You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
Pre-Assessment Test sa Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2021-2022

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Seksyon: ______________


Paaralan: ____________________________________Iskor: ____________________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat sa papel ang TITIK ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung


saan bilang isang kasapi, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
A. Citizen B. Citizenship C. Jus sanguinis D. Jus soli
2. Alin sa mga sumusunod na Pilipino ang maaaring mawalan ng pagkamamamayan ng
Pilipinas?
A. Nagpakasal sina Pedro at Juana sa Amerika.
B. Nagtrabaho si Gabby sa ibang bansa sa loob ng 3 taon
C. Nagbakasyon si Nadine at ang kanyang dayuhang kasintahan sa ibang bansa
D. Tumakas si Daniel sa hukbong sandatahan ng Pilipinas sa panahon ng digmaan

3. Ayon kay Yeban, maaaring matukoy ang katangian ng isang mabuting mamamayan.
Ang mga sumusunod ay katangian ng isang responsableng mamamayan MALIBAN sa
isa.
A. Mayroong kritikal at malikhaing pag-iisip
B. Mayroong kamalayan at aktibong pakikilahok sa lipunan
C. Mayroong disiplina sa sarili sa harap lamang ng awtoridad
D. Mayroong malalim na kaalaman sa karapatan at tungkulin

4. Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing maaaring


makatulong sa ating bansa. Ang mga sumusunod ay mga simpleng hakbangin na
maaring gawin ng bawat Pilipino MALIBAN sa isa.
A. Magbayad ng buwis C. Humingi ng opisyal na resibo
B. Suportahan ang simbahan D. Bumili ng mga bagay na smuggle

5. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala, kusang-loob man ito o sapilitan.


Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng mga paraan upang mawala ang
pagkamamamayan ng isang indibiduwal MALIBAN sa isa.
A. Si Alberto na nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon
B. Si Basilio na nanumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa
C. Si Carlos na nagpawalang-bisa ng naturalisadong pagkamamamayang Pilipino
D. Si Danilo na naglingkod sa hukbong sandatahan ng ibang bansa at kumampi sa
kaaway sa panahon ng digmaan

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”


Rosario–San Juan Streets, Bacolod City 6100 Telephone: (034) 704-2585
Facebook Page: https://www.facebook.com/bacolod.deped https://sites.google.com/site/depedbacolodcity
Email: bacolod.city@deped.gov.ph Website: bacolod.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
Pre-Assessment Test sa Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2021-2022

6. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga tungkulin na inaasahan sa isang


mamamayan MALIBAN sa isa.
A. Si Maria na boluntaryong tumutulong sa kanilang simbahan.
B. Si Juan ay aktibong nakikilahok sa proyekto ng kanilang lokal na pamahalaan.
C. Si Andres ay mapanuri sa mga nagawa at plataporma ng mga kandidato bago
bumoto.
D. Si Jose ay hindi nagbabayad buwis sapagkat pinili niyang tuwirang tumulong sa
mga mahihirap.

7. Sino sa sumusunod ang HINDI maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa


Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Kesha isang dayuhan na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon sa Pilipinas
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling
maging Pilipino.

8. Ang mga sumusunod ay maituturing na mamamayang Pilipino MALIBAN sa isa.


A. Si Jungkook na isang Koreano ay sumailalim sa naturalisasyon sa Pilipinas
B. Si Lenie ay ipinanganak sa Naga City. Ang kanyang ama ay Tsino at ang kanyang
ina ay Pilipina.
C. Si Thomas na anak ng mag-asawang Amerikano ay nakapagtayo ng isang malaking
kompanya sa Pilipinas. Tatlong taon na siyang nagnenegosyo sa Pilipinas.
D. Si Luwalhati ay anak ng isang Tausug at Tagbanua. Naninirahan sila sa Isla ng
Jolo.

