You are on page 1of 5

Johannah Camalla Maristaza ECEd III

ECED313 | 10:30-12:00 | TTh | N1Ar

TRI-QUESTION APPROACH

Topic: Pananakop ng mga Espanyol (1st day) Grade Level: 5

Maga Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan nagyong araw, ang mga mag-aaral sa ika-limang baitang ay:
A. matutukoy kung ano ang mga dahilan ng pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas;
B. maiugnay ang epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas sa pang-araw-araw na
pamumuhay; at
C. makabuo ng talahanayan sa mga masasama at magagandang bunga ng pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas.

Instruksyunal na Materyales:
● [AVP] - Bayan Ko by Freddie Aguilar (with lyrics). (2009). Galing sa
https://www.youtube.com/watch?v=n3tdVqGxspk
● Mga larawan ng kayamanan ng Pilipinas kagaya ng mga ginto nito at magagandang
tanawinng
● [AVP] - Ang Simula ng Pananakop ng Espanya sa Pilipinas | Araling Panlipunan | Grade 5.
(2020). Galing sa https://www.youtube.com/watch?v=PRBO7TqepM4
● Manila paper
● Pentel pen

PAMAMARAAN -----------------------------------------------------------------------------------------------------
A. Panimulang Gawain
● Balik-aral (magbibigay ng konklusyon tungkol nakaraang paksa at iyon ay ang sinaunang
kabihasnan--ng ang Pilipinas ay hindi pa sinasakop ng mga dayuhang bansa--ang
pagkakakilanlaan nila at ang mga kontribusyon upang magkaroon sila ng ideya kung ano
ang mga pagbabagong naganap ng dumating na ang mga Espanyol sa Pilipinas)
● Iparinig sa mga mag-aaral ang awit na “Bayan Ko” ni Freddie Aguilar.
● Tanungin kung ano sa tingin nila ang kahulugan ng kanta at kung ano ang mararamdaman
nila kung ipagpapalagay nila ang sarili nila bilang isang ibon na ikinulong sa hawla.
● Ngayon naman ay magpakita ng larawan ng mga kayamanan ng Pilipinas kagaya ng mga
ginto at magagandang tanawin.
● Iuugnay ito sa nakaraang paksa at sa paksang tatalakayin halimbawa na lamang ay kapag
nakakita sila ng pera sa daan o magandang gamit na walang nag mamay-ari, kukunin ba
nila? Kagaya ng Pilipinas noon na walang iisang namumuno sa buong kapuluan.
● Talakayin ang sagot ng mga bata at iugnay sa paksa.
● Papangkatin ang mga bata sa tatlo at bibigyan ng gawain ang bawat pangkat kaugnay sa
video na mapapanuod at mababasa nila sa libro.

Page 1 of 5
● Ang mga tanong na kailangan sagutan ay ang mga sumusunod:
Pangkat 1: Ano ang nangyari?
Pangkat 2: Bakit ito nangyari?
Pangkat 3: Ano ang kinahinatnan?
(Isusulat nila sa manila paper ang kanilang
mga sagot at iuuulat sa klase pagkatapos)
● Papanuorin ang bidyo at magbabasa sa libro.

B. Talakayan
● Magtatalakay ang bawat pangkat at gagabayan sila ng guro kung sakaling sila ay may hindi
mabanggit at bibigyan na rin ng papuri sa mga mababanggit.

Ano ang nangyari?


● Noong Marso 16, 1521 ay unang dumating ang grupo ni Magellan sa Pilipinas (sa
Homonhon).
● Si Rajah Kolambu ang namumuno sa Limasawa at nagkaroon naman sila ng
magandang ugnayan ni Magellan.
● May naganap na sandugo sa pagitan nila at nakumbinsi si Kolambo na sumapi sa
Katoliko.
● March 31, 1521 - ginanap ang kauna-unahang Catholic mass sa Pilipinas.
● Pumunta si Magellan sa Cebu at ang Hari doon ay si Rajah Humabon at nagkasundo
sila
● Pumunta si Magellan sa Mactan at si Datu Lapu-Lapu ay hindi sumang-ayon sa
kanya.
● Nagkaroon ng Battle of Mactan at natalo si Magellan.
● Bumalik ang mga Espanyol at sinakop ang Pilipinas ng halos 400 na taon.
● Nagkaroon ng maraming himagsikan sa pagitan ng mga Espanyol at Pilipino.

