabâng bahagi, isulat ang sanggunian, ang pangalan ng awtor,
pamagat ng aklat, lugar ng paglalathala, naglathala, at taón ng pagkakalathala. Maaaring
magámit ang impormasyong ito bílang panimulang sanggunian. Ipunin ang mga kard ng talâ at
kard ng mga sanggunian. Makatutulong ang ganitong sistema upang sa sandalîng kailanganin
ang impormasyong ito ay madalî itong mahahanap.

May ibá’t ibáng paraan ng pagtatalâ na makatutulong sa pagsisinop ng mga


impormasyon:

1. Tuwirang Sipi (Direct Quotation) – ito ang pagkuha sa eksaktong sinabi ng awtor o
táong pinagkunan ng impormasyon. Kadalasan itong ginagawa kung nakatuon na sa
pangunahing punto ng idea ang isang pangungusap o talata. Kapag gagámit ng tuwirang
sipi, tiyaking malamán at madalîng maunawaan ang sinipi.

Halimbawa:

Mahalaga ang wikang Filipino para sa mabisàng mobilisasyon ng mga


mamamayang Filipino. Ipinaliwanag ito ni Pangulong Benigno Aquino III sa
kaniyang talumpating binigkas sa Pambansang Kongreso sa Wika ng KWF
noong 19 Agosto 2013:

Introduksiyon sa Saliksik | 91
Bílang pangulo tungkulin kong ibalik ang tiwala at kompiyansa ng
mga Filipino sa mga institusyong pampamahalaan. Samakatwid, tinig
nilá táyo. Mangyayari lámang ito kung naiintindihan at nakikita niláng
hinihimok natin siláng makilahok sa paghubog ng pamahalaang
tunay na mula sa kanilá at kumikilos para sa kanilá. Kayâ naman bago
pa man ako mahalal, napagpasiyahan kong gamítin ang Filipino sa
aking mga talumpati—hindi bílang gimik o propaganda—kundi dahil
ito ang tunay na tinig ng ating mga kababayan. Humaharap po ako
sa kanilá bílang kolektibong boses ng mga Filipino, kayâ obligasyon
kong magsalitâ sa wikang komportable silá at naiintindihan nilá.

2. Di-tuwirang Sipi o Parapráse (Paraphrase) – ito ang pagpapakahulugan o pagbabago


ng estruktura ng sinisipi o pagbabago ng mga salitâ ng orihinal na teksto ngunit hindi
nababago ang kahulugan. Ginagamit ito kung nais paikliin ang impormasyon sa paraang
madalîng maunawaan ng mga mambabasá. Kailangang maging maingat sa paggamit nitó
upang hindi maakusahan ng plahiyo (plagiarism) o magkaroon ng ibáng interpretasyon sa
parapráse.

Halimbawa:

Ayon kay Pangulong Aquino, tungkulin niyang magsalitâ sa wikang komportable


at naiintindihan ng mga Filipino. Isang paraan ito ng pagbabalik sa tiwala at
kompiyansa sa pamahalaan. Bago pa man siyá mahalal, nagdesisyon na siyáng
gamítin ang Filipino sa kaniyang mga talumpati dahil ito ang tunay na tinig na
sambayanan.

3. Pagbubuod (Summarizing) – pagpapaikli sa pangunahing idea ng awtor o táong


pinagmulan ng impormasyon. Ang kaibahan nitó sa paraprase ay ang pangunahing idea
ng awtor ang tuon ng pagbubuod. Kadalasan ang isang mahabàng talata ay binubuod
lámang sa isang pangungusap.

Halimbawa:

Sinabi ni Pangulong Aquino na Filipino ang kaniyang gagamítin sa mga


talumpati dahil higit siyáng naiintindihan ng sambayanan gámit ang wikang
ito, at isa rin itong paraan ng pagbabalik ng tiwala at kompiyansa ng mga
mamamayan sa pamahalaan.

4. Interpretasyon – pagpapakahulugan at paglilinaw ng isang impormasyon, pagbuo ng buod


mula sa mga impormasyon, at pagpapaliwanag ng kahalagahan ng impormasyong ito.

Halimbawa:

Para kay PNoy, malaganap na ang Filipino kayâ ito ang epektibong gamíting
wika para maintindihan ng sambayanan sa buong Filipinas.

92 | Introduksiyon sa Saliksik
Mahalagang isaalang-alang pa ang sumusunod sa pagtatalâ ng mga impormasyon:

1. Malinaw na idokumento ang sanggunian (pangalan ng aklat, pangalan ng


awtor, taón ng pagkakalathala, at ibá pang impormasyon) ng bawat talâ.
2. Tanungin ang sarili kung ano ang halaga at kaugnayan ng isang sanggunian
sa paksa.
3. Tanungin ang sarili kung ang itatalâ ba ay dapat na tuwirang sipi o mainam
itong gamítin bílang di-tuwirang sipi, buod, o interpretasyon.
4. Magtago ng kopya ng mga itinalâng sanggunian upang mabalikan kapag
isinusulat na ang papel. Maaari itong sa anyo ng photocopy o retrato ng
pahinang nais sipiin.
5. Uriin ang mga talâ batay sa magiging gámit nitó sa papel, tukuyin ang mga
sangguniang hindi pa nababása, at gumawa ng talâ ng mga dapat pang gawin.

Pagsasaayos ng mga Materyales


Ang ikalawang yugto pagkaraang makapilì ng paksa at makalap ang mga pangunahing
sanggunian at talâ ukol dito ay ang pagsasaayos ng mga materyales. Sa gawaing ito, inuuri ang
mga sanggunian, sinusubok ang mga ipotesis, dinedevelop ang tesis, at ibinabanghay ang daloy
ng papel. Sa puntong ito ay inaasahan nang malawak na ang nabása ng mananaliksik hinggil sa
paksa kung kayâ may kakayahan na sa pag-uuri ng mga sanggunian at pagbabanghay ng daloy
ng papel.

May ibá’t ibáng paraan ng pagsasaayos ng mga materyales upang maitanghal ang
mga ugnayan ng mga konseptong sangkot sa paksang sinasaliksik. Laging nagsisimula ang
pagsasaayos na ito sa pag-uuri ng mga talâ at sanggunian. Sa prosesong ito, matutuklasan
ng mananaliksik ang mga posibleng pangunahing paksa o aspekto ng paksa na dapat
talakayin upang maipaliwanag ang saliksik, at pagkaraan ay maaaring maging batayan din
ito ng bubuuing banghay ng papel. Posible ding matuklasan na napakarami at samot-sari
na palá ang mga detalyeng nakalap at makaiinam na piliin ang talagang makapag-aambag
sa pagpapaliwanag ng napilìng paksa.

Sa pag-uuri din ng mga talâ at sanggunian ay makikíta kung anong aspekto ng paksa
ang hindi pa sapat ang nakalap na sanggunian. Mahalaga ito upang mabalanse ang paglalatag
ng mga datos hinggil sa paksa, bukod pa sa kailangan ito upang unti-unting itanghal ang tesis
ng saliksik. Hindi sapat na makapag-uri lámang ng mga sanggunian. Malaking pagpupunyagi
sa panig ng mananaliksik ang pagtukoy ng mga ugnayan ng mga konsepto at aspekto ng paksa.
Ito ang pinakadiwa ng pananaliksik at siyáng nagbibigay dito ng kabuluhan at kaibahan sa
pagsulat halimbawa ng ensiklopedya o almanake.

Sa pagpopokus ng paksa, maaari nang matukoy o mabuo ang tesis o pangunahing


diwa ng saliksik—ang panukalang paninindigan o patutunayan sa papel. Sa madalîng sabi,
ang tesis ay isang pangungusap o argumentong sasagutin ng term peyper. Tandaang posibleng
mabago ang tesis ng saliksik hábang nása proseso ng pagtuklas sa paksa at pagsulat sa papel kayâ
dapat na maging pleksible at bukás ang isipan ng mananaliksik sa mga pagbabago. Mahalagang

Introduksiyon sa Saliksik | 93
malinaw ang pagkakalahad ng tesis upang maunawaan agad ito ng mambabasá.

