You are on page 1of 25

Aralin 8.

Kultura at ang Grupo

Mga Layunin at Inaasahang Bunga:


Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang pandaigdigang hulwaran ng kultura sa iba’t ibang pangkat
2. Naiisa-isa ang kultural na katangian at katangiang komunikatibo ng tao

Grupo- bilang ng tao na magkakapareho ng paniniwala, norms, batas na


sinusunod, kaasalan na pinapahalagahan, at mga inaasahan na mayroong
interaksyon sa bawat isa.

May tatlong mahalagang tungkulin ang kultura sa isang pangkat


1. Nagpapakita ng biyolohikal na pangangailangan ng grupo upang mabuhay.
2. Magigiging gabay ng bawat kasapi ng pangkat ang kultura upang sila ay
matutong makisalamuha sa mga gawi ng iba at makibagay sa sitwasyon ng
kanyang kinabibilangan.
3. Nagiging midyum ang komon na kultura sa bawat kasapi ng pangkat upang
sila
ay magkaroon ng ugnayan at interaksyon nang sa gayon ay kanilang
maiiwasan ang alitan na maaaring mabuo.

3.1 Pandaigdigang Hulwaran Ng Kultura (Universal Pattern of Culture)

Sa bawat lugar ay mayroong iba't ibang kulturang masasalamin ngunit mayroong


mga kulturang komon na mapapansin sa lahat ng pangkat sa bawat lipunan. Ang
kaisahan na ito ay tinatawag bilang Universal Pattern of Culture.
Si Winsker na isang antropolohiyang Amerikano ang unang nagbigay ng
pagpapakahulugan ng Universal Pattern of Culture. Batay sa kanya, sinabi niyang
lahat ng tao sa mundo ay mayroong:
1. Wika at pananalita
2. Materyal na kultura.
a. Kinasanayang pag-uugali sa pagkain/ pamamaraa ng pagkain
b. Pamamahay
c. Trasportasyon
d. Kagamitang ginagamit
e. Pananamit
f. Sandata
g. Trabaho at Industriya

3.2 Alternatibo/ Mga Alternatibo


May mga pamantayan at kaugalian ang itinakda ng lipunan na kailangang
sundin, ngunit sa kabilang dako nito ay may laya ang mga tao kung ito ay kanilang
gagagawin at isasabuhay, tinatawag itong alternatibo. Nabibigyang karapatang
mamili ang isang tao sa kung ano ang nais niya batay sa kung ano ang
nakapagbibigay ng ligaya sa kanya at para sa kanyang ikabubuti. Isa sa kritikal na
bahaging ito ng kultura dahil maaaring mabigyan ng maling pananaw at husga ng
mga nasa loob ng lipunang kinabibilangan. Halimbawa na lamang ay pagbibigay
laya sa isang tao upang mamili ng kanyang taong mapapangasawa, paaralang
papasukan maaaring sa pribado o sa pampubliko, parkeng papasyalan. May lipunan

1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


na tanggap ang same-sex marriage at mayroon ding nakikita ito bilang isang
malaking kasalanan sa batas na ipinatupad ng moralidad, lalong-lalo na sa Diyos.

3.3 Ang Mga Pagtingin Ng Ibang Tao Sa Sariling Kultura At Kultura Ng Iba

Maaaring maipakita ng isang tao ang kanyang pagpapahalaga sa sariling


kulturang kanyang tinataglay at sa kultura ng kanyang kapwa. Maaari niyang uriin ito
sa mga sumusunod:
1. Noble Savage- Ang isang indibidwal ay buong pusong tanggap kung ano at
sino siya. Buong pagmamalaki niyang ipinapakilala ang kanyang kinagisnang
kultura at pangkat-ethniko na kinabibilangan. Tulad ng isang Maguindanaon
na tanggap at hindi ikinakahiya ang kanyang kulturang pinanggalingan.
2. Ethnocentrism- ito ay tungkol sa kaisipan ng isang tao na nagsasabing ang
kanyang kultura ay higit na nakalalamang sa kultura ng iba. Maaari rin na
paniniwala na ang kanyang kultura ang tama at ang kultura naman ng iba ay
mali.
3. Cultural Relativism. Ang kaisipan ng tao kung saan nakatatak sa kanyang
isipan na walang isang kultura ang nakahihigit sa lahat. Lahat nito ay pantay-pantay
sa kanyang pananaw. Madali itong matuloy dahil nagpapakita ito ng tanda ng pag-
unawa sa kultura ng iba at nagpapakita siya ng respeto rito. Halimbawa na lamang
ay ang isang taong Muslim ay hindi kumakain ng karneng baboy ay maiintindihan ito
ng iba sa kadahilanang siya ay isang Muslim at ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa
kanilang paniniwala.
4. Xenocentrism- Nakikita ng isang tao na ang mga tao, bagay, pagkain, lugar,
pamumuhay at produkto ng mga banyaga ay mas nakahihigit at maganda kung ito ay
ikukumpara sa kung anong kulturang mayroon siya. Mas pinapahalagahan at
tinatangkilik ang imported na bagay kaysa sa lokal.

3.4 Kultural na Katangian ng Ibang mga Tao

1. Polychronic. Sa ibang mga kultura, ginagawa ng tao ang mga bagay o di


kaya'y gawain nang sabay-sabay. Katulad halimbawa ng nag-aaral habang
ginagamit ang selfon, paglalaba habang may sinasaing.
2. Monochronic. Ginagawa ng mga tao ng isa-isa ang bawat gawain na
nakatakdang kanilang tatapusin. Lubos silang naniniwala na ang bawat gawain ay
may kaukulang oras na dapat ilaan. Halimbawa, hindi muna sila magsasaing habang
hindi pa natatapos ang kanilang labada, hindi muna siya gagamit ng selfon habang
hindi pa tapos ang kanyang pag-aaral.

3.5 Katangiang Komunikatibo Ayon Kina Hofstede at Triands

May mga pananaw ang mga dalubhasa sa kung ano ang katangiang
komunikatibo ng isang tao, ayon sa paniniwala ni Hofstede (1984), nauuri sa dalawa
ang katangiang komunikatibo- Ang individualist at collectivist.
1. Individualist. Ang nasa kaisipan ng tao ay mas mahalaga na masabi niya
ang kanyang gustong sabihin kumpara sa kung ano ang maaaring maramdaman ng
ibang tao. Walang preno ito kung magsalita at walang pakialam sa kung ano ang
damdamin ng ibang tao.
2. Collectivist. Mas binibigyang pansin ng nagsasalita ang kapakanan at
damdamin ng iba bago siya magsasalita. Maingat na iniisip at pinipili ng nagsasalita
ang mga salitang kanyang gagamitin nang sa gayon ay hindi siya makasakit ng

2 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


ibang tao. May mga bahagi rin na hindi na lang sasabihin ng tagapagsalita ang
kanyang nais sabihin, huwag lamang makasakit.

Batay naman kay Triands (1990), hinati niya sa dalawa ang katangiang komunikatibo
bilang Allocentric at Ideocentric.

1. Allocentric. Sa kaisipang ito, ang nakaukit sa kaisipan ng isang tao ay


mahalaga ang ibang tao para sa kanya. Mahalagang magkaroon ng kasama o di
kaya'y makakausap bilang ang pananaw na ito'y naniniwala na "No man is an
island".
2. Ideocentric. Ito ay ang kasalungat naman ng naunang pananaw. Dito inilatag
na kaya ng isang tao mamuhay mag-isa at may pananaw rin na ang kanyang sarili
lamang ang mahalaga .

3 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


IKATLONG BAHAGI: ANG LIPUNANG PILIPINO

Aralin 9. Ang Pamahalan- Mga Pamayanang Rural

Introduksyon

Ang mga tao ay nabubuhay sa daigdig at kung paano sila


nakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Kumikilos ang tao ayon sa
pinagkakasunduang hangarin sa buhay para sa ikabubuti ng
lahat sa lipunang kinabibilangan. Nabubuhay tayo sa lipunang
ating ginagalawan at sama-samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may isang batas, tradisyon at
pagpapahalaga. Binubuo ito ng iba’t ibang institusyon, ugnayan
at kultura na nagpapalawak sa ating karunungan tungkol sa
daigdig at mga ugnayang pakikipagkapwa-tao.

Mga Layunin

1. Nailalarawan ang lipunang Pilipino.


2.Naihahambing ang Pamayanang rural at
Urban.

