You are on page 1of 6

MODYUL 6

Beverly D. Largueza
BEED III

GAWAIN 5.1
Layunin Gawain Salitang Gamit sa
Paghahanda ng Aytem
Kaalaman Pag-alaala ng detalye, Ilarawan, itala
konsepto, depenisyon,
impormasyon
Komprehensyon Pag-unawa sa mga Ipaliwanag, talakayin,
katotohanan, ideya hanapin
Analisis Pagsusuri ng mga bahagi, Iugnay, tukuyin, kilalanin,
pangyayari at relasyon nito suriin, magbuod
sa isa’t isa
Aplikasyon Pag-aaplay ng mga Ilapat, isagawa, magbigay
natutunan sa sarili halimbawa
Sintesis Pagpapalawak at Lumikha, bumuo,
pagpapaunlad ng idesenyo, iplano, pag-
natutunan gamit ang ugnayin
dating kaalaman at bagong
kaisipan
Ebalwasyon Pagpapahalaga o Pahalagahan, kilatisin,
pagpasya sa isang timbangin, pagpapasiya,
kraytirya o sukatan magtangi

GAWAIN 5.2
1. Ano ang mga layunin sa pagsusulit na iyong sinuri?
Sagot: Ang mga layunin sa pagsusulit na aking sinuri ay ang kaalaman (Ilarawan
ang paksa), komprehensyon (talakayin ang iba’t ibang uri ng paksa), analisis
(kilalanin ang pagkakaiba ng mga paksa), at aplikasyon (magbigay ng halimbawa
ng bawat paksa).
2. Ang mga aytem ba ay pangkomunikatibo? Pangatwiran ang iyong sagot.
Sagot: Ang mga aytem ay pangkomunikatibo sapagkat ito ay nangangailangan ng
pag-iisip/pagbuo ng konsepto o ideya. Ito ay sumusukat sa intelektwal ng mag-
aaral.
3. Talahanayan ng Ispesipikasyon
Kasanayang Bilang ng Porsy Kabuuang Posisyon ng mga Aytem
Pampagkatuto 0ras ng ento Bilang ng
Pagtuturo (%) Aytem Kaalaman Pang- Aplika Pagsu Ebalw Paglik
unawa syon suri asyon ha

▪ Nauunawaan 3 10% 10 3 2 1 1 2 1
at nagagamit
nang may
ganap na
kahusayan
ang mga
batayang
kasanayan sa
pakikinig at
pagsasalita
upang
ipahayag ang
sariling ideya,
kaisipan,
karanasan at
damdamin.
▪ Napapalawak 3 10% 10 2 2 3 1 1 1
ang mga
kasanayan
sap pag-
unawa,
pagpapakahul
ugan,
pagsusuri at
pagbibigay-
halaga sa mga
kaisipan o
paksang
napakinggan.
▪ Nasusuri ang 2 10% 10 1 2 1 3 2 1
mga
impormasyon
upang
makapagbigay
kahulugan ang
mga tekstong
napakinggan.
4. Lagyan ng tsek ang kahong natutugunan ng ginawang Talahanayan ng
Ispesipikasyon.

⁄ May kolum ba na nagtataglay ng mga kasanayang tatayahin?

⁄ May hanay ba na bilang ng aytem na inihanda para sa kasanayan?


Taglay ba ng isa sa mga kolum ang bilang na katatagpuan ng mga aytem

na sumusukat ng kasanayan?
⁄ May kolum ba na naglalahad ng katumbas na porsyento ng bilang ng
aytem?

TSS 5.1
Anu-ano ang kahinaan ng mga sumusunod na pasulat na pagsusulit?
1. Tama/Mali – madaling iwasto/malaman ang kakayahan ng mag-aaral, ngunit
matagal makagawa ng mga aytem.
2. Pagtatapat-tapat – madaling iwasto/kumilala ng ugnayan pero hindi madaling
gumawa ng mga aytem na sumusukat sa pag-iisip.
3. May pagpipilian – madaling iwasto/kumilala ng kakayahang mag-isip at kumilala
ng pinakatamang sagot, subalit mahirap gumawa ng mga aytem na may mataas
na antas ng proseso.

