You are on page 1of 24

Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga

Kababaihan
Pinagkunan ng Sermon

Ika- 6 ng Marso, 2021

Ako ay Paroroon
Isinulat ni Danijela Schubert, D.Min.
Isinalin sa tagalog ni Rosalee B. Reambillo

May Kalakip na Pagsasanay

PAGTATAGUMPAY SA MGA BALAKID SA PAGLALAKBAY SA


BUHAY
Isinulat ni Danijela Schubert, D.Min.
Isinalin sa tagalog ni Rosalee B. Reambillo

May Kalakip na Pantas-aral

Turuan mo Kaming Manalangin:


Apat (4) na mga Pamamaraan upang Magkaroon ng Madalasang Pananalangin
Isinulat ni Zdravko Stefanovic, PhD
Isinalin sa tagalog ni Rebecca B. Reambillo

Inihanda ng Departamento ng mga Kababaihan

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 1 Ako ay Paroroon Pinagkunan ng Sermon
Balangkas ng Ikalawang Serbisyo

Iminungkahing Ayos ng Serbisyo

Panawagan sa Pagsamba
Kasulatan: Mga Awit 43:4
Kung magkagayo'y paparoon ako sa dambana ng Dios, sa Dios na aking malabis na kagalakan:
at sa alpa ay pupuri ako sa iyo, Oh Dios, aking Dios.

Himno ng Papuri: 12, “Joyful, Joyful, We Adore Thee,” Seventh-day Adventist Hymnal

Pang Pastoral na Panalangin

Panawagan para sa Pagbibigay https://stewardship.adventist.org/tithe-and-offerings-readings

Kuwentong Pambata: “Ako ay Hahayo”

Espesyal na Musika o Himno: 578, “So Send I You,” Seventh-day Adventist Hymnal

Mensahe: “Ako ay Hahayo”

Himno ng Pagtugon: 573, “I’ll Go Where You Want Me to Go,” Seventh-day Adventist Hymnal

Pangwakas na Panalangin

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 2 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
Kwentong Pambata
Ako ay Susunod
Sa panulat ni Danijela Schubert
Isinalin sa wikang tagalog ni Rosalee Reambillo

Mga Props na gagamitin upang mabigyang buhay ang kwento:


panipit
basurahan
kahoy

Bago natin simulan ang ating kuwento sa araw na ito, kailangan nating magsanay na sabay sabihin ang
isang bagay. Ating sabay sabay na sabihing “Ako ay hahayo.” Gusto kong marinig ito “Ako ay
susunod!” At muli, sabay sabay nating bigkasin ang “Akoay susunod!” Maraming Salamat!

Si Joanna ay isang munting bata na nakatira sa isang paupahan na matatagpuan sa ikaapat na palapag
ng gusali. Meron ba rito na nakatira sa isang apartment o silid paupahan? (Tingnan kung may mga bata
na magtataas ng kanilang mga kamay at pasalamatan ang mga ito).

Ang paupahang ito ay bago, at ang pamilya ay masayang naninirahan dito. Ang kagandahan dito ay
meron itong balkonahe. Mula sa kusina, si Joanna ay nagtutungo sa balkonahe at tinitignan ang
maraming bagay.

Meron ba rito na nakapunta na sa mataas na dako ng makikita niyo ang maraming bagay? Maaaring
kayo ay umakyat na ng burol, puno, bundok, o maaaring isang bagay na magdadala sa inyo sa mataas
na gusali o maaaring sa balikat ng iyong ama (kung may oras pa, bigyan ng pagkakataon ang mga
bata na maibahagi kung saan sila nanggaling, nagtungo o magpasalamat sa mga nagbigay ng
kasagutan).

Gusto ni Joanna na tumingin mula sa balkonahe. Makikita niya ang ibang naglalakihang gusali,
malilliit na kabahayan, mga puno, sasakyang nagdaraan, mga eroplanong nasa ulap, mga naglalakad at
mga batang naglalaro sa di kalayuan.

Ang kanyang ina ay ginagamit ang balkonahe sa kanyang mahalagang Gawain. Kapag siya ay
naglalaba ng damit ng pamilya, at isinasampay ito sa sampayan na nasa balkonahe. Maaaring ang
inyong mga ina at ama ay ginagawa rin ang mga gayon. Ano ang ginagamit natin upang masiguro na
ang mga damit ay hindi mahulog? (ipakita ang props na panipit) mga panipit!

Ang ina ni Joanna ay nagsasampay at si Joana ay kumukuha ng mga panipit. Ooops! Nahulog ang isa
mula sa ikaapat na palapag pababa. Hindi maaaring mawala ang panipit na iyon kaya sabi ng kanyang
ina, “Joanna, pakibaba at pakikuha ang panipit para sa akin.”

Medyo nasiyahan si Joanna sapagkat siya ay makakalabas ng apartment, kaya siya ay nagsabi na
(hinto) sabay sabay nating sabihin an gating pinagsanayan: “Ako ay susunod” (siguruhing sasabihin
ito ng malakas).

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 3 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
Siya ay tumakbo pababa. At agad nakarating sa baba, sa 72 baitang pababa. Hinanap niya ang panipit
at nakita naman niya ito at masaya siyang bumalik paakyat upang maibalik ito sa kanyang ina.

Ibig ba ninyong mag-akyat baba sa handan? (tanggapin ang sagot).

Nang makumpleto nang isampay ang mga damit upang matuyo, ang ina ni Joanna ay nagsimulang
ihanda ang kanilang pananghalian. Si Joanna ay tumulong sa paghihiwa ng mga gulay. Nais ba
ninyong tumulong sa inyong mga magulang sa paggawa ng pananghalian? (kilalanin ang kanilang
mga kasagutan).

Ang basurahan ay napuno (ipakita ang basurahan) at kailangan nang tanggalan ng laman. Ang sabi ng
ina ni Joanna: “Joanna pakilagay ang basura sa malaking basurahan.” Tiningnan ni Joana ang
basurahan at sinabi (huminto, imbitahan na sumagot ang mga bata) “Ako aysusunod.” At muling
bumaba ng hagdan. Dahan dahan siyang bumaba dahil may kabigatan ang kanyang dala.

At siya ay muling umakyat sa ikaapat na palapag at ito ay medyo mahirap na sa ganitong panahon.

Nagiging malamig na sa labas kaya ang ina ni Joanna ay kailangang magsindi ng apoy upang mainitan
ang kanilang silid. Pero kailangan niya ng ilang (ipakita ang kahoy at panindi tingnan kung sino sa
mga bata ang makasasagot) kahoy at panindi. Kaya muli niyang tinawag si Joanna at sinabing:
“Bumaba kang muli ay kuhaan mo ako ng kahoy at panindi.”

Tiningnan ni Joanna ang kaniyang ina na may pagsusumamo. Ano sa palagay ninyo ang kanyang
naging tugon? (hintayin na sumagot ang mga bata na ako ay susunod). Hindi, hindi niya sinabing
“Ako ay susunod.” Dalawang beses nyang sinabi na ako ay susunod. Pero hindi sa pagkakataong iyon.

Sa pagkakataong ito kanyang sinabi, “Kailangan ba talaga?” Ang kanyang mga paa ay masakit na sa
pag-akyat at pagbaba ng hagdan.

Alam ni Joanna na masaya sa pagtungo sa baba pero ang pabalik pataas na may pataas na may dalang
mabigat na bagay ay hindi ganoong kadali. Maaaring may ibang pwedeng gumawa ng gawain.

Minsan ba meron kayong gawain na mabigat o ayaw ninyong gawin? (bigyang pansin ang kasagutan
ng mga bata na maaaring, opo minsan ay may mahirap na gawain at ayaw naming gawin pero
kailangan).

Tiningnan siya ng kanyang ina na may pagmamahal at ngumiti, kanyang sinabi, “makatutulong ito
para painitin tayong lahat diba gusto mo rin yan?.”

Mahal ni Joanna ang kanyang ina at ibig niyang makatulong sa pamilya kaya kanyang sinabi,
(hayaang sumagot ang mga bata) “Ako ay susunod”.

