You are on page 1of 6

DE GUZMAN, PATRICK P.

BSIT 1-C

KOMFIL

A. Mga Tanong Gabay sa Pag-aaral:

1. Ano ang Komunikasyon?


*Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagpapahayag, pagbabahagi o pagpapalitan ng ideya o
impormasyon sa anumang paraan na nais.
2. Ano ang kahalagahan ng Komunikasyon?
*Ito ay nagbibigay-pagkakataon naibahagi ng tao sa kanyang kapwa ang
kanyangnadarama.Nagkakaroon ang tao ng ganap na kabatirantungkol sa sariling pagkatao
batay sa perspektiba Napaglalapit ng komunikasyon ang mga pusongmagkakalayo kahit sa
espasyo, dingding, tubig o puloman.
3. Paano mo masasabi na epektibo ang isang pakikipagkomunikasyon?
* Masasabing epektibo ang isang komunikasyon kung ang mensahing ipanapadala ng sender
ay naintidihan ni receiver.
4. Ano ang mga uri ng Komunikasyon?
* Berbal na Komunikasyon – ito ay gumagamit ng makabuluhang tunog at sa pamamagitan ng
pagsalita. Ito rin ay tumutukoy sa pagpaparating ng mensahe o ideya sa pamamagitan ng
salitang nagpapakita ng mga kaisipan.
* Di-Berbal na Komunikasyon – tumutukoy sa pagpapalitan ng mensahe sa pamamagitan ng
kilosng katawan at ang tinig na iniaangkop na sa mensahe.
5. Ano ang naitutulong sa atin ng isang mabisang pakikipag
komunikasyon?
* Naibabahagi nito ang mga gusto nating iparating sa bawat ating nakakausap sa pang
arawaraw naten sa buhay .
IBIGAY ANG MENSAHE NG BAWAT LARAWAN

1. Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (Ingles: People Power Revolution), na tinatawag


ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal
ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon.
Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa
diktaduryang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy
Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at
mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na
pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon
Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa EDSA
(Abenida Epifanio de los Santos), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.

2. Sumisimbolo sa Bansang Pilipinas


Ang mga pambansang sagisag ng Pilipinas ay binubuo ng mga sagisag na
kumakatawan sa mga tradisyon at ideolohiyang Pilipino at nagpapahiwatig ng mga
prinsipyo ng soberanya at pambansang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino. Ang ilan
sa mga simbolo na ito ay ang pambansang watawat, ang Great Seal, ang Sagisag ng
Republika ng Pilipinas at pambansang salawikain na nakasaad sa Flag and Heraldic
Code of the Philippines, na kilala rin bilang Batas Republika 8491.Sa Saligang Batas ng
Pilipinas, ang wikang Filipino ay nakasaad bilang pambansang wika ng Pilipinas.Bukod
sa mga nakasaad na mga simbolo sa Saligang Batas at sa Batas Republika 8491,
mayroon lamang anim na opisyal na pambansang simbolo ng Pilipinas na ipinatutupad
sa pamamagitan ng batas, tulad ng sampaguita bilang pambansang bulaklak, narra
bilang pambansang punong kahoy, ang agila ng Pilipinas bilang pambansang ibon,
Pilipinas perlas bilang pambansang hiyas, arnis bilang pambansang sining at laro at
ang Filipino Sign Language bilang pambansang sign language. Sa kabuuan, may
labindalawang opisyal na pambansang simbolo ang isinabatas sa Pilipinas.May mga
simbolo na tulad ng kalabaw (pambansang hayop), mangga (pambansang prutas) at
anahaw (pambansang dahon) na malawak na kilala bilang mga pambansang simbolo
ngunit walang mga batas na kumikilala sa mga ito bilang opisyal na pambansang mga
simbolo. Ayon sa mga dalubhasa sa kasaysayan, kahit na si Jose Rizal na itinuturing na
pambansang bayani ay hindi pa opisyal na nakadeklara bilang isang pambansang
bayani sa anumang umiiral na batas ng Pilipinas. Bagaman noong 2003, si Benigno
Aquino, Jr ay opisyal na idineklara ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang isang
pambansang bayani sa pamamagitan ng isang executive order.Ang Pambansang Artist
ng Pilipinas ay isang ranggo o isang titulo na iginagawad sa isang mamamayang
Pilipino bilang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa mga sining at literatura ng
Pilipinas at hindi sila itinuturing bilang pambansang simbolo na kumakatawan sa mga
tradisyon at mithiin.