9. Ang mga sumusunod ay itinuturing na mamamayan ng Pilipinas ayon sa Saligang


Batas ng 1987 ng Pilipinas MALIBAN sa isa.
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang Batas
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino,
na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng karampatang gulang

10. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan
sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”


Rosario–San Juan Streets, Bacolod City 6100 Telephone: (034) 704-2585
Facebook Page: https://www.facebook.com/bacolod.deped https://sites.google.com/site/depedbacolodcity
Email: bacolod.city@deped.gov.ph Website: bacolod.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
Pre-Assessment Test sa Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2021-2022

11. Si Paolo ay ipinanganak at permanenteng nakatira sa Canada. Ang kanyang ama ay


Canadian at ang kanyang ina ay Pilipina na piniling maging opisyal na mamamayan
ng Canada ng maikasal ito. Ano ang pagkamamamayan ni Paolo?
A. Walang pagkakakilanlan si Paolo bilang isang mamamayan.
B. Si Paolo ay isang mamamayang Pilipino dahil ang kanyang ina ay may dugong
Pilipino.
C. Si Paolo ay isang Canadian citizen sapagkat ang kanyang ama at ina ay Canadian
citizen.
D. Si Paolo ay mayroong dalawang pagkamamamayan sapagkat ang kanyang ina ay
Pilipina at ang ama ay banyaga.

12. Si Jurgen ay ipinanganak sa Pilipinas. Ang kanyang ama ay German at ang kanyang
ina ay nananatiling isang mamamayang Pilipino. Ang mga sumusunod na pahayag ay
nagpapakita na isang mamamayang Pilipino si Jurgen MALIBAN sa isa.
A. Sa ilalim ng prinsipyo ng pagkamamamayan ang “Jus Sanguinis o Karapatan sa
Dugo” si Jurgen ay isang mamamayang Pilipino.
B. Sa ilalim ng prinsipyo ng pagkamamamayan ang “Jus Soli o Karapatan ng Lupa” si
Jurgen ay isang mamamayang Pilipino.
C. Nakasaad sa Artikulo IV Seksiyon I ikalawang bilang ng Saligang Batas na
maituturing isang mamamayan ng Pilipinas yaong ang mga ama o ina ay
mamamayan ng Pilipinas.
D. Isang mamamayang German si Jurgen sa ilalim ng prinsipyo ng Jus sanguinis na
nakasaad sa German Nationality Law na maituturing isang mamamayan ng
Germany yaong ang mga ama o ina ay mamamayan ng Germany.

13. Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng lumalawak na konsepto ng


pagkamamamayan MALIBAN sa isa.
A. Si Maria na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan
B. Si Martha na nagtatrabaho upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
C. Si Manny na nakikilahok sa participatory governance ng kanilang lokal na
pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong
bantayan ang kaban ng bayan.

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”


Rosario–San Juan Streets, Bacolod City 6100 Telephone: (034) 704-2585
Facebook Page: https://www.facebook.com/bacolod.deped https://sites.google.com/site/depedbacolodcity
Email: bacolod.city@deped.gov.ph Website: bacolod.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
Pre-Assessment Test sa Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2021-2022

14. Basahin ang sumusunod na mensahe.


“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.”
-John F. Kennedy
Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F.Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at
tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng
pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng
isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa
pagkamamamayan.

15. Isang malaking isyung panlipunan na kinakaharap ngayon ay ang COVID-19


Pandemic. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng mga gawain ng isang
mabuti at mapanagutang kasapi ng lipunan sa panahon ng krisis MALIBAN sa isa.
A. Pagsunod sa curfew at pananatili sa loob ng bahay
B. Pakikipag-usap at pagsasalita nang direkta sa mukha ng ibang tao
C. Pagsuporta sa programang pagbabakuna laban sa COVID-19 ng pamahalaan
D. Pag-obserba sa health and safety protocols sa pamamagitan ng pagsuot ng face
mask at face shield, social distancing at paghugas ng kamay

16. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil
pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng
mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
A. Magna Carta ng 1215
B. Universal Declaration of Human Rights
C. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
D. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas

17. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
B. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng
sedula.
D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang
malayang pagpapasya.

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”


Rosario–San Juan Streets, Bacolod City 6100 Telephone: (034) 704-2585
Facebook Page: https://www.facebook.com/bacolod.deped https://sites.google.com/site/depedbacolodcity
Email: bacolod.city@deped.gov.ph Website: bacolod.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
Pre-Assessment Test sa Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2021-2022

18. Si Antonio ay inakusahan ng kasong pagnanakaw. Siya ay pinagkalooban ng korte ng


pampublikong abogado upang ipagtanggol siya sa kanyang kaso. Ano ang karapatan
na ipinapakita mula sa pahayag?
A. Karapatan ng nasasakdal
B. Karapatan sa pagmamay-ari
C. Karapatan sa sa mapayapang pagtitipon
D. Karapatan sa di-makatuwirang pagdakip at paghahalughog