4 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Ang Pamahalan- Mga Pamayanang Rural

Ang mga taong naninirahan sa mga pamayanan noong pang kamula-


mulaang panahon, nagbabahaginan ng karaniwang buhay lipunan at nagsisikap para
sa kapakanang panlahat. Karaniwan nating tinuturol ang pamayanan bilang isang
pook kung saan tayo naninirahan, nagbabahaginan ng magkakatulad na mga
pamantayan, nagtatrabaho at naglalaro. Ang pamayanan sa maluwag na
pagpapakahulugan, ay maaaring tumurol sa ilang subkultura, tulad ng pamayanan
ng mga madre, mga pari, o mga iskolar, ngunit hindi ito ang karaniwang kahulugan
ng konsepto. May iba’t ibang depinisyon ang ilang mahahalagang elemento, tulad ng
isang populasyong itinatag sa isang pook o teritoryo, ang mga miyembro nito ay
nakikibahagi sa karaniwang mga bigkis o tali ng pagkakaugnay, at ang mga
indibidwal na yunit nito ay nabubuhay sa isang pamayanan ay isang pook kung saan
ang mga tao ay may interaksyong sosyal at may isa o higit pang mga tali o bigkis ng
pagkakaugnay (Hillery, 1955:119, Gordon, 1978:311). Kaya’t ang isang pamayanan
ay maaaring isang nayon, isang bayan, isang lungsod o kahit na isang bansa.
Tulad ng iba pang organisasyong sosyal, ang pamayanan ay may isang
istrukturang panlipunan na may iba’t ibang mga istatus at mga bahaging
ginagampanan na nagkakaugnay sa isa’t isa. Ang mga miyembro ay may gantihang
kilos at nagpapalitan ng mga ideya, magkakasama sa karaniwang mga serbisyo,
mga paaralan, mga palengke, mga klinika o mga ospital, simbahan, transportasyon,
mga sentro ng pamilihan. Bawat bahaging ginagampanan ay iniakma para sa
pagsasagawa ng isang tanging tungkulin o gawain. Ang mga miyembro ay
nagsasagawa ng kani-kanilang mga bahaging ginagampanan sa pagsisikap na
makamit ang kanilang mga layunin na lumilikha ng damdamin ng pagkakabuklod o
damdaming maka-pamayanan. Ang mga pamayanan ay nagkakaiba sa maraming
mga bagay- sa laki at densidad ng populasyon, hanapbuhay, kasanayan at mga
tungkulin.

Pinag-aralan ng mga sosyologo ang pamayanan upang maunawaan ang


impluwensya ng kultura dito, ang buhay panlipunan at nagaganap na interaksyong
panlipunan, at ang organisasyong panlipunan at ang mga isinasagawang bahaging
ginagampanan sa lipunan. Pinag-aralan ng mga antropologo ang mga pamayanan-
ang kanilang kultura o mga estilo ng pamumuhay sa isang holistikong pamamaraan.
Sa ilang panahon, ang pokus ng kanilang pansin ay nakatuon sa sinauna at lipunang
sakahan. Nitong mga dakong huli, may malaking pagbabago sa kanilang mga
interes. Nagsagawa sila ng mga pananaliksik sa mga lungsod, bagaman maliit na
bahagi lamang ng lungsod, tulad ng mga slum o pook ng mga iskwater ang pinag-
aralan upang magamit nila ang pamamaraang nakikisaling pagmamasid (participant
observation). Gayon din, ang mga ekologo ay interesado sa pag-aaral ng
pamayanan bilang mga populasyong tao na umaakma sa mga kalagayan ng
kapaligiran. Pinag-aralan nila ang mga proseso ng istruktura ng pamayanan, mga uri
ng pamayanang lumilitaw sa iba’t ibang kapaligiran, at ang pagkakasunod-sunod ng
pagbabago sa pagpapaunlad ng pamayanan. Hindi lamang ang di-kumikilos na
organisasyong pang-espasyo distribusyon ng mga tao sa pamayanan ang pinag-
aralan, kundi gayon din ang mga nagaganap na mga prosesong may gantihang kilos.
Bilang halimbawa, ang paggamit ng lupa ay kinapapalooban ng mga relasyong
ekolohikal, tulad ng sa kooperasyong ekolohikal, tulad ng mga taong
nakikipagtalastasan sa isa’t isa. Ang paggamit ng lupa ay kinapapalooban ng mga
tradisyon at mga kahalagahan ng tao (Hardest, 1977:153-154).

5 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


1.1 Ang Pamayanang Rural- Pamayanang Urban

Ang pamayanan ay maaaring uriin sa iba’t ibang paraan ngunit ang paraang
higit na kinagawian ay uriin ang mga ito bilang rural at urban. Ang klasipikasyon ay
hindi gaanong nakasisiya sapagkat may ilang pamayanang ang mga katangian ay
hindi umaakma sa mga ideyal na uri. Sa kawalan ng higit na mabuting klasipikasyon,
ang diktomiyang rural-urban ay patuloy na ginagamit. Kung minsan ay maaaring
gamitin ang depinisyon ng senso, nguni’t ito ay limitado sa mga panukat na
kwantitatibo. Ang iminungkahi ay ilagay ang mga pamayanang rural-urban sa isang
kontinuom kung saan ang mga pagkakaiba ay may mga relatibong antas sa isang
lawak sa pagitan ng dalawang dulong polar na rural at urban (Bertrand, 1958:24). Sa
ilang mga lipunan tulad ng Estados-Unidos, ang kaibahan ng mga pamayanang rural
at urban ay nagiging Malabo dahil sa pag-unlad ng suburbiya o karatig at
lumalaganap na urbanisasyon ng buhay rural. Ang maunlad na transportasyon at
komunikasyon, lalo na ang impluwensya ng midyang pangmasa ay pumapawi sa
pagkakaiba ng mga pamayanang rural at urban. Natutulad sa dikotomiyang rural-
urban ay ang Gemeinschaft-Gesellschaft ni Toennies (Loomis, 1940:225; 247 ff).
Ang Gemeinschaft ay buhay pamayanang may katangian ng pagiging pribado, lubos
na pagkakakilala, at eksklusibong pamumuhay at makapamilya. May malakas na
damdamin ng kamag-anakan ang umiiral na makikita sa kanilang pang-araw-araw na
mga Gawain. Ang likas na pagkilos, pagtutulungan sa isa’t isa, at ang pakikibahagi
sa kaligayahan gayon din sa kalungkutan, ay naglalarawan sa ugnayan. May mataas
na antas na pagsunod sa mga kaugalian, mga batas, mga ideyang moral at iba pang
mga inaasahang ng grupo. Ang pagkakaisa ay batay sa pagkakatulad ng mga
layunin, mga katangian, at mga karanasan na tinawag ni Durkheim bilang:
―mekanikal na pagkakabuklod.‖

Sa kabilang dako, ang Gesellschaft ay ang buhay publiko o ang daigdig


mismo. Ang buhay pamayanan ay inilalarawan ng pagiging impersonal, pormal,
rasyunal, tulad sa komersyo, at mga relasyong kontraktwal. Ang mga asosasyon o
samahang boluntaryo at may layunin ay umiiral. Bagaman ang pamilya at mga
pangunang ugnayan ay umiiral, ang karamihang ng mga bigkis panlipunan ay
kontraktwal at batay sa rasyunal na pagsasakatuparan ng sariling interes. May
paghahati ng gawain, batay sa ispesyalisasyon, at pagkakaasahan ng mga tungkulin.
Bagaman ang mga myembro ay nakikipamuhay, sila ay malaya sa isa’t isa. Ang
nakamit na pagkakaisa, tinaguriang ―organikong pagkakabuklod‖ ay batay sa mga

6 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


pagkakaiba ng mga layunin at ispesyalisasyon na humahantong sa mutwal na pag-
aasahan ng mga myembro.

1.2 Lipunan at Kulturang Rural

Ang mga pamayanang


rural ay hindi lahat ay
magkakatulad, ngunit may mga
katangiang magkakatulad sa
kanila. Ang mga pamayanang
rural ay karaniwang may maliit
na populasyon at higit na
malawak na pook heograpikal
kaysa mga pamayanang
lungsod; dahil dito, ang densidad
ng populasyon ay mababa. Ang
pagsasaka, pangingisda,
gawain-kamay, at pagmimina
ang mga karamihang
hanapbuhay.

