You are on page 1of 21

KABANATA II

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

Introduksiyon

Tayo’y nabubuhay sa daigdig ng mga impormasyon. Mga impormasyong hango sa


pang-araw-araw na pangyayari sa lipunang ating ginagalawan. Ang mga ito’y ating
natatanggap nang personal o impersonal. Sa paghatid at pagtanggap ng mga
impormasyon, nagkakaroon ng tinatawag na komunikasyon – isang prosesong
naglalayong magkaunawaan ang mga tao.
Likas sa atin ang pagpapahalaga sa mga impormasyong natatanggap, ito man ay
mula sa aklat o sa internet. Kaugnay nito, nararapat na tayo’y maging mapanuri. Ayon
nga sa isang kasabihan, “Ang taong naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.”
Sa ibang salita, hindi lahat ng naririnig at nababasa nating mga impormasyon ay dapat
tanggapin agad. Kailangan nating maging mapanuri upang makaiwas sa kapahamakan.
Sa hangarin nating makakuha ng kapaki-pakinabang na impormasyon, nagiging
mapili tayo sa mga batis o daluyan ng karunungan na gagamitin. Lalo na sa
kasalukuyan, halos lahat ng mga impormasyong kinakailangan ay makukuha agad sa
simpleng pagpindot lamang sa keyboard ng kompyuter, laptap, cellphone, at iba pang
gadyet. Sa panahong digital, lalong higit na kailangan ang pagpili at pagklasipika ng
mga impromasyong totoo at huwad.
Sa hangaring magabayan ang mga mag-aaral sa tamang pagpoproseso ng mga
impormasyon ay inihanda ang kapaki-pakinabang na mga aralin sa kabanatang ito.
Matutunghayan dito ang mga butil ng karunungan na makatutulong sa mga mag-aaral
para maging mapili at mapanuri sa pangangalap ng mga impormasyon.

Pangkalahatang Layunin:
1. Mapalalim ang kaalaman sa katuturan, elemento, uri at antas ng komunikasyon.
2. Mailapat ang mga kasanayan sa pangangalap ng impormasyon sa sariling
konteksto.

Aralin 1 - KomunikasyoN
Nakikipagtalastasan tayo araw-araw. Isa ito sa ating Gawain upang patuloy
tayong mabuhay, matuto, at matamo ang ating mga pangangailangan. May mga taong
sadyang magaling makipag-usap subalit may iba namang hindi nakukuha ang tugon na
inaasahan sa kausap.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang katangian, elemento, uri at mga antas ng
komunikasyon upang mapabisa pa ang pakikipagtalastasan natin.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang proseso, katangian at elemento ng komunikasyon,
2. Naaanalisa ang mga pahayag hinggil sa proseso, elemento at mga uri ng
komunikasyon, at
3. Nakabubuo ng isang makabuluhang proyekto gamit ang pakikipagtalastasan.

Pagtalakay sa Paksa
Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay tumutukoy sa proseso ng
pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang tao. Dalawang daan ang proseso
nito upang maipakita ang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga taong
nakikipagtalastasan.
Ang komunikasyon ay binubuo ng mga elemento. Ang bawat elemento ng
komunikasyon ay may kani-kaniyang gampanin upang mapahusay ang daloy ng
pakikipagtalastasan. Makikita sa talahanayan ang mga ito. Tunghayan.

Mga Elemento Gampanin sa Komunikasyon

1. Tagahatid Tungkulin ng tagahatid na maging


tagapag-encode ng mensahe. Kung
kaya, responsibilidad niyang mag-isip ng
mensahe na angkop sa konteksto ng
pag-uusap, bakgrawnd ng tagatanggap,
maging ang angkop na daluyan ng
mensahe.

2. Tagatanggap Tungkulin ng tagatanggap na maging


tagapag-decode ng mensaheng
ipinadala ng tagatanggap. Gampanin
niyang unawain nang mabuti ang lahat
ng mensahe at magbigay ng angkop na
tugon.

3. Konteksto Dito nagaganap ang komunikasyon.


Kasangkot dito ang pisikal, sosyal at
kultural na konteksto.

4. Mensahe Ito ang ipinadadala ng tagapaghatid.


Maaaring berbal o di-beral o
pinagsamang berbal at di-berbal.
Kinangailangang napakalinaw ng
pagkakahatid upang makuha ang
wastong tugon.

5. Tsanel/Daluyan/Midyum Ito ang instrumento upang maipadala


nang maayos ang mensahe. Sensori at
institusyonal ang dalawang uri nito.

6. Tugon Pinag-iisipang mabuti ng tagatanggap


batay sa ipinadalang mensahe ng
tapaghatid. Tuwiran, di-tuwiran at
naantala ang tatlong uri ng tugon.
Tuwiran tugon kapag gumamit ng
berbal. Di-berbal naman ang di-tuwirang
tugon samantala, gumagamit naman ng
elektroniko ang naantalang tugon.