Si Joanna ay maraming beses na nagpanhik panaog sa hagdang iyon sa panahong nakatira siya doon.

Nang si Joanna ay lumaki, siya ay sinabihang lumipat at manirahan sa iba‟t ibang ng bansa upang
maglingkod para kay Hesus. Nang siya‟y sabihang pumunta ng Pakistan, ano sa palagay ninyo ang

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 4 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
naging tugon niya? (hayaang sumagot ang mga bata) “Ako ay susunod”. Nang siya ay sinabihang
pumunta ng Papua New Guinea, ano ang sa tingin nyo ang sagot niya? (hayaang sumagot ang mga
bata) “Ako ay susunod.” Nang sinabihan nila na pumunta siya ng Australia, ano ang sa tingin ninyo na
sagot niya? (hayaang sumagot ang mga bata) “Ako ay susunod.”

Nang sinabihan ka ng iyong nanay o tatay na tumulong sa gawaing bahay, ano ang sasabihin mo?
(hayaang sumagot ang mga bata) “Ako ay susunod.”

Kapag sinabihan ka ng Panginoong na gumawa para sa Kanya, ano ang sasabihin mo? (hayaang
sumagot ang mga bata) “Ako ay susunod.” At ngayon, oras na para bumalik kayo sa inyong mga
magulang. Ano ang sasabihin nyo? (hayaang sumagot ang mga bata) “Ako ay susunod.”

Ikaw ay tumungo, pagpalain ka ng Panginoon!

-Tapos ng Kuwentong Pambata –

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 5 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
SERMON
Ako ay Paroroon
By: Danijela Schubert
Isinalin sa tagalog ni Rosalee Reambillo

PANIMULA

Pagbati sa lahat sa pangalan ng ating Panginoong Hesus!

Gusto ba ninyo ng kuwento? Ang hiling ko ay makinig ng mga kuwento, lalo na ng mga kuwentong
naganap sa tunay na pangyayari. Ngayon, tayo ay makakapakinig ng ilang kwento tungkol sa mga
taong humarap sa mga mahihirap na sitwasyon. Bawat isa ay nagkaroon ng desisyong
makakapagpabago ng buhay. Kahit na sila ay humarap sa iba‟t ibang pangyayari, nanirahan sa iba‟t
ibang lugar, gayundin sa iba‟t ibang panahon ng kasaysayan, kailangan nilang mag desisyon. Kung
sila ay nag desisyon ng isang paraan, ang kasaysayan ay maiiba. Hindi lamang sa kanilang sarili
bagkus maging sa kasaysayan ng nasyon o bansa.

Makinig na mabuti.

(Sa mga batang makakapakinig, hikayatin sila na makilala ang pangunahing tauhan sa kwento, at kung
alam nila ang kasagutan, bago pa man ito ihayag, isulat ito sa papel at ipasa sa diyakono. Maghanda ng
isang maliit na regalo doon sa makakapagbigay ng tamang kasagutan. Kapag nahayag na ang
pangalan, ang kanilang kasagutan ay hindi na mapapabilang. Ito ay maaaring gawin sa online app, o sa
isang pirasong papel, pagtaas ng kamay, o kung saan mas komportable.)

Ang Banal na Espiritu ay nangungusap sa inyo sa pamamagitan ng mga kuwento. Buksan ang ating
mga puso at isipan sa pakikinig ng mensahe sa araw na ito habang tayo ay humaharap sa isang
desisyon na kailangan nating gawin.

UNANG KUWENTO

Siya ay isang maganda, kabataang babae. Gaya ng karamihang mga kabataang babae, sya ay nag-iisip
sa kanyang buhay at nagtatanong kung ano ang kanyang magiging kinabukasan. Siya ba ay makapag-
aasawa? O mananatili sa kanyang mga magulang sa buong buhay niya? Kung siya ay magpapakasal,
Sino ang gusto nyang pakasalan? Anong klaseng tao ba ang nababagay na mapangaasawa niya habang
buhay? Siya ba ay magandang lalaki? Mabait? Mayaman? Siguro nakasaad na sa listahan niya ang
mga katangiang ibig niya sa isang lalaki.” Pero pangkaraniwan na sa kanila ang makapangasawa ng
malayong kamag anak. Pero walang sinuman ang nakatira sa kanilang lugar. Nalalaman niyang ang iba
ay lumipat na sa ibang lugar na di kalayuan. At hindi sila nakakapagbisita sa mga ito.

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 6 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
Isa sa kanyang gawain ay umalis at magsalok ng tubig para sa pamilya. Sumasama siya sa ibang mga
babae pero sa araw na iyon siya ay nag-iisa. Pagdating niya sa balon, siya ay nakakita ng isang
dayuhan na nanggaling sa malayong lugar. Kilala niya ang mga tao sa kanilang lugar. Kaya di mahirap
malaman kung sino ang dayo. At meron ding dalang kamelyo sa di kalayuan - isa sa palatandaan.

Siya ay nag-usisa - sino sya? Saan sya nanggaling? Ano ang ginagawa niya dito? Siya ba ay naparito
upang bisitahin ang isa sa mga nakatira sa kanilang nayon? O itolamang ang lugar para tumigil bago
magpatuloy sa paglalakbay?

Wala sa kanyang ideya na ang lalaking ito, sa araw na ito (sa maikling sandali) ang buhay nya ay
magbabago magpakailanman.

Huminto ang kanyang pag-iisip, at ang dayuhan ay nakiusap at nagtanong. Kailangan niya ng tubig na
maiinom. Ngunit ang kanyang kabutihang loob ay lumawak dahil binigyan din niya ng tubig ang
kamelyo nito. Ito ay napakalaking gawain, ngunit siya ay masayang nagboluntaryo. Sa simple na
kanyang nagawa ay katuparan o tanda na ang lalaking ito ay sugo mula sa Diyos.

Napansin niyang tinitingnan siya nito habang siya ay gumagawa at nakita niyang may inilabas ito mula
sa kanyang lagayan. Nakakagulat! Bignigyan siya ng isang gintong singsing at pulseras! Sino ba
namang babae ang aayaw sa ganyang klaseng regalo? At ito ay nagtanong, kaninong anak ka? Meron
bang silid na maaring matulog upang magpalipas ng buong magdamag? Ang unang katanungan ay
sinagot niya ng may paggalang at sinabi ang kanyang pangalan. Kanya ring sinagot ang ikalawang
katanungan na meron silang espasyo upang makatuloy siya at ang kanyang kamelyo. Nung sinabi
nitong si Abraham, siya ay tumakbo ng mabilis.

Sa kanilang bahay ay kanyang sinabi sa kanyang pamilya ang nangyari sa kanya. Ang kanyang kapatid
na lalaki ay nagtungo upang maasikaso na rin siya. Pinakain nila ang kamelyo, naghanda na rin sila ng
makakain nito . Gayundin nang maiinom. Ngunit ang bisita ay hindi kumain hangga‟t hindi niya
nasasabi ang kanyang pakay.

Ibig niyang masiguro ang pagpapakasal ng babae sa kanyang pinuno. Ang kanyang pamilya ay
nagdesisyong siya ay ipakasal. Sa wakas siya ay makakapagpahinga na. Nang mapakinggan nya ang
mga kasagutan sa kanyang mga katanungan na may kinalaman sa kanyang kinabukasan. Siya ay
ikakasal! Merong plano ng pagkakasal!

Pero mas nakabibiglang pangyayari kinabukasan. Ang lalaking ito ay nagsabi na ibig niyang umalis
kaagad. Ang kanyang pamilya ay ibig na magkaroon ng sampung araw para makapag paalam sa
kanya, ngunit ibig niyang umalis agad. Ngunit nasa babae pa rin nakasalalay ang desisyon .