Ang ilang mga residente


ay tinatawag na mga sakador
(peasants) ng ilang antropologo. Ang mga magsasakang ito ay mga mamamayang
rural na lumilikha ng sariling pagkain para sa kanilang ikabubuhay ngunit ang mga
labis na pagkaing inaani ay ipinagbibili ng nila sa mga naininirahan sa mga bayan at
lungsod na hindi lumilikha ng sariling pagkain. Sila ang pinagkukunan ng lakas ng
paggawa at paninda para sa mga may-ari ng lupa at mga opisyal ng estado. Ang
kalagayang sakador ay inuugnay sa komersyalisasyon. Ang mga sakador ay naiiba
sa mga magsasaka ng mga industriyaladong lipunan na umaasa sa mga pamilihan
pang ipagpalit ang kanilang mga pananim sa lahat halos ng mga paninda at
serbisyong kailangan nila (Ember at Ember, 1977:256,436-437). Tinurol nina Kroeber
at Kluckhohn 1948:284) ang mga sakador bilang bahaging kultura, na
nangangahulugang sila ay isang bahagi ng isang malaking populasyon sa loob ng
isang sentrong lungsod. Ang mutwal na pag-aasahan ay umiiral sa pagitan ng mga
mamamayang rural at lungsod. Ang sakador ay hindi lamang mga manananim sa
pook rural kundi maaari ring mga mangingisda, artisan at mga manggagawang
nakikibahagi sa iisang pamamaraan ng buhay o oryentasyong kultural tulad ng
manananim.

Sa loob ng pamayanan ay may iba’t ibang mga grupo ng pamilya, mga


organisasyong rural at mga institusyong panlipunan na masasalamin sa isang buhay
komunal. Ang pamilya ay gumaganap na isang dominanteng papel at ang mga
tungkuling pampamilya, pangkabuhayan, panrelihiyon, pampulitika, at panlipunan ay
naghahalo-halo sa isa. Mayroong pagbabahaginan at ugnayang resiprokal sa kanila.
Ang mga tao sa ganitong kalagayan ay pumapasok sa mga umiiral na istatus at
gumaganap ng isang dominanteng papel ay nangyayari sa loob ng konteksto ng mga
itinalagang pamantayan at mga kahalagahan (Sandres, 1977:3-5).

Ang mga interaksyong ng pangunang grupo ay nangingibabaw. Ang mga


ugnayan ng personal at matalik, at ang pananaw sa buhay ng isang residenteng rural
7 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan
ay karaniwang hindi malawak at lokalisado, o probinsyal. Kung ihahalintulad sa taga
lungsod, siya ay higit na konserbatibo at tradisyunal sa maraming mga bagay. Sa
kabila ng lumalawak na pakikipag-ugnayan sa labas ng pamilya, ang pamilya ay
patuloy na nangibabaw sa buhay ng myembro. Ang pagsasaka at iba pang mga
hanapbuhay ay karaniwang gawain ng buong pamilya.

Ang mamamayang rural ay may malapit na komunyon at matatag na ugnayan


sa lupa at iba pang mga pwersa ng kalikasan kaysa kanyang katumbas na
mamamayang lungsod. Ang kanyang pagkabuhay ay tuwirang nagmumula sa
kanyang ugnayan sa kalikasan ang pangyayari ay kailangang kanyang harapin, dahil
dito siya ay nakalinang ng sarili ng elemento ng kawalang katiyakan tungkol sa
kanyang gawain. Ang kanyang mga pananim ay maaaring mawasak ng mga bagyo o
mga insekto. Ang aspetong ito ng kanyang kapaligiran ay nagbubunsod sa kanya
upang higit na maging relihiyoso at mapaniwalain bilang bunga ng kanyang
pagsisikap na umakma sa mga pwersang dulot ng mga kapangyarihang supernatural
na hindi niya kayang mapigilan (Bertrand, 1958:27).

May maliit na bilang ng klaseng panlipunan at bahagyang mobilidad na


panlipunan sa mga pook rural kaysa mga lungsod. Ang istatus ng isang tao ay
karaniwang itinakda at tinatawag niya ang kanyang kalagayang pangkabuhayan na
itinakda ng tadhana, itinuro ni Lynch (1975:181) na sa loob ng mahigit na apat na
daang taon, dalawang magkaibang uri ng mga tao ang matagal na magkasamang
nanahan sa mga pamayanang rural ng pilipinas na karaniwang tinatawag na
malaking tao at maliit na tao (dakulang tao at sadit na tao sa Bikol). Ang mataas na
klase ay may magandang kabuhayan ngunit nangangailangan ng tulong na manwal
ng mababang klase. Ang mababang klase ay nagbibigay ng lakas ng paggawa at
mga kasanayanang tradisyunal. Depende sa kanilang gawain, ang mataas na klase
ay inaaasahang magpapautang ng salapi sa panahon ng kagipitan, mamagitan sa
pakikipag-ayos sa mga opisyal at tanggapan ng pabor sa mababang klase at higit na
nagpapatindi sa kanilang superyoridad sa mababang klase.

Ang mga nagpapahayag na kultural sa pook rural ay payak sa anyo na


makikita sa mga kwentong bayan, katutubong sayaw, at iba pang uri ng
pagpapahayag. Ang mga gawaing panlinbangan at kultural ay limitado at kulang sa
mga amenidad ng makabagong pamumuhay. Ang karaniwang libangan ng mga
lalaki sa pook rural ay pag-inom ng tuba o San Miguel beer, pagsasabong, sipa, o
sumasali rin sa inuman. Ang mga babae, bata at matanda, ay nagbabasa ng mga
magasin at pahayagan sa bernakular, tulad ng Liwayway, nakikipagkwentuhan o
tsismisan, nananahi, o nagbuburda, naglalaro ng bingo at tsekers. Ang mga
pinagmumulan ng impormasyon sa pamayanan ay ang mga kapitbahay, mga
pahayagan, radyo, o mga myembro ng konseho ng barangay. Sa mangilan-ngilang
pook, ay may maliit na sinehan.

Sa kabuuan, maaaring sabihin na may pagkakatulad na kultura at


pagkakatulad na salalayang etniko at kultural sa pamayanan rural na humahantong
sa integrasyon ng mga myembro, o sa pagkakaisang mekanikal.

Sa pagkakabuo ng mga pamayanan sa Pilipinas ay naimpluwensyahan ng


politika. Sa kasalukuyan, ang bansa ay nahahati sa labindalawang rehiyon at
Pambansang Rehiyong Kapital na bumubuo sa Metro Manila. Sa loob ng mga
rehiyon ang mga lalawigan at ang mga lungsod na may tsarter. Ang mga munisipyo
naman ay nahahati sa mga poblacion o sentro ng bayan at mga barangay (ang
dating baryo).

8 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Ayon sa data ng senso noong 1987, may 73 lalawigan, 10 lungsod na may
mataas na urbanisasyon, 47 kasamang lungsod, 1524 munisipyo at 41, 619
barangay. Sa bahagdan, ang populasyong lungsod ay bumubuo humigit kumulang
sa 37.31 bahagdan, samantalang ang populasyong rural ay bumubuo sa 62.69
bahagdan. Mula dito, mapapansin na ang Pilipinas ay nangingibabaw na rural, o
tulad ng pagkakalarawan ni Gelia Castillo ay isang lupain ng mga baryo. Ang mga
baryong ito ay itinuturing na galugod ng bansa.

Ang ating karaniwang larawan ng mga baryo ay binubuo ng tahimik na mga


tanawin ng mga burol at kaparangan, pakiwal-kiwal na mga sapa, samyo ng
sampaguita, lawiswis ng kawayan, mga puno ng niyog, katiwasayan at monotoniya,
at payak, mahiyain at tahimik na taga-nayon. Ngunit ang ganyang larawan ay hindi
lubos na totoo. Ang mga pagbabagong panlipunan ay kasalukuyang nagaganap, at
ang buhay sa baryo ay hindi na lubusang tahimik sa kasalukuyan.

Ang lundo ng pansin ng kasalukuyang administrasyon ay sa pagpapaunlad


ng mga pamayanang rural. Gayon man, may namamayaning kawalan ng
katiwasayan sa ilang pamayanang rural. Mayroon nang patuloy na paglaganap ng
New People’s Army (NPA) magmula pa sa panunungkulan ni Pangulong Marcos. Sa
mga pook na pinamumugaran ng mga NPA tulad ng mga lalawigan ng Bicol, Bataan,
at Quezon, at mga sektor ng Mindanao na may punduhang lakas ng MNLF, ang mga
pagsalakay ay isinagawa sa mga walang labang mga kanayunan.

