You are on page 1of 2

Ma.

Elyza Balasta

BEED – 3B

EED 12 – GAWAIN 1

1. Ano-anu ang iba’t ibang pamantayan sa kurrikulum ng kagawaran?

Ang pamantayan sa kurrikulum ng kagawaran ay nahahati sa tatlo. Ito ay ang


mga:

Pamantayan sa Programa (Core Learning Area Standards) ito ay


kinapapalooban ng ikaunang baiting hanggang sa ikaanim na baiting.

Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto (Key Stage Standards) ito ay


nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang yugto ay mula kindergarten hanggang
ikatatlong baiting (K-3), ang ikalawang yugto nama’y mula ikaapat na baiting
hanggang ikaanim na baiting (4-6).

Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level Standards) sa bahaging ito,


iniisa-isa ang mga pamantayan bawat baitang mula kinder hanggang ikaanim na
baitang (K-6).

2. Bakit mahalaga na alam ng guro ang bawat pamantayan ng kurrikulum lalo na


ang pamantayan sa bawat baitang?

Mahalaga at nararapat na may kaalaman ang isang guro sa nilalaman ng


pamantayan ng kurrikulum sa bawat baitang upang magkaroonisya ng ideya sa
saklaw ng paksang kanyang tatalakayin sa baitang na naitalaga sakanya. Bukod pa
rito, higit na mas mapabubuti ang daloy ng talakayan sapagkat maiiwasan ang
pag-uulit o pagdadagdag ng mga araling hindi nasasakop ng pamantayan.
3. Magbahagi ng kahalagahan ng pagkakaroon ng isang kurrikulum.

Maituturing na mahalaga ang pagkakaroon ng kurrikulum sapagkat ito ay


ang pinakapuso sa sistema ng edukasyon. Ito rin ay batayan sa pagplano ng
anumang proseso pampagtuturo. Ito ang nagsisilbing gabay ng mga guro at mag-
aaral sa pagtuturo at pag-aaral. Ito rin ay tumutukoy sa kabuuang nilalaman ng
pinag-aralan at gawaing ipinapatupad sa buong paaralan.

4. Bakit kailangang pag-aralan ng isang mag-aaral ang asignaturang Filipino?

Dahil dapat kilala natin an gating kultura maliban sa kahit sino. Kahit na pag
minsan ay nakakatamad ang asignaturang ito ay maaari parin tayo matulungan
nito. Upang malaman rin ang kagalingan sa pagsulat at magpagsikapan itong
mapagbuti at mapaunlad. Malalaman rin ng mga bata na marami tayong sining na
hindi pa nakikita ng maraming tao at malay natin maaring maibahagi nila ito.

5. Paano mo hihikayatin ang isang magaaral na kinakailangan nilang pag-aralan


ang asignaturang Filipino dahil kailangan nila ito sa kanilang buhay, Maglahad
ng kaparaanan o plano kung paano mo ito magagamit.

Magkekwento ak tungkol sa mga tanyag na manunulat at magtatanong may


nagustuhan ba sila doon, sino at bakit. Maaari rin na sila ang maghahanap at base
sa kung sino at kilala nila. Magbibigay ako ng maraming aktibidad na
makakapukaw ng kanilang mat at pati na rin ng kanilang isipan.

You might also like