You are on page 1of 3

PANITIKAN AYON SA IBA’T IBANG

MANUNULAT AT DALUBHASA.
Ang panitikan ay buhay, buhay-buhay ng tao. Inilalarawan nito ang mga
ugali, asal, gawi at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa kani-kanilang
kapanahunan. Kung ano ang saloobin, naiisip at nadarama at mga nagaganap sa
kanilang kapanahunan ay naipahahayag ng mga makata at manunulat ng panitikan.
Dahil dito, kaya nga’t masasabing ang panitikan ay ang ekpresyon ng tao (San
Juan et al., 2005).

Ayon kay Ponciano B.P. Pineda, ang panitikan ay katipunan ng magaganda,


mararangal, masisining at madamdaming kaisipang nagpapahayag ng mga
karanasan at lunggati ng isang lahi. Maliwanag na di isinasali ni Pineda sa
katipunan ng panitikan ang mga nasusulat na kulang sa ganda, sining at damdamin.
Hindi rin maituturing na panitikan ang mga sulating nagpaparumi ng isipan at
damdamin (San Juan et al., 2005).

Ayon kay Arrogante (1983), talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito
naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay
ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap
(Villafuerte et al., 2009).

Ayon naman kina Salazar (1995:2), ang panitikan ay siyang lakas na


nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Maalalang nagsilbing titis sa mga
Amerikanong may kulay ang pagkakabasa nila sa Uncle Tom’s Cabin ni Harriet
Beecher Stowe upang kanilang ipakipaglaban ang kanilang pantay na karapatan sa
mata ng batas at katarungan na humantong sa kanilang tagumpay sa Digmaang
Sibil sa Amerika. Pinukaw naman ni Jean Jacques Russeau sa kanyang Social
Contract ang isipan ng mga Pranses, Sa pamamagitan ng akda ni Russeau, nabatid
nilang sila’y biniyayaan din ng Diyos ng karapatan at katarungan at natutunan
nilang ito’y kanilang ipakipaglaban. Nang patuloy iyong ipagkait sa mga Pranses,
ang pakikipaglaban nila sa katarungan at karapatan ay humantong sa isang
himagsikan sa Pransya. Dito sa Pilipinas man ay makakatukoy ng napakaraming
katibayan kung paano pinakilos ng panitikan ang lipunan. Nagsilbing inspirasyon
sa mga katipunero ang mga akda ni Rizal upang maglunsad ng isang himagsikan
laban sa mga Kastila. Ang mgha mapanghimagsik na dulang itinanghal noong
panahon ng mga Amerikano ay ikinapiit ng mga may-akda niyon at lalong
nagpagalit sa maraming Pilipino. Sinikil ng dating Pangulong Marcos ang laya sa
pamamahayag ngunit hindi niya napigilan ang paglaganap ng mga akdang

This study source was downloaded by 100000806743029 from CourseHero.com on 08-30-2022 22:27:46 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/112478442/PANITIKAN-1docx/
naglalarawan sa pagmamalabis ng kanyang administrasyon. Iyon ang isa sa
maraming dahilan ng pagwawakas ng kanyang pamumuno noong 1986 sa EDSA.

Ayon naman kay Webster (1947), ang panitikan ay katipunan ng mga


akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag,
aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw. Kung ang panitikan
ay katipunan ng mga akdang nasusulat, maituturing bang panitikan ang mnga tula,
kasabihan, awit at iba pang pasalin-salin sa bibig ng tao lalo na noong panahong
bago dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan? Ang sagot ay oo, panitikan din
ang mga iyon. Kailangang bigyang-diin na ang kahulugan ni Webster ay
modernong pagpapakahulugan sa panitikan sa panahong ang tao ay marunong
nang sumulat at sa panahong ang panitikang pasalin-dila ay naisalin na sa anyong
pasulat.