1.3 Ang Pamilyang Rural

Ang pamilyang
nukleyar, na binubuo ng
ama, ina at mga anak, at
ang pamilyang bilateral; at
pinalawak, na kasama
ang mga kamag-anak
konsanginal ng ama at
ina, ay siyang bumubuo
ng mga pagunahing yunit
ng pamayanan. Sa
katunayan, maaaring
masabi na ang
karaniwang pamayanang
Pilipino ay maituturing na isa lamang ekstensyon ng pamilya. Ang ugnayan ng
pagkakamag-anak ay mailalarawan ng tradisyunal na mga obligasyon at mga
inaasahang resiprokal sa magkabilang panig. Ang impluwensya ng pagkakamag-
anak na nakasentro sa pamilya ay may malawak na bisa. Ang ilang tulong sa
pamilya ay ipinapaabot sa mga kamag-anak na linyal at kolateral. Ayon kay Castillo
(1979:117) ang pinalawak na pamilya o pamilyang may ekstensyon ay nagsisilbi
hindi lamang bilang batayan ng interaksyon sosyal sa lebel ng mga nayon kundi isa
ring panseguro o maaasahang panlipunan para sa myembro ng pamilya. Ilan sa mga
palitan ng tulong ay: tulong sa gawaing bukid at gawaing bahay, paggastos sa
edukasyon ng mga anak, pagbibigay ng bigas at iba pang pagkain, mga pautang na
salapi, at tulong sa panahon ng pagkakasakit ng pamilya. May mga pamantayang
gumagabay sa ganitong mga ugnayan at ang pagtulong ay may batayang resiprokal.
May mga pamigil at kaparusahang panlipunan na ipinapataw sa isang parasitiko o
lubhang palaasa na nagdudulot sa kanya ng buhay na hindi matiwasay.

9 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Ang ilang mga grupo, tulad ng mga Sagada Igorot ng Cordillera, ay
nagtatanim ng mga pananim pang-agdong buhay tulad ng patatas, taro, bins, mais,
at kalabasa, nang wala sa panahon, ngunit ang mga ito ay ipinamimigay lamang.
Gayon man, sila ay nagtatanim ng mga pananim na maaaring ipagbili tulad ng kape
at mga halamang gulay. Ang pinakamatagumpay na mga negosyante ay
naisasagawa ito sa pagpapanatili ng katamtamang obligasyon tulad ng
pagsasagawa ng mga pista at sakripisyong ritwal sa ilang okasyon, kapanganakan
ng mga anak, mga kasal, at mga paglilibing bilang isang paraan ng pamamahagi ng
labis na kinikita. Sa pagsasanib ng pagkakamag-anak at mga taling pamayanan, ito
ay isang ring paraan ng pagkuha ng lakas-paggawa hanggang sa sukdulang abahin
ang mga manggagawa sa mababang pasahod (Jefremovas sa Chen, 1988:283-288).

Ang mga pagbabago ay nagaganap sa mga pook rural ngunit ang ilan sa
mga kaugaliang tradisyunal tungkol sa kasal ay nananatili. Ang pagkakaroon ng
tsaperon ay isinasagawa pa rin sa dahilang malinis na kapurihan ng mga babae ay
may mataas pa ring pagpapahalaga, bagaman ang mga karanasang sekswal bago
makasal ay kinukunsinti sa mga lalaki. Ang pamanhikan, o ang pormal na paghingi
sa babae sa kasal at ang pagkakaroon ng isang konseho at kasunduan ng dalawang
pamilya ay isinasagawa bago ganapin ang kasal. Sa iilang mga pook, sa mga
mababang uri sa lipunan, nariyan ang paninilbihan o ilang uri ng pagsisilbi sa
pamilya ang babaing ikakasal. Sa mga mataas na uri ang bigay-kaya o halaga ng
babaing ikakasal ay kinaugalian. Ang bigay-kaya ay isang uri ng regalo o salapi o
anumang bagay na ibinibigay ng lalaking ikakasal o ng kanyang mga magulang sa
babaing ikakasal. Pagkatapos ng kasal, may ilang pamimilit na ginagawa ang mga
magulang upang mapanatili ang kasal.

Ang mga impirikal na pag-aaral sa pamilya (Mendez at Jocano, 1974;


Licuanan at Gonzales, 1975), Lynch at Hollnsteiner, 1975), Gonzales at Licuanan,
1976; Mendez, Jocano, Rolda, Matela, 1984) ay nagpapakita sa sinasanay ng mga
magulang ang kanilang mga anak sa mga gawaing angkop sa kanilang kasarian sa
proseso ng sosyalisasyon. Ang mga anak ay sinasanay na maging masunurin,
magalangin, at mabait. Ang mga batang lalaki ay tumutulong sa kanilang ama sa
gawain sa bukid, kumolekta ng pagkain ng baboy, mangahoy, alagaan ang hardin at
mga hayop. Sa kabilang dako, ang mga batang babae ay sinasanay na tumulong sa
kanilang ina sa pagluluto, paglalaba, at pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid.
Ang mga bahaging ginagampanan ng mga babae ay nakapaligid sa pamamahala sa
bahay at buhay pamilya. Ang mga babae ang nagsasagawa ng pag-aalaga ng bata
at pagtingin sa pangangailangan ng mag-anak. Siya ay ingat-yaman o tesorera ng
pamilya at kailangang pagkasyahin niya sa salapi upang matugunan ang
pangangailangan ng pamilya. Tinutupad niya ang gawaing- bahay at inaaasahan
siya na maging mabuting maybahay at ina gayon din bilang isang mabuting
tagapamahala ng mga Gawain sa pamilya. Ang bahaging ginagampanan ng lalaki ay
nakapaligid sa buhay pamilya at hanapbuhay. Siya ang puno ng pamilya at
kumakatawan sa kapangyarihan. Inaasahan siya na maging mabuting tagabigay ng
kabuhayan at isang huwaran sa kanyang mga anak.

10 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


1.4 Ang Pangkabuhayang Rural

Sa kasaysayan, ang
Pilipinas ay nangingibabaw na
lipunang pansakahan, bagaman
may pagbaba na sa bahagdan ng
mga aktibo sa pagsasaka,
pangingisda at paggubat mula sa
53.8% noong 1976 sa 51.4%
noong 1980. Karamihan sa mga
magsasaka ay may karaniwang
buwanang kita ng humigit-
kumulang sa 1,700 (U$85 noong
1980, na mababa pa sa linya ng
kahirapan at hindi sapat na
makatugon sa mga pangunang
pangangailangan ng pamilya. Ang
isinabatas na minimum na
pasahod sa isang araw noong
1985 para sa mga patanimang
pansakahan ay 46.67 at para sa
mga hindi pataniman, 35.67. Ang
agrikultura at nauugnay na mga
industriya ay nagbibigay ng maraming mga pagkakataong pangkabuhayan at
bumubuo sa 70% ng kalahatang pagkaempleyo sa pook rural.

Ang komunikasyon, at mga serbisyong personal at panlipunan kasama na


ang pagtitindang tingi at maramihan, ay bumubuo ng may 15% ng kalahatang
taunang empleo. Ang pangatlong pinakamalaking employer ng mga mamamayang
rural ay ang mga pabrika (mga 8%). Higit na nakararami ang mga lalaki sa lahat ng
mga industriya maliban sa propesyunal, teknikal, at nauugnay na gawain, at
pagtitinda at mga serbisyo (MOLE, 1982).

