You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE


San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 local 101

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10


Disyembre 18, 2022

Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino

I. MGA LAYUNIN: Pagkatapos ng aralin, ang 75% man lang ng mag-aaral ay


inaasahang:

a. natutukoy ang mensahe at layunin na nais iparating ng may-akda sa


kabanata 27;
b. naipapahayag ang saloobin tungkol sa mga pangyayari at usapin sa
kabanata 27; at
c.naisasagawa ang lean or dab bilang tugon sa mga tanong hinggil sa
paksang tinalakay.

II. PAKSANG-ARALIN:
a. Paksa: Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino
b. Sanggunian: Baybayin Paglalayag sa Wika at Panitikan Baitang 10
c. Kagamitang Pampagtuturo at Pampagkatuto: laptop,powerpoint
presentation,wordwall at edpuzzle.
d. Konsepto: Ang magkasalungat na paniniwala at paninindigan ng prayle
at ng Pilipino.
e. Kakayahang dapat linangin sa mga mag-aaral: Pagsasalita,
pakikinig,pagkilos at aktibong pakilalahok sa talakayan.
f. Halagang Pangkatauhan: Pagpahahalaga sa mga Karapatan at
paninindigan bilang isang mamamayan.
g. Metodolihiya: 3 P’s na dulog ( Paghahanda,Pagtatalakay,Paglalapat)

III. PROSESO NG PAGKATUTO:

Oras na Pasunod-sunod na Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral Kagamitan


Ilalaan Gawain
Power point
3 minuto A.Paghahanda presentation
1. Pagbati Magandang buhay!
Magandang buhay rin po.
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 local 101
2. Panalangin Maaari mo bang
pangunahan ang
panalangin sa
umagang ito.
Maylene?

Sa ngalan ng Ama, ng
anak at ng Espirito Santo,
Salamat po panginoon sa
araw na ito. Salamat sa
patuloy na pagtugon sa
aming mga
pangangailangan.
Ngayong araw
dinadalangin po namin
nabuksan mo po ang
aming puso’t isipan upang
lubos namang
mapahalagahan ang mga
mga kaalaman na aming
matututuhan. Sa ngalan ni
Hesus.
Amen!

4 minuto 1. Pagbabalik- Ano ba ang tinalakay


aral natin noong nakaraang
araw, Ashley?

Tinalakay po natin ang


kabanata 26: Ang mga
Paskin

Mahusay!

Maaari mo bang
ikuwento ang mga
pangyayari sa
kabanata 26? Angelo?

Sa kabanatang ito na
pinamagatang ang mga
paskin ay tumutukoy sa
pagkakaroon umano ng
sabwatan ng mag-aaral
laban sa pamahalaan at
simbahan. Ito ay nagdulot
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 local 101
ng pagkatakot sa mag-
aaral dahil kapag
napatunayang sila ay
mayroong kinalaman sila
ay tatanggalin sa
unibersidad at
paparusahan.

Magaling!

Ano-ano ba ang laman


ng paskin na ito?
Michelle.

Ito po ay hitik sa
pagbabanta,pagpugot,
pananalakay,at iba pang
pagtatapang-tapangan.

Tumpak!

Batid ko na naunawaan
ninyo ang nakaraang
tinalakay.

8 minuto 2. Pagganyak Sa puntong ito ay Kagamitan:


magkakaroon muna Wordwall
tayo ng simpleng
gawain.
Mayroon akong
inihandang mga
katanungan at pipiliin
ninyo kung sino ang
tinutukoy sa bawat
tanong.
Malinaw ba ang
gagawin?

Malinaw po.

Mabuti kung gayon!

Ngayon simulan na
natin.
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 local 101
1. Siya ang kasintahan
ni Paulita Gomez.

Isagani

Tama!

2. Siya ay isang
Dominikanong prayle
na mayroong malayang
paniniwala.

Padre Fernandez

Eksakto!

3. Ito ang paaralan na


magtuturo sa mga mag
– aaral ng pag –
unawa, pagsasalita, at
paggamit ng wikang
Kastila.

Akademya ng Wikang
Kastila

Mahusay!

