You are on page 1of 9

PAMUMUNO SA MGA MAG-AARAL: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-

AARAL NG PAGTANGGAP SA TUNGKULIN NA PAGKAPINUNO SA


PAGSASAGAWA NG PANANALIKSIK

Isang Papel Pananaliksik na Inihaharap sa 


Kagawaran ng Agusan National Senior High School 

Bilang pagtupad sa mga Pangangailangan sa 


Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Lebrone James C. Alingasa


Christine Sai M. Balaba
Lyza P. Balili
Kenneth Dave M. Bughao
Arl Zeus Eithan L. Pasigna
Jacob Hermon C. Pescasio
Charmie T. Rafols
Anton Lawrence P. Sabang

HUNYO 2022
KABANATA 1

INTRODUKSYON

Ayon kina Hogan at Kaiser (2005), ang pamumuno ay nakabatay sa kooperasyon ng mga

kasapi nito. Ang mabuting pamumuno ay nagpapabuti sa paggnap ng isang grupo. Ang

pamumuno ay nagsisimula sa pagtanggap ng responsibilidad. Kung ang isang tao ay takot na

tanggapin ang hamon ng responsibilidad, hindi siya maaaring maging pinuno. Isinulat ni Rihal

(2017) na, ang mabisang pamumuno ay nakabatay sa pagkakaroon ng malinaw na layunin,

mahusay na pananaw, mahusay na pamamaraan at estratehiya, at kakayahang magtiyaga upang

makamit ang tagumpay. Ang isa sa pinakamabigat na suliranin na nakakaapekto sa mga

kabataang lider ngayon ay kung papaano nila magagawang impluwensiyahan at patakabuhin ang

isang grupo at indibidwal na umangkop sa lumalaking responsibilidad (Arena & Uhl-Bien,

2018).

Karamihan sa mga mag-aaral sa paaralan ay nagkakaroon ng kagawiang ipasa ang

tungkulin ng pamumuno sa isang tao na tingin nila ay may angkop na kakayahan, may mga

kasanayang pangasiwaan ang karamihan sa trabaho, o may karanasan. Isa sa mga dahilan nito ay

sa pag-aakalang likas sa isang tao ang mamuno. Mayroong mga pinuno na nahasa sa

pamamagitan ng mga pag-unlad ng kasanayan sa pamumuno at ilang mga pangyayari, at mga

pinuno na may likas na kakayahang mang implewensya ng ibang indibwal. (Mhlanga, 2022).

Kung ang isang mag-aaral ay hindi hasa sa pagiging isang pinuno, ang kanilang grupo o

organisasyon ang lubos na maaapektuhan, kung minsan ay humahantong ito sa pinakamatindi na

sitwasyon (Gandolfi & Stone, 2018). Dahil dito, mas nais ng mga mag-aaral sa senior high

school ang mga natural at may likas na karanasan na mga lider na manguna sa kanila patungo sa
kanilang layunin upang matiyak ang tagumpay. Hindi kataka-taka, ang mga nakababatang nasa

hustong gulang ay nangunguna patungkol sa paggamit at pag-angkop ng social media at mga

makabagong teknolohiya tungo sa layunin at epektibong pangunahan ang kanilang pangkat

tungo sa tiyak na tagumpay (Karagianni, 2017).

Mayroong ilang mga pag-aaral na nakatuon sa kung ano ang pamumuno at kung ano ang

mga kinakailangang katangian nito. Gayunpaman, kakaunti lamang o walang pag-aaral na

nakatuon sa kung paano ginagampanan ng mga mag-aaral ang tungkulin ng pagiging isang

pinuno kaugnay sa kanilang edukasyon. Bukod dito, nais ng mga mananaliksik na malaman kung

ano ang hinuha ng mga mag-aaral sa pamumuno at kung paano nila masasabi na ang isang tao ay

angkop sa pagtugon ng naturang papel ng pamumuno. Sa gayon, hinahangad ng mga

mananaliksik na mahanap ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit tinatanggap ng mga pinuno ang tungkulin sa

pagsasagawa ng pananaliksik?

2. Ano ang kanilang nararamdaman tungo dito?

3. Paano nila hinaharap ang sitwasyon?

Ang mga mananaliksik ay nilimitahan ang pag-aaral sa pagsasagawa ng isang

pakikipanayam na hindi bababa sa sampung (10) kalahok. Ang mga kalahok na ito ay

pawang kabilang sa Grade 11 STEM Students ng Agusan National Senior High School S.Y

2021-2022.

Ang layunin ng penomenolohiyang pag-aaral na ito ay upang maunawaan ang mga

dahilan ng mga pinuno sa pagtanggap ng kanilang tungkulin sa pamumuno at upang

malaman kung ano ang pananaw ng kanilang mga miyembro sa mga kinakailangang
katangian na dapat taglayin ng isang pinuno. Ang pag-aaral na ito ay hindi lamang tutukoy sa

mga kinakailangang katangiang dapat taglayin ng isang pinuno, kundi upang magsilbing

gabay din para sa mga susunod na mamumuno sa pag batid kung ano ang dapat nilang

malaman sa pagiging isang epektibong pinuno.


