You are on page 1of 1

Isang Milyong'Pangarap

Isa, dalawa, tatlo.


At ilan pang 'di mabilang na pagkabigo.
Mahirap at nakakahilo,
Ngunit dahilan ba ito upang tayo'y sumuko?

Pangarap!
Walong letra, isang salita,
Katumbas nito ay mala-gintong halaga.
Anu man ang danasin ay 'di alintana.

Isang milyong' pangarap,


Kaakibat nito ay pagsisikap.
Hindi madali ngunit gagawin ang lahat,
Hindi lang para sa akin kun'di para sa lahat.

Tulad ng araw na sumisikat sa Silangan,


Huwag sumuko, at sabayan pa-Kanluran.
Sa pagkakataong parang 'di na makayanan,
Manalig sa Diyos at siyang gawing sandigan.

Isang milyong' pangarap,


Sa isip, sa puso, at sa gawa.
Edukasyon ang siyang tanging yaman,
Daan sa pag-abot ng pangarap na nais makamtan.

You might also like