Nalagay ka na ba sa isang sitwasyon na kailangan mong magdesisyon kaagad? At ang desisyong iyon
ay tuluyang makapagpapabago ng iyong buhay? Ibig kong makapagisip muna kung ano ang maaring
mangyari, pag isipan ang magiging epekto at bunga nito at maging pamilyar sa mga mangyayari.

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 7 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
Siya ay walang palatandaan kung muli pang makikita ang kanyang mga magulang at kapatid na lalaki.
Nakasisiguro ako na ibig din niyang magkaroon ng tamang pagpapaalam o isang pagdiriwang - siya ay
mag-aasawa na at ito ay isang malaking bagay.

Ating makikita ang kanyang tugon sa Genesis 24:58. “At kanila ngang tinawag si Rebekah at
kanilang tinanong sa kaniya, ‘Sasama ka ba sa lalaking ito?’ At sinabi niya, ‘Sasama ako.’

IKALAWANG KUWENTO

Ito ay napakahirap na panahon. Dalawampung taong pamimighati ng dayuhang pamumuno na may


hukbong mas mataas sa ibang pamunuan.Dalawampung taon!napakatagal na panahon!Ang buong
hernerasyon ay isinilang at lumaki sa mapang abuso at mapang aping gobyerno.

Minsan ang mga tao ay ginagamit sa mga bagay na maaari nila itong magamit. Ngunit ang malupit na
gobyerno ay babagsak din. Ngunit walang nangyari sa loob ng dalawampung taon sa bahaging ito ng
mundo.

At ang kapahayagan ay dumating. Tumanggap siya ng isang malinaw na mensahe mula sa Diyos na
kailangan niyang pagdaanan. Ito ay isang kapanapanabik na balita. Ang Diyos ay may plano na
palayain ang kanyang mga tao sa matinding kapighatihan. Siya ay agarang kumilos.

Ayon sa kapahayagan ng Diyos, kailangan niyang ihatid ang mensahe sa isang taong makakapagpalaya
sa kanila mula sa pagkaalipin. Ito ay kamangha manghang panukala at siya ay nasasabik na ito ay
agarang mangyari. Ang Diyos ay magpapain sa mga kalaban sa isang lugar na malapit sa ilog. Alam
niyang alam ng Diyos ang kanyang ginagawa. Na kung saan ang mabigat na makinarya kung saan sila
umaasa ay siyang magiging bitag. Ang lugar ay lugar na di madadaanan kapag bumuhos ang malakas
na pag ulan. At ang pangalan ng lalaking napiling mamuno ay tinaguriang “thunderbolt” o kulog. Ito
ay malinaw na pain sa mga kaaway na hukbo. Hindi nila alam ang kondisyon ng lugar, sila ay
matitigil dun kapag nagpaulan, kidlat at kulog ang Diyos. Napakadali na matalo sila at mailigtas ang
bansa laban sa mapang-api.

Siya ay kilalang tao at nirerespeto, naglingkod siya bilang isang hukom at ang mga tao ay agarang
pumupunta sa kanya upang bigyan solusyon ang mga di pagkakaunawaan. Kaya ang kanyang pakiusap
na sunduin ang lalaking ito ay agarang sinunod. Maaring nakita nila ang kagalakan sa kanyang mga
mata, isang napakagandang bagay ang maaring mangyari.

Ang hindi niya inaasahan ay ang magiging tugon ng taong pinagdalhan niya ng mensahe. Nang
dumating ang kulog at narinig niya ang mensaheng galing sa Diyos, siya ay hindi nasasabik.

Siya ay tumugon na may matinding pasya. Isang kakaibang pasya.

Hanggang sa kasalukuyan sa Banal na Kasulatan ay ang mga lalaki lamang ang nagtutungo sa labanan.
Ang mga kababaihan ay may ibang tungkulin. Siya ay asawa, isang hukom, at isang propetisa.
Napakarami na ang nakaatang sa kanyang balikat.

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 8 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
Ang kanyang matinding pasya ay: “Kung ikaw ay sasama sa akin ay paroroon nga ako: nguni't kung
hindi ka sasama sa akin, ay hindi ako paroroon.” Maaring hindi siya makapaniwala sa kanyang
narinig! Imbes na pakinggan “Isang napakagandang plano! Ako ay nakahanda. Gagawin ko kung ano
ang sinabi mo!” Maaring sabihin sa kanya, “Hindi ako interesado.”

Ikaw ba ay nasa punto na abala ka sa buhay mo, na ikaw ay nasasabik para sa magiging kinabukasan
mo? At biglang may nangyari na kailangang may mabago sa buhay mo na makakapagbago ng tuluyan
sa iyong pagtingin dito?

Ano kaya ang kanyang ginawa sa sitwasyong ito?

Makikita natin ang kanyang kasagutan sa sinabi ni Barak sa Mga Hukom 4:9, “At kaniyang sinabi,
Walang pagsalang sasama ako sa iyo: gayon ma'y ang lakad na iyong ipagpapatuloy ay hindi
magiging sa iyong kapurihan; sapagka't ipagbibili ng Panginoon si Sisara sa kamay ng isang babae. At
si Debora ay tumindig at sumama kay Barac sa Cedes.”

IKATLONG KUWENTO

Mayroong iba‟t ibang paraan ang tao upang tumindig sa karamihan sa isang komunidad. Isang
siguradong paraan na makamit ng isang babae ay makapangasawa ng banyaga. Sa isang magkakalapit
na pamayanan, ang bawat isa ay magkakakilala., at ang ganyang desisyon ay isang mahalagang
desisyon na gagawin dahil ito ay panghabambuhay. At iyan mismo ang kanyang ginawa . Siya ay nag
asawa ng banyaga. Ngunit iyan ay simula pa lamang ng kanyang kahangahanga at mahirap na buhay.

Ang kanyang asawa ay may kapatid na lalaki na nakapangasawa rin na nakatira sa kanyang lugar.
Hindi ko alam kung sino ang unang nagpakasal o sila ba ay sabay na nag asawa. Pero sa palagay natin
na napakadali sa dalawang babae na makisalamuha sa mga taong nakapaligid sa kanila na nagsasabi
ukol sa desisyon nilang mag asawa. At nang humupa na ang mga usap usapan, siya ay humanap ng
paraan upang maging karapat dapat sa bagong pamilya na kanya ngayong kinabibilangan.

Gaya ng mga bagong nag aasawa, maraming mga bagay ang kailangang isaayos. Ang bawat isa ay
may kanya kanyang panlasa, gawi, mga kasanayan, wika o pananalita, paraan ng pag iisip na
kailangang alamin, unawain, hamunin, irespeto, pagtibayin. Isa pang makabuluhang bagay na
kailangan nilang harapin ay ang relihiyon. Ang kanyang relihiyon ay iba sa kanyang asawa, at
nagsimula siyang humanga sa Diyos at pananampalataya nito.

Lumipas ang unang taon ng kanilang pag-aasawa at walang balita sa mga ito gayundin sa ikalawang
taon. Kaya ang mga tao ay nagsimulang mag-usap at magkaroon ng hakahaka. Bakit wala pang anak
sa kanilang pamilya? Hindi madali sa kanya na hindi madala sa ganyang isyu, ang mga salita na mula
sa iba ay nakadaragdag sa kanyang suliranin. Pero ang pinakamatindi ay hindi pa nagaganap.

Una, ang kanyang biyenan ay namatay, at napakahirap sa pamilya na dalhin ito. Ang kanyang
biyenang babae ay lubos na nagdurusa. Gusto niya ang kanyang biyenan at malayo na ang narating
nila. Ito ay isang bagay na matutunan ng bawat biyenan - ang maging mabuti sa kanilang manugang.

Kung paano ang pagkamatay ng kanyang biyenang lalaki ay mabigat dalhin, dalawang pangyayari pa
ang nagpahirap sa pamilya. Ang kanyang bayaw at ang kanyang asawa ay parehong namatay. Isang

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 9 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
karamdaman ang dumating sa kanilang pamilya. Napaka lungkot na bagay ang nadama ng tatlong
babae. Napakahirap isipin ang sobrang kalungkutan nakanilang nadarama. Walang kasamang
kakalinga sa kanila at walang anak na magbibigay pag-asa para sa kanilang kinabukasan.

