You are on page 1of 5

Geyluv ni De Dios Bilang Differance ng Pag-ibig

Batay sa Signature Event Context ni Derrida


Ayon kay Derrida, ang 1) komunikasyon ay maaaring magbahagi ng
maraming kahulugan. Ang 2)kahulugan/konteksto, bilang iba-iba ang
karanasan, kultura at kamalayan ng taga-tanggap nito ay maaaring
magkaroon ng pagkakaiba at dito lamang lilitaw ang intensyong
pagpapakahulugan/konteksto. Sa pamamagitan ng 3)pagsusulat, na
ang mga salita at titik ay maaaring ulitin, at ang paglalagay ng puwang
sa mambabasa na angkinin ang konteksto ng teksto, bilang isang uri ng
komunikasyon hindi hiwalay sa pagsasalita (speech), ay patunay na ang
4)kawalan (absence) ng manunulat ay para maipakita ang intensyon sa
pamamagitan ng mga 5) signature na sinasabing may awtentidad
(authenticity) ng nagsulat ngunit dahil ito’y nauulit at maaaring
ulitin/gayahin, nawawalan na ito ng awtentidad, ng katauhan ng
sumulat, ng intensyong pagpapakahulugan.
Komunikasyon – Pag-ibig
Kahulugan/konteksto – gustong ipakitang kilos o naipapadama
Pagsulat – mga nabasa nating karanasan at kagustuhan/balak ng
dalawang tauhan
Kawalan – agam-agam ng parehong karakter sa isasagot ng isa sa isa
Signature – “But does it matter?”
Kaya ang pag-ibig sa Geyluv ni De Dios ay maaaring nakadidiri para sa machong
mambabasa, ngunit mapagpalaya sa mga bukas ang kaisipan sa usapin ng third
sex love. Ang signature na “gay” at “love” sa Geyluv ni De Dios mula sa pagtingin
ni Derrida ay mawawalan ng awtentikong intensyon ng pagiging bakla o
karanasang may kabaklaan ng sumulat, bagkus tinanggap natin ang kahulugan
nito sa balbal nitong paraan ng pagkakasulat, at ang isa pang kahulugan ng gay na
“masaya”. At ang nosyon ng tanong ni Mike sa sarili na “kung bakla rin ako?” na
sasagutin niya rin ng kanyang pagpapakahulugan sa pag-ibig sa papamagitan ng
pahayag na “Hindi ako sigurado. But, does it matter?” na nakita nating may pag-
uulit/iteration sa agam-agam ni Benjie sa sasabihin ni Mike sa kanyang balak.

Dito papasaok ang nosyon din ng “true love” na gustong maatim ni Benjie, na ang
true love ay signature din ng Geyluv/gay love, pag-ibig na masaya/kontento o
pag-ibig ng isang bakla. Mahalaga ba nga ba kung alin ang alin?
BIlang bagahe, kung sinasabi ni Derrida na sa differance na ito sa
komunikasyon, repleksyon ba ito kung bakit kailangan natin ng isang
demokratikong espasyo sa lipunan? At ano ang kahulugan ng
demokratiko? O kung sino ang may tangan/produksyon ng intensyon
ng salitang ito? At ano ang patutunguhan ng differance na ito sa
panahon at espasyo?

You might also like