You are on page 1of 4

DIMAYUGA, CIELO B.

GRADE 11 – BERYL

02/15/2022

Aralin 3: Mga Uri ng Teksto


GAWAIN 1

Pumili ng limang uri ng teksto at punan ang talahanayan batay sa mga kaalamang iyong
natutuhan.

Uri ng teksto Katangian

• May konkretong impormasyon


• Impormatibong teksto tungkol sa isang paksa.
• Deskriptibong teksto • May malinaw na impresyon para sa
• Nanghihikayat na teksto mga mambabasa.
• Naratibong teksto • May makapukaw-pukaw na
• Argumentatibong teksto damdamin at emosyon.
• May maayos at kompletong
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
• May matibay na pangangatwiran
batay sa katotohanan.

GAWAIN 2

Pumili ng dalawang uri ng teksto at sumulat ng sariling halimbawa ng mga ito. Basahin at
sunding mabuti ang panutong nakasulat sa iyong aklat na matutunghayan sa pagitan ng
pahina 34 at 35. Isulat sa hiwalay na papel ang dalawang halimbawa ng tekstong isinulat
mo. Lagyan ng pangalan at bilang ng modyul.
Prosidyural na teksto

http://tipsnikatoto.blogspot.com/2012/08/tips-sa-pagluto-ng-puto-bumbong.html

“Pambansang Kakanin: Paano Magluto ng Puto-Bumbong?”

Ang mga kailangan na sangkap:


1 tasa ng malagkit na bigas
2 kutsaritang food coloring na kulay ube
2 tasa ng tubig
Panutsa

Ito ang mga kailangan na materyales sa pagluluto:


Kutsilyo
Maslin na tela
Panala
Steamer na ginagamit sa paggawa ng puto

Ngayong handa na ang mga sangkap at kagamitan mo sa pagluluto. Simulan na natin


ang pagluluto ng masarap na puto bumbong:

1. Magbabad ng malagkit na bigas sa tubig ng hanggang magdamag


2. Durugin ang binabad na bigas
3. Ihalo ang food color sa bigas habang ito ay dinudurog
4. Balutin sa maslin na tela ang bigas na dinurog at salain para maalis ang ilan pang
natitirang tubig dito. Pwede ka ring gumamit ng isang mabigat na bagay para
maigi mong masala ang bigas.
5. Matapos salain ang dinurog na bigas, ikuskos ito sa screen ng panala para
maging galapong (coarsed grained rice flour)
6. Ngayon ay pwede na itong maluto. Punuin ang bamboo tube ng sapat na dame
ng malagket na bigas at ilagay na sa steamer. Dapat kumukulo ang tubig sa
steamer.
7. Pakuluan ang galapong ng 10 minuto.
8. Kapag luto na ay pwede mo na itong alisin sa bumbong gamit ang kutsilyo.
9. Magpahid ng mantikilya sa puto bumbong at lagyan din ng panutsa.
10. Lagyan din ng kaunting niyog bago ihanda.
Persuweysibong Teksto

“TARA, DITO SA PILIPINAS”

Ang Pilipinas ay isang bansa sa Timog Silangang Asya sa karagatan ng kanluran ng


Pasipiko. Ito ay binubuo ng mahigit pitong libong pulo; maliliit at malalaking pulo. Sa
lawak ng bansa, marami itong tinatagong likas na yaman katulad ng mga kabundukan,
dagat, at iba pa. Isa sa mga pasyalan na matatagpuan sa bansang ito ay ang Baguio. Ang
Baguio ay isa sa mga pinakasikat na lugar sa Pilipinas at tinagurian ito bilang “Summer
Capital of the Philippines” dahil sa malamig na temperature nito. Kung ikaw naman ay
naghahanap ng lugar kung saan ka pwedeng magbakasyon sa panahon ng tag-init
dumiretso kana sa Boracay! Ang Boracay isa sa mga pook na dinadayuhan dahil sa “White
Sand” nito at kulay asul na tubig ng dagat. Kung kaya’t ikaw ay nagbabalak mamasyal o
“magrelax”, dumiretso kana dito sa Pilipinas. Tiyak na ikaw ay mag-eenjoyed at
masisiyahan dito. Marami ka pang mapupuntahan at makikitang magagandang tanawin
na bihira lang makita sa buong kaya TARA, DITO SA PILIPINAS.

GAWAIN 3

Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang mga pahayag, at MALI kung hindi wasto ang
ipinahihiwatig nito.

MALI 1. Ang mga tekstong nababasa natin sa mga aklat at ilang artikulo sa magasin o
pahayagan ay ilan sa mga halimbawa ng tekstong argumentatibo.

MALI 2. Ang mga lathalain at mg aakdang pampanitikan ay ilan sa halimbawa ng


tekstong panghihikayat.

TAMA 3. Sa tekstong naglalarawan, nagbibigay ang may-akda ng sapat na detalye bilang


pagpapatunay na tumpak ang impormasyon.

TAMA 4. Sa tekstong pasalaysay, inilalahad ng may-akda ang pagkakasunod-sunod ng


pangyayari sa mambabasa.

TAMA 5. Kailangang lohikal ang paglalahad sa tekstong argumentatibo upang maging


makatotohanan ang inihahaing proposisyon.
GAWAIN 4

Magtala ng limang kapakinabangang nakukuha sa mga mabubuting babasahin. Sumulat


ng dalawa hanggang tatlong pangungusap na repleksiyon hinggil sa talata sa Biblia na
nasa unang pahina ng modyul.

1. Nagkakaroon tayo ng bagong kalaman tungkol sa mga bagay-bagay.


2. Binabago nito ang takbo ng ating utak upang gawin ang tama.
3. Pinararamdam nito na tayo ay mas konektado sa ibang tao.
4. Hinahasa nito ang ating creativity o ang pagiging malikhain.
5. Tinatanggal nito ang ating stress.

Ang Salita ng Diyos ay nariyan upang ituwid tayo kapag tayo ay nahuhulog.
Pinoprotektahan nito tayo mula sa kamalian at kasalanan, at binabalaan tayo sa mga
maling aral.

You might also like