Maaaring magámit ang Talahanayan 1 sa itaas sa pagpopokus sa paksa sa pagbuo ng


tesis. Sa katunayan, ang ikatlong kolum (“upang maunawaan ng mambabasá na…”) nitó ay
maaari nang magsilbing tesis ng papel.

Ang isang tesis ay maaaring naglalahad o nanghihimok. Ang tesis na naglalahad ay


nagpapahiwatig sa mambabasá na ang paliwanag na gagawin ng saliksik ay impormatibo at
interesante. Ang tesis na nanghihimok naman, bukod sa paglalahad sa paksa ng papel, ay
nagpapakíta ng tindig ng mananaliksik, naglalatag ng mga argumento, may layuning baguhin
ang paniwala ng isang mambabasá at magpakilos túngo sa pagbabago. Narito ang halimbawa:

TESIS NA NAGLALAHAD

Humihinà ang edukasyong bilingguwal sa Filipinas.

TESIS NA NANGHIHIMOK

Mas tinatanggap ng mga Filipino ang mga salitâng Ingles kaysa mga salitâng mula sa mga
katutubong wika ng Filipinas sa kaniláng leksikon o talasalitaan dahil sa malawakang paggamit ng
Ingles sa edukasyon.

Box 4 Halimbawa ng tesis na naglalahad at tesis na nanghihimok.

Maaaring asahan na sa tesis na naglalahad sa itaas ay ilalarawan ng mananaliksik ang


sitwasyong pangwika sa edukasyon sa Filipinas upang mapatunayan niyang humihinà nga ang
edukasyong bilingguwal sa bansa. Sa tesis na nanghihimok naman, bukod sa pagpapakíta ng
mananaliksik ng estado ng leksikon ng mga Filipino sa kasalukuyan ay dapat niyang itatag na
higit ngang tinatanggap ng mga Filipino ang mga salitâng Ingles at pagkaraan pa ay ipakítang
bunga nga ito ng oryentasyong maka-Ingles ng edukasyon sa bansa.

Dahil madalas na interes ng isang mananaliksik ang pinipilìng paksa, may mga
tanong nang naiisip sa yugto pa lámang ng pagpilì ng paksa. Gayundin, may maiisip ding
mga posibleng sagot sa mga tanong na ito. Ang mga posibleng sagot na ito ang tinatawag na
ipotesis—ang palagay o panukalang paliwanag batay sa limitadong ebidensiya na panimula
para sa mas malalim na pananaliksik. At dahil batay pa lámang sa limitadong ebidensiya ang
mga ipotesis, kakailanganin ng mananaliksik ang pagbabasá at pagkalap ng mga datos ukol
dito. Sa prosesong ito, natutukoy ng mananaliksik kung anong ipotesis ang mapakikinabangan
at magiging mabunga para sa saliksik. Mainam para sa mga nagsisimulang mananaliksik na
italâ ang mga maiisip na posibleng ipotesis ng saliksik, at sakâ ito kinisin batay sa magiging
saklaw o ang káyang matugunan ng mga nakalap na sanggunian. Maaaring itanong sa sarili ang
sumusunod:

1. Ano ang inaasahan kong matuklasan nang sinimulan ang saliksik?


2. Ano ang talagang nakuha ko?
3. Kung hindi tugma ang dalawa, ano ang mga sanhi ng hindi pagtutugma?
4. Kung tugma ang dalawa, may ibá pa bang datos akong nawaglit na maaaring

94 | Introduksiyon sa Saliksik
magdulot ng ibáng lagom?

Posibleng ang mga orihinal na inaasahan o ipotesis ay tumugma sa lagom ng saliksik


at posible din namang mabago ang mga ipotesis nang ilang ulit sa proseso ng pagsusulat.
Upang maiwasan ang ikalawang posibilidad, ipinapayo sa mananaliksik na maging sistematiko
sa pagsulat ng term peyper at sikaping matugunan ang kahingian ng bawat yugto sa pagbuo
nitó.

Mula sa binuong tesis at ipotesis, maaaring kunin ang mga susing konsepto ng mga
ito upang bumuo ng outline o banghay ng daloy ng paksa. Karaniwang ang banghay ay
gumagámit ng salítan na malalaki at maliliit na numerong Romano at malalaki at maliliit na
titik. Ang banghay ay maaaring magkaroon ng ganitong anyo:

I. Pangunahing Paksa (unang pangunahing paksang tatalakayin sa papel)


A. Kaugnay na paksa (susuportang paksa sa unang pangunahing paksa)
1. Kaugnay na paksa sa A (dagdag na suporta sa idea)
a. Pansuhay na paliwanag
i. Pagpapalawig
ii. Ibá pang pagpapalawig
b. Ibá pang posibleng paliwanag
i. Pagpapalawig
ii. Ibá pang pagpapalawig
2. Ibá pang kaugnay na paksa sa A
a. Pansuhay na paliwanag
i. Pagpapalawig
ii. Ibá pang pagpapalawig
b. Ibá pang posibleng paliwanag
i. Pagpapalawig
ii. Ibá pang pagpapalawig
B. Kaugnay na paksa
1. Kaugnay na paksa sa B
a. Pansuhay na paliwanag
i. Pagpapalawig
ii. Ibá pang pagpapalawig
b. Ibá pang posibleng paliwanag
i. Pagpapalawig
ii. Ibá pang pagpapalawig
2. Ibá pang kaugnay na paksa sa B
a. Pansuhay na paliwanag
i. Pagpapalawig
ii. Ibá pang pagpapalawig
b. Ibá pang posibleng paliwanag
i. Pagpapalawig
ii. Ibá pang pagpapalawig

II. Ikalawang Pangunahing Paksa (sundan ang pagkakasunod-sunod sa itaas)

Introduksiyon sa Saliksik | 95
Daraan sa maraming pagbabago ang panimulang banghay. Sa pagbabasá at pagkalap
ng mga impormasyon, maaaring makíta na ang ilan sa mga paksa o idea na inilagay sa banghay
ay hindi mahalaga o walang mapagkukunang datos kayâ kailangang tanggalin. Sa kabilâng
bandá, maaari ring dagdagan ang nilalaman ng banghay kung sakaling nakatagpo ng mga
aspekto ng paksa na hindi naisip o naisaalang-alang sa simula.Sa pagbuo nitó, panimula man
o pinal, kailangang tandaan ang sumusunod:

1. Pleksible ang banghay. Puwede itong baguhin hábang nása proseso ng


pagsusulat.
2. Ilagay ang mga pangunahing idea sa lohikong paraan. Maaaring ito ay ayon
sa panahon, lunan, kahalagahan, o kombinasyon ng mga ito.
3. Ang banghay ay kadalasang mga susing paksa o parirala kayâ hindi na
kailangang lagyan ng kahit anong bantas sa hulihán ng bawat linya.
4. Ilagay ang mga kaugnay na paksa sa ilalim ng bawat pangunahing paksa. Ang
mga ito ang magsisilbing suporta sa kanilá. Maaaring gumamit ng malaking
numerong romano (I, II, III), malaking titik (A, B, C), numero (1, 2, 3),
maliit na titik (a, b, c), maliit na numerong romano (i, ii, iii), o kombinasyon
(1.a, 1.b, 1.c).

Dagdag pang paliwanag:

1. Ang mga pangunahing paksa at kaugnay nitó ay mayroong dalawa o higit


pang bahagi.

Kung may antas “I”, kailangang may antas “II”
Kung may antas “A”, kailangang may antas “B”
Kung may antas “1”, kailangang may antas “2”
Kung may antas “a”, kailangang may antas “b”

2. Tiyakin na ang bawat bahagi ng banghay ay tumutugon sa tesis. Ibig sabihin,


kailangan itong magpatunay at gayundin naman ay magpakíta ng mga
alternatibong paliwanag at lagom mula sa ibá’t ibáng sanggunian. Pokus ang
kailangan.

Sa pagitan ng pagbuo ng panimula at pinal na banghay, mangangailangan ng husto


at sapat na pagbabasá ng mga sanggunian para sa pagtalakay ng napilìng paksa. Pagkaraan ng
pagbabasáng ito, kailangang balikan ang inihandang panimulang banghay at isaalang-alang sa
rebisyon at pagbuo ng pinal na banghay ang sumusunod:

• Ano-ano ang mga idadagdag upang palawakin ang paksa?


