You are on page 1of 7

PAGCACAPISAN BILANG

PAKIWARING (SALIM)BAYAN SA
PAGPAPAKAHULUGAN NI
ANDERSON
Ayon kay Anderson, batay sa konteksto ng
panahon, ang iisang sagradong wika na tulay sa
katotohanan ng mundo, ang hirarkikal na sentro
na natural na bumuo ng kaharian, at ang
kapitalistang imprenta (literaturang limbag) ang
mga maaaring nakaapekto sa pagbuo ng konsepto
ng pamayanan.
Mayroong pamayanang relihoiyoso
(religious dominance thru sacred
language) na kalaunan ay bumagsak
katulad ng sumunod na mukha ng
pamayanang hirarkikal (high centers-
monarchical) na pinaniniwalaang likas na
umunlad ang pamayanan sa paligid ng
sentrong ito. Ito ang mga pamayanan
bago sumibol ang konsepto ng “bayan”.
Batay sa sinabi ni Anderson (p.36):

“The slow, uneven decline of these interlinked certainties, first in Western Europe, later elsewhere, under the
impact of economic change, ‘discoveries’ (social and scientific), and the development of increasingly rapid
communications, drive a harsh wedge between cosmology and history.”

Ang pagbabagong politkal-ekonomikal sa mga lipunan at pagbabago


sa komunikasyon, umusbong ang “salimbayang kawalang
kapanahunan” (homogenous, empty-time) na magbibigay-daan sa
pakiwari ng magkakahiwalay na mamamayan na sabay-sabay silang
umiiral. Wala nang pagkakalayo ang kosmolohikal na mundo
(cosmology) at mundo ng tao (history)
Ang nobela bilang isang daluyan ng
komunikasyon at “pakiwari (imagination)”
na nababasa (panitikan at konteksto) ng
magkakahiwalay na tao sa iisang geopisikal
na pamayanan at salimbayang dinadanas
ang ipinapahayag (imagining) nito, ay iisang
reproduksyon ng komoditi ng magkakaibang
pagdanas, ergo, homogenous, empty-time.
Sabay-sabay nating sinasariwa ang lugar, ang galaw at kilos ng mga
karakter, kahit ang mismong konteksto ng pagkapiksyon ng unang
kabanata ng Noli ay nagpapahayag ng salimbayang kawalang
kapanahunan. Ang pag-iimbita ni Kapitan Tiyago ng isang pista sa
kanyang tahanan sa may Anloague at ang pagdalo ng iba’t ibang uri ng
tao sa lipunan – ang pagkakapisan nila sa pistang ito bilang tugon, ay
isang tugon na meron silang iisa, o salimbayang nosyon ng pagiging
isang mamamayan.
BAGABAG:

a. Ang pagiging pakiwari (imagined) ba ng isang nasyon (bayan), ay


magbubunga ng panibagong uri ng pamayanan?
b. Sapat bang pakiwari ang pagiging isang bayan (nasyonalismo) para
lumaya ito bilang isang soberanya? Makatutulong ba ito sa
pambansang paglaya? At epektibo ba ang deskriptibong pahayag
niya tungkol sa pagiging pakiwari ng pagiging bayan ng isang
bayan?
c. Kung may pakiwaring komunidad (imagined community), mayroon
din bang konkretong pagkabayan? O, saan magdudulo ang
konklusyon ni Anderson na ang pagiging nasyon ay isang pakiwari
lamang ng mga mamamayan?

You might also like