Isang tipolohiya ng mga magsasakang Pilipino noong mga 1980 ang ginawa
nina Ledesma at Kornista (1981:11-15). Ang mga magsasaka ay:

1. Ang mga subsistensyang may-aring nagtatanim na matatagpuan sa mga


mataas na lupa o mga pook na inuulan. Ang magsasaka ay may sariling
bukid na pampamilya, umaani ng sapat para sa sariling pangangailangan, at
nakatali sa tradisyunal na pagsasaka.
2. Ang kasama na humahati sa ani. Siya ay nagtatrabaho sa ilalim ng isang
may-ari ng maliit na lupain o may-ari ng maliit na lupain o maaring isa siyang
manggagawang walang lupa na inalkila ng iba pang maliit na mga
magsasaka sa mga pana-panahon ng pananim.
3. Ang kahating magsasaka o umuupa sa lupa sa loob ng isang hasyenda.
Nagtatrabaho siya sa malawak na lupaing taniman ng palay, niyog, tubo, at
mga katulad nito. Ang lupain ay maaaring hiwa-hiwalay para sa layuning
pagsakahan ng maraming maliit na mga magsasaka. Ang mga ugnayan at
inaasahan ng patron-kilyente sa pagitan ng may-ari ng lupa at ng magsasaka
ay umiiral.
4. Ang manggagawang agrikultural sa hasyenda, permanente man o
pansamantala, tulad ng mga dumaan at sacadas sa mga pook ng asukal sa
Negros at Panay. Ang mga hasyenda ay may malaking puhunan sa ilang
mga bahagi ng produksyon at napapaloob sa isang sistemang agro-industriya
11 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan
tulad sa mga industriya ng asukal at niyog. Ang mga hasyendang ito ay may
pamamaraang tradisyunal sa pagsasaka na nagbubunga ng mababang
produksyon at mataas na halaga ng murang lakas pagawa.
5. Ang magagawang agrikultura, regular o kaswal, sa loob ng isang pataniman
na may malaking puhunan at may orentasyong eksport o pagluluwas ng
paninda sa ibang bansa. Ang mga korporasyong transnasyunal na
nagbibigay ng mga pangangailangan sa puhunan at pagluluwas ng produkto
ang napapaloob sa ganitong mga pataniman pangkabuhayan na maaaring
magtanim ng mga pananim na pagkakakitaan tulad ng pinya at saging.
6. Ang myembro ng isang bukid na panggrupo o isang proyektong
konsolidasyon ng lupa kung saan ang mga gawain ng grupo sa produksyon,
pautang, at pagluluwas ng produkto ay binibigyang pansin. Napapaloob dito
ang komunal na pag-aari ng lupa.
7. Ang maliliit na magsasakang may ugnayan sa isang kooperatiba o isang
korporasyon. Ito ay matatagpuan sa magkakalapit na klaster ng mga bukid,
mga kooperatibong may uring moshav, at mga katulad na ugnayan.
8. Ang indibidwal na maliliit na mga magsasakang tumatanggap ng ilang
suporta sa pamahalaan tulad ng utang sa Masagana, serbisyo sa irigasyon o
patubig, mga lansangan mula sa bukid patungong pamilihan, at iba pa. Ang
mga benepisyaryo ng repormang agraryo sa mga lupang taniman ng palay at
mais ay may mga target na grupo ng ganitong integradong programa.

12 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Mga Pamayanang Urban

Mga Pangunahing Konsepto

Kailan ang isang pamayanan ay inilalarawan bilang urban? Kailan ito


tinatawag na isang lungsod? Kung minsan ang mga terminong lungsod at urban ay
ginagamit sa makapalitan: tila walang malinaw at tiyak na pagkakaiba sa mga ito
mula sa pananaw ng karaniwang mamamayan.ngunit mayroon,tulad ng makikita
natin. Upang mabigyan ng tatak ang isang pamayanan bilang urban at rural,
gagamitin natin ang depinisyon ng sensus na bilang ng mga tao o ang kalahatang
populasyon na naninirahan sa isang pook na may tanging laki. Bagaman ang mga
pook urban at rural ay maaaring may ilang mga katangiang magkatulad, may ilang
mga huwaran ng pagkilos o mga aspekto ng buhay na katangi-tangi sa mga pook
urban. Sa mga lipunang umuunlad, ang distinksyong rural-urban ay maliwanag na
makikita. Gayon man, sa mga bansang maunlad ng Kanluran, ang mga
pagkakaibang rural—urban ay mabilis na naglalaho.

Sa panitikan ng agham panlipunan, ang urban ay ginagamit upang tukuyin


ang isang kalidad ng buhay na karaniwang matatagpuan sa mga lungsod (Hawley,
1971:8). Ang lungsod ay isang pook na binibigyang katangian ng ilang kalidad ng
buhay. Ilang mga sosyologong urban ang nagsasabi na ito ay isang pook ng mga
espesyalista. Isang katotohanan tungkol sa mga lungsod, ito ay isa lamang bagong
linang, kung isaalang-alang na ang tao ay narito na sa daigdig sa loob ng
nakakaraang milyon o higit pang mga taon. Ang urban ay tumutukoy sa isang
proseso na isang espesyal na uri ng mga ugnayang nalikha bagama’t hindi
limitadong esklusibong umiiral sa mga lungsod (Press at Smith, 1980:-11). Sa
katunayan, ang urban ay kapwa isang proseso at isang pook, sa dahilang ang mga
prosesong urban ay hindi magaganap kung walang mga pagkukunan, populasyon, at
batayang pangkabuhayan (Hawley, 1971:8)

Ang mga terminong


ginagamit sa pagtalakay ng
pamayanang urban ay urbanismo
at urbanisasyon. Inilalarawan ni
Wirth (1938:46-63) ang
urbanismo na isang paraan ng
buhay na matatagpuan sa mga
lungsod na may malaki, makapal,
at heterohenong populasyon.
Ang urbanisasyon ay tumutukoy
sa proseso ng pagiging urban
patungo sa pagiging lungsod,
pagbabago mula sa pagsasaka
sa ibang Gawaing karamihan sa
mga lungsod- at ang kaakbay na
pagbabago sa mga huwaran ng
pagkilos.

Sa Pilipinas ang mga pamayanang urban ay ipinakahulugan sa mga


sumusunod (Kawanihan ng Sensus at Estadistika, 1970):

1. Mga lungsod at munisipyong may isang densidad ng populasyon na


humigit-kumulang sa 1000 katao sa bawat kilometro kwadrado.
13 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan
2. Mga poblasyon o sentral na distrito ng mga munisipyo at lungsod na may
isang densidad ng populasyon na humigit-kumulang sa 500 katao sa
bawat kilometro kwadrado.
3. Mga pblasyon o sentral a distrito (hindi kasamasa bilang 1 at 2), Anuman
ang laki ng populasyon na nagtataglay ng mga sumusunod:
a) Huwaran ng lansangan, tulad ng pagtatagpuan ng mga lansangan na
maaaring nasa parallel o oryentasyong kanang anggulo.
b) Mga anim na establisimyento (komersyal, pabrika, panlibangan at/o
serbisyong personal) at
c) Mga tatlo sa mga sumusunod:
1) Isang bulwagang pambayan, simbahan, o kapilya na may mga
serbisyong panrelihiyon kahit minsan man lamang sa loob ng
isang buwan;
2) Isang plasang pampulitiko, parke, o libingan
3) Isang pook pamilihan o gusali kung saan ang mga gawaing pang-
negosyo ay isinasagawa kahit minsan man lamang sa isang lingo;
at
4) Isang gusaling pampubliko tulad ng isang paaralan, isang ospital,
klinika at sentrong pangkalusugan, o silid-aklatan.
4. Mga baryo na mayroong humigit-kumulang sa 1,000 mamamayan na
nakaaabot sa mga kriteryang binanggit sa bilang 3 at kung saan ang mga
hanapbuhay ng mga mamamayan ay hindi pagsasaka o hindi
pangingisda.

Ang Pinagmulan at Pag-unlad ng mga Lungsod

Ang mga pagtatanya ay naglalagay sa paglitaw ng mga lungsod noong mga anim
na libong taon na nakalilipas o mga 3,000-4,000 B.C.,sumusunod sa Rebolusyong
Neolitiko o panahong bagong Bato. Ang mga unang lungsod ay natagpuan sa
baybayin ng mga ilog na may kalapit na kapatagan tulad ng Ilog Niel sa Ehipto,ang
Ilog Tigris-Euphrates sa Mesopotamia,ang Ilog Indus sa mga Pamayanang aurban

India at ang Ilog Dilaw sa Tsina. Lahat ng mga naunang lungsod sa baybayin ng
mga ilog na may kalapit na kapatagan kung saan nalinang ang teknolohiyang
Neolitiko ay nagparami sa ani ng mga magsasaka ng higit sa kanilang
pangangailangan at nagbigay sa kanila ng matatag na pondo ng mapagkukunang
pagkain at ilang labis na ani upang ipagbili sa mga ibang taong hindi gumagawa ng
sariling pagkain. May apat na pangunahing salik ang nagbigay- hugis sa pagkalinang
ng mga lungsod (Hauser at Schnore,1966;8-9) Gist at Fava,(1964;4-18):

1. Populasyon. Isang katamtamang bilang ng mga tao ang


kinakailangan upang mapanatili ang grupong pamumuhay,ngunit isang
malaking grupong urban ang kinakailangan upang lubos na magamit ang
likas na kapaligiran sa pamamagitan ng aplikasyon ng teknolohiya

2. Kapaligiran. Ito ay tumutukoy sa klima, topograpya, mga likas na


kayamanan at ang antas na maaaring makasuporta ang mga salik na ito
sa populasyon. Ang kapaligiran ay dapat na makapagbigay ng mga hilaw
na materyales. Kung ito ay hindi maaari, ang teknolohiya ay maaaring
gamitin upang mapabilis ang produksyon.