• Ano-ano ang mga ibabawas na hindi kailangan sa paksa?
• Nailista na ba ang mga idea sa lohikong pagkakaayos?
• Maayos na ba ang daloy ng mga idea sa isang bahagi túngo sa susunod?
• Kailangan bang baguhin ang pagkakaayos at pagkakasunod nitó sang-ayon sa
ninanais na maging porma ng pinal na banghay?

96 | Introduksiyon sa Saliksik
Pagsulat at Pagrebisa
Ang pinakamalaking hámon sa saliksik ay ang mismong pagsulat nitó. Hindi nangangahulugan
na dahil handa na ang paksa at banghay ay hindi na magiging problema ang pagsulat. Sa
katunayan, nagsisilbi lámang na gabay ang mga ito at kailangang pagsikapan ng mananaliksik
ang paghahanay ng bawat impormasyon at datos na nakalap upang makabuo ng mga lohiko at
magkakaugnay na idea at argumento. Sa proseso ng pagsulat, mahalagang sinusuri ang bawat
pangungusap kung paano ito nag-aambag sa paglilinaw ng usapin at kung paano umuugnay
sa ibá pang pangungusap at sa paksa sa kabuuan.

Sa pagsisimula ng pagsulat, mahalagang Sa proseso


unang itanong sa sarili: Para kanino ako nagsusulat?
Ang uri ng wikang gagamítin ay nakabatay sa ng pagsulat,
inaasahang mambabasá. Kung sumusulat para
sa jornal, may bokabularyo ang mga espesyalista
mahalagang
na hindi matatagpuan sa mga babasahíng gaya sinusuri ang bawat
ng magasin. Madalî lámang itong mauunawaan
ng mga espesyalistang sa paksa. Para sa mga pangungusap kung
nagsisimulang mananaliksik, mainam na isiping
susulat para sa mambabasáng kaunti pa lámang ang
paano ito nag-
nalalaman sa paksang sinasaliksik. Makatutulong aambag sa paglilinaw
halimbawa ang pag-isip na ito ay isang kamag-
aral, kamag-anak, o isang malapit na kaibigan na ng usapin at kung
interesado sa paksa subalit wala pang malinaw na paano umuugnay
konteksto ukol dito.
sa ibá pang
Isang klasikong gabay sa panitikan ang
Six Memos for the Next Millenium (1988) ni Italo
pangungusap at sa
Calvino na naglalatag ng katangiang dapat taglayin paksa sa kabuuan.
ng panitikan: gaan (lightness), bilis (quickness),
linaw (exactitude), kintal (visibility), kabuuan
(multiplicity), at konsistensi (consistency). Sa
katunayan, hindi lámang limitado ang mga birtud na ito sa panitikan. Birtud ang mga ito
sa anumang uri ng pagsulat. Sa kaso ng pagsulat ng saliksik, mahalaga ang kalinawan, gaan,
at konsistensi ng wika upang madalîng mabása, maunawaan, at maisaloob ang saliksik.
Mangangailangan din ng konsistensi ang paggámit ng mapipilìng estilo ng dokumentasyon o
sanggunian. Gayundin, madalî at magaang basáhin ang saliksik kung konsistent ang baybay
ng mga salitâ. Ibig sabihin, malinis sa mga malîng tipograpiko at wasto at estandardisado
ang baybay, lalo ng mga susing salitâ. Upang matamo ang linaw, gaan, at konsistensi sa wika,
malaking bahagi din ng pagsulat ang pagrerebisa o pag-eedit ng mga borador. Laging tandaan
na hindi layunin ng saliksik ang ipagyabang ang dami ng nalalaman at maglatag ng mga sala-
salabid at malalabòng idea at argumento. Mahalagang magtampok ito ng kalinawan upang
maitawid ang tesis ng saliksik.

Ikalawang mahalagang itanong sa sarili sa pagsisimula ng pagsulat: gaano katagal


ang ilalaan na panahon sa pagsulat ng papel? Mahalagang maiplano ang oras at iskedyul ng

Introduksiyon sa Saliksik | 97
pagsulat ng term peyper dahil inaasahan itong maisumite bago matapos ang semestre. Sa labas
ng klase, at kung nais na tahakin ang mundo ng pananaliksik, higit na nagiging mahalaga ang
pagpaplano ng oras at iskedyul dahil may takdang panahon ang pag-iral ng mga kontrata at grant
ng saliksik. Nag-iibá-ibá ang iskedyul ng pagsulat ng saliksik depende sa paksang sasaliksikin
at sa kakayahan ng mananaliksik na makalap ang sapat na datos para dito. Gayunman, para sa
mga susulat ng term peyper na may minimum na 10 pahina at hindi lalampas sa 30 pahina,
maaaring maglaan ng sumusunod na panahon:

1. Pagsulat ng unang borador: dalawa hanggang tatlong araw


2. Ipagpaliban ang natapos na borador: isang araw
3. Pagrebisa at pagsulat ng ikalawang borador: dalawang araw
4. Ipagpaliban ang natapos na borador: isang araw
5. Pagrebisa at pagsulat ng pinal na term peyper: isang araw

Sa pagsulat ng unang borador, tingnan ang inihandang banghay. Ito ang magiging
gabay sa pagbuo ng nilalaman ng unang borador. Ilan sa mga konsiderasyon sa pagbuo ng
borador ang sumusunod:

1. Gamítin ang pormal na Filipino. Ibá ang pagsulat ng personal na sanaysay


o malikhaing akda sa pagsulat ng term peyper. Sa term peyper, direkta ang
paglalahad ng mga impormasyon. Hindi kailangang gumámit ng mabulaklak
na salitâ o mga matalinghagang pahayag.

2. Gamítin ang ikatlong panauhan upang maging pormal ang pagpapahayag.


Hindi isinasáma ang sarili upang maging obhetibo o matapat sa paglalahad
ng idea. Gayunman, ngayon, may mga term peyper na rin na gumagámit ng
una at ikalawang panauhan.

3. Magpokus sa ginawang banghay o tesis upang hindi sumabog ang idea hábang
nagsusulat. Bagama’t hábang nagsusulat, maaaring magkaroon ng pagbabago
o paglayô sa inihandang banghay.

4. Kapag nagsusulat na ng borador, gamítin na ang naipong kard ng talâ.


Ang pagbabanggit ng mga sanggunian sa term peyper ay makatutulong sa
paglalatag ng batayan ng tinatalakay at tinatahak na tesis ng papel.

May dalawang paraan ng pagsipi: una, ang pagsipìng pahulip (run


in quotation), ikalawa, ang pagsipìng palansak (block quotation). Sa pahulip,
isinisingit sa loob ng pangungusap o talata ang sinipìng salitâ o pangungusap,
ikinukulong sa panipi ang sipì, at inilalathala sa tipong kauri at kasinlaki ng
teksto. Ginagámit ang pahulip kung mababà sa apat na linya ang sinisipì
at nilalagyan ng panipi (“…”) ang bahaging tuwirang hinango mula sa
sanggunian.

98 | Introduksiyon sa Saliksik
Halimbawa:

Hindi ako naniniwala nang sabihin niyang “Walâ akong ginawang masama!”

Sa palansak, inihihiwalay sa pangunahing teksto ang sipì, hindi


ikinukulong sa panipi, gumagámit ng isahang patlang, at nilalagyan ng higit
na malaking mardyin o palugit papasók mula sa magkabilâng tagiliran ng
pahina. Kung nása anyong limbag, ang sipìng palansak ay ginagamítan ng
ibáng uri at mas maliit na tipo kaysa tipo ng pangunahing teksto. Ginagámit
ang palansak para sa apat o higit pang bílang ng mga linyang tuwirang
hinango sa sanggunian. Nilalagyan ng tutuldok (:) o kuwit (,) pagkaraan ng
hulíng salitâng talata bago ang bahaging tuwirang sinisipi.

Halimbawa:

Marahil sa mga magulang na ganito ay nabibílang ang kay Francisco


Baltazar, pagkat sa mga tula rin niya’y mapatutunayan ang mga bagay
na sinabi; ganito nga ang inilagay niya sa bibig ni Florante:

Ang lahat ng ito’y kay amang talastas,


kayâ nga ang luha ni ina’y hinamak,
at ipinadala ako sa Atenas,
bulag na isip ko’y nang doon mamulat.

