You are on page 1of 7

Nathanielle John Torre

Prof. Raniela Barbaza

PanPil 230

06 Okt 2020

“Suguidanon” bilang Panitikan ng Literate

Kung pagbabatayan ang diskurso ni Finnegan hinggil sa salitang “oral” at

kung gaano ka-“oral” ang panitikan, maaari din nating sabihin na ang mga oralidad

na ito tulad ng kwentong bayan, epiko, alamat, mito, at iba pang binigyang-

kahulugan bilang “oral” ng ating mga institusyong pampanitikan, ay nananatili at

nagpapatuloy sa pamamagitan ng pagsusulat at paglilimbag, o vice versa – sa

bawat panahon.

Binigyang-pagsamba ang mga panitikang oral bilang primitibo, sinauna,

illiterate (di-aral), tradisyunal, puro o likas, pinanggalingan ng orihinal na kultura, at

iba pang paglalarawan na bumuo ng pagtanaw na nagbigay-diin sa direktang

pagkakaiba nito (opposite) sa mga panitikang nakasulat o nakalimbag bilang

kabaliktaran nito. Naging paunang bagabag ito sa How Oral Is Oral Literature

(1974):

Unfortunately it also gives a misleading impression of the nature

and practice of oral literary activity and has led to mistaken ideas

in its analysis. Contrary to our natural first assumptions on this, the

polar type A-non-literate, undifferentiated, tradition-bound, and so


on-is not proved to be the most common setting for the practice of

oral literature nor is it certain that it is more ' normal' for oral

literature to be practised in such a type of society (Finnegan 53).

Ngunit hindi natin kailangan iwaksi ang kalidad ng bawat tipong ito; maaaring ang

isa ay pangangailangan ng isa o maaari ring magkaroon ng konsepto ng

salimbayan ang mga ito, o maaari ring pagpapatuloy ng isa ang isa.

Sa pahayag ni Caballero, bilang paunang salita ng aklat ni Magos na

Amburukay: Sugidanon (Epics) of Panay Book 2 (2015), ang pagiging

manugsugidanun o kakayahan ng kanilang “linahi” (Caballero xxii) o ang angkan

ay isang maaaring patunay na may kamalian sa pagtingin sa panitikang oral

bilang illiterate. Dinagdag ni Caballero, bilang isang batikang epic chanter,

kailangan ay “masterado ng umaawit ang mga nagaganap na pangyayari” sa

sugidanun (episodyo/bulos) at batayan ito ng kinasanayang ugali (customary law)

at pagbinatasan ukol sa buhay: kasal, patay, tuos, o kontrata, pinagkakaisahang

usapan (Caballero xxv). Tinawag ni Caballero na “sinauna o tumandok na kultura”

(xxiii) ang kanilang sugidanun at mga sining “gaya ng binanog na sayaw,

ambahanon (extemporaneous chanted lines expressing feelings and wisdom) at

iba pa” (xxii) na nagbibigay ng konotasyon na ang kanilang “sinaunang” kultura ay

hindi illiterate kundi may pagpapakita ng kaalaman, lalo na ang ambahanon. May

pagdidiin si Finnegan na ang kulturang itinuturing na primitibo ay maaaring may

konsepto ng literasiya:

Once more, it has to be accepted that quite a number of the

cultures normally classified as primitive have in fact had


generations or centuries of contact with literacy and that the

examples of oral literature we study are really just as likely to

come from a culture of this kind as from one traditionally

untouched by any experience of literacy (Finnegan 54).

Kung papansinin din ang binanggit ni Caballero na pagtatalumpating

ambahanon (xxiii), nagpapakita ito ng biglaang paraang oral – extemporaneous –

ngunit may temang ipinalilitaw – damdamin at karunungan. At maaari nating

sabihin, na ang anumang biglaang pagsulat na nakabatay sa tema (na ginamitan

ng isip upang makabuo ng ideya) ay walang pinagkaiba sa proseso ng

komposisyon nitong tinatawag na ambahanon. Maski ang ginagawa ng mga

babaylan na pag-chant ng sugidanun, ay may bahid ng biglaang pagbubulalas ng

nasa isip; masteradong naganap na pangyayari man (Caballero xxv) o

pagtatanggal ng ilang pangyayari.

Batid ni Jocano, sa kanyang panimula, na may mga tinanggal na bahagi

ang chanter na si Hugan-an dahil ito ay sagrado at bahagi ng mga ritwal sa

panggagamot (5). Hindi natin titignan ang nilalaman kundi ang proseso ng

pagtatanggal ng bahagi (sa kadahilanang ito ay sagrado sa kanilang kultura). Ang

prosesong ito ay maaari nating ikawing na may paggamit ng isip upang makabuo

ng ideya ng mga ibinubulalas na salita – na hindi rin natin maipag-iiba sa

pagsusulat.