14 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


3.Teknolohiya. Ito ay tumutukoy sa mga kagamitan mga imbensyon,
mga pamamaraan at karunungan ng tao kung saan ang mga
mapagkukunan ng isang tiyak na kapaligiran ay nalilinang. Isang mataas
na antas ng teknolohiya ay kinakailangan upang masuportahan ang isang
tiyak na populasyon.

4. Organisasyong panlipunan. Ito ay tumutukoy sa isang maayos na


mga ugnayang panlipunan ng mga tao o mga grupo, na binobuo ng isang
sistema ng mga pamantayan at mga kahalagahan. isang sistema ng
status at bahaging ginagampanan, isang sistema ng mga istatus at
bahaging ginagampanan, isang sistema ng mga pagpaparusa, at isang
sistema ng pagraranggo. Ito ay nagdudulot ng mabisang distribusyon ng
mga labis na produkto at nagbibigay ng direksyon sa mga layunin at
gawain ng mga tao. Noong mga sinaunang panahon, mga relihiyon at
mga organisasyong politikal ang humahawak ng malakas na
kapangyarihan sentral upang pangunahan ang pagbuo at distribusyon ng
mga labis na produkto.
Ang pagtatagisan ng mga salik na ito- populasyon, kapaligiran,
teknolohiya at organisasyong sosyal- ang siyang nagdulot ng pagkabuo at
paglago ng mga lungsod.

Sa panahong bago pa dumating ang industriyalisasyon, ang populasyon ng mga


lungsod ay maliit. Ang Roma, na may pagtantya ng populasyon sa 250,000 hangang
1,000,000 ay ang pinakamalaking lungsod sa sinaunang daigdig Kanluranin
hanggang sa pagtaas ng Constantinople at London. Ang mga unang lungsod na ito
ay karaniwang mga sentrong pampulitika, panrelihiyon at pangkabuhayan. Mula sa
ikalima hanggang sa ikasampumg dantaon, ang mga lungsod ay humina at ang
kalakalan ay bumagal pababa. Noon lamang ikalabing-isang dantaon na ang mga
lungsod ay muling sumigla sa mga gawaing pangkalakalan. Ang sentro ng mga
gawain ay sa mga baybayin ng dagat Mediterranean. Ang kalakalan gayon din ay
nagpasigla sa paglago ng mga lungsod sa baybaying Hilaga-Kanluran ng Europa at
sa Dagat Baltic. Isang klase ng mga negosyante ang naging makapangyarihan at
naglagak ng pundasyon sa muling paglitaw ng mga lungsod sa europa (Gist at Fava,
1964:23-25).
Ang gitnang ikalabingwalo at ikalabinsiyam na dantaon ay kinakitaan ng
paggamit ng lakas ng singaw bilang isang pagkukunan ng enerhiya, ang paglitaw ng
mga industriyang may makina, at ang paglitaw ng mga lungsod na industriyal. Ito ay
nagsimula sa Ingglatera at pagkatapos ay lumalaganap sa Pransya, Belhika,
Alemanya,at sa Estados Unidos. Sa tindi ng epekto ng Rebolosyung Industriyal, mga
pagbabagong may malayong nararating ang naganap sa kalagayang panlipunan.
Ang propesyon at ang hanapbuhay pangkamay ay naging magkaiba at ang mga
grupong byurukratiko ay lumitaw dahil sa pangangailangan ng mga tauhang may
mga gawaing espesyalisado. Ang paghina ng sistemang pyudal at ang paglitaw ng
mga bagong anyo ng pulitika at ang mga ideya ay nagpasigla rin sa paglago ng
lungsod sa Europa. Ang pag-unlad ng urban sa Kanluran ay sumulong hindi lamang
bilang isang tugon sa industriyalisasyon kundi bilang isang bunga ng pagbabagong-
anyo sa istrukturang panlipunan.
Habang sumusulong ang industriyalisasyon, ang mga lungsod ay lumago,
nguni’t ang pag-unlad ng malalaking lungsod ay isang penomema ng urbanisasyon
ng ikadalawampung dantaon sa panahong ito. Noong 1950 ang proporsyon ng
papulasyong urban ay bumubuo lamang ng 25% ng kabuuang populasyon ng
daigdig.

15 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Ang mabilis na paglago ng mga lungsod ay lumikha ng iba’t ibang uri ng
kawalan ng balanse at sa ilang mga pagkakataon ay humantong sa baliktad na
galaw ng kalakalan at industriya mula sa mga pook urban. Ang populasyong urban
sa daigdig ay naging doble mula noong 1950 at tila muling magiging doble bago
magtapos ang dantaon, kaya’t sa taong 2,000, ang populasyong urban ay bubuo sa
humigit –kumulang sa 50% ng kalahating populasyon ng daigdig (Salas,1981).

2.1 Lipunan at Kulturang Urban

Maraming teorya at pananaliksik ang isinagawa sa lipunan at kulturang


urban. Ito ay pinangunahan ng University of Chicago School noong mga 1920 at
1930, na ang prominenteng sosyologong urban ay sina Robert E. Park, E. W.
Burgess, R.O. McKenzie, at Louis Wirth. Inilarawan nila ang lungsod bilang isang
likas na sistemang ekolohikal na binubuo ng ‖mga likas na pook‖ o mga bahagi ng
pook, tulad ng mga ―slum‖, mga kapitbahayang etniko at panirahan, mga paggitnang
distrito ng komersyo at sonang industriyal na may interaksyong dinamiko. Ang
lungsod, dahil dito, ay may mga implikasyon sa mga kahalagahan at pagkilos. Si
Louis Wirth (1938:1-24) ay nagtuon ng pansin sa konsepto ng urbanismo, na isang
paraan ng buhay na bunga ng laki, densidad,at pagkakaiba-iba ng populasyon.
Inilarawan niya ang paraan ng buhay urban bilang pagpapalit ng pangalawa sa mga
relasyong primarya, ang panghihina ng mga tali ng kamag-anakan, ang bumababang
kahalagahan ng pamilya, ang paglalaho ng kapitbahayan at ang pagbalewala sa
mga basihang tradisyunal ng pagkakabuklod sa lipunan. Ang mga pagkikita nagiging
impersonal, segmental, paibabaw, panandalian, kung di man ay panlalamang. Ang
uri ng buhay pamayanan ay Gesellschaft kung saan ang mga ugnayan ay pormal,
parang bisnis at kontraktwal. Ang mga grupo at asosasyong may espesyal n interes,
na maaring panrelihiyon, pangkabuhayan, pampulitika, pang –edukasyon,
pangkultura, o panlibangan sa kalikasan ay nabuo. Di mabilang na hanapbuhay at
bokasyon ang lumitaw bilang resulta ng isang mataas na antas ng espesyalisasyon.
Ang mga tao ay may ganting tugunan sa isang limitado at espesyslisadong mga
layunin bilang guro-mag-aaral, doktor-pasyente, abogado-kliyente,o tagatinda-
mamimili. Ang mga batas ay impersonal, at ang mga ito ay ipinatutupad ng mga
alagad ng batas, mga hukuman, at iba pang mga ahensyang regulatorya.

16 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


2.2 Ang Pamilyang Urban

Ang mga pagbabagong panlipunan na kaugnay ng urbanisasyon at


industriyalisasyon ay makikita sa pamilya. Sa ilang lawak, ang industriyalisasyon at
urbanisasyon ay nakaaapekto sa istruktura at mga tungkulin ng pamilya. Ang
industriyalisasyon ay nagdulot ng higit na mobilidad heograpikal tulad ng
mapapansin sa Estados Unidos, Canada, at mga bansa sa Europa. Ang mga
pamilyang urban samakatwid ay lantad sa kapwa mga pwersang mapanira at
mapagbuo. Ang pag-aagpang ay dapat isagawa at humihingi ng mga modipikasyon
sa mga huwaran ng pagkilos sa pamilya. Ilan sa mga ugnayan ng myembro ng
pamilya. Ilan sa malalaking pagbabago, tulad ng pagkahiwalay ng pook ng trabaho
mula sa tirahan, paghahanap ng mga gawaing panlibangan na malayo sa tahanan,
mga liberal na batas sa diborsyo, ang pagkuha ng mga tradisyunal na tungkulin ng
pamilya ng mga organisasyong nasa labas ng pamilya, at ang paghina na
awtoritaryanismo sa pamilya ay nagpapahiwalay sa mga myembro ng pamilya sa
isa’t isa. Ito ay maaaring magdulot ng paghina ng taling binibigkis sa pamilya at
maaaring magwasak sa organisasyon ng pamilya. Sa kabilang dako, nariyan din ang
maliwanag na bahagi ng larawan ang mga pwersang nagbubuo. Sa Estados Unidos,
bilang halimbawa, ang ideyalisasyon ng pagsasamahang mag-asawa at magulang-
anak ay maaaring lalong nagpatibay sa pagkakabuklod ng pamilya. Ito ang mga
sitwasyong ang mga myembro ng pamilyang urban ay namamasyal sa ibang pook at
sama-samang nagsasagawa ng mga gawain tulad ng pagpipiknik o pagtutulungan sa
mga tungkuling pantahanan. Sa ganitong paraan, ang mga myembro ng pamilya ay
nagiging malapit sa isa’t isa. Maaaring mapansin na ang pakikiagpang ay ginagawa
ng mga indibidwal na pamilya. Ang ilan ay nagiging matagumpay samantalang ang
iba naman ay hindi (Gist at Fava,1964:381-382).