Berbal at di-berbal ang dalawang uri ng komunikasyon. Ang berbal na


komunikasyon ay gumagamit ng mga titik. Upang mas maging malinaw at epektibo
ang pagpapahayag, kailangang may kabatiran ang nakikipagtalastasan sa gramatika ng
wika, mga uri ng pagpapahayag maging estilo ng pagpapahayag.
Ang di-berbal naman ay may layuning ulitin ang berbal na pahayag,
komplemento sa isang mensahe, panghalili sa isang berbal na mensahe, nagbibigay ng
diin sa bigat ng tiyak na salita o pahayag at hudyat kung magsasalita na o hindi pa ang
kausap (Austero, C. et al, 2013). Narito ang mga pag-aaral sa di-berbal na
komunikasyon.

Mga Pag-aaral Pokus ng Pag-aaral Mga Halimbawa

a. Proxemics Pag-aaral ito sa Masyadong Malapit =


kahulugan ng distansiya
o pagitan sa mga nag- magkaibigan
uusap.
May sapat na distansiya
= magkatrabaho

b. Chronemics Pag-aaral ito sa oras at Pagtawag ng madaling


panahon. araw sa cellphone =
importante

Pagdating ng huli sa
klase = iresponsable,
hindi interesado

c. Haptics Pag-aaral ito sa Pagtapik sa balikat =


kahulugan ng kumpas pakikiramay o
ng kamay. pakikisimpatya

Panduduro = may utang


o pangmamaliit

d. Kinesics Pag-aaral naman ito sa Pagtango = sang-ayon


galaw ng katawan at
Pagtayo nang matuwid =
ekspresyon ng mukha.
may tiwala sa sarili

e. Objectivs Pag-aaral ito sa Singsing sa


kahulugan ng mga palasinsingan sa kanang
bagay. kamay = kasal na

Pagsuot ng makabagong
damit = sunod sa uso

f. Vocalics Pag-aaral ito sa Pasigaw = galit


kahulugan pagtaas at
pagbaba ng boses o
tinig sa pagsasalita.

g. Oculesics Nakatuon ang pag-aaral Tinging Pailalim = pang-


na ito sa kahulugan ng iinsulto
mata.
Panlalaki ng mata = galit

h. Colorics Pinag-aaralan dito ang Itim na damit =


kahulugan ng kulay. nagluluksa
i. Olfactorics Pag-aaral ito sa Paglagay ng pabango =
kahulugan ng amoy. binata/dalaga/presentable

j. Iconics Nakatuon ito sa watawat= kalayaan


kahulugan ng mga
simbolo.

k. Pictics Nakapokus ito sa galaw Pagsimangot =


ng mukha. nagrereklamo

Ang pagsasama ng dalawang uri ng komunikasyon ay napakabisa upang maging


malinaw, simple, tiyak at buo ang pakikipagtalastasan.
Mayroon namang tatlong antas ng komunikasyon – komunikasyong
intrapersonal, komunikasyong interpersonal at komunikasyong pampubliko.
Nakatuon ang intrapersonal sa pansariling pakikipagtalastasan. Nagaganap naman ang
komunikasyong interpersonal sa pagitan ng dalawang tao o di kaya’y sa pagitan ng
isang tao at maliit na pangkat. Ang komunikasyong pampubliko naman ay nangyayari
sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao (Bernales, R., et al, 2018).

Buod ng Aralin
Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay tumutukoy sa proseso ng
pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang tao. Binubuo ng mga element
tulad ng tagahatid, tagatanggap, konteksto, mensahe, tsanel/daluyan/midyum at tugon.
May dalawang uri ng komunikasyon, ang berbal at di-berbal. Ang berbal na
komunikasyon ay gumagamit ng mga titik. Upang mas maging malinaw at epektibo ang
pagpapahayag, kailangang may kabatiran ang nakikipagtalastasan sa gramatika ng
wika, mga uri ng pagpapahayag maging estilo ng pagpapahayag. Ang di-berbal naman
ay may layuning ulitin ang berbal na pahayag, komplemento sa isang mensahe,
panghalili sa isang berbal na mensahe, nagbibigay ng diin sa bigat ng tiyak na salita o
pahayag at hudyat kung magsasalita na o hindi pa ang kausap. Ang pagsasama ng
dalawang uri ng komunikasyon ay napakabisa upang maging malinaw, simple, tiyak at
buo ang pakikipagtalastasan.

Aralin 2 - Pagpili ng Batis ng Impormasyon


Nagpapakita ng kredebilidad ang pagsulat na may pinagkunan ng datos. Ito ang
nagsasaad na ang isang panulat ay sinaliksik at hindi gawa-gawa lamang kaya higit na
mapagkakatiwalaan. Batid mo ba ang mga uri ng batis ng impormasyon at mga
pamantayan sa pagpili nito?
Sa araling ito, pag-aralan natin ang kahulugan, uri at pamantayan sa pagpili ng
batis ng impormasyon.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nakikilala ang mga primarya at sekundaryang batis ng impormasyon, at
2. Nakabubuo ng sulatin gamit ang mga nakalap na impormasyong primarya at
sekundarya.

