You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

Quarter 1/Week 1/Day 3


Pamagat ng Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks: Nakalaang 1 Sesyon (1 oras/60 minuto)
Yunit Batayan ng Matalinong Paggamit ng Blg. Ng
Pinagkuknang Yaman tungo sa Pagkamit ng Sesyon
Kaunlaran
Baitang at Grade 9 Guro ng Vanessa R. Ordinario
Seksyon Asignatura
Sanggunian Sibs: Unawain Natin ang Ekonomiks sa Diwang Pilipino, Blended Learning Frontlearners
Materyales Batayang aklat, Teacher-made Video presentation/modules, Activity Sheets, Internet (optional), Flash
drives

I. PAMANTAYAN NG PAGTUTURO AT PAGKATUTO

Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
Pangnilalaman batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
Pagganap Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
Most Essential Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-
Learning Competency aaral, kasapi ng pamilya, at kasapi ng lipunan.

II. DALOY NG MGA AKTIBIDAD, ESTRATEHIYA, AT PAGTATAYA

Mga Layunin sa Pagkatuto:


Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na pamumuhay;
 Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan.
 Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at
maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay

Paksa: Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks: Kakapusan


Gawain Mga Direksyon/Panuto
Panimulang  Bago dumating ang mga mag-aaral para sa kanilang sesyon sa klase, alisin ang mga
Gawain upuan hanggang sa kalahati na lamang ang dami nito.
 Pagbati
 Panalangin
 Paglista ng lumiban
Paglinang sa Kakulangan sa upuan
Gawain:  Ang mga mag-aaral ay nahaharap sa isang problema dahil kalahati lamang ang dami ng
upuan sa loob ng silid.
 Naatasan ang mga mag-aaral na mag-isip ng pamamaraan kung paano mabibigyang-
Pagganyak solusyon ang problemang kanilang kinakaharap. Hahayaan sila ng guro na magpasya
kung paano pagkakasyahin ang limitadong upuan. Hihikayatin ng guro ang bawat isa na
magbigay ng kani-kanilang suhestiyon at itatala ito ng guro sa pisara. Pagkatapos maitala
ang kanilang mga suhestiyon ay pagbobotohan nila ang mga ito (ipapaalala ng guro na
isang beses lamang boboto ang mga mag-aaral). hanggang sa makapili ng tatlong pinaka-
epektibong solusyon Muli silang magbobotohan upang mapili ang pinakaepektibong
solusyon sa kanilang problema.

Sealed-bid auction
 Pagkatapos ng aktibidad ay ibabahagi naman ng guro sa mga mag-aaral ang economists’
solution na tinatawag na sealed-bid auction.
 Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng isang kapat na papel (1/4 na papel). Aatasan
niya ang mga ito na isulat ang kanilang pangalan at ang maximum na presyo na nais at
kaya nilang bayaran upang may maupuan. Ipapaalala niya sa mga ito na hindi nila
maaaring ipakita ang kanilang isinulat sa kanilang mga kaklase.
 Kokolektahin ng guro ang mga papel at sa harap ng mga mag-aaral ay aayusin ang
kanilang mga bid mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa.
 Ang mga mag-aaral na nagbigay ng pinakamataas na bid ang mabibigyan ng upuan
samantalang ang mga nagbigay ng mababa ay pauupuin sa sahig o di kaya naman ay
siyang kukuha ng mga upuan na itinabi o itinago.

 Sa puntong ito ay tatalakayin ng guro ang kaugnayan ng isinagawang aktibidad sa aralin.