5. Iwasang iedit ang sarili hábang nagsusulat. Kung papansinin agad ang mga malî,
katulad ng ispeling, gramatika, at ibá pa hábang nagsusulat, hindi makatatapos ng
saliksik. Hayaang padaluyin ang mga idea hábang nagsusulat. Gawin ang pag-eedit
kapag tapós nang sumulat.

6. Maglaan ng espasyo para sa mga talababâ at/o talâ. Maaari itong lagyan ng asterisko at
italâ sa mardyin ng papel upang mabalikan at mapalawig pagkaraan.

7. Pagsanibin ang mga sinipi at ang sariling paliwanag dito. Mahalagang sipiin ang mga
pinakamahalagang idea at sikaping magkaroon ng sariling pagpapaliwanag tungkol
dito. Mangangahulugan ito na ang mananaliksik ay dapat na maalam at nakapagbasá
na ng maraming sanggunian sa paksa.

8. Iwasan ang pagdaragdag ng mga impormasyong hindi naman kailangan at walang


kinalaman sa paksa. Sakít ito ng mga nagsisimulang mananaliksik bunsod na rin
marahil sa nararamdamang presyur sa bílang ng pahinang dapat maiprodyus.
Ipinapayong saliksiking mabuti ang mga paksa upang maiwasan ang ganitong eksena.
Kung husto ang ginawang saliksik at paghahanda para sa napilìng paksa, tiyak na
maipaliliwanag ito nang mahusay ng mananaliksik nang hindi kailangang magdagdag
ng mga impormasyong walang kaugnayan sa paksa.

Sa pagsulat ng unang borador, isaalang-alang na ang gagamíting estilo sa kabuuan

Introduksiyon sa Saliksik | 99
ng term peyper ay isinusunod sa estilo ng sangguniang gagamítin. Ang estilo ng
term peyper ay nangangahulugan lámang ng pagsunod sa kumbensiyon at format na
itinatakda ng mga estilong pansanggunian gaya ng MLA, APA, o CMS:

Modern Languages Association (MLA). Ang estilong MLA ay isang gabay


para sa pagsulat, dokumentasyon, at pananaliksik sa humanidades, lalo sa
English Studies, pag-aaral sa mga modernong wika at panitikan, kasáma ang
komparatibong literatura, kritisismong pampanitikan, media studies, araling
kultural, at kaugnay na mga disiplina (ngunit hindi kasáma ang kasaysayan,
pilosopiya, at teolohiya na sumusunod naman sa Chicago Manual of Style).

American Psychological Association (APA). Ang estilong APA ay nilikha para


gabayan ang pag-unawa sa pagbabasá sa agham panlipunan at pangkaugalian
(social and behavioral sciences), para sa malinaw na komunikasyon, at para
sa paggámit ng mga “salitâng mainam sa pagbabawas ng anumang malîng
palagay” (“word choice that best reduces bias in language”).

Chicago Manual of Style (CMS). Pinasimulan ng University of Chicago noong


1906, kasalukuyan na itong may 16 na edisyon at pinakagamitíng estilo lalo
sa hanay ng mga pabliser. Tumatalakay ito sa mga aspekto ng praktika ng
editoryal mula sa gramatika hanggang sa paghahanda ng dokumento at aklat.
Ginagámit ito sa ilang mga publikasyon ng agham panlipunan at karamihan sa
mga jornal sa kasaysayan.

Sinusundan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kumbensiyon at tradisyong


Chicago. Sa katunayan, ang sangguniang materyales na KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat
(mada-download nang libre ang PDF ng aklat na ito sa www.kwf.gov.ph) ay hinango sa estilong
Chicago.

Pagkaraang maisulat ang unang borador, maglagay ng isang araw na pagitan bago
ito balikan para sa pagrerebisa. Nagrerebisa ng unang borador ng papel dahil may mga
nawawaglit na mahalagang impormasyon o kayâ may mga kailangang ibawas na hindi
kailangang impormasyon na hindi agad matutukoy sa pagsulat ng unang borador, bukod
sa mga malîng tipograpiko na dapat iwasto. Isang malaking suliraning hinaharap ng mga
nagsisimulang mananaliksik ang suliranin sa rebisyon. Paano magrerebisa o mag-eedit ng
sariling gawa? Tandaan na hindi kung ano-ano lang ang nirerebisa sa isang papel dahil tiyak na
may maliligtaang pagtuunan ng pansin kung hindi magiging sistematiko ang rebisyon.

Sa pangkalahatan, ang pagrebisa sa unang borador ay isa nang pagtingin sa linaw


ng mga ugnayan ng mga inilatag na impormasyon at argumento. Inaasahan na sa proseso
ng pagsulat ng unang borador ay mailalatag na ang lahat ng mahahalagang impormasyon at
nabuo na ang mga argumento. Dahil dito, kakailanganin pang isaayos ang pangkalahatang
estruktura ng saliksik sa pagsusunod-sunod ng mga talata at daloy ng mga idea. Narito ang
mga aspektong dapat isaalang-alang sa rebisyon ng unang borador:

1. Pagsusuri sa banghay. Suriin kung tumutugma ang mga inilatag na mga


impormasyon at paliwanag sa inihandang banghay. Magkatulad ba ang
dalawa? Kung hindi, alin ang mas mainam?

100 | Introduksiyon sa Saliksik


2. Pagsasaayos ng mga bahagi. May mga talata bang dapat ilipat ng puwesto
upang mapainam ang daloy ng mga idea? Sa pagsasaayos ng mga bahagi, may
posibilidad na ang isang talata mula sa nilalaman ay maililipat sa panimula o
ang kabaligtaran. Tandaan lámang na kung maglilipat ng talata ay lagyan ito
ng kaukulang transisyon na aangkop sa daloy ng nauna at susunod na mga
talata na paglilipatan. Tingnan ang kabuuan ng saliksik at tingnan din ang
mga espesipikong yunit nitó.

3. Pag-aalis ng mga di-kailangang impormasyon. Ang unang borador ay


nagtataglay ng labis na mga salitâ o pangungusap na maaaring nag-uulit na
lámang ng mga idea o nagtataglay ng mga impormasyong hindi nakapag-
aambag o walang kaugnayan sa kabuuan ng saliksik. Maaaring alisin ang mga
ganitong kalabisan upang mapalinaw at mapatibay ang nais na ipahayag ng
saliksik.

4. Paglilinaw ng kahulugan. Basáhin at suriin ang kahulugan ng mga


pangungusap sa punto de-bista ng inaasahang mambabasá. Madalî ba itong
mauunawaan ng mambabasá? Aling bahagi ang malabò ang kahulugan?
May mga pangungusap bang masyadong mahahabà at nakalilito na maaari
namang ipahayag sa simpleng paraan?

Maaaring maglaan ng isang araw na pagitan para sa ikalawang rebisyon ng papel.


Maaaaring makakíta pa ang mananaliksik ng mga aspektong mangangailagan pa ng pagsasaayos.
Maaaring suriing muli ang ikalawang borador gámit ang apat na aspektong inilatag sa itaas.
Bukod sa mga ito, tinitingnan at iwinawasto din ang sumusunod sa ikalawang rebisyon:

1. Pagwawasto ng baybay ng mga salitâ at paglilinaw ng mga salitâng hindi tiyak


ang gámit o kahulugan.
2. Pagwawasto ng mga bantas at paggámit ng malalaki at maliliit na titik.
3. Pagtitiyak na ang bawat sanggunian sa loob ng teksto at sa talaan ng mga
sanggunian ay kompleto at kinikilála nang wasto.

Pagbuo ng Talaan ng mga Sanggunian


Ang talaan ng mga sanggunian o bibliyograpiya ay listahan ng mga akdang ginamit sa pagbuo
ng term peyper. Nakaayos ito nang alpabetiko. May ibá’t ibáng estilo ng pagsasaayos ng
bibliyograpiya depende kung ano ang format na nais. Maaaring gumamit ng estilong Modern
Language Association (MLA), American Psychological Association (APA), o Chicago Manual
of Style (CMS). Narito ang gabay sa pagsulat ng mga lahok sa talaan ng mga sanggunian mula
sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat
(2015) na hango sa CMS.