Pagtalakay
Tumutukoy ang batis ng impormasyon sa pinagmulan ng mga katunayan upang
makabuo ng mga pahayag ng kaalaman tungkol sa isang isyu, penomenon o
panlipunang realidad (San Juan, D.M., et al., 2018). Nakatutulong ang batis ng
impormasyon upang maipakitang mapagkakatiwalaan at makatotohanan ang inilatag na
ideya pasalita man o pasulat.
Primarya at sekundaryang batis ang dalawang uri ng batis ng impormasyon.
Nakatuon sa orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang
indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang
paksa o penomenon ang primaryang batis ng impormasyon. Samantala, batay naman
sa primaryang batis ang sekundaryang batis.
Makikita sa talahayanan ang mga halimbawa ng dalawang uri ng batis na kinuha
mula kina San Juan, D.M., et al., (2018).
Primaryang Batis Sekundaryang Batis

Harapang ugnayan sa kapuwa-tao Teksbuk

*pagtatanong-tanong Encyclopedia

*pakikipagkuwentuhan Diksyonaryo

*panayam Manwal at gabay na aklat

*pormal o impormal na talakayan


*umpukan

*pagbabahay-bahay

Mula sa mga materyal na nakaimprenta sa Komentaryo


papel na may kopyang elektroniko
*awtobiyograpiya Sanaysay

*talaarawan Sipi mula sa orihinal na pahayag

*sulat sa koreo at email Abstrak

*tesis at disertasyon

*sarbey

*artikulo sa journal

*balita sa radio, diyaryo at telebisyon

*mga record sa tanggapan ng pamahalaan

*orihinal na dokumento

*talumpati at pananalita

*larawan at iba pang biswal na grapika

May mga nararapat ding tandaan sa pagpili ng batis ng impormasyon. Makikita sa


talahanayan ang mga pamantayan sa pagtataya ng mga impormasyong nakalap mula
sa www.scribd.com/presentation.

Pamantayan sa Pagtataya ng mga Impormasyong Nakalap


Mga Pamantayan Mga Nararapat Tayahin

1. Kabaguhan  Kailan sinulat ang impormasyon o


inilathala?
 Nirebisa ba o ina-update ang
impormasyon?
 Nangangailangan ba ng
kasalukuyang impormasyon o
maaari din bang gumamit ng
matagal ng impormasyon ang
paksa?
 Maa-access pa rin ba ang link na
ginamit?

2. Kahalagahan  May kaugnayan ba sa iyong paksa


o sumasagot sa iyong tanong ang
impormasyon?
 Sino ang inaaasahang tagapakinig
o tagapagbasa ng iyong sulatin?
 Angkop ba sa antas ng awdyens
ang impormasyong nakalap?
 Naghanap ka ba ng iba’t ibang
sanggunian bago mo pinili o ginamit
ang nasabing sanggunian?
 Komportable ka bang banggitin ang
sanggunian sa iyong sulatin?
3. Awtoriti  Sino ang awtor o pinagmulan?
 Ano-ano ang mga kwalipikasyon o
kinasasapiang organisasyon ng
awtor?
 Kwalipikadong bang magsulat ng
paksa ang awtor?
 Mayroon bang impormasyon kung
saan maaaring makontak ang
awtor?
 Nagbibigay ba ng impormasyon
ukol sa awtor o sanggunian ang
pinagkuhanang impormasyon?
4. Kawastuhan  Saan nanggaling ang
impormasyon?
 Gumagamit ba ng sapat na
ebidensya ang impormasyong
nakalap?
 Nirebyu ba o tinaya ang
impormasyon?
 Mabeberipika mo ba ang
impormasyon sa iba pang
sanggunian?

Buod ng Aralin
Ang pagpili ng batis ng impormasyon ay nagpapakita ng kredibilidad ng pagsulat
na may pinagkunan ng datos. Ito ang nagsasaad na ang isang panulat ay sinaliksik at
hindi gawa-gawa lamang kaya higit na mapagkakatiwalaan.
Tumutukoy ang batis ng impormasyon sa pinagmulan ng mga katunayan upang
makabuo ng mga pahayag ng kaalaman tungkol sa isang isyu, penomenon o
panlipunang reyalidad. Nakatutulong ang batis ng impormasyon upang maipakitang
mapagkakatiwalaan at makatotohanan ang inilatag na ideya pasalita man o pasulat.
Primarya at sekundaryang batis ang dalawang uri ng batis ng impormasyon.
Nakatuon sa orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang
indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserbal, o nakapagsiyasat ng isang
paksa o penomenon ang primaryang batis ng impormasyon. Samantala, batay naman
sa primaryang batis ang sekundaryang batis.

Aralin 3 - Pamamaraan ng Pagbabasa/Pananaliksik ng


Impormasyon
Kinakailangang mapananaligan ang tekstong binabasa kaya naman nararapat na
nagtataglay ito ng katotohanan. May mga paraan ng pangangalap ng impormasyon
para maipakita ang katotohanan sa iyong mga datos. Alam mo ba ang mga ito?
Sa araling ito, tatalakayin ang mga paraan ng pagpili ng impormasyon at mga
intrumentong gagamitin.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Natutukoy ang iba’t ibang mga pamamaraan sa pananaliksik ng impormasyon, at
2. Nagagamit sa pagsulat ang kaalaman sa pamamaraan sa pananaliksik ng
impormasyon.