At dumating ang isang mabuti at masamang balita. Kanilang narinig ang taggutom sa kanilang lugar na
kung saan nanggaling ang kanilang mga asawa, na nagdala sa kanya sa dakong iyon. Sa katapus
tapusan maraming pagkain doon. Ang masamang balita ay ibig ng kanyang biyenan na bumalik doon
at iyon ay masamang balita.

Ano ang mangyayari sa kanya doon? Ano ang kanyang magiging buhay kasama ang biyenan?

Ang paunang desisyon ay magsasama ang tatlo patungo sa lugar na iyon. Sila ay isang pamilya
ngayon, at maganda kung sama sama sila. Isinagawa ang paghahanda. Pagpapaalam ay nabanggit at
sila ngayon ay naglalakad.

Iniwan niya ang lugar na kung saan siya ay komportable, kilala niya mga tao, alam niya ang kaugalian,
alam niya ang wika, at pupunta sa isang lugar na hindi pa niya nakikita o nararating at maninirahan sa
mga taong hindi niya kakilala. Ito ay napakahirap na desisyon. Ngunit ito ay napagkasunduan na at sila
ngayon ay nasa paglalakbay na.

Ngunit ang kanyang biyenan ay tumigil. Kanyang napag isip na sobra ito sa dalawang babae, sa
kanyang mga manugang, iwan ang kanilang lugar at sumama sa kanya. Wala naman siyang
maihahandog sa mga ito. Ang kanyang biyenan ay nagsabing hindi niya alam kung siya ay
tatanggapin pagkatapos ng sampung taong pagkawalay. Paano harapin ang kanyang sarili kasama ang
dalawang babae. Kaya ang kanyang biyenan ay hinimok sila na bumalik sa kanilang bayan at
magsimula ng sariling buhay. Mas madaling gawin kaysa ang magpatuloy na kasama siya.

Nalagay ka na ba sa isang sitwasyon na kung saan ikaw ay nakadama ng labis na kalungkutan? At ang
iyong mahal sa buhay ay namatay? At kailangan mong humarap sa isang matinding desisyon?

Maaring kailangan mong iwan ang iyong lugar, pumunta sa isang bagong lugar, bagong tao? Gaano
kahirap ito?

Napagpasiyahan ng kanyang hipag na ang kanyang biyenan ay may punto at walang atubiling
nagpaalam at tumalikod.

Ano na ang gagawin niya ngayon? Sumamasa kanyang hipag at umuwi sa kanilang bayan at mga
kamag anak? Maaring maghanap ng asawa o manatiling nag iisa sa buong buhay niya? O manatili sa
kanyang biyenan at magsimula ng bagong buhay, wlang kasiguruhan, na merong bukas para sa kanya.
Saan siya titigil? Hanggang kailan siya mabubuhay? Saan siya mamamatay at ililibing?

Ang kanyang naging desisyon ay may katatagan at malinaw. Ating basahin sa Ruth 1:16, “At sinabi ni
Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita'y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka't kung saan
ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong bayan ay magiging
aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios.”

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 10 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
IKAAPAT NA KUWENTO

Ano ang kanyang ginagawa? Siya ay nagulat.

“Siya ay natakpan ng abo, ang kanyang kasuotan ay punit, siya ay pumapalahaw na puno ng
kalungkutan at ang kanyang suot ay sako,” sabi ng kanyang utusan.

Nakakakilabot na balita. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanyang tiyuhin. Ang kanyang
pagsinta at pasasalamat sa kanyang tiyuhin ay gayun na lamang. Ang larawan ng kanyang paglaki ay
nanumbalik sa kanyang alaala.

Hindi nya lubusang naaalala ang nangyari noong namatay ang kanyang mga magulang, ngunit naaalala
niya na sa kanyang paglaki ay kasama niya ang kanyang tiyuhin. Minahal siya nito na ginawa ang
lahat upang mabigyan siya ng sapat na pagkan, tirahan, edukasyon. Iningatan siya nito at inilagay sa
kanyang isipan kung sino siya.

Iba pang mga alaala ay bumalik sa kanyang isipan. Kung paano siya kinuha upang makasama sa ibang
mga kababaihan para makasama sa bahay ng hari o palasyo. Isang ngiti ang namutawi sa kanyang labi.
Inaalala ang ginawang pag aasikaso sa kanya habang inihahanda siya na makita ang hari. At ang
kahanga hangang piging na kung saan siya ay naging reyna.

Ang maharlikang pamumuhay at mga katungkulan bilang reyna ang nagpahiwalay sa kanya at sa
kanyang tiyuhin, hindi siya maaring gumugol ng mahabang oras para dito gaya ng kanyang ibig.
Ngunit pagkarinig sa balitang ito ang nagpakabagabag ng sobra sa kanyang kalooban.

Ang kanyang unang nais ay padalhan ito ng damit. Maaring siya ay dumaranas ng kakulangan sa
pananalapi at kaligayahan niya na matulungan ito. Pero lalong nagpapalala sa pangyayari ay hindi
tinanggap ng kanyang tiyuhin ang pinadala niyang kasuotan. Bakit? Wala siyang idea kung bakit at
kailangan niyang malaman ang kasagutan dito.

Kahit na siya ay bahagi na ng maharlikang pamilya, hindi siya aktibong kabahagi ng pulitika.Ang
kanyang tiyuhin ay nakakabatid ng mga kasalukuyang nangyayari. Sa minsang pangyayari dahil sa
kanyang pamamagitan sa hari sa tulong ng kanyang tiyuhin, ang buhay ng kanyang asawa, ang hari ay
nailigtas. Ngunit mas matindi ang pangangailangan ngayon. Ipinadala ng kanyang tiyuhin ang lahat ng
impormasyon, kasama ang pahayagan na nakasulat ang bagong utos na makakaapekto sa bawat
Hudyo, hinimok siya ng kanyang tiyuhin na makipagkita sa hari at humingi ng awa at kasama niyang
magmakaawa para sa kanyang mga kalahi.

Sa ngayon siya ay nakahanda sa mga tuntunin ng kaharian at dahil na rin sa balak na pagpatay sa hari,
hinigpitan ang seguridad. Sinumang lalapit sa hari ay papatayin maliban na lamang kung siya ay
biyang kahabagan ng hari sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang setro. Ito ay masyadong
mapanganib. Hindi niya lubos maisip kung magagawa niya ang hinihingi ng kanyang tiyuhin.

Hindi niya alam kung ang kanyang tiyuhin ay masosorpresa sa kanyang magigigng tugon. Ngunit ang
kanyang tiyuhin ay may malakas na kadahilaan kaya ito ay ibinahagi sa kanya. Ayon dito, maaaring
ang sitwasyong ito ang magiging dahilan kung bakit ang Diyos ay iniluklok siya sa kanyang
kinalalagyan sa kasalukuyan. At kung hindi siya kikilos upang tulungan ang kanyang mga kalahi,

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 11 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
maaring ito ay makakasama sa kanya, habang ang Diyos ay gumagawa ng ibang pamamaraan upang
tulungan sila.

Ikaw ba nagkaroon ng pagkakataong mamuno at naharap sa isang mabigat na desisyon na kung saan
ikaw ay magsasalita para sa isang bagay o para sa isang taong walang boses para magsalita ngunit
nananangan sa iyo namakakapag salitapara sa kanya o kanila? Anong gagawin mo? Ikaw ba ay
magsasalita? O mananahimik na lamang? Ano ang maramdaman mo?

Anong gagawin mo kapag ikaw ang nasa kanyang sitwasyon?

Kanyang isinaalang alang ang sinabi ng kanyang tiyuhin.

At kanyang ipinabatid ang kanyang tugon. Ating mababasa sa Esther 4:16, “Humayo ka, tipunin mo
ang lahat ng Judio na nandito sa Susa at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o
uminom sa loob ng tatlong araw. Ako at ang mga alipin kong babae ay mag-aayuno rin. At
pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit na labag sa batas. At kung papatayin man ako, handa akong
mamatay.”

