You are on page 1of 20

PAUNANG SALITA

Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin Natin
Sa Modyul 6 na ito matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng Timog-
Silangan Asya. Ang mga aralin ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-
aaral na maunawaan ang kultura at pamumuhay hindi lang sa Pilipinas kundi pati na
rin sa buong Asya. Iba’t ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-aaral tulad ng
pagbabasa at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at mga gawain sa gramatika
at retorika upang maging interaktibo ang pagtalakay sa mga aralin.
Sa ikaanim na modyul ay magsisimula sa:
Modyul 6: Sanaysay ng Indonesia
Panitikan…………….………...Kay Estella Zeehandelaar
Wika………………………..…..Mga Pang-ugnay sa
Pagpapahayag ng Sariling
Pananaw

Pagkatapos ng mga modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan


F9PT-If-42
• Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon
sa napanood na debate o kauri nito F9PD-If-42
• Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi
dapat na katangian ng kabataang Asyano F9PU-If-44
• Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling
pananaw F9WG-If-44

Subukin Natin

Ang bahaging ito ang magbubukas ng paunang kaalaman para sa iyo. Ito ang
magbibigay daan para sa dapat mong matutuhan sa ikaanim na aralin. Kung nakuha
mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
PANGKALAHATANG PANUTO
1. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.
1. Ito ay isang uri ng pakikipag-komunikasyon na ang ukol ay maipabatid ang
inyong saloobin sa isang paksa o isyu.
A. Maikling Kuwento C. Sanaysay
B. Alamat D. Dula
2. Bahagi ng sanaysay na dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng
mambabasa.
A. wakas C. simula
B. tunggalian D. gitna

1
3. Bahagi ng sanaysay na malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag ng
maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin.
A. gitna C. simula
B. wakas D. tunggalian
4. Bahagi ng sanaysay na naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa
na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.
A. gitna C. tunggalian
B. simula D. wakas
5. Sila ay may kaugaliang hindi direktang umaayaw sa ano mang hiling sa kanila at
sila ay yumuyuko o nagbo-bow bilang simbolo ng pagrespeto.
A. Chinese C. Spanish
B. Taiwanese D. Javanese
6. ________ ang tawag sa sanaysay na pormal.
A. di pormal C. personal
B. denotatibo D. impersonal
7. Mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay.
A. pang-ukol C. pang -angkop
B. pantukoy D. pangatnig
8. Mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.
A. pang- ukol C. pantukoy
B. pangatnig D.pang - angkop
9. Mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
A. pang-angkop C. pangungusap
B. pangngalan D. panaguri
10. Ano ang tawag sa mga ito -na, -ng, -g?
A. Pandiwa C. Pang-angkop
B. Pang-abay D. Pangngalan
11. Ang nagsalin ng sanaysay sa wikang filipino na Kay Estella Zeehandelaar.
A. Vilma C. Ambat C. Amado Hernandez
B. Elynia Ruth Mabanglo D. Zeehandar
12. Petsa kung kailan isinulat ang sanaysay na Kay Estella Zeehandelaar.
A. May 25, 1809 C. May 20, 1899
B. May 25, 1899 D. May 25, 1899
13. Pinakamataas na institusyon ng karunungan na matatagpuan sa India.
A. Hoogre Burger School C. CHED
B. Thomasite School D. TESDA
14. Sa pangungusap na, Ang bagong higaan ay para kay Tachi. Ano ang salitang
pang-ukol na ginamit?
A. bagong C. bagong
B. para kay D. Alex
15. Halimbawa ng sanaysay na nagmula sa Indonesia.
A. Anim na Sabado ng Beyblade C. Ang Ama
B. Kay Estella Zeehandelaar D. Nagkamali ng Utos

2
Modyul SANAYSAY NG INDONESIA
6
A. Panitikan: Kay Estela Zeehandelaar
Isinalin sa Filipino
ni Elynia Ruth S. Mabanglo
B. Gramatika/Retorika: Gamit ng mga Salitang Pang-ugnay sa
Pagpapahayag ng Opinyon
C. Uri ng Teksto: Naglalahad

Balikan Natin

Para lubusan mong maunawaan ang mga gagawin sa modyul na ito,


magbalik-aral muna tayo.
Upang malaman ang paksa na ating tatalakayin sa modyul na ito ay iyong
aalamin sa pamamagitan ng pagsagot ng gawain sa baba. Punan ng wastong letra
ang bawat kahon ayon sa hinihingi ng bawat bilang at magsisilbing gabay ang
kahulugan ng salitang hinahanap.
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay
dahil dito ang inaasahan kung ipagpatuloy ng
1 s m a
mambabasa sa kanyang binabasang sulatin.

Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga


t n mahalagang puntos o idea ukol sa paksang pinili
2. .
at sinulat ng may-akda.

Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang


nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya.
3. w s

Ito ay isang sulating gawain na kung saan


4. s n ito’y kadalasang naglalaman ng mga
y
pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang
awtor o akda.

Mahusay na nabalikan natin ang kahulugan ng sanaysay at mahalagang


bahagi nito! Ngayon, natitiyak kong ikaw ay handa na para sa susunod na
tatalakayin.

3
Tuklasin Natin
Bago mo simulang basahin ang akda sa modyul na ito, suriin mo muna ang
mga larawan na nasa ibaba. Sagutin ang mga gabay na tanong.

Gawain 1: Ilarawan mo

1. Ilarawan ang dalawang babae na nasa larawan. Ano ang kanilang


pagkakaiba at pagkakatulad? Sa iyong palagay ano- ano kaya ang mga
katangian na mayroon sila?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_____________________________________________________
2. Para sa iyo, anong uri ng tao ang nais mo pang makilala? Anong mga
katangian ang gusto mong makita sa kanya?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
______________________________________________________

Sa buhay natin ay masarap makakilala ng iba’t ibang klase ng tao at kagaya


mo ang pangunahing tauhan sa akdang ating babasahin ay isang Javanese mula sa
bansang Indonesia ay nais ding may makilalang tao. Kaya’t tara na at alamin kung
anong pag-uugali ng tao ang gusto niyang makilala.

Talakayin Natin

Basahin mo ang isang bahagi ng liham ng isang prinsesang Javanese na


nagmula sa bansang Indonesia. Ito ay isinalin sa wikang Filipino ni Ruth Elynia S.
Mabanglo.

Alam mo bang ang mga Javanese ay tawag sa mga taong


nakatira sa Java Indonesia. Sila ay umiiwas sa mga
komprontasyon. Hindi sila direktang umaayaw sa ano mang
hiling sa kanila at sila ay yumuyuko o nagbo-bow bilang
simbolo ng pagrespeto.

4
Read more on Brainly.ph -
https://brainly.ph/question/33634#readmore
Kay Estella Zeehandelaar
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese Japara,
Mayo 25, 1899

Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong babaeng malaya,
nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili,
masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan
hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong
sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong
sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng
aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin
kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho’t nagsisikap na bagong
kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring
suwayin. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang
malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka
pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang
bago at batang panahong ito ng buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas,
kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang
hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin. Wala
akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang
tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang
mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon
na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko
ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan
ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal
at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-
silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang
kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang
salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi
maaabot ng aking pangunawa. Gumigising ito para hangarin ang pagsasarili at
kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng
mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin
kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa
akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito
ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at
sumigla.
Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala
tayo. Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na
kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay
isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kaun-
aunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa
ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong
European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig
sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng

5
pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang
kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang pinakamataas na
institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong
nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands
at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga
babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapagaral dahil na rin sa
kahigpitan ng aming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-
aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa
eskwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang
babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at
ang tanging lugar na pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa mga
babae ay ang libreng grammar school ng mga European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay-
kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa
mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung
kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng
mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong
bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang
pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa
buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong
ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na
pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang
naiwan sa aki’y pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga
kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nag-iisang liwanag na
nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay
lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan
ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng
panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit
niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga
pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang
ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.
Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na
taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi
nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga
pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang prinsesa
(bilang Reyna Wilhemina ng Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga
magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming
buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na
pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila ng tagumpay iyon!
Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa labas, na
imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo” naging usap-usapan ang “krimeng”
iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at
para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako
nasisiyahan. Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring
makipamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng
kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, mag-aral, hindi para
mapailalim sa sino man, at higit sa lahat, hindi para pagasawahin nang sapilitan.