Pagtalakay sa Paksa
Maraming disenyo ang pananaliksik. Kaakibat nito, nagkakaroon ng angkop na
pamamaraan upang maisagawa ito. Ang pamamaraan na pinili ang magiging landas ng
pananaliksik. Ito ang magbibigay ng ideya kung paano katatawanin ang pag-aaral sa
paksa, alin ang dapat tingnan at tanungin at paano dapat tumingin at magtanong
(Salazar, J. & Lim, M.B., 2017).
Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pangangalap ng datos upang
makakalap ng impormasyon.
1. Interbyu o Pakikipanayam. Paraan ng pangangalap ng datos na isinasagawa sa
pamamagitan ng pagtatanong. Maaaring pormal ito o di-pormal. Binibigyan ng mga tala
ng tanong ang taong kapananayamin sa pormal na interbyu upang makapaghanda
nang lubusan ang kapananayamin. Samantala, ang tagapanayam lang ang may alam
sa mga itatanong sapagkat katulad lamang sa nagkukuwento o nagtatalakayan ang
daloy ng interbyu.
Makikita sa talahanayan ang mga nararapat gawin at isaalang-alang sa
pagsasagawa ng pakikipanayam.
Bago ang Habang Nakikipanayam Pagkatapos ng
Pakikipanayam Panayam

 Pumili ng  Dumating nang  Kung naka-video


kakapanayamin. maaga sa lugar na o recorder ay
pagdarausan. itala ang mga
ideya ng napag-
usapan.
 Makipagkasundo  Maging magalang  Ipaliwanag at
sa oras. at sensitibo sa suriin ang resulta.
kinakapanayam

 Pag-isipang mabuti  Gawing kasiya-  Bigyan ng kopya


ang mga siya at kapana- ng output ang
katanungan na panabik ang kinapanayam.
naaayon sa paksa. usapan.
Itala ito ayon sa
pagkakasunod-
sunod.
 Ihanda ang mga  Huwag
kagamitan tulad ng magpaligoy-ligoy
panulat, papel, tape sa katanungan.
recorder, camera at Tumbukin agad
video. ang nais malaman.
 Ihanda ang  Ipakita ang
kasuotan na kawilihan sa
babagay sa pakikinig. Huwag
sitwasyon. pigilan ang
pagsasalita ng
kausap.

 Itala ang mga


napag-usapan. I-
video at kuhanan
ang pag-uusap.
 Magpasalamat sa
kinakapanayam

2. Focus Group Discussion o FGD. Ginagamit ito kung nais makakalap ng


malalimang impormasyon sa maikling panahon tungkol sa ideya at opinyon ng
komunidad sa isang paksa. Ito ay planado sapagkat may balangkas ng mga tanong na
inihanda na nagsisilbing giya sa daloy ng pangangalap ng datos (www.odi.org ).
Binubuo ng 8-12 katao ang pangkat subalit mayroon ding binubuo lamang ng 6
katao. Mayroong tagapagdaloy (moderator) na siyang namamahala sa takbo ng
pangangalap ng datos. Ang mga kalahok ay may magkatulad na backgronnd.
Kailangang piliing mabuti ang mga kalahok upang makapagsalita, makapagbahagi at
makatugon sila sa tanong ng tagapagdaloy maging sa sagot ng kanilang kasamahan
nang hindi naaasiwa.
Narito ang mga hakbang sa pagsasagawa ng FGD (www.herd.org.np)

Bumuo ng pangkat Bumuo ng


Tukuyin ang uri ng
na mamamahala balangkas ng mga
mga kalahok ayon
sa FGD na tanong at pormat
sa kinakailangan sa
binubuo ng ng pagrekord ng
pag-aaral.
tagapagdaloy. mga sagot.
tagapagrekord,

Magsagawa ng Isagawa ang Sanayin ang pangkat


pagtranskriba, GFD. na mamamahala sa
pag-analisa at FGD at subukin din
interpretasyon sa ang binuong
mga tugon ng balangkas
mga kalahok.

May mga nararapat at hindi rin nararapat gawin sa FGD (www.herd.org.np).