Bakit ito nangyari?


● Dahil nakita ng mga Espanyol na mayaman ang Pilipinas.
● Dahil ayaw lumipat sa Katoliko ng ibang mga Pilipino.
● Dahil walang pagkakaisa ang Pilipinas noon.
● Dahil walang iisang pinuno at malalakas na sandata ang Pilipinas.
● Dahil may disiplina at may malalakas na armas ang mga Espanyol.
● Dahil namangha ang mga Pilipino sa mga Espanyol.

Ano ang kinahinatnan?


● Nasakop ang Pilipinas ng mahabang panahon.
● Naging alipin ang Pilipinas ng mga Espanyol.
● Maraming Pilipino ang naghirap sa ilalim ng mga Espanyol.
● Maraming digmaan ang naganap sa pagitan ng mga Espanyol at mga Pilipino.
● Nakuha ang ibang mga gintong kayaman ng Pilipinas ng mga Espanyol.
● Nakilala ng Pilipinas ang Katolisismo.

Page 2 of 5
● Nagkaroon ng pagdiriwang ng mga kapistahan at pasko sa Pilipinas.
● Nakapagtayo ng mga simbahan at mga bahay na bato.
● Nagkaroon ng monopolyo ng tabako.
● Kalakalang Galyon na nagpakilala sa Pilipinas sa ibang bansa at nakilala din ng
Pilipinas ang mga kultura at pamamaraan ng ibang bansa.
● Nagkaroon ng pamahalaang sentralisado sa buong bansa.
● Magkakaroon ng generalization.

C. Pagtataya/Pagtatapos
● Pagkatapos ay magkakaroon ng indibidwal na pagsusulit kung saan:
○ 1-5 ay pagtutukoy,
○ 6-8 magbigay ng dalawang dahilan kung bakit sinakop ng mga Espanyol ang
Pilipinas
○ 9-12 gagawa ang mga bata ng talahanayan ng (1) magagandang dulot ng pananakop
ng mga Espanyol sa Pilipinas at (2) masasamang dulot ng pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas, at
○ 13-15 ay ipaliwanag ang epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng mga Pilipino ngayon.
● Pagwawasto ng mga sagot.
● Ilalahad ang takdang-aralin.

Page 3 of 5
CONCEPT DIAGNOSIS

Topic: Anyong Lupa at Anyong Tubig Grade Level: III

Maga Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang ay:
A. mapapangalanan ang iba’t ibang uri ng anyong lupa at anyong tubig sa Pilipinas;
B. makapagbibigay ng mga paraan upang mapangalagaan ang mga anyong tubig at anyong
lupa sa Pilipinas; at
C. makaguguhit ng iba’t ibang uri ng anyong tubig at anyong lupa na matatagpuan sa Pilipinas.

Instruksyunal na Materyales:
● [AVP] - PHILIPPINES || HOME OF BEAUTIFUL PLACES IN THE WORLD || ft. PILIIN MO ANG
PILIPINAS by Angeline Q. (2020). Galing sa https://www.youtube.com/watch?
v=4RD1On2QPZs&t=39s
● Puzzle - Word Search
● Manila Paper
● Pentelpen
● Puzzles na 12pcs, 18pcs, 18pcs, 24pcs
● Mga larawan ng anyong tubig at anyong lupa sa Pilipinas