Narinig natin ang apat na kuwento ng mga kababaihan sa Banal na Kasulatan.

Maaari bang makarinig tayo ng isa mula sa isang lalaki?

IKALIMANG KUWENTO

May mga taong nakikita nila ang kinabukasan, sila ang mga tinatawag na visionary leaders na kung
saan ay nakikita nila ang mas malaking larawan at isinasaayos nila ang kanilang buhay gayundin ang
kanilang mga tagasunod.

Siya ay isang pinuno. Malinaw niyang nakikita ang hinaharap at sinisikap na maihanda ang kanyang
mga pinamumunuan sa maaring mangyari. Alam niyang na sa mga taong ito, ito ay napakahirap na
pangyayari. Kaya sinisikap niyang maihanda ang mga ito para sa darating na pangyayari sa loob ng
ilang araw, matitinding pangyayari.

Sa loob ng ilang buwan, sinisikap niyang lubos siyang maunawaan ng mga ito.

Ngunit sila ay lubusang nabulag na sa kanyang mga pangitain sa hinaharap.

At sa gabing ito, ang huling gabing na gugugol siya ng panahon para sa kanyang pinakamalapit na mga
kasama.

Ano ang mas mahalagang paraan na igugugol niya kasama ng mga ito bago ang isang malaking
pangyayari? Ito ay isa sa taunang ginagawang pagdiriwang na kung saan ang pamilya ay samasamang
maghahapunan. Subalit kanyang siniguro na ang gabing ito ay isang pangyayaring aalalahanin, kaya
kanyang binago ang ibang ritwal na may kinalaman sa okasyon.

Nang matapos ang hapunan, sila ay naglakad, isang magandang ideya na maglakad ng kaunti
pagkatapos kumain. Maaari din ninyong gawin iyon.

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 12 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
Sinabi niya sa kanila na ngayong gabi ay makararanas sila ng isang bagay na hindi nila inaasahan.
Meron silang isang espesyal na pagsasalo salo: ito ay kakaiba, ngunit iba pa rin kapag magkakasama.
Mahal nila ang kanilang pinuno at sila ay masayang siya ay kasama. Kaya hindi nila siya nauunawaan.
At kanyang sinabi na sila ay lalayo, tatalikod at ang kanilang pananampalataya ay masusubok, sila ay
matitisod nang dahil sa kanya; kanilang ikahihiya at iiwan siya.

Alam niya ang bigat na nadarama nila. At kailangan niyang gumawa ng paraan upang magkaroon sila
ng bagong pag asa. Isang bagay na kanilang maaalala. Isang bagay na makakatulong sa kanila na
makalagpas sa kanilang kinasasadlakan. Isang bagay na simple pero malalim.

Dumating ka ba sa puntong gusto mong sabihin ang isang importanteng bagay sa isang tao na
magiging dahilan sa masalimuot na buhay? Ano ang iyong sinabi? Ano ang gusto mong sabihin?

Ating mababasa sa Mateo26:31,32, “Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus,….. Datapuwa't


pagkapagbangon ko, ay mauuna ako sa inyo sa Galilea.”

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na sinabi niyang,ako ay paroroon. Matagal na panahon na
bago pa magkasala ang tao at kailangan ng solusyon, sinabi niyang, „ako ay paroroon,‟ kahit alam
niyang ito ay napakahirap. Ito ay masakit. Siya ay hindi mauunawaan, aalipustahin, kaiinisan at siya ay
mahihiwalay sa kanyang Ama ngunit sinabi pa rin niyang,ako ay paroron.‟

Bakit may mga taong nais na tumungo sa isang misyong gaya nito?!

KONKLUSYON

Atin ngayong nakilala sina Rebekah, Deborah, Ruth, Ester, at si Hesus at sa mahahalagang sandali ng
kanilang buhay.

Lahat sila ay may isang bagay na magkakapareho. Sa napaka importanteng bahagi ng kanilang buhay,
maging ito man ay nakakaapekto sa personal na buhay o sa buong bansa - at isang bagay na
nakaapekto sa sangkatauhan - kailangan nilang magpasya. Sa bawat oras na kailangan ng pagbabago
ng buhay. Ang pagpapasyang kanilang ginawa ay nabuod sa mga salitang:ako ay susunod.

Sa panahong ito, kayo ngayon ay nahaharap sa isang pagpapasya.

Tinatawagan ka ng Diyos na magtungo ka sa iyong asawa at humingi ng tawad. Na inyong nasaktan


sila dati. Ano ang iyong magigigng tugon?

Ako ay paroroon”

Tinatawagan ka ng Diyos na ikaw ay magtungo sa iyong kapitbahay, imbitahan sila sa isang salu salo.
Makinig sa kanilang mga kuwento. Ibahagi rin sa kanila ang iyong kuwento kung paano ka binago ng
Diyos. Ano ang iyong magiging tugon?

Ako ay paroroon”

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 13 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
Tinatawagan ka ng Diyos na tulungan ang mga nasa lansangan. Bigyan sila ng pagkain, damit, trabaho
at umupong kasama nila at makinig ng kanilang kwento ng buhay. Sabihin sa kanila kung gaano
kahalaga si Jesus sa iyo. Ano ang iyong magiging tugon?

Ako ay paroroon”

Ano ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa iyo? Saan ka tinatawagan ng Diyos ngayon? Ano ang iyong
magiging tugon?

Ako ay paroroon”

Nawa ang pag ibig ng Diyos ay magbigay ng kapangyarihan sa iyo na sagutin ang,ako ay paroroon.”
Sabay sabay nating sabihin ngayon akoay paroroon!”

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 14 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
PANGLINYANG PAGSASANAY

PAGTATAGUMPAY SA MGA BALAKID SA PAGLALAKBAY SA BUHAY


(OVERCOMING OBSTACLES ON A LIFE JOURNEY)
Sa panulat ni Danijela Schubert
Isinalin sa wikang tagalog ni Rosalee Reambillo

Iminungkahing Programa

Panalangin

Pagbasa ng kasulatan: Jeremiah 29:11

“Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga
pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa
inyong huling wakas.”

Maikling kuwento na may talakayan

Panalangin at Paglilimi (reflection)

Mga hakbang sa pagtatagumpay sa mga hadlang

Panalangin at pagpapasya sa pagpili ng mga paraan upang magtagumpay sa mga hadlang

Panalangin at basbas

Mga taga Roma15:13


“Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya,
upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.”

Materyales na gagamitin:
Pen gagamiting pansulat ng mga punto sa talakayan
Papel gagamiting sulatan ng mga punto sa talakayan
Mesa gagamiting pwesto ng mga 3-4 na katao sa grupo
Malaking Papel sulatan ng buod ng solusyon
Kard pagsusulatan ng mga pagpipilian ng bawat isa.

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 15 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
PAGSASANAY

PAGTATAGUMPAY SA MGA BALAKID SA PAGLALAKBAY SA BUHAY


(OVERCOMING OBSTACLES ON A LIFE JOURNEY)
Sa panulat ni Danijela Schubert
Isinalin sa wikang tagalog ni Rosalee Reambillo

Panimula
Sama sama nating simulan ang oras sa pagbabasa ng Jeremiah 29:11: “Sapagka't nalalaman ko ang
mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi
tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.”

Ito ay kahanga hangang talata at pangako na ating mapanghahawakan. Pero minsan tayo ay humaharap
sa isang sitwasyon na hindi kaayaaya para sa kasaganaan; bagkus tila ito magbibigay pinsala sa atin,
nawawalan tayo ng pag-asa at kinabukasan. Ano ang ating gagawin?

Maikling kwento na mayroong talakayan


Sa hapong ito ay makikilala natin sina Skyla, Katerins, Tessa, at Jasmin. Ating gagamitin ang ating
mga imahinasyon at karanasan habang tayo ay nakikinig sa kanilang maikling kuwento. Tayo ay
tutulungan nilang masalamin ang may kinalaman sa ating buhay at tutulungan tayong maghanap ng
mga pamamaraan upang mapagtagumpayan natin ang mga hadlang na ating kinakaharap.

