You are on page 1of 8

SEMI-DETAILED LESSON PLAN IN FILIPINO 12

Filipino sa Piling Larang (Akademik)

I. Layunin:

A. Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin.


(CS_FA11/12PU-0p-r-94))
a.1. Nakikilala ang kahulugan ng sanaysay ng larawan o photo essay.
a.2.Nakasusulat ng isang sanaysay ng larawan o photo essay.
a.3. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin sa pagsulat ng sanaysay
ng larawan o photo essay.

Paksa: Sanaysay ng Larawan o Photo Essay


Sanggunian: https://prezi.com/4ec_7deqhe2x/pictorial-essay/
(binuksan noong Abril 24, 2017)
https://http543.wordpress.com/2016/10/17/pictorial-essay-
hakbang-tungo-sa-pagbabago/(binuksan noong Abril 24, 2017)
Kagamitan: aklat, laptop, projector, chalk at chalk board, manila
paper, pentel pen
II. Pagpapalawak ng Aralin:

A. Pagganyak:
Buuin ang kasunod na puzzle at sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

1. Anong imahe ang pinakikita ng larawan?


2. Sumasalamin ba ang kulturang Pilipino sa larawan? Suportahan ang iyong
sagot.
3. Mayroon ka bang karanasan na maaaring iugnay sa larawan? Isalaysay ito.
4. Ano ang mensaheng nais ipabatid sa iyo ng larawan? Gaano ito kahalaga sa
iyong sarili?
5. Makasusulat ka ba ng isang sanaysay buhat sa larawang ito? Paano mo ito
gagawin?
6. Sa iyong palagay ano ang kaugnayan ng gawain ito sa ating paksang
tatalakayin?

Halimbawa:

ANG PAMILYANG PILIPINO


Noon at ngayon
http://criselasor.blogspot.com/ (binuksan noong Abril 24, 2017)

Malayo na ang narating ng tao sa lahat ng larangan at aspekto. Ang


teknolohiya, siyensiya, moda, pelikula, medisina at iba pa ay malayong-malayo
na kumpara sa ngayon. Ganundin ang pananampalataya, kaugalian, paniniwala,
kasabihan at iba pang lumang nakagawian nang mga tao ay iba na rin sa
kasalukuyan. Kung hindi man ito tuluyang nabago ng modernong panahon
karamihan naman ay lubusang nag-iba siguro’y nakatakda talaga ito dahil ang
tao noon at ngayon ay malaki ang pagkakaiba.
Anne Curtis Paolo Ballesteros

Ano-ano ito?
Halika, liripin natin ang ilang pagkakaiba at pagbabago ng noon at ngayon. Mula
sa may kababawan hanggang sa may kalaliman.
Noon. Hindi lahat ng babae ay maganda.
Ngayon. Hindi lahat ng maganda ay babae.
Noon. Ang “virginity” sa kababaihan ay isang malaking isyu.
Ngayon. Pangkaraniwan na lamang sa magkasintahan ang premarital sex.
Noon. Karamihan sa kababaihan ay tipong “Maria Clara”.
Ngayon. Karamihan sa kababaihan ay liberated na.
Noon. Ang tattoo sa katawan ay iniuugnay lamang sa mga preso at ex-convict.
Ngayon. Ang tattoo kahit anong itsura ay itinuturing na form of art.
Noon. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga naka-shorts at nakatsinelas sa mga
establisimiyento.
Ngayon. Cool nang maituturing kung ikaw’y naka-shorts ng ubod ng igsi at
nakatsinelas lamang kahit saan ka man magtungo.
Noon. (Halos)Libre ang inuming tubig at ligtas kahit galing sa gripo.
Ngayon. Debote na ang tubig at mineral ang tawag kahit hindi naman.
Noon. Ang pagmamano, pag-gamit ng po at opo ay pangkaraniwan lang sa
kabataan.

Ngayon. Ang pagmamano, pagsasabi ng po at opo ay bihira na lang at tila ‘di


komportable ang kabataan sa pag-gamit nito .
Noon. Kuntento at nakangiti na ang masang Pinoy sa matamis na kamote at
kapeng barako.
Ngayon. French Fries at kape sa Starbucks ang paborito nang naghihirap daw
na Pinoy.
Noon. Ang singko, mamera lalo’t ang piso ay malaki ang halaga at marami ang
mabibili.
Ngayon. Halos wala ng halaga ang sampung pisong nasa bulsa mo.

