You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin ng Filipino

ng Ikalimang Baitang
sa Ikatlong Markahan

Enero 2, 2019

I. Layunin
Paqgkatapos ng punto, inaasahan ang mga mag-aaral na;
1. Natutukoy ang wastong pag gamit ng pang-angkop na ng, na at g.
2. Nagagamit ang mga pang-angkop na ng. na at g sa pangungusap.
3. Naibibigay ang kahalagahan ng wastong paggamit ng na, ng at g sa pakikipag-usap.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pang-angkop (na, ng at g)
Sanggunian: CG/TG:FE3EP-IIIfe
LM/Aklat: Alab Filipino 5 pp. 145-146
Integrasyon:
DRRM: Pagiging handa bago dumating ang lindol
Anti-Bullying: Pag-iwas sa pagbully ng kamag-aaral
NDEP: Huwag gumamit ng mga bawal na gamot o illegal drugs
ESP/Values: Pagiging mabait
Science: Paghahanda bago bumagyo
English: Verb
Araling Panlipunan: Pagiging Makabayan
Health: Pag-iwas sa Covid-19
MAPEH: (Music, Arts, Physical Education)
Mga Kagamitan:
GAWAIN 1: Mga larawan ng;
Batang umiiyak, lalaking nakatoga,
Masayang pamilya, naglalarong mga bata,
Matangos na ilong
Gawain 2: Mga larawan ng;
Naghuhugas ng kamay, nagsusuot ng
Facemask, nagsusuot ng faceshield at
facemask, naglalagay ng alcohol sa kamay,
taong bumabahing, batang naliligo, nagso-
social distancing na mga tao, malupit na
Corona Virus, batang naglalaro sa bahay,

III. Pamamaraan
A. Panlinang na Gawain
1. Panimula
- Setting of house rules (new normal)
- Pagbalik-aral
Ang guro ay magpapakita ng limang larawan na nagsasaad ng mga kilos at galaw.
2. Paghihikayat
- Ngayon ay may ipapakita ako sa inyong mga larawan.
- Ano ba ang masasabi ninyo sa mga larawan? - Batang umiiyak(Anti-bullying
integration
-
Lalaking nakatoga(NDEP
integration)
-Masayang pamilya(Anti-Child
labor ARMMED CONFLICT
integration)
- Naglalarong mga bata
- Matangos na ilong

3. Pagtatalakay
a. Paglinang ng Aralin
(UNLOCKING OF UNFAMILIAR WORDS)
Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa dalawa. Ipapakita ng guro ang kanyang roleta na
mayroong mga salitang nakalagay na;
Naghuhugas ng kamay, nagsusuot ng
Facemask, nagsusuot ng faceshield at
facemask, naglalagay ng alcohol sa kamay,
taong bumabahing, batang naliligo, nagso-
social distancing na mga tao, malupit na
Corona Virus, batang naglalaro sa bahay,
Ang dalawang pangkat ay mag-uunahan sa paghanap ng mga larawan nabanggit ng guro na
makikita sa roleta at ito ay ididikit sa table graph na nakadikit sa pisara. Ang bawat tamang
sagot ay nayroong isang puntos na may katumbas ding tsokolate (Reward Approach)
b. Pagtatalakay
1. Ilalahad sa mag-aaral ang aralin.
2. Pagtatalakay sa pang-angkop na na
Itanong: Anu-ano ba ang mga pang-angkop na maari nating gamitin
upang mapag-ugnay natin ang mga salita?
Kailan ba natin magagamit ang mga pang-angkop na ito?
Talakayin ang wastong paggamit ng pang-angkop na na
Magbigay ng mga halimbawang salita
Halimbawa
Mahinahon na pamilya(integrasyon ng Science—paghahanda bago bumagyo)

Itanong:
Ang mahinahon ang nagtatapos sa sanong titik?
Ano ba ang S?

Isa pang halimbawa,

Mabait na bata(ESP/Values integration)

3. Pagtatalakay sa pang-angkop na G
Magbigay ng mga halimbawang salita(Araling Panlipunan integration)

Mayaman __ bansa - Mayamang bansa


Karapatan__ Pantao - Karapatang Pantao

Itanong
: Ano ba ng inyong napansin sa mga salita? `
4. Pagtatalakay sa pang-angkop ng ng
Magbigay ng mga halimbawang salita(balikan ang mga larawan at salitang nagamit sa
paghihikayat)
Halimbawa
Bata__ umiiyak – Batang umiiyak
Lalaki__ nakatoga – lalaking nakatoga
Masaya__ pamilya – masayang pamilya
Naglalaro__ mga bata – naglalarong mga bata
Balikan ang mga larawan at lipon ng mga salita na nagamit sa paglinang ng aralin at hayaang
ang mga mag-aaral ang tumukoy ng mga wastong pang-angkop na gagamitin.
c. Paglalapat
Hahatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat (sinuvac team, astrazenica team
at pfizer team.
SINUVAC TEAM(Music)
1. Bibigyan ang pangkat na ito ng isang maikling kanta
2. Bibilogan nila ang bawat pang-angkop na nagamit at nakikita sa kanta
3. Idikit ito sa pisara
4. Kaakantahin ito sa harapan
(Paru-parong bukid)
Paro-parung bukid na lilipad-lipad
ASTRAZENICA TEAM (Arts)
1. Bibigyan ng limang lipon ng mga salita ang pangkat.
2. Pupunan nila ito ng tamang pang-angkop
3. Gamitin ang mga lipon ng salita sa paggawa ng isang talata maaring magdagdag ng salita
kung kinakailangan.
4. Iguhit ang hinuha mula sa talata na nabuo.

Atin__ lahat
Bakuna: mahalaga sa lipunan
Nagbibigay ___ proteksyon
Tinatawag __ covid-19
Napakadelikado__ sakit
PFIZER TEAM (Physical Education)
1. Bibigyan ang pangkat ng mga lipon ng salita
2. Pupunan ng mga mag-aaral ng wastong mga pang-angkop ang mga ito. Maaring lagyan ng
mga karagdagang salita upang akabuo ng isang pangungusap.
3. Ilalahad nila ang kanilang pagungusap sa kamag-aral sa pamamagitan ng pagkilos ng naayon
sa pangungusap na nabuo.
Pagsuot ___ facemask
Paglalagay __ alcohol sa kamay
Wasto__ pagbahing
Iwasan__ makahalubilo sa maraming tao
Masaya__ mga bata
IV. Abstraksyon
Itanong: Paano ba gamitin ang tatlong uri ng pang-angkop?
V. Pagtataya
Bibigyan ng tatlong magkakaibang Gawain ang mga bata depende sa kanilang kakayanan.
Limang miuto lamang ang ibibigay sa pagsagot sa mga Gawain.
Unang Pangkat (low level)
Panuto: Bilugan ang mga pang-angkop na nakikita sa bawat bilang.
Ikalawang Pangkat (average level)
Panito: Punan ng wastong pang-angkop ang patlang sa bawat bilang.
Ikatlong pangkat
Panuto: Bumuo ng isang maikling pangungusap gamit ang mga salitang may pang-ankop sa
bawat bilang.

VI. Takdang Aralin


Magsulat ng isang maikling sanaysay patungkol sa iyong pangarap sa buhay. Bilugan ang bawat
pang-angkop na makikita sa nagawang sanaysay.
Inihanda ni:
CHEEDAR E. ANGELINO
Teacher I

Nilagdaan ni:
GINA A. BESARIO
Principal I

You might also like