You are on page 1of 2

Sabi nila, ang tunay na pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit.

Ganito rin ang


aking paniniwala.Kapag tumibok ang iyong puso, dapat mo itong sundin, may
nakukuha ka mang pagmamahal o wala. Minsan ka lamang mabubuhay, at
masarap na ilabas ang tunay na nararamdaman ng iyong puso. Hindi naman
kapag sinabing pag-ibig, lagi ka dapat may nakukuhang para sa iyo.Kung
minsan, hindi talaga natin makukuha ang pagmamahal na ibinibigay natin sa
mga espesyal sa atin dahil hindi naman ganoon ang nararamdaman nila para sa
atin.Pero hindi ito dahilan upang hindi natin isigaw ang laman ng ating puso.
Kahit gaano man kalaki o kaliit ang pag-ibig na nakukuha mo, dapat mong
ipalaganap ang pagmamahal na nasa loob ng iyong puso.

You might also like