19. Pilit na hinalughog ng mga awtoridad ang bahay nina Mang Mario kahit walang dalang
search warrant. Ano ang karapatan na nilabag ng mga awtoridad kina Mang Mario?
A. Karapatan ng nasasakdal
B. Karapatan sa pagmamay-ari
C. Karapatan sa mapayapang pagtitipon
D. Karapatan sa di-makatuwirang paghahalughog
20. Ang natural rights ay ang karapatang taglay ng bawat tao simula ng siya’y isilang. Ito
ay karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi pa ipagkaloob ng estado. Ang mga
sumusunod ay maituturing na likas na karapatan ng bawat tao MALIBAN sa isa.
A. Karapatang mabuhay C. Karapatang sa paghahanapbuhay
B. Karapatang maging malaya D. Karapatang magkaroon ng ari-arian
21. Napag-alaman ni Allan at ng kanyang kasamahan na hindi nag-reremit ng
kontribusyon sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG ang kanilang kompanya. Ano ang
karapatan ni Allan at ng kanyang mga kasamahan ang maaaring gamitin laban sa
kompanya?
A. Karapatan sa kanais-nais na kalagayan sa paggawa
B. Karapatan sa malayang pagpili ng mapapasukang hanapbuhay
C. Karapatang magtatag at umanib sa mga unyon ng manggagawa
D. Karapatang mapangalagaan sa pagsasamantalang paghahanapbuhay
22. Bilang isang mamamayang may kamalayan sa isyung politikal na kinakaharap ng
ating lipunan, alam mo ang kahalagahan at epekto ng pagboto ng mga mamamayan sa
isang bansa. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng paggamit ng
karapatan sa pagboto MALIBAN sa isa.
A. Nakapipili ng mga opisyal na makapaglilingkod nang tapat at mahusay sa
pamahalaan
B. Ito ay isang responsibilidad na dapat sundin dahil idinidikta ito ng Estado at ng
Saligang Batas
C. Ito ang pagkakataon kung saan naipakikita ng mamamayan na siya ang
pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal
D. Naipakikita ng mamamayan na siya ay may kapangyarihang na magpa-alis sa
puwesto ng mga opisyales na hindi ginagampanan nang maayos ang kanilang
sinumpaang tungkulin.

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”


Rosario–San Juan Streets, Bacolod City 6100 Telephone: (034) 704-2585
Facebook Page: https://www.facebook.com/bacolod.deped https://sites.google.com/site/depedbacolodcity
Email: bacolod.city@deped.gov.ph Website: bacolod.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
Pre-Assessment Test sa Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2021-2022

23. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol


sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan

24. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at


hamong pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning
pangkapaligiran
B. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang
tugunan ang mga isyung pangkapaligiran.
C. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang
kahalagahan ng pagsusumikap ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
D. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran
ang pundasyon sa paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyung
pangkapaligiran.

25. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na


nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
B. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad
ng sedula.
D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang
malayang pagpapasya.

26. Tuwing halalan ay umuuwi si Jennifer sa kanilang lalawigan upang bumoto. Ano ang
karapatan na ipinapakita mula sa pahayag?
A. Karapatan sa pagboto C. Karapatan sa panunugkulang pampulitikal
B. Karapatan sa malayang pag-iisip D. Karapatang lumahok sa buhay-pampubliko

27. Halos gabi na kung umuwi ang tatay ni Arjohn mula sa pinagtatrabahuang Glass
Supply Store dahil pinapatapos muna ng may-ari ang lahat ng trabaho bago umuwi
ang mga empleyado. Malungkot na ibinalita ng kanyang ama na ang pagtatrabaho
nang lampas sa walong oras ay walang karagdagang bayad o walang overtime pay na
matatanggap. Ano ang karapatan na nilabag sa tatay ni Arjohn?
A. Karapatan sa di-kanais-nais na kalagayan sa paggawa
B. Karapatan laban sa pagsasamantalang paghahanapbuhay
C. Karapatan sa malayang pagpili ng mapapasukang hanapbuhay
D. Karapatang magtatag at umanib sa mga unyon ng manggagawa

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”


Rosario–San Juan Streets, Bacolod City 6100 Telephone: (034) 704-2585
Facebook Page: https://www.facebook.com/bacolod.deped https://sites.google.com/site/depedbacolodcity
Email: bacolod.city@deped.gov.ph Website: bacolod.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
Pre-Assessment Test sa Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2021-2022

28. Alin sa mga sumusunod na pahayag o sitwasyon ang nagpapakita ng karapatan sa


pagmamay-ari?
A. Ang pangarap ni Ana na maging accountant ay natupad
B. Binuksan at binasa ni Jake ang liham na hindi para sa kanya
C. Nabili na rin ni Eliza ang sasakyang ipinangako sa kanyang ama.
D. Ipinakulong si Lawrence dahil hindi ito nakabayad ng utang sa kaibigan.