Introduksiyon sa Saliksik | 101


Aklat

1. May-akda: Buong pangalan ng mga manunulat, editor, tagatipon. Maaaring


isulat ang pangalan ng institusyon o organisasyon bílang may-akda.
2. Pamagat: Buong pamagat ng aklat, kasáma ang pangalawang pamagat (subtitle)
kung mayroon. Isinusulat nang italiko ang pamagat ng mga mahabàng akda
at mga aklat. Ipinapaloob naman sa panipi ang pamagat ng mga artikulo bago
isinusulat ang pamagat ng aklat na pinagkunan ng artikulo.
3. Editor, tagasalin, at tagatipon: Maaaring isáma sa entri sa talasanggunian ang
pangalan ng kung sino man sa mga ito kung nabanggit sa aklat.
4. Edisyon: kung mayroon.
5. Tomo: Isulat ang kabuuang bílang ng tomo ng publikasyon, kung tinutukoy
ang lahat ng tomo ng publikasyon; indibidwal na bílang ng tomo kung ito
ang ginamit; at ang pamagat ng tomo, kung mayroon.
6. Mga detalye ng lathalaan: lungsod, tagapaglathala, at taón ng pagkakalathala.
7. Bílang ng páhina, kung maaari.

Peryodikal (jornal, magasin, at peryodiko)

1. Awtor o mga awtor


2. Pamagat ng artikulo at pamagat ng kolum (kung mayroon)
3. Pamagat ng publikasyon
4. Impormasyon ng isyu (tomo, bílang, petsa, atbp)
5. Páhina

Di-nalathalang Materyales

Sundin ang paraan ng paglilista sa aklat, kung may maaaring gamíting impormasyon.
Kung wala, isaad ang anumang impormasyon na makatutulong sa isang mananaliksik.

Publikasyong Isa ang Awtor

Isinusulat nang nauuna ang pangalan ng may-akda sa paraang apelyido-unang pangalan-


inisyals ng gitnang pangalan (kung nása páhinang pampamagat ng aklat). Naglalagay ng
tuldok pagkatapos ng inisyals ng gitnang pangalan (o ng pangalan kung walang detalye para
sa gitnang pangalan).

Añonuevo, Rebecca T. “Ang Pusod sa Pagpapangalan: Paanong Nag-iiba/Nagigiba


ang Pilipinas ng F sa Filipinas, atbp Pagkutingting sa Kung Ano-anong
Maliliit na Bagay.” Pandiwa 1, blg. 1. (2013). mp. 31–45.

Eugenio, Damiana L. Awit and Corrido: Philippine Metrical Romances. Lungsod


Quezon: University of the Philippines Press, 1987.

102 | Introduksiyon sa Saliksik


Kung institusyon o pangkat ang may-akda ng publikasyon, isinusulat nang buo ang pangalan nitó.

The Committee on the Humanities, ed., Readings in Contemporary Philippine


Literature. Lungsod Quezon: Ken Incorporated, 1967.

Dalawa o Higit pang Awtor

Sa mga publikasyong maramihan ang awtor, isulat ang mga pangalan ayon sa pagkakasunod
ng mga ito sa pahinang pampamagat. Ang unang pangalan lámang ang nakasulat sa apelyido-
unang pangalan. Gumagámit ng kuwit sa pagitan ng bawat pangalan.

Atienza, Glecy, Bienvenido Lumbera, at Galileo Zafra, mga ed. Bangon: Antolohiya
ng mga Dulang Mapanghimagsik. Lungsod Quezon: Office of Research
Coordination, Unibersidad ng Pilipinas, 1998.

Mella, Cesar Jr., at Adelino Hachero-Mina. The Fragnant Sky. wl., 1967.

Anonimo ang Awtor

Kung hindi ipinakilála ang awtor, sinisimulan ang entri sa pamagat ng publikasyon. Pinananatili
ang pagiging italiko ng pamagat kahit sinisimulan nitó ang entri.

Ang Walang Pagkupas na Kasaysayan ni Bernardo Carpio. Lungsod Maynila:


Philippine Book Co., 1949.

Buhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia sa Caharian


nang Portugal na Hinango sa Novela. Imprenta, Libreria at Papeleria ni J.
Martinez, 1920.

Kabayong Tabla: Buhay ng Prinsipe Don Juan at Prinsesa Donya Maria sa Kaharian
ng Balencia at Asturias. Lungsod Maynila: Aklatang Lunas, 1950.

Kung anonimo ang awtor batay sa pahinang pampamagat ngunit natitiyak ng sumusulat kung
sino ang awtor, ang pangalan ng awtor ay maaaring isáma sa impormasyon ng sanggunian
nang nakakulong sa panaklaw at sinusundan ng tuldok.

[Edroza-Matute, Genoveva]. “Kasalukuyang Kalagayan ng Panitikang Pilipino.”


Panitikan I. Maynila: Pioneer Song Lyric Publication, 1965.

Kung hindi tunay na pangalan ang ginamit ng awtor, isulat ang alyas at lagyan ng “alyas”
pagkaraan na nakakulong sa panaklaw.

M.S. Martin [alyas]. Timawa. Lungsod Maynila: Liwayway Publications, Inc.,


1953.

Introduksiyon sa Saliksik | 103


Pagsulat ng Pamagat

Sinusundan ang baybay, malaki at maliit na letra sa pamagat na makikíta sa pahinang


pampamagat.

Eugenio, Damiana L. Mga Piling Awit at Korido. Lungsod Quezon: University of


the Philippines Press, 1995.

Hau, Caroline. Necessary Fictions: Philippine Literature and the Nation 1946–
1980. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press, 2000.

Tadiar, Neferti Xina M. Things Fall Away: Philippine Historical Experience and the
Makings of Globalization. Durham: Duke University Press, 2009.

Kung may Pangalawang Pamagat

Karaniwang isinasáma ang mga pangalawang pamagat ng mga publikasyon. Gumagámit ng


tutuldok upang tukuyin ang pangalawang pamagat.

Atienza, Glecy, Bienvenido Lumbera, at Galileo Zafra, mga ed. Bangon: Antolohiya
ng mga Dulang Mapanghimagsik. Lungsod Quezon: Office of Research
Coordination, Unibersidad ng Pilipinas, 1998.

Cruz, Hermenegildo. Kung Sino ang Kumatha ng “Florante”: Kasaysayan ng buhay


ni Francisco Balagtas at Pag-uulat ng Kaniyang Karununga’t Kadakilaan.
Lungsod Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2013.

Pamagat sa Loob ng Pamagat

Nilalagyan ng panipi ang pamagat sa loob ng pamagat. Gumagámit naman ng isahang panipi
para sa pamagat sa loob ng pamagat ng artikulo sa jornal o kabanata sa isang aklat.

Almario, Virgilio S. “Ang Pinagbuhatan ng ‘Florante at Laura’ ni Balagtas.” Si


Balagtas at ang Panitikan para sa Kalayaan. Lungsod Maynila: Komisyon sa
Wikang Filipino, 2014.

Casanova, Arthur P. “Ang Pagtuturo ng Filipino sa mga Dayuhan.” Pandiwa 1,


blg. 1 (2013).

Morada, Florelyn Cherry B. “K to 12 Science Curriculum is Learner Centered,


Inquiry-Based.” EducNews (Disyembre 2013).

Edisyon

Karaniwang isinasáma ang edisyon ng aklat sa entri sa sanggunian. Isinusulat ito pagkatapos
ng pamagat at nilalagyan ng tuldok.

104 | Introduksiyon sa Saliksik


Casaysayan nang Pasiong Mahal ni Jesucristong Panginoon Natin na Sucat Ipag alab
nang Puso nang Sinomang Babasa. Edisyong may salin at introduksiyon ni René
D. Javellana, S.J. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1988.

Ortograpiyang Pambansa. Ikalawang ed. Lungsod Maynila: Komisyon sa Wikang


Filipino, 2014.

Tomo

Isinusulat sa numerong arabigo ang tomo ng mga aklat. Inilalagay ang kabuuang bílang ng
tomo kung ang lahat ng tomo ang ginamit na sanggunian.

