You are on page 1of 7

1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9


Activity Sheet No. 7.1
First Edition, 2020

Published in the Philippines


By the Department of Education
Region 6 – Western Visayas

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

This Learning Activity Sheet is developed by DepEd Region 6 – Western Visayas.


ALL RIGHTS RESERVED. No part of this learning resource may be reproduced or
transmitted in any form or by any means electronic or mechanical without written permission
from the DepEd Regional Office 6 – Western Visayas.

Development Team of EsP Activity Sheet

Writer/s: Amor L. Avila

Illustrator/s: Eldiardo E. de la Peña

Layout Artist/s: Antonio O. Rebutada

Schools Division Quality Assurance Team:


Claudia T. Villaran
Gethel A. De Guzman
Jona S. Demaraye
Marineth I. Villena
Division of Escalante City Management Team:
Clarissa G. Zamora, CESO VI
Ermi V. Miranda, PhD
Ivy Joy A. Torres, PhD
Jason R. Alpay
Alma C. Sinining
Regional Management Team
Ma. Gemma M. Ledesma,
Dr. Josilyn S. Solana,
Dr. Elena P. Gonzaga,
Mr. Donald T. Genine
Mirriam T. Lima

2
Introductory Message

MABUHAY!

Ang EsP 9 Learning Acivity Sheets na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Bacolod sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6- Kanlurang Visayas at sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management Division. Inihanda ito
upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral
na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan
at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na
may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning Facilitator:

Ang EsP 9 Learning Acivity Sheet na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Para sa mga mag-aaral:

Ang EsP 9 Learning Acitivity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan, pangunahing
layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.
Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto nga bawat gawain.

3
Learning Activity Sheets
Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 9

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at


Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad


ng tao at paglilingkod. (Week 5a/ EsP9TT-IIe-7.1)

PANIMULA

Ano ba ang kahulugan ng paggawa? Bakit ito mahalaga para sa isang tao?
Karapat-dapat bang maunawaan ng lahat ang tunay na esensiya ng paggawa?

Ang pagawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,


pagkukusa, at pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi, ay
magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay. Halimbawa, ang isang karpintero
na gumawa ng isang mesa ay nakapagbigay ng isang saysay sa kahoy na
kaniyang ginamit upang maging kapaki-pakinabang para sa tao. Kung wala ang
mga ito, ang kilos ay hindi matatawag na paggawa.

Bilang kabataan, nagsisimula na marahil mabuo sa iyo ang pananaw sa


paggawa bilang reyalidad ng buhay: isang bagay na hindi matatakasan at
kailangang harapin sa bawat araw. Sa pagdaan ng panahon, matutuhan mo kung
bakit mahalagang kilalanin ang paggawa bilang malaking bahagi ng iyong pag-
iral bilang tao. Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may
pananagutan(Esteban,S.J.2009).

Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education,” ang paggawa ay


isang aktibidad o gawain ng tao. Maaari itong mano-mano, katulad ng paggawa

4
ng bahay. Maaari rin itong nasa larangan ng ideya, katulad ng mga nag-iisip ng
patalastas o anunsiyo para sa mga produkto at komersiyal o pagsulat ng aklat. Ito
ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng
kapuwa. Kung tayo ay gumagawa, hindi tayo gumagalaw o kumikilos lamang tulad
ng hayop o makina. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa. Ang paggawa
ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute for Development
Education,1991).

Ang paggawa ay anumang gawain - pangkaisipan man o manwal, anuman


ang kalikasan o kalagayan nito, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng
Diyos. May mga bagay na inilaan na gawin ng tao dahil siya ay bukod-tanging
nilikha.

Sa lahat ng mga nilikhang may buhay, tanging ang tao lamang ang inaatasan
ng mga gawaing ginagamitan ng talino. Hindi katulad ng hayop na gumagawa
lamang kapag ginagabayan o inaatasan ng tao o maaaring gumagawa lamang sila
sa dikta ng kanilang instinct upang matugunan ang kanilang pangangailangan. At
sa pamamagitan ng paggawa, napatutunayan ang isang pang dahilan ng pag-iral
ng tao - ang pagiging bahagi ng isang komunidad, ang gumawa hindi lamang para
sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang kapuwa at sa pag-unlad nito.

MGA SANGGUNIAN

K-12 Learners Material sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9, pahina 102 – 103.

MGA GAWAIN

A. Mga Panuto Batay sa Sanggunian

• Basahing mabuti ang bawat babasahin.


• Sundin ang lahat ng direksyon at panuto na nakasaad sa bawat pagsasanay
• Sagutan ang lahat ng pagsusulit at pagsasanay

5
B. Pagsasanay/Aktibidad

Gawain:
Panuto:

Suriing mabuti ang tanong na nasa loob ng kahon. Kopyahin ang Graphic
Organizer sa inyong kwaderno at isulat sa mga bilog ang inyong nagging
kasagutan.

C. Mga Batayang Tanong

1. Bakit kailangang maghanapbuhay ang tao?

2. Ano kaya ang layunin ninyo sa pagpili ng inyong mga dahilan kung bakit
ang tao gumagawa?

3. Sa inyong palagay, sapat na baa ng mga layunin ng tao sa trabaho na


kumite ng pera?

4. Ano ang higit na makapagbigay ng kaganapan sa tao tungkol sa


paggawa?

6
REPLEKSIYON

Bilang mag-aaral, mahalaga ba para sa iyo ang paggawa? Ano ang maitutulong nito
tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao, gaya ng dignidad ng tao at
paglilingkod? Alina ng mas mahalaga, ang kaligayahan sa paglilingkod o ang kumite
ng pera para makatulong sa pamilya?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO

(Iba-Iba ang sagot ng mag-aaral)

You might also like