You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IVA – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA
BUENAVISTA INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
MAGDALENA, LAGUNA

Learning Area Araling Panlipunan


Learning Delivery Modality Limited Face to Face (Set A)
Paaralan Buenavista Integrated NHS Baitang 9
TALA SA Guro Siarry M. Alias Asignatura AP (Ekonomiks)
PAGTUTURO Petsa April 21, 2022 (Week 1-Day 2) Markahan Ikaapat
Oras 1 oras Bilang ng Araw 1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng
ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito sa harap
ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong
at pag-unlad
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na
pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at
mga patakarang pang-ekonomiya nito tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang
Pagkatuto (MELC) Kung mayroon, isulat kaunlaran;
ang pinakamahalagang kasanayan sa Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon,isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
E. Pagpapayamang Kasanayan
(Kung mayroon,isulat ang
pagpapayamang kasanayan.)
II. NILALAMAN Konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro BOW p.200


b. Mga Pahina sa Kagamitang Learner’s Packet for Week 1 ng PIVOT 4A ni Ma. Theresa R.
Pangmag-aaral Punzalan
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula Learner’s Packet for Week 1 ng PIVOT 4A ni Ma. Theresa R.
sa Portal ng Learning Punzalan
Resource Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang, Alternative Delivery
Mode, Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Konsepto at
Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran, Unang Edisyon, 2020
Aralin 20 Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
ni Arnel O. Rivera (www.slideshare.net/sirarnelPHhistory)
B. Listahan ng mga Kagamitang LeaP; BLAST; Powerpoint presentation;

Address: Brgy. Cigaras, Magdalena, Laguna


Phone: +639292025105
Email:buenavistainhs.301232@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IVA – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA
BUENAVISTA INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
MAGDALENA, LAGUNA

Panturo para sa mga Gawain sa https://www.youtube.com/watch?v=OMUjR7TBv6M


Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN
a. Panimula (Introduction) Panalangin
Pagbati ng guro
Pagpapaalala sa Safety & Health Norms
Checking of attendance
Balik-Aral
 Isa-isahin ang mga Palatandaan ng Pag-unlad at
Pagsulong at magbigay ng sariling halimbawa sa
mga ito.

Aktibiti
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Panuto: Itala ang mga kaisipang nabuo ng mga ekonomista
ukol sa konsepto ng pag-unlad at ibigay ang iyung pananaw o
pagkaunawa.

b. Pagpapaunlad (Development) Pagpapalalim ng talakayan tungkol sa Konsepto at


Palatandaan ng Pambansang kaunlaran

Sukatan ng Kaunlaran ng Bansa ayon sa United Nations


(UN)
• Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human
Development Index (HDI) bilang isa sa mga panukat sa antas
ng pag-unlad ng isang bansa.
• Ang HDI ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng
kakayahan ng isang bansa na matugunan angmahahalagang
aspekto ng kaunlarang pantao (Full Human Potential). Kabilang
dito ang kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay.
Kahalagahan ng Human Development Index (HDI)
- Nilikha upang bigyang-diin na ang mgat ao at ang kanilang
kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa
pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang ang
pagsulong ng ekonomiya nito.
- Tinatangka ng HDI na ihanay ang mga bansa mula 0
(pinakamababang antas ng kaunlarang pang- tao) at 1
(pinakamataas na antas ng kaunlarang pantao).

Address: Brgy. Cigaras, Magdalena, Laguna


Phone: +639292025105
Email:buenavistainhs.301232@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IVA – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA
BUENAVISTA INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
MAGDALENA, LAGUNA

- Maaari itong gamitin upang suriin at busisiin ang mga


patakarang pambansa ng dalawang bansang may parehong
antas ng GNI per capita ngunit magkaibang resulta hinggil sa
kaunlarang pantao.

Bawat taon, ang United Nations Development Programme


(UNDP) ay naglalabas ng Human Development Report ukol sa
estado ng kaunlarang pantao sa mga kasapingbansa nito. Sa
pinakaunang Human Development Report nainilabas ng UNDP
noong 1990, inilahad ang pangunahing saligan ng sumunod
pang mga ulat na nagsasabing “Ang mga tao ang tunay na
kayamanan ng isang bansa.”
Ang Human Development Report ay pinasimulan ni Mahbub
ul Haq noong 1990. Ayon sa kaniya, ang pangunahing hangarin
ng pag-unlad ay palawakin ang pamimilian (choices) ng mga
tao sa pagtugonsa kanilang mga pangangailangan.

Ang Human Development Report Office (HRDO) ng United


Nations Development Programme (UNDP) ay gumagamit
ng mga karagdagang palatandaan upang masukat ang:
1. Hindi pagkakapantay-pantay (Inequality-adjusted HDI)
- ay ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang
kita, kalusugan, at edukasyon sa mga mamamayan ng isang
bansa.
2. kahirapan (Multidimensional Poverty Index)
- ay ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa
mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at
antas ng pamumuhay
3. gender disparity (Gender Development Index)
- ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mgal alaki at
babae.

