You are on page 1of 19

Lanog sa Kinaadman

30-minute Radio Program


DXRS 918 KhZ

RBI for Grade 6 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

Quarter 2, Module 2: Pagpapanatili ng Mabuting Pakikipagkaibigan

Episode 1 of 1

ARGIELOU M. PECANTE
Scriptwriter/Content Developer

JONATHAN A. SUMALINOG
KIA MARRIE M. SARABIA
Technical Directors

KARL REY D. ORGA


SHIELAH MAE C. DULGUIME
Hosts

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 1 of 18
___________________________________________________________________________

1. SNEAK-IN STATION ID … “LANOG SA KINAADMAN” PROGRAM ID

2. THEN SEQUE TO

3. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SECONDS… FADE UNDER

4. HOST 1 : Magandang araw sa ating minamahal na mga mag-aaral sa

5. : ika-6 na baitang. Ngayon ay panibagong aral na naman ang 6. :


ating matutunghayan mula sa asignaturang Edukasyon sa

7. : Pagpapakatao. Lubos ang aking kasiyahan na kayo ay

8. : makasamang muli tungo sa pagtuklas ng makabuluhang

9. : kaalaman. Ako ang inyong lingkod, Teacher Karl Rey.

10. HOST 2 : At ako naman si Teacher Shielah Mae na natutuwa na kayo ay

11. : makasama sa pagtamo ng makabuluhang kaalaman ngayon.

12. : Alam kong handang handa na kayo.

13. YES SOUND EFFECTS … ESTAB FOR 3 SECONDS … FADE UNDER

14. HOST 2 : Kung handa na kayo, halina’t samahan ninyo kami na tuklasin

15. : at maipakita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa

16. : kapwa lalo na sa pagpapanatili ng mabuting

17. : pakikipagkaibigan.

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 2 of 18
___________________________________________________________________________

1. HOST 1 : Bago tayo magpatuloy sa ating leksyon ngayong araw,

2. : siguraduhing kayo ay nasa komportableng lugar kasama ang 3. :


inyong EsP Quarter 2, Module 2, ballpen at papel.

4. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

5. HOST 1 : Teacher Shielah Mae, sa tingin mo, bakit nga ba mahalagang 6. :


matutunan ng ating mga mag-aaral sa ikaanim na baitang

7. : kung paano mapapanatili ang isang mabuting

8. : pakikipagkaibigan?

9. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

10. HOST 2 : Mahalagang matutunan nila ito upang magkaroon sila nang

11. : mas matibay at tunay na samahan. Ang pagpapanatili ng

12. : isang mabuting pakikipagkaibigan ay pagpapakita ng

13. : kanyang pagmamahal sa kapwa. Kinakailangan nila ng

14. : isang tapat at mapagkakatiwalaang kaibigan upang sila ay

15. : tulungan at gabayan sa kanilang mga desisyon sa buhay.

16. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 3 of 18
___________________________________________________________________________
1. HOST 1 : Kaya mga bata, mahalagang panatiliin ang positibong

2. : relasyon sa inyong mga kaibigan upang magtulungan kayong

3. : mag-improve lalo na sa inyong pag-aaral maging sa personal

4. : ninyong buhay.

5. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

6. HOST 1 : Bago natin palawakin ang inyong mga kaalaman, magbabalik

7. : tanaw muna tayo sa nakaraang paksang tinalakay natin

8. : tungkol sa pangako o pinagkasunduan upang magabayan

9. : tayo sa ating panibagong aralin. Kaya ihanda na muna ang

10. : inyong mga sagutang papel at ballpen at makinig sa sitwasyon

11. : na aming ibibigay. Isulat ang salitang NATUPAD kung ito ay

12. : nagsasabi ng katuparan sa pinagkasunduan at DI NATUPAD

13. : naman kung hindi. Teacher Shielah Mae, handa na ba ang

14. : mga katanungan para sa ating mga mag-aaral sa ikaanim na

15. : baitang?

16. HOST 2 : Handa na, Teacher Karl Rey! Oh mga bata, hawakan na ang

17. : inyong mga papel at ballpen.