6
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang
pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang
pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing
miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa
lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at
kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang.

Alam mo ba…

Katulad ng ibang anyo ng panitikan, ang sanaysay ay may mga uri


rin. Ito ay ang pormal at di-pormal.

MGA URI NG SANAYSAY

1. PORMAL / IMPERSONAL na sanaysay ay naghahatid ng

mahahalagang kaalaman o impormasyon, kaisipan na makaagham at lohikal


na pagkakasunod-sunod ng mga ideya. Maingat na pinipili ang mga ginagamit
na salita at maanyo ang pagkakasulat. Maaari ring maging pampanitikan ang
pormal na uri ng sanaysay. Maaari itong maging makahulugan, matalinhaga
at matayutay. Ang tono ng pormal na sanaysay ay seryoso at di nagbibiro.

2. DI-PORMAL / PERSONAL na sanaysay ay nagbibigay ng


kasiyahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan at pang-araw-
araw na paksa. Pamilyar ang ganitong uri ng sanaysay. Gumagamit ng mga
salitang sinasambit sa araw-araw na pakikipag-usap lamang. Palakaibigan
ang tono sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang
pananaw nito.

Mas mapapadali ang ating pag-unawa sa binasang liham kung


mabibigyang kahulugan natin ang matatalinhagang salita. Kaya’t sagutin ang
susunod na gawain.

7
GAWAIN 2: Paglinang ng Talasalitaan
A. Ibigay ang literal kahulugan ng mga nasalungguhitang salita sa
pangungusap mula sa akda.
B. Ibigay din ang kahulugan nito batay sa pagkakagamit sa pangungusap.
Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

B. C.
A. D. E.
makalaya ikulong lahing mula moderno
pag-asa
kanluran

3. Kinakailangang ikahon ako, ikulong at pagbawalang lumabas ng bahay.


4. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit
lubhang malayo pa ang panahong iyon.
5. Ito-ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at
kainip-inip na panahong iyon.
6. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon.
7. Kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa
malayong Kanluran.

Naunawaan mo ba ang binasang liham? Kung ganoon ay handa ka na sa


susunod na gawain at handa ka na ring sagutan ang mga gabay na tanong. Tara na
at palawakin pa natin ang iyong kaalaman!

GAWAIN 3: PAGHAMBINGIN NATIN ‘YAN


Natitiyak kong marami kang natuklasang bagong kaalaman sa binasang
sanaysay lalo na sa mga kaugalian at paniniwala ng mga Javanese kaya gamit ang
Venn Diagram paghambingin mo ang kaugalian mayroon ang mga Pilipino at ang
Javanese ano ang kanilang pagkakaiba at pagkakatulad. Gayahin ang pormat sa
papel.

Kaugaliang Kaugaliang
Javanese Pilipino
Pagkakatulad

8
Gabay na Tanong:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa binasang sanaysay? Ano-ano ang taglay


niyang katangian?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

2. Ano ang nais ng prinsesa para sa kanyang bayan at para sa kababaihan?


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

3. Kung ikaw ang prinsesa ano ang iyong saloobin sa nakagisnang kultura o
kaugalian , kagaya nya nanaisin mo rin bang baguhin ang nakaugalian?
Ipaliwanag ang sagot.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

4. Anong uri ito ng sanaysay? Patunayan.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Laging tandaan …

Ang kasarian ay hindi dapat hadlang sa pagkamit ng


karapatan gaya ng edukasyon, kalayaan, at pagtanggap sa lipunan.

Pagyamanin Natin
]

GAWAIN 4: Pagsasanib Ng Gramatika / Retorika


Suriin ang halaw na bahagi ng dalawang sanaysay mula sa
blogspot.com at Brainly.ph - https://brainly.ph/ . Suriin kung alin ang pormal at di-
pormal.

