You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
DIVISION OF CITY SCHOOLS
Don Antonio Bongolan Memorial High School
(Formerly San Jose High School)
San Jose, Urdaneta City

BEST PRACTICES IN
FILIPINO

Republic of the Philippines


Department of Education
Region I
DIVISION OF CITY SCHOOLS
Don Antonio Bongolan Memorial High School
(Formerly San Jose High School)
San Jose, Urdaneta City

NARATIB NA ULAT

Ang Don Atonio Bongolan Memorial High School(DABMHS) ay kumikila sa


marubrob na misyon ng Kagawaran ng Edukasyon na pangalagaan at palaganapin ang
karapatan ng bawat Filipino sa de-kalidad, tapat o walang panlilinlang, base sa kultura
na kinabibilangan at kompletong basikong edukasyon na kung saan ang mga mag-aaral
ay natututo sa paraang naayon sa mga mag-aaral tulad ng maaliwas, may mataas na
pagkilala sa kasarian, ligtas at nakagaganyak na kapaligiran bilang lunan ng pag-aaral
at pagkatuto.

Dahil dito, ang kaguruan ng DABMHS na nagtuturo sa asignaturang Filipino ay


nakikiisa rin sa paggamit ng mga awtentikong pamamaraan, lapit, estratehiya at teknik
na makatutulong upang maipatupag ang naturang misyon. Ang Awtentikong mga
Gawain ay tumutukoy sa mga bahagi ng pag-aaral art pagkatuto na proseso na
nagsisilbing konkreto at makatotohang Gawain para sa mas matagal o genuine t
competitive na karanasan hindi lamang sa klase kundi maging sa tunay na buhay.

Ilan sa mga naturang awtentikong Gawain ay ang pagsasatao sa mga Teoryang


napag-aaralan sa pamamagitn ng dula-dulaan, monologue, role play o pagganap sa
iniatang na tauhan. Kalayaan sa pagpili ng kalakasan at kakayahan ng mga mag-aaral
para maipahayag ang kanilang mga saloobin, damdamin, at ideya sa klase at lalo na
malabanan ang kanilang kahinaan upang maging kasangkapan sa ikatatagumpay ng
layunin ng pag-aaral at pagkatuto. Pagbibigay ng Gawain na naayon sa kakayahan ng
mga mag-aaral na angkop sa layuning nais matamo.

Dagdag pa rito, dahil sa hindi maikakaila na ang mga mag-aaral ng 21 st Century


ay kasabay na ring maituturing ang mga makabagong kagamitan na ipinanganak tulad
ng computer at mga kagamitang kinagigiliwan at nagsisilbing kaagaw ng mga guro sa
tuon ng atensyon ng mga mag-aaral at magsilbing balakid sa katagumpayan ng pag-
aaral at pagkatuto na proseso. Bilang tugon, ilan sa pinakamaagap na lunas ng mga
kaguruan ng DABMHS, partikular sa mga guro ng asignaturang Filipino ay ang
paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng laptop at projector sa pagtuturo.
Paggamit na rin ng cellphone o smartphones na may mga kalakip na makabuluhang
applications na makatutulong sa agarang pangangailangan sa pag-aaral at pagkatuto na
proseso. Halimbawa nito ay ang EN-TL Dictionary App para sa mga pagsasalin ng mga
malalalim na salita. Kingsoft Office App para sa mga handouts na katapat na rin ng
mga Wattpad na sahalip na sa aklat magbasa at maari nang sa tab o cellphone ito
gawin. At hindi rin mawawala ang mga Browser App na kailangan sa pagsasaliksik
tulad ng youtube, chrome, na ngayon kahit wala kang load o internet ay maari ka nang
makapagsaliksik gamit lamang ang Pocket Data.

IBA'T IBANG MGA GAWAIN


Paggamit ng ICT para mas nakagaganyak na Lapit(approach) sa mga paksang
tinatalakay
Mga Mutya at Iskort(itaas) kasama ang punong guro ng
DABMHS at ang paglakad ng Lakan at LAkambini(ibaba)
Paggawa ng
Paggawa ng Slogam
Poster

Tagisan ng Talino
PAGGAWAD NG
SERTIPIKO SA MGA
SA IBA'T IBANG
NANALO
PATIMPALAK

You might also like