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga literatura at mga pananaliksik ng ibang

mananaliksik na may anumang kaugnayan o pagkakatulad sa kasalukuyang pag-aaral.

Nagbibigay ito ng sapat na konteksto sa may-akda upang maunawaan ang pag-aaral.

Pamumuno 

Pinabulaan ni Mary Pratt (2017) ang pamumuno bilang kakayahan ng isang indibidwal o

grupo ng mga indibidwal na impluwensyahan at gabayan ang mga tagasunod o iba pang

miyembro ng isang organisasyon. Ang pananaliksik sa pamumuno ay naging isang kilalang pag-

aaral at naging isang propesyonal na gawain sa ating pagbabago, lubos na kumplikado, at

maraming interes sa globalisadong mundo. Sa kabila ng labis na kasaganaan ng gawaing

siyentipiko at anekdotal, napakaraming tanong na may kaugnayan sa pamumuno ang

nananatiling hindi nasasagot (Gandolfi et al., 2018). 

Ang pamumuno ay isa sa mga pangunahing salik na nauugnay sa tagumpay at kabiguan

ng anumang organisasyon. Ang istilo ng pamumuno ay ang paraan kung saan ang mga tao ay

pinamumunuan at ginaganyak ng isang pinuno upang makamit ang mga layunin ng organisasyon

(Khajeh, 2018). Nakukuha ng pamumuno ang mga pangunahing kinakailangan  upang maging

handa at mabigyan ng inspirasyon ang bawat isa. Ang mabisang pamumuno ay nakabatay sa mga

ideya—parehong orihinal at hiniram—na mabisang ipinapaalam sa bawat isa sa paraang sapat na

umaakit sa kanila upang kumilos gaya ng gusto ng pinuno na kumilos sila. Ang isang pinuno ay

nagbibigay-inspirasyon sa iba na kumilos habang sabay-sabay na nagdidirekta sa paraan ng


kanilang pagkilos. Dapat silang maging kaaya-aya para sundin ng iba ang kanilang mga utos, at

kailangan nila magkaroon ng mga kritikal na kasanayan sa pag-iisip upang malaman ang

pinakamabisa na paraan upang magamit ang mga pinagbatayang pamamahagi sa isang

organisasyon (Ward, 2020).

Pamumuno sa mga Mag-aaral 

Ayon kay Harriet Nannyonjo (2017) ang pamumuno ay isang kritikal na aspeto sa lahat

ng mga gawaing panlipunan. Sa paaralan, ang mahuhusay na pamumuno ay mahalaga upang

makamit ng mga mag-aaral ang tagumpay na kanilang hinahangad. Ang pamumuno sa paaralan

ay nakakaapekto sa lahat ng mga aspeto ng edukasyon: pagganyak ng guro, paghubog ng mga

kondisyon at kapaligiran kung saan nagaganap ang pagtuturo at pagkatuto, at pakikipag-ugnayan

sa mas malawak na komunidad. Sa mga sistema ng paaralan, ang epektibong pamumuno sa

paaralan ay malayo sa karaniwan. Ito ay madalas na ipinapalagay na ang mga pinuno ng

paaralan, anuman ang kakayahan ay gagampanan ang mga responsibilidad at mga hakbangin na

itinalaga sa kanila. Bukod dito, ang mga programa upang maghanda at sumuporta sa mga pinuno

ng paaralan ay kulang o hindi epektibo. Ang pagbuo ng pamumuno sa mga mag-aaral ay bahagi

ng tungkulin ng mga institusyong mas mataas ang edukasyon. Sa naglipas na ilang dekada,

dumami ang mga programa sa pagpapaunlad ng pamumuno ng mga mag-aaral sa mga

unibersidad sa buong mundo. Gayunpaman, ang pinagtatalunang pag-unawa sa terminong

'pamumuno' ay nagresulta sa kawalan ng kalinawan tungkol sa kung paano ito maaaring 'mabuo'

sa mas mataas na edukasyon (Skalicky et al., 2018). 

Merong ilang mga pag-aaral sa nakaraan kung paano nakakaimpluwensya ang karanasan

ng pamumuno ng mag-aaral sa akademikong pagganap at wala nang nag-aalok ng isang


detalyadong pag-aaral ng mga maikli at pangmatagalang epekto ng naturang karanasan (Deng et

al., 2020). Ang pamumuno ng mag-aaral ay kapag ang mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataon

na magkaroon ng malaking responsibilidad para sa kanilang pag-aaral at mga karanasan. Kapag

nauunawan ng mga estudyante iyon may malaki itong pakinabang na makukuha mula sa

kanilang pag-aaral, sinimulan nilang mapagtanto ang interes na mayroon sila sa kanilang pag-

aaral at kung gaano kahalaga para sa kanila na gawin ang magsikap. Ang pamumuno ng mag-

aaral ay sumusuporta sa mga tagapagturo sa pagkamit ng isa sa kanilang mga pangunahing

layunin upang maibigay ng mga mag-aaral ang mga kasanayan at kaalaman na kailangan nila

upang magtagumpay sa kolehiyo, sa kanilang mga karera, at sa kung saanman sila dalhin ng

buhay (Gordana, 2020).

