You are on page 1of 1

Noong unang panahon sa bayan ng pampangga may dumayong maglalakbay na may ngalang Cielo.

Si
Cielo ay isang pintor at mahilig gumuhit. Sa kanyang pag lalakad sa bayan kanyang napansin ang isang
hardin. Kanyang binuksan ang gate nito at siya ay tumingin tingin kung mayroon bang tao, kanyang
nakita ang isang babaeng may dala-dalang basket na punong puno ng bulaklak. Nag tago si Cielo pero
siya ay nakita ng babaeng may dala-dalang mga bulaklak, “sino ka?” tanong neto, napatayo si Cielo at
nagpakita “Ako si Cielo, isang dayo sa bayan na ito” kanyang tugon “Ahhh ang pintor, ika’y naikwento ng
aking ama. Ikaw ang nag pinta ng mga larawan sa simbahan” paupo niyang sabi. Sasagot sana ang pintor
ngunit may sumigaw na matanda “Binibining Chesah!”, biglang napatayo ang dalaga at kaniyang sinabi
kay Cielo na “Bumalik ka rito sa lugar na ito dahil isa kang pintor turuan mokong mag pinta” siya ay
mabilisang tumakbo na hindi na nakasagot ang pintor. Simula ng araw na yun sila ay araw-araw nang
pumupunta sa hardin at parati ng nag uusap, tinuturuan din ni Cielo si Chesah mag pinta, ito ay nag
tuloy tuloy hanggang limang taon na ang nakalipas. Kanilang nabihag ang isa’t isa, sila ay nag iibigan.
Kanila itong ipinahayag sa magulang ni Chesah ngunit hindi ito pumayag na pwede niyang pakasalan ang
kanilang anak. Hindi pumayag si Cielo at Chesah, pinilit ito ng pintor ng ilang beses, na ito ay umabot ng
isang buwan hanngang napasabi and mga magulang ni Chesah na “Pwede mo siyang pakasalan sa isang
kondisyon, kailangan mong maging mayaman at magbigay ng lupa at ari arian sa amin at aking ibibigay
ang kamay ng aking pinakamagandang anak” natahimik si Cielo ngunit kaniya itong tinanggap “Sige pero
kailangan ko ng isang taon dapat sa isang taon na yun walang niisang lalaki and maaaring humingi ng
kamay ng inyong anak pero pag ako ay di bumalik ng sobra sa isang taon ibig sabihin hindi ako nag
tagumpay.” Sumangayon ang magulang ni Chesah. Nag sabi ng paalam si Cielo kay Chesah “Ako ay
babalik aking mahal, wag ka mag alala at ako ay magtatagumpay”. Umalis ng bayan si Cielo at nag lakbay
patungo sa siyudad, noong una kanyang ginawa ang lahat para yumaman ngunit parati siyang nabigo.
Nang kaniyang namalayan na isang buwan nalang ang natitira siya ay napaiyak at gusto ng sumuko,
ngunit kanyang naalala ang mga memorya niya sa kanyang pinakamamahal na Chesah, nung una silang
nag kakilala, ang mga bagay na ginawa nila at ang memoryang tinuruan niyang mag pinta si Chesah.
Bigla nalang siya napatagil sa pag luha at kanyang naalala na siya ay pintor at maari niyang ibenta ang
kanyang mga gawa. Siya ay nag pinta at nag pinta at nag pinta, pagkatapos kanya itong ipinakita sa mga
tao sa siyudad, marami ang naingganyo at nahanga sa kanyang mga gawa. Mabilis dumaloy ang balita at
napahanga niya rin ang mga magulang ni Chesah, kanila nalang hinihintay ang pag dating ni Cielo. Sa
pagdating ni Cielo siya ay nilusob ng pamilya ni Chesah ngunit siya ay dumiretso sa kanyang mahal. “Ako
ay nagtagumpay aking mahal”, “paano mo nagawa ito lahat Cielo?” tanong ni Chesah habang yakap si
Cielo “Noong una mahirap dahil puro ako nabigo, sobrang lapit ko nang sumuko ngunit naalala kita
binibini, naalala ko ang iyong ganda. Ikaw at ang iyong ganda ang tumulong sakin kaya aking ipinakita sa
buong siyudad kung gaano ka ganda ang binibining aking minamahal”. Sa huli, sila ay nagpakasal, nag ka
dalawang anak na si Dari at Atarah at namuhay ng masaya at mapayapa.

You might also like