29. Ang mga sumusunod ay karapatan ng akusado MALIBAN sa isa.


A. Karapatang magpiyansa
B. Karapatang itorture sa panahon ng pagsisiyasat
C. Karapatang manahimik habang sinisiyasat ang kaso
D. Karapatang pumili ng abogado na malaya at may sapat na kakayahan

30. Mahalagang magkaroon ng children’s rights o karapatan ng mga bata upang


magkaroon ng mabuti at ligtas na buhay, at mahubog ang kanilang kakayahan upang
magtagumpay sa buhay at maging yaman ng bansa sa hinaharap. Ang mga
sumusunod ay mga karapatan ng mga bata ayon sa United Nations Convention on the
Rights of the Child (UNCRC) MALIBAN sa isa.
A. Karapatang magdesisyon para sa sarili ng walang pakikialam ng mga magulang
B. Karapatan sa pag-alam ng impormasyong makabubuti sa kanilang kalusugan at
pagkatao.
C. Karapatang magpahayag ng saloobin at magkaroon ng tinig sa mga pagpapasyang
makaaapekto sa kanilang buhay.
D. Karapatang magkaroon ng ligtas at malusog na buhay, at legal at rehistradong
pangalan, nasyonalidad, manirahan at maalagaan ng kanilang magulang.

31. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng
mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society
B. People’s Organization
C. Grassroots Organization
D. Non-Governmental Organization

32. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga
nangyayari sa kanilang paligid?
A. Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makakalahok pa rin ang mga mamamayan sa
mga nangyayari sa bansa
B. Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa
itinakda ng Saligang Batas
C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon
sa mga isyu at hamong panlipunan
D. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung
magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”


Rosario–San Juan Streets, Bacolod City 6100 Telephone: (034) 704-2585
Facebook Page: https://www.facebook.com/bacolod.deped https://sites.google.com/site/depedbacolodcity
Email: bacolod.city@deped.gov.ph Website: bacolod.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
Pre-Assessment Test sa Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2021-2022

33. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mahahalagang tungkulin ng mga NGO at PO


sa Pilipinas MALIBAN sa isa.
A. Paglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng
mamamayan
B. Pag-impluwensiya sa mga desisyon ng opisyal ng pamahalaan para makamit ang
mithiin ng iilang sektor
C. Pagsasanay at pananaliksik tungkol sa adbokasiyang ipinaglalaban upang
magising ang kamalayan ng mamamayan
D. Direktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating ang hinaing ng
iba’t ibang sektor at makapagmungkahi ng mga programa at batas na naglalayong
mapagbuti ang kalagayan ng mamamayan

34. Si Anton na hindi nakapagtapos ng sekondarya ay nasasakdal sa isang krimen. Siya


ay nakapiit habang nililitis ang kanyang kaso. Sa darating na halalan, maaari bang
makapagboto si Anton sa kabila ng kanyang sitwasyon?
A. Hindi, dahil hindi siya nakapagtapos ng hayskul
B. Makakapagboto, dahil siya ay mamamayan ng Pilipinas
C. Makakapagboto, dahil hindi pa siya nasentensiyahan sa kanyang kaso
D. Hindi, dahil siya ay may kaso, nakakulong at maaaring may kasalanan
35. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa lipunan. Nais niyang
lumahok sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa
sumusunod ang nararapat niyang salihan?
A. Traditional NGO’s C. Funding-Agency NGO’s
B. People’s Organizations D. Non-Governmental Organizations
36. Ang pakikilahok sa eleksyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng
mamamayan. Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987, ang mga
sumusunod ay maaaring makaboto MALIBAN sa isa.
A. 18 taon gulang pababa
B. Mamamayan ng Pilipinas
C. Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas
D. Tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong
bomoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag- eleksyon
37. Alin sa mga sumusunod na NGO ang nagsasagawa ng mga proyekto para sa
mahihirap?
A. DJANGOs (Development, justice, and advocacy NGOs)
B. FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs)
C. GRIPO (Government-run and inititated POs)
D. TANGOs (Traditional NGOs)
38. Ang mga sumusunod ay hindi pinapayagan na makaboto MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw.
B. Mga taong mayroong kapamilyang tumatakbo sa isang posisyon
C. Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon.
D. Mga taong nasentisyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon,sedisyon,
paglabag sa anti-subversion at firearms law at anumang krimeng laban sa