Paglalahad, Hihikayatin ng guro ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga ideya o saloobin
Pagpapahalaga, at hinggil sa mga mahahalagang konsepto ng ekonomiks na nailarawan sa isinagawang
Paglalapat aktibidad.
Mga pamprosesong katanungan:
1. Anong suliranin ang inyong kinaharap sa isinagawa nating aktibidad?
- Kakapusan/kakulangan sa upuan
2. Ano ang kakapusan? Ano ang kaibahan nito sa kakulangan? Bakit tayo
nakararanas ng kakapusan?
- Ang kakulangan ay panandalian lamang katulad ng pansamantalang
kakulangan sa bigas dahil sa bagyo samantalang ang kakapusan ay umiiral
dahil limitado ang resources o pinagkukunang-yaman ngunit tila walang
hangganan o walang katapusan ang kagustuhan at pangangailangan ng tao
3. Anu-ano pang mga mahahalagang konsepto ng ekonomiks ang nailarawan sa
isinagawa nating aktibidad?
- Kahalagahan ng pagpapasiya - Kinakailangang maghanap ng solusyon
upang matugunan ang suliranin sa kakapusan.
- Ang isang bagay na mahirap makuha ay may halaga – lahat ay nais na may
maupuan ngunit hindi sapat ang bilang nito. Dahil ang upuan ay nagdudulot
ng kaginhawaan ay pinahahalagahan ito. Samakatuwid, handang magbayad
ang bawat isa upang magkaroon ng upuan. Mahihinuha natin mula rito na
ang isang bagay na kapos o kakaunti ang suplay ay mas pinahahalagahan
kaysa sa bagay na madali lamang makuha o marami ang suplay.
- Iba’t ibang sistema ng alokasyon - Kinakailangang piliin ang
pinakaepektibong solusyon upang matugunan ang problema. Aling sistema
ang pinakaangkop gamitin upang maipamahagi ang limitadong bilang ng
upuan?
- Equity versus efficiency – ang ibig sabihin ng equity ay pagiging patas
samantalang ang efficiency ay pagiging mahusay o mapamaraan. Ang
napagpasiyahan bang solusyon ay patas para sa lahat o hindi? Ito ba ay ang
pinakaepektibong solusyon upang matugunan ang problema? Ang
palabunutan ay ang solusyon na sa tingin natin ay ang pinakapatas sa lahat
ngunit hindi ito epektibo dahil hindi natin tiyak kung ang taong nakakuha ay
may mataas na pagpapahalaga sa pagkakaroon ng upuan. Samantalang ang
isinagawang auction ay ang pinakaepektibong solusyon sapagkat ang mga
taong may kakayahang magbayad at may mataas na pagpapahalaga sa
pagkakaroon ng upuan ang siyang nakakuha nito.
Pagtataya Written Work
Pasanaysay: Pumili ng isa sa mga mahahalagang konsepto ng ekonomiks na ating tinalakay
kanina. Sa aling aspekto ng iyong buhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya o ng
lipunan maiuugnay ang konseptong iyong napili? Sa paanong paraan mo maisasabuhay ito?
Tatayain ang iyong kasagutan batay sa lalim ng pagpapaliwanag at organisasyon ng iyong
mga ideya (sampung puntos)
Kasunduan Performance Task
Gumawa at magtanghal ng isang tula, rap, kanta, o gumuhit ng komik strip na nagpapakita ng
iyong pagsasabuhay sa iyong pag-unawa sa mga mahahalagang konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. Kung ang iyong
napili ay tula, rap o kanta, Isumite ang video ng iyong pagtatanghal o performance. Kung ang
iyong napili naman ay komik strip, isumite ang hard copy at dokumentasyon na nagpapatunay
na kayo ang gumawa nito. Tatayain ang inyong output batay sa kaangkupan nito sa tema
(naipakikita ang pagsasabuhay sa iyong pag-unawa sa mga mahahalagang konsepto ng
Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay) – 40
puntos, pagiging orihinal at malikhain, - 20 puntos, at kahusayan ng presentasyon o
pagtatanghal – 20 puntos. Isumite ang output sa susunod na linggo (isasagawa ang performance
task sa loob ng limang araw).

*Ang banghay-aralin ay naplano para sa face-to-face na set-up ng klase. Maaaring gumamit ng ibang pamamaraan ng pagganyak para sa isang virtual
classroom set-up (halimbawa, sa halip na upuan maaaring slot sa attendance, etc.)
*Ang banghay-aralin ay naplano para isang sesyon lamang kung kayat ang mga napiling aktibidad o gawain ay dapat tumagal lamang sa inilaang
oras para sa sesyon.

You might also like