Tunghayan ang nasa talahanayan.
Dapat Hindi Dapat

 Gumawa ng balangkas ng mga  Huwag magtanong ng mga


tanong. tanong na nasasagot ng “oo” o
 Magsuot ng kasuotang angkop sa “hindi” sapagkat hindi nagbibigay
pangangalap ng datos. ng daan sa pagpapaliwanag.
 Ipaliwanag sa pangkat ng mga  Huwag magtanong nang sunod-
kalahok na magiging sunod.
kumpedensiyal ang mga  Huwag sabihin o iparamdam na
impormasyong makakalap at
ipaliwanag din kung saan hindi wasto ang sagot ng kalahok.
gagamitin ang makakalap na  Huwag magbigay ng sariling
datos. opinyon, ideya, pananaw o
 Simulan sa mga bukas na tanong karanasan.
ang FGD.  Huwag pigilang magsalita ang
 Pangkalahatan ang mga uunahing kalahok.
tanong upang makapagbigay ang  Kung may nahihiyang magsalita
lahat ng kanilang mga sa mga kalahok, huwag siyang
ideya/saloobin pilitin. Bigyan siya ng sapat na
 Kung may narinig sa kalahok na oras.
hindi pamilyar na ideya o salita,  Huwag ipagsabi pagkatapos ng
tanungin ang kalahok upang mas FGD ang napag-usapan.
maipaliwanag niya ang ideya o
salita.
 Kung magbibigay ng
pangkalahatang sagot ang
kalahok, hikayatin silang mabigay
ng halimbawa
 Kung may nagbibigay ng opinyon
sa pangkat, obserbahan ang iba
pang kalahok kung nakikinig ba
sila
 Purihin at pasalamatan ang mga
kalahok upang maiparamdam sa
kanila na mahalaga at kapaki-
pakinabang ang kanilang
sinasabi.
 Magbigay ng simpatya sa mga
isyu na kanilang sasabihin.
 Maaaring pag-iba-ibahin ang
pagkakasunod ng mga tanong o
hindi naman kaya ay magdagdag
o magtanggal ng tanong ayon sa
pangangailangan.

3. Pagtatanong-tanong. Ito ay isang etnograpikong pamamaraan ng pangangalap ng


datos sa mga pananaliksik sa social science sa Pilipinas. Hikayatin na makilahok ang
mga kalahok, pagkakapantay ng mananaliksik at impormante, naaangkop ang mga
impormante sa mga kinagawian ng pangkat, at mga integrasyon iba pang mga
etnograpikong pamamaraan sa pananaliksik (Pe-Pua, R., 1989).
Mainam namang gamitin ang ganitong pamamaraan sa sumusunod ayon kina
San Juan, D.M. (2018).
a. Ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapaghatid.
Nangangahulugan lamang na maraming kalahok ang mapagkunan ng datos.
b. Ang mga taong may direktang karanasan sa paksang siniyasat ay hindi direktang
matatanong.
c. Ang may kaalaman hinggil sa paksa ay hindi pa tiyak.
d. Ang mga impormasyong nakuha ay nais beripikahin.

4. Sarbey. Ginagamit ito sa malawakang paraan ng pagkuha ng datos o impormasyon


tungkol sa preperensiya, pananaw, opinyon, damdamin at paniniwala.
Maaaring nasa anyo ng inihandang talatanungan o personal na pakikipag-
usap. Ang talatanungan ay tala ng mga planado at pasulat na mga tanong tungkol sa
isang tiyak na paksa. Mga set ng tanong at espasyong sasagutan ang mga bahagi
nito. Kaya naman, itinuturing itong pinakamabisa at pinakamadali. Makikita sa
talahanayan ang kalakasan at kahinaan nito.
Kalakasan Kahinaan

Madaling gawin Hindi maaaring sagutan ng hindi


Madali at hindi magastos marunong bumasa at sumulat.
Madaling itabyuleyt Maaaring makalimutang
Malaya masagutan o sadyang hindi
Makapagbibigay ng kompidensyal sagutan.
na sagot ang mga respondente Maaaring magbigay ng maling
Masasagutan sa oras na gusto impormasyon, sinasadya man o
Higit na akyureyt hindi.
Maaaring hindi sagutan o
masagutan ng respondente ang
ilang aytem.
Maaaring hindi maintindihan ng
respondente ang ilang
katanungan.
Napakalimitado ng pagpipiliang-
sagot ng mga respondente
Upang mapadali at mapahusay ang pagbubuo ng talatanungan, may mga
tagubilin na nararapat naunawaan ng mananaliksik. Narito ang mga sumusunod :
a. Simulan sa talatang nagpapakilala sa mga pananaliksik, layunin ng pagsasarbey,
kahalagahan ng tapat at akyureyt na sagot ng mga respondente, takdang-araw
na inaasahang maibabalik ang nasagutang kwestyoneyr, garantiya ng anonimiti,
pagpapasalamat, atbp.
b. Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksiyon sa pagsagot sa mga tanong.
c. Tiyaking tama ang gramar ng lahat ng pahayag sa talatanungan.
d. Iwasan ang mga may-pagkiling na katanungan.
e. Itala ang mga posibleng sagot bilang mga pagpipilian.
f. Tiyaking nauugnay ang lahat ng mga tanong
g. Iayos ang mga tanong sa lohikal pagkakasunod-sunod
h. Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng kompidensiyal na sagot
i. Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga mahihirap na tanong.
j. Iayos ang mga espasyong pasasagutan sa isang hanay lamang.
k. Panatilihing anonimus ang mga respondente.

