Professional Documents
Culture Documents
Filipino9 Q4 M1
Filipino9 Q4 M1
FILIPINO 9
KUWARTER 4 – MODYUL 1
Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik.
Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamgitan ng:
-pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito
-pag-iisa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito
-pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kodisyong ito sa kasalukuyang panahon sa
lipunang Pilipino
Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang akda.
Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela.
K to 12 BEC CG (Competency Code) F9PU-Iva-b-56, F9PN IV-a-b-56, F9PB-Iva-b-56, F9PB-IVc-57
PANIMULA
Ang nobelang Noli Me Tangere ay isang akdang may napakalaking impluwensiya sa atin.
Isinulat ito ni Dr. Jose Rizal nang may pagpupunyaging gisingin ang damdaming makabayan ng
mga Pilipino. Ito ay nagtataglay ng mga makatotohanang pangyayari na gumising sa ating
kamalayan. Ang bawat pangyayari sa kabanata ay maiuugnay sa kasalukuyang kalagayan ng
ating bansa.
Simulan natin ang ating paglalakbay sa NAKARAAN-masusing pag-aralan ang mga
layunin ni Dr. Jose Rizal bilang may-akda, kalagayang panlipunan ng Pilipino nang panahong
isinulat ang nobela at ang epekto nito mula noong panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan.
Makikilala rin natin ang mga tauhang nilikha ni Rizal---mga tauhang may sinisimbolo rin.
Sa modyul na ito ay magsasagawa ng masusing pagsusuri tungkol sa kabayanihan,
kagitingan at mga dakilang bagay na nagawa ni Dr. Jose Rizal para sa bansa.
Bilang isang kabataan, paano mo mapahahalagahan ang mga kadakilaan at mga nagawa
ni Rizal para sa ating bansa?
Gaano mo kakilala si Dr. Jose Rizal? Bakit kailangang pag-aralan ang kanyang buhay?
Alam kong sabik ka ng makilala ang ating pambansang bayani. Umpisahan mo na sa
pamamagitan ng pagbasa sa mga buod ng akdang makikita sa ibaba.
Halina Kaibigan…
Mga Tala Ukol sa Buhay ni Dr. Jose Rizal
Ipinanganak si Jose Protacio Rizal Alonzo y Realonda noong Hunyo 19, 1861. Ang ating
pambansang bayani ay isinilang sa bayan ng Calamba, probinsiya ng Laguna. Ang kanyang mga
magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso
Realonda y Quintos.
Ang Pamilya Ni Rizal
Alinsunod sa kapasyahan ng Gobernador-Heneral Claveria sa isang kautusan noong
Nobyembre 21,1849, ay ginamit ng pamilya ang apelyidong Rizal na nangangahulugang
“luntiang bukirin”.
Ikapito sa labing-isa na magkakapatid si Rizal. Siya ay may siyam na kapatid na babae.
Ang kanilang mga pangalan ay Saturnina (1850-1913), Narcisa (1852-1939), Olympia (1855-
1887), Lucia (1857-19190, Maria (1859-1945), Concepcion (1859-1945), Josefa (1865-1945),
Trinidad (1868-1951), at Soledad (1870-1929). Mayroon din siyang nag-iisang lalaking kapatid
na nagngangalang Paciano (1851-1930). Pepe ang tawag sa kanya ng kaniyang mga pamilya.
1
Si Segunda Katigbak ang kanyang naging unang pag-ibig. Si Josephine Bracken, ang babaeng
kanyang nakasama noong siya ay ipiniit sa Dapitan. Sila ay nagsama bilang mag-asawa.
Mga Obrang Likha ni Jose Rizal
Dalawa sa kanyang mga sinulat na nobela ang naging napakalaking kontribusyon sa
asignatura ng mga Pilipinong mag-aaral. Ito ay ang Noli Me Tangere, na ang ibig sabihin ay
“Huwag mo akong Salingin”. Ang isa naman ay ang El Filibusterismo (Ang Paghahari ng
Kasakiman).
Ang Pagtatag ng La Liga Filipina
Mula sa kaniyang pagbabalik galing ng bansang Europa ay itinatag niya ang La Liga
Filipina noong Hulyo 8,1892. Isang organisasyon na ang layunin ay makamit ang kapayapaan at
kalayaan sa kamay ng mga dayuhang Kastila sa isang tahimik na pamamaraan. Si Jose Rizal ang
uri ng bayani na ayaw ng karahasan sa pagkamit ng kalayaan. Hindi nagtagal ang samahan dahil
sa iba’t–ibang pananaw ng mga kasapi nito. Naging mainit ang mata ng mga Kastila kay Jose
Rizal. Siya ay kinasuhan ng rebelyon, sedisyon at pakikipagsabwatan para ipataob ang
pamamahala ng mga Kastila.