10 minuto 3. Paglalahad ng Batay sa ating ginawa Kagamitan:


Aralin ito ay mayroong Power point
kinalaman sa ating presentation
tatalakayin ang
Kabanata 27 ng El
Filibusterismo.
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 local 101
Sa pagkakataong ito ay
kailangan ko ng 3 mag-
aaral upang gampanan
ang katauhan ni Padre
Fernandez, Isagani at
ang tagapagsalaysay.
Bilang Padre
Fernandez at bilang
Isagani kayo ay
magkakaroon ng pag-
uusap at ang
tagapagsalaysay
naman ang
magbabasa kung ano
ang susunod na
mangyayari.
Sino ang gustong
gumanap bilang Padre
Fernandez? Michael.
Si Andrew naman ang
gaganap bilang Isagani
at si Charlotte naman
ang tagapagsalaysay.
(ang tatlong mag-aaral ay
mahusay na
ginagampanan ang mga
tauhan na kanilang
ginagampanan at ang
ibang mag-aaral ay
pinapakinggang mabuti
ang daloy ng kuwento.)

Palakpakan natin ang


inyong kaklase sa
mahusay na pagganap
sa mga tauhan.

(ang mag-aaral ay
masayang
pumapalakpak)

20 minuto B. Pagtatalakay Ngayon, ating tuklasin


ang Kabanata 27: Ang
Prayle at ang Pilipino.
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 local 101
Narito ang
mahahalagang tanong.

1. Bakit labis na
iginagalang ni
Isagani si Padre
Fernandez? Moira.

1 Sa aking pagkaaalam
kaya labis na ginagalang
ito ni Isagani sapagkat si
Padre Fernandez po ay
bukod tanging kurang
dominikano na mayroong
magandang asal.
Magaling!

Ano ang punto na


nais iparating ni Padre
Fernandez? Joseph.

Para po sa akin, ang


punto na nais iparating ni
Padre Fernandez na ang
karunungan ay
ipinagkakaloob lamang sa
karapat-dapat at hindi sa
mga taong kapos sa
wastong asal.
Mahusay!

Sumasang-ayon ba
kayo sa sinabing iyan ni
Padre Fernandez?
Mike.

Para po sa akin ay hindi


ako sumasang-ayon
sapagkat lahat po ay
mayroong karapatang
matuto. Wala sa
kalagayan ng isang tao
upang hindi siya
pagkalooban ng
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 local 101
edukasyon.

Magaling!

Mayroon ka bang
karagdagan? Susan.

Ang edukasyon ay
karapatan ng bawat
Pilipino at hindi dapat
maging hadlang ang
kahirapan o
kamangmangan para
ipagkaloob ang
karunungan. Dapat
magkaroon ng
pagkapantay-pantay sa
larangan ng edukasyon.
Dahil naniniwala po ako
na ang karunungan at
magandang edukasyon
ay para po sa lahat.

Tama!

Ano ba ang mensahe o


layunin ng may-akda
na nais iparating ng
kabanatang ito? Joe.

Ang nais iparating ng


may- akda sa kabanatang
ito na noong panahon ng
kastila ay mayroon naman
palang mabubuting prayle
subalit wala silang lakas
ng loob na ipagtanggol
ang mga Indiyo sapagkat
sila ay hawak ng
simbahan at pamahalaan
at natatakot na ipatapon o
patalsikin sa puwesto.

Napakahusay!

Mayroon ka bang
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 local 101
karagdagan? Francis.

Karagdagan po sa sinabi
ng aking kaklse, ang nais
iparating po ng may-akda
na wala po sa edad o
katayuan sa buhay ang
pagiging tama o nasa
katuwiran. Hindi
naibibigay ng edad ang
pagkamulat bagkus ang
mga karanasan at
pinaniniwalaan ang
siyang ugat ng pagiging
matuwid.

Napakagaling!

Mayroon ba bang
katanungan o nais
linawin?
Wala na po.

5 minuto 4. Pagpapaha- Mahusay!


laga

Ngayon, magbigay ng
isa o tatlong salita na
inyong natutuhan sa
ating tinalakay.

Sige po, Marian.

Paninindigan

Magaling!

Marco.
Pagmamalasakit at pag-
unawa

Mahusay!

Lyka.
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 local 101
Pagmamahal at
pakikipaglaban.

