You are on page 1of 1

May pagbabago bang nangyari sa paglipas ng panahon

Mayro’n bang pinagkaiba ang noon sa ngayon


Mayro’n ba? Mayro’n ba?
Tingnan mo ang ‘yong paligid
Mayro’n ba?

Sa dami ng nagbuwis ng buhay alang-alang sa bayan


Ang kalayaan ba’y ating nabantayan?
Tingnan mo ang paligid mo?
Ang lahat ba ay malaya?
Tingnan mo.

Malaya bang mabuhay nang payapa?


Malaya bang magsabi ng gusto?
Ang lahat ba ay pantay-pantay ng turing?
Walang nasa ibabaw, walang nasa ilalim.

Bayani sa bantayog
Ikaw ay napakatayog
Bumaba ka sa pedestal
Diwa ay gawing bantog

Ano ba ang iyong silbi kung isa kang malaking bato?


Nasaan ang ipinaglaban ng bayaning kamukha mo?
Ang daming bantayog na nagkalat sa daan
Mga bayaning nakamlimutan ang ating ngang ipinaglaban

Bayani sa bantayog
Bumaba ka sa pedestal
Iyong ipaalala sa aming lahat ang ‘yong kabayanihan

Marami sa ating paligid ang buhay na bayani


Marami ring walang konsensya’t walang dangal
Sino ka sa kanila?
Sino ka?
Kahit bata ka pa dapat alam mo na

Piliin ang landas hangga’t maaga


Tayong kabataan ang pag-asa ng bayan
Ika’y Pilipino ‘wag kalilimutan
Talino at lakas ialay mo sa bayan

Piliin ang landas hangga’t maaga


Tayong kabataan ang pag-asa ng bayan
Ika’y Pilipino ‘wag kalilimutan
Talino at lakas ialay mo sa bayan

La-la-la La-la-la La-la-la-la-la-la


La-la-la-la-la-la La-la-la-la-la
La-la-la La-la-la La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la La-la-la-la-la
La-la-la La-la-la La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la La-la-la-la-la

You might also like