5. Pakikipagkuwentuhan. Naisasagawa ito sa pakikipagkuwentuhan sa umpukan ng


mga tao habang isinasagawa ang field work. Walang mga inihandang tiyak na tanong
ang mananaliksik, nakapagbibigay ng berbal at di-berbal na tugon ang mga kalahok, at
nawawalan ng takot at pag-aalinlangan sa pagsagot ng mga tanong ang mga kalahok
ang mga katagian nito (San Juan, D.M. et al., 2018).
6. Pagdalaw-dalaw. Pagpunta-punta ito ng mananaliksik sa komunidad ng mga
kalahok lalo na kung walang sapat na panahon na manirahan ang mananaliksik sa
komunidad.
7. Pakikipanuluyan. Isinasagawa ito upang makakuha nang mas komprehensibo at
mas malalim na impormasyon sa mga respondente (San Juan, D.M. et al., 2018).
Komrehensibo ang impormasyon sapagkat nagkakaroon ng pagkakataon ang
mananaliksik na mamuhay kasama ng mga kalahok. Bunsod nito, nakikisangkot at
nakikilahok siya sa mga gawaing pamayanan kung saan nakapagpapalalim ito sa mga
impormasyong nakalap.

8. Pagbabahay-bahay. Isa itong etnograpikong pamamaraan ng pangangalap ng datos


upang makakuha ng buo, kompleks at malalim na impormasyon (San Juan, D.M. et al.,
2018). Pumupunta sa bahay ng mga kalahok upang makapagmasid, magtanong at
makipagkuwentuhan ang mananaliksik.
9. Pagmamasid. Ito ang pinakalumang paraan ng pag-unawa. Ginagamit ito upang
magkaroon ng paunang kaalaman upang mas mabigyan ng malinaw na direksiyon ang
pag-aaral at makuha ang holistikong impormasyon sa pinag-aaralan. Nagbigay si Gold
(1958) ng apat na uri ng tagapagmasid – ganap na tagapagmasid, ganap na kalahok,
tagapagmasid bilang kalahok at kalahok bilang tagapagmasid.

Mga Instrumento sa Pangangalap ng Datos


Sistematiko ang pananaliksik kaya naman gumagamit ang mga mananaliksik ng
tiyak na isntrumento sa pangangalap ng datos. Iba-iba ang uri ng instrumento sapagkat
nakaayon ito sa disenyo at pamaraan ng pananaliksik.
Sa aklat nina San Juan, D.M. et al. (2018), naglahad sila ng mga karaniwang
instrumento sa pangangalap ng datos. Ang mga sumusunod ay karaniwang instrument.
1. Instrumento sa Pangngalap ng Datos sa Kapuwa-tao. Talaan at gabay na
tanong, pagsusulit at eksaminasyon, talaan sa fieldwork, at rekorder ang apat na
uri ng instrumentong ito.
Mga Uri Mga Katangian

a. Talatanungan at Gabay na Tanong  Tala ng mga tanong pinaghandaan


ayon sa suliranin ng pananaliksik
 Ginagamit sa pangangalap ng
impormasyon tulad ng
pakikipagkuwentuhan, pagdalaw-
dalaw, pakikisangkot,
pakikipanuluyan at iba pang
etnograpikong pamamaraan
b. Pagsusulit at Eksaminasyon  Binubuo sa tulong ng mga eksperto
 Ginagamit sa pagsukat ng
kaalaman, kakayahan, aktitud at
kilos ng mga kalahok
 Ginagamit sa eksperimental na
disenyo ng pananaliksik sa
sikolohiya, sosyolohiya, edukasyon
gayundin sa case study at
pagtatasa ng kasanayan ng mga
mag-aaral sa wika, pagsulat ng
sanaysay at pagtatalumpati.
c. Talaan sa fieldwork  Talaan tao, bagay, lugar at
pangyayari na may kaugnayan sa
pananaliksik gayundin ang iniisip,
agam-agam, repleksiyon at
napagtanto ng mananaliksik.
 Ginagamit sa pagsulat ng mga
impormasyong hindi nakuha ng
elektronikong rekorder.
 Mainam ding gamitin sa pagberipika
ng mga impormasyon.
d. Rekorder  Maaaring audio o video.
 Kinakailangan ito sa FGD at minsan
kailangan din sa
pakikipagkuwentuhan, pagdalaw-
dalaw at pakikipanuluyan.
 Ginagamit ito sa pagrekord ng
usapan ng mananaliksik at kalahok
kung mayroong pahintulot ng huli.
 Nakapagdudulot ng agam-agam at
panghihinalasa kalahok na
magbahagi nang bukal sa loob lalo
na sa mga nakaranas na ng pang-
aabuso, pagmamalabis, o
pagsasamantala sa pampubliko o
pribadong institusyon.