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”


Rosario–San Juan Streets, Bacolod City 6100 Telephone: (034) 704-2585
Facebook Page: https://www.facebook.com/bacolod.deped https://sites.google.com/site/depedbacolodcity
Email: bacolod.city@deped.gov.ph Website: bacolod.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
Pre-Assessment Test sa Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2021-2022

seguridad ng bansa.
39. Sa anong paraan maipakikita ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng
mamamayan?
A. Pakikilahok sa digmaan C. Pakikilahok sa protesta
B. Pakikilahok sa eleksiyon D. Pakikilahok sa organisasyong pantao

40. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pakikilahok ng mamamayan


sa mga Non-Governmental Organizations (NGOs) at People’s Organizations (POs)
MALIBAN sa isa.
A. Ang paglahok sa mga samahan ay isang mahusay na pagsasanay para sa
demokrasiya.
B. Napaghuhusay ng mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong
pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.
C. Nagiging bukas ng mga tao sa paniniwala ng iba, at pagkilala at pagrespeto sa
karapatang pantao
D. Sa paglahok sa mga samahan ay napoproteksiyonan ang mga pansariling interes.
41. Ano itong itinuturing na isang obligasyon at karapatang politikal na
ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas?
A. Pagboto C. Pagtakbo sa halalan
B. Pagrally D. Pag-oorganisa ng samahan
42. Pinaalalahanan ng Alkalde ng Lungsod ng Maynila ang mga residente na sumunod sa
“health and safety protocol” na ipinapatupad ng bansa. Inanunsyo ng Alkalde ang
paghuli sa mga lumalabag sa kautusan. Anong katangian ng mabuting pamamahala
ang ipinapakita mula sa sitwasyon?
A. Partnership B. Rule of Law C. Strategic Vision D. Transparency

43. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng participatory governance?


A. Ang pagsali sa kilos-protesta upang masabotahe ang proyekto ng pamahalaan
B. Ang pagpapaskil ng ulat ng pondong nagastos dahil sa pagpapatayo ng mga
imprastraktura.
C. Ang paglalagay ng mga hotlines para sa mga hinaing, komento, suhestiyon o
reklamo ng mga mamamayan.
D. Ang pagbabahagi ng pamahalaan ng mga impormasyon ukol sa mga polisiya, batas,
o programa para sa mga mamamayan.

44. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na isang diskwalipikadong botante?


A. Si Juan ay isang mamamayan ng Pilipinas
B. Si Jose na ayon sa eksperto ay may malubhang karamdaman sa pag-iisip
C. Si John ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho sa Saudi Arabia.
D. Si Juanito ay nasentensiyahan ng hukuman ng kasong rebelyon ngunit natapos
niya ang parusang inihatol sa kanya.

45. Ang NGO ay katuwang ng pamahalaan sa paglilinis ng mga estero sa kanilang


komunidad. Anong katangian ng good governance ang ipinapakita?
A. Empowering C. Participation

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”


Rosario–San Juan Streets, Bacolod City 6100 Telephone: (034) 704-2585
Facebook Page: https://www.facebook.com/bacolod.deped https://sites.google.com/site/depedbacolodcity
Email: bacolod.city@deped.gov.ph Website: bacolod.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
Pre-Assessment Test sa Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2021-2022

B. Partnership D. Responsiveness

46. Nagpulong-pulong ang mga lideres ng bawat barangay. Ang lahat ay sumang-ayon sa
pagpapatupad ng “health and safety protocol”. Anong katangian ng good governance
ang ipinapakita?
A. Consensus Orientation C. Participation
B. Partnership D. Responsiveness
47. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng transparency bilang
katangian ng mabuting pamamahala?
A. Ang residente ng iba’t ibang komunidad ay katuwang ng pamahalaan sa
pagpapatupad ng programa sa wastong pamamahala ng Basura (Solid Waste
Management)
B. Pagpapaskil ng lungsod ng ulat ng pondong nagastos sa pagbili ng suplay at ilang
infrastructure projects.
C. Mahigpit na ipinapatupad ng awtoridad ang paghuli sa mga lumalabag sa “health
and safety protocol” dala ng pandemya
D. Pagpupulong ng mga pinuno ng Lungsod upang maisakatuparan ang Economic
Highway

48. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance?