Ang mga kapansin-pansing mga bagay at bagabag na ito mula sa

paglalarawan at proseso ng paghahain ng “suguindanon” at pagrerekord nito o

performance nito, bagaman ay binigyang-diin ni Caballero kailangan ay masterado


ang kaganapang nangyayari (bilang batikan), at ang kaibahan ng binanggit nina

Jocano (tuwing gabi) at Caballero (maaaring gawin kahit anong oras) na oras at

panahon kung kalian maaaring bigkasin/iparinig/i-perform ang suguidanon, maaari

nating sabihin na hindi na puro ang oralidad ng mga epikong ito. Binanggit ito ni

Jocano:

Many changes have taken place in Sulod lifeways since I did

my filedwork 45 years ago. There is no doubt that there are now

many versions of the “Hinilawod.” There were already many

versions during the time that I was recording the adventures of

Humadapnon. In the Taganghin area alone, there were twenty

(20) chanters (Jocano 4).

May pagdidiin na ang mga nalalaman at nailimbag na mga aklat ng mga

mababasang epiko ay hindi nagkaroon ng pagkakaiba ng bersyon sa proseso

lamang ng pagtitipa o pagsasalansan nito upang maging aklat, kundi nasa

proseso rin habang ikinukwento o ibinabahagi ito ng chanter. Maaaring

humantong ang paghahanap at pagkukwestiyon natin na gaano ka-awtentiko ang

mga nababasa nating panitikang oral, ngunit hindi nangangahulugang kailangang

huminto rin sa pagtatala, pagrerekord, pangangalap, pagbabasa, at pag-aaral sa

mga ito. Idiin ni Finnegan, na kailangan nating harapin ang katotohanang kakaunti

o wala nang mga “awtentikong” panitikang oral na mahahanap pa:

[But] for detailed scholarly investigation we can scarcely afford to

spend over-long on speculation about what must or might have

been so in the past, but instead must concentrate on analysing the


examples of oral literature we do have access to either directly or

in texts or recordings- and, painful though it may be to admit it,

one has to face the unromantic truth that extremely few or none of

these are directly recorded from the polar type of primitive culture

envisaged in the common dichotomy (Finnegan 54).

Naging tama si Finnegan sa aspektong pagsasambulat ng katotohanan sa

harap natin bilang mga mag-aaral, medyor sa wika, kultura, o panitikan, o bilang

isang simpleng tao, na maaaring may tuwirang tungkulin o wala sa pagpapatuloy

ng pangongolekta at pag-aaral ng mga panitikang oral. Ang panitikang oral na ito

ay tinanaw bilang isang sinaunang kultura na napaglipasan ng panahon at

marapat lamang na iwanan bilang mga nairekord, naitala, naipalimbag, at pang-

“babaylan” lamang (Caballero xxiii) ay hindi pala mapag-iiba sa paraan ng ating

panahong literate – maaaring ang pagrerekord, pagtatala, at pagsusulat na ito ay

maaaring may bahid o bahaging nanunuri at nagbibigay-interpretasyon ng taga-

tala, taga-rekord, at tagalapat sa panulat katulad ng mga chanters na masterado o

batikang nagpe-perform nito ay may bahid rin ng panunuri at interpretasyon sa

kanilang ibinubulalas.

Binaggit ni Caballero ang kanyang inaasam na tungkulin na “may naiwan at

naisulat na suguidanon” (xxvi). Ang araw-araw na pamumuhay ay maaari ring

isang bulos (episode) ng mahaba-habang yugto ng sari-sarili nating “pag-

suguidanon” – mula sa pinakamaliit na detalye ng buhay hanggang sa mga sosyo-

politikal nating gawain. At sa panahong binago ng modernisasyon at kahingian ng

literasiya ang ating paraan ng pamumuhay, maaari pa ring mabasa ang panitikang
oral sa pamamagitan ng mga nailimbag at naitipang (typewritten) mga naratibo,

gayundin na maaaring i-perform, iparinig, ipalabas at ibahagi ang mga nakasulat

na tula, komposisyong awit, salaysay, at iba pa. Ngunit, nananatili pa rin at

marapat na bantayan ang gahum na maaaring nagdidikta na iwanan bilang

sinauna ang mga “panitikang oral” sa paraang paglilimbag ng mga ito bilang

koleksyon habang marahas na pinalalayas sa kanilang tirahan ang mga natitirang

nagbabahagi nito.
Mga Sangguniang Ginamit

Caballero, Federico."Pangunanga Dinalan (Paunang Salita). "Tikum

Kadlum: Sugidanon (Epics) of Panay Book 1. Punong Mananaliksik at

Tagasalin. Alicia P. Magos. Lungsod ng Quezon: Palimbagan ng

Unibersidad ng Pilipinas, 2014.xxxiii-xliii.

Finnegan, Ruth. “How Oral Is Oral Literature?” Bulletin of the School of

Oriental and African Studies, No. 1, In Memory of W. H. Whiteley

(1974), pp. 52-64Published by: Cambridge University Press on behalf

of School of Oriental and African StudiesStable URL:

https://www.jstor.org/stable/614104

Jocano, Felipe L. "Introduction" Hinilawod: The Adventures of Humadapnon

(Tarangban). Trans. Felipe Jocano. Quezon City: Punlad Research,

Inc, 2000.

You might also like