Ang pagbibigay-pansin sa kaunlarang pantao ay lubhang


mahalaga sa paghahanap ng pamamaraan upang mas
mapabuti pa ang kalagayan ng mga tao. Ang human
development ay hindi nakapako sa iisang konsepto lamang.
Bagkus, habang nagbabago ang mundo ay patuloy ring
nagbabago ang pamamaraan at konseptong nakapaloob dito.
Tanging ang katotohanang ang pag-unlad ay tunay na
nasusukat lamang sa pamamagitan ng epektonito sa
pamumuhay ng mga tao.
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang, Alternative Delivery Mode, Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Konsepto at
Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran, Unang Edisyon, 2020
Aralin 20 Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran ni Arnel O. Rivera
(www.slideshare.net/sirarnelPHhistory)

c. Pakikipagpalihan (Engagement) Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

Address: Brgy. Cigaras, Magdalena, Laguna


Phone: +639292025105
Email:buenavistainhs.301232@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IVA – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA
BUENAVISTA INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
MAGDALENA, LAGUNA

Panuto: Panuorin ang video na inihanda ng guro na


pinamagatang “Why some countries are Poor and Others Rich”
https://www.youtube.com/watch?v=OMUjR7TBv6M at unawain
ang:
Mga Salik sa Pag-unlad
• Istitusyong Panlipunan (Social Institution) (50%)
• Kultura (Culture) (20%)
• Heograpiya (Geography) (30%)

Mga Pamprosesong tanong:


1. Mula sa video na napanood, paano nakakaapekto ang
Institusyong panlipunan o Social institution, Kultura o Culture,
at Heograpiya o Geography sa pag-unlad ng isang bansa?
2. Sa iyong sariling opinyon, maituturing ba na mahirap o poor
country ang ating bansang Pilipinas? Bakit?
d. Paglalapat (Assimilation) Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:
Panuto: Sa inihandang BLAST ng guro, sagutin ang tanong na
“Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong magawa sa
pag-unlad ng ating bansa?” Maaari itong simulan sa prompt na
“bilang isang mag-aaral, ako ay makatutulong sa pagpapaunlad
ng ating bansa sa pamamagitan ng …

Pamantayan sa pagmamarka ng Aktibiti


PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS NAKUHANG
PUNTOS
Nilalaman Nailahad ang 15
mungkahing
solusyon/tulong sa
pagtugon sa pag-
unlad ng bansa
Organisasyon Naipakikita ang 10
maayos na ugnayan o
kaisahan ng diwa ng
mga pangungusap
Estilo Nakasusulat ng isang 5
maayos na saloobin
ukol sa paksa
KABUUANG 30
PUNTOS

V. Pagtataya (Assessment) Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang bawat aytem.
Piliin ang tamang sagot at isulat itosa inyong BLAST. Titik
lamang ang isulat.
___1. Ayon sa kanya ang pag-unlad ay isang progresibo at
aktibong proseso.

Address: Brgy. Cigaras, Magdalena, Laguna


Phone: +639292025105
Email:buenavistainhs.301232@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IVA – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA
BUENAVISTA INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
MAGDALENA, LAGUNA

A. Michael P. Todaro C. Feliciano R. Fajardo


B. Stephen Sy D. Amartya Sen
___2. Sa pamamagitan ng salik na ito, nagagamit nang mas
episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman ng bansa na
nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa.
A. Yamang-tao C. Likas na Yaman
B. Teknolohiya at Inobasyon D. Kapital
___3. Nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang
kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing
pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa.
A. Human Development Index
B. Multidimensional Poverty Index
C. Gender Development Index
D. Inequality adjusted HDI
___4. Ito ang itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa.
A. Yamang-tao C. Likas na Yaman
B. Teknolohiya at Inobasyon D. Kapital
___5. Ito ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga
lalaki at babae.
A. Human Development Index
B. Multidimensional Poverty Index
C. Gender Development Index
D. Inequality adjusted HDI

Susi sa Pagwawasto
1. C 2. D 3. A 4. A 5. C
VI. PAGNINILAY Repleksiyon mo, Kailangan ko!
Magsusulat ang mga bata sa kanilang BLAST ng kanilang
nararamdaman o reyalisasyon gamit ang mga sumusunod na
prompt:
Naunawaan ko na ________________________
Nabatid ko na ____________________________

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

SIARRY M. ALIAS EULA DANICE D. PERIN


Guro I LAC TEAM LEADER

Address: Brgy. Cigaras, Magdalena, Laguna


Phone: +639292025105
Email:buenavistainhs.301232@deped.gov.ph

You might also like