A. Mas maraming sasali sa civil society
B. Mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan
C. Maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan
D. Mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan
49. Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004, ang mga sumusunod ay
katangian ng isang mabuting mamamayan MALIBAN sa isa. Alin sa mga ito?
A. Pagbabayad ng buwis
B. Pagsunod sa batas at regulasyon
C. Pagboto tuwing mayroong eleksyon
D. Pagpili ng iilang taong papakinggan ang opinyon

50. Dapat taglayin ng bawat mamamayan ang mapanuring pag-iisip, matalinong


pagpapasiya, at tunay na pagtanggap sa responsibilidad ng pagiging mamamayan. Ang
mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng pagiging aktibong mamamayan na
may mithiiing makamit ang tunay na pagbabago at pag-unlad sa bansa MALIBAN sa
isa.
A. Paglahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental
Organizations at People’s Organizations
B. Aktibong nakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga karampatang
solusyon sa mga hamon ng lipunan
C. Aktibong kabahagi sa talakayan, pagpapanukala ng mga ordinansa at programa na
makatutulong sa pansariling interes ng mga namumuno.
D. Paglahok sa eleksiyon sa pamamagitan ng pagpili ng tapat at mahusay na pinuno
ng bansa na maglilingkod at mangangalaga sa mga karapatang pantao ng bawat
indibiduwal.
“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”
Rosario–San Juan Streets, Bacolod City 6100 Telephone: (034) 704-2585
Facebook Page: https://www.facebook.com/bacolod.deped https://sites.google.com/site/depedbacolodcity
Email: bacolod.city@deped.gov.ph Website: bacolod.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
Pre-Assessment Test sa Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2021-2022

ARALING PANLIPUNAN 10
Q4 PRE-TEST
SUSI SA PAGWAWASTO

1. B 26. A
2. D 27. B
3. C 28. C
4. D 29. B
5. A 30. A
6. D 31. A
7. A 32. C
8. C 33. B
9. C 34. C
10.C 35. B
11.C 36. A
12.D 37. D
13.B 38. B
14.C 39. B
15.B 40. D
16.B 41. A
17.C 42. B
18.A 43. A
19.D 44. B
20.C 45. B
21.D 46. A
22.B 47. B
23.B 48. D
24.D 49. D
25.C 50. C

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”


Rosario–San Juan Streets, Bacolod City 6100 Telephone: (034) 704-2585
Facebook Page: https://www.facebook.com/bacolod.deped https://sites.google.com/site/depedbacolodcity
Email: bacolod.city@deped.gov.ph Website: bacolod.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
Pre-Assessment Test sa Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2021-2022

TABLE OF SPECIFICATION
MELC NO. OF ITEMS REMEMBERING UNDERSTANDING APPLYING ANALYZING EVALUATING CREATING
Naipaliliwanag ang kahalagahan 15 1 2,3,4 5,6,7 8,9,10 11,12,13,14 15
ng aktibong pagkamamamayan
Nasusuri ang kahalagahan ng 15 16 17,25,26 18,19,23 20,24,29 30,22 21,27,28
pagsusulong at pangangalaga sa
karapatang pantao sa pagtugon
sa mga isyu at hamong
panlipunan
Natatalakay ang mga epekto ng 10 31 36,37,38 39 34,35 32,40 33
aktibong pakikilahok ng
mamamayan sa mga gawaing
pansibiko sa kabuhayan,
politika, at lipunan
Napahahalagahan ang papel ng 10 41 42,44,45,47 48,49 43 46 50
mamamayan sa pagkakaron ng
isang mabuting pamahalaan
TOTAL 50 4 13 9 9 9 6

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”


Rosario–San Juan Streets, Bacolod City 6100 Telephone: (034) 704-2585
Facebook Page: https://www.facebook.com/bacolod.deped https://sites.google.com/site/depedbacolodcity
Email: bacolod.city@deped.gov.ph Website: bacolod.city@deped.gov.ph

You might also like