Maari kayong bumuo ng grupo na may 3-4 nakatao.

Makinig sa mga ilang kwento ng mga kababaihan na humarap sa mga hadlang, at salaminin ang mga
paghihirap na kanilang hinarap.

Skyla
Si Skyla ay lumaki sa isang pamilya na kung saan ang kanyang mga magulang ay manginginom. Sila
ay napakahirap na pamilya na naninirahan sa lungsod. Ang kanyang ina ay namamalengke kapag
malapit na itong magsara upang makabili ng pagkain sa mas murang halaga o kaya ay makakuha ng
libreng mga putas at gulay na may sira upang may makain ang kanyang pamilya. Sa paglaki ni Skyla
siya ay nakaranas ng pangungutya dahil sa sitwasyon ng kanyang pamilya.

Sa isang grupo na may 3-4 miyembro ay pag usapan ang mga maaring hirap na mararanasan ni Skyla
sapagsapit niya sa hustong gulang dahil sa uri ng pagpapalaki sa kanya.

Katerina
Si katerina ay isang kabataang maraming plano. Iniwan niya ang kanyang lugar dahil ang mga
trabaho doon ay napakahirap para sa kanya dahil na din ang kanyang kalusugan ay hindi ganoong
kaganda. Siya ay nagtungo sa lungsod at nakapagtrabaho at nakakita ng paupahang kanyang titirhan.

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 16 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
Ang lahat ay tila umaayon sa kanyang mga plano hanggang may isang kabataang lalaki ang sumunod
sa kanya at puwersahang nakapasok sa kanyang bahay. At sapilitan siyang dinahas. At siya ay
nabuntis.

Sa isang grupo na may 3-4 na miyembro ay pag usapan ang mga hirap na mararanasan ni Katerina
dahil sa pangyayaring iyon.

Tessa
Si Tessa at ang kanyang asawa ay nagsisimula nang umunlad at maging matatag ang kanilang buhay,
ang bansa ay dumaranas ng krisis sa ekonomiya at ang halaga ng pera ay bumababa araw araw. May
limang anak na pakakanin ay isang mahirap na gawain. Ang pera ay para sa gatas at tinapay lang,
pero ngayon ay kailangan nang pagkasyahin para sa lahat ng pangangailangan.

Sa isang grupo na may 3-4 na miyembro ay pag-usapan ang mga hirap na kakaharapin ni Tessa sa
ganitong kalamidad.

Jasmin
Gustong gusto ni Jasmin na pumupunta sa paaralan kahit na ito ay malayo. Datapwat ang kanyang
mga magulang ay ibig nilang tumulong siya sa gawain sa bukid at hindi masyadong gumugol sa
pagbabasa at paggawa ng mga takdang aralin. Kailangan niyang bantayan ang bukid, ang mga hayop
at manahi ng medyas para sa pamilya. Ang kanyang mga grado ay bumagsak at maaring siya ay
mahuli na at kailangan niya itong ulitin sa susunod na pasukan o hihinto na lamang siya.

Sa isang grupo na may 3-4 na miyembro ay pag usapan ang mga hirap na mararanasan ni Jasminat ano
ang magiging kahihinatnan nito dahil sa pagkakahilisa edukasyon.?

Panalangin at Pagbubulay
Maglaan ng sampung minuto para sa pananalangin at pagsalamin sa mga hadlang na iyong
kinakaharap sa ngayon. O mga hadlang na kinakaharap ng inyong komunidad. Itala ang mga
hadlang/balakid at mga problema.

Mga hakbang para sa pagtatagumpay sa mga balakid


Sa isang grupo na may 3-4 na miyembro, talakayin ang mga opsyon sa pagtatagumpay laban sa mga
balakid na kinaharap ng apat na kababaihan sa ating mga kuwento, ilista o isulat ang mga balakid.

Bilang isang kabuuang pangkat, magbabahagi ang bawat grupo ng mga mapagpipilian. Gumawa ng
pinagsamang tala o lista ng lahat ng mga suhestiyon ng iba‟t ibang pangkat.

Ang pagtatapos ng kuwento


Ibig ba ninyong malaman ang nangyari sa mga kababaihan sa ating kuwento at paano nila
napagtagumpayan ang mga balakid?

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 17 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
SKYLA
Si Skyla ay pinagpala sapagkat meron siyang isang ina na kayang magbayad para sa kanyang
edukasyon, at ang kanyang asawa ay sinuportahan siya. Natapos niya ang dalawang diploma,
dalawang masters degree, doctorate at isang post graduate diploma. Ito ang nagbukas ng mga pinto
para sa isang matagumpay na sa edukasyon at pang iglesyang pangangasiwa. Kanyang natutunan ang
kahihinatnang lumaki sa isang pamilyang manginginom. Siya ay nakaranas ng pakikibaka sa
pagkakaroon ng mababang kumpiyansa sa sarili at matinding kalumbayan. Ngunit natagpuan niya
ang kasagutan sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga tagapayo at tagapagturo. Higit sa lahat hindi
siya bumitiw sa pananalangin at paghahanap sa Panginoon.

Katerina
Pinakasalan niya ang lalaking dumahas sa kanya. Meron silang tatlong anak. Naging napakahirap na
buhay sa kanya dahil hindi lamang ang kanyang asawa ang manginginom bagkus gayundin ang
kanyang anak na lalaki. Ang kanyang kalusugan ay hindi naging maganda. Ngunit napangalagaan
niyang mamuhay hanggang nubenta anyos, na kanyang ipinagpapasalamat sa Diyos. Siya ay laging
tapat sa Diyos at lumalaban sa hustisya. Siya ay isang tunay na misyonero sa kanilang lugar.
Nagbibigay siya ng mga babasahin at nagbibigay pag asa saan man siya magtungo. Ang kanyang
mga anak na babae ay nagging tapat na tagapaglingkod ng Diyos na siyang nagbibigay ligaya sa
kanya. At ang kanyang asawa ay naging mananampalataya din.

TESSA
Si Tessa ay nagsaliksik sa mga babasahin kung paano mapapakain ang kanyang pamilya sa ganitong
hirap ng panahon. Kanyang natuklasan ang mga pagkaing masustansya sa makatwirang halaga.
Nakakita rin siyang ng mga resipe kung paano lulutuin ang pagkain ng malasa. Imbes na gatas ng
baka na masyadong mahal,natutunan niyang gumawa sa pamamagitan ng soya. Imbes na karne ay
natutunan niya ang paghahanda ngmasasarap na pagkain namay ibat ibang gulay. Napalaki niya ng
masigla at malusog ang kanyang mga anak. Ang kanyang limang anak ay tapat na naglilingkod kay
Jesus.

JASMIN
Si Jasmin ay nakahanap ng nga pamamaraan upang mapag-aral ang sarili. Siya ay patuloy na nag
aral hanggat kaya niya habang ginagawa niya ang kanyang gawain sa bahay. Ang kanyang kuya ay
binigyan siya ng mga liksyon sa Matematika. Ngunit kailangan niya itong itago. Ang kanyang guro ay
matulungin at sinisigurong makukompleto niya ang kanyang grado at magpatuloy sa susunod na
klase. Siya ay nakatapos ng ilang baitang sa elementarya bago dumating ang giyera sa kanilang
bansa. Nagpatuloy siya sa pagbabasa sa buong buhay niya. Ang unang aklat na kanyang binasa ay
ang Banal na Kasulatan. Ang kanyang araw araw na kasama. Nakahanap siya ng mga pamamaraan
upang maturuan ang kanyang sarili at patuloy na makaalam sa pamamagitan ng radio. Kanyang
sinisiguro na ang kanyang mga anak na mabigyan ng maayos na edukasyon at ang ilan sa kanyang
mga anak ay naka kompleto ng mataas na pag aaral. Kanyang ibinabalik ang luwalti sa Diyos sa
kaalaman na kanyang ipinakita sa pakikisalamuha sa iba.