Pagkamatay
Pinatay si Jose Rizal sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan na ngayon ay
tinatawag nating Luneta Park, noong Disyembre 30,1896 sa oras ng alas siyete ng umaga sa
bisang utos ni Gobernador- Heneral Camilo Polavieja. Hanggang sa huling sandali ay ipinakita
niya ang kanyang tapang dahil hiniling niya na barilin siya nang nakaharap ngunit hindi siya
pinagbigyan, sa halip ay nakatalikod siya noong siya ay binaril.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Magdadalawampu’t apat na taon pa lamang siya nang isulat niya ito. Ito ang kauna-
unahang nobelang isinulat ni Rizal. Noli Me Tangere. Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me
Tangere dahil sa tatlong aklat na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon: The Wandering Jew Uncle
Tom’s Cabin Biblia. Nang mabasa ni Rizal ang aklat na The Wondering Jew (Ang Hudyong
Lagalag) ay nabuo sa kanyang puso na sumulat ng isang nobelang gigising sa natutulog na
damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol.
Tumindi ang pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa pagmamalupit
ng Kastila sa mga Pilipino. Ang pamagat na “Noli Me Tangere” ay salitang Latin na ang ibig
sabihin sa wikang Filipino ay “Huwag mo akong Salingin” na hango sa Bibliya sa Ebanghelyo ni
San Juan.
Inilathala ang unang nobela ni Rizal noong dalawampu’t anim na taong gulang siya.
Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng
pambansang pagkakakilanlan. Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay
ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakakabatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay
pagsasama-samahin niya upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya
sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.
Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa Madrid at doo’y natapos niya nag
kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at natapos ang
sangkapat. Natapos naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa Alemanya
noong Pebrero 21, 1887.
Natapos niya ang Noli Me Tangere ngunit wala siyang sapat na halaga upang
maipalimbag ito. Mabuti na lamang at dumalaw sa kanya si Maximo Viola na nagpahiram sa
2
kanya ng salapi na naging daan upang makapagpalimbag ng 2,000 sipi nito sa imprenta. Pinili ni
Rizal ang mga elemento na ipapaloob niya rito, hindi lamang ang aspektong astetiko ang
kanyang naging konsiderasyon- higit sa lahat ay ang aspekto ng simbolismo. Si Rizal mismo ang
nagdisenyo ng pabalat ng nobela. Nagalit man ang mga Espanyol kay Rizal at nangamba ang
kanyang pamilya na baka siya’y mapahamak inibig parin niyang makabalik sa Pilipinas dahil:
Una, hangarin niyang maoperahan ang kanyang ina dahil sa lumalalang panlalabo ng kanyang
mata. Pangalawa, upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang
kanyang mga sulat mula taong 1884-1887. Panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang naging
bisa ng kanyang nobela sa kanyang bayan at mga kababayan.
Umalis si Rizal sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero,1888. Sa kanyang pag-alis ay
nagpunta siya sa Hong Kong, Hapon, San Francisco at New York sa Estados Unidos, at London
sa United Kingdom. Habang siya ay nasa ibang bansa ay iniukol ni Rizal ang kanyang panahon
sa pagsulat ng mga tugon sa mga tuligsa sa kanya.
Ang layunin ni Dr. Jose Rizal kung bakit niya isinulat ang Nobelang Noli Me Tangere.
Maisakatuparan ang mithiin na magamit ang edukasyon sa pagkakamit ng kalayaan at kaunlaran
para sa bansang Pilipinas. Sanayin sa kakayahan at interes ang mga mag-aaral upang ang
pagkatuto ay maging integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng
kritikal at mapanuring pag-iisip, at nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at
realidad ng totoong buhay.Mahubog sa kabutihan ang mga kabataang susunod at maging sa
kasalukuyang henerasyon na maging lider ng ating bansa at magiging pag- asa ng ating
bayan.Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa kanser
ng lipunan na nangyayari sa bansa. Ito ay ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.
https://www.slideshare.net/RainierAmparado/kaligirang-pangkasaysayan
MGA TAUHAN NG NOLI ME TANGERE
Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nag-aral sa Europa;
nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga
kabataan ng San Diego.
Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo;
mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang
parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.
Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-
amahan ni Maria Clara.
Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan
at ang mga suliranin nito.
Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng
asawang pabaya at malupit.
Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simbahan ng San Diego.
Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay maalam na matandang tagapayo ng marurunong na
mamamayan ng San Diego.
Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap
na mestisang Kastila.
3
Padre Salvi o Bernardo Salvi– kurang pumalit kay Padre Damaso.
Alperes – matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
Donya Consolacion – napangasawa ng alperes.
Don Tiburcio de Espadaña – isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa
paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares – malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili
niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo – tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin
Señor Nyor Juan – namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas – kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay
Ibarra.
Tarsilo at Bruno – magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel – hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba – masimbahing ina ni Maria Clara.
Inday, Sinang. Victoria, at Andeng – mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral – pinakamakapangyarihan sa Pilipinas.
Don Rafael Ibarra – ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso.
Don Saturnino – lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Balat – nuno ni Elias na naging isang tulisan
Don Pedro Eibarramendia – ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
Mang Pablo – pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio – ama ni Sinang
Tenyente Guevarra – isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil.
Kapitana Maria – tanging babaing makabayan na pumapanig kay Ibarra.
Padre Sibyla – paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Matapos mong makilala si Rizal at ang mga tauhan ng Noli Me Tangere,
gawin ang mga nakatalagang gawain na nasa ibaba.
4
1.Buong pangalan ni Rizal
3.Lugar ng Kapanganakan
6.Natutong lumaban ang mga Pilipino para sa kanilang mga karapatan sa sariling bayan.
Patunay:_________________________________________________________________
5
C. Katauha’y Ilantad Mo!
Panuto: Ibigay ang kinakatawan o ipinapahiwatig ng mga pangyayari kaugnay sa mga tauhan
ng nobela. Piliin ang tamang sagot sa kahong nasa ibaba.
8-9. Pagtatalo ni Padre Damaso at Tenyente Guevarra
__________________________________________________________________________
10-11. Pagtitimpi ni Crisostomo Ibarra kay Padre Damaso
___________________________________________________________________________
12-13. Pang-aapi ni Pedro kay Sisa
___________________________________________________________________________
14-15. Bahay ni Kapitan Tiyago
___________________________________________________________________________
Pangalan:__________________________________________Iskor:____________________
Baitang at Seksyon:__________________________________Petsa:____________________
6
PAGTATAYA
A. Maramihang Pagpipilian
B. Tukuyin ang sinisimbolo ng bawat tauhan sa Noli Me Tangere. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.
7
C. Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng papel na ginampanan ng bawat tauhan ng Noli Me
Tangere. Ang bawat sagot sa bilang ay (x2).
ELIAS
MARIA CLARA
KAPITAN TIYAGO
SISA
8
SUSI SA PAGWAWASTO:
Gawain 1
1. Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda 6. Segunda Katigbak
2. Hunyo 19,1861 7. La Liga Filipina
3. Calamba, Laguna 8. Leonora Rivera
4. Paciano 9. Josephine Bracken
5. Ateneo Municipal de Manila 10. Disyembre 30,1896
Gawain 2
1.Maisakatuparan ang mithiin na magamit ang edukasyon sa pagkakamit ng kalayaan
at kaunlaran para sa bansang Pilipinas.
2.Sanayin sa kakayahan at interes ang mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging
integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at
mapanuring pag-iisip, at nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at
realidad ng totoong buhay.
3.Mahubog sa kabutihan ang mga kabataang susunod at maging sa kasalukuyang
henerasyon na maging lider ng ating bansa at magiging pag- asa ng ating bayan.
4.Mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan na nangyayari sa bansa. Ito ay
ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.
Gawain 3
5.
6.
7.
*Iba-Iba ang sagot ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng patunay.
Mga Sanggunian:
A. Aklat
AileneG.Baisa-Julian,Mary Grace G. del Rosario,Nestor S. Lontoc.2015.Pinagyamang Pluma 9
(K-12)Aklat 2. 927 Quezon Ave.,QuezonCity.Phoenix Publishing House,Inc.
Ongcoco,Tomas C., 2008.Mga Tulong sa Pag-aaral sa NOLI ME TANGERE. Quezon
City,Philippines.Manlapaz Publishing Company
B.Online and Other Sources
https://www.panitikan.com.ph/kaligirang-pangkasaysayan-ng-noli-me-tangere-buod/
https://www.slideshare.net/RainierAmparado/kaligirang-pangkasaysayan