2. Pangangalap ng Impormasyon mula sa Aklatan. Matatagpuan sa aklatan ang


mga libro, journal, magasin, diyaryo, tesis, encyclopedia, diksyonaryo, globo at
iba na nasa anyong papel at elektroniko.
Mga Paalala sa Paghahanap ng Batis ng Impormasyon sa Aklatan
a. Alamin ang aklatan na katatagpuan ng kinakailangang batis ng
impormasyon.
b. Gumawa at magpadala ng sulat sa kinauukulan kung mananaliksik sa
aklatan ng ibang paaralan, kolehiyo o unibersidad na nagsasaad ng
pahintulot sa gagawing pananaliksik ng batis ng impormasyon. Sa
ganitong paraan din, magkakaroon ng kabatiran ang mananaliksik sa mga
protokol at patakaran ng aklatan.
c. Alamin naman ang kahingian bago makagamit ng aklatan kung hindi
kinakailangan ang pahintulot tulad sa mga pampublikong aklatan.
d. Magsagawa ng pagrebyu sa sistemang Dewey Decimal at sistemang
Library of Congress dahil ito ang mga madalas gamiting klasipikasyon ng
mga aklat. Maging pamilyar din sa lokasyon ng pangkalahatang
sanggunian, aklat Filipiniana, natatanging koleksiyon, serials, tesis at
disertasyon, microforms, materyales na audio-visual/miultimidya, at iba
pa.
e. Basahin nang matiyaga at mabilis ang material sapagkat ipinagbabawal
ang pagpa-photocopy ng buong aklat, tesis at disertasyon.
f. Gumamit ng Online Public Access Catalog (OPAC) para sa mabilis na
paghahanap ng sanggunian.
g. Maghanap din sa online lalo na sa mga journals, e-books, e-databases,
iba pang batis ng impormasyon.
3. Pangangalap ng Datos mula sa mga Online na Materyal. Makikita sa internet
ang mga artikulo sa journal, balita sa online news at account ng karanasan sa
blog.
Napakaraming e-journal ang mababasa sa internet ngayon. Isa na rito ang
Philippine E-Journals Database. Naririto ang sumusunod na mga journal na
makikita rito:
a. Daloy
b. Dalumat
c. Hasaan
d. Layag
e. Malay
f. Katipunan (https://journals.ateneo.edu/ojs/katipunan)
g. Daluyan (http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf)
h. Social Science Diliman
(http://journals.upd.edu.ph/index.php/socialsciencediliman)
i. Humanities Diliman (http://journals.upd.edu.ph/index.php/humanitiesdiliman)
May mga online news sites naman mapagkukunan din ng batis ng impormasyon.
Naririto ang mga kilala at matagal ng kumpanya ng midya sa bansa:
a. ABS-CBN (http://news.abs-cbn.com)
b. GMA 7 (http://www.gmanetwork.com/news)
c. PTV (https:www.ptvnews.ph)
d. CNN (http://cnnphilippines.com/news)
e. Philippine Daily Inquirer (www.inquirer.net)
f. Manila Bulletin (https:mb.com.ph)
g. Philippine Star (https://www.philstar.com)
h. Manila Standard (http://manilastandard.net)

4. Pangangalap ng Impormasyon mula sa Pangmadlang Midya. Ang


pangmadlang midya ay kinabibilangan ng radyo, magasin, telebisyon, pelikula at
internet. Nahaharap ito sa isyu ng kredibilidad sapagkat napabibilang sa
komersiyalisasyon.
Narito ang mga gabay upang matukoy na walang kinikilingan ang
pangmadlang midya:
a. Walang kinikilingang tao, grupo o oraganisasyon
b. Umaamin o pumupuna sa sariling pagkakamali sa pamamagitan ng komento
c. Hindi nagpapalabas ng propagandang nakapagpapaganda sa pangalan ng
tao, grupo o institusyon

Buod ng Aralin

Maraming pamamaraan ng pagbabasa o pananaliksik ng impormasyon. Kaakibat


nito, nagkakaroon ng angkop na pamamaraan upang maisagawa ang pananaliksik. Ang
pamamaraan na pinili ang magiging landas ng pananaliksik. Ito ang magbibigay ng
ideya kung paano katatawanin ang pag-aaral sa paksa, alin ang dapat tingnan at
tanungin at paano dapat tumingin at magtanong.
Kabilang sa mga paraan ng pangangalap ng datos upang makakalap ng
impormasyon ang mga sumusunod: interbyu o pakikipanayam, Focus Group
Discussion o FGD, pagtatanong-tanong sarbey, pakikipagkuwentuhan, pagdalaw-
dalaw, pakikipanuluyan, pagbabahay-bahay, at pagmamasid.
Ang mga instrumento sa pangangalap ng datos ay sistematiko. Kaya naman,
gumagamit ang mga mananaliksik ng tiyak na instrumento sa pangangalap ng datos.
Iba-iba ang uri ng instrumento sapagkat nakaayon ito sa disenyo at pamaraan na
pananaliksik.