18. BACKGROUND MUSIC #1 FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 4 of 18
___________________________________________________________________________

1. HOST 2 : Mayroon kaming ibibigay na tatlong katanungan. Isulat ang

2. : salitang NATUPAD kung ang sitwasyon ay nagsasabi ng


3. : katuparan sa pinagkasunduan at DI NATUPAD naman kung

4. : hindi. (REPEAT) Ang inyong sagot ay isusulat sa papel. Ang

5. : tanong ay babasahin lamang ng dalawang beses at bibigyan

6. : kayo ng tatlong Segundo para isulat an inyong mga sagot.

7. : Kapag narining niyo ang tunong ng bell (BELL SOUND EFFECT)

8. : Ibig sabihin ay tapos na ang oras niyo sa pagsagot.

9. BACKGROUND MUSIC #1 FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

10. HOST 2 : Unang tanong. Si Vicky ay niyaya ng kaniyang mga kaibigan

11. : na maglaro. Ngunit mayroon pa silang ginagawa ng kaniyang

12. : nanay. Naisip ni Vicky na magpaalam muna sa kaniyang

13. : nanay at nangakong babalik kaagad ito para makatulong.

14. : Umuwi si Vicky na tapos na lahat ang gawain at nadatnan na

15. :tulog na ang kaniyang nanay. Natupad o Di Natupad? (REPEAT)

16. TIMER SOUND EFFECT … ESTAB FOR 5 SECONDS … BELL SOUND


EFFECTS

17. HOST 1 : Ang sagot ay DI NATUPAD. Kasi umuwi si Vicky na tapos na ang

18. : lahat ng gawain at hindi na siya nakatulong gaya ng kanyang

19. : pinangako sa kanyang nanay.

20. BACKGROUND MUSIC #1 FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 5 of 18
___________________________________________________________________________

1. HOST 1 : Ikalawang tanong, si Joeme ay nanghiram ng libro kay

2. : Johnrey. May kasunduan sila na magpapahiram din si Joeme


3. : ng gamit kay Johnrey. Nangako sila sa isa’t isa, at iyon nga ang

4. : nangyari, pinahiram ni Joeme si Johnrey ng gamit niya sa

5. : kanilang proyekto. Natupad o Di Natupad? Tatlong segundo

6. : lamang ang pagsagot. (REPEAT)

7. TIMER SOUND EFFECT … ESTAB FOR 5 SECONDS … BELL SOUND


EFFECTS

8. HOST 2 : Kung ang sagot niyo ay NATUPAD, kayo ay tama dahil natupad

9. : nga ang kasunduan ng dalawang magkaibigan na

10. : maghiraman ng libro.

11. BACKGROUND MUSIC #1 FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

12. HOST 2 : Ikatlo at huling katanungan. Si Janny ay palaging naglalaro ng

13. : kaniyang selpon. Binawalan siya ng kaniyang ina para

14. : makatutok sa kaniyang pag-aaral at nangako naman siya.

15. : Pagkatapos ng klase, umuuwi agad si Janny upang

16. : makapag-aral. Natupad o Di Natupad?

17. : Sagutin ng tatlong segundo. (REPEAT)

18. TIMER SOUND EFFECT … ESTAB FOR 5 SECONDS … BELL SOUND


EFFECTS

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 6 of 18
___________________________________________________________________________

1. HOST 1 : Ang sagot at NATUPAD. Hindi ba’t inupad ni Janny ang


2. : pangako sa kanyang ina na hindi na maglalaro sa kanyang

3. : selpon at mag-aaral nang maburi. Iyon din dapat ang inyong

4. : tularan, mga bata. Unahin ang pag-aaral.

5. BACKGROUND MUSIC #1 FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

6. HOST 2 : Kung nasagutan niyo lahat ng tanong, magaling! Kayo ay

7. : talagang nagpapamalas na ng kahalagahan ng pagiging

8. : responsable sa inyong mga kasunduan o pinangako. Sa mga

9. : hindi naman, okay lang iyan. Sa susunod ay subukin pa ninyong

10. : maging mas mapanuri.

11. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

12. HOST 1 : Oh ayan mga bata, dapat Lagi nating tandaan na maging

13. : responsable tayo sa ating mga pangako at pinagkasunduan sa

14. : ating kapwa sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mabuting

15. : pagkakaibigan.. Tama, kasama doon ang ating mga kaibigan.

16. : Ngunit, paano nga ba mapapanatili ang pagkakaibigan?