2.3 Ekonomiya o kabuhayang Urban


Sa mga pook urban, ang mga
hanapbuhay ay hindi pagsasaka at
hindi pangingisda. Ang pag-iral ng
mga industriyang pabrika at ang
distribusyong ng mga salik ng
produksyon ay kumakatawan sa
malaking proporsyon ng pwersa ng
paggawa ng pamayanan

Ang iba pang mga industriya ay


yaong nauugnay sa negosyo ng
malalaking bilihan o pagtitingi ng
paninda; distribusyon ng elektrisidad,
gaas, at tubig, konstruksyon,
transportasyon, pag-iimbak at
komunikasyong mga serbisyo sa
pananalapi, seguro, pagbibili ng lupa,
at iba

17 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


May paglawak ng mga gawaing propesyunal at agham at teknolohiya ay
naging higit na maunlad kaysa mga pook rural. Ang otomasyon at kompyuterisasyon
ay pumasok na sa mga industriya, na nangangailangan ng bagong espeyalisasyon
kaalinsabay ng bagong karunungan, mga kasanayan at mga saloobin. Isang bagong
etika ng paggawa na may katangian ng kasipagan, pag-iimpok, pagkamatipid at
pagkamalikhain ang lumitaw. Ang kilos ng mga mamimili ay nagbago dahil sa
paggawa ng mga pabrika ng mga produktong may katamtamang halaga na kayang
abutin ng masa. Iba’t ibang uri ng mga bangko, pagpapautang, at pasilidad sa
pananalapi ang naitatag. Ang mga establisimyento sa negosyo ay higit na naging
byurukratiko. Ang karaniwang tindahang sari-sari ay napalitan ngayon ng mga
groserya, supermarket, delicatessen, mga sentro ng fast foods, at mga restoran. Ang
pangangalakal, kapwa domestiko at pang-ibang bansa, ay naiangat at napalawak.
Ang paggawa ay higit na naging organisado sa pagbubuo ng mga unyon at mga
kooperatiba. Ang mga iskema sa seguridad panlipunan ay ibinibigay sa mga
nagreretirong myembro at yaong mga magkakasakit o mapapahamak habang sila ay
nagtatrabaho.

2.4 Relihiyon o Pananampalatayang Urban

Tulad ng ibang institusyong panlipunan, ang simbahan ay hindi nakatatakas


sa dagsa ng industriyalisasyon at modernisasyon. Tulad ng pamilya, ang mga
tungkulin ng simbahan ay humina. Ang Kanluran ay kinakitaan ng paglitaw ng
sekularismo, antiklerikalismo, materyalismo, at paghina ng supernaturalismo. May
nagaganap na pagbabagong direksyon mula sa tradisyunal na anyo ng mga gawi at
paniniwalang panrelihiyon patungo sa higit na manipetasyong intelektuwal ng
relihiyon na dulot ng mga pag-unlad sa agham at edukasyon. At ang relihiyong urban
ay higit na nagiging pormal, byurukratiko, at herarkikal.

Ang relihiyon ay nakagawa


ng mga pakikibagay sa mga
nagbabagong kalagayan ng
makabagong daigdig. Ang mga ito
ay pinaniniwalaan ng maraming
iskolar bilang isang pakikibagay sa
isang mahaba, at patuloy na
paghina ng impluwensya ng
simbahan. Napansin ang mga
pagbabago sa mga pamantayan at
kahalagang panrelihiyon, sa
liturhiya, at sa mga gawing
tradisyunal. Ang paniniwala sa
supernatural ay unti-unting
naglalaho sa mga gawaing
panrelihiyon, at ang mga
kahalagahang moral ay binabago.
Ang mga nakababatang mananampalataya ngayon ay humihingi ng higit pang mga
pagbabago. Sa mga Katoliko ng Amerika, ang teolohiya ng liberasyon ay lumilitaw.

Ang kasigasigang panrelihiyon ay maaaring humina ngunit ang mga kilusang


panrelihiyon ay nagtangkang pag-ibayuhin ang interes panrelihiyon. Bagaman ang
relihiyon sa makabagong daigdig ay nawalan ng pag-aangking makaimpluwensya sa
malaking bahagi ng buhay panlipunan ng mga tao, marami ang naghahanap ng mga
katugunan sa kanilang mga pangangailang panlipunan, pangkabuhayan, at
pampulitika sa relihiyon. Sa dahilang ang relihiyon ay isang uri ng pagtugon sa mga
18 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan
suliranin at kawalan ng katiyakan sa buhay ng tao, isang malaking bilang ng mga tao
ang bumaling sa relihiyon sa mga panahon ng krisis. Tulad ng sinabi ni Chinoy
(1967:356), ang relihiyon ay maaaring nagbibigay ng kahulugan sa mga karanasang
panlipunan sa pagtatakda ng mga kahalagahang moral sa mga pagdurusa ng tao sa
paghahandog ng isang teolohikal na patunay sa pananalig ng tao. Sa mga
paniniwalang myembro ng suportang pandamdamin, at nagbibigay ng pagdamay sa
pamamagitan ng pagpapalubag ng kalooban sa kawalang katiyakan, mga kasawian,
at ang mga suliranin. Sa mga taong ito, ang relihiyon ay nagbibigay ng katiwasayan
at pagpapalubag ng kalooban, kahulugan sa kanilang buhay, at pagbibigay ng tiwala
at pag-asa sa isang higit na magandang buhay sa kinabukasan.

Karamihan sa mga residenteng urban sa Pilipinas ay mga Katolikong


Romano. Gayon man, ang pluralismong panrelihiyon ay umiiral. Ang mga
denominasyon at sektang Protestante, Muslim, at Buddhista ay may aktibo rin. Ang
mga simbahan ay matatagpuang malapit sa pook panirahan o sa gitna ng mga
distritong sentro ng kalakal. Sa ilang mga pamilihan o ―shopping malls‖, ang misa ay
ginaganap kung Sabado at Linggo at pistang pangolin ng simbahan. Sa
mgapanirahang suburbya, isang simbahan o kapilya na may nagtatayugang
makabagong gusali ay nakatayo. Sa poblasyon ang simbahan ay nakatayo sa
gitnang posisyon sa plasa at bumubuo ng isang panuunang punto sa buhay ng mga
tao. Ang mga simbahan ay punong-puno pa rin kung Linggo at mga pistang pangilin,
bagaman ang proporsyon ng mga nagsisimba sa mga hindi nagsisimba ay hindi pa
natitiyak. Ang mga ritwal at seremonya ng simbahan na nakasentro sa pasko, mga
pista, at kwaresma ay humahatak ng pansin. Ang mga tao ay dumadalo sa mga
nobena, seminar, at mga gawaing pagbuhay sa relihiyon. Ang mga pniniwalang
rutwalistiko at mistikal gayon din ang mga gawaing katutubo ay nagaganap pa rin. Sa
isang panig, ang pagdalo sa nasabing mga ritwal at seremonya ay nagpapalakas sa
kamalayan ng pagkakabuklod sa mga myembro nito.

19 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


KAHINGIAN NG KURSO

Magsagawa ng deskriptibong pananaliksik hinggil sa inyong komunidad.