9
SANAYSAY TUNGKOL SA KALAMIDAD

Sa isang bansang tulad ng Pilipinas na taon-taon ay napipinsala ng mga


kalamidad, tila normal na bahagi ito ng pamumuhay. Nagdudulot man ng
pagkawasak ng mga ari-arian at kumukuha pa ng buhay, tila natanggap na ng mga
mamamayan na kada magpapalit ang taon ay dadalawin sila ng anumang
kapahamakang dala ng kalikasan. Ngunit kung ang agham ang tatanungin, ang
dati’y normal na pinsalang dulot ng mga kalamidad ay dumudoble pa o mas lumalala
dahil ganti na raw ito ng kalikasan sa ating pag-abuso. Dahil hindi napapangalagaan
ang kapaligiran, ipinadadama raw nito ang kaniyang pagkapoot sa mas malalakas at
mas nakapipinsalang kalamidad.
Ayon sa mga eksperto, dahil sa polusyon at global warming, mas malalakas
daw ang mga bagyo na dumarating sa mundo na nagdudulot naman ng matitinding
pagbaha. Maging ang labis na pag-init at paglamig ng panahon ay bunga raw ng
nagbabagong mundo dahil sa kapabayaan ng tao. Dahil dito, mas hinihikayat ng
mga siyentipiko na mas maging mapagmahal at madisiplina sa kalikasan. Iwasan na
ang mga gawain nakasisira dito kabilang ang di wastong pagtatapon ng basura,
pagputol sa mga puno, at paggamit ng mga nakalalasong kemikal.
Kailangan na tayong kumilos dahil kung mapababayaan, ang mga kalamidad
na mararanasan natin ay mas nakapipinsala pa at baka maging sanhi ng tuluyang
pagkawasak ng daigdig.

“KAPANGYARIHAN NG PAG-IBIG”
Akda ni Anthony Rosales Sarino

Wala nga daw perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan, oo nga at


mayroon tayong patutunguhan at mayroon ding dahilan ang lahat ngunit wala man ni
isa sa ain ang nakakaalam ng kahihinatnan.

Pag-ibig ako ay naniniwala na ito ang dahilan ng lahat ngbagay, ang puso ang
nagdidikta ng nararapat sa ating sarili. Isang pagmamahal na makukuha sa iisang
tao na inilaan ng Diyos sa atin at magtuturo nang tamang kahulugan ng buhay.
Saan ka man makarating ang pag-ibig ay makikita at iyong madarama. Kahit
sa mga simpleng bagay na espesyal at kung minsan nga ay sa mga bagay na
walang halaga ay naroon ang pag-ibig. Ang pag-ibig ay makapangyarihan kung
titingnan natin ito sa mas malawak at mas malalim sa kung ano ang dapat
ipakahulugan nito. At lahat tayo ay mag aasam nan a sana ay isang araw ay
dumating ang taong magiging kabiyak ng ating puso.
Ang pag -ibig ay wala sa edad, kasarian at klase ng pamumuhay hanggat
mayroong pagmamahal na namamagitan. Hindi na nakakagulat ngayon ang
pagmamahalan ng isang mayaman at matanda, matanda at bata, maging dalawsang
lalake man o babae.
Isa pa sa kapangyarihan ng pag-ibig ay ang tadhanan. Wala ng tatalo pa sa
pagtatagpo ng dalawang puso Napakasarap isipin na may dalawang tao na nagiging
masya sa kapangyarihan nito naghihintay ka o naghahanap ngunit may isang bagay
na nakagagawa nito sa isang iglap lamang nakakatawa man ngunit ito ang
katotohanan.
Pero kung minsa hindi lang puro kasiyahan ang dulot ng pag-ibig. Pumapasok

10
din ang ibat-ibang suliranin at problema. Kasawian at kalungkutan bunga nito. Kung
minsan negatibong tinuturing ang pag-ibig sa mga taong takot na masaktan at
magmahal. May iaba naman na naniniwala na kaylangan nating sumugal sa
pagmamahal, Manalo ka man o hindi bumalik mkan o tuluyang mawala iyong itinaya
natin wala tayong dapat na pagsisihan. At iyon ang tinatawag na Unconditional Love.
Mula sa https://brainly.ph/question/188479#readmore

Gabay na Tanong:

1. Ibigay ang iyong saloobin sa binasang sanaysay.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Batay sa anyo at paraan ng pagpapahayag alin ang mauri mong sanaysay na


pormal o Di- pormal? Patunayan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Alam mo bang sa isang sanaysay, makatutulong nang


malaki sa pag-oorganisa ng ideya ang mga pang-
ugnay. Ang mga pang-ugnay ay nauuri rin bilang mga
salitang pangkayarian.