17. : Ngayon, ay pakinggan niyo ang isang kuwento tungkol na

18. : tiyak ay magugustuhan niyo. Ito ay pinamagatang

19. : “PAGKAKAIBIGAN”

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 7 of 18
___________________________________________________________________________

1. HOST 1 : Magkakaibigang-matalik sina Julie, Grace, at Vicky. Mula

2. : ikatlong baitang, magkakasama na ang tatlo at makikita na


3. : laging abala sa klase. Si Vicky ay anak ng Prinsipal ng

4. : paaralang pinapasukan ng tatlo. Si Julie naman ang “ate” sa

5. : tatlo. Si Grace ang palabang kaibigan. Sa tuwing may

6. : gagawing proyekto ang tatlo, hindi alam ng lahat na

7. : nagbibigay lang ng pera si Vicky kay Julie at Grace na silang

8. : gumagawa ng proyekto para sa kaniya. Sa tuwing may

9. : pagsusulit, palihim na pinapakopya ni Julie si Vicky.

10. : Teacher Shielah Mae, ano kaya ang sunod na nagyari?

11. HOST 2 : Isang araw, sa pag-uusap nila Julie at Grace habang

12. : ginagawa nila ang proyekto ni Vicky, “Julie, nasa Grade VI na

13. : tayo pero patuloy pa rin nating kinukunsinti ang ating

14. : kaibigan,” sambit ni Grace. “Grace, pagpasensiyahan na natin

15. : si Vicky. Talagang mapapasama siya kapag nalaman ng mga

16. : guro natin ang ginagawa natin para sa kaniya,” sagot ni Julie.

17. : Pero sa loob-loob ni Julie, nagi-guilty siya sa kanilang

18. : ginagawa. Laging number 2 sa klase si Julie. Laging

19. : pumapangalawa sa klase at nakasunod kay Vicky sa mga

20: : iskors sa lahat halos ng subjects.

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 8 of 18
___________________________________________________________________________

1. HOST 2 : Isang araw, napansin ni Grace na tahimik si Julie. Kinausap niya

2. : ito at nalaman niyang nagalit pala si Vicky sa kaniya kasi mas

3. : mataas ang nakuha nitong iskor sa pagsusulit sa Math. Ano


4. : kaya ang sinabi ni Julie kay Grace, Teacher Karl Rey?

5. BACKGROUND MUSIC #2 FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

6. HOST 1 : Ito ang malungkot na sinabi ni Julie, “Ibinigay ko naman sa

7. : kaniya ang papel na may mga sagot, kaya lang nagmamadali

8. : kasi siyang kopyahin ito at hindi na niya napansin na mali-mali

9. : iyong nakopya niya,” malungkot na sabi ni Julie. “Pati sa English

10. : at Science,” dagdag nito. Mula noon, hindi na sumasama sa 11. :


kanila si Vicky. Iba na ang laging kasama nito. Iniirapan pa sila

12. : kapag sila’y nagtatagpo. Hindi pinansin nila Julie at Grace si

13. : Vicky at ang pagsusuplada nito. Ang masakit, sinisiraan pa sila

14. : ngayon ng dating matalik na kaibigan. Patuloy ang dalawa sa

15. : pag-aaral. Patuloy ding nauungusan ni Julie si Vicky sa mga

16. : iskors.

17. : Teacher Shielah Mae, ipagpatuloy mo ang kasunod na

18. : nangyari sa kuwento.

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 9 of 18
___________________________________________________________________________

1. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

2. HOST 2 : Yes, Teacher Karl Rey. Yun nga, ipinatawag si Vicky ng

3. : kaniyang inang Prinsipal. Pinagalitan nito si Vicky, “Anong

4. : klaseng kaibigan ka kina Julie at Grace? Naging mabuting

5. : kaibigan sila sa iyo, pero sinuklian mo ng kasamaan,” sabi ng


6. : Prinsipal niyang Nanay. “Gusto ko lang naman pong laging

7. : sikat at laging nauuna sa lahat ng bagay,” mangiyak-ngiyak na

8. : sambit ni Vicky. “Si Julie ang tunay na matalino. Pero kahit na

9. : mali ka, dahil ayaw ka niyang mapahiya sa amin,

10. : pinagbibigyan ka niya lagi,” sabi ni Grace. Matinding pagsisisi

11. : ang naramdaman ni Vicky. Hiyang-hiya siya sa mga guro, sa 12. :


nanay niya, at sa kaniyang mga dating kaibigan. Sa kaniyang

13. : pagsisisi, puno ng pagmamahal siyang pinatawad ng

14. : magkaibigang Julie at Grace.

