You are on page 1of 3

Rehiyon 2: Lambak ng Cagayan

1. PANITIKAN NG REHIYON 2 Ang rehiyon II ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa hilagang-


silangang Luzon, sa pagitan ng kabundukang Cordilleras at ng Sierra Madre. Binabagtas ng Ilog Cagayan,
ang pinakamahabang ilog sa bansa, ang gitna ng rehiyon at dumadaloy patungong Kipot ng Luzon sa
hilaga. Ang Lambak ng Cagayan – ay matatagpuan sa pagitan ng bulubundukin ng Sierra Madre at
Cordillera Sentral sa Hilagang-Silangang Luzon.

2. MGA LALAWIGAN AT KABISERA • Batanes – Basco • Cagayan – Tuguegarao • Isabela – Ilagan •


NuevaVizcaya – bayombong • Quirino – Cabarroguis

3. PANITIKAN NG REHIYON 2 PANITIKAN -Galing sa salitang “pang |Titik | an “-Titik ay nangangahulugang


Literature mula sa salitang Latin na “Litterana” -Nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga
karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. -Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga
pananampalataya at mga karanasang may kaugnayan ng iba’t-ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa at mga marami pang iba.

4. MGA PANITIKAN NG REHIYON 2 BUGTONG ( PALAVVUN) -Ginagamit nang mga Ibanag bilang isang
anyong pang-kasiyahan o kung sa ibang kaso , maaari rin itong isang anyo ng tagisan ng talion. -Pang-
relaks kung pagod.

5. Halimbawa ng Bugtong: Egga’y tadday nga ulopa Funnuan ng kanna’y baggutna. -KANDELA Salin
Mayroong isang bagay Na kinakain ang kanyang sarili. -KANDILA

6. Halimbawa ng Bugtong Egga’y babai ta Manila Maguina toye’y guhi na. -ARUGOK Salin Ang Baboy sa
Manila Kung umiyak ay naririnig ng sanlibutan. -KULOG

7. MGA PANITIKAN NG REHIYON 2 KASABIHAN -Ang kasabihan ay pahayag na nagbibibigay ng payo o


nagsasaad ng katotohanan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan.
-Nakagawian na ng mga Pilipino na maghayag ng kanilang mga pilosopiya sa buhay, mga karanasan, at
mga bunga ng kanilang pagmamasid-masid, sa pamamagitan ng mga salawikaing may tugma at mga
kasabihan.

8. Halimbawa ng Kasabihan Ti makatunog, makamukat Ti nasalugok, agbiag. Salin Ang makatulog ay


magkamula Ngunit ang paspas’ng galaw ay mabuhay.

9. Halimbawa ng Kasabihan Aniammu ibilang Nu ari paga nakkade liman. Salin Huwag mong bilangin
Kung wala pa sa iyong kamay.

10. MGA PANITIKAN NG REHIYON 2 SALAWIKAIN -Ang mga salawikaing Ibanag o “unoni” sa local na
dayalekto ay pwedeng isang prosa o maaari rin itong tula. -Ito ay patuo na kinapupulutan ng aral.

11. Halimbawa ng Kasabihan Ammetan massippitta Se yo ahao baccan la tata. Salin Never presume to
much for these are still Many days after today.

This study source was downloaded by 100000841601805 from CourseHero.com on 11-12-2022 18:32:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/97501991/Rehiyon-2docx/
12. Halimbawa ng Kasabihan Ino ammena mallangngi So naggabbuatanna Mena macadatang so angan
na. Salin He who never looks back to Where he comes from never Reaches his destination.

13. MGA PANITIKAN NG REHIYON 2 AWITING BAYAN -Ang mga awitin ay mga kantang para sa pag- ibig at
madalas ang mensaheng dinadala nito ay pangako, pagtatapat, paninigurado, mga pagtuturo at pag-
alalay na maibibigay.

14. Halimbawa ng Awiting Bayan • Manang Biday • Abumbu-ca Appatanca O Futug (You AreToo Much Of
My Heart) • Anggam a Melamang (Forgotten Love)

15. MGA PANITIKAN NG REHIYON 2 KUWENTONG BAYAN -Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga
alamat, ay mga salaysay ng ating mga ninuno na nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal
na may akda. -Ito ay nagpapalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa
paglipas ng panahon.

