You are on page 1of 2

TAKDANG-ARALIN: Magsaliksik ng ilang konsepto ng pagbasa sa iba’t

ibang sanggunian o mula sa internet kalakakip ang kahalgahan, layunin at


katuturan.

Modelo ni Rumelhart (1977)

Mapapansing ang dating kaalaman ng mambabasa at ang mga kasanayan sa


paghinuha ang nasa sentro ng modelo, pagpapatibay ng paniniwalang ang
komprehensyon ay pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at impormasyon
na nasa isipan ng mambabasa. Ginagamit naman ng mambabasa ang mga
impormasyon tungkol sa: pagkilala ng salita, alasalitaan, grammar, kohesyon at
kayarian ng teksto upang maiugnay ang bagong imporma- syon sa dati niyang
kaalaman. Mahalaga ang dating kaalaman o iskima ng mambabasa tungkol sa
teksto. Kung kulang sa angkop na konseptong kaugnay ng teksto, magiging
suliranin ang komprehensyon. Mahalaga bago bumasa ang paglinang ng mga
dating konseptong nalalaman ng mambabasa na kaugnay ng tekstong babasahin.

Smith (1973)

nagsabi na ang mga konsepto na dala ng nagbabasa sa teksto ay mahalaga


kaysa sa teksto mismo para sa pag-unawa o pagbuo ng kahulugan. Ang mga
konseptong ito ay nagagamit kapag ginagawa ng nagbabasa ang top-down na
pagpoproseso sa teksto. Ngunit may problema rin kung laging nakaangkla ang
nagbabasa sa top-down na paraan o sa paggamit ng sariling iskima sa pag-unawa
na maaaring batay sa kanyang kultural na iskimata na hindi katumbas ng nais na
ihatid ng ideya ng awtor.

Louise Rosenblatt

Naniniwala siyang sa pangkalahatan na nagbabasa tayo upang malibang o


upang makakuha ng impormasyon. Ang pagbasa ay hindi pang-isahang proseso,
kundi pandalawahang interaksyon sa pagitan ng kaisipan ng mambabasa at wika ng
teksto at ginagamit ng mambabasa ang kanyang karanasan at kasalukuyang
personalidad sa teksto. Tinukoy niya na ang aktibong proseso gaya ng paglikha ng
tula mula sa isang teksto at kailangan na ang prosesong ito ay aktibo, may sariling
kaayusan at pagwawasto.

You might also like