15. : At dun nagtapos ang estorya. Para sa iyo, Teacher Karl Rey,

16. : paano ba mapapanatili ang isang mabuting pagkakaibigan?

17. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

18. HOST 1 : Alam mo, Teacher Shielah Mae, iyon ang ang pagiging tapat

19. : at tunay ka sa kanila. Maging honest ka lang sa lahat nang

20. : pagkakataon. Ikaw naman, Teacher Shielah Mae?

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 10 of 18
___________________________________________________________________________

1. HOST 2 : Sa akin naman, siguro ay ang maging mabuti ka rin sa kanila.


2. : At kapag nakagawa ka naman nang hindi maganda,
3. : kailangan marunong kang humingi ng kapatawaran. Kaya
4. : mga bata, huwag natin kakalimutan na gumawa nang mabuti
5. : sa ating mga kaibigan. Kailangang responsable tayo sa ating
6. : mga ginagawa sa kanila upang mapanatili ang tinatawag na
7. : mabuting pagkakaibigan.
8. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER
9. HOST 1 : Tama ka, Teacher Shielah Mae. Alam niyo mga bata, may mga

10. : kaibigan tayo na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin sa

11. : ating tabi. Kasa-kasama pa rin natin. Karamay sa lahat ng

12. : pinagdaanan natin. Kasama sa bawat paghalakhak. Ngunit,

13. : may mga kaibigan din tayong hindi na natin kasama – siguro’y

14. : dahil lumipat na upang manirahan sa ibang lugar. May mga

15. : kaibigan din tayong nasa ibang seksyon na o di kaya’y hindi na

16. : natin sila masyadong “close” ngayon. Ang pagkakaibigan ay

17. : sadyang sinusubok ng panahon at pagkakataon. May mga

18. : pagkakaibigan na tumatatag sa bawat pagsubok ngunit

19. : mayroon din namang nananamlay at tuluyan ng nawasak.

20. : Gaano ba kahalaga ang pagkakaibigan, mga bata?

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 11 of 18
___________________________________________________________________________

1. HOST 1 : Teacher Shielah Mae, ano naman ang sinabi ng Wesbster’s

2. : Dictionary tungkol sa kahalagahan ng pagkakaibigan?

3. BACKGROUND MUSIC #2 FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

4. HOST 2 : Ayon sa Webster’s Dictionary, ang pagkakaibigan ay

5. : nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao

6. : dahil sa pagmamahal (affection) o pagpapahalaga (esteem).

7. : Ang pagkakaibigan ay: 1. hindi basta-basta mahahanap. 2.

8. : hindi maaaring pagkakita mo sa isang tao ay mararamdaman


9. : mo na magiging malapit kayo sa isa’t isa. 3. dumadaan ito sa

10. : isang mahaba at masalimuot na proseso. Samantala, ayon kay

11. : Aristotle, “Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa

12. : pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang

13. : pagkatao sa pananaw ng sarili at iba. Ito’y isang natatanging

14. : damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga sa

15. : isang ordinaryong kakilala lamang. Hindi ito pumapanig sa

16. : kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa. Naiaangat nito ang

17. : antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng isang

18. : lipunan.” Ano naman ang talong uri ng ng pakikipagkaibigan,

19. : Teacher Karl Rey? Go Teacher!

20. BACKGROUND MUSIC #2 FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 12 of 18
___________________________________________________________________________

1. HOST 1 : Mga bata, mayroong tatlong uri ng pakikipagkaibigan. Una,

2. : pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan. Ito ay

3. : matatawag nating hindi nagdudulot nang mabuti, huwag

4. : tayong makikipagkaibigan sa kapwa kung ang sadya lamang

5. : natin ang makabenepisyo mula sa kanila. Pangalawa,

6. : pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan.