Noon. Malaki ang respeto ng mga anak sa kanilang mga magulang na isang
sutsot pa lang ay agad na tumatalima ang anak.
Ngayon. Halos wala ng galang ang mga anak sa magulang. Kahit lawit na ang
dila ng magulang sa kakasaway ay hindi pa rin sumusunod ang anak.

B. Pagpapayabong ng Talasalitaan
Pumili ng isang salita na hindi pamilyar ang kahulugan nito sa iyo. Ilapat ito
sa susunod na grapik organayser at gawin ang panutong nakapaloob dito.
Isulat ang rito ang
iyong napiling salita
_________________
_________________ Ano ang kahulugan ng salitang iyong napili?
____ ________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________

Saan mo Napapaisip
Kabalitaran ng
nakita ang ako ng
salitan ito ay
Iguhit rito ang larawan salitang ito? salitang ito na
____________
____________ ____________
____________
____________ ____________
____________
____________ ____________
____________
____________ ____________
____________
____________ ____________
____________
____________ ____________
______
______ ______

Bilugan kung anong bahagi ng pananalita ang


napili mong salita
Pangngalan Pandiwa Pang-uri Pang-abay

Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.


1. Ano ang kahulugan ng sanaysay ng larawan o photo essay?
2. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng larawan sa pagsulat ng
sanaysay?
3. Ano-ano ang hakbang sa pagsulat ng sanaysay na larawan o
photo essay?
4. Nakatutulong ba sa pagpapatalas ng imahinasyon ang pagsulat ng
sanaysay ng larawan o photo essay? Suportahan ang iyong
sagot.
5. Sa papaanong paraan mo magagamit ang pagsulat ng photo
essay sa iyong napiling larangan? Magbigay ng halimbawa.

III. Mga Gawain


A. Pangkatang Gawain
1.a. Gawan ng balangkas ang photo essay na iyong nabasa (ANG
PAMILYANG PILIPINO, Noon at ngayon)

1. b. Gawan ng sanaysay ang sumusunod na mga larawan ayon sa


pagkasunod-sunod nito. Ibahagi sa klase ang inyong likha.

Pampanga Bulacan

Zambales Nueva Ecija

Tarlac Aurora

Bataan

B. Paglalahat
Maghanap ng larawan na may kaugnayan sa araling natalakay. Ilapat
ito sa graphic organizer at gawin ang mga gawain sa loob nito.

Idikit dito ang larawan

Ano ang kaugnayan ng larawan


sa araling natalakay?

_________________________
_________________________
________________

Ano ang natutuhan mo?

C. Paglalapat
Kumuha ng larawan na may kaugnayan sa iyong larang. Gawin
itong batayan sa pagbuo ng iyong sariling sanaysay ng larawan
o photo essay.

D. Pagtataya
Tukuyin kung Tama o Mali ang pahayag. Isulat nang buo ang
iyong sagot.

___________ 1. Mabubuo ang photo essay kahit wala ang larawan.


___________ 2. Maaring gumamit lang ng isang larawan sa pagsulat ng
photo essay.
___________3. Kahit hindi sunod-sunod ang mga larawan makakabuo ka ng
isang sanaysay.
___________4. Ang pagkakaugnay-ugnay ng mga larawan ay mahalaga sa
pagsulat ng photo essay.
___________5. Nakatutulong ang transiyunal devices sa pagsulat ng photo
essay.

Rubric sa Pagmamarka ng photo essay.

Pamantayan 4 3 2 1
Pagkamalikhain Kakaiba ang May Pangkarani- Maligoy o
pamamaraan bahagyang wan ang magulo ang
ng pagsulat kakaiba sa pamamaraan pamamaraan
at pagpili ng pamamaraan ng pagsulat ng pagsulat
paksa. ng pagsulat at pagpili ng at pagpili ng
at pagpili ng paksa. paksa
paksa.
Nilalaman Gumamit ng Gumamit ng hindi hindi
napapana- napapana- napapanahon napapana-
hon paksa at hon paksa at paksa at may hon paksa at
may kohirens may bahagyang walang
ang sanaysay bahagyang kohirens ang kohirens ang
na sinulat. kohirens ang sanaysay na sanaysay na
sanaysay na sinulat. sinulat.
sinulat.
Larawan Angkop at May Bahagyang Hindi angkop
tugma sa bahagyang angkop at at tugma ang
paksa ang hindi angkop tugma sa ginamit na
ginamit na at tugma sa paksa ang mga larawan.
mga larawan. paksa ang ginamit na
ginamit na mga larawan.
mga larawan.
Inihanda nina:

Isinumite kay:

Alexander F. Angeles
EPS-FIL Div of Gapan City

You might also like