You are on page 1of 1

Magandang araw Binibining Hernandez, nais ko lamang purihin, at pasalamatan ang

iyong kagandahang loob bilang isang guro, dahil aking napagtanto na ito ay ginagawa mo
upang kami ay matuto sa paksang iniaabot mo. Pinili mong maging isang guro hindi dahil
sa binibigay nitong sweldo, bagkus inintindi mo kaming mga mag-aaral upang mas lalo pa
naming maunawaan ng husto ang ginagawa mo para sa amin.Tinuturing kitang isang
bayani ng ating bayan, sapagkat ang lahat ng ginagawa mo ay para sa aming kinabukasan
at kabutihan. Huwag kang mag-alala Binibining Hernandez, aking tutularan ang isang
tulad mong hindi makasarili sa ating inang bayan, ang pagiging guro ay malaking ambag
sa ating lipunan, sapagkat ito ang patuloy na nagtuturo at nagaabot ng edukasyon sa
karamihan sa kanilang pangangailangan upang maging isang edukadong mamamayan.
Aking hihikayatin pa ang iba na maging guro at hindi maging maka sarili, Ipakikilala ka
sa karamihan upang ikaw ay magsilbing inspirasyon ng siyang buong diing inaabot ang
kanyang pangarap sa buhay. Alam kong karapat-dapat kang bigyan ng papuri, at
pasasalamat, ang iyong ginagawa ay hindi ko kakalimutan, sapagkat ikaw ang tumulong
sakin mapagtantuan ang tanawin ng maging isang guro. Maraming salamat Binibining
Hernandez, gagawin ko ang lahat upang maging isang mabuting mag-aaral, at hindi ko
sasayangin ang inilaan mong oras at pagsisikap mong pagtuturo sa amin. Isa kang alamat
ng pag-tuturo, sapagkat mas pinili mong pahalagahan ang kalagayan ng mga estudyante
kapalit ng mababang sweldo na kinikita mo sa pag tuturo. Hindi pa dito nag-tatapos ang
aking liham para sa iyo, alam kong hindi sapat ang pagbibigay ng pasasalamat kong
mensahe sa iyong pagtuturo, ngunit ito lamang ang tanging paraan upang maipakita ko
sayo ang nilalaman ng aking puso. Papuri at pasalamat lamang ang maipapakita ko sa
iyo, at sana balang araw mapaltan kopa ito ng higit pa sa papuri at pasasalamat. dahil
bihira makahanap sa isang ordinaryon tao ng ganyang klaseng pag-iisip para intindihin
ang kalagayan na ikabubuti ng iba. Salamat nalang at nandiyan ka Binibini, iyong
ipinakikita ang iyong magandang imahe bilang isang guro. Hindi ko hahayaang dungisan
ng iba ang karera mo bilang guro, at sana ay magpatuloy ka kahit na mababa lang ang
kinikita nito. Nandito lang lagi ako para sumuporta sa lahat ng ginagawa mo, dahil alam
kong layunin mo magturo dito sa mundo kahit na alam mong minsan mahirap hawakan
ang maraming bilang ng iyong mga estudyante. Lahat ng iyong pagsisikap ay para sa
ikabubuti nila, at balang araw sila ang papalit sayo at bibigyan ka ng parangal sa oras na
kanilang mapagtantuan ang ginagawa mo para sakanila. at para na din sa iba. Muli
akong nagpapasalamat Binibini, ngayon palang ay binibigyan kitang parangal dahil sa
pinili mong propesyon na maging guro upang magturo, at kahit alam kong baguhan ka
palang sa iyong trabaho, sana ikaw ay masiyahan parin dito. Ang tanging hiling ko lang
sa’yo ay mag-iingat ka palagi, mahalaga ang isang tulad mo, sana manatili kang masaya
bilang isang guro, at sa buhay mo kasama ang minamahal mo sa buhay, aking Binibini.

You might also like