You are on page 1of 1

Kulturang Inilalarawan ng Kwentong Bayan ng mga Igorot; “The Flood Story”

Inilalarawan sa kwentong bayan ng mga Igorot na “The Flood Story” ang paniniwala ng
mga Pilipino. Bagamat nakalaya na ang mga Pilipino mula sa mga Espanyol, nag iwan parin ng
mga bakas ang mga ito sa pamumuhay ng mga Pilipino. Isa na rito ang Kristianismo na
hanggang ngayon ay laganap na laganap parin.
Kitang- kita ang pagkakatulad ng kwentong bayan ng mga Igorot sa kwento sa Bibliya ukol sa
pagbaha sa buong mundo sa panahon ni Noah. Ang pagkakaiba nga lamang ay sa kwento ng mga
Igorot, walang barkong sinabi at dalawang tao lamang ang natirang buhay. Samantalang sa
Bibliya, natira ang buong pamilya ni Noah at ang ibang hayop ng bawat kasarian. Magkaiba rin
ang dahilan ng pagbaha, na kung saan sa kwento ng mga Igorot, binagbaha ng dalawang
magkapatid na anak ni Lumawig ang kalupaan upang magkaroon ng mga bundok at makahuli ng
mga hayop. Samantalang pinagbaha naman ng Diyos ang sanlibutan upang burahin ang
sangkatauhan sa mundo kasama ang mga kasalanan ng mga ito, ayon sa Bibliya.
Bagamat magkatulad ang mga ito, pinapakita lamang dito na iba-iba man ang rehiyon na
pinangalingan ng mga Pilipino at ang kanilang mga dayalekto, hindi maaakila na magkakatulad
sila ng kultura sa paniniwala. Hindi lamang sa mga istorya kun’di pati na rin sa paniniwala sa
isang makalangit na nilalang.

You might also like