3.Bayanihan
Makikita sa larawan na nagbabayanihan ang bawat isa upang maihatid o mabigay ang
tulong sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong pagkain gamit o ano
paman.

4.Dulot ng Bagyo sa Mamamayan


Kita sa larawan ang mga nasalantang bahay,ariarian,Negosyo ng mga mamamayan sa hagupit
ng bagyo sa kanilang bayan o lugar makikita na malaking kawalan ito sa kanila para sa
kanilang pang arawaraw walang matutulugan walang makukuhanan ng pangangailanagn ang
bawat isa sa kanila makikita din dito na halos wala nang itinira sa kanila na
mapapakinabangan pa ng bawat isa .
PT 1

Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat gawain.


I. Ipaliwanag ang pagkakaina ng Intrapersonal, Interpersonal at Pampubliko ayon sa
iyong
pagkaunawa.

INTRAPERSONAL
Ang taong may talinong intrapersonal ay natututo sa pamamagitan ng damdamin,
halaga, at pananaw.
Ang talinong intrapersonal ay kaugnay ng kakayahan na masalamin ang kalooban at
magnilay. Karaniwang malihim at mapag-isa o introvert ang taong may talinong
ganito. Malalim ang pagkilala niya sakanyang angking mga kakayahan at kahinaan.
Ang mga larangang kaugnay nito ay pilosopiya, sikolohiya, teolohiya, marine biology,
abogasya, at pagsulat.

INTERPERSONAL
Ang interpersonal na talino naman ay ang talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan
sa ibang tao.
Pakipagtulungan at pakikiisa sa isang pangkat ang karaniwang kakayahan ng taon may
talinong interpersonal. Ang taong may mataas na interpersonal intelligence ay
kadalasang bukas sakanyang pakikipagkapwa o extrovert. Siya ay sensitibo at mabilis
na nakatutugon sapagbabagong damdamin, motibasyon, at disposisyon ngkapwa.
Mahusay siya sapakikipag-ugnayan at may kakayahang mailagay ang sarili sa
sitwasyon ng iba o may empathy sa kapwa.
Siya ay epektibo bilang pinuno o tagasunod man. Kadalasan siya’y nagiging tagumpay
salarangan ng kalakalan, politika, pamamahala, pagtuturo o edukasyon at social work.

PAMPUBLIKO-Tumutukoy naman ito sa mas malaking bilang ng mga tao na


nagbabahaginan ng ideya o mga kaisipan at ideyolohiya tungo sa pagkamit ng iisang
layon/layunin.
PT 2

Panuto: Gumawa ng iyong sariling proseso ng komunikasyon ayon sa iyong natutunan.

Ang madiskarteng komunikasyon ay ang layunin ng paggamit ng komunikasyon upang


makamit ang isang partikular na layunin o kinalabasan. Ito ay tungkol sa pagkuha ng
tamang mensahe sa tamang tao sa tamang oras sa pamamagitan ng tamang channel
upang makamit ang isang layunin. Bumuo ng suporta para sa isang partikular na
pagkilos o patakaranItaas ang kamalayan tungkol sa isang partikular na isyu o
patakaran,I-frame at palitan ang pampublikong patakaranImpluwensiya sa pag-uugali
sa isang partikular na paksa o isyuEpekto ng opinyon ng publiko tungkol sa isang
partikular na paksa, isyu, o patakaran,Palakasin ang mga relasyon sa mga tukoy na
madlaUpang makabuo ng isang matagumpay na diskarte sa komunikasyon o plano,
isang serye ng mga madiskarteng desisyon ang kailangang gawin.

You might also like