CCP Encyclopedia of Philippine Art. 10 tomo. Maynila: Cultural Center of the


Philippines, 1994.

Kung partikular na tomo ang ginamit na reperensiya, isulat ang pamagat ng tomo bílang
pamagat ng sanggunian. Inilalagay naman kung pang-ilang tomo at anong publikasyon
pagkatapos ng pamagat. Alalahaning italiko rin ang pangalan ng publikasyon.

Philippine Theater. Ikapitóng tomo ng CCP Encyclopedia of Philippine Art.


Maynila: Cultural Center of the Philippines, 1994.

Lathalaan at Petsa

Inilalagay ang lugar ng lathalaan, lathalaan, at petsa ng pagkalathala sa hulíng bahagi ng


sanggunian. Naiibá ito sa talababâ dahil hindi na ikinukulong sa panaklong ang impormasyon
hinggil sa paglalathala.

Eugenio, Damiana L. Mga Piling Awit at Korido. Lungsod Quezon: University of


the Philippines Press, 1995.

Gumagámit naman ng mga daglat na “w.p.” (“walang petsa”) at “w.l.” (walang lathalaan) kung
ang mga ito ay hindi nakasaad sa sanggunian.

Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magkakapatid na


Anak nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Kahariang Berbania.
Lungsod Maynila: P. Sayo, w.p.

Kung nagbago ang pangalan ng lathalaan, panatilihin ang pangalan ng lathalaan batay sa
nakasaad sa pahinang karapatang-sipi (copyright page) ng sanggunian.

Historia Famosa ni Bernardo Carpio sa Reinong España na Anac ni D. Sancho Diaz


at ni Doña Jimena. Limbagan at Aklatan ni J. Martinez. Lungsod Maynila,
1919.

Introduksiyon sa Saliksik | 105


Salita at Buhay na Pinagdaanan ni Sigesmundo at nang Duquesa Policena at nang
Principe Adonais at nang Princesa Cloriana at Principe Tang-credo at ni Laveña
sa Caharian nang Albania. Lungsod Maynila: Imprenta at Libreria ni J.
Martinez, 1914.

Sangguniang Elektroniko

Mga sanggunian mula sa mga website


Para sa mga online na materyales, inilalahok ang sumusunod na elemento:

1. Buong pangalan ng awtor


2. Buong pamagat ng artikulo
3. Pangalan ng website (o pahina)
4. Petsa ng pagkakalathala
5. Ang Uniform Resource Locator o URL

Pangalan ng awtor sa mga sangguniang elektroniko

Ang pagsulat ng pangalan ng awtor para sa mga sangguniang elektroniko ay katulad ng pagsulat
ng pangalan sa mga nalimbag na publikasyon.

de Veyra, Lourd. “Carlo J All the Way.”SpotPH,1 Agosto 2009. http:// www.spot.
ph/ this-is-a-crazy-planets/28359/carlo-j-all-the-way.

Gappi, Richard. “Opkors, nakakain ang F.” Rizal News Online, Hulyo 2013.
http://www.rizalnewsonline.com/2013/07/poetry-opkors-nakakain-ang-f-
ni-richard.html.

Pamagat ng artikulo

Isinusulat nang italiko ang pamagat ng mga aklat elektroniko. Kung ang materyales ay mga
artikulo o kabanata sa isang aklat elektroniko, isinusulat sa loob ng panipi ang pamagat ng mga
publikasyong online.

Campbell, Joseph. The Hero With a Thousand Faces. Princeton: Princeton


University Press, 2004. E-book.

San Juan, Epifanio. “Pagsubok sa Isang Mapagpalayang Pakilala’t Pagtaya sa


Sining ni Jose Corazon de Jesus.”Himagsik Kayumanggi, 1 Abril 2013. http://
sonnysj.blogspot.com/2013/ 04/jose-corazon-de-jesus-ang-sining-ni.html.

Pangalan ng pahina at petsa ng pagkakalathala

Italiko naman ang pangalan ng pahina o website. Kaibá sa ibáng elemento na pinaghihiwalay
ng tuldok, nagtatapos sa kuwit ang pangalan ng pahina. Sinusundan ito ng petsa kung kailan
nalathala.

106 | Introduksiyon sa Saliksik


Quijano de Manila. “Why was the Rizal hero a Creole?” With One’s Past, 12
Oktubre 2010.http://withonepast.wordpress.com/2010/10/12/why-was-
the-rizal-hero-a-
creole/.
URL

Ang Uniform Resource Locator (URL) ang pangunahing reperensiya para sa isang lokasyon
sa internet. Karaniwan itong pinangungunahan ng http (hypertext transfer protocol) at ang
espesipikong kowd o kodigo para sa lokasyon ng materyales. Nakikíta ang URL sa adres bar
kapag ginagámit ang isang Internet browser.

Bagaman sinusundan ng tuldok ang URL sa sanggunian, nananatíli ang maliit na titik
nitó (http:// madalas ang simula). At sapagkat karaniwang mahabà ang isang URL, hindi ito
nilalagyan ng gitling kahit dalawa o tatlong linya ang nasasakop nitó sa sanggunian. (Pansinin
na may awtomatikong gitling ang bahagi ng URL na tumutukoy sa pamagat ng artikulong
inaakses. Ang gitling na ito ay isang kowd ng URL upang kumatawan sa espasyo. Pinananatíli
ang gitling na ito.)

Arao, Danilo. “Filipinas at Pilipinas bílang pangalan ng bansa.” Rising Sun, 29


Hunyo 2013. http://risingsun.dannyarao.com/2013/06/29/filipinas-at-
pilipinas-bilang-pangalan-ng-bansa.

San Juan, Epifanio. “Pagsubok sa Isang Mapagpalayang Pakilala’t Pagtaya sa


Sining ni Jose Corazon de Jesus.” Himagsik Kayumanggi, 1 Abril 2013. http://
sonnysj.blogspot.com/2013/04/jose-corazon-de-jesus-ang-sining-ni.html.

Mga materyales na Audio-visual

Sa mga materyales na audiovisual, ilahok ang sumusunod na mga elemento:

1. Pangalan ng awtor, manunulat, nagtanghal, o kung sinumang


responsable o lumikha sa nilalaman ng materyales.
2. Pamagat ng materyales, nakasulat sa italiko.
3. Pangalan ng kompanyang nagrekord o naglathala.
4. Midyum (cd-rom, dvd-rom, casette, atbp.)
5. Petsa ng pagkakaprodyus (maaaring idagdag)

Fernandez, Doreen at Malou Jacob. Panitikan: a documentary on Philippine


Literature. Cultural Center of the Philippines. videocasette.

Granada, Gary. Kahit Ako’y Mahirap. Infiniti Music. audio cassette.

Gutierrez, Chin-Chin. Uyayi: a collection of Philippine Lullabies. National


Commission for Culture and the Arts. cd-rom.

Introduksiyon sa Saliksik | 107


Pagsulat ng Pinal na Term Peyper
Malaking bahagi ng paghahanda ng pinal na term peyperang pagbása ng teksto.
Nangangahulugan ito na ang awtput ay dapat na malinis at tiyak. Malinis dahil wasto ang
baybay ng mga salitâ, wasto ang paggámit ng malaki at maliit na titik, at wasto ang mga bantas.
Tiyak dahil wasto ang gramatika, makinis ang daloy ng mga idea, at malinaw angkahulugan ng
mga salitâ. Sa paghahanda ng pinal na kopya, makatutulong ang sumusunod na gabay:

1. Basáhing mabuti ang ginawang borador. Itsek ang ispeling, gramatika, bantas,
paggámit ng maliit at malaking titik, at talababâ o talâ. Maaaring sangguniin ang
Ortograpiyang Pambansa at KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat para sa mga
pagwawasto ng mga bagay na nabanggit.
2. Basáhin at balikan nang ilang ulit ang papel. Sa ganitong paraan, mas madalîng
makíta ang mga malî at kinakailangang baguhin. Kung may panahon pa,
makaiinam ding ipabása ito sa ibá para sa mga komentaryo at pagwawasto.
3. Mamilì ng mahusay na pamagat. Kailangang makuha ng pamagat ang pinakabuod
ng papel. Gayundin, mahalagang malinaw ito at magbibigay kaagad ng idea sa
mambabasá kung tungkol saan ang papel.
4. Sa pangkalahatan, dapat taglayin ng bawat bahagi ng term peyper ang sumusunod:

PAHINANG PAMPAMAGAT

• Pamagat ng term peyper


• Pangalan ng mag-aaral, digri at kurso, numero bílang estudyante, paaralan, kontak /
e-mail adres
• Asignatura, semestre at taón na kinuha ito, pangalan ng guro
• Petsa ng pagsusumite ng term peyper
• Nakagitna ang teksto sa pahina ng pamagat na eksakto lámang sa kabuuang súkat ng
pahina.
Serrano Hanggang Laktaw: Isang Kaso ng Estandardisasyon
sa Dalawang Pangunahing Diksiyonaryo ng Wikang Pambansa

Kate Danica L. Tagra


MA Filipino
Estudyante Blg. 2008-04055
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
kdtagra@upd.edu.ph

Filipino 298
Ikalawang Semestre
AY 2015-2016
Bb. Adelma B. Lagdameo

20 Abril 2016
Box 5. Halimbawang pahina ng pamagat.
ABSTRAK
• Apat hanggang pitóng pangungusap na nagbabanggit kung anong suliranin ang nais
talakayin, layunin, metodong ginamit, resulta, at ibá pang katulad na impormasyon.

108 | Introduksiyon sa Saliksik


Ang imposibilidad sa tiyak na pagtukoy kung ilang “wika” o “diyalekto” ang sinasalitâ sa mundo ay dahil sa
ambigwidad ng kahulugang ikinakabit sa mga salitâng ito, na ipakikítang nag-ugat sa orihinal na gámit
ng “diyalekto” upang tumukoy sa diyalektong pampanitikan ng sinaunang Greece. Sa maraming gámit
nitó, ang salitâng “wika” ay itinuturing na mas mataas sa “diyalekto,” ngunit ang kalikasán ng ganitong
ugnayan ay maaaring lingguwistiko o sosyal, ang hulí ay nasasaklaw ng sosyolingguwistika. Ipakikíta
kung paanong ang pagdevelop ng isang bernakular, o mas kilalá bílang diyalekto, túngo sa pagiging
wika ay mahigpit na kaugnay ng pagdevelop ng pagsulat at pag-usbong ng nasyonalismo. Ipakikíta na
ang prosesong ito ay nagsasangkot ng seleksiyon, kodipikasyon, pagtanggap, at elaborasyon ng isang
pamantayang panlingguwistika.

Box 6. Halimbawang abstrak.

INTRODUKSIYON

• Pagsasakonteksto ng paksa
• Maikling overview ng kasalukuyang estado ng saliksik, kasáma ang mga usaping
kontrobersiyal
• Paliwanag sa layunin at halaga ng saliksik
• Pagsasalaysay ng metodo at nilalaman, paggabay sa mambabasá sa mga dapat asahan
sa artikulo
• Paglilinaw ng mga susing salitâ at kahulugan

KAUGNAY NA LITERATURA

• Kaligirang pangkasaysayan, o ang paglalatag ng mga nauna at/o pangunahing pag-


aaral kaugnay ng paksa
• Kasalukuyang konteksto
• Mga batayang teoretiko, at pagtukoy sa teoryang nais na gamítin sa papel
• Mga nais na tugunang puwang ng pag-aaral sa paksa

TALAKAY O PAGSUSURI

Ang estruktura ng bahaging ito ay nakabatay sa layunin ng mag-aaral. Walang mahigpit na


kumbensiyon kung ilang kabanata ang lalamanin ng isang term peyper. Sa pangkalahatan,
tataglayin ng bahaging ito ang:

• Paghahati ng teksto sa mga seksiyon, bawat isa’y kumakatawan sa pangunahing punto


• Pagdevelop ng katwiran o argumento nang unti-unti at sa malinaw na paraan
• Lahat ng literaturang ginámit ay kailangang may katumbas na sanggunian
• Ang pagkakasulat ng teksto ay kailangang malinaw at madalîng maunawaan.
• May interpretasyon ng mga pangunahing sanggunian, problemang pangmetodolohiya,
kasalukuyang estado ng saliksik, at ang sariling pananaw ng mag-aaral

PAGLALAGOM

• Binabalikan ang suliraning nais tugunan, at ilalatag ang kongklusyon, obserbasyon, at


interpretasyon kaugnay ng mga ito

Introduksiyon sa Saliksik | 109


• Isinasaalang-alang ang lakas at limitasyon ng saliksik
• Kailangang mapanghikayat sa mambabasá para magtanong at magmuni pa hinggil sa
paksa

TALAAN NG MGA SANGGUNIAN O BIBLIYOGRAPIYA

• Dapat na kilalanin ang lahat ng idea, konsepto, teksto, at datos na hindi pagmamay-
ari ng mananaliksik
• Italâ ang lahat ng sangguniang binanggit sa teksto sa bibliograpiya, gaya ng sangguniang
nakasulat, midya (retrato, video, atbp), sangguniang oral
• Karaniwang nakakategorya ang mga sanggunian sa pangunahin at sekundaryang
literatura, nakalathala, di-nakalathala, elektroniko, oral, atbp

APENDIKS

• Karaniwang may mapa, estadistika, tsart, at ibá pang katulad at ipinaliliwanag ang
kahalagahan at datos ng bawat isa sa bahagi ng talakayan
• Bawat mapa, estadistika, tsart, at ibá pang katulad ay kailangang may pamagat na
kapareho ng format ng ulo (heading) ng kabanatang bumanggit o gumamit nitó
• Kung walang partikular na susundang estilo o format, maaaring gamítin ang
sumusunod na gabay:

• Para sa papel, karaniwang ginagámit ang size na 8 ½ x 11 inch bond paper.


• Para sa mardyin, karaniwan na ang 1 pulgadang mardyin sa taas, kanan, kaliwa,
at babâng bahagi (pagkatapos ng hulíng talababâ). Isaalang-alang lámang na
magpalugit ng 1 ½ pulgada sa kaliwang bahagi kung planong gumámit ng
baynder.
• Para sa espasyo, karaniwang doble espasyo ang mga term peyper, may palugit na 5
espasyo o isang tab ang unang linya ng bawat talata, maliban sa una o pambungad
na talata pagkaraan ng pangalawang ulo.

MGA TIP PARA SA ESTILO NG PAGSULAT

• Tiyak na paggámit ng mga susing salitâ at kahulugan ng mga salitâng teknikal, wastong
ispeling at paggámit ng mga bantas
• Malinaw ang mga pangungusap; iwasan ang masasalimuot na anyo ng pangungusap at
pag-uulit ng katwiran; kailangang masigla at aktibo ang mga pangungusap
• Obhetibo at maingat sa paggámit ng mga datos at sanggunian

MGA TIP PARA SA KATANGIANG AKADEMIKO

• Suhayan ng mga sanggunian ang bawat pahayag


• Paráprase o gumamit ng ibá’t ibáng paraan ng pagpapahayag ng mga idea o opinyong
nais gamítin
• Pagpapakahulugan at pagdedetalye ng mga susing konsepto o idea
• Pagsipi nang malinaw ng mga idea at may sapat na pagkilála sa sanggunian
• Pangangatwiran nang husto para sa mga pahayag, lagom, metodo, literatura, sanggunian,
at susing tanong
• Mahigpit na pag-iwas sa plahiyo o pangongopya ng idea nang walang wastong
dokumentasyon

110 | Introduksiyon sa Saliksik


TALAAN NG MGA SANGGUNIAN

Mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik

Barry, Peter. Beginning Theory: An Introduction to Literary and Cultural Theory. N.p., 2002.
Web.
Constantino, Renato. “The Mis-Education of the Filipino.” Journal of Contemporary Asia
1970: 20–36. Web.
Fairhead, James, Melissa Leach, and Mary Small. “Where Techno-Science Meets Poverty:
Medical Research and the Economy of Blood in The Gambia, West Africa.” Social
Science and Medicine 63 (2006): 1109–1120. Web.
Feierman, Steven. “Evidence, Ethos and Experiment: The Anthropology and History of
Medical Research in Africa.” Evidence, Ethos and Experiment: The Anthropology and
History of Medical Research in Africa. N.p., 2011. Print.
Ferdman, Bernardo M. “Literacy and Cultural Identity.” Harvard Educational Review 60
(1990): 181–205. Print.
Go, Julian. “The Chains of Empire: State Building and ‘Political Education’ in Puerto Rico
and the Philippines.” The American Colonial State in the Philippines: Global Perspectives.
Ed. Julian Go and Anne L. Foster. Durham & London: Duke University Press, 2003.
182–216. Print.
Leitch, Vincent B. The Norton Anthology of Theory and Criticism. Vol. 67. New York:
Norton, 2001. Print.
Mills, C. Wright. The Sociological Imagination. New York: Oxford University Press, 1959.
Print.
Wells, Gordon. “Apprenticeship in Literacy.” Interchange 18.1-2 109–123. Print.