ANG MGA PANG-UGNAY AY ANG SUMUSUNOD:

A. PANGATNIG B. PANG-ANGKOP
(CONJUNCTION) C. PANG-UKOL
(LIGATURE) (PREPOSITION)
- mga salitang nag-uugnay ng - mga katagang nag-
dalawang salita, parirala o - mga salitang nag-
uugnay sa panuring at uugnay sa isang
sugnay salitang tinuturingan pangngalan sa iba pang
HALIMBAWA: HALIMBAWA: salita
tulad ng, kahit na, dahil sa, na, ng at iba pa HALIMBAWA:
kasi, palibhasa, bukod-tangi ,
ang/si, ng/ni/kay, ayon
kaya at iba pa.

Para matiyak na naunawaan mo ang kahalagan ng mga pang-ugnay sa


pag-oorganisa ng ideya, sagutan ang mga nakahandang gawain para sa iyo.

11
GAWAIN 5: Pag-Ugnayin Mo
PANUTO: Pag-ugnayin ang dalawang kaisipan upang makabuo ng isang
pangungusap gamit ang mga pangatnig. Piliin ang iyong sagot sa loob
ng panaklong.
1. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito
(palibhasa, kaya, para, subalit) May mga buklod na matibay pa sa alinmang
lumang tradisyon na pumipigil sa akin.
2. Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno” (dahil sa, palibhasa,
at, ng) babaeng malaya,! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap
na hinaharap ang buhay.
3. Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig
gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho’t nagsisikap na
bagong kababaihan ng Europe (kaya, para, palibhasa, subalit) nakatali ako sa
mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin.
4. Wala akong iniisip gabi’t araw (kundi, kaya, para, subalit) ang makagawa ng
paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin.
5. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng
bahay, ang mundong hindi ko na makikita (sapagkat, maliban, para) kung
kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking
pinili ng mga magulang ko.

GAWAIN 6: Punan Mo
PANUTO: Buuin ang mga pangungusap gamit ang mga pang-angkop.
1. Salamat Panginoon ako ay nakatanggap ng madami___biyaya.
2. Sa wakas bumuti _____ ang kalagayan ni Allen.
3. Sila ay nag aalala____ baka hindi makapag aral si Nena dahil sa Covid.
4. Ang modyul ____ ito ay para sayo.
5. Ang butihin_____ ama ay masipag na nagtatrabaho para sa pamilya.

GAWAIN 7: Tukuyin Mo
PANUTO: Ikahon ang mga pang-ukol na ginamit sa bawat pangungusap.

1. May alam ka ba tungkol sa pwedeng gamut sa Covid?


2. Ayon sa Pangulo, gagawin nya ang makakaya nya para sa ating mga Pilipino.
3. Tuloy ang pag-aaral ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng modyul
4. Ukol sa Covid ang balitang ito.
5. Iaalay ko ang mga bulaklak na ito kay Angel.

12
GAWAIN 8: Komentaryo Ko, Susuriin Mo
Basahin mo ang siping komentaryo mula sa Pinoy Weekly Online at isa-isahin
ang mga pang-ugnay na ginamit dito. Sampung pang- ugnay lamang ang isulat sa
iyong sagutang papel

LIBRENG MASS TESTING


Idiniin din ng grupo sa gobyerno ang pagsasagawa ng libreng mass testing. Susi
anila ito upang makita kung gaaano kalawak at kalapad ang kalat ng sakit.
Ayon sa grupo, Marso 16, ikalawang araw ng Coummunity Quarantine, iginigiit na
nila ang mass testing. Ngunit matapos ng kalahating buwan saka lang anila inanunsiyo
ng DOH ang pagsasagawa nito. Aktuwal itong nasimulan noong Abril 14.
“Kung sasabihin natin na mass testing, matagal na namin ipinanawagan, Marso pa
lang o mas maaga pa, na handa dapat tayo sa testing kasi marami doon sa mangyayari,
doon sa kontrol, doon sa pagdedetermine ng quarantine, ay nakasalalay sa testing. So
napakahalaga po niyan,” ani Dr. Julie Caguiat, MD, co-convenor ng Coalition for
People’s Right to Health at panelist sa naturang media briefing.
GAWAIN 9: Opinyon Mo, Ipaglaban Mo
Nang dahil sa ECQ o Enchanced Community Quarantine sigurado akong may
mga napanuod o narinig kang debate tungkol sa mass testing. Ipaliwanag mo kung
paano nila ipinahayag ang kanilang idea at opinyon? Maglahad ka din ng iyong
opinyon tungkol sa isyung ito.
Bigyan mo ng puntos ang paglalahad ng mga opinyon kung ito ay maayos na
naiugnay upang maging malinaw ang paglalahad ng opinion. Isulat ang sagot sa
iyong papel.