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 18 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
Mga pagpipilian na maaring makuha
Bawat isa ay pipili ng isa o dalawa sa mga nakatala na mga bagay na pagpipilian na maaring magamit
sa sa mga suhestiyon, repleksiyon at ang tunay na pagtatapos galing sa kuwentong ating narinig. Isulat
ang mga ito sa sulatang papel o kard. Dalhin ito at ilagy sa isang lugar na ating makikita at maging
tagapagpaalala. Alamin kung paano ang Diyos ay makapagpapabago mula sa pagdurusa patungo sa
biyaya.

Panalangin at oras ng Pagpapasya


Magtakda ng oras para sa pananalangin (pansarili o pang grupo) para sa tulong ng Diyos na
mapagtagumpayan ang mga balakid sa ating buhay, sa buhay ng iba at sa buhay na nasa ating
komunidad.

Panalangin
Diyos ko ibigay N'yo po sa akin ang katiwasayan na tanggapin ang mga bagay na di ko kayang
baguhin, ang tapang upang mabago ang mga bagay na kaya ko, at ang karunungan para malaman ang
kaibahan.

Ang Iyong mga pangako ay mapanghawakan ko upang aking matanto ang inyong mga plano para sa
akin, plano na pagpapalain ako, at hindi ipapahamak, plano na mabigyan ng pag asa tungo sa
kinabukasan.

Tulungan ako na magtiwla sa iyo at ang mga kahirapan ay maging isang pagpapala din sa iba.
Amen.

Romans 15:13
“Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang
kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.”

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 19 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
PANTAS-ARAL

Turuan mo Kaming Manalangin:


Apat (4) na mga Pamamaraan upang Magkaroon ng Madalasang Pananalangin

Isinulat Ni Zdravko Stefanovic

Isinalin sa tagalog ni Rebecca B. Reambillo

Nang si Jesus ay narito sa lupa, Siya ay naglingkod sa mga nangangailangan. Sa mga panahong ito, ang
Kanyang mga disipulo ay humiling ng isang bagay. Isa sa mga hindi malilimutang bagay ay dumating
matapos manalangin ni Jesus. “Jesus, turuan mo kaming manalangin” (Lucas 11:1), ang sabi nila.

Agad nagpatuloy si Jesus sa pagturo sa Kanyang mga disipulo ng tunay na halaga ng tamang
panalangin, na mas kilala ngayon bilang, Ang Panalangin ni Jesus.

#1 Natututo sa pamamagitan ng paggawa

Nang turuan ni Jesus ang Kanyang mga disupulo kung paano manalangin, Hindi siya naghayag sa
pamamagitan ng paksa o pangangaral. Sa halip tinuruan Niya ang Kaniyang mga disupulo ng tamang
panalangin. Kanyang sinabi, “Gusto mong matuto kung paano ang manalangin? Tayo ay manalangin.
Ganito kung paano.”

Maraming iba pang teksto sa Bibliya na naglalaman ng panalangin. Hindi ka makakasumpong ng may
kahabaan na diskurso sa paksa. Ang Biblia ay naglalaman, sa halip, maraming Espiritong panalangin
na nanggaling sa puso at sa bibig ng mga nananampalataya sa Diyos.

Ang personal na Panalangin sa Panginoon ay isang panalangin sa sinalita ni Hannah sa Santuaryo sa


Shiloh (1 Samuel 1) o ang panalangin ni Jonah para sa kanyang kalayaan sa malaking isda (Jonah 2).
Ang panalangin ni Propeta Elijah sa bundok ng Carmel (1 Mga Hari 18) ay isang magandang
halimbawa ng panalangin patungkol sa kadakilaan ng Panginoon. Ang dedikadong panalangin ni
Haring Solomon para sa templo (1 Mga Hari 8) ay isang pagpapakita ng Inaugural na panalangin para
sa banal na lugar. Pwede tayong matuto pa patungkol sa panalangin para sa iba na tulad ng
panalangin ni Daniel para sa kaniyang nasasakupan sa Babilonya (Daniel 7). Ang magandang
halimbawa ng dedikadong panalangin ni Kristo sa Genthsemane (Mateo 26), nang Siya ay handang
nagpasakop sa kalooban ng Kaniyang Ama. At ang iba pa, ang panalangin ni Jesus sa itaas ng silid

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 20 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
(Juan 17) ay ang pinakamahusay na panalangin para sa pagkakaisa sa pagitan ng kanyang mga
tagasunod.

Malinaw na ang panalangin ay likas, kusang loob na pagpapahayag ng ating nararamdaman para, o
tungkol, sa Diyos.

#2 Napakadakila, at Siya ngang malapit na

Para sa iba noong panahon ni Jesus, ang Panginoon ay mataas na nilalang, naluklok sa trono ng langit.
Kay Jesus ito ay iba. Ang makapangyarihang Diyos ay tinatawag niyang Abba Ama sa Kaniyang
panalangin. Ito ang pamamaraang pagtawag sa Ama na laging naririnig sa labi ni Jesus, na Isang
malalim na salita na mas kilala sa tawag na “Daddy” o “Papa” sa panahon ngayon. Si Jesus ay
nanalangin tulad ng isang bata na nakikipag usap sa kanyang ama, na may kapayakan, may malalim
na relasyon at may kapanatagan.

Ang panalangin ng bayan ng Diyos sa Biblia ay nagsasabi na may Diyos na kahit sa langit at sa langit ng
mga langit ay hindi nakapaglalaman (1 Mga Hari 8:27). Gayun din sinabi ni Jesus na manahan sa
pamamagitan ng pananampalataya sa puso ng isang nananampalataya. Ang panalangin ay
pagpapakumbaba ng puso ng isang tao sa Hari ng sangsinukob upang siya ay manahan sa
pamamagitan ng pananampalataya.

Ang panalangin ni Haring David sa Mga Awit 8 ay pagpupuri sa Panginoon, na ang Kanyang ngalan ay
dakila sa buong mundo, na ang kaluwalhatian ay nasa taas ng langit, at ang kanyang gawa ay ang mga
buwan at ang mga bituin, ang likha ng Kanyang mga daliri. Ngunit ang aklat ng Mga Awit ay nagtuturo
na ang Panginoon ay maingat sa kanyang mga likha. Nang naramdaman ni Haring David ang labis na
pagkalungkot ay nagsabi, “Ngunit ako ay uod at hindi tao” (Mga Awit 22:6), Siya ay nanalangin.
”Ngunit huwag Kang lumayo, Oh Panginoon “ (bersukulo 12).

Maari ba nating tawagin ang Panginoon gaya ng pagtawag ni Jesus? Maaari, siyempre. Sa
katotohanan, kailangan natin. Isa sa nakakalungkot na pangyayari ay sa Hardin ng Gethsemane, na
sinabi ni Jesus, “Abba, Ama….. lahat ay maaari para sayo. Ilayo mo sa akin ang sarong ito, gayon may
hindi ang aking kalooban, kundi ayon sa iyong kalooban” (Mark 14:36)

Si Apostol Pablo ay nagsasabi na tayo ay Anak ng Panginoon na nananalangin sa pamamagitan ng


Kanyang Espirito. “Abba, Ama” (Roma 8:15; Galacia 4:6). Sinabihan din niya ang mga
mananampalataya ng Efesus na sila ay manalangin sa harap ng Ama, na kung saan ang kaniyang
buong pamilya sa langit at sa lupa ay tamuhin ang Kaniyang ngalan: sa kabila ng Kaniyang dakilang
yaman tayo ay Kaniyang palalakasin sa Kanyang kapangyarihan upang si Kristo ay tumahan sa ating
mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya (Efeso 3:14-17).