Aralin 3 - Pagbubuod at Pag-uugnay ng Impormasyon

Kinakailangan sa isang pagsulat ang may kalinawan at kakipilan upang mas


mailahad nang mahusay ang mga nakalap na impormasyon. Nakatutulong nang malaki
ang kaalaman sa pagsasagawa ng pagbubuod ng mga nasaliksik na impormasyon
upang malahad nang maikli ngunit malinaw at buo ang mga datos. Alam mo ba kung
paano gawin ito?
Sa araling ito, ating aalamin ang mga paraan ng pagbubuod at pag-uugnay ng
impormasyon.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nakapagsasagawa ng pagbubuod sa isang teksto.
Pagtalakay sa Paksa
Ang pagbubuod ng impormasyon ay paraan upang mapaikli ang teksto. Isinusulat
lamang ang pangunahing ideya at mga sekundaryang ideya na isinusulat gamit ang
sariling pananalita. Ang sukat nito ay 1/3 ng teksto sa orihinal na teksto.
Narito ang mga nararapat na tandaan sa pagbubuod:
1. Simulan sa pagsasaad ng uri ng teksto, pamagat, may-akda at pangunahing
ideya. Gumamit ng aspektong imperpektibo.
2. Naglalaman ng kabuuan.
3. Maikli lamang.
4. Sabihin sa sariling pananalita.
5. Bigyang-pansin ang pangunahin at sumusuportang ideya.
6. Iwasang lakipan ng opinyon, interpretasyon at panghuhula.
7. Paghambingin ang tekstong binuod at ang ginawang buod nito.
May mga hakbang sa pagbubuod at pag-uugnay ng mga impormasyon sa teksto
(www.scribd.com).
1. Basahin ang teksto na buBuodin at siguraduhing naunawaan ito.
2. Balangkasin ang teksto. Tukuyin ang mga mahahalagang datos.
3. Sumulat ng unang burador ng teksto nang hindi tinitingnan ang tekstong
binubuod.
4. Sikaping ang haba ng buod ay nasa ¼ lamang ng tekstong binubuod.
Mababasa sa ibaba ang orihinal na teksto at ang ginawang pagbubuod dito.

Orihinal na Teksto
PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim
Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo
Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang
kasalanan kaya hindi kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man,
mayroon silang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na pagislam.
Pinaniniwalaang ito ay pagbibinyag ng mga Muslim. Sa katunayan, mayroon
silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napaloloob sa pagislam, na
ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.
Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita
ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y ginagawa upang dito’y
ikintal na siya’y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan
ni Allah.
Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegudad.
Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng
kanduli, isang salusalo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y
inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita.
Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa
pamayanan. Karaniwang kumakatay ng hayop, kambing o baka. Ito’y tinatawag na
aqiqa, na ang ibig sabihin ay paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.
Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan
ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol.
Inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang
Maguindanao, kapag lumutang ang buhok magiging maginhawa at matagumpay ang
tatahaking buhay ng bata ngunit kapag ito ay lumubog, siya’y magdaranas ng
paghihikahos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam
ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanaon.
Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama sa seremonya ay ang paghahanda ng
buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kakanin, dalawang nilagang itlog ang
pinakamata at pinakalaman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya
ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang
babaeng tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may kaalaman sa
kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig.
Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya.
Ang ikatlo at huling seremonya ay ang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay
nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa
seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at
sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang
pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang
babae na may kaalaman sa kaugalian ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa
araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.

Pagbubuod
Ang pagislam ay pagtutuli ng mga Muslim na isinasagawa sa loob ng tatlong
seremonya. Isinasagawa ang unang seremonya ilang oras pagkapanganak na
ipinaririnig sa sanggol ang pangalan ni Allah. Ang ikalawang seremonya naman na
penggunting o pegudad na isinasagawa pitong araw pagkapanganak na isinasagawa
sa pamamagitan ng paghahandog ng kanduli. Ang panghuling seremonya ay pagislam
na naangyayari sa edad na pito hanggang sampung gulang. Dito nagaganap ang
pagtutuli na pag-aalis ng dumi sa ari.

Buod ng Aralin
Ang pagbubuod at pag-uugnay ng impormasyon ay kinakailangan sa isang
pagsulat nang may kalinawan at kakipilan upang mas mailahad nang mahusay ang
mga nakalap na impormasyon. Nakatutulong nang malaki ang kaalaman sa
pagsasagawa ng pagbubuod ng mga nasaliksik na impormasyon upang malahad ng
maikli ngunit malinaw at buo ang mga datos.
Ang pagbubuod ng impormasyon ay paraan upang mapaikli ang teksto. Isinusulat
lamang ang pangunahing ideya at mga sekundaryang ideya na isinusulat gamit ang
sariling pananalita. Ang sukat nito ay 1/3 ng teksto sa orihinal na teksto.

Mga Sanggunian
Aklat
Austero, C., et, al. (2014). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Manila:
Rajah Publishing House.
Austero, C., et al. (2014). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Manila:
Rajah Publishing House.
Salazar, J. & Lim, M. (2017). Babasahin sa kultural na malayuning
komunikasyon. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.
San Juan, D.M., et al. (2018). Ugnayan: Kontekstuwalisadong komunikasyon

sa Filipino. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing, Inc.

Elektroniko
www.herd.org.np.
www.mypsychologyproject.wordpress.com
www.odi.org

You might also like