7. : Minsan nakikipagkaibigan tayo dahil masaya ang mayroong

8. : kaibigan, kasama natin sa pagtawa at paggawa ng mga

9. : bagay na nakapagdudulot ng tuwa. Pangatlo naman ay


10. : pakikipagkaibigan na nakabatay sa kabutihan, ito naman ang

11. : uri ng pakikipagkaibigan na walang kondisyon, kundi purong

12. : kabutihan ang pumapaibabaw sa inyong pagsasamahan.

13. : Samantala, may mga bagay naman na talagang naidudulot

14. : ng mabuting pakikipagkaibigan.

15. : Mga bata, ano-ano ba para sa inyo ang mga naidudulot ng

16. : pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao? Isulat

17. : sa inyong papel ang inyong sagot.

18. CLOCK SOUND EFFECT … ESTAB FOR 20 SEC … FADE UNDER

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 13 of 18
___________________________________________________________________________

1. : Tingnan ninyo ang inyong naisulat, lagyan ng check mark ang

2. : inyong sagot kapag isa ito sa aking mababanggit. Ang mga

3. : bagay na naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad

4. : ng ating pagkatao ay 1. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin

5. : sa sarili. 2. Natututuhan kung paano maging mabuting

6. : tagapakinig. 3. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting

7. : kaibigan sa pamamagitan ng mga tunay na kaibigan.

8. : 4. Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa

9. : pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan.

10. : 5. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa


11. : pakikipagkaibigan.

12. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

13. : Sige nga mga bata, naaalala niyo pa ba ang tatlong uri ng

14. : pakikipagkaibigan? Isulat ang mga ito sa sagutang papel.

15. : Bibigyan ko lamang kayo ng tatlumpong seguno para sa

16. : inyong pagsagot.

17. TIMER SOUND EFFECT… ESTAB FOR 35 SEC… FADE UNDER

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 14 of 18
___________________________________________________________________________

1. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

2. : Ang wastong sagot ay 1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa

3. : pangangailangan 2. Pakikipagkaibigang nakabatay sa

4. : pansariling kasiyahan 3. Pakikipagkaibigan na nakabatay sa

5. : kabutihan. Mga bata, lagi nating tatandaan na ang

6. : pagkakaibigan ay nangangailangan ng kaakibat na

7. : responsibilidad. Kailangang responsable tayo sa ating

8. : pakikitungo sa ating mga kaibigan bilang kapwa tao.

9. : Nararapat lamang na pairalin natin ang pagpapanatili ng

10. : isang mabuting pakikipagkaibigan.

11. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER


12. HOST 2 : Alam ko naman, Teacher Karl Rey, na may taglay na angking

13. : kakayahan ang ating mga mag-aaral sa pagpapanatili ng

14. : isang mabuting pakikipagkaibigan.

15. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SEC … FADE UNDER

16. HOST 2 : Ngayon naman mga bata, ihanda ang inyong mga sarili dahil

17. : ating tatayahin ang antas ng inyong natutuhan mula sa ating

18. : tinalakay na aralin ngayong araw.

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 15 of 18
___________________________________________________________________________

1. HOST 2 : Gagamitin natin ang inyong mga natutuhan mula sa

2. : pagpapanatili ng isang mabuting pakikipagkaibigan sa bawar

3. : sitwasyon na ibibigay. Kayo ay bibigyan lamang ng 5 segundo

4. : para sagutan ang bawat tanong. Pagkatapos ay ibibigay ni

5. : Teacher Karl Rey ang wastong sagot. Kaya ihanda na ang

6. : inyong mga papel at ballpen. Teacher Karl Rey, handa na ba

7. : ang mga tanong? Go Teacher Karl Rey!

8. BACKGROUND MUSIC #1 FADE UP … ESTAB FOR 5 SECONDS … FADE


UNDER

9. HOST 1 : Oh mga bata, makinig nang mabuti. Magbibigay ako sa inyo

10. : ng tatlong sitwasyon. Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon na

11. : binigay ay nagpapakita ng mabuting pakikipagkaibigan, MALI


12. : naman ang isulat kung hindi. Babasahin ko lamang ito ng

13. : dalawang beses. (REPEAT)

14. : Isaisip na limang segundo lamang ang ibibigay sa inyo para

15. : sagutan ang tanong. Kapag tumunog na an bell, ito ay hudyat

16. : na tapos na ang oras sa pagsagot.