16. Halimbawa ng Kuwentong Bayan •Alamat ng Lakay-lakay •Kung paano kami nagging Ilongot

17. MGA MANUNULAT SA REHIYON 2 -Ipinagkapuri ng Rehiyon II ang mga tanyag na premyado nitong
manunulat. Bukal sa kaloobang ibinahagi ang kanilang ginintuang kaisipan at mga butil ng kalamaman
Kabilang dito sina: Greg Laconsay, Ruperta VR, Asuncion, Benjamin M. Pascual, Reynaldo Duque, Rogelio
A. Aquino at marami pang iba.

18. GREG LACONSAY -Si Gregorio “Greg” C. Laconsay (ipinanganak noong 12 Marso 1931) ay isang
Ilokanong patnugot at manunulat sa Pilipinas. -Isinilang si Greg Laconsay sa Natividad, Pangasinan.

19. GREG LACONSAY SA LARANGAN NG PANITIKAN -Noong 1966, isa siyang punong-patnugot ng
magasing Bannawag[2]. Naging asistenteng-direktor na pang-editoryal siya ng Liwayway Publishing, Inc.,
at nang lumaon ay naging ganap na direktor pang-editoryal ng buong palimbagan ng Liwayway nang
sumapit ang 1977. Nagretiro siya noong 1991. Tumanggap siya ng dalawampu't pitong mga pangunahing
gantimpala at pagkilala mula sa mga samahan sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.[1] Naging kasapi rin
siya sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS).

20. AKDA • Hala, Kuliglig, Kantal MGA TALAHULUGANAN • Iluko-English-Tagalog Dictionary (1993) •
Simplified Iluko Grammar (2005) MGA NOBELANG ILOKANO • Ti Kabusor (1974) • Ti Love Story
niTheresa (1971) • Nalagda a Cari (1951) • Rebelde (1957) • VillaVerde (1959)

21. BENJAMIN M. PASCUAL -Ipinanganak sa Laog, Ilocos Norte. Isinalin niya sa Ingles ang epikong Biag ni
Lam-ang. Marami siyang nasulat na mailkling kuwento sa Iluko at gayundin, nakasulat na siya ng
dalawang nobela sa Iluko. Isinalin rin niya sa wikang Iiuko ang Rubaiyat ni Omar Khayyam. Sila ni Jose A.
Bragdao ang nag-edit ng Pamulinawe, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang
Tagapayo ng Legal ng Gumil, Metro Manila.

22. AKDA •Ang mga Lawin •Ang Kalupi

This study source was downloaded by 100000841601805 from CourseHero.com on 11-12-2022 18:32:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/97501991/Rehiyon-2docx/
23. REYNALDO A. DUGUE -Mula sa Candon, Ilocos Sur, manunulat ng maikling kuwento, tula, nobela,
sanaysay, iskrip sa radio, telebisyon, pelikula at komiks. Nakapaglathala na siya ng mahigit na 300
Kuwento sa Bannawag, Liwayway, Pambata, Parent’s Diges, Asia Magazine, observer, Sagisag, Focus
Philippine at Giliw Magasin. Premyadong manunulat-tumanggap ng gantimpala mula sa GRAAFIL at
Palanca Memorial Awards for Literature, GUMIL at iba pa.

24. AKDA • Ang Gamugamo sa Lampara ni Julio Madarang • Kandong

25. ROGELIO A.AQUINO -Ipinanganak sa Tucalana, lalo, Cagayan. Opisyal sa GUMIL Filipinas at
pangalawang-pangulo ng GUMIL, Metro Manila. Umani siya ng maraming gantimpala sa mga paligsahan
sa pagsulat sa Panitikang Iiuko.Tampok sa kanyang mga sinulat ang nobelang may pamagat na Ragadi
(Lagari)

26. AKDA •Ragadi •Sugat sa Dibdib ng Lupa

27. IBA PANG MGA MANUNULAT • Marcelino Fororda Jr • Facundo Madriaga • Arnold M. Azurin •
Pelagio Alcantara • Danilo Consumido • Benigno Ramos • Manuel Domingo Berosa

28. “Ang Panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng ka-salukuyan sa
nakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating na may lakas at talion.” -Estelita C. Aputan

29. MARAMING SALAMAT ☺ PAGPAPALA!

This study source was downloaded by 100000841601805 from CourseHero.com on 11-12-2022 18:32:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/97501991/Rehiyon-2docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like