PAMAMARAAN -----------------------------------------------------------------------------------------------------
A. Panimulang Gawain
● Ipapakita ang video na “Pilipiin Mo Ang Pilipinas” na nagtatampok ng iba’t ibang mga
tanawin sa Pilipinas
● Tanungin ang mga bata kung ano ang napansin nila sa video at sabihing ito ang magiging
paksa ngayong araw pero bago ang lahat ay magkakaroon ng groupings.
● Magkakaroon ng apat na grupo at maglalaro sila.
● Ang laro ay word search kung saan sa puzzle na iyon ay nakatago ang iba’t ibang pangalan
ng mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa Pilipinas kagaya ng dagat, talon,
ilog, sapa, lawa, kipot, bundok, burol, golpo, lambak, kapatagan, bulkan.
● Ito ang steps na kailangang gawin ng bawat pangkat:
A. Paglilista
Ililista ang lahat ng mga salitang matatagpuan nila sa puzzle.
B. Pagpapangkat
Ipapangkat nila ang mga salita ayon sa kanilang sariling pagkaka-intindi. Sila
ang bahala kung ano ang napapansin nila na dapat pagsama-samahin.
C. Paglelaybel
Bibigyan nila kung ano ang sa tingin nila ang tamang pangalan ng mga
pangkat na kanilang nabuo.
● Ipapaskil ang kanilang mga ginawa sa pisara.

Page 4 of 5
● Pagkatapos ay pagbabasahin sila sa libro kung saan mababasa nila ang mga salitang
kanilang nahanap sa word search puzzle at doon nila malalaman kung tama ang pagpangkat
nila sa mga salita.
● Maari nilang baguhin ang sagot kung nais nila itong baguhin ng naayon sa natutunan nila sa
aklat na binasa ngunit ito ay di na nila maaari pang dagdagan.
(Ang grupo na may pinakamaraming nailistang salita ay may plus points sa recitation na mas
mataas kaysa sa ibang grupo.)
● At saka nila iuulat kapag sa tingin nila ay tama na ang pagpapangkat nila.
● Tanungin ang mga bata kung nasiyahan ba sila sa nilaro nila.
● Sabihing may isa pang laro na hinanda si teacher at ito ay puzzle na paunahan nilang
bubuohin. Ang mga puzzles ay naglalarawan ng mga mabuti at masasamang gawain ng tao
sa mga anyong lupa at anyong tubig kagaya ng dynamite fishing, nagtatapon ng basura kung
saan-saan, nagtatanim ng mga puno, pag-quarry at pagkalbo sa mga forests.
● May puzzle na 12pcs, meron ding dalawang 18pcs at isang 24pcs. Ang grupo na may
pinakamaraming nailista kanina ay ang may pinakamaraming puzzle pieces at ang grupo
naman na may pinakakaunting nailista kanina ang may kaunting puzzle pieces upang
mabigyan naman sila ng pagkakataong manalo at magkaroon ng plus points.
● Iulat ang kanilang nabuong puzzle at tutukuyin kung ang puzzle na nabuo ay para sa
ikabubuti ng mga anyong lupa at anyong tubig o para sa ikakasama.

B. Talakayan
● Pagkatapos ay magpapakita ang guro ng iba’t ibang larawan ng anyong tubig at anyong lupa
na matatagpuan sa Pilipinas at ipapaskil sa pisara.
● Tangungin ang mga bata kung ano ang pagkakaiba-iba nito.
● Unang tatalakaying ang mga anyong tubig at ang pagkakaiba-iba nito sa sukat, anyo, at iba
pa kagaya ng pagkakaiba ng dagat sa karagatan. Kung ano ang talon, ang ilog, sapa, bukal,
golpo, lawa, at kipot at magbibigay ng halimbawa kung saan matatagpuan ang mga anyong
tubig na ito.
● Tatalakayin namang sunod ang mga anyong lupa at ang pagkakaiba-iba nito sa sukat, anyo,
lapad, at magbibigay ng halimbawa kung saan matatagpuan ang mga ito kagaya ng Bulkang
Mayon sa Bicol at ang Chocolate Hills sa Bohol.
● Tanungin ang mga bata kung ano ang mga pwede nilang gawin upang mapanatili ang
kagandahan ng mga anyong lupa at anyong tubig sa Pilipinas.
● Tanungin din kung ano ang dapat nilang iwasan upang hindi masira ang mga ito.
● Ilahad ang generalization.

C. Pagtataya/Pagtatapos
● Magbigay ng pagtataya:
○ 1-5 identification;
○ 6-15 gumuhit ng mga anyong tubig at mga anyong lupa; at
○ 15-20 magbigay ng paraan upang mapanatiling maganda ang mga anyong tubig at
anyong lupa sa Pilipinas.
● Pagbibigay ng takdang-aralin.

Page 5 of 5

You might also like