Napakagaling!

Batid ko na lubos
ninyong naunawaan
ang ating paksang
tinalakay!

10 minuto C. Paglalapat Ngayon para masukat


ang natutuhan.
Magkakaroon muna
tayo ng isang gawain.
Tatawagin natin itong
Lean or Dab.
Mayroon akong
ibibigay na tanong at
sasagutin ninyo ito ng
Tama o Mali subalit
papalitan natin ang
Tama ng Lean at Dab
kung mali ang sagot.
Kung sasagot ay
kailangang bukas ang
kamera para makita
ang tugon sa tanong.
Malinaw ba ang
gagawin?
Malinaw po.

Mabuti kung gayon!

Narito ang mga tanong.

1. Katedratiko ang
tawag sa paring
propesor.
(ang mag-aaral ay nag-
lean)

2. Dalawang libo’t
limang mag-aaral ang
naturuan ni Padre Irene
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 local 101
sa mahigit walong taon
ng kanyang pagtuturo.
(ang mag-aaral ay nag-
dab)

3. Isa mga karaingan ni


Isagani ay ang
kagagawan ng mga
prayle ang .
pagkakaroon ng
masamang asal ng
mag-aaral.
(ang mag-aaral ay nag-
lean)

4. Si Padre Fernandez
ay humahanga sa
kabataang malayang
nagpapahayag ng
saloobin.
(ang mag-aaral ay nag-
lean)

5. Si Isagani ay walang
sariling dignidad at
paninindigan.

(ang mag-aaral ay nag-


dab)

Bigyan natin ang


inyong mga sarili ng
Awesome Clap!

1-2-3 clap, 1-2-3 clap


Awesome!
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 local 101

IV. PAGSUSULIT:
Maraming Pagpipilian: I-click ang titik ng tamang sagot.
1. Paano inilarawan si Isagani sa kabanata 27 ng El Filibusterismo?
a. Matapang
b. Masipag
c. Duwag
d. Mapanganib
2. Ano ang mensahe na nais iparating ng may-akda sa kabanata 27 ng El
Filibusterismo?
a. Wala sa lahi at edad ng isang tao ang pagiging matuwid.
b. Ang edukasyon ay para lang sa mayayaman.
c. Pagkakaroon ng pakialam sa mga pangyayari.
d. Ang pagiging matuwid ay namamana sa mga magulang.
3. Anong ang representasyon ni Isagani sa lipunan?
a. Pilipinong sunod-sunuran sa maling pamamalakad ng mga opisyal ng
pamahalaan.
b. Pilipinong may tamang paninindigan sa buhay at may mabuting puso para
sa kapwa.
c. Pilipinong mapaghiganti.
d. Pilipinong may pagmamalasakit sa bayan subalit sarili ang inuuna.
4. Bakit gayon na lamang ang pag-aasam ni Isagani na ipagkaloob sa mag-
aaral ang karunungan?
a. Dahil ang karunungan ang magiging daan upang maiangat ang sarili.
b. Dahil nagbabayad ang mag-aaral ng martikula.
c. Dahil ang karunungan ang susi upang magkaroon ng pagbabago sa
lipunan.
d. Dahil ang karunungan ang mas higit na kailangan kaysa sa magandang
asal.
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 local 101

5. Ano ang pananaw ni Isagani na taliwas sa paniniwala ni Padre Isagani?


a. Ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa karapat-dapat.
b. Ang kakapusan ng wastong asal ay itinuro ng mga prayle sa mag-aaral.
c. Ang pagkakaroon ng kakapusan at kahinaan ay minana sa magulang.
d. May mga kautusan na mabuti ang hangarin subalit nagbubunga ng
masama.
SUSI SA PAGWAWASTO
1.A

2.A

3.B

4.C

5.B
V. TAKDANG ARALIN:

1. Gumawa ng repleksyong papel hinggil sa natutuhan sa kabanata 27 ng El


Filibusterismo .

2. Basahin at pag-aralan ang Kabanata 28,29 at 30 ng El Filibusterismo

Inihanda ni:
JOYCE ABEGAIL Z. SIMBA
BSE-4C

HERMILINA AZAÑES
PROFESSOR
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 local 101

You might also like