NARITO ANG MGA URI NG PANITIKAN BATAY SA


PARAAN NG PAGSASALIN

A. PASALIN-DILA – naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng


tao. Ito ang paraan ng pagsasalin ng panitikan noong unang panahon nang ang
pagsulat ay hindi pa natututunan ng tao. Ang mga halimbawa nito ay: epiko,
awiting-bayan, alamat, kasabihan, salawikain, bugtong at maging mga palaisipan
na isinalin ng ating mga ninuno sa mga nakababatang henerasyon sa pasalitang
paraan (Villafuerte, 2009).
Ang uring ito ay kadalasan nangyayari noong sinaunang panahon pa kung
saan wala pang nalalamang paraan ang mga tao kung papaano idodokumento ang
mga panitikan na mayroon sila noon. Kung kaya, kadalasan ang mga panitikan na
napabibilang sa uring ito ay naipasalin-salin sa ibang tao at ang nangyayari ay
minsan ang pagsasalin ay nadadagdagan minsan din ay nagkukulang. Kadalasan
din sa mga panitikan ng mga ninuno natin ay nawala na dahil sa paraan ng
pagsasalin nila.

B. PASULAT – paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutunan ng


tao ang sistema ng pagsulat. Kung gayon, ang mga dating panitikang inaawit,
ikinukwento, tinutula o binibigkas lamang ay naisatitik na. Lalong yumaman ang
panitikang pasulat nang maimbento ng tao ang imprenta dahil sa pagsasalimbag at
pagsasaaklat ng mga ito (Villafuerte, 2009).

This study source was downloaded by 100000806743029 from CourseHero.com on 08-30-2022 22:27:46 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/112478442/PANITIKAN-1docx/
Sa puntong ito ay nakaimbento na ng paraan ang mga tao kung papaano
hindi mawala at maipreserba ang panitikan mayroon sila sapagkat natutunan na
nila ang pagsulat bilang paraan upang mailikom ang mga panitikan ng kanilang
lahi. Sa paraan ito ay naitatala na ang mga panitikan at may seguridad.

Sa dalawang anyo ng panitikang ito, higit na mahalaga ang panitikang


pasulat dahil higit na naiingatan ang mga ito. Samantala, ang panitikang pasalin-
dila ay maaaring magbago, mag-iba o di kaya’y malimutan kalaunan. Ito ang
dahilan kung bakit pinagsusumikapan ng mga nagmamalasakit sa mga panitikan sa
iba’t ibang rehiyon ng bansa na mailimbag ang mga yamang panitikan ng kani-
kanilang mga pangkat-etniko upang mapangalagaan ang mga iyon sa gitna ng
lumalaganap na kawalan ng interes ng mga kabataan sa mga katutubong panitikan.

Dahil sa naging modern na ang panahon, nadagdagan ang mga uri ng panitikan
ayon sa pagsasalin.

Ayon kina San Juan et al. (2005), dahil sa pagsilang ng panahong


elektroniko na pawing lahat ng bagay ay pinapadali sa pamamagitan ng elektroniko
gaya ng kompyuter, maging ang paglaganap ng panitikan ay nakisakay sa mga
kableng tagapangalat nito. Kaya isasali natin sa uri ng panitikan ayon sa pagsasalin
ang pasalintroniko.

C. PASALINTRONIKO – ang dating mga titik na nalilimbag ng mga


simpleng makinilya ay napalitan ng mga sopistikadong kompyuter. Hindi na
nasisiyahan ang mga tao lalo ng ang mga kabataan sa paggamit ng makinilya. Higit
na madali at mabilis ang trabaho sa kompyuter kaysa makinilya; kaya nga’t hindi
kataka-takang mas ibigin ito ng mga manunulat kaysa sa makinilya. Ang
maghapong pagmamakinilya ay katumbas lamang ng isang oras na
pagkokompyuter. Sa ganitong sitwasyon, nagkaroon ng ikatlong uri ng panitikan,
ang pasalintroniko (San Juan et al., 2005).

This study source was downloaded by 100000806743029 from CourseHero.com on 08-30-2022 22:27:46 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/112478442/PANITIKAN-1docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like