Mga Datos na Kakalapin:

1. Materyal na Kultura

Kasuotan at mga palamuti sa katawan

Kasangkapan (Pangkabuhayan, Ritwal, Sa loob ng tahanan)

Transportasyon

2. Di-materyal na Kultura

Wika

Norms

Folkways

Mores

Batas

Valyu

Paniniwala (panliligaw, pagpapakasal, panganganak, binyag, libing)

Technicways

PORMAT:

Pamagat
Kaligiran ng Pag-aaral
Layunin
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Konseptwal na Balangkas
Metodolohiya
Disenyo
Instrumento
Lokal
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Presentasyon
Buod,Konklusyon at Rekomendasyon

20 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Listahan ng Sanggunian

Mga Aklat

Castillo, M.J.A. (2008). Komunikasyon sa Kademikong Filipino 1. Santa Cruz Manila: Booklore
Publishing Inc.

Dinglasan R. (2007). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Manila: Rex Bookstore Inc.

Hufana, N.L. Wika at Kultura at Lipunang Pilipino.Iligan City: Departamento ng Filipino at


Ibang mga Wika.Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan.MSU-Iligan Institute
of Technology.

Hufana, L., Banawa, M.J, Gervacio, G.VChem, Pantorilla, R. , Sajulga, A.C. at Tiosen,
B.R.(2018). Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City: Mutya
Publishing House, Inc.

Mag-atas, R.U. et al. ( 2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Sta Cruz Manila:
Booklore Publishing Corporation

Panopio, I.S. at Rolda, R.S.( 1992). Sosyolohiya at Antropolohiya Isang Panimula. Quezon
City: Ken Incorporated.

Santos, A.L. et al. 2009. Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Malabon City: Mutya
Publishing House Inc.

21 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Mula sa Internet

https://int.search.myway.com/search/GGmain.jhtml?p2=%5EBNF%5Exdm003%5ES
33560%5Eph&ptb=A96AAB2B-2776-4926-88AD-
42C9939A988E&n=78587098&cn=PH&ln=en&si=EAIaIQobChMI1pWugrbz4gIVWnZ
gCh1XjAkXEAAYASAAEgKyV_D_BwE&tpr=hpsb&trs=wtt&brwsid=82862c45-6a0b-
4b88-b0f4-c6d1f9694ebe&searchfor=anong+ibig+ipakahulugan+ng+lipunan&st=tab

https://www.google.com/search?q=kultura&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi
bnYfLwKHrAhXXFogKHTilBrsQ_AUoAXoECA4QAw&biw=1920&bih=969

https://www.google.com/search?q=di-
+materyal+na+kultura&tbm=isch&ved=2ahUKEwiAvenYxaHrAhVQAKYKHaaYAEkQ2-
cCegQIABAA&oq=di-
+materyal+na+kultura&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQHjIECAAQHjoGCAAQBxAeUOuPC1i7lwt
ggp0LaABwAHgAgAGtAYgB_wSSAQMwLjSYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=i
mg&ei=xxo6X8C9DdCAmAWmsYLIBA&bih=969&biw=1920

https://www.google.com/search?q=batas&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjFq
rHXyKHrAhWL-mEKHVh-DqkQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1920&bih=969

https://www.google.com/search?q=wika&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi7_
pGc1KHrAhVVc3AKHYG0DQAQ_AUoAXoECA8QAw&biw=1920&bih=969

22 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Course Evaluation
Assessment Task Weigh Satisfactor Target
Course Outcomes (CO)
Addressing CO t (%) y Rating Standard
Activities/Quizzes/Assignm 60 60 75% 0f the
CO 1. Nailalahad ang
ents/Summative Test class
kahulugan ng
Major Exams 40 obtained a
wika, kultura at
satisfactor
lipunan.
y rating
CO2. Nakasusulat ng Proyekto 100 60 75% 0f the
paglalarawan sa class
wika at kultura ng obtained a
komunidad na satisfactor
kinabibilangan. y rating

Grading System
MIDTERM GRADE

Quizzes/Summative Test/Assignments/Activities …………… 60%


Midterm Exam …………………………………………………………… 40%

FINAL TERM GRADE

Quizzes/Summative Test/Assignments/Activities …………… 400%


Midterm Exam ………………………………………………………… …40%
Requirements……………………………………………………………... 20%

Note:

FINAL GRADE: 50% Midterm Grade + 50% Final Term Grade

Passing Grade
75%

House Rules/Classroom Policies


1. Students are expected to practice independent learning but are still encouraged to
consult with the teacher. Teacher will be available for consultation and advisement
during the given consultation period and can be reached thru the given content
information.
2. Written outputs should be well written and must follow given specifications.
Honesty and integrity in ideas and contents should be exercise.
3. Exercises in module and requirements shall be submitted on the date announced
by the professor.
4. A grade of INC shall be given only for those who failed to submit exercises and
project requirements.
5. The professor reserves the right to amend, modify any of the rules afore stated as
the circumstances warrant.

23 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


COURSE LEARNING PLAN
Intended Learning Outcomes (ILO) Aligned Time Course Content
By the end of the learning experience*, to CO: Frame (Topics)
students must be able to: (Week)
1. Observe University and class Orientation on University and
policies 1 Classroom Policies (VMGO,
CO and Grading System)
1. Nakapagbibigay ng kahulugan BAHAGI I:
ng wika, kultura at lipunan. WIKA:KASANGKAPAN SA
2. Nakapagpapaliwanag ng KOMUNIKASYON
kahalagahan, kalikasan at
katangian ng wika at kultura CO1 2  Depinisyon ng wika
3. Natutukoy ang ilang termino na  Depinisyon o katuturan ng
may kaugnayan sa wika, kultura wika ayon sa Iba’t ibang
at lipunan. dalubhasa
 Katangian ng Wika
1. Nailalahad nang mahusay ang  Ang Wika sa Lipunan
ginawang pakikipanayam ng  Pananaw sa ugnayan ng
grupo wika at lipunan
2. Nakapag-uulat ng tungkol sa 3  Sosyolinggwistiks
wika, kultura at lipunan ng ilang CO2  Sosyolohiya ng wika
pangkat sa Pilipinas.  Antropolohikong
Linggwistiko
 Etnolinggwistiko

1. Nakalilikom ng mga termino sa  Panlipunang Estruktura ng


pakikipag-ugnayang sosyal. wika
2. Natutukoy ang iba’t ibang  Dayalekto
varayti ng wika  Idyolek
 Sosyolek
CO1 4-5  Rejister
 Jargon at Argot
 Taboo
 Yupemismo
 Wika at Seksismo

1. Natutukoy ang iba’t ibang  Lingua Franca, Pidgin at


estruktura ng wika sa lipunan Creole
 Bilinggwalismo at
Multilinggwalismo
CO1  Pangunahin at Pangalawang
6-7 wika
 Bilinggwalismo ayon sa mga
dalubhasa
 Multilinggwalismo

24 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


1. Naiiisa-isa ang gamit at  Gamit ng wika sa lipunan
kahalagahan ng wika sa lipunang  Limang Tungkulin ng Wika
Pilipino sa Lipunan (Leech,2013)
 Pitong Tungkulin ng Wika
(MAK HALLIDAY)
 Anim na paraan ng
CO1
8 pagbabahagi ng wika
(Jackobson,2003)
 Ang Kahalagahan ng Wikang
Filipino sa Lipunang Pilipino
 Mga Tungkulin ng Wikang
Filipino
1. Nailalahad ang mga katangian, BAHAGI II: ANG KULTURANG
manipestasyon at component ng PILIPINO
kulturang Pilipino.  Ang Kulturang Pilipino
 Kahulugan ng Kultura
CO1
8  Katangian ng Kultura
 Manifestasyon ng Kultura
 Komponent ng Kultura

All ILOs covered in Midterm 9 MIDTERM EXAMINATION


1. Natutukoy ang pandaigdigang  Ang Kultura at ang Grupo
hulwaran ng kultura sa iba’t  Pandaigdigang Hulwaran ng
ibang pangkat Kultura
2. Naiisa-isa ang kultural na  Alternatibo/ Mga Alternatibo
katangian at katangiang  Pagtingin ng Ibang Tao sa
komunikatibo ng tao 10-11 sariling Kultura at Kultura ng
CO3 Iba
 Kultural na Katangian
ng Ibang Tao
 Katangiang
Komunikatibo ayon
kina Hofstede at
Triands
1. Nailalarawan ang lipunang 12-17 BAHAGI III: ANG LIPUNANG
Pilipino. CO1 PILIPINO
2. Naihahambing ang Pamayanang CO2  Ang Lipunang Rural
rural at Urban  Ang Lipunang Urban
10. 18 FINAL EXAMINATION

25 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

You might also like