Saliksik sa Aklatan

Ballenger, Bruce. The Curious Researcher, A Guide to Writing Research Papers. New
York: Perason Education, Inc., 2007.
Coyle, William. Research Paper (10th Ed.) Massachusetts: Allyn and Bacon, 1997.
Dittman, Helena at Hardy Jane. Learn Library of Congress Classification. Thailand:
Book Promotion and Service Co., 1998.
Eberhart, George M. Whole Library Handbook 2. Chicago and London: American
Library Association, 19995.
Mortimer, Mary. Learn Dewey Decimal Classification (Edition 21). Thailand: Book
Promotion and Service Co., 1998.
UP Diliman Library Brochure

Saliksik sa Labas

Burgess, Robert. Field Research: a Sourcebook and Field Manual. Routledge, Chapman and
Hall Inc., New York, 1982. e-book.

Introduksiyon sa Saliksik | 111


Dewalt, Kathleen, Billie Dewalt, at Coral Wayland. “Participant Observation.” Harvard
University, w.p. http://isites.harvard.edu/fs/docs/icb.topic205747.files/October_15/
Dewalt.pdf.
Driscoll, Dana Lynn. “Introduction to Primary Research: Observations, Surveys, and
Interviews.” 2011. http://www.parlorpress.com/pdf/driscoll--introduction-to-
primary-research.pdf.
Jorgensen, Danny. Participant Observation: A Methodology for Human Studies. Sage
Publications, Inc., The International Professional Publishers, 1989. e-book. http://
www.upv.es/i.grup/repositorio/Jorgensen%201989%20Participant%20observation.
pdf.
Johl, S, K at Renganathan, S. “Strategies for Gaining Access in Doing Fieldwork: Reflection
of two Researchers.” The Electronic Journal of Business Research Methods, Tomo 8 Isyu
1, (mp. 42-50) 2010. http://www.ejbrm.com.
Kluin, Marieke, Ben Ale, Coen van Gulijk, at Hinke Andriessen. “Participant Observation
in Risk Problems.” 2012. http://eprints.hud.ac.uk/22490/.
Leung, Wai-Ching. “How to design a questionnaire.” Tomo 9 (mp. 187-189) Hunyo
2001. http://studentbmj.com.
Li, Jun. “Ethical Challenges in Participant Observation: A Reflection on Ethnographic
Fieldwork.” Marso 2008. http://www.nova.edu/ssss/QR/QR13-1/li.pdf.
Mack, Natasha, Cynthia Woodsong, Kathleen MacQueen, Greg Guest, at Emily Namey.
“Participant Observation.” Qualitative Research Methods: A Data Collector’s Field Guide.
Family Health International, 2005. e-book. http://www.fhi360.org/sites/default/files/
media/documents/Qualitative%20Research%20Methods%20-%20A%20Data%20
Collector’s%20Field%20Guide.pdf.
Nazareth, Divya. “Exploring the ‘Field’ and ‘Fieldwork’ in Social Science Research.”
Anveshi: Research Centre for Women’s Studies, w.p. http://www.anveshi.org.in/
occasional-papers/.
Neville, Colin. “Introduction to Research and Research Methods.” Bradford
University School of Management, Hulyo 2007. http://www.bradford.ac.uk/
academic-skills/media/academicskillsadvice/documents/academicskillsresources/
readingandresearchingskillsadvanced/Teach-Yourself-Research-and-Research-
Methods-Basics.pdf.
Reyes-Garcia, Victoria, at William Sunderlin. “Why Do Field Research?.” 2011. http://
icta.uab.cat/etnoecologia/Docs/[312]-Why%20do.pdf.
Thayer-Hart, Nancy, Jennifer Dykema, Kelly Elver, Nora Cate Schaeffer, John Stevenson,
Office of Quality Improvement, at University of Wisconsin Survey Center. “Survey
Fundamentals: A Guide to Designing and Implementing Surveys.” University
of Wisconsin System Board of Regents, Disyembre 2010. https://oqi.wisc.edu/
resourcelibrary/uploads/resources/Survey_Guide.pdf.
“Participant Observation.” Sage Publishing, w.p. http://www.sagepub.com/sites/default/
files/upm-binaries/48454_ch_3.pdf.
“Qualitative Field Research.”Fasnafan: A Minor Library in Sociology, Anthropology and the
Humanities, ,w.p. http://fasnafan.tripod.com/fieldresearch.pdf.

112 | Introduksiyon sa Saliksik


Interbiyu

Gubrium, Jaber at James A. Holstein, Handbook of Interview Research: Context and


Method, 2002.
Kvale, Steinar, InterViews: An Introduction to Qualitative Research Interviewing, 1996.
Leavy, Patricia, editor. The Oxford Handbook of Qualitative Research, 2014.
Liamputtong, Pranee, editor. Qualitative Research Methods, ikaapat na edisyon, 2012
Denzin, Norman at Yvonna Lincoln, mga editor. The SAGE Handbook of Qualitative
Research, ikaapat na edisyon, 2011
Seidman, Irving. Interviewing as Qualitative Research A Guide for Researchers in
Education and the Social Sciences, ikatlong edisyon, New York, 2006.
“Qualitative Research Guidelines Project.” http://www.qualres.org/HomeInte-3595.html

Pagsulat ng Term Peyper

Ballenger, Bruce. The Curious Researcher, A Guide to Writing Research Papers.


New York: Perason Education, Inc., 2007.
Sardiko, Larisa. Guidelines on Writing A Term Paper, A Bachelor Paper, A
Master Paper. Daugavpils University, 2004. e-book.
http://de.du.lv/angluvaloda/Sardiko_Ieteikumi.pdf.
KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino,
2015.
American Psychological Association. https://www.apa.org
Chicago Manual of Style. http://www.chicagomanualofstyle.org
Modern Languages Association. https://www.mla.org
“Eleventh Grade Research Writing: Student Handbook.” Prince William
County Public Schools, w.p.
http://freedomhs.schools.pwcs.edu/modules/groups/homepagefiles/
cms/12708/File/Library/Research%20Paper%20Handbook%202012.
pdf?4cf1f0.
“Research and Citation Resources.” Purdue Online Writing Lab.
https://owl.english.purdue.edu/owl/section/2/
“Steps for Writing a Term Paper: Library Guide.” Frederick Taylor University, w.p.
http://www.ftu.edu/OL_TP200/How%20to%20do%20a%20research%20
paper.pdf.
“Writing the Research Paper: Handbook and Style Guide (Guide 1-48).” w.p.

Introduksiyon sa Saliksik | 113


114 | Introduksiyon sa Saliksik
Ang Aklat ng Bayan ay bahagi ng isang pangmatagalang proyekto
ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang masimulan ang
maaaring ituring na “Aklatan ng Karunungan” (Library of Knowledge)
na magtatampok sa kakayahan ng wikang Filipino bílang wika ng
paglikha at saliksik. Sa ilalim ng proyekto, muling ililimbag ng KWF
ang mga katangi-tanging pag-aaral sa wika, panitikan, at kultura ng
Filipinas; isasalin ang mga mahusay na akda mula sa mga wikang
katutubo, panitikang-bayan man o bagong malikhaing pagsulat;
isasalin ang mga dakilang akdang banyaga; ipasusulat o tatangkilikin
ang mga bagong pag-aaral pangkultura; at ilalathala ang mga mahusay
na tesis at disertasyon hinggil sa wika at panitikan ng bansa.

Introduksiyon sa Saliksik | 115

You might also like