Katangian ng isang Pinuno

Iniisip ng ilan na ang mga pinuno ay ang mga itinalagang tao na nagtataglay ng mga

espesyal na katangian ng personal na karisma, katalinuhan, karunungan, at mga kasanayang

pampulitika na nagbibigay sa kanila nang implewensyang makahigit sa ibang mga tao at dahil

dito, pinapayagan silang magkaroon ng kapangyarihan at impluwensya sa mga taong iyon.

Iniisip naman ng iba na ang isang tao ay nagiging pinuno hindi sa pamamagitan ng likas na

personal na mga katangian kundi sa pamamagitan ng pag-unlad ng mga katangian na

nagpapahintulot sa kanya na maging isang pinuno (Silva, 2021).

Ang mga pinuno ay dapat na mahusay sa pagiging makabago sa pagtatrabaho upang

makamit ang mga layunin (Tran et. al., 2020). Ipinapakita rin ng mga pag-aaral na mas madaling

maging pinuno kung ang isang tao ay palakaibigan, kaaya-aya, organisado, emosyonal na

matatag at bukas sa mga bagong karanasan, bilang karagdagan, kung ang isang indibidwal ay
nagmula sa isang maayos at maimpluwensyang pamilya, nagkaroon ito ng opportunidad sa

kanilang pagkabata na makakuha ng karanasan sa pagiging isang mabisang pinuno (Epitropaki,

2019).

Ang mataas na kalidad na pamumuno ay mahalaga para sa maraming grupo na

humuhubog sa paraan ng ating pamumuhay, pagtatrabaho at paglalaro. Ang pinuno ay ang

nagtataglay ng pinakapositibong pananaw. Pinapalakas ng pinuno ang pagpapahayag ng

kumpiyansa o pagtitiwala kapag ang koponan ay nasa hindi magandang kalagayan o sitwasyon.

Ang pinuno ay ang pinaka masigasig kapag ang koponan ay papahinang kumikilos. Matindi

niyang pinapalakas at pinapatibay ang kanyang mga kasamahan sa koponan at kumikilos siya ng

abot sa kaniyang makakaya (Fransen, 2017).

Ang isang pinuno ay may pag-asa, tiwala, optimistiko, walang tinatago, matatag, etikal,

at nakatuon sa hinaharap. Ang isang mabuting pinuno ay tunay, may kamalayan sa sarili, at

sumusuporta. Mayroon siyang mga kasanayan sa mga tao at mga kasanayan sa paggawa ng

desisyon, disiplina sa sarili, at may malinis na kalooban (Olanrewaju at Okorie, 2019). 

Mga Suliranin ng Isang Pinuno

Ang bawat pinuno ay haharap sa mga suliranin, ngunit ang ilang mga suliranin ay

karaniwan na kung saan ang isang tao ay maaaring matuto mula sa masasamang karanasan ng

iba at maiwasan ang problema at panganib na dalhin ang mga ito sa kanilang sarili. Ang

pangunguna nang walang karakter ay nakakagarantiya ng suliranin. Ang karakter sa pamumuno

ay nangangahulugan ng patuloy na paggawa ng tama at ang pinakamahusay na bagay.

Nawawalan ng respeto ang mga pinuno kapag siya ay lagi na lamang nang-aatas at kinokontrol

ang kaniyang mga sakop—at ang pagkawala ng respeto ay nakababahala sa pamumuno.


Maaaring subukan ng mga pinuno na humingi ng paggalang at kontrolin ang mga maaring

maging resulta. Ngunit ang paggalang ay nakukuha, hindi hinihingi, at ang mga resulta ay wala

sa control ng isang pinuno (Daskal, 2017).

Ang isang pinuno ay dapat nagbibigay ng inspirasyon. Bilang isang pinuno, hinahanapan

ka ng iyong koponan upang magbigay ng inspirasyon at motibasyon upang tapusin ang mga

gawain. Ito ay maaaring maging mahirap sa isang mapaghamong kapaligiran kung ikaw ay

walang motibasyon sa iyong sarili. May mga pagkakataon na kailangan mong gumawa ng

mahihirap na desisyon. Maaaring mangahulugan ito ng paggawa ng hindi karaniwan na pagpili o

paggawa ng isang aksyon na labag sa ibang tao ngunit ito nama'y pinakamainam para sa

pangkalahatan. Sa mga sandaling iyon, mararamdaman mong nag-iisa ka at hindi handa para sa

gagawing gawain. Mahirap din para sa isang pinuno na manatiling kalmado lalo na kapag siya ay

nasa ilalim ng matinding pagsubok sa paggawa ng tungkulin o kailangan niyang manguna sa

isang krisis (Wooll, 2021).

You might also like