17. : Unang sitwasyon. Pinagtatanggol ang kaibigan kahit ito ay

18. : may masamang nagawa. TAMA o MALI? (REPEAT)

19. TIMER SOUND EFFECT … ESTAB FOR 7 SECONDS … BELL SOUND


EFFECTS

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 16 of 18
___________________________________________________________________________

1. : Ano ang inyong sagot? Ang tamang sagot ay MALI. Mga bata,

2. : kailanman ay huwag nating hayaan ang ating mga kaibigan

3. : na gumawa ng mali. Ibig sabihin huwag tatakpan ang

4. : kanyang mali.

5. BACKGROUND MUSIC #3 FADE UP … ESTAB FOR 5 SECONDS … FADE


UNDER

6. HOST 2 : Ikalawang tanong. Walang kai-kaibigan sa maling gawain

7. : kaya pinagsasabihan ni Anna ang kaniyang kaibigan.

8. : TAMA o MALI? (REPEAT)

9. TIMER SOUND EFFECT … ESTAB FOR 7 SECONDS … BELL SOUND


EFFECTS

10. : Kung ang sagot niyo ay TAMA, tumpak! Kung tunay kang
11. : kaibigan, pagsasabihan mo ang iyong kapwa para itama ang

12. : kanilang mali. Sana ay nakuha niyo ang tamang sagot sa

13. : ikalawang tanong. Ngayon naman, ay ibibigay na ni Teacher

14. : Karl Rey ang ikatlo at huling tanong.

15. : Teacher Karl Rey, handa na ba ang ikatlong katanungan?

16. BACKGROUND MUSIC #3 FADE UP … ESTAB FOR 5 SECONDS … FADE


UNDER

17. HOST 1 : I hope na nandyan pa kayo, mga bata. Para sa ikatlo at huling

18. : tanong, sabay na nag-aaral ang magkaibigan.

19. : TAMA o MALI? (REPEAT)

20. TIMER SOUND EFFECT … ESTAB FOR 7 SECONDS … BELL SOUND


EFFECTS

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 17 of 18
___________________________________________________________________________

1. HOST 1 : Okay, tingnan natin ang inyong sagot sa ikatlong tanong. Ang

2. : wastong sagot ay TAMA. Ang pag-aaral nang sabay kasama

3. : ang kaibigan ay isang kaugalian na nagpapakita ng

4. : pagpapanatili ng isang mabuting pagkakaibigan. Kung

5. : nakuha, kayo ay magaling!

6. BACKGROUND MUSIC #3 FADE UP … ESTAB FOR 5 SECONDS … FADE


UNDER

7. HOST 2 : At natapos rin ang ating pagtataya sa araw na ito. Kung

8. : nasagutan niyo ang lahat ng tanong, binabati ko kayo.

9. : Palkpalakan naman! (APPLAUSE SOUND EFFCT) kung hindi


10. : naman, binabati ko pa rin kayo dahil sa inyong pagpupursige

11. : na matuto sa ating talakayan.

12. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SECONDS … FADE UNDER

13. HOST 1 : Panibagong leksyon na naman ang ating natapos at

14. : natutunan sa araw na ito, mga bata.

15. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SECONDS … FADE UNDER

Lanog sa Kinaadman Pagpapanatili ng


30-minute Radio Program Mabuting Pakikipagkaibigan
DXRS 918 KhZ Episode 1 of 1
July 6, 2022
Page 18 of 18
___________________________________________________________________________

1. HOST 2 : Sana ang natutunan ninyo ngayong araw sa ating talakayan

2. : ay dalhin ninyo sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa

3. : inyong kapwa. Ito nawa ay magsilbing salamin ninyo upang

4. : ang isang mabuting pakikipagkaibigan ay mapanatili at

5. : maging mas matibay na samahan. Muli, ako ang inyong guro

6. : Teacher Shielah Mae kasama si Teacher Karl Rey.

7. HOST 1 : Paalam na mga bata. Hanggang sa muli nating paglalakbay

8. : tungo sa pagkatuto.

9. SNEAK-IN STATION ID “LANOG SA KINAADMAN” PROGRAM ID


10. THEME MUSIC FADE UP … ESTAB FOR 5 SECONDS … FADE UNDER FOR
DOWN

You might also like