You are on page 1of 1

Ang kaugnay na Literatura ay kung saan inilalahad ng mga mananaliksik ang mga pinagsiyasatan at mga

sinuring libro, artikulo, dyaryo, at iba pang mapagkukuhanan ng mga datos o impormasyon (maaring
local o foreign) na may kaugnayan sa pag-aaral na gagawin upang maunawaan at maimbestigahan ang
suliranin. Ang pagsusuri ng kaugnay na panitikan ay ginawa upang makapagbigay ng pangkahalatang-
ideya. Sa pag-gawa ng kaugnay na literatura mayroon itong paglalarawan, buod, at masusing pagsusuri
sa mga datos na nakuha na may kinalaman sa pag-aaral na gagawin. Ito ay may layunin na
nagpapaliwanag sa pananaliksik, pinapakita dito kung bakit kailangan isagawa ang pananaliksik, at
ipinapakita kung paano naging kagamit-gamit ang mga teorya o metodolohiyang ginawa. Ang halimbawa
ng kaugnay na literatura sa ibaba ay nagpapakita ng mga kaugnay na mga panitikan na sinuri upang
maging tiyak at makatulong sa pananaliksik na kanilang isinagawa. Katulad na lamang ng paggamit nila
sa wika at stratehiya ng pagtuturo na kung saan ito ay may kaugnay sa kanilang paksa at sinuri nila ang
mga ito na nanggaling sa mga libro (lokal o internasyonal).

You might also like