GAWAIN 8: Pananaw Mo! Ipahayag Mo


Gamit ang iyong natutunan sa pang-ugnay ipahayag ang iyong sariling
pananaw tungkol sa napapanahong isyu. Isulat ang sagot sa iyong papel.
Ano ang mangyayari kung aabot sa isang taon ang lockdown sa Pilipinas?
Ang mga babae ay dapat na magkaroon ng pantay na karapatan o kalayaan
tulad ng sa kalalakihan.

Tandaan Natin

Mahusay! ako ay humahanga sa iyong dedikasyon! Binabati kita dahil


alam kong pinaglaanan mo ng oras ang modyul na ito. Sa kabilang dako, punan mo
ang bawat patlang ayon sa hinihingi nito.

• Sa modyul na ito, natuklasan ko na ang sanaysay ay ___________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________

13
• May iba’t ibang bahagi ang sanaysay tulad ng ________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

• May iba’t ibang uri ng pang-ugnay tulad ng ___________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________

Isabuhay natin
Sa iyong panghuling gawain sa modyul na ito ikaw ay susulat ng sanaysay
tungkol sa isyu na nakalahad sa ibaba. Huwag kalimutang gumamit ng pang-ugnay
upang mas maging organisado ang iyong paglalahad ng mga ideya at isaalang-
alang ang mga pamantayan sa pagsulat ng iyong sariling sanaysay.

Bilang isang mag aaral ng ika syam na baitang naatasan kang magbigay ng
iyong opinyon tungkol sa mga dapat at hindi dapat na katangian ng kabataan
ngayon sa panahon ng pandemic.Tiyakin din na ang masusulat na akda ay tutugon
sa hinihingi ng pamantayan.

KRAYTIRYA SA PAGSULAT NG SANAYSAY


Nilalaman…………………………………………………… (45)
Kaugnayan sa Tema……………………………………….. (30)
Paggamit ng Salita…………………………………………. (25)
Kabuuan ……………………………………………………..(100

Tayahin Natin

Tara na at iyong patunayan na talaga ngang ikaw ay may maraming natutuhan sa


pamamagitan ng pagsagot sa pagsasanay na ito.
Pangkalahatang Panuto
1. Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Bahagi ng sanaysay na pinakamahalaga dahil dito ang inaasahan kung


ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin.
A. Simula C. Wakas
B. Gitna D. Tunggalian
2. Ito ay isang sulating gawain na kadalasang naglalaman ng mga pananaw,
kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda.
A. Dula C. Sanaysay
B. Maikling Kwento D. Tula

14
3. Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o idea
ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda.
A. Gitna C. Simula
B. Wakas D. Tunggalian
4. Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o
katawan ng isinulat niya.
A. Tunggalian C. Simula
B. Wakas D. Kasukdulan
5. Ayon sa ulat na ito, hindi parin nagbabago ang bilang ng mga taong naka-
recover sa covid. Ano ang pang ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. ulat C. ang
B.nagbabago D. Ayon
6. Siya ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya.
A. Estella Zeehandelaar C. Ruth Elynia S. Mabanglo
B. Prinsesang Javanese D.Pangeran Ario Tjondronegoro
7. Ilan lahat ang kapatid ng prinsesa?
A. 3 C. 5
B.4 D. 6
8. Ilang taon ang prisesa ng ikulong sa loob ng bahay?
A. 11 C.13
B.12 D. 16
9. Pang-ilan siya sa tatlong babaing anak?
A. panganay C. sunod sa panganay
B.bunso D. pangalawa
10. Ano ang salitang nakaakit sa kanya noong musmos pa lamang siya?
A. emansipasyon C. Europa
B.pag aasawa D. pag aaral
11. Ano ang pampalipas oras nya habang sya ay nakabilanggo.
A. pagbabasa ng mga librong Dutch. C. panonood ng pelikula
B. pakikipag usap sa mga kapatid D. pagseselpon
12. Hanggang ________ taong gulang lang pwede pumunta sa paaralan ang
mga babaeng Javanese.
A. 16 C. 9
B. 10 D. 12
13. Ano ang pinakamalaking kasalanan at kahihiyan na magagawa ng isang
babaeng Muslim
A. paglabas sa bahay C. hindi pag aasawa
B. pag aasawa kahit bata pa D. pagiging mahiyain
14. Saan nagmula ang akda?
A. Indonesia C. Singapore
B. Taiwan D. Japan
15. Ang tanging paaralan na tumatanggap ng kababaihan
A. CHED C. Atene
B. Grammar School D. ACLC