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 21 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
#3 Unahin kung ano ang mga dapat mauna

Sa pangangaral sa bundok, tinuro ni Jesus sa mga tao na hanapin muna ang Kanyang kaharian, at ang
Kanyang katuwiran: at ang lahat ng mga bagay na Kanilang hinihingi ay pawang idaragdag sa kanila
(Mateo 6:33). Isinabuhay ni Jesus kung ano ang Kanyang pinangaral. Ang Kanyang panalangin sa Ama
ay unang pinatungkulan ang kabanalan ng Kanyang pangalan, ang pagdating ng Kanyang kaharian, at
ang kapanagumpayan ng Kanyang kalooban dito sa lupa. Ito ang nauna sapagkat ang lahat ay
Kanyang ginawa at inanyuan, nilikha Niya sa Kanyang kaluwalhatian (Isaias 43:7). Noon pa man ang
kaluwalhatian ay sa Diyos lamang, nararapat lamang na ibigay kung ano ang sa Kanya.

Pagkatapos manalangin patungkol sa ngalan ng Diyos at kaharian, nakatutok si Jesus sa ating pang-
araw araw na pangangailangan sa pagkain, kapatawaran, at pananampalataya. Ang lahat ng ito ay
ibinigay ng Panginoon sa atin bilang isang regalo. Sa Bibliya, ang panalangin ay kadalasang
nagsisimula sa papuri sa Panginoon, o pagbibigay papuri sa Kanya, at huli ang pagsabi ng ating
kahilingan.

Ang panalangin ni Solomon para sa templo ay “O Panginoon, Diyos ng israel, wala ng ibang diyos na
gaya mo sa taas ng langit o sa ibaba ng lupa” (1 Mga Hari 8:23). Tulad ni haring Jehoshaphat, nang
siya’y may kinaharap na pagsubok, siya ay nanalangin, ”At kaniyang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng
aming mga magulang, di ba ikaw ay Dios sa langit? at di ba ikaw ay puno sa lahat na kaharian ng mga
bansa? at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at lakas, na anopa't walang makahaharap sa iyo” ( 2
Chronica 20:6 ). Si Habakkuk, isang propeta, nag simula sa panalangin, “Oh Panginoon, aking narinig
ang kagitingan mo, at ako'y natatakot: Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga
taon; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan.”
(Habakkuk 3:2). Nang ang mananampalataya sa Iglesia ay binantaan ng paghihirap, Sila’y nanalangin,
“Oh Panginoon, ikaw na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nangasa mga yaon” (
Mga Gawa 4:24 ).

Hindi ito nagsasabi na ang mga tao sa Biblya ay hindi nananalangin sa kanilang pangaraw araw na
pangangailangan. Sa makatuwid sila ay madalas na nananalangin para sa bagay na ito. Sila ay
nagsimula sa panalangin nag bigay kaluwalhatian sa Diyos, papuri sa Kanya, sa Kanyang
kapangyarihan at habag at pagtutuon ng pansin sa iba pa nilang pangangailangan.

Pagdating sa panalangin, Si Jesus at ang Biblya ay tinuturan tayo na unahin kung ano ang mga dapat
mauna.

#4 Hindi magbago ngunit magpabago

Ang mahalagang sinabi ni Jesus sa kanyang panalangin ay, “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin
nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.” (Mateo 6:10). Ito ay

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 22 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
pinalawak pa sa paggamit ng salitang “Amen” (bersikulo 13), ang nakagawiang pagtapos ng
panalangin ngayon tulad ng mga panahon sa Biblya.

Marami sa atin ang nakakaalam na ang Amen ay nangangahulugang “Ito ay mangyari!” ang ilan ay
hindi nalalaman na ang amen sa dulo ng panalangin ay hindi nakapagtitibay ng panalangin ng isang
tao, ngunit napagtitibay ang plano ng Panginoon para sa taong nananalangin. Ito ang dahilan na ang
kalooban ng Diyos ang syang mahayag. Ang pagsabi ng “Amen” sa Panginoon ay isang pagpapahayag
na tayo ay handang magpasakop sa Panginoon at handang tanggapin ang kanyang kalooban.

Ang tunay na layunin ng panalangin ay hindi sinusubukang baguhin ang isipan ng Panginoon o ang
kanyang plano para sa atin o sa mga taong pinapanalangin natin. Ito ay binabago tayo at gumagawa
sa atin upang tayo ay tumalima sa kanyang kalooban. Ito ang dahilan kung bakit si Jesus ay
nanalangin sa Gethsemane: “Gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo” (
Mateo 26:39 ).

Ang salmista ay nagtapat sa pasimula ng kanyang panalangin na, “Sapagka't wala pa ang salita sa
aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo” (Mga Awit 139:4). Tinapos niya
ang kanyang panalangin sa isang kahilingan: “Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip: At tingnan mo kung may anomang lakad ng
kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan” (bersikulo 23, 24).

Ang Kristiyanong Iglesiya ay nabubuhay sa palibot ng panalangin. Ang mga nangunguna at miyembro
nito ay tunay na hinahangad ang patnubay ng Panginoon sa araw-araw (Mga Gawa 1:4; 2:4, 42). Sa
mga panahong ito, ang panalangin ang pinakamakapangyarihan na bagay na kung saan ang mga
Kristiyano ay haharap sa mga sumasalungat at umuusig sa kanila. Ito ang dahilan kung kaya’t patuloy
na hinuhubog ang Iglesiya sa disenyo ng Panginoon.

Masasabi natin katulad ni Pablo. Ang Panginoon ay hinahalintulad sa kanyang disipulo na si Ananaias
sa simpleng salita, “Siya ay nananalangin” (Mga Gawa 9:11). Si Pablo ay binansagang mapanalanginin
na tao, siya ay hinubog bilang Apostol at unang misyonero ni Jesus sa mga Gentil. Sa pamamagitan ng
panalangin, ang Banal na Espiritu ay binigyan siya ng karunungan at kaunawaan na kinakailangan niya
sa kaniyang ministeryo.

Ang mga Kristiyano ay nananalangin na may bukas na puso at isip, na ibinibigay ang kasagutan sa
Diyos. Sinabi ni Propeta Amos, “Magsihanap kayo ng kabutihan, at huwag kasamaan, upang kayo'y
mangabuhay; at sa gayo'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay sasa inyo, gaya ng inyong
sinasabi. Inyong kapootan ang masama, at ibigin ang mabuti, at kayo'y mangagtatatag ng kahatulan
sa pintuang-bayan: marahil ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay magiging mapagbiyaya sa
nalabi sa Jose” (Amos 5:14-15). Sa parehong katuruan na makikita sa aklat ni Joel: “At
papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y
magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan,
banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan. Sinong

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 23 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon
nakakaalam kung siya'y hindi magbabalik-loob, at magsisisi, at magiiwan ng isang pagpapala sa
likuran niya, ng handog na harina, at ng inuming handog sa Panginoon ninyong Dios?” (Joel 2:13-14).

Ang mga halimbawang ito ay tinuturuan tayo na ang ating panalangin ay hindi binabago ang
Panginoon, ngunit, datapuwa’t tayo sa ating sarili ay magpabago at handang tanggapin ang kalooban
Niya sa ating buhay.

Malalaman natin ang apat na bagay sa panalangin ni Jesus at ang bilang ng panalangin ng ibang mga
tao sa Biblia: Una, ang mabisang paraan upang matuto kung paano manalangin ay sa mismong
pagdarasal. Pangalawa, sa Diyos, kung kanino tayo nananalangin, isang dakila, tunay na Siyang
malapit sa atin na maaari nating tawaging Ama, Daddy, o Papa, tulad ng ginawa ni Jesus. Pangatlo,
kapag tayo ay nananalangin, ilagak natin ang kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran bago pa
man ang ating pang araw-araw na saloobin o pangangailangan. At pang-apat, ang ating panalangin ay
mayroong halaga sa ating paghahanda sa pagtanggap ng kalooban ng Panginoon, at hindi baguhin
ang Panginoon o ang Kanyang plano para sa atin.

2021 Pandaigdigang Araw ng Panalangin ng mga Kababaihan 24 Ako ay Paroon Pinagkunan ng Sermon

You might also like