TSS 5.2
1. Ano ang limitasyon ng pagsusulit na pasanaysay?
Sagot: Para sa akin ang limitasyon ng pagsusulit na pasanaysay para sa mga
Guro ay maaaring tumagal sa pagwawasto nito lalo na ang ganitong pagsasanay
ay nasasangkot ng iba’t ibang pananaw ng mga mag-aaral. Ito ay hindi madaling
masukat at mahirap markahan.
2. Paano higit na mapabubuti ang paghahanda ng ganitong pagsusulit?
Sagot: Ang pagsusulit na pasanaysay ay mapapabuti ang paghahanda sa
pamamagitan ng pagpapaloob ng mga pangalan ng mag-aaral, pag-iisip ng mga
mahahalagang ideya o punto na maaaring maging kasagutan upang maging
batayan. Maaari ding maghanda ng kriterya/rubrik sa pagsusulat na sanaysay
upang mapadali ang pagwawasto nito.
GAWAIN 5.3
1. Manaliksik at magsuri ng paraan ng pagsasagawa ng analitik at holistic na
rubrik. Suriin kung paano binuo ang mga ito.
Sagot: Mula sa artikulo na aking nabasa may mga hakbang sa paggawa ng rubrik
(analitik at holistic). Unang una, isipin ang mga kasanayang nauugnay sa layunin
na gagawin ng bata na nais (mong) sukatin/tayahin. Pangalawa, magdesisyon ng
kung anong uri ng sukat ang gagamitin (analitik o holistic). Kung ang gawain ay di
masyadong komplikado, maaaring gamitin ang Holistik rubrik. Ngunit kung ang
mga kasanayan na gagawin ay may maraming nakapaloob na gagawin, kailangan
mo ng Analitik rubrik. Pangatlo, ilarawan ang mga kaugalian na gagawin ng mag-
aaral sa bawat punto ng sukat. Gumawa ng talahanayan batay sa mga kaugalian
o kasanayan na gagawin ng mag-aaral at sa bawat punto o marka ng (iyong) sukat.
Pang-apat, subukin ang rubrik sa mga gawain ng mag-aaral. Mahalagang
masubukan at masiguro na wasto itong sumasalamin sa (iyong) ekspektasyon ng
pagtataya. Kung may dapat baguhin, ay dapat baguhin bago magmarka ng
kabuuan. Panglima, gamitin ang rubrik sa malinaw na pagpaliwanag sa mga mag-
aaral ang nakuhang marka at kung paano ito mapapabuti. At panghuli, gamitin ang
rubrik sa paglilinaw ng mga gawain at mapalago ang pagtuturo. Ito din ay maaaring
makapagbigay ng fidbak bilang guro, kung gaano kagaling ang (iyong) mga mag-
aaral na magampanan ang mga layunin o pamantayan na ibinigay.
2.
Holistik na Rubrik sa Pagbasa ng Pabigkas
Marka Deskripsyon
Napakahusay Nabasa ang teksto o nang una sa
(100%) takdang panahon. Lahat ng salita ay
nabasa nang wasto. Nasagot nang wasto
ang mga katanungan.
Mahusay Nabasa ang teksto o sa takdang
(95%) panahon. Isa hanggang tatlong salita ay
binasa nang mali. May isang pagkakamali
sa pagsagot ng mga tanong.
Di-gaanong Mahusay Nabasa ang teksto o nang lampas ng
(90%) ilang Segundo sa takdang panahon. Apat
hanggang anim na salita ay binasa nang
mali. May dalawa hanggang tatlong mali
sa pagsagot ng mga tanong.
Nangangailangan ng Tulong Nabasa ang teksto o nang lampas ng
(85%) isang minute sa takdang panahon.
Mahigit pitong salita pataas ang binasa
nang mali. May apat pataas na
pagkakamali sa pagsagot ng mga tanong.
3.

Anatitik na Rubrik sa Pagbasa

Napahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


mahusay ng Tulong

Bilis Binasa ang Binasa ang Binasa ang Binasa ang teksto
teksto bago teksto teksto nang nang lampas ng
(3) matapos ang nang ayon lampas ng isang minuto sa
takdang sa takdang ilang takdang panahon.
panahon. panahon. segundo sa
takdang
panahon.

Kawastuhan Lahat ng Isa Apat Pito o higit pang


salita ay hanggang hanggang salita ang di-
(3) binasa nang tatlong anim na nabasa nang
wasto. salita ang salita ang di- wasto.
di-nabasa nabasa nang
nang wasto.
wasto.

Komprehensyon/Pag- Lahat ng Isang Dalawa Apat o higit pang


unawa tanong ay tanong ang hanggang tanong ang di-
nasagot di-nasagot tatlo ang di- nasagot nang
(4) nang wasto. nang nasagot wasto.
wasto. nang wasto.

4. Ano ang kabutihan/kakulangan sa paggamit ng bawat isa bilang pantaya ng


performance?
Sagot: Ang aking napansin sa dalawang klase na rubrik ay nagkaiba ito sa paghanay
ng table pero may pagkakapareho naman ang nilalaman ng mga ito. Ngunit, makikita
na sa Holistik na rubrik ito ay direktahang inilahad ang mga pamantayan habang ang
sa Analitik na rubric, ang mga pamantayan ay binuo pa sa tatlong kasanayan o
ispesipikasyon. Ang Holistic, sinusukat ang gawa ng mag-aaral bilang kabuuan. Ang
Analitik naman, hinahanap at sinusukat ang mga bumubuo ng mga natapos na gawa
ng mag-aaral. Para sa akin, ang dalawang rubrik ay parehong nakakatulong sa
pantaya o panukat ng performance ng mga mag-aaral.
GAWAIN 5.4
1. Anu-ano ang mahahalagang kabatiran/kasanayan ang natutuhan mo sa
araling ito?
Sagot: Ang araling ito ay nagbukas sa aking isipan tungkol sa pagtataya sa klase.
Natutunan ko sa pagtataya, dito nasusukat ang kakayahan at natutunan ng mga
mag-aaral. Dito sa araling ito, natutunan ko na may iba’t ibang uri ng Pantaya
kabilang ang mga pasulat na pagsusulit, pasanaysay, batay sa performans, at
pansariling ulat o iba pang alternatibo. Dito rin sa araling ito, natukoy ko ang iba’t
ibang kahinaan ng mga pagsusulit. At panghuli, natutunan ko ang tungkol sa
dalawang uri ng rubriks. Ito ay ang holistic at analitik.
2. Paano ka magagabayan ng iyong natutuhan?
Sagot: Magagabayan ako ng mga natutunan ko sa araling ito lalo na ‘pag nasa
field na ako ng pagtuturo. Dito ay magkakaroon ako ng kaalaman tungkol sa
pagtataya ng mga estudyante ko. Kung ano ang angkop na pagsusulit ang ibibigay
ko sa kanila at kung paano ko sila mamarkahan sa pamamagitan ng rubriks.

You might also like