15
Gawin Natin
Sa modyul natuklasan natin ang pinagdadaanan ng mga kababaihang taga-
Java, Indonesia at sa kasalukuyang panahon matunog ang usapin ng #HijaAko sa
ating bansa. Ito ay pumapatungkol sa kalayaan ng mga kababaihan sa pagpili ng
kanilang susuotin. Bilang isang kabataan, ano ang pananaw mo sa usaping ito?
Nararapat lang bang bigyan ng karapatan, kalayaan at opurtunidad ang mga
Pilipina? Ipahayag ang iyong saloobin o pananaw sa pamamagitan ng paglikha ng
isang Facebook Post sa inyong Facebook classroom at paggamit ng opisyal na
hashtag na #HijaAko. Matapos magawa ito ay kuhaan ng larawan ang iyong likha o
screenshot ang iyong post at ilagay sa short bond paper. Kung walang lugar para
mai-print ang iyong likha isulat na lamang ang iyong pananaw sa malinis na papel.
Siguraduhin na hindi bababa sa sampung pangungusap ang iyong lilikhaing
pananaw.

Pamantayan sa Pagmamarka:

• Organisado ang Ideya– 6 na puntos


• Gramatika – 6 na puntos
• Pagkamalikhain – 3 na puntos
• KABUUAN – 15 na puntos

PULSO NG MAG-AARAL

Madali Katamtaman Mahirap

Narito ang mga natutuhan kong kaalaman sa aralin na ito.

PANUTO: Iguhit ang gusto mong emoticon batay sa iyong saloobin. Narito
ang mga natutuhan kong kaalaman sa aralin na ito.

____________1. Naipaliliwanag ko ang salitang may higit sa isang kahulugan.

____________2. Nasusuri ko ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at


opinyon sa napanood na debate o kauri nito.

____________3.Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat


na katangian ng kabataang Asyano.

____________4.Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling


pananaw.

16
Sanggunian:
https://teksbok.blogspot.com/2011/02/kay-stella-zeehandelaar.html.May 27, 2020
https://www.google.com/search.May 27, 2020
https://tl.wikipedia.org/wiki/Sanaysay.May 27, 2020
https://brainly.ph/.May 27, 2020
https://www.blogger.com/about/?r=1-null_user.May 27, 2020
https://philnews.ph/2019/07/16/sanaysay-kahulugan-uri-bahagi/.May 28, 2020
https://pinoycollection.com/sanaysay/.May 31, 2020
Peralta, Romulo N., Lajarca, Donabel C., Cariño, Eric O., Lugtu, Ma.Aurora C.,
Tabora, Marygrace A., Trinidad, Jocelyn C., Molina, Shiela C., Carpio, Lucelma O.,
Rivera, Julieta U. & Ambat, Vilma C. 2014. Panitikang Asyano 9 Modyul ng Mag-
aaral sa Filipino. Pasig City: Vibal Group, Inc.

17
Development Team of the Module

Writer:
REZEL B. ARAGON
Editors:
Content Evaluator:
CLARISSA R. SENOSA
MIRIAM C. MABASA
Language Editor:
ROSYL V. ANOOS
MARITA T. LACANLALE
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA
Illustrators:
JHOANA R. OLANA
NATHANIEL C. MACAAMBAC
Layout Artist: CAMILLE JEWEL C. GARCIA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

18

You might also like