You are on page 1of 2

Reviewer in ESP

Dapat ipakita ang sariling kakayahan sa pammagitan ng:

 Pakikipagtalastasan,
 Pag-awit/pagtutog ng instrumento,
 Pagsayaw
 Paggawa nang maayos at malinis,
 Pagguhit,
 Pagtula/pag-arte
 Pag-ukit.

Tandaan:

 Pahalagahan ang kasiyahan o tuwang dulot ng pagababahagi sa iba ng kakayahan o talento.


 Ibahagi sa iba ang kakayahan o talento na bigay sa iyo.
 Tulungan ang mga kamag-aral o kaibigan na wala pang gaanong kakayahan sa :
 Pagsayaw,
 Pag-awit
 Pagguhit
 Pagbasa at iba pa.

Ang pambubully ay isang uri ng pananakot at pang-iinsulto ng isang tao sa kaniyang kapwa.

Mga Uri ng Pambu-bully o Pambubulas

1. Pisikal na pambubully o pambubulas


 Panununtok
 Paninipa
 pambabatok
2. Berbal na pambubully o pambubulas
 Pagsasabi ng masasakit na salita
 Pangungutya o panlalait
 Pagkalat ng tsismis
 Pag-atake ng sinuman sa pamamagitan ng pananalita
3. Pambubully gamit ang teknolohiya
 Pag-upload ng mga larawan o video na hindi gusto ng binubully.
 Pagpapahiya sa social media at iba pang networking sites.

“ Mga maaaring gawin kung sakaling may nambu-bully sa iyo.”

1. Huwag ka na lamang kumibo.


2. Huwag kang gaganti dahil lalo lamang gugulo ang pangyayari.
3. Maging palakaibigan.
4. Magkaroon ng kumpiyansa sa sarili.
5. Isumbong sa mga nakatatanda tulad ng iyong guro, magulang o kapatid ang ginagawang pambu-
bully sa iyo.
“Ang kalusugan ay kayamanan.”

Ang batang malusog ay malayo sa sakit. Kung ikaw ay walang sakit, magagawa mo ang mga bagay
na gusto mo tulad ng pakikipaglaro at pakikipaghabulan sa iyong kaibigan. Makapag-aaral ka ring
mabuti.

“Mga paraan upang mapanatili ang kalinisan ng katawan”

1. Ugaliing maligo araw-araw.


2. Magsepilyo tuwing pagkatapos kumain.
3. Panatilihing malinis ang iyong kuko at tainga.
4. Magpalit ng damit, medyas at mga damit panloob araw araw.
5. Suklayan lagi ang buhok upang matanggal ang mga alikabok na nakakapit dito.

“ Mga paraan upang Magkaroon ng malusog na pangangatawan”

1. Ugaliing kumain ng gulay at prutas.


2. Uminom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig upang mapalitan ang tubig na nilalabas ng iyong
katawan.
3. Iwasan ang pagkain ng junkfood at sobrang matatamis na pagkain, at pag-inom ng soft drinks.
4. Mag-ehersisyo upang lumiksi ang katawan.

“ Mga Paraan Upang mapanatiling Ligtas ang Sarili”

1. Iwasan ang sobrang paghaharutan kapag nakikipaglaro sa mga kaibigan.


2. Huwag paglalaruan ang matutulis na bagay tulad ng gunting, kutsilyo, cutter at karayom para
hindi ka masugatan.
3. Iwasang umakyat sa matataas na